ano ang mga nilalaman ng draft bangsamoro basic law?

Upload: office-of-the-presidential-adviser-on-the-peace-process

Post on 01-Jun-2018

267 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • 8/9/2019 Ano ang mga nilalaman ng draft Bangsamoro Basic Law?

    1/12

    SALIENT POINTS OF THE BANGSAMORO BASIC LAW

    1

    Article I: Name and Purpose of LawArticle II: Bangsamoro IdentityArticle III: TerritoryArticle IV: General Principles and PoliciesArticle V: Powers of Government

    Article VI: Intergovernmental RelationsArticle VII: Bangsamoro GovernmentArticle VIII: WaliArticle IX: Basic RightsArticle X: Bangsamoro Justice SystemArticle XI: Public Order and SafetyArticle XII: Fiscal AutonomyArticle XIII: Economy and PatrimonyArticle XIV: Rehabilitation and DevelopmentArticle XV: PlebisciteArticle XVI: Bangsamoro Transition AuthorityArticle XVII: Amendments and RevisionsArticle XVIII: Final Provisions

    Appendix to the Basic Law

    Salient Pointsof the draft

    BangsamoroBasic Law

    Ano ang mga nilalaman ng draftBangsamoro Basic Law?

    TAGALOG

  • 8/9/2019 Ano ang mga nilalaman ng draft Bangsamoro Basic Law?

    2/12

    2

    SALIENT POINTS OF THE BANGSAMORO BASIC LAW

    Article I: Name and Purpose of Law

    1. Ang batas ay tatawaging “Bangsamoro Basic Law” o BBL.

    2. Binuo ang batas upang mailatag kung paano itatatag ang bagong politicalentity, kasama ang pagtalakay sa anyo ng pamamahala dito. Ang pagtatag ngBangsamoro ay pagbibigay halaga at hustisya sa matagal nang ipinaglalaban ngmga Bangsamoro na mabigyan sila ng tunay na autonomiya sa pamamahala ngat pagplano ng kanilang kinabukasan sa demokratikong pamamaraan.

    Article II: Bangsamoro Identity

    1. Ipinapaliwanag sa artikulong ito kung sino ang mga Bangsamoro - sila angmga orihinal na nanirahan sa Mindanao, sa mga isla ng Sulu at mga karatig-pulo nito kabilang ang Palawan mula pa noong panahon ng mga mananakop.Ang kanilang mga salinlahi, mga asawa, at mga salinlahi nito ay maaaringkilalanin ang sarili nila (mag-ascribe) bilang Bangsamoro.

    2. Malaya ang ibang mga taong naninirahan dito, katulad ng mga indigenous

    peoples (IPs) na kilalanin ang sarili nila (mag-ascribe) na Bangsamoro o hindi.

    Article III: Territory

    1. Tinutukoy sa BBL kung anu-ano ang napapaloob sa Bangsamoro territory:landmass, terrestial, alluvial, and aerial domain – pero malinaw din sa Section 1

    KABACAN

    CARMENALEOSAN

    PIGKAWAYAN

    NUNUNGAN

    MUNAI

    PANTAR

    BALOITAGOLOAN

    PIKIT

    MIDSAYAP

    TANGKAL

    North Cotabato

    Cotabato City

    Isabela City

    Lanao del Norte

    Sulu

    Tawi-Tawi

    Basilan

     

  • 8/9/2019 Ano ang mga nilalaman ng draft Bangsamoro Basic Law?

    3/12

    SALIENT POINTS OF THE BANGSAMORO BASIC LAW

    3

    na ang Bangsamoro ay bahagi pa din ng Pilipinas.

    2. Bangsamoro Government ang siyang mamamahala sa katubigan namay layong 12 nautical miles mula sa baybayin nito na siyang tatawagingBangsamoro waters. Ang Bangsamoro government ay magkakaroon ngkaukulang mga karapatan sa mga yamang dagat na nakapaloob dito.

    3. Malinaw sa Article IV, Section 8, na bagamat ang Bangsamoro Governmentang siyang may autoridad sa kanilang teritoryo, kailangang igalang nila atsundin ang mga kasunduan at international treaties ng buong bansang Pilipinas.

