karen panitikan

43
ULAT SA PANITIKAN Ipapasa kay: Sir Jessie Fuerte Ipinasa ni: Karen Kate Bernal BSBA

Upload: jo-anne

Post on 02-Jan-2016

292 views

Category:

Documents


16 download

DESCRIPTION

tagalog, panatikan

TRANSCRIPT

Page 1: Karen Panitikan

ULAT SA PANITIKAN

Ipapasa kay:

Sir Jessie Fuerte

Ipinasa ni:

Karen Kate Bernal

BSBA

Page 2: Karen Panitikan

ANG PANAHON NG ANG PANAHON NG AMERICANO (1900-1921)AMERICANO (1900-1921)

Nagkaroon ng hindi mapasusubaliang wakas ang mahigit na 300 taong pananakop ng mga Kastila at masasabing nakatikim ang sambayanang Pilipino ng kalayaang sibil. Lumaya ang isipan at damdamin ng mga Pilipino mula sa malupit na mga dogma at doktrina ng mga Kastila lalo na ang mga pari.

Page 3: Karen Panitikan

Para sa mga manunulat na Pilipino ang pinakamahalagang naganap ay nakakawala sila sa galamay ng kaisa-isang paksang maaari nilang talakayin sa panahon ng Kastila at ito ay pagpuri at pagbibigay karangalan sa relihiyong kristyanismo.

Page 4: Karen Panitikan

Sa ilalim ng batas sedisyon ay hindi sila maaring magsulat ng lantaran ni sa paraang pahiwatig ng kahit na anong makapagpapaalab sa damdaming makabayan laban sa mga Americano. Hindi sila maaaring magsulat ng laban sa kanilang mga layunin sa kanilang pagmamalabis o laban sa kanilang mga layunin na hindi naman pawing sa kapakanang Pilipino.

Page 5: Karen Panitikan

PANAHON NG PAGHAHANGAD NG PANAHON NG PAGHAHANGAD NG KALAYAAN KALAYAAN

Nabigyan ng kalayaan ang mga Pilipino subalit katakatakang may malaking balakid na humadlang sa pagsupling ng panitikang makabayan.

Dula ang ginamit ng mga manunulat upang ipahayag ang kanilang mga “paghihimagsik” na masasaksihan sa “Tanikalang Ginto” ni Juan K. Abad at “Kahapon, Ngayon at Bukas” ni Aurelio Tolentino.

Page 6: Karen Panitikan

PAGTUTURO NG INGLESPAGTUTURO NG INGLES

Mabilis ang pagsulpot ng isang malahiganteng balakid saq malayang pagsibol ng mga kaangkinang katutubo sa halos lahat ng larangan ng buhay-Pilipino ngunit lalung-lalo na sa panitikan. Ito ay ang mabilisan at malawakang pagtuturo at paggamit ng mga Americano ng wikang Ingles sa pamamagitan ng malalaganap nilang paaralang publiko.

Page 7: Karen Panitikan

Dagling naisilid sa isipan at kamalayan ng mga Pilipino lalung-lalo na sa mga kabataan ang mga kaisipan, kakintalan at karanasang isinisigaw ng America at Europe. Ang mga sumusunod and bagong idolo sa Ingles na wika:

oJack ang JilloLittle Miss MuffetoHumpty Dumpty at iba pa

Page 8: Karen Panitikan

ANG ROMANTISISMO SA PANITIKANANG ROMANTISISMO SA PANITIKAN

Naging isang mabisang kasangkapan ng mga Amerikano ang pagpapalaganap ng Romantisismo sa kanilang lahatan at mabilisang pagbabago sa katutubong kamalayang Pilipino. Ang uri ng Romantisismo ng kanluran ay lubhang emosyonal (punong-puno ng luha) malabis ang pagkamoralistiko sadyang sumusumang sa hindi kayaqng abutin ng isipan, dumadakila sa kagandahan at kapqangyarihan ng kalikasan, gumagamit ng matayog na imahinasyon o guni-guni at bumabandila ng tungkol sa kalayaang sarili.

Page 9: Karen Panitikan

Ang panitikang romantiko ay yaong nagbibigay aral batay sa mga ipinangaral ng relihiyong Kristyanismo. Sinasabing ang masama ay pinaparusahan at ang mabuti ay tumatanggap ng karampatang gantimpala.

Page 10: Karen Panitikan

Noong 1900-1921, ito ang panahon ng Aklatang Bayan.

Ang maikling kwento o maikling katha ay isang sangay sa panitkan na nagsasaad ng tungkol sa buhay ng isang pangunahing tauhan o isang bayani ng kwento na may nilutas na isang suliranin at ang kasukdulan ay aabutin sa pagkasumpong ng kalutasan ng nasabing suliranin. Si Edgar Allan Poe ang unang manunulat sa lumikha ng maikling kwento. Siya ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kwento”.

