kalikasan partylist orientation

Post on 04-Aug-2015

556 Views

Category:

Documents

0 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Tanong at Sagot

hinggil sa

Balangkas

● Ano ang Kalikasan Partylist?● Bakit ito itinatag?● Ano ang panawagan nito?● Ano ang mga programa?● Papaano sumali sa Kalikasan Partylist?

Ano ang Kalikasan Partylist?

Ang Kalikasan Partylistay isang progresibong partidona binuo para pangalagaanang kalikasan at ipagtanggolang karapatan ng mamamayan.

Kinabibilangan ito ng iba't ibang uriat sektor na nagtataguyod ng makamasa, makabansa at maka-kalikasang patakaran, reporma at programa.

Bakit itinatag angKalikasan Partylist?

Itinatag ang Kalikasan Partylist noong 2010 bilang isa sa mga tugon ng mamamayan sa lumalalang krisis pangkalikasan ng bansa.

Naniniwala tayo na kailangang alagaan at pakinabangan ng sambayanang Pilipino ang ating likas-yaman. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtataguyod ng bagong pulitika ng prinsipyo, paglilingkod at pagbibigay-lakas sa mamamayan.

Sinusuportahan ng partido ang mas malawak na kilusang masa na matagal nang tumitindig para sa tunay na panlipunang pagbabago.

Ano ang panawagan ng Kalikasan Partylist?

Pangalagaan ang kalikasan.Ipagtanggol ang likas-yaman

para sa mamamayan, para sa bayanat para sa kinabukasan.

Ito ang diwa at panawagan ng ating partido,na gumagabay sa mga pagkilos natin.

Isinusulong natin ang adhikaing ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na istratehiya at layunin:

● Itaguyod at palawakin ang kamalayang pangkapaligiran ng mamamayan

Isinusulong natin ang adhikaing ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na istratehiya at layunin:● Palakasin ang kapasidad ng mga lokal na komunidad na apektado ng pagkasira ng kalikasan at pakilusin sila upang matugunan ang problemang ito

Isinusulong natin ang adhikaing ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na istratehiya at layunin:

● Organisahin at pakilusin ang mga propesyunal at indibidwal na tumugon sa pangangailangan ng mga batayang sektor at komunidad na pangunahing apektado ng pagkasira ng kalikasan

Isinusulong natin ang adhikaing ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na istratehiya at layunin:

● Patatagin ang pagkakaisa at koordinasyon ng mga miyembro ng partido upang makapaglunsad ng mga kampanya at pagkilos

Isinusulong natin ang adhikaing ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na istratehiya at layunin:● Palakasin ang partisipasyon, representasyon at boses ng mamamayan sa pagbubuo at pagpapatupad ng mga patakaran hinggil sa pangangalaga ng kapaligiran at ang pamamahala ng ating likas na yaman.

Ano ang programa ngKalikasan Partylist?

1. Pangalagaan ang ating kapaligiran para sa susunod na salinlahi ng mga Pilipino.

2. Itaguyod ang karapatan ng mamamayan,lalo na ng mga pinakamahihirap na sektorng lipunan, sa likas na yaman ng bansa.

3. Ipagtanggol ang ating pambansang patrimonya para sa tunay na kaunlaran: para sa pakinabang ng mamamayang Pilipino at tungo sa isang ekonomiyang umaasa sa sarili.

4. Isulong ang maka-kalikasang kamalayan, edukasyon at pagkilos at ang wastong pamamahala at rehabilitasyon ng ating kapaligiran.

5. Isulong at itaguyod ang makabayan, makataoat makakalikasang mga batas at patakaran.

Papaano sumali sa Kalikasan Partylist?

Maaaring sumali sa Kalikasan Partylist ang sinumang Pilipino na nasa 18 taong gulang pataas at tanggap ang Konstitusyon, prinsipyo at programa na partido.

Ang mga nasa edad ng 15-17 gulang pero nais na maging bahagi ng Kalikasan Partylist ay maaaring maging katuwang na kasapi (associate member).

Ang bawat kasapi ay may obligasyong alamin ang kaniyang karapatan at tungkulin at lumahok sa mga aktibidad ng partido.

Ang nais maging kasapi ay mag-apply sa pambansang tanggapan o pinakamalapit na tsapter ng Kalikasan Partylist sa kanilang mga barangay, eskwelahan o komunidad. Kailangan ang minimum ng labinlimang (15) miyembro para makabuo ng isang tsapter ng Kalikasan Partylist.

Kontakin ang Kalikasan Partylist

Address: # 26 Matulungin Street, Barangay Central, Diliman, Quezon City 1100 PHILIPPINESWebsite: www.kalikasanpartylist.orgEmail: info@kalikasanpartylist.orgFacebook: Kalikasan PartylistTwitter: @KalikasanPartyTelepono:+632.434.3173

Maramingsalamat!

top related