uri ng tula o tulang tagalog

Post on 12-Jun-2015

9.899 Views

Category:

Documents

20 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

PANITIKAN

P A N I T I K A N

• 1)Piksyon (Ingles: fiction)

- Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang.

- Nag-iimbento sila ng mga kathang-isip na mga tauhan, pangyayari,sabunutan, sakuna, at pook na pinangyarihan ng kuwento para sa kanilang mga prosang katulad ng mga Budang at maikling kuwento.[

Mga uri ng panitikan

• 2) Di Piksyon (Ingles: non-fiction)

-mga babasahing bumabatay ang may-akda sa mga tunay na balita at iba pang kaganapan, ayon sa kaniyang mga kaalaman hinggil sa paksa.

-Pinipilit dito ng manunulat na maging tumpak sa mga detalye ng mga pangyayari. Hindi gawa-gawa lamang ang nakakaingganyong kuwento.

Halimbawa:

talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay, at mga akdang pang-kasaysayan.

Mga uri ng panitikan

• -pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang ng pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.

• Halimbawa:• Awit at Korido Salawikain• Epiko Bugtong• Balada Kantahin• Sawikain Tanaga• Tula

Patula

URI NG TULA/TULANG TAGALOG

TULA

-ay isang pagbabagong-hugis ng buhay.

-isang paglalarawan ng buhay na hinango sa guniguni na pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw at lalong mainam sa mga sukat at tugma. (Alejandro at Pineda)

Tula

Uri ng Tula

1. Tulang Liriko.

-Itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin at pagninilay at hindi gaano ang mga panlabas na pangyayari at tagpo sa buhay o ang kalagayang kinaroroonan.

Ang mga uri nito ay ang mga sumusunod: 

a. Awit –Ang karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o

pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.

b. Soneto – Ito ay tulang may 14 na taludtod, hinggil sa damdamin at kaisipan, may malimaw na kabatiran sa likas na pagkatao.

c. Oda – Ito ay nagpapahayag ng isang papuri ng isang panaghoy o ng iba pang masiglang damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o taludtod sa isang saknong.

• d. Elehiya – Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni

tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng pananangis

lalo na sa paggunita sa isang yumao.

• Ang halimbawa ay tula ni Jose Corazon De Jesus na “Isang Punong Kahoy”.

e. Dalit – Ito ay mga awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na

• Birhen. 

Uri ng Tula 2. Tulang Pasalaysay -Naglalarawan ito ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay na natatagpuan sa mga taludtod na nagsasaaysay ng isang kwento. 

Uri ng Tulang Pasalaysay

a. Epiko o Tulang Bayani – Ito ay nagsasalaysay ng kabayanihang halos hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan. Halimbawa nito ang epiko n mga Ilokano na “Biag ni Lam-ang.”

Uri ng Tulang Pasalaysay b. Korido – Ito ang tulang nagtataglay ng walong pantig sa bawat taludtod. Karaniwang mahaba at may mahusay na

banghay ng mga pangyayaring isinasalaysay. May himig mapanglaw at malimit na may paksang kababalaghan at maalamat at karamihan ay hiram sa paksang Europeo. Halimbawa :“Ibong Adarna”

c. Awit – Ito ay nagtataglay ng labindalawang pantig sa bawat taludtod. Higit na masigla ito kaysa korido. May malambing at marikit na pangungusap at nangangailangan ng malalim na kaisipan.

Halimbawa: “Florante at Laura.” 

3. Tulang Pandulaan -Sadyang ginawa ito upang itanghal. -Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Patula ang usapan dito. -Saklaw ng uring ito ang nga komedya, trahedya, melodramang tula, dulang parsa.

4. Tulang Patnigan -Tulang sagutan na itinatanghal ng mga nagtutunggaliang makata ngunit hindi sa paraang padula, kundi sa tagisan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino sa paraang patula. 

4 na Uri ng Tulang Patnigan a. Balagtasan – Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.

b. Karagatan – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na “libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.

c. Duplo – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan. 

Hinintay-hintay mo sa gabi ng paladAng isang umagang lipos ng pangarap;Inasam-asam mo sa diwa at hagapAng ningning ng isang darating na bukas.

Ang paniwala mo;sa buting itanimAy ibayong buti ang aning kakamtin;Ang pananalig mo: sa gawang magalingMalao’t madali,bunga’y magaling din.

Umaga’y dumatal;pagkaganda-ganda;Ngunit hindi iyo; umaga ng iba!Ang sugat ng pusong dati’y makirot na!Sa nangyaring ito’y lalong kumirot pa!

Kaysarap mabatid ang katotohanangAng ganda ng bula’y nasa tinginlamang!

Kaypait lunukin ang balighong buhay:Bayaran ng tanso ang ganitong pautang!

Sa pagkabigo mong halos susun-suson,Pati si Bathala’y nasisisi tuloy;

Ang paniwala mo’t pananalig noonIbig mong talikda’t baguhin ngayon.

Subalit mali ka:Puso mo’y tataganAt magtiwala ka sa Poong Maykapal:

Bawat pagkabigo’y…palapit na hakbangSa kahit mahuli’y…tiyak na tagumpay!

Bawat Pagkabigo

Tandaang bawat pagkabigo ay

pagsubok.Hanggang kailan ang pagtitiwala mo

sa Diyos?

Bawat Pagkabigo ni Conrado Fajardo

• Task description• Task description

Step 1 Title

Title and Content Layout with SmartArt

top related