Page 11: Karen Panitikan

MAY 3 KASAYSAYAN ANG MAY 3 KASAYSAYAN ANG MAIKLING KWENTO ITO AY ANG MAIKLING KWENTO ITO AY ANG

SUMUSUNOD:SUMUSUNOD:

oAng Pasingaw at Dagli

oAng mga Alamat, Sala-salaysay, Panga-ngaral at Maikling Kwento

oAng pagsilang ng Maikling Katha

Page 12: Karen Panitikan

Ang maikling kathang tagalog ay matutunton sa nagsupling sa anyo ng panitikang tinatawag na pasingaw. Ito ay kadalasang tungkol sa mga daaalagaaang hinahangaan, nililigawan, sinasamba ng lihim o pinaparinggitan sa dahilang nais tawagan ng pansin ang kapintasan sa paguugali o hitsura. Ang pasingaw ay naging dagli. Sa tiyakang pagbibi8gay ng kahulugan, ang dagli ay isang maikling salaysay sa nanunuligsa.

Page 13: Karen Panitikan

May mga nagsasabi naming ang maikling katha ay nagsupling sa likas na pag aakit ng mga tao sa mga alamat. Ang anyong ito ng panitikan na tumatalakay sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay at mga lugar-lugar ay di maikakailang siyang unang namalas sa mga tao. Kasama narin dito ang mga sala-salaysay ng mga ibat-ibang pangkat ng mga matatanda na posibleng inilulan sa maikling salaysay na nagbibigay aral.

Page 14: Karen Panitikan

Ang pagsilang ng maikling katha ay mahirap tiyakin kung ano ang dagling maituturing unang mailikling katha sa tunay na kahulugan nito.a a Hindi maikakaila na ang panahong iyon ay talagang sumilang na ang kathang kung bagamat tinatawag parin sa ibang pangalan tulad ng dagli, pasingaw, salaysay at kasaysayang pampatawa ay tumutugon narin kahit paano sa katangiang hinihingi ng maikling katha.

Page 15: Karen Panitikan

Ang Tula sa Panahon ng Ang Tula sa Panahon ng Aklatang-BayanAklatang-Bayan

Ang tula ay maituturuing na isa sa mga lalong kabigha-bighaning sangay ng panitikan ng kahit anong wika kumbaga sa isang hardin,ang tula ay siyang maririkit na bulaklak na nagsasabog ng sanghaya sa buong paligid at umaakit sa mga kulisap lalo na sa mga bubuyog at paru-paro.

Page 16: Karen Panitikan

Ang isang makata ay naglalarawan ding katulad ng paglalarawang ginagawa ng isang pintor sa bias ng pinaghalong-halong pintura. Ang pangunahing layunin ng makata ay tulad din sa ibang manunulat sa ibang sangay ng panitikan, ito ay ang pukawin ang damdamin at ilipad ang katauhan at kaluluwa ng mga tao tungo sa lalong pinakamabuti’t lalong pinakamaganda sa buhay.

Page 17: Karen Panitikan

Si Francisco Balagtas ay may iniwang pamana sa tradisyong tula. Siya ay isang manunulat, produckto ng uring panahong kanyang sinibulan, sa kanyang mga isinulat ay lutang ang mga damdaming ibinu-bulalas sa mga batis ng mga luhang manunulat; ang mga dinanas na kasakit-sakit at kapighati-hati. Mula sa dakilang obra-maestra “Florante at Laura” marami ang kahapisan at dusang ipinapahayag.

Page 18: Karen Panitikan

Sinasabing ang makata ay may tiyak na tungkulin sa kanyang lipunan at kanyang panahon hindi lamang sa pansarIling hangarin na mabigyang laya ang diwang nagpupumiglas sa kanyang katauhan. Ang mga pangunahing makata sa panahon ng Aklatang Bayan ay buong laying sumunod sa bakas na iniwan ni Francisco Balagtas sa tradisyong romantiko. Nangunguna sina Partricio Mariano, Pedro Gatmaitan, Carlos Gatmaitan, Cirio H. Panganiban, Inigo Ed Regalado, Florentino Collantes, at Francisco Laxamana subalit lutang na lutang at pinakatampok sa kanilang lahat ay sina Corazon de Jesus at Lope K. Santos.

Page 19: Karen Panitikan

SINU-SINO ANG MGA MANUNULAT NG PANAHON?SINU-SINO ANG MGA MANUNULAT NG PANAHON?