    Article IV: General Principles and Policies

    1. Ang magiging anyo ng pamamahala sa Bangsamoro ay parliamentary atdemokratiko.

    Kinikilala at kikilalanin sa Bangsamoro ang karapatan ng bawat Pilipino namakibahagi sa pamamahala dito. Nakasaad naman sa Article V, Section 4,ng draf BBL ang karapatan ng Bangsamoro parliament na gumawa ng mga

    karagdagang batas ayon sa karapatan ng mga nasasakupan nito - “initiatemeasures for the passage, amendment or repeal of regional or local legislation; tobe consulted on matters that affect their environment; to call for a referendum onimportant issues affecting their lives; and to recall regional or local officials.”

    2. Ang Section 4 ay malinaw na sumusunod sa Saligang Batas ng Pilipinas, nanagsasabing ang “civilian authority is at all times supreme over the military.” 

    Article V: Powers of Government

    1. Ang lahat ng mga nailistang kapangyarihan sa Annex on Power Sharing aynakalista rin sa draf BBL. Malinaw sa BBL na ang Pamahalaang Nasyonal oSentral lamang ang may karapatan at kapangyarihan pagdating sa nationaldefense, security, foreign relations, monetary policy, customs and tariffs at ibapang nakalistang “reserved powers.”

    2. Sa usaping “concurrent powers,” pinapayagan ang Bangsamoro Governmentna magtayo ng mga opisina at mga institusyon na patuloy na makikipag-ugnayan at makipagtulungan sa mga katuwang na institusyon nito saPamahalaang Nasyonal. Halimbawa, maaaring pangasiwaan ng Bangsamoroang pagrehistro ng lupain sa kanilang rehiyon pero kinakailangang ito aynaaayon sa umiiral nang sistema ng land registration ng Pamahalaang Nasyonal.

    3. Para masiguro din ang pagsasagawa, pag-sasaayos at pagpapanatili ng mgadaan, tulay, at irigasyon sa Bangsamoro, isinasaad sa BBL ang pagbibigay

  • 8/9/2019 Ano ang mga nilalaman ng draft Bangsamoro Basic Law?

    4/12

    4

    SALIENT POINTS OF THE BANGSAMORO BASIC LAW

    ng Pamahalaang Sentral ng regular na pondo sa Bangsamoro para sa mgaimprastrakturang nabanggit.

    4. May karapatan ang Bangsamoro na magtatag ng sarili nitong auditing body atcivil service office na kinakailangang sasang-ayon at susunod sa pamamalakadat sa kapangyarihan ng Commission on Audit at Civil Service Commission.Ang lahat ng kapangyarihan ng mga bagong opisinang itatatag ay kailangangsumasang-ayon sa Saligang Batas.

    5. “Exclusive Powers”: Isa sa mga bagong probisyon na nakasulat sa BBL ayang pagbibigay karapatan sa Bangsamoro Government na pangasiwaan at

    pangalagaan ang power generation, transmission at distribution acilities saBangsamoro kung ito naman ay di konektado sa national grid. Sa probisyongito, hinihimok ang gobyerno ng Bangsamoro na magtalaga ng mga power generation facilities sa kaniyang territoryo upang matugunan ang kanilang mgapangangailangan.

    6. IP RIGHTS - Malinaw na nakasaad sa BBL na angkarapatan ng mga indigenous peoples (IPs) o mga lumad

    ay poprotektahan at bibigyang pansin. Bagamat mayekslusibong kapangyarihan ang Bangsamoro Governmentsa mga IPs, minamandato ng BBL ang Bangsamoro nabigyang proteksyon ang karapatan ng mga IPs sa kanilang

    lugar alinsunod sa mga nakasulat sa United Nations Declaration on the Rightso the Indigenous Peoples. Nangangahulugan din ito na magtatatag ng opisinapara sa mga IPs at ang pinuno nito ay awtomatikong magiging miyembro nggabinete ng chie minister.

    Inuutos din sa BBL ang paggawa ng batas ng Bangsamoro Government namagdedetalye ng hatian sa kita ng mga IPs mula sa pagsasaliksik, pagpapaunlad,at paggamit ng yamang natural. (Section 3)

    7. Bahagi ng awtoridad ng Bangsamoro Government ang pangasiwaan atprotektahan ang kanilang kalikasan.

    8. Ang mga kapangyarihan na naibigay na sa pamahalaan ng ARMM nanakasaad sa RA 9054, ay ipapasa bilang kapangyarihan din ng Bangsamoro.Halimbawa, ang probisyon patungkol sa edukasyon na nagbibigay karapatan sagobyerno ng ARMM na pamahalaan ang pagpapatakbo ng mga madaris schoolsay ipapasa sa Bangsamoro. Article VI: Intergovernmental Relations

    1. Asymmetrical ang tawag sa relasyong pulitikal ng Bangsamoro Government

  • 8/9/2019 Ano ang mga nilalaman ng draft Bangsamoro Basic Law?

