banghay aralin

4
BANGHAY-ARALIN MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO I. LAYUNIN: Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Natutukoy ang limang mahahalagang elemento ng maikling kwento. b. Naiuugnay ang ilang pangyayari sa kwento sa tunay na buhay. c. Naisasagawa ang pagsasadulang may kinalaman sa kabutihan ng isang guro. II. PAKSANG ARALIN: Paksa: ‘Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza Matute Sanggunian: Daloy ng Mithi III (pahina 21-25) Kagamitan: Yeso, libro, scotch tape, pentel pain III. PAMAMARAAN: A. Panimulang Gawain a. Panalangin b. Pagbati c. Pagtala ng mga lumiban d. Pagbabalik-aral B. Panlinang na Gawain a. Pagganyak - Para sa mga lalaki, bubunot sila ng isang tinupi- tuping papel na naglalaman ng salitang “Gwapo ako” at “Macho ako”. Ang sinumang makabubunot ng “Macho ako” ay maaari nang maupo, samantalang ang makabunot ng “Gwapo ako” ay pupunta sa harapan at magbibigay ng ideya tungkol sa salitang “mabuti”. b. Pag-alis ng Sagabal - Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng mga letra at kanila

Upload: joel-c-baccay

Post on 21-Jul-2016

104 views

Category:

Documents


6 download

TRANSCRIPT

Page 1: banghay aralin

BANGHAY-ARALINMALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINOI. LAYUNIN:Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:a. Natutukoy ang limang mahahalagang elemento ng maikling kwento.b. Naiuugnay ang ilang pangyayari sa kwento sa tunay na buhay.c. Naisasagawa ang pagsasadulang may kinalaman sa kabutihan ng isang guro.II. PAKSANG ARALIN:Paksa: ‘Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza MatuteSanggunian: Daloy ng Mithi III (pahina 21-25)Kagamitan: Yeso, libro, scotch tape, pentel painIII. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawaina. Panalanginb. Pagbatic. Pagtala ng mga lumiband. Pagbabalik-aralB. Panlinang na Gawaina. Pagganyak- Para sa mga lalaki, bubunot sila ng isang tinupi-tuping papel na naglalaman ng salitang “Gwapo ako” at “Macho ako”. Ang sinumang makabubunot ng “Macho ako” ay maaari nang maupo, samantalang ang makabunot ng “Gwapo ako” ay pupunta sa harapan at magbibigay ng ideya tungkol sa salitang “mabuti”.b. Pag-alis ng Sagabal- Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng mga letra at kanila itong aayusin upang mabuo ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita:1. Karakter - hautan -2. Paksa - amte -3. Labanan - tngglnuaia -4. Burador - aabnghy -5. Tipanan - tgaupan -

Page 2: banghay aralin

c. Pagbasa sa Kwento- Tatawag ng isang mag-aaral na siyang babasa ng kwento sa harapan.d. Pagtatalakay sa Nilalaman ng Kwento- Dito tatalakayin ang gabay na mga katanungan.- Tatalakayin ang kaisipang ipinahihiwatig ng kwento.e. Pagtatalakay sa Kwento bilang Akdang Pampanitikan- Ano nga ba ang kwento?- Anu-ano ang limang mahahalagang elemento ng maikling kwento?- Ano ang kaugnayan ng kwento sa totoong buhay?f. Pagpapahalaga- May naging guro ka na ba na laging nagpapayo sa klase? Ano ang mga payo niyang kinalulugdan mo?- May naidulot ba ito sa iyong buhay-estudyante?g. Malikhaing Gawain- Papangkatin sa tatlong pangkat ang klase. Mula sa grupong kanilang kinabibilangan, sasagutin nila ang mga katanungang hininihingi sa pamamagitan ng pagsasadula:Unang Pangkat - Ikaw ay naging isang guro sa isang paaralang malayo sa kabihasnan. Walang sapat na mapagkukunan ng panibagong kaalaman, walang maayos na palikuran at kulang ang mga kagamitang pampagtuturo. Nasanay ka na sa mga marurusing at maiingay na mga estudyante sa paaralang iyon. Isang araw ay inalok ka ng isang kilala at pampribadong institusyon sa bayan. Tatanggapin mo ba ang magandang oportunidad o mananatili sa piling ng mga batang nangangailangan sa iyo bilang isang pangalawang ina?Pangalawang Pangkat - Narinig mong nag-uusap ang mga kaklase mo tungkol sa isa niyong guro. Nalaman mong usap-usapan na sa bayan ang pagpapakasal niya sa nobyo niyang German. Balak daw nilang manirahan na sa ibang bansa. Ang gurong iyon pa naman ang pinakamalapit sa iyong puso. Marami kayong mga bagay na pinagkakaisahan at natutunan sa isa’t isa. Ano ang gagawin mo kung totoo nga ang mga narinig mo?Pangatlong Pangkat - Magreretiro na sa serbisyo ang inyong guro. Ilang beses ka na niyang pinagalitan sa klase. Magdaraos ang

Page 3: banghay aralin

buong klase ng isang malaking salu-salo. Linapitan ka niya bago ang araw ng pagdiriwang ng naturang okasyon. Kinausap ka niya na pumunta ngunit may lakad sana ang buong pamilya sa araw na iyon, ang unang pagkakataong mamamasyal ang pamliya niyo. Alam mong magagalit sa iyo ang iyong guro sapagkat minsan lamang siya kung mang-imbita ngunit nakatakda rin ang pamamasyal ng inyong pamilya. Saan ka dadalo? Sa salu-salo o sa pamamasyal?IV. PAGTATAYA:- Kumuha isa’t kalahating papel.Tama o Mali. Sagutin kung tama ba o mali ang isinasaad ng sumusunod na mga pangungusap.1. Siya’y tinatawag naming lahat na Mabuti kung siya’y nakatalikod.2. Ang ama ng batang may kaarawan ay konduktor.3. Tagpuan ang tawag sa pangunahing ideya o paniniwala ng kwento.4. Si Mabuti ay balo.5. Ang may akda ng kwento ay si Jose Corazon de Jesus.6. Anim na taong gulang na ang anak ni Mabuti.7. “Iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan” ay pangungusap ni Mabuti.8. Ang tagpuan ay sa kusina kung saan siya nakita ni Mautiing kumakain.9. Ibig nilang maging manggagamot ang anak ng kanilang guro.10. Ang salitang mabuti ay palaging binabanggit ng guro.V. TAKDANG ARALIN:- Gumawa o gumuhit ng isang larawan ng gurong nagpapakita ng katangiang gusting-gusto mo sa isang guro. Idikit o iguhit ito sa isang malinis na puting papel (bond paper). Tukuyin ang katangian at ipaliwanag kung bakit iyon ang katangiang gusto mo sa isang guro.Share This: