panitikan ng bagong lipunan

47
ANG PANAHON NG BAGONG LIPUNAN

Upload: nielrich013

Post on 22-Apr-2015

11.427 views

Category:

Documents


39 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Panitikan ng Bagong Lipunan

ANG PANAHON NG BAGONG LIPUNAN

Page 2: Panitikan ng Bagong Lipunan

Bunga ng mga nagaganap na malawakang kilos protesta ng iba’t-ibang samahan at

ang masigasig na aktibismo ng mga kabataan noong Panahon ng Isinauling

Kalayaan, idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar noong

Setyembre 21, 1972.

Batas Militar

Page 3: Panitikan ng Bagong Lipunan

Kasabay ng deklarasyon ng Batas Militar anf pansamantalang pag papahinto ng publikasyon ng mga pahayagan, ang sirkulasyon ng mga ito, pambansa man o pampaaralan. Pinahinto rin ang pagpapalabas ng mga panooring pantelebisyon at pagtatanghal ng mga pelikula. Pansamantalang ntigil ang mga programa sa radyo .

Batas Militar

Page 4: Panitikan ng Bagong Lipunan

Pinakamasiglang bahagi ng panitikan ng panahong ito ang dula na nagkaroon ng

pangunahing tgapgtaguyod sa katauhan ng noon ay Unang Ginang ng bansa na si

Imelda Marcos

Batas Militar

Page 5: Panitikan ng Bagong Lipunan

Akronim ngPLEDGES

Page 6: Panitikan ng Bagong Lipunan

Peace and Order (Kapayapaan)

Land Reform (Reporma sa Lupa)

Economic Reform (Reporma sa PangkabuhayanDevelopment of Moral Values (Paglinang ng Kahalagahang Pantao)Government Reform (Repormang Pampamahalaan)Educational Reform (Repormang Pampaaralan)

Social Reform (Repormang Panlipunan)

Page 7: Panitikan ng Bagong Lipunan

Naging karaniwang paksain ng mga lathalain sa unang bahagi ng Dekada’ 70 ang tatlong tunguhin ng bansa sa ilalim ng Bagong Lipunan. Ang mga ito ay ang pagtataguyod ng kaunlaran pangkabuhayan, pagbabagong panlipunan at kalinangang pangkultura ng bansa.

Dekada ‘70

Page 8: Panitikan ng Bagong Lipunan

Ang Dula

Page 9: Panitikan ng Bagong Lipunan

Sa kanyang masugid na interes at pagtataguyod ay pinasigla ng Unang Ginang Imelda Marcos ang dulaan noong panahon ng Bagong Lipunan. Pangunahing nakatulong sa pagpapasigla ng anyong ito ng panitokan ang pagpapaayos ng lumang tanghalan gaya ng Metropolitan Theatre.

Unang Ginang Imelda Marcos

Page 10: Panitikan ng Bagong Lipunan

Mga Naitanghal sa Metropolitan Theatre.Isang Munting Alamat Portrait of the Artist as a Filipino ni Lamberto Avellana. “Halik sa Kampilan” ni Leonardo Ilagan“Usa sa Kasalan” ni Orlando Nadres“Tales of the Manuvu” ni Beinvenido Lumbera

dula

Page 11: Panitikan ng Bagong Lipunan

Nagpatuloy rin ang Palanca sa paggawad ng parangal sa mga dulang may iisahing yugto, isang bagay na nakadaragdag sa pagsigla ng dula sa panahong ito. Isa sa mga natampok na dulang pinagkalooban ng gantimpala ng Palanca noong 1974 ang dulang – “Sidewalk Vendor” ni Reul Molina Aguila na naglalarawan ng buhay ng mga kabataang lalaking sidewalk vendor – mga nagtitinda ng sigarilyo.

Gawad palanca

Page 12: Panitikan ng Bagong Lipunan

Usaping Panulaan

Page 13: Panitikan ng Bagong Lipunan

Isa sa mga bagay na laging maaalala sa panahon ng Bagong Lipunan ang malaganap na popularidad ng mga islogan.

islogan

Page 14: Panitikan ng Bagong Lipunan

Halimbawa:

Hinggil sa Kahalagahang pantao:

Sa ikauunlad ng bayan,Disiplina ang kailangan.

islogan

Page 15: Panitikan ng Bagong Lipunan

Hinggil sa Programang pangkabuhayan:

Magplano ng pamilya,Nang buhay ay lumigaya

Tayo’y magtanim

Upang mabuhay

islogan

Page 16: Panitikan ng Bagong Lipunan

Kaugnay sa seryosong panitikan itinatag noong Agosto 1973 ang Galian sa Arte at Tula (GAT)Tulang nasulat noong panahon ng Batas Militar “Pilipino: Isang Depinisyon” ni Pociano B.Pineda“Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran” ni Juan dela Cruz“Doktrinang Anak Pawis” ni Virgilio Almario“Litanya kay Sta. Clara” ni Teo Antonio