    5/12

    SALIENT POINTS OF THE BANGSAMORO BASIC LAW

    5

    at Central Government. Nangangahulugan na hindi pantay ang kapangyarihanng Central Government at Bangsamoro Government. Ang relasyon ng

    Bangsamoro Government sa Central Government ay magkaiba sa relasyon ngLocal Government sa Central Government.

    Naaayon ang relasyong ito sa Saligang Batas ng Pilipinas, sa Article X, Section15 at 20 na nagbibigay ng espesyal na kaayusan sa mga autonomous regions ngMuslim Mindanao at Cordillero.

    2. Nasa Pangulo ng Pilipinas ang kapangyarihan na pangasiwaan angBangsamoro upang masiguro na wastong maipapatupad ang mga batas.

    3. Magtatatag ng “Central Government - Bangsamoro GovernmentIntergovernmental Relations Body” na siyang magpapasya sa mga isyu opagtatalo. Gagawin ang pagpapasya matapos ang mga masusing konsultasyonat negosasyon. Ang mga isyung di malulutas ng parliament ay iaakyat ng chieminister sa Pangulo ng Pilipinas.

    4. Ang pagtatatag ng Bangsamoro ay hindi makakabawas sa karapatan at

    kapangyarihan ng mga lokal na pamahalaang hindi kabilang dito. Ang mgalokal na pamahalaang sakop naman ng Bangsamoro ay ganun din, maliban nalamang kung may mga pagbabagong itatalaga ang gobyerno ng Bangsamoropara sa ikabubuti ng pamahahala dito. (Section 7)

    5. Magkakaroon ng “Philippine Congress-Bangsamoro Parliament Forum”para maayos ang ugnayan ng Philippine Congress at Bangsamoro Governmenttungkol sa mga usaping lehislatibo.

    6. Sa Section 9, tungkulin ng Pamahalaang Nasyonal na maghirang ng mgakwalipikadong mga Bangsamoro sa mga sumusunod na posisyong nasyonal:

    a. hindi bababa sa 1 cabinet secretary b. hinid bababa sa 1 sa bawat department, offices at bureau, holding executive,

    primarily confidential, highly technical, policy-determining positions; atc. Isang commissioner sa bawat opisinang itinatag ng Konstitusyon

    Article VII: Bangsamoro Government

    1. Ang gobyerno ng Bangsamoro ay magigingparliamentary. Nangangahulugang ang BangsamoroParliament at Cabinet ay may kapangyarihang ehekutibo atlehislatibo.

    2. Ang komposisyon ng Bangsamoro Parliament ay angsumusunod:

    BANGSAMORO

  • 8/9/2019 Ano ang mga nilalaman ng draft Bangsamoro Basic Law?

    6/12

    6

    SALIENT POINTS OF THE BANGSAMORO BASIC LAW

     

    • magkakaroon ng hindi bababa sa sixty (60) members• 50% ng miyembro ay manggagaling sa party seats

    • 40% ng miyembro ay galing sa parliamentary district seats• 10% ay para naman sa mga reserved seats

    Dapat may dalawang (2) reserved seats sa mga IPs at dalawang (2) reservedseats sa settler communities. Ang mga kababaihan ay magkakaroon din ngreserved seat.

    3. Kung may mababakanteng posisyon, ang pagpapalit ay ayon sa proportionalrepresentation mula sa partido na nagmamay-ari ng nabakanteng posisyon.

    Ang ipapalit sa isang bakanteng district seat ay hihirangin ng partido ngdating nagmamay-ari sa posisyon. Sa kaso ng isang unaffiliated Member oParliament, kung mababakante ang kaniyang posisyon, pipiliin ang kapalit niyasa pamamagitan ng isang espesyal na halalan, na isasagawa sa paraang itatakdang batas na pagtitibayin ng Bangsamoro Parliament (Section 17).