JOSE CORAZON DE JESUS (1896-1932) ang “Makata ng Puso”

Si Jose Corazon de Jesus ay masasabing siya ay higit sa kaninuman na nakamana ng korona at setro, ng pinsel at papel ni Francisco Baltazar. Taglay ng kanyang mga tula ang masasaganang daloy ng luha at maraming tagulaylay ng Florante at Laura.

Page 20: Karen Panitikan

Ang kanyang tulang “ Isang “ Isang PunongkahoyPunongkahoy” ay isang klasikong halimbawa ng lahat ng ito:

oMaramdaming paglalarawan

oMalungkot na panawagan

oMarubdob na pakikipag-usap sa sa sarili

oPagbabagong bihis bunga ng mga pagkamulat ng mata sa mga katotohanan ng buhay

Page 21: Karen Panitikan

Katulad ni Balagtas, si Jose Corazon de Jesus ay osa ring produkto ng kanyang kapanahunan. Ang pangangaral niya ay madalas na hindi itinatago hindi lantad at twina ay malinaw na nilalagom sa huling talodtod na may paliwanag pang buod at diwang saligin.

Page 22: Karen Panitikan

LOPE K. SANTOS (1879-1963) ang “Makata ng Buhay”

Si Lope K. Santos ay isinilang noong ika-25 ng Setyembre taong 1879 sa Pasig, Rizal. Ang kanyang amang si Ladislao Santos ay naging impreson sa isang palimbagan simula pa sa kamusmusan ni Lope K. Santos at ito ay kinagisnan niyang gawain ng kanyang ama. Ito ang dahilan kung bakit maagang namulat sa paglilimbag at pagkamanunulat ni Lope K. Santos.

Page 23: Karen Panitikan

Pinasok ni Lope K. Santos ang halos lahat ng larangan ng panitik. Siya ay niaging makata, mamamahayag, pantas wika, mananalumpati at mananalaysay, si Lope K. Santos ay naging gobernador ng Rizal ain siya ng St Nueva Viscaya at naging senador, naging director din siya ng Surian ng Wikang Pambansa at nagtuturo sa mga pamantasang tulad ng U.P (Unibersidad ng Pilipinas), C.E.U (Centro Escolar University), Cosmopolitan College at Uson College.

Page 24: Karen Panitikan

Ang tunay na pagkamakata ni Lope K. Santos ang tunay na pagkamakata ni Lope K. Santos ay doon mababakas sa mga tulang bumabanggit sa mga bagay bagay sa buhay, lalung-lalo na yaong nauukol sa pangkalahatang bagay sa paligid. Hindi rin lumihis si Lope K. Santos sa kalakaran ng pangangaral. Katunayan ay may kalipunan siya ng mga kwentong tula hango sa mga katutubong salawikain.

Page 25: Karen Panitikan

BENIGNO RAMOSBENIGNO RAMOS

Isa sa mga magagaling na manunulat si Benigno Ramos sa mga makata ay nagpakita ng pagkamulat ng kanyang mga mata sa nagbabagong panahon. Pinuna niya ang tungkol sa pagtatangi-tanging likas sa tao na sa relihiyon man lamang ay hindi sana namayani. Si Benigno Ramos sa kanyang tulang nagpapakita ng kakayahang paksa tungkol sa kapaligiran. Ito ay relihiyon at ang pagbabagong dapat maganap dito sang-ayon sa kanyang sariling pagsusuri.

Page 26: Karen Panitikan

PEDRO GATMAITAN (1889PEDRO GATMAITAN (1889)

Si Pedro Gatmaitan ay nagpakita ng pagkaunawa sa kalagayang panlipunan ng kanyang paligid noong 1913 na kanyang paksalin tungkol sa maselan na temang uukol sa lipunang feudal.

Page 27: Karen Panitikan

TATLONG ANTAS NG LIPUNAN NG TAO TATLONG ANTAS NG LIPUNAN NG TAO AT ANG KALAGAYAN NG KANILANG AT ANG KALAGAYAN NG KANILANG

LIPUNAN.LIPUNAN.

Ang tugatog ng isang dambanang tagpuan ng mga matataas na tao at marangal na diwa.

Ang tirahan ng mga tahimik na taong kapangi-pangimi.

At ang sumisipsip ng dugo ng amis na maliit.

Page 28: Karen Panitikan

May isang tula si Pedro Gatmaitan na naglalantad ng kanyang diwang makabansa na halos ay maituturing itong isang paos na hiyaw sa isang malaki at maluwag na kweba ngromantisimo.

Page 29: Karen Panitikan

INIGO ED REGALADO (1885-1896)INIGO ED REGALADO (1885-1896)

Si Inigo Ed Regalado ay isa ring kwentista, nobelista at mamamahayag ngunit ang buong linamnam at tamis ng kanyang pagkakamanunulat ay sakanyang mga tula malalasap. Tinalakay niya sa kanyang mga tula ang buhay.

