anakbayan orientation booklet

28
ORYENTASYON NG ANAKBAYAN

Upload: anakbayan-ph

Post on 27-Apr-2017

303 views

Category:

Documents


31 download

TRANSCRIPT

Page 1: Anakbayan Orientation Booklet

ORYENTASYON NG ANAKBAYAN

Page 2: Anakbayan Orientation Booklet

( 2 ) ORYENTASYON NG ANAKBAYAN

Inihanda ng Pambansang Komiteng TagapagpaganapANAKBAYANEnero 2014

Inilabas ng Pambansang Komiteng Tagapagpaganap ang bersyong ito sang-ayon sa kaisahan ng Pambansang Konseho na itulak ang pagpapalaganap at pagtatalakay ng oryentasyon ng organisasyon at programa ng pambansa demokratikong kilusan bilang pangunahing nilalaman ng ating araw-araw na gawaing propaganda at propaganda-edukasyon.

Pangunahing ipinagkaiba nito sa bersyon ng 2011 ang (1) pagdidiin sa TLEKS bilang pangunahing ipinaglalaban ng ANAKBAYAN sang-ayon sa balangkas ng pambansang demokratikong pakikibaka; (2) paglilinaw hinggil sa proseso ng pagpapasapi; (3) pagdidiin na maaari nang tipunin bilang pormal na balangay ang anim o higit pang kasapi.

Sinikap na lakipan ng mga grapiks ang dokumentong ito upang magsilbing tulong-biswal para mga nag-oorganisa. Mungkahing paunlarin ang pagpapalaganap ng oryentasyong ito sa iba’t iba pang mapanlikha at epektibong pamamaraan.

Maaaring ipaabot ang anumang katanungan hinggil dito sa [email protected].

Page 3: Anakbayan Orientation Booklet

ORYENTASYON NG ANAKBAYAN ( 3 )

1. ANO ANG ANAKBAYAN?

Ang ANAKBAYAN ay pambansa-demokratikong komprehensibong organisasyong masa na nagbubuklod sa kabataang manggagawa, magsasaka, mala-manggagawa, mangingisda, estudyante, propesyunal, kabataang di nakapag-aaral, migrante, kabataang simbahan, pambansang minorya, at kababaihan upang isulong ang karapatan at kagalingan ng kabataan.

Naninindigan ang ANAKBAYAN na makakaasa lamang ng mas magandang bukas ang kabataan at mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagsusulong ng pambansa-demokratikong pakikibaka na may sosyalistang perspektiba.

Ang mayorya ng populasyon ng bansa ay mga kabataan. Sila ay konsentrado sa mga paaralan, pagawaan, at komunidad. Lubog sila sa kahirapan, dumaranas ng pagsasamantala, at walang maunlad na kinabukasan sa ilalim ng kasalukuyang lipunan. Naghahangad sila ng panlipunang pagbabago.

Tangan ng ANAKBAYAN ang pag-unawa sa makasaysayang papel ng kabataan sa pagsusulong ng pagbabagong panlipunan. Ipinagpapatuloy nito ang tradisyon ng Katipunan nina Andres Bonifacio, ng Kabataang Makabayan, at nagpapatuloy na kasaysayan ng paglahok at paglaban ng kabataan.

Batid ng ANAKBAYAN na ang papel ng kabataan bilang pag-asa ng bayan ay magagampanan lamang kung iaalay nito ang kaniyang giting at talino sa batayang masa, makikiisa sa kanila at sasanib sa paglaban nila para sa kanilang karapatan at laban sa mapagsamantala't mapanupil na sistema.

Page 4: Anakbayan Orientation Booklet

( 4 ) ORYENTASYON NG ANAKBAYAN

2. SINO ANG MAAARING SUMAPI SA ANAKBAYAN?

Sinumang Pilipino na nasa edad labing tatlo (13) hanggang tatlumpu’t lima (35) na naniniwala at itinataguyod ang mga prinsipyo at pro-grama ng ANAKBAYAN ay maaring maging kasapi ng ANAKBAYAN. Nagrerekluta at nagtatayo ng mga balangay ang ANAKBAYAN saan-man may konsentrasyon ng kabataan: sa hanay ng mga manggagawa, magsasaka, malamanggagawa, mangingisda, estudyante, propesyunal, kabataang di nakakapag-aral, migrante, kabataang simbahan, Moro at iba pang pambansang minorya, at kababaihan. Maari ring maging kasapi ng ANAKBAYAN ang mga kabataang Pilipino sa ibayong dagat.

Ang mga organisasyon ng kabataan na naniniwala at handang itaguyod ang mga prinsipyo’t programa ng ANAKBAYAN ay maaring maging ‘affiliate organizations’. Ibig sabihin, ang kanilang organisasy-on, pati ang mga indibidwal na kasapi nito, ay ituturing na kasapi ng ANAKBAYAN.

Sa mga hindi pa umaabot ng edad 13, sila ay ituturing na mga pro-bisyunal na kasapi. Para sa mga lagpas na sa edad 35, maaari silang ituring na honorary member.