    4. Magkakaroon ng Bangsamoro Electoral Code na susunod sa batas ngnational elections. Magtatatag ng Bangsamoro Electoral Office na bahagi ng

    Commission on Elections, at siyang magpapatupad ng mga gawaing patungkolsa eleksyon sa Bangsamoro.

    5. Ang parliament assembly ang siyang maghahalal, sa pamamagitan ngmajority vote, ng pinuno ng Bangsamoro na tatawaging Chie Minister.

    6. Ang Chie Minister ay magiging ex-officio member ng National Security

    BANGSAMORO ASSEMBLY

    Registered voterselect representatives in the

    Bangsamoro AssemblyBangsamoro Assembly elects

    the Chief Minister

    Chief Minister chooses Deputy Chief Ministerand other ministers to form the Cabinet

    CHIEF

    MINISTER

    Election Process in the Bangsamoro Government

    (at least 60 members)

  • 8/9/2019 Ano ang mga nilalaman ng draft Bangsamoro Basic Law?

    7/12

    SALIENT POINTS OF THE BANGSAMORO BASIC LAW

    7

    Council (NSC) at National Economic and Development Authority (NEDA),para sa mga usaping patungkol sa Bangsamoro.

    7. Ang parliament ay bubuwagin ng “Wali” sa pagkakataong may two thirds(2/3) vote of no confidence mula sa lahat ng miyembro ng Parliament. Sapagkakataong ito, magpapatawag ang Wali ng eleksyon para sa pagbubuo ngbagong parliament at kailangan mangyari ang eleksyon sa loob ng 120 daysmatapos ang pagbubuwag.

    8. Sa panahong may pagbubuwag o dissolution ng parliament, patuloy nagagampanan ng Chie Minister at Cabinet ang kanilang mga tungkulin

    hanggang ang bagong parliament ay nabuo na at nakapili o nakaboto na sila ngbagong Chie Minister.

    Article VIII: Wali

    1. Magkakaroon ng “titular head” ang Bangsamoro at tatawagin itong Wali. Ang Wali ay walang kapangyarihan patungkol sa pamamahala at mayroonlamang “ceremonial unctions.” Ang Wali ay nasa ilalim din ng pangangasiwa ng

    Pangulo ng Pilipinas.

    Article IX: Basic Rights

    1. Nakasaad sa artikulong ito ang pagrespeto sa iba’t ibang mga karapatan ngmga taong napapaloob sa Bangsamoro. Ito ay ang mga sumusunod:

    a. Karapatan sa libreng edukasyon mula elementarya hanggang hayskulb. Karapatang Pantao alinsunod sa International Human Rights and

    Humanitarian Standardsc. Karapatan sa mga dati ng ipinagkaloob na karapatan sa pag-aarid. Karapatan ng Indigenous Peoplese. Karapatan sa mga pangunahing serbisyo para sa maayos na kalusugan,

    kaledad na edukasyon, kabuhayan, pabahay at patubig.. Karapatan patungkol sa paggawa at manggagawag. Karapatan ng mga bata at mga kababaihanh. Karapatan ng mga taong may kapansanan

    2. Bubuuin ang Bangsamoro Commission on Human Rights para sa proteksyonng karapatang pantao ng mga Bangsamoro.

    3. Magkakaroon ng transitional justice mechanisms upang matugunan ang mgahinaing ng Bangsamoro, itama ang mga historical injustices, at mabigyang-tugon ang paglabag sa karapatang pantao para sa paghihilom ng mga sugat naidinulot ng mga hidwaan.

  • 8/9/2019 Ano ang mga nilalaman ng draft Bangsamoro Basic Law?

    8/12

    8

    SALIENT POINTS OF THE BANGSAMORO BASIC LAW

    4. Magtatatag ng Tribal University system sa loob ng Bangsamoro na tutugon samga pangangailangan sa edukasyon ng mga indigenous cultural communities.

    5. Itatatag ang “Bangsamoro Commission or the Preservation o CulturalHeritage” upang tumulong at tumugon sa pangangalaga ng kultura at tradisyonng Bangsamoro. Ang komisyon na ito ang siyang mangangasiwa sa mga culturalat historical sites, at siyang mangunguna sa pagtatalaga ng libraries at museums.