Page 30: Karen Panitikan

Si Regalado ay naging patnugot ng “Ang Mithi” Watawat, Pagkakaisa at Ilang-ilang. Ang kanyang mga tulang nasulat ay inilathala niya sa isang aklat na pinamagatang “Damdamin”.

Page 31: Karen Panitikan

FLORENTINO COLLANTES (1896-1951)FLORENTINO COLLANTES (1896-1951)

Si Florentino Collantes ay kapanahon ni Jose Corazon de Jesus at mahigpit niyang kaagaw sa titulong Hari ng Balagtasan. Ang pinakatanyag na tula ay “Ang Lumang Simbahan” na maituturing na isang balada. Ang tulang ito ay nagpapakitang ang sumulat ay isa ring produkto ng romantisismo.

Page 32: Karen Panitikan

JULIAN CRUZ BALMACEDA (1885-1947)JULIAN CRUZ BALMACEDA (1885-1947)

Tinalakay ni Julian Cruz Balmaceda ang tungkol sa katutuwang kaselanan ng isang dalaga sa pamimili ng mapapangasawa hanggang sa sumapit siyaq sa isang nakakatawa ngunit malungkot na wakas at pamagat ng tulang ito ay “Kung Mamili ang Dalaga”. Si Julian Cruz Balmaceda ay kinilalang mandudula, mananalaysay, nobelista, mananaliksik-wika at makata. Siya ay naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambhanggang sa bawian siya ng buhay noong 1947.

Page 33: Karen Panitikan

•VALERIANO HERNANDEZ PENA (1858-1922)VALERIANO HERNANDEZ PENA (1858-1922)

Si Valeriano Hernandez Pena ay lalong kilala bilang sumulat ng “Nena at Neneng “ ang nobelang kapanahon ng “Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos. Si Valeriano Hernandez Pena ay natanyag sa kanyang “ Buhay Maynila” na inilathala ng muling pagsilang at kalaunan ay inilathala ng Taliba. Sa tulang “Luha ang Panulat” ay tinalakay naman niya ang tungkol sa paggamit ng panulat sa pagpapahayag ng lahat ng mga tinitimping damdamin ng kahapisan at kalungkutan.

Page 34: Karen Panitikan

Ang nobela o katham buhay ay ang kawil-kawil ng mga pangyayari sa buhay ng mga tauhan. Ang mga kawil-kawil na pangyayaring ito ay siyang bumubuo naman ng isang tiyak na balangkas. And pangunahing sangkap ay ang mahigpitang pagtutunggali ng mga hangarin ng pangunahing tauhan at ng ibunyag ng mga tauhang may iba naming hangarin.

Page 35: Karen Panitikan

Bilang sangay ng panitikan, ang nobela ay hindi nakuhang sumupling manulaklak sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Sa sumunod pang panahon ng himagsikan o pagbalikwas ng bayan sa kalupitan ng mga Kastila, ang namayani ay ang sanaysay at pananalumpati batay sa pangangailangan ng mga tao ng panahong iyon.

Page 36: Karen Panitikan

Ang PANAHONG GINTO PANAHONG GINTO sa nobelang tagalog ay sumasakop sa loob dalawampung taon, mahigit na limampung nobela ang nasulat at halos lahat ng ito ay orihinal na may akda at hindi hango sa kathambuhay na Ingles at Kastila.

Page 37: Karen Panitikan

Kabilang sa mga sumusunod ay Kabilang sa mga sumusunod ay mga nagpatanyag:mga nagpatanyag:

Patricio Mariano (1906) Juan Musili

Pinunong TulisanFaustino Aguilar (1907) Dalawang Puso sa Liwanag ng Buwan

Pinaglahuan

Page 38: Karen Panitikan

Roman Reyes (1907) Bulaklak ng

Kalumpang

Mariano Sequerra (1907) Bulaklak ng Beno

Justo San Jose (1907) Namukong bulaklak na

Pinamulaklakan

Page 39: Karen Panitikan

Jose Sevilla (1908) Mga Imbi

Faustino Aguilar (1909) Busabos ng Palad

Lihim ng Isang Pulo

Inigo Ed Regalado (1909) Madaling Araw

Page 40: Karen Panitikan

Jose Diaz Ampil (1909) Hantik

Rosauro Almario (1911) Mga Anak Bukid

Carlos Ronquillo (1912) Hiwaga ng Puso

Page 41: Karen Panitikan

Inigo Ed Regalado (1913) Kung Magmahal ang

Dalaga

Page 42: Karen Panitikan
Page 43: Karen Panitikan

Mga Anyo ng Dulaan sa Panahon ng Americano Mga Anyo ng Dulaan sa Panahon ng Americano