3. PAANO SUMAPI SA ANAKBAYAN?

Para maging kasapi ng ANAKBAYAN ang isang indibidwal o organ-isasyon, kinakailangan lamang magpasa ng aplikasyon sa sinumang kasapi o balangay ng ANAKBAYAN, tapusin ng talakayan hinggil sa oryentasyon at programa ng organisasyon, at sumumpa sa bandila ng ANAKBAYAN.

Ang mga indibidwal na kasapi ay papaloob sa mga balangay ng ANAKBAYAN kung saan tuloy-tuloy na magpapalalim ng pag-aaral sa prinsipyo at paninidigan, at gagampan ng mga tungkuling itatakda ng balangay.

Page 5: Anakbayan Orientation Booklet

ORYENTASYON NG ANAKBAYAN ( 5 )

Page 6: Anakbayan Orientation Booklet

( 6 ) ORYENTASYON NG ANAKBAYAN

4. ANO ANG IPINAGLALABAN NG ANAKBAYAN?

Kinikilala ng ANAKBAYAN ang interes ng kabataan at mamamayan sa Trabaho’t Sahod, Lupa, Edukasyon, Karapatang Sibil at Pulitikal, at Serbisyong Panlipunan (TLEKS). Ninanais ng ANAKBAYAN na wakasan ang sistemang mala-kolonyal at malapyudal na nagkakait ng batayang interes na ito sa kabataan at sambayanan.

•Trabaho at Sahod

Kabilang sa uring manggagawa ang malaking bilang ng kabataan. La-bis na pinahihirapan ang mga manggagawa sa sistema ng mababang pasahod, kontraktwalisasyon, at malawakang tanggalan. Nariyan din ang kakulangan sa benepisyo at serbisyong panlipunan.

Sa kabilang banda, malaki din ang bilang ng mga mamamayang walang trabaho, kalakhan sa kanila’y mga kabataan. Walang sapat na trabaho para sa kanila dahil walang nililikhang mga empresa’t industriya sa ating bansa. Maraming kabataan din ang napipilitang mangibang-bansa upang maghanap-buhay.

•Lupa

Higit na malaking bilang ng kabataan mga magsasaka o nagmula sa pamilya ng magsasaka. Pangunahing problema nila ay kawalan o kakulangan ng lupang sakahan. Kadalasa’y puwersado silang magbi-gay ng libreng serbisyo bilang mga kasama o ‘di kaya’y tumanggap ng napakaliit na sahod at magtrabaho sa ilalim ng mahihirap na kundisyon bilang mga manggagawang-bukid.

Katulad ng iba pang magsasaka sa kanayunan, sila ay pangunahing sinasalanta ng malawakang pangangamkam ng lupa, liberalisasyon ng kalakalan at land use conversion. Nasa balangkas ito na tumugon sa pangangailangan ng pandaigdig na pamilihan habang bumabagsak ang lokal na produksyong pangkonsumo at produksyon ng maliliit na magsasaka.

Walang-humpay din ang militarisasyon upang ipatupad ang mga proyektong dayuha’t nagsisilbi sa mga panginoong may-lupa. Nag-dudulot ito ng malawakang dislokasyon at paglabag sa karapatang pantao na lalong nagpapalala sa lugmok nang kalagayan ng magsa-

Page 7: Anakbayan Orientation Booklet

ORYENTASYON NG ANAKBAYAN ( 7 )

saka sa kanayunan.

Hindi rin ligtas sa atake ang mamamayang Moro at iba pang pam-bansang minorya sa kanayunan na sapilitang inaaagaw ang kanilang lupang ninuno at winawasak ang kanilang kulturang kinagisnan.

•Edukasyon

Hindi natatamasa ng kabataan ang karapatan sa edukasyon pagkat ito’y pinatatakbo bilang mga negosyong pinagkakakitaan nang husto. Pinahihirapan ang mga kabataang estudyante ng tau-nang pagtaas ng matrikula at iba pang gastusin, walang-habas na panunupil sa kampus, at ng maka-dayuhang oryentasyon ng sistema ng edukasyon.

Maraming estudyante ay nagmumula sa pamilya ng manggagawa o magsasaka na kinakapos na nga sa araw-araw na gastusin kaya’t hindi na rin makasabay sa matataas na bayarin sa paaralan. Sadyang binabawasan ang pondo ng gubyerno sa pampublikong edukasyon kaya’t wala nang oportunidad para makatuntong sila sa paaralan.

Marami sa kanila ay namamasukan bilang call center agents, tutor, klerk, katulong sa bahay, drayber, manggagawa sa pabrika, at iba pa upang kumita ng ikabubuhay at pang-matrikula. Higit na mas marami ang natigil na lamang sa pag-aaral upang maghanap-buhay.

Karamihan naman sa mga kabataang mula sa petiburgesya ay du-maranas ng suliranin sa napakaliit na pirmihang sahod na di ma-pagkasya sa pagtaas ng presyo at buwis, di nahanap ang angkop na trabaho sa kanilang tinapos, o kaya’y hindi na talaga makahanap ng trabaho. Tulad ng malawak na mamamayan, pinagkakaitan rin sila ng batayang serbisyong panlipunan.

•Karapatang Sibil at Pulitikal

Sa kabila ng matinding pahirap na nararanasan ng mga kabataan at mamamayan, pinatitindi rin ang panunupil at paniniil sa kanila sa layuning pigilin ang kanilang organisadong paglaban.