    Article X: Bangsamoro Justice System

    1. Ang Shari’ah Courts sa Bangsamoro, na kasalukuyang

    may kapangyarihan sa personal at property relations nanakapaloob sa Presidential Decree No. 1083 na kilala rinbilang Muslim Code o Personal Laws, ay magkakaroon pa

    ng karagdagang kapangyarihan sa mga commercial at criminal Shari’ah laws naipapatupad ng Bangsamoro Parliament.

    2. Ang mga sumusunod na justice institutions ay itatatag:a. Ang Shari’ah District, mga Circuit Court, at ang Shari’ah High Court.

    (Section 5 hanggang 7)b. Ang Shari’ah Judicial and Bar Council (JBC) ay siyang magrerekomenda

    ng mga aplikante sa JBC sa mga posisyong judges/justices para saShari’ah courts sa Bangsamoro. Isang consultant para sa Judicial andBar Council ang hihirangin upang magbigay patnubay sa JBC sa mgaappointment na gagawin nito. Ang kapangyarihan ng consultant ayrecommendatory lamang at hindi nito papalitan ang otoridad ng JBC.Ang Shari’ah Judicial and Bar Council ay magsasagawa ng imbestigasyon

    sa mga nagkakamaling personnel ng Shari’ah Courts sa Bangsamoro atmagsusumite ng resulta ng nasabing imbestigasyon sa Supreme Courtpara sa agarang aksyon. (Section 10 hanggang 13)

    c. Ang Shari’ah Prosecutorial Service ay magiging bahagi ng NationalProsecutorial Service sa ilalim ng Department o Justice. (Section 19).

    d. Ang Shari’ah Academy ay magsasagawa ng mga kurso at pagsasanaypara sa kasanayan ng Shari’ah Law, magbigay pagpapatibay sa mga kursosa Shari’ah na nakamit ng isang Bangsamoro mula sa mga paaralan at

    unibersidad sa labas ng bansa, at bubuo ng curriculum ng mga paaralan atunibersidad sa Bangsamoro.e. Itatatag ng Bangsamoro parliament ang tradisyunal/katutubong sistema

    ng paghuhukom. Itatatag din ang opisina para sa Traditional/Tribal JusticeSystem na siyang mangangasiwa sa pag-aaral, pangangalaga, at pagbuo ngkatutubong sistema ng paghuhukom sa loob ng Bangsamoro. (Section 23hanggang 24)

    3. Magiging patakaran ng National Government na humirang ng mga

  • 8/9/2019 Ano ang mga nilalaman ng draft Bangsamoro Basic Law?

    9/12

    SALIENT POINTS OF THE BANGSAMORO BASIC LAW

    9

    kwalipikadong indibidwal na Bangsamoro sa kahit man lamang isang (1) justicesa Supreme Court at dalawang (2) justices sa Court o Appeals.

    Article XI: Public Order and Safety

    1. Ang Bangsamoro Police, na bahagi ng PNP,ay itatatag. Katulad ng PNP, ito ay magigingpropesyonal, sibilyan, patas at walang pinapanigan,malaya mula sa partisan political control, atmananagot sa batas sa kanyang mga aksyon.

    2. Ang Bangsamoro Regional Board na magiging bahagi ng NAPOLCOM atmagsasagawa ng mga tungkulin ng NAPOLCOM sa rehiyon, ay itatatag din.Ang mga miyembro ng Board nito ay mula sa mga miyembro ng parliament atsectoral representatives. (Section 5 at 6)

    3. Katulad sa RA 9054, ang Bangsamoro Police ay pamumunuan ng isangDirector na siyang tutulungan ng dalawang deputies

    4. Ang depensa at seguridad ay mananatiling kapangyarihan ng PamahalaangSentral. (Section 15)

    5. Kikilalanin ng Bangsamoro Government ang mga katutubong kaayusan osistema na nagpapalawig ng kapayapaan, batas, at kaayusan. (Section 18)

    Article XII: Fiscal Autonomy

    1. Ang pangunahing layunin ay maging fiscally autonomous ang Bangsamoro.Ang mga unding mechanisms na ipinapatupad sa batas na ito ay magbibigaypagkakaton sa Bangsamoro government upang maging sel-sufficient at hindina mangangailangan ng pagpopondo mula sa Central Government paramatugunan ang mga pangangailangan ng nasasakupan nito.