Galian sa arte at tula

Page 17: Panitikan ng Bagong Lipunan

Piling Bahagi ng LITANYA KAY STA. CLARA

Misis dela Cruz, sumayaw kaKumendeng ka, kumendeng pa,Ipagaspas mo ang iyong saya,Humiling ka sa mhal na santa,Umawit ka sa mahal na patrona

Page 18: Panitikan ng Bagong Lipunan

Hindi dasal ang pamphlet sa

pagpaplanoAng kampanya sa dyaryo Ang operasyon sa ari ng taoSta. Clarang pinung-pinoSila po ay pakinggan Pagsayawin po ng pawis ng sakripisyoIsakripisyo po ang pildoras sa

pandanggo.

Page 19: Panitikan ng Bagong Lipunan

Isang bahagi ng tulang “Polusyon” ni Beinvenido Ramos:

May isang uri ng polusyong hindi mo kayang lunasan

Ni hindi mo kayang pigilin, lumalason di sa katawan mo

Kundi sa iyong moral, sa iyong ispiritu (Kung mayroon ka),

Sa iyong kaluluwa. Paano malulunasan ang polusyong ito?

Hindi mo ito nakikita ngunit nadarama mo.

Page 20: Panitikan ng Bagong Lipunan

Ito’y polusyong likha ng pabrika rin,

ngunit pabrika ng iyong sarili na kumakain ng

kasakiman, karumihan, pandaraya, panlalamang, kalupitan, pang-aapi

pananagano, pagpapakayamo- sapagkat ikaw ay

lumikha ng isang pabrika sa iyong sarili na nagtatapon ng lason, dumi, polusyon.

Page 21: Panitikan ng Bagong Lipunan

Ang pagbibigay ng gawad parangal at pagkilala sa mga natatanging tulang nasulat ay ipinagpatuloy ng Gawad Palanca. Gayundin naman, tumatanggap ng pagkillala ang mahuhusay na makata mula sa Timpalak Literaryo ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at sa Talaang Ginto.

Gawad palanca

Page 22: Panitikan ng Bagong Lipunan

Ang Talaang Ginto ay pagkilala ng Surian ng Wikang Pambansa sa pinakamahusay na tulang naisulat sa isang takdang panahon. Ipinagkaloob ang parangal sa mga sumulat ng mahuhusay na tula kasabay ng pagdiriwang ng Arawni Balagtas na isinasagawa tuwing Abril 2, sa araw ng kapanganakan ng dakilang si Francisco Baltazar.

Gawad palanca

Page 23: Panitikan ng Bagong Lipunan

Sa Timpalak Literaryo na pinamahalaan ng Cultural Center of the Philippines, kabilang sa mga makatang nabigyan ng parangal sa kanilang mga isinulat ang mga sumusunod:

Patimpalak literaryo

Page 24: Panitikan ng Bagong Lipunan

• Gloria Villaraza Guzman – nagsaaklat ng epikong Handog ng Kalayaan.

• Jesus Manuel Santiago – nagkamit ng ikalawang gantimpala sa Timpalak ng Tula ng CCP noong 1976.

Patimpalak literaryo

Page 25: Panitikan ng Bagong Lipunan

Usaping MAIKLING KUWENTO

Page 26: Panitikan ng Bagong Lipunan

Nagpatuloy nag Gawad Palanca sa pagkakaloob ng gantimpala sa mga namumukod na maikling kuwento. Sumigla ang pagsulat ng mga manunulat ng mga paksang hitik sa mga pangyayaring nagaganap sa lipunan ngunit walang nalathalang mga kuwentong tumutuligsa sa Batas Militar at ang epekto nito sa sa karapatang pantao at kalayaan ng mga mamamayan

Gawad Palanca PAtuloy!

Page 27: Panitikan ng Bagong Lipunan

Alfredo LoboMario LibuanAugusto SumilangLualhati BautistaReynaldo DoqueBenigno JuanBenjamin PascualDomingo Landicho,

Rebolusyonaryong manunulat

Page 28: Panitikan ng Bagong Lipunan

Bukod sa Gawad Palanca, isa pa sa nakatulong upang mapasigla ang pagsulat ng maikling kuwento sa panahon ng Bagong Lipunan ang “Sagisag”. Nagkaloob din ito ng Gawad Sagisag.

