ang himagsikang pilipino

15
ANG HIMAGSIKANG PILIPINO

Upload: charlou-oro

Post on 28-Apr-2015

262 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Himagsikang Pilipino

ANG HIMAGSIKANG PILIPINO

Page 2: Ang Himagsikang Pilipino

Maituring na nabigo ang kilusang Propaganda

na makamit ang alinman sa mga layunin nito.

Hindi ipinagkaloob ng pamahalaang Espanyol ang

mga repormang hinihingi ng samahan dahil nang

mga panahong iyon ay abala ang Espanya sa

mga suliraning panloob. Dagdag pa rito, walang

pagkakaisa sa loob mismo ng kilusan sa pagitan

ng mga kasapi tulad ng di-pagkakaunawaan ng

mga tagasunod nina del Pilar at Rizal.

Page 3: Ang Himagsikang Pilipino

Si Rizal at ang La Liga FilipinaSa pagkabuwag ng Circulo

Hispano at Kilusang Propaganda sa Espanya, bumalik sa Pilipinas si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Alonso Y Realonda noong June 26, 1892.

Agad siyang inanyayahan sa isang pulong sa Ilaya St. Tondo, Maynila noong July 3, 1892 at dito’y itinatag niya ang samahang La Liga Filipina.

Page 4: Ang Himagsikang Pilipino

Mga Layunin ng La Liga Filipina1.) Magkaroon ng pagkakaisa ang buong

bansa para sa kapakanan ng lahat.2.) Magtulungan sa panahon ng

pangangailangan3.) Pagtatanggol laban sa karahasan at

kawalang katarungan4.) Maisulong ang edukasyon,

pakikipaglaban at agrikultura5.) Maisagawa ang pagbabago o

reporma sa pamahalaan.

Page 5: Ang Himagsikang Pilipino

Sa kasamaang-palad, pinangambahan

ng mga may kapangyarihang Espanyol na

isang mapanganib na samahan na may

layuning magpabagsak sa pamahalaan.

Ipinadakip ni Gobernador Heneral Eulogio

Despujol si Jose Rizal noong July 6, 1892 at

ipinag-utos na ipatapon sa Dapitan City,

Zamboanga del Norte at ikinulong sa loob

ng apat na taon.

Page 6: Ang Himagsikang Pilipino

Ang KatipunanAng pagkakatatag ng Kataas-

taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan sa No. 72, Azcarraga St. Tondo, Manila ay naging kasagutan ng mga nakararaming Pilipino sa kabiguan ng mga Propagandista. Noong July 4, 1892, matapos ipadakip si Jose Rizal, agarang bumuo ng isang samahan ang mga Pilipino sa pamumuno ni Andres Bonifacio, ito ay ang KKK.

Page 7: Ang Himagsikang Pilipino
Page 8: Ang Himagsikang Pilipino

MGA LAYUNIN NG KATIPUNAN

1.) Maghangad ng kalayaan mula sa Spain

2.) Pagtuturo at pag-aaral ng kagandahang asal, kalinisan, mabuting pakikipagkapwa at ang pakikibaka sa panatisismo.

3.) Pagpapairal ng kapatiran sa mga kapwa kasapi, pagtatanggol at pagtulong sa mga mahihirap at naaapi.

Page 9: Ang Himagsikang Pilipino

MGA URI NG KASAPI

1.) Katipon- Gumagamit ng kontrasenyas o sekretong hudyat na “Anak ng Bayan” at sa pagpupulong ay gumagamit ng talukbong na itim. Ang talukbong ay mga tatsulok na gawa sa putting laso na naglalaman ng mga letrang Z, LL, at B, batay sa letra ng Katipunan, nangangahulugan itong Anak ng Bayan, at hudyat ng Katipon.

Page 10: Ang Himagsikang Pilipino

2.) KAWAL- Sila ay nagsusuot ng luntiang talukbong na may tatsulok na binubuo ng mga puting linya. Nakasabit sa leeg ng kawal ang isang luntiang laso na medalya ang dulo. Ang hudyat nila ay “GOMBURZA”

3.) BAYANI- nagsusuot ng pulang maskara at laso na may berdeng linya sa gilid. Sumisimbolo ito sa katapangan at pag-asa. May pulang linya sa harapan ng maskara na binubuo ng tatsulok na may letrang K na nakaayos na patatsulok din. Ang kanilang hudyat ay “Rizal”.

Page 11: Ang Himagsikang Pilipino

ANG KARTILYA NG KATIPUNAN

Upang ganap na maikintal sa isipan at puso ng mga kasapi ng Katipunan ang mga adhikain at layunin nito, inatasan ni Andres Bonifacio na gumawa ng isang kartilya si Emilio Jacinto (Utak ng Katipunan) na maglalaman ng mga alituntuning dapat sundin ng mga kasapi.

Page 12: Ang Himagsikang Pilipino

1.) Ang buhay ay hindi ginugol sa isang banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi man damong makamandag.

2.) Ang gawaing magaling na nagbubuhat sa paghahambog o pagpipinta sa sarili at hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.

3.) Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawanggawa, ang pag-ibig sa kapwa, at ang isukat ang bawat kilos, gawa’t pangungusap sa talagang katwiran.

4.) Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y pantay-pantay; mangyayaring ang isa’y hihigitan sa dunong, sa yaman, sa ganda ngunit di mahihigitan sa pagkatao.

Page 13: Ang Himagsikang Pilipino

5.) Ang may mataas na kalooban, inuuna ang puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili kaysa puri.

6.) Sa taong may hiya, ang salita’y panunumpa.

7. ) Huwag mong sayangin ang panahon, ang yamang nawala’y mangyayaring magbabalik, ngunit panahong nagdaan na’y di na muli pang magdadaan.

8.) Ipagtanggol mo ang inaapi; kabakahin ang umaapi

9.) Ang matalino’y may pag-iingat sa bawat sasabihin; matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.

Page 14: Ang Himagsikang Pilipino

10.) Sa daang matinik ng buhay, ang mga magulang ang patnugot ng mag-anak, kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.

11.) Ang babae ay huwag mong tignang isang bagay na libangan lamang kundi isang katuwang at karamay ng lalaki sa mga kahirapan nitong buhay.Gamitin ng nang buong pagpipitagan ang kanyang (pisikal) na kahinaan, at alalahanin ang inang nag-aaruga sa iyong kasanggulan.

12.) Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.

Page 15: Ang Himagsikang Pilipino