    2. Ang Bangsamoro government ay magkakaroon ng sariling auditing bodyngunit ang kapangyarihan nito ay walang pagkiling sa kapangyarihan at

    otoridad ng national Commission on Audit. (Section 2)

    3. Maliban pa sa mga buwis na naibigay na sa ARMM, ang BangsamoroGovernment ay maaari nang magpataw at mangolekta ng apat pangpambansang buwis – Capital Gains Tax, Donor’s Tax, Estate Tax atDocumentary Stamp Taxes sa kondisyon na ang mga taxable elements nito aynakapaloob sa Bangsamoro. (Section 9)

    4. Ang Bangsamoro Government ay may karapatan sa 75% ng lahat ng

  • 8/9/2019 Ano ang mga nilalaman ng draft Bangsamoro Basic Law?

    10/12

    10

    SALIENT POINTS OF THE BANGSAMORO BASIC LAW

    pambansang buwis, bayad at ang mga charges na makokolekta sa loob ngBangsamoro. (Section 10)

    5. Maaaring magtatag ang Bangsamoro Government ng sariling opisinangpambuwis upang mangolekta sa Bangsamoro. Tutulong pa rin ang CentralGovernment sa Bangsamoro Government sa tax administration at fiscalmanagement. Kabilang sa tulong na ito ang pagbibigay ng capacity building attraining programs alinsunod sa needs assessment and capacity building plan nabubuuin ng Bangsamoro Government sa tulong ng Central Government.

    6. Ang Annual Block Grant (ABG) ay 4% ngunit maaaring ayusin pa kung (a)

    magkakaroon ng pagbabago sa kabuuang land area ng Bangsamoro (i.e. kunghindi lahat ng LGUs na nabanggit sa batas at FAB ay boboto upang magingparte ng Bangsamoro); at (b) hindi mapamahalaang kakulangan sa pananalapina kung saan puwedeng mabawasan ang ABG.

    7. Ang iba pang pagkukunan ng kita:a. Mga pautang na lokal or mula sa ibang bansa na kung saan ang BG ay

    maaaring kumontrata. (Section 21a)

    b. Ang BG ay maaaring mag-issue ng bills, bonds, debentures, etc. (Section 21b)c. ODA (Section 23)d. Grants at donations (Section 24)e. Bahagi mula sa GOCCs na umiiral sa Bangsamoro. Ang bahagiang ito ay

    matutukoy sa pamamagitan ng IGR mechanism.. Bahaging magmumula sa pagsasaliksik, pagpapaunlad, at paggamit ng

    mga yamang natural. (Section 32)i. Non-metallic – 100% BG

    ii. Metallic – 75% to BG  ii. Fossil fuels and (at) uranium – 50%

    Note: Upang masiguro na hindi mawawalan ng bahagi ang mga lokal nakomunidad, inuutos ng Basic Law na ang Bangsamoro Government aymagpatupad ng batas na magbibigay ng karampatang detalye patungkol samga nararapat na bahagi ng mga LGUs at ng mga apektadong IPs.

    8. Nakapaloob din sa batas na ang mga kita na magmumula sa (a) pambansang

    buwis na makokolekta sa rehiyon; at (b) pagsasaliksik, pagpapaunlad, at

    BANGSAMORO

    GOVERMENT

    NON-METALIC

    MINERALS

    METALIC

    MINERALS

    FOSSIL

    FUEL

    CENTRAL

    GOVERNMENT

    GPH

    CENTRALGOVERNMENT

    BANGSAMORO

    GOVERMENT

    BANGSAMORO

    GOVERMENT

    75%

    25% 25%

    50%100%

  • 8/9/2019 Ano ang mga nilalaman ng draft Bangsamoro Basic Law?

    11/12

    SALIENT POINTS OF THE BANGSAMORO BASIC LAW

    11

    paggamit ng mga yamang natural, ay ibabawas sa annual block grant (ABG).Samakatuwid, sa pagdating ng panahon na kung saan ang revenue collection ng

    Bangsamoro Government ay katumbas na ng ABG, hindi na ito popondohanng Central Government. (Section 19)

    9. Upang maayos ang mga isyu patungkol sa buwis at usapin sa pananalapi,itatatag ang Intergovernmental Fiscal Policy Board na kung saan maykinatawan ang mga may kinalamang ahensya ng gobyerno ng Bangsamoro at ngPamahalaang Nasyonal, kasama ang DOF. Article XIII: Economy and Patrimony

    1. Ang Bangsamoro Government ay may kapangyarihang magdeklara ng naturereserves, aquatic parks, orests, at watershed reservations, at mga protektadonglugar sa Bangsamoro. Ang mga protektadong lugar na kasalukuyang nasailalim ng pamamahala ng National Government ay ililipat sa BangsamoroGovernment sa loob ng panahong hindi hihigit sa dalawang (2) taon.