Ang mga paaralan ay pinatatakbo na tila mga kulunga’t garison kung saan tinatanggalan ang kabataang estudyante ng karapatang magpa-

Page 8: Anakbayan Orientation Booklet

( 8 ) ORYENTASYON NG ANAKBAYAN

hayag, magbuo ng organisasyon, at magsagawa ng mga pagkilos. Kunwa’y para sa seguridad ng mga estudyante ang mahihigpit na mekanismo’t patakaran ngunit sa katotohana’y tinitiktikan o binaban-tayan lamang ang kanilang mga aktibidad.

Sa mga komunidad at baryo, pinatitindi ang deployment ng mga mili-tar, para-militar, kapulisan, at pribadong army upang takutin at supilin ang paglaban ng mamamayan. Karaniwang ginagamit na kampo ang mga barangay hall at mga eskuwelahan.

Kay rami rin ng mga rali’t demonstrasyong marahas na binuwag at ‘di na rin mabilang ang mga kabataang biktima ng pagdakip, pagbi-langgo, tortyur at pagpaslang ng pasistang estado.

•Serbisyong Panlipunan

Pinagkakaitan ng makabuluhang serbisyong panlipunan ang mga kabataan, hindi lamang sa edukasyon kundi pati serbisyong pang-kalusugan, pabahay, transportasyon, kuryente, tubig, at iba pa.

Napakaliit na nga ng sahod at kinikita ng mamamayan, hindi pa ma-pigil ang pagtaaas ng mga bayarin sa ospital, transportasyon, kury-ente, at tubig. Inilalako kasi ang mga pampublikong serbisyo na ito sa mga negosyo sa ilalim ng programang pribatisasyon upang lubos na pagkakitaan ng iilan.

Imbes na ipagkaloob ang serbisyong pabahay, kaliwa’t kanan ang planong demolisyon sa mga maralitang komunidad sa layunin ding pagkakitaan ng pribadong negosyo ang kanilang lupang panirikan.

Bigay-layaw din ang gobyerno sa pagtataas ng presyo ng mga pan-gunahing bilihin tulad ng langis at krudo na inilalako ng mga dayu-hang monopoly.o.

Walang magandang kinabukasan ang kabataan – manggagawa, magbubukid, estudyante, maralita sa komunidad, propesyunal, pambansang minorya – sa ilalim ng kasalukuyang sistema. Nais ng kabataang baguhin ang ganitong kalagayan. Interes nila ang magbuklod kasama ang buong sambayanan para ipaglaban ang kanilang mga kahilingan at ipagpatuloy ang pakikibaka ng kanilang mga magulang.

Page 9: Anakbayan Orientation Booklet

ORYENTASYON NG ANAKBAYAN ( 9 )

Page 10: Anakbayan Orientation Booklet

( 10 ) ORYENTASYON NG ANAKBAYAN

5. ANO ANG KABUUANG KALAGAYAN NG MAMAMAYAN?

Nasasadlak sa walang-kapantay na krisis, matinding kahirapan’t kaapihan ang mamamayang Pilipino dahil kontrolado at lubos na pinakikinabangan ng iilang dayuhan at mga lokal na nagha-haring uri ang likas-yaman ng bansa para sa sarili nilang ga-nansiya. Pinipiga nito ang malalaking tubo mula sa puwersang paggawa, talino at yamang likha ng mamamayan sa pamamagi-tan ng mapagsamantalang mga pakana na nakakapinsala sa masang anakpawis.

•Ang iilang naghaharing uri (1%)

Kinokontrol at nagpapasasa sa yaman ng bayan ang imperyalis-mong Estados Unidos (EU) at mga lokal na ahenteng nito mula sa naghaharing-uri na malaking burgesya kumprador at panginoong maylupa. Binubuo ng mga ito ng isang porsyento (1%) lamang ng ating populasyon.

•Ang nakararaming pinagsasamantalahan at inaaping uri

Binubuo ang 99% ng ating populasyon ng mga manggagawa, mag-sasaka, mala-proletaryado, petiburgesya at pambansang burgesya. Sa kanilang lakas at talino naipundar ang malawak na agrikultura, pabrika, minahan, transportasyon at komunikasyon na bumubuhay sa lipunang Pilipino. Sila ay isang makapangyarihang pwersa sa pag-unlad.

ANG NAGHAHARING-URI SA LIPUNANG PILIPINO

Panginoong Maylupa (PML)

Ang uring PML ang may-ari ng malalawak na lupang pang-agrikultura na ‘di bababa sa 50 hektarya. Hindi sila lumalahok sa produksyon at pinagsasamantalahan ang masang magsasaka sa pamamagitan ng pagsingil ng upa sa lupa, buwis at mataas na interes sa usura, pangangamkam ng lupa at pandaraya sa pagkuwenta ng gastos sa punla, abono, pestisidyo, patubig at gamit sa produksyon. Binabarat nito ang sahod ng mga manggagawang bukid o sapilitan silang pinagtatrabaho.

