aralin 2 gçô ang wika at lipunan

30
Aralin 2 – Ang Wika at Lipunan

Upload: justin-thaddeus-soria

Post on 06-May-2015

4.747 views

Category:

Technology


8 download

TRANSCRIPT

Page 1: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Aralin 2 – Ang Wika at Lipunan

Page 2: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Ang Pagkakaugnayan ng wika at Lipunan

Lipunan – malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag-uugali, ideya at saloobin, namumuhay sa isang tiyak na teritoryo at itinuturing ang sarili bilang isang yunit. (UP Diksyunaryong Filipino)

Wika – pasalita man o pasulat ay isang instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob ng lipunang ito sa pakikipag-ugnayan nila sa isa’t isa at ang relasyong panlipunan ay hindi iiral kung walang wika. ( Sapir)

Page 3: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Ang pagkakaroon ng isang wika ay nagsisilbing simbolo ng pagkakaisa na nagbibigkis sa mga tagapagsalita ng nasabing wika. (Sapir)

Ang wika ay isang produktong sosyal ng kakayahang magsalita at isang koleksyon ng mahahalagang kombensiyon na binuo at ginamit ng isang grupo para magamit ng mga indibidwal. ( Sausure )

Page 4: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Ang wika kung gayon ay isang panlipunang pangyayari.

Dahil sa anumang pahayag, pagkilos o salita ng isang indibidwal ay nagiging makabuluhan lamang kung ito ay nakakonteksto sa loob ng lipunan at ibinabahagi sa iba pang indibidwal o grupo. (Constantino)

Page 5: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Malaki ang ugnayan ng wika at lipunan dahil sa kapwa nila naiimpluwensiyahan at nahuhubog ang isa’t isa.

Nahahati ang lipunan ayon sa antas ng pamumuhay, lahi, kasarian, edad, hanapbuhay, interes at iba pang panlipunang sukatan.

Ang mga tao rin sa loob ng lipunan ay nagpapangkat-pangkat batay sa mga salik na nabanggit.

Page 6: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Sa patuloy na pakikipag-usap o interaksyon ng mga grupo ng taong ito sa iba pang mga grupo o komunidad, nagkakaroon ng mga katangian ang salita nila na naiiba sa mga miyembro ng ibang grupo.

Nagbubunsod ito ng pagkakaroon ng iba’t ibang komunidad ng tagapagsalita o speech community.

Page 7: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Dell Hymes (Wood,2004) – isa sa mga kauna-unahang nagbigay ng depinisyon kung ano ang speech community.

Ito raw ay ang pangkat ng mga taong hindi lamang gumagamit ng wika sa magkakatulad na paraan kundi nababatid din nila ang patakaran at pamantayan kung paano ginagamit at nauunawaan ang mga gawaing pangwika.

Page 8: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Ayon naman kay Labov, nagkakaroon daw ng isang speech community kung may isang pangkat ng mga taong nagkakaunawaan sa layunin at istilo(salita, tunog,ekspresyon)ng kanilang pakikipagtalastasan sa paraang sila lamang ang nakakaalam at hindi nauunawaan ng mga taong hindi kabilang sa kanilang pangkat.

Page 9: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Ayon naman kay Ocampo(2002), ang pananalita ay isang panlipunang pagkakakilanlan.

Ginagamit ito, sadya man o hindi para tukuyin ang pagkakabilang sa iba’t ibang panlipunang pangkat o iba’t ibang komunidad ng tagapagsalita o speech community.

Page 10: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Sa pananaw ng mga sosyolingwistiko, may varayti ang wikang ginagamit ng mga tao sa loob ng isang lipunan.

Ang iba’t ibang anyo ng wikang ginagamit ng mga speech communities sa isang lipunan ang pinag-aaralan sa socio-linguistics.

Socio-linguistics – isang larangan ng pag-aaral ng wika na nagsusuri sa pagkakaiba ng wika sa istruktura ng lipunan. (Paz et al.,2003)

Page 11: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Baryasyon ng Wika

Ang pagkakaiba-iba ng wika ay maiuuri ayon sa dalawang pangunahing dimensyon:

1. heograpikong diyalekto – baryasyon ng wika batay sa katangian nito (punto o accent) na karaniwang ginagamit ng mga tao sa isang rehiyon o pook.(Rubrico,2006)varayti ng wika at sinasalita ng mas maliit na grupo.

