paghihimay sa kulturang popular 1

Post on 18-Apr-2015

1.019 Views

Category:

Documents

80 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

PAGHIHIMAY SA KULTURANG POPULAR

Inihanda ni J. Torralba

Salimuot ng Kulturang Popular Mahirap itali sa isang simpleng

kahulugan ang kulturang popular. Binubuo ito ng dalawang problematikong

salita o konsepto. Kulturang Popular = Kultura + Popular Ano nga ba ang kultura? Ang popular?

Ano ang mga kaugnay na konsepto ng mga salitang ito?

Pagpapakahulugan ng Kultura Ayon kay Raymond Williams, “one of the

two or three most complicated words in the English language (Keywords, 87).

Halaw sa agrikultura Pag-aalaga ng halaman o hayop (cultivation)

Proseso ng pagpapaamo at pagpapaunlad; manipulasyon o transpormasyon ng kalikasan o paligidHalimbawa: tilapia culture

Ginamit ang salitang “culture” bilang metapora sa pag-unlad ng tao at lipunan.

Pagpapakahulugan ng Kultura Nagbigay si Williams (1976) ng tatlong

kahulugan ng kultura:1. “general process of intellectual, spiritual, and

aesthetic development.” Kadakilaan: pilosopiya at mga pilosopo, makata,

alagad ng sining, at iba pa.

Katulad ito ng sinabi ni Matthew Arnold na: “the best that has been thought and said in the world”

Halimbawa: CCP performances, arkitektura, katutubo at modernong sayaw, kundiman, at iba pa.

Pagpapakahulugan ng Kultura Nagbigay si Williams (1976) ng tatlong

kahulugan ng kultura:2. “a particular way of life, whether of a people,

a period or a group.” Mga pang-araw-araw na gawain at gawi

Pananamit Pagkain Malling Pagbibiyahe (jeep, lrt, mrt, traysikel, paglalakad, at

iba pa.) Komunikasyon (telebisyon, pelikula, kuwentuhan,

tsismisan) At iba pa

Pagpapakahulugan ng Kultura Nagbigay si Williams (1976) ng tatlong

kahulugan ng kultura:3. “the works and practices of intellectual

and especially artistic activity” Signifying practices o pagpapakahulugan

Ang kultura bilang “shared meaning.” Kabilang ka sa kultura kung malay at

isinasabuhay ang mga kahulugang ito. Ang pagpapakahulugan ay dumaan sa mga

tekstong kultural. damit, pelikula, mall, kanta, gadgets at iba pa.

Pagpapakahulugan ng Kultura Sa pag-aaral ng kulturang popular, ang

pangalawa at pangatlong kahulugan ng kultura ang ginagamit. Sa pangalawa, tumutukoy ito sa “lived

culture” o kulturang kinapapalooban ng marami o mayorya ng tao sa isang lipunan.

Ang pagpasok at pagsasabuhay ng kulturang ito ay nangyayari dahil sa mga pagpapakahulugan o signifying practices.

Pagpapakahulugan ng Ideolohiya Madalas na pinag-uugnay at ipinagpapalit

(interchange) ang ideolohiya at kultura. May limang kahulugan ang ideolohiya

1. “systematic body of ideas articulated by a particular group of people” (Storey 3).

Koleksiyon ng mga ekonomiko, politikal, intelektuwal, at panlipunang ideya.

Halimbawa: Tapat at Santugon

Lasallian at Atenean

Frat at Sorority

PICPA, Integrated Bar of the Philipines

Communist Party of the Philippines

Pagpapakahulugan ng Ideolohiya May limang kahulugan ng ideolohiya

2. False consciousness o huwad na kamalayan May antas ng pagkukubli o pagbaluktot sa realidad sa

pamamagitan ng mga tekstong kultural. Halimbawa:Wikang Ingles ang kailangan upang maging competitive ang

mga Filipino sa panahon ng globalisasyon.Kasalanan ng mga mahihirap kung bakit sila naghihirap.

Ang pagkukubli at pagbaluktot na ito ay nagsisilbi sa interes ng mga nasa kapangyarihan.

Kadalasan, ang mga nasa kapangyarihan ang may kontrol sa mga produksiyon ng mga tekstong kultural tulad ng media, educational institutions, at iba pa.

Pagpapakahulugan ng Ideolohiya May limang kahulugan ng ideolohiya

3. Ideological forms Kaugnay sa pangalawang kahulugan ng

ideolohiya Paano nagpapakita ng isang partikular na

imahen ng mundo ang mga teksto (tv, film, pop songs, nobela, etc)

Malay man o hindi malay, ang mga teksto ay may kinikilingan o pinapanigan. “Walang neutral na teksto.”

Pagpapakahulugan ng Ideolohiya May limang kahulugan ng ideolohiya

3. Ideological forms

Pagpapakahulugan ng Ideolohiya May limang kahulugan ng ideolohiya

4. Bilang material practice Ang ideolohiya ay hindi lamang mga ideya at

kahulugan. Nadadanas ito sa pang-araw-araw na buhay.Halimbawa: Pagkatapas mag-mall (kahit window shopping

lang), kaya na namang tiisin ng manggagawa ang exploitation sa kanya.

Sa madaling salita, ang mga teksto at gawaing ito ay nagsisilbing: Pampamanhid Glue para hindi lumayo sa isang partikular na

kaayusang kinaiiralan ng inekwalidad, paghihirap at opresyon.

Pagpapakahulugan ng Ideolohiya May limang kahulugan ng ideolohiya

5. Larangan ng tunggalian ng mga kapangyarihan at kahulugan

Nakatuon ito sa mga gawain at tekstong kultural

Fluid at patuloy na nababago ang kahulugan at gamit ng isang bagay o gawain batay sa pangangailangan at interes.Halimbawa: Madonna

- sex object - women empowerment

Ugnayan ng Kultura at Ideolohiya Sa Philippines Studies, Cultural Studies, kasama

na ang pag-aaral ng kulturang popular: Ang kultura ay isa lamang likha (construct), sang-

ayon sa paniniwala at interes ng mga tao. Nagsasantabi (discriminate) ang kultura

Sino ang kabilang at hindi kabilang? May power-relations sa kultura

Sino ang makapangyarihan at walang kapangyarihan?

May tunggalian sa loob ng kultura Dahil isang likha, maaaring bagu-baguhin ang mga

kahulugan sa mga gawain at teksto. Lagi nasa proseso ang kultura

Sanggunian

Lentricchia, Frank and Thomas McLaughlin, eds. Critical Terms for Literary Study. Chicago and London: University of Chicago Press, 1995.

Storey, John. Cultural Theory and Popular Culture: An Introduction, 3rd Edition. London: Pearson Education Limited, 2001.

Williams, Raymond. Keywords: A Vocabulary of Culture and Society. London: Fontana, 1976.

top related