Malaking Burgesya Kumprador (MBK)

Ang uring MBK ang may pinakamalaking nakakamal na kapital bilang prinsipal na ahente ng imperyalismong EU sa kalakalan at pinansya. Mahigpit nitong katuwang ang uring PML (o ‘di kaya sila mismo ay PML) dahil ang pang-ekonomiyang interes nila ay nakasalalay sa produksyon ng murang hilaw na materyales. Ang yaman nila ay pangunahing kinukuha sa pag-eksport ng lokal na hilaw na materyales (asukal, niyog,

Page 11: Anakbayan Orientation Booklet

ORYENTASYON NG ANAKBAYAN ( 11 )

troso, mineral, atbp.), pag-iimport ng mga yaring produkto at pambabarat sa sahod ng mga manggagawa.

ANG PINAGSASAMANTALAHANG URI SA LIPUNANG PILIPINO

Pambansang Burgesya (PamBur)

Binubuo ng mga negosyante sa siyudad at probinsya na interesado sa “makabayang indus-triyalisasyon” ang uring PamBur, sila ay 1-2% ng populasyon. Pang-ekonomiyang interes nila ang pagkakaroon ng maliit na pagawaan at maliitang manupaktura (Hal. alak, sapatos at balat, tabako, langis ng niyog, arina, tela, atbp.) at negosyo sa pagbebenta at transportasyon ng mga produktong nakaasa ng husto sa imported na hilaw na materyales. May ambisyon sila na maging malaking burgesya at magtayo ng estadong kapitalista ngunit pinagsasamantalahan dahil sa pagtatambak ng yaring produkto at pagmomonopolyo at pagmamanipula ng imperyalistang EU at MBK sa lokal na ekonomiya.

Petiburgesya (Peti-B)

Kabilang sa uring Peti-B ang malawak na mayorya ng intelihensya tulad ng mga guro, kabataang estudyante, propesyunal na maliit ang kita, mababang upisyal ng gubyerno, sanay na manggagawang mataas-taas ang sweldo atbp. na bumubuo sa 8% ng populasyon. Sila ang may pinakakaunting ari-arian sa hanay ng burgesya. Medyo nakasasapat lang sila sa kabuhayan na nagmumula sa pagmamay -ari ng kaunting kasangkapan sa produksyon o pagkakaroon ng ispesyal na treyning o kasanayan.

Dumadausdos ang kanilang kabuhayan dahil bumababa ang tunay na halaga ng kanilang maliit na kita, nanganganib ang kasiguraduhan sa trabaho o ‘di kaya’y hindi makahanap nito.

Ang Uring Magsasaka

Sila ang kalakhang puwersa ng pambansang ekonomiya na bumubuo sa 75% ng populasyon ng bansa. 7 sa 10 magsasaka ang walang sariling lupa at lalo pang inaagawan ng lupa dahilan upang sila ay magbayad ng upa sa lupang pinagmamay-arian ng PML ka-tumbas ang higit pa sa kalahati ng kanilang ani. Nabibiktima sila ng husto sa pamamagitan ng mataas na interes sa usura, pandaraya ng PML sa pagkuwenta ng gastos sa produksyon at pambabarat sa presyo ng kanilang ani. Kadalasa’y obligado silang ibenta ng mura ang kanilang lakas-paggawa bilang manggagawang bukid o sakada at manggagawa sa konstruksyon atbp.

Ang Uring Proletaryado o Manggagawa

Ang uring walang pinagmamay-ariang anumang kasangkapan sa produksyon at obligado magbenta ng lakas-paggawa sa mga kapitalista. Binubuo nila ang 15% ng populasyon (Hal. manggagawa sa minahan, pabrika ng tela at gamot, planta ng pagkain at inumin, imprenta, manggagawang bukid sa asukarera at koprahan, atbp.). Mula sa kakarampot nilang sahod puwersahang nalilikha ang sobrang halaga o tubo na kinakamal ng mga kapitalista. Ang kawalan o kakulangan sa trabaho ang nagpupuwersa sa kanilang pumasok sa mapagsaman-talang mga kasunduan na nagpapanatiling mababa ang kanilang sahod at lugmok sila sa kahirapan.

Bahagi ng uring ito ang mga malaproletaryado na walang ari-arian, ‘di sapat ang sahod, ‘di regular at kulang ang kinikita at walang katiyakan sa trabaho. Madalas silang ma-tatagpuan sa mga maralitang komunidad: mga karpintero, taga-kumpuni, naglalako, may-ari ng maliit na tindahan, kargador sa pier at palengke, katulong sa tindahan o bahay, drayber ng traysikel o jeep atbp.

Page 12: Anakbayan Orientation Booklet

( 12 ) ORYENTASYON NG ANAKBAYAN

Page 13: Anakbayan Orientation Booklet

ORYENTASYON NG ANAKBAYAN ( 13 )

Page 14: Anakbayan Orientation Booklet

( 14 ) ORYENTASYON NG ANAKBAYAN

6. ANO ANG UGAT NG SULIRANIN NG KABATAAN AT MAMAMAYAN?

Dulot ng kontrol ng dayuhang monopolyo sa lokal na ekonomiya at pyudal na pagsasamantala sa kanayunan o malakolonyal at mala-pyudal (MK-MP) na sistemang pang-ekonomiya’t panlipunan ang kahirapan at kaapihan ng mamamayang Pilipino.

Ang MK-MP na lipunan ay pinaghaharian at pinananatili ng imperyalismong US, pyudalismo at burukrata kapitalismo na walang-awang nagsasamantala sa malawak na mamamayang Pilipino. Kaya’t ang tatlong ito ang pundamental na salot sa lipu-nang Pilipino na kinakailangang labanan.