    2. Ang National Government at Bangsamoro Government ay magkasamang

    mananaliksik, magpapaunlad, at gagamit ng ossil uels at uranium saBangsamoro. (Section 10)

    3. Ang Bangsamoro parliament ay magpapatupad ng batas na tutugon sabahagi sa kita ng mga Indigenous Peoples at kanilang preerential rights sapagsasaliksik, pagpapaunlad, at paggamit ng mga yamang natural sa mga lugarna nasasakupan ng kanilang native title. (Section 12)

    4. Ang pagpasok sa Financial and Technical Assistance Agreements patungkolsa mga mineral na yaman ng Bangsamoro ay ayon sa rekomendasyon ngBangsamoro Government. (Section 14)

    5. Ang Zones o Joint Cooperation ay itatag sa Sulu Sea atMoro Gul para sa proteksiyon ng tradisyonal na fishinggrounds, at ang pagsasaliksik, pagpapaunlad, at paggamitng mga non-living resources doon. Ang mga zones na

    ito ay hindi parte ng teritoryo ng Bangsamoro kungdimagkasamang pangagasiwaan. (Section 18 hanggang 20)

    6. Ang Bangsamoro Government ay magkakaroon ng eksklusibongkapangyarihan upang pangasiwaan, pamahalaan, at protektahan ang mgainland waters ng Bangsamoro. (Section 22)

    7. Ang Bangsamoro Government ay magkakaroon ng mga sumusunod nakapangyarihan sa trade and industry: itataguyod nito ang domestic trade

    BANGSAMOROWATERS

  • 8/9/2019 Ano ang mga nilalaman ng draft Bangsamoro Basic Law?

    12/12

    12

    SALIENT POINTS OF THE BANGSAMORO BASIC LAW

    preerence para sa mga kalakal na ginawa at mga materyal na nagmula saBangsamoro; ito ay maaaring lumahok sa mga trade missions at airs sa ibang

    bansa; at ito ay maaari ring magsagawa ng barter trade at counter-trade sa mgabansa sa ASEAN. (Section 24 - 25)

    8. Ang Bangsamoro Government ay maaaring magtatag ng mga economiczones, industrial estates, at ree ports sa Bangsamoro. Maaari ring ibigay ngBangsamoro Government ang parehong fiscal incentives sa mga locators sakaniyang economic zones/industrial estates/ree ports, tulad sa mga lugar salabas ng Bangsamoro. (Section 26)

    Article XIV: Rehabilitation and Development

    1. Sisimulan ang isang Special Development Fund para sa rehabilitasyon atpagpapaunlad ng Bangsamoro. Nagkakahalaga ito ng Php 17 bilyon at ibibigayunti-unti at pantay-pantay sa loob ng limang (5) taon.

    Article XV: Plebiscite

    1. Kapag naitatag na ang Bangsamoro, ang mga contiguous na lokal napamahalaan o geographic areas sa labas ng Bangsamoro ay maaaring maghainng petisyon, na hindi bababa sa 10% ng mga rehistradong botante nila, upangmapaloob sa Bangsamoro at sa plebisito para sa ganoong layunin.

    Article XVI: Bangsamoro Transition Authority

    1. Ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) ay

    magsisilbing interim government ng Bangsamorosa panahon ng transisyon, at gaganap ng mga pang-ehekutibo at pang-lehislaturang tungkulin para saBangsamoro. Ang Moro Islamic Liberation Front angmamumuno sa BTA. Php 1 bilyon ang ilalaan para saoperasyon ng BTA.

    BTA

    Important links:Draft Bangsamoro Basic Lawhttp://www.opapp.gov.ph/resources/draft-bangsamoro-basic-law

    House Bill No. 4994http://www.opapp.gov.ph/resources/house-bill-no-4994

    Senate Bill No. 2408http://www.opapp.gov.ph/resources/senate-bill-no-2408

    FAQs on the BBLhttp://www.opapp.gov.ph/resources/frequently-asked-questions-draft-bangsamoro-basic-law