2. Social dialect o sosyolek – baryasyon ng wikang ginagamit ng mga speech communities ayon sa uri, edukasyon, trabaho, edad at iba pang panlipunang sukatan.

Page 12: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Dahilan ng pag-iiba-iba ng heograpikong diyalekto:

1. heograpiyang lokasyon ng mga speech communities – tumutukoy sa lugar kung saan ginagamit ang mga partikular na wika na pwedeng pinaghihiwalay ng isang anyo ng tubigan o kabundukan

2. language boundary – bunga ng migrasyon o paglilipat ng komunidad sa ibang lugar, maaaring dahil sa kalamidad tulad ng lindol o bagyo, giyera o ang unti-unting pagsasama ng dalawang dating magkahiwalay na komunidad.

Page 13: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Pagkakaiba ng Wika at Diyalekto

Mutual intelligibility o pagkakaintindihan – ginagamit na batayan ng mga lingguwista sa pagkakaiba ng wika at diyalekto.

Kapag ang dalawang tao ay nag-uusap at gumamit ng magkaibang speech variety at hindi sila nagkaintindihan, magkaibang wika ang kanilang ginamit.

Page 14: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Samantala, kung ang dalawang nag-uusap ay gumamit ng magkaibang speech variety at nagkaroon ng kaunting disturbance sa pag-unawa(dahil magkaiba ang punto o pagbigkas ng mga salita o gumamit ng ibang salita para sa iisang kahulugan), nagsasalita lang sila ng magkaibang diyalekto ng iisang wika.

Hal. Ang Tagalog na sinasalita sa Metro Manila ay may mga diyalekto na: Tagalog-Bulacan, Tagalog-Batangas, Tagalog-Cavite, Tagalog-Laguna, Tagalog-Quezon, Tagalog-Nueva Ecija.

Page 15: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Register – varayting may kaugnay ng higit na malawak na panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.(Alonzo,2002)

- paggamit ng ispiker ng wika hindi lang batay sa lokasyong heograpikal kundi batay sa kanyang katayuan sa lipunan o sa grupong kanyang kinabibilangan; maaaring tumukoy rin sa mga ispesipikong salitang ginagamit ayon sa hinihingi ng sitwasyon.

Page 16: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Idyolek – dayalekto na personal sa bawat ispiker. Ito ay kabuuan ng mga katangian at kagawian sa pagsasalita ng isang indibidwal.

- bawat tao ay may tanging paraan ng paggamit ng wika. (Paz, 2003)

Istandard na wika – varayti na ginagamit ng mga nakaaangat sa buhay o mga maykapangyarihan at hinahangaan o mga may pinag-aralan; nagiging pamantayan ng istatus ng nagsasalita sa komunidad.

Page 17: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Lingua – franca – wikang komon sa mga tagapagsalita ng iba’t ibang wika sa Pilipinas; makabubuo ng lingguwistikong varayti o varyasyon sa loob ng wikang ito dulot ng pagiging pangalawa at pangkalahatang wika nito at ng impluwensya ng mga unang wika.

Kaya, may nabubuong Cebuano-Filipino, Ilokano-Filipino, Hiligaynon-Filipino, Kinaray-a-Filipino, at marami pang iba.

Page 18: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Mga pamamalagay, konsepto at teorya sa varayti ng wika

Teoryang sosyo-linggwistiko – batay sa pamamalagay (assumption) na ang wika ay isang panlipunang penomenon.

- nagiging makabuluhan ang anumang pahayag, aksyon, salita ng isang indibidwal kung ito’y nakakonteksto sa loob ng lipunan at sinasabi sa ibang indibidwal o grupo.

- dahil dito, nakabubuo ng iba’t ibang konteksto ang paggamit ng wika dahil sa iba’t ibang gawain, papel, interes, saloobin, pananaw ang kasangkot sa komunikasyon.

Page 19: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

2. Teoryang heterogenous – ito ang wikang nagbubunsod sa pagkakaroon ng mga varayti ng wika.

- tinatawag itong linggwistikong varayti ng wika.

Hal. Tagalog-Filipino, Ilokano-Filipino, Bicol-Filipino Naga-Bikol, Legaspi-Bikol, Filipino-English, Singapore-English at marami pang iba.