ANG IMPERYALISMONG US, PYUDALISMO AT BURUKRATA KAPITALISMO

•Ang imperyalismo ang monopolyong yugto ng kapitalismo. Lumitaw ito matapos na makontrol ng monopolyo ang ekonomiya, pulitika, at kultura ng pinakaabanteng kapitalistang bayan. Kinailangan nito ang mga kolonya at mala-kolonya gaya ng Pilipinas upang magkamal ng supertubo mula sa tuwirang pa-mumuhunan, kolonyal na kalakalan at pagpapautang. Samakatuwid, nagdudulot din ito ng mga gera upang agawin o panatilihin ang teritoryong pinagkukunan ng murang lakas paggawa, hilaw na materyales, at nagsisilbing merkado.

Ang pyudalismo ay ang sistema kung saan ang pangunahing puwersa sa produksyon ay magsasaka at lupang kanilang binubungkal. Saligang katangian nito ang monopolyo sa lupa ng iilang palamuning panginoong may-lupa habang kumikikil sila sa magsasaka mula sa napakataas na upa, interes sa usura, at mababang pasahod sa manggagawang-bukid. Sadyang pinananatili ng impery-alismo ang pyudalismo na may katangiang atrasado at maliitan ang pagsasaka para sa murang hilaw na materyales at upang lumikha ng murang lakas pag-gawa. Kaya’t sinasabi na ito ang baseng panlipunan ng imperyalismo.

•Ang burukrata-kapitalismo ay ang pagpapatakbo sa gubyerno nang parang negosyo. Ginagampanan ng mga tutang burukrata o opisyal ng reaksyunaryong gubyerno ang ispesyal na papel na pag-ugnayin ang interes ng mga imperyal-ista at lokal na mapagsamantala at supilin ang determinadong paglaban ng mga aping mamamayan. Sa pagpapanatili sa malakolonyal at malapy-udal na kalakaran, nakakapagpayaman ang mga nakaupo sa kapangyarihan sa paggamit sa kanilang pusisyon upang makapangurakot at makapagpalawak ng pag-aaring lupa at negosyo. Ito ang batayang panlipunan ng pasismo.

Page 15: Anakbayan Orientation Booklet

ORYENTASYON NG ANAKBAYAN ( 15 )

Page 16: Anakbayan Orientation Booklet

( 16 ) ORYENTASYON NG ANAKBAYAN

MALAKOLONYAL AT MALAPYUDAL ANG LIPUNANG PILIPINO

Ang malakolonyal na katangian ng lipunang Pilipino ay dulot ng di-tuwirang paghahari ng imperyalismong US sa ekonomiya, pulitika at militar at kultura ng Pilipinas.

Ang malapyudal na katangian naman ay pangunahing itinatakda ng atrasadong agrikultural na produksyon na nakatuon sa pangangailangan ng pandaigdigang merkado. Winawasak nito ang batayan ng ekonomi-yang nakasasapat-sa-sarili. Dahil dito, hindi sumusulong ang ekonomiya, walang batayang industriya, matindi ang depisito sa kalakalan, lubog sa utang, at laganap ang kahirapan, kagutuman’t kaapihan ng mamamayang Pilipino.

Simula nang sakupin ang bansang Pilipinas hanggang sa paggawad ng huwad na kalayaan nito, pinanatili at pinatindi ang monopolyo sa lupa sa kanayunan upang lumikha ng malaking reserbang hukbo ng walang trabaho at pababain ang presyo ng lakas paggawa.

Samantala, iniayon naman ang agrikultural na produksyon sa pag-export ng mga produktong kailangan ng imperyalistang bayan habang tina-tanggal naman ang taripa at proteksyon upang hayaan ang pabaha ng produktong dayuhan.

Nalulugi ang pambansang ekonomiya sa pagiging export-oriented at import-dependent nito o ang pagluluwas ng murang hilaw na matery-ales at semi-processed na produkto’t kalakal habang nag-aangkat ng napakamahal na produktong esensyal sa pangangailangan ng mamama-yan tulad ng langis. Dahil dito, nababaon ang Pilipinas sa utang sa imperyalismong US at oligarkiya sa pinansya.

Sa kabuuan, wala matuntungang maunlad na agrikultura upang itayo ang mga batayang industriya sa bansa dahil hindi ito pinahihintulutan ng US at umaayon naman dito ang lokal na naghaharing-uri.

Susi ang ginagampanang papel ng tutang reaksyunaryong gobyerno ng Pilipinas sa pagtataguyod at pagpapatupad ng mga patakarang ayon sa interes ng mga dayuhang imperyalista at lokal na naghaharing uring nagpapakasasa sa yaman ng bansa. Ang makauring diktadura ng imperyalistang US at ahente nitong malaking burgesya kompra-dor at alyadong panginoong maylupa ang nagtityak na mapoprotekta-han at maitataguyod ang kanilang interes sa sistema ng produksyon at superistrukturang malakolonyal at malapyudal na lipunan.