Magasing “sagisag”

Page 29: Panitikan ng Bagong Lipunan

Usapingnobela

Page 30: Panitikan ng Bagong Lipunan

Naging balakid sa pagsulong ng nobela ang suliranin sa pagpapalimbag. Bukod sa kamahalan ng pagpapalimbag, nakadaragdag pa sa kawalan ng insentibo ng mga nobelista na sensura sa nilalaman mga inilathala.

Mahigpit na sensura!

Page 31: Panitikan ng Bagong Lipunan

“Ginto ang Kayumangging Lupa” ni Dominador Mirasol“May Tibok ang Puso ng Lupa” ni Beinvinido Ramos“Gapo” ni Lualhati Bautista“Dekada 70” ni Lualhati Bautista“Hulagpos “ ni Mano de Verdades Posadas

Lathalaing Nobela

Page 32: Panitikan ng Bagong Lipunan

UsapingAWITING PILIPINO

Page 33: Panitikan ng Bagong Lipunan

Nakatulong sa pagtataguyod ng mga klasikal na awiting Pilipino ang mga lingguhang konsyerto, ballet at dulang itinanghal sa CCP. Awiting nilikha upang gamiting Propaganda:

Awiting Pilipino Sumigla

Page 34: Panitikan ng Bagong Lipunan

Bagong Lipunan

May bagong silang May bago nang buhay

Bagong bansa, bagong galawSa bagong lipunan

Nagbabago ang lahat

Tungo sa pag-unladAt ating itanghalBagong Lipunan

Page 35: Panitikan ng Bagong Lipunan

Ang gabi magmaliw nang ganapAt lumipas na ang magdamag Madaling araw ay nagdiriwang

Sa umagang daratal.

Ngumiti na ang pag-asaSa umagang anong ganda (Ulitin ang unang bahagi)

Page 36: Panitikan ng Bagong Lipunan

Tayo’y Magtanim

Lahat na makakain ay ating itanimMagtanim, magtanim tayo’y magtanim

Gawing kulay luntian ang kapaligiran

Magtanim, magtanim upang mabuhay

Magtanim, magtanim Tayo nang magtanim upang mabuhay.

Page 37: Panitikan ng Bagong Lipunan

Ako’y Pinoy

Ako’y isang Pinoy sa puso’t diwaPinoy na isinilang sa ating bansa

Ako’y hindi sanay sa wika ng mga banyagaAko’y Pinoy na mayroong sariling wika

Page 38: Panitikan ng Bagong Lipunan

Anak

Nang isilang ka sa mundong ito, laking tuwa

ng magulang moAt ang kamay nila ang iyong ilaw

At ang nanay at atatay mo’y di malaman ang gagawin

Minamasdan pati pagtulog mo

Page 39: Panitikan ng Bagong Lipunan

Nagdaan pa ang mga araw at ang landas

mo’y naligaw Ikaw ay nalulong sa masamng bisyo

At ang una among nilapitan ang iyong inang lumuluha

At ang tanong, “Anak, ba’t ka nagkaganyan?”

Page 40: Panitikan ng Bagong Lipunan

UsapingPAHAYAGAN AT MAGASIN

Page 41: Panitikan ng Bagong Lipunan

Nangapinid ang mga pahayagan at

lingguhang babasahin sa simula ng pag-iral ng batas Militar.

Mga pahayagan• Philippine Daily Express• Times Journal• Balita at Pilipino Express

Pahayagan at magasin

Page 42: Panitikan ng Bagong Lipunan

• Hiwaga• Espesyal• Bulaklak• Aliwan• Tagalog Klasiks• Darna• Liwayway

Komiks

Page 43: Panitikan ng Bagong Lipunan
Page 44: Panitikan ng Bagong Lipunan

usapingPELIKULA, TELEBISYONAt RADYO

Page 45: Panitikan ng Bagong Lipunan

Nakatulong sa pagpapaunlad ng

pelikula ang tamang pagdaraos ng Manila Film Festival.• Manila sa Kuko ng Liwanag• Minsa’y Isang Gamu-gamo• Ganito Kami Noon… Paano kami Bukas?• Insiang• Aguila

Pelikula, telebisyon at radyo

Page 46: Panitikan ng Bagong Lipunan

Pangkalahatang Pananaw sa panitikanSa panahon ng Batas militar

Page 47: Panitikan ng Bagong Lipunan

Sa kabuuan, bagaman at nagkaroon ng sensura sa mga paksaing maaring talakayin ang mga manunulat sa panahon ng Bagong Lipunan, nagpatuloy pa rin sa pag-unlad ang panitikan. Nagging mabunga ang panahong ito sa pagpukaw ng interes ng mga Pilipino sa mga bagay na pangkalinangan na naipahayag sa uri ng mga dulang naitanghal , awitin at musikang naisulat at mga pelikulang ipinalabas.

Pangkalahatang balita