Page 20: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

3. Teorya ng akomodasyon(accomodation theory) ni Howard Giles – linguistic convergence at linguistic divergence– mga teorya sa Second Language Acquisition o pagkatuto/pag-aaral ng pangalawang wika.

- nakapokus ito sa mga taong kasangkot sa sitwasyong pangwika

Page 21: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

4. Teoryang interference phenomenon at interlanguage- ang nakapokus sa mga wikang kasangkot. Magandang halimbawa ng interference ang pagbuo ng mga varayti sa Filipino.

Ang impluwensya ng unang wika, hal. Cebuano ay kapansin-pansin kapag nagsasalita ng Filipino. Isang katangian ng Cebuano-Filipino ang di paggamit ng pag-uulit sa pantig at paggamit ng panlaping “mag-” kahit sa dapat gamitan ng “um”

Page 22: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Interlanguage naman ang tinatawag na “mental grammar” na nabubuo ng tao sa pagdating ng panahon sa proseso ng pagkatuto niya ng pangalawang wika.

- dito, binabago ng tagapagsalita ang grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas, at pagbabago ng mga alituntunin.

Hal. Ang salitang “malling” mula sa salitang “mall”

Page 23: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Dalawang Uri ng Varayti ng Wika Ayon sa Katangian

1. Permanente na nauukol sa tagapagsalita – tagabasa (performer) – binubuo ng idyolek at diyalekto

Idyolek – varayti ng wikang kaugnay sa

personal na kakanyahan o katangian ng

tagapagsalita gaya ng kwaliti ng kanyang

boses, katayuang pisikal, paraan ng

pagsasalita at uri ng wikang ginagamit

Page 24: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Diyalekto – varayti ng wika batay sa lugar,

panahon at katayuan sa buhay kaya’t

may tinatawag na diyalekton heograpikal,

diyalektong temporal, at diyalektong

sosyal.

- (mula sa salitang Kastilang dialecto)

anyo ng wikang ginagamit sa isang

partikular na pook o rehiyon

Page 25: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Dayalek ay wika na katulad din ng bernakular na palasak sa isang pook ng kapuluan.

- unang wikang kinamulatan at ugat ng komunikasyon sa tahanan, pamayanan at

lalawigan.

- nagsisilbing midyum ng komunikasyon sa isang pook na kung saan ang nasabing katutubong wika ay nabibilang.

Page 26: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Dayalek – varayti o subordineyt ng wika at ito’y sinasalita sa loob ng mas maliit na grupo.

Hal. Ang Tagalog ay isang wika na sinasalita sa Metro Manila. Ang mga dayalek nito ay

Tagalog-Batangas, Tagalog-Cavite, Tagalog-

Nueva Ecija, Tagalog-Laguna, Tagalog-Bulacan at Tagalog-Quezon.

Page 27: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Halimbawa ng Tagalog-Batangas na Nauunawaan din ng mga Tagaibang Rehiyon

apuyan

matamis

bilot

dagison

binangi

tubal

busilig

mabanas

bayuhan

posporo

asukal

tuta

isud, urong

inihaw

maruming damit

mata

maalinsangan

kiskisan

Page 28: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

kibal

kalibkib

abuhan

galong

sintunis

lukban

ampiyas

tingni

lagyi

sitaw

kopras

asuhan

banga

dalanghita

suha

anggi

tingnan

lagyan

Page 29: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Uri ng Diyalekto ayon Kay Curtis McFarland

1. Dialektal variation- tumutukoy sa distribusyon ng ilang mga salita, aksent, pagbigkas ng wika sa loob ng isang language area katulad ng wikang Tagalog sa Bulacan, Nueva Ecija, Rizal, Cavite, Batangas, laguna at Quezon.

2. Discrete dialect – hiwalay sa ibang mga dayalek dulot ng heograpikong lokasyon at pagiging distinct na diyalekto.

Page 30: Aralin 2 gçô ang wika at lipunan

Hal. Tagalog- Marinduque na hindi maikakaila na mas malayo sa ibang mga diyalekto ng Tagalog.

3. Social dialect – naiiba sa heograpikal na diyalekto dahil ito ang sinasalita ng iba’t ibang uri ng tao sa lipunan.