Page 17: Anakbayan Orientation Booklet

ORYENTASYON NG ANAKBAYAN ( 17 )

Page 18: Anakbayan Orientation Booklet

( 18 ) ORYENTASYON NG ANAKBAYAN

7. ANO ANG SOLUSYON SA UGAT NG SULIRANIN NG KABATAAN AT MAMAMAYAN?

Ang pagwawagi ng pambansa-demokratikong pakikibaka na may sosy-alistang perspektiba ang solusyon sa krisis ng malakolonyal at malapyudal na lipunan. Isang pakikibakang naghahangad ng paglaya ng sambayanang Pilipino sa dayuhan at pyudal na pang-aapi’t pagsasamantala. Pambansa ito sa saklaw at katangian. Nananawagan ito sa mamamayang Pilipino sa buong bansa upang ipagwagi ang pagpapalaya’t pagigiit ng pam-bansang soberanya upang pabagsakin ang paghahari ng imperyalismong US sa bansa.

Demokratiko ito sapagkat tinutugunan nito ang interes ng pinagsasaman-talahang mamamayan na bumubuo ng 99% ng populasyon. Pangunahin programa nito ang paglutas sa suliranin sa lupa ng malawak na bilang ng magsasaka sa kanayunan upang durugin ang pyudalismo na batayan ng paghahari ng imperyalita. Hinahangad din niton itaguyod ang demokratikong karapatan ng mamamayan laban sa pasismo ng estado.

Bagong tipo ang ating pambansa-demokratikong pakikibaka, bagama’t maituturing na pagpapatuloy ng Rebolusyon ni Bonifacio noong 1896 sapagkat nasa uring anakpawis (proletaryado at mahigpit na alyadong magsasaka) ang makauring pamumuno rito. Ito ay pagkilala na ang uring anakpawis ang siyang pinakadeterminadong ipagtagumpay ang pambansang demokrasya patungong sosyalismo.

Sosyalista ang perspektiba ng ating pambansa-demokratikong pakikibaka. Ang sosyalismo ay isang sistemang panlipunan kung saan itinataguyod ang planadong produksyon para sa panlipunang ganansya na taliwas sa kapilis-tang anarkistang produksyon na nakatuon sa pagkamal ng pribadong tubo. Ang kapangyarihang estado ay nasa kamay ng uring manggagawa at ang kagamitan sa produksyon ay pag-aaring publiko at pinaiiral ang sistema ng alituntuning “mula sa kakayahan ng bawat isa, tungo sa paggawa ng bawat isa”.

Kagyat na sinisimulan ang sosyalisatang rebolusyon at konstruksyon sa tagumpay ng pambansa-demokratikong pakikibaka ng mamamayan—kapag naibagsak na ang imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo at naagaw na ng mamamayan ang kapangyarihang pampulitika sa buong bayan.

Page 19: Anakbayan Orientation Booklet

ORYENTASYON NG ANAKBAYAN ( 19 )

Page 20: Anakbayan Orientation Booklet

( 20 ) ORYENTASYON NG ANAKBAYAN

ANG PAMBANSA-DEMOKRATIKONG PROGRAMA

Tayo ay naninindigan sa mga sumusunod na patakaran at programa sa iba’t ibang larangan na layon ng pambansa-demokratikong pakikibaka:

Sa laragan ng ekonomiya

-Pagsasabansa ng ekonomiya laban sa dikta ng mga imperyalista-Pambansang industriyalisasyon bilang pangunahing salik sa planado at balanseng pagpapaunlad sa lokal na ekonomiya-Pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo bilang batayan ng pag-unlad ng pambansang industriya-Pagwawakas sa dominasyon ng imperyalistang US at burgesya kumprador sa mahahalagang industriya, ahensya at institusyong pinansyal-Pagsasabansa ng mga istratehikong industriya-Pagpapawalang-bisa sa mga di-pantay na kasunduan at batas na pumapabor sa dayuhan -Pangangalaga sa karapatan sa trabaho, pagtataas ng kalidad ng pamumuhay at pagpapaunlad sa serbisyong panlipunan

Sa larangan ng pulitika, militar, at ugnayang panlabas

-Pagtatayo ng demokratikong gubyernong bayan na pinamumunuan ng uring manggagawa at nakabatay sa malawak na alyansa ng uring manggagawa, magsasaka, petiburgesya at pambansang burgesya-Pagpapairal sa isang hukbong sandatahan na mayroong makabansa at makamasang oryentasyon, mangangalaga sa pambansang teritoryo at lalaban sa pananalakay ng dayuhan-Pagtataguyod at pagtatanggol sa mga demokratikong karaparan—pampulitika at sibil—ng mga mamamayan-Pagpapatupad at paggalang sa karapatang magpasya sa sarili ng mamama-yang Moro at iba pang pambansang minorya-Pagsusulong sa lahatang-panig na pagpapalaya sa kababaihan-Pagpapatupad ng independyenteng patakarang panlabas—anti-imperyalista, nagsasarili at palakaibigan

Sa larangan ng kultura

-Pagsusulong sa makamasa, siyentipiko at makabayang kultura laban sa kolonyal, pyudal at anti-popular na kultura-Pagdedemokratisa sa sistema ng edukasyon, gagawin itong libre mula pinakamababa hanggang pinakamataas na antas.

Page 21: Anakbayan Orientation Booklet

ORYENTASYON NG ANAKBAYAN ( 21 )

8. ANO ANG PAPEL NG KABATAAN AT BAKIT KAILANGANG MAG-ORGANISA?

Mahalaga at mapagpasiya ang papel ng kabataan sa pagsusulong ng makabayan at progresibong kilusang masa upang ibagsak at baguhin ang bulok na sistemang nagpapahirap sa sambayanan.

Ang panahon ng kabataan ang pinakamahusay na edad sa pakikip-aglaban. Katangian ng kabataan ang kasiglahan ng pag-iisip at pagki-los, ang kahandaan na tumanggap ng mga bago at rebolusyonaryong ideya at pamamaraan, ang kapangahasan sa paglaban sa di -maka-tarungang sistema, ang kagitingan sa paglahok sa pakikibaka at ang pagnanasang makalikha ng maningning na kinabukasan.

Kaya’t upang ipaglaban ang kaniyang kahilingan at ang interes ng mamamayan, kinakailangan ng sama-sama, organisado, at militan-teng pagkilos ng kabataan. Kailangang labanan ng kabataan ang kultura ng kawalang-pakialam, ng pagkakanya-kanya, ng pagig-ing kimi, disorganisado’t maka-sarili, at ng pagkalulong sa bulok at dekadenteng gawi na ipinapalaganap ng naghaharing-uri upang ilayo ang kabataan sa landas ng paglaban. Kung hindi mag-oorganisa ang kabataan, madali silang madala ng panlalansi, pananakot at pandara-has ng mga naghahari.

Upang mabaka ang bulok na kulturang ipinapalaganap ng mga na-ghahari, kinakailangang mahigpit na isanib ang kilusan ng kabataan sa pakikibaka ng masang anakpawis. Dapat magpanibagong-hubog ang mga kabataan at pagsilbihin ang kaniyang pakikibaka sa pakikibaka ng buong sambayanan. Kung hiwalay sa pakikibaka ng masa, nangan-ganib na humantong ang mga pagkilos ng kabataan sa repormismo o di kaya’y pabugsu-bugsong anarkiya na sinasamantala ng mga naghahari.

Sa diwang ito, sadyang itinatag ang ANAKBAYAN, sang-ayon sa tradisyon ng Kabataang Makabayan, upang pagbuklurin ang mga ka-bataan mula sa mga api at pinagsasamantalahang uri sa pambansa-demokratikong paglaban.

Page 22: Anakbayan Orientation Booklet

( 22 ) ORYENTASYON NG ANAKBAYAN

Page 23: Anakbayan Orientation Booklet

ORYENTASYON NG ANAKBAYAN ( 23 )

9. ANO ANG BALANGAY NG ANAKBAYAN AT ANO ANG TUNGKULIN NITO?

Ang balangay ay batayang yunit ng organisasyon ng ANAKBAYAN. Itinatayo ang balangay ng ANAKBAYAN saan man may konsentra-syon at hinaharap na laban ang kabataan tulad ng sa mga paaralan, komunidad, pabrika, hasyenda, at iba pa. Maaari din itong itayo mag-ing sa ibayong dagat.

Mula sa anim o higit pang kasapi ng ANAKBAYAN ay maaari nang pormal na tipunin at buuin ang balangay. Naghahalal ito ng pamunu-an na pinangungunahan ng Tagapangulo, Pangkalatahang Kalihim, at Opisyal sa Edukasyon. May asembleya at pulong masa ito na nagsisilbing daluyan ng demokratikong partisipasyon ng kasapian.

Ang balangay ang pangunahing behikulo upang magmulat, mag-organisa, at magpakilos ng malawak na kabataan sa balangkas ng pambansa-demokratikong pakikibaka.

Pinakikilos nito ang kanyang kasapian upang magmulat at magpu-kaw ng malawak na bilang ng kabataan at mamamayan kaugnay ng pambansa-demokratikong pagsusuri at programa. Pinapalaganap nito ang prinsipyo, layunin, at patakaran ng organisasyon at hinihikayat ang pinakamaraming bilang ng kabataan na sumapi. Sa loob nito ay pinapatalas at pinauunlad din ang kamulatan at kakayanan ng mga kasapi sa pamamagitan ng edukasyon, pagsasanay, integrasyon sa batayang masa, at paglahok sa kampanya’t pakikibaka ng masa.

Page 24: Anakbayan Orientation Booklet

( 24 ) ORYENTASYON NG ANAKBAYAN

ANG MGA BALANGAY NG ANAKBAYAN AY MAY SUMUSUNOD NA TUNGKULIN:

1. Palaganapin ang linya, programa at patakaran ng ANAKBAYAN.

2. Buuin ang istruktura para sa demokratikong parti-sipasyon ng kasapian.

3. Magrekluta ng bagong kasapi, mangolekta ng butaw, magbuo ng mga bagong balangay.

4. Maglunsad ng mga pag-aaral sa hanay ng kasa-pian.

5. Regular na maglunsad ng mga integrasyon sa batayang masa sa mga piketlayn, sakahan at komunidad.

6. Pag-aralan at siyasatin ang pangangailangan, kala-gayan at interes ng kabataan.

7. Magsulong ng mga pakikibaka para sa interes at kapakanan ng kabataan at mamamayan.

8. Magsagawa ng mga aktibidad na titipon at mag-papakilos sa kasapian.

9. Mamahagi ng mga publikasyon, babasahin ng ANAKBAYAN.

10. Mag-sumite ng napapanahong ulat.

Page 25: Anakbayan Orientation Booklet

ORYENTASYON NG ANAKBAYAN ( 25 )

10. ANO ANG KARAPATAN AT TUNGKULIN NG KASAPI NG ANAKBAYAN?

Karapatan ng bawat kasapi ng ANAKBAYAN ang mga sumusunod:

a) ang lahat ay malayang dumalo at lumahok sa mga pulong at ak-tibidad ng mga balangay, komite at kolektibong kinabibilangan at maaaring kumatawan sa anumang pulong sa labas ng balangay kung ito ay pagpa-pasyahan ng balangay o kolektibong kinabibilangan.

b) lumahok sa paggawa ng mga desisyon, magpahayag ng mga opinyon at magharap ng mga mungkahi.

c) maghalal at mahalal sa mga responsableng pusisyon sa organ-isasyon.

d) magharap ng mga mungkahi, karaingan sa loob o iba pang yunit, komite o organo ng ANAKBAYAN.

e) maghabol sa anuman desisyon ng nakatataas na organo sa pamamagitan ng tamang proseso.

f) may karapatan ang sinumang nais na magbitiw sa organisasyon matapos mailahad ang batayan ng pagbitiw.

Ang lahat ng karapatang ito ay tatamasahin ng “honorary member” at “pro-visional member” maliban sa mahalal at maghalal.

Tungkulin naman ng bawat kasapi ng ANAKBAYAN ang mga sumusunod:

a) itaguyod at palaganapin ang mga paninindigan, layunin at pro-grama ng ANAKBAYAN.

b) magtapos ng batayang pag-aaral ng organisasyon.

c) manghikayat sa iba pang kabataan na sumapi sa ANAKBAYAN. Tumulong sa pagtatayo ng mga balangay sa paaralan, komunidad o lugar ng trabaho na wala pang balangay ng ANAKBAYAN.

d) magbayad ng butaw/kontribusyon sa organisasyon.

e) aktibong tumugon sa mga aktibidad at programa ng balangay at iba pang pormasyon ng ANAKBAYAN.

f) pangalagaan ang prestihiyo at seguridad ng organisasyon sa lahat ng panahon.

Page 26: Anakbayan Orientation Booklet

( 26 ) ORYENTASYON NG ANAKBAYAN

PANUNUMPA SA ANAKBAYAN

Ako si ____________ ay taos pusong nagpapahayag ng aking kahandaan sa masikhay na pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa kabataan para sa kanilang mga demokratikong kahilingan at mahigpit itong isanib sa pambansa demokratikong adhikain at pakikibaka ng buong sambayanan. Naninindigan ako at yumayakap sa saligang batas, mga prinsipyo at simulain ng ANAK-BAYAN.

Sumusumpa akong ipatutupad ang pangkalahatang tung-kulin at programa nito sa lahat ng pagkakataon. Itataguy-od ko ang lahat ng pasya at patakaran ng Pambansang Kongreso, lahat ng nakatataas na organo at kolektibong kinabibilangan ko. Papandayin ko ang aking sarili bilang aktibista para sa masa. Matiyaga akong mag-aaral ng li-punang Pilipino. Itataguyod ko ang simpleng pamumuhay at puspusang pakikibaka.

Sumusumpa akong panghahawakan ang rebolusyo-naryong tradisyon ng kabataang Pilipino, ipagpapatuloy ko ang di pa tapos na pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Ako ay magiging tapat, masi-gasig at puspusang maglilingkod sa interes ng kabataan at buong sambayanan, buhay ko man ay iaalay.

Page 27: Anakbayan Orientation Booklet

ORYENTASYON NG ANAKBAYAN ( 27 )

ANG WATAWAT NG ANAKBAYAN

ANG SAGISAG ANAKBAYAN

Ang gintong alibata na titik “K” na napalilibutan ng tatlong gintong bituin na nakaporma bilang tatsulok ang opisyal na sagisag ng ANAKBAYAN.

Sumasalamin sa pagpapatuloy ng mga simulain ng Katipunan ni Bonifacio noong 1896 at ng Kabataang Makabayan noong dekada ’60-‘70 ang alibanag titik “K”.

Sumasagisag naman sa (1) liwanag at pag-asa at (2) pambansang katangian ng organisasyon mula Luzon, Visayas at Mindanao ang tatlong bituin. Samantala, ang tatsulok na pormasyon nito’y sumi-simbolo sa tatsulok na katangian ng lipunang Pilipino.

ANG BANDILA NG ANAKBAYAN

Pulang bandila na may gintong sagisag sa gitna ang opisyal na bandila ng ANAKBAYAN. Nakasulat sa ilalim ng sagisag ang kulay itim na pangalang ANAKBAYAN. Simbolo ng katapangan at mili-tansya ang kulay pula. Sumasagisag naman sa ginintuang layunin ng organisasyon ang kulay ginto. Sumasalamin naman sa madilim na lipunang Pilipino na nais baguhin ng organisasyon ang kulay na itim.

Page 28: Anakbayan Orientation Booklet

ANAKBAYAN