banghay aralin filipino 7 unang markahan ikaapat na linggo

12
Unang Markahan Ikaapat na Linggo Unang Araw Ika–03 ng Hulyo 2013 Lingguhang Tunguhin a. Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa isang akda batay sa pagkagamit sa pangungusap (PB1Aa). b. Nasasagot nang wasto ang mga tanong tungkol sa akdang narinig (PN1Ab). c. Nakapagbabahagi ng epektong pandamdamin ng akda (PB1Cb). d. Nakapagbibigay ng sariling hinuha sa kinahinatnan ng mga pangyayari sa akda (PB1Ac). I. Paksa Nagbabagong Ako – Lunsarang Teksto: “Sandaang Damit” ni Fanny Garcia II. Kagamitan Kopya ng akdang “Sandaang Damit” Kartolina/manila paper para sa panimulang pagtataya (talasalitaan) Larawan/Video na nagpapakita ng “bullying” III. Pamamaraan A. Panimulang Pagtataya TALASALITAAN: Ipapaskil sa pisara ang kartolina/manila paper na naglalaman ng mga salita at pangungusap na matatagpuan sa kuwento. 1. Madalas na nag – iisa sa isang sulok _____________ ang batang babae. 2. Mahina at ___________ pa kung ito’y magsalita. 3. Kung minsa’y di bahagyang sulyapan ang mga pagkaing nasa ibabaw ng _____________ ng kaniyang mga kaklase. teheras pupitre paanas abaloryo mapakagat – labi pambubuska

Upload: mcl-laguerta

Post on 17-Sep-2015

2.978 views

Category:

Documents


180 download

DESCRIPTION

sample plan

TRANSCRIPT

Unang MarkahanIkaapat na Linggo

Unang Araw

Ika03 ng Hulyo 2013

Lingguhang Tunguhin

a. Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa isang akda batay sa pagkagamit sa pangungusap (PB1Aa).b. Nasasagot nang wasto ang mga tanong tungkol sa akdang narinig (PN1Ab).

c. Nakapagbabahagi ng epektong pandamdamin ng akda (PB1Cb).

d. Nakapagbibigay ng sariling hinuha sa kinahinatnan ng mga pangyayari sa akda (PB1Ac).I. Paksa

Nagbabagong Ako Lunsarang Teksto: Sandaang Damit ni Fanny GarciaII. Kagamitan

Kopya ng akdang Sandaang Damit Kartolina/manila paper para sa panimulang pagtataya (talasalitaan)

Larawan/Video na nagpapakita ng bullyingIII. Pamamaraan

A. Panimulang Pagtataya

TALASALITAAN: Ipapaskil sa pisara ang kartolina/manila paper na naglalaman ng mga salita at pangungusap na matatagpuan sa kuwento.

1. Madalas na nag iisa sa isang sulok _____________ ang batang babae.

2. Mahina at ___________ pa kung itoy magsalita.

3. Kung minsay di bahagyang sulyapan ang mga pagkaing nasa ibabaw ng _____________ ng kaniyang mga kaklase.

4. Tumindi ang ________________ at panlalait ng mga kaklase sa batang babae.

5. Punung puno ng maliliit, makikinang, at makukulay na ___________ ang damit ng batang babae.

6. Nakadispley sa _______________ ang sari saring damit ng batang babae.

Ipababasa sa mga mag aaral ang mga pangungusap nang isa isa. Papipiliin sila ng salitang akma sa bawat pangungusap, mula sa kahon. Ibibigay sa klase ang kahulugan ng mga salita ayon sa gamit nito sa pangungusap.B. Pagganyak

Magpapakita ng mga larawan at video ng bullying. Itatanong sa mga mag aaral ang mga sumusunod: Alam ba ninyo kung ano ang bullying?

Mayroon na ba sa inyong nakaranas nang ma bully?

C. Presentasyon at Pagpapayaman ng Teksto Magtatawag ng mga mag aaral na magbabasa nang malakas sa bawat bahagi ng kuwento (pinutol ng mga gabay na tanong ang kabuuan ng kuwento). Hihinto sa pagbasa sa bawat tanong na isiningit. Tatawag ng mga estudyanteng nais sumagot sa tanong. Pagkatapos ay tatawag ng iba naman mag aaral para magbasa ng susunod na bahagi ng kuwento. Uulitin ang proseso hanggang matapos.

Mga Gabay na Tanong:

Ilarawan ang pisikal at emosyunal na kalagayan ng batang babae.

Bakit naging malulungkutin at walang kibo ang batang babae?

Ano sa iyong palagay ang estado sa buhay ng pamilya ng batang babae? Patunayan ang iyong sagot.

Naniniwala ka bang may sandaang damit ang batang babae? Bakit oo? Bakit hindi?

Ano sa iyong palagay ang nangyari sa batang may sandaang damit? Bakit kaya siya hindi nakakapasok sa eskuwela?

D. Pagpapayaman

1. Pangkatang Gawain

PANGKAT I: Mula sa napakinggang akda, itala ang mga pagbabago o transpormasyong naganap sa pangunahing tauhan sa kanyang ugali, pananaw niya sa kanyang sarili at sa pagtingin niya sa kaniyang kalagayan sa buhay. Gamitin ang paraang flip - top sa paglalahad.PANGKAT II: Mula sa napakinggang akda, itala ang mga pagbabago o transpormasyong naganap sa pangunahing tauhan sa kanyang ugali, pananaw niya sa kanyang sarili at sa pagtingin niya sa kaniyang kalagayan sa buhay. Gamitin ang paraang sabayang pagbigkas sa paglalahad.PANGKAT III: Mula sa napakinggang akda, itala ang mga pagbabago o transpormasyong naganap sa pangunahing tauhan sa kanyang ugali, pananaw niya sa kanyang sarili at sa pagtingin niya sa kaniyang kalagayan sa buhay. Gamitin ang paraang talkshow sa paglalahad. PANGKAT IV: Mula sa napakinggang akda, itala ang mga pagbabago o transpormasyong naganap sa pangunahing tauhan sa kanyang ugali, pananaw niya sa kanyang sarili at sa pagtingin niya sa kaniyang kalagayan sa buhay. Gamitin ang paraang Q&A na tulad ng sa isang pageant sa paglalahad.2. Pag uulat ng pangkat

3. Pagbibigay ng feedback ng mag-aaral

4. Pagbibigay input ng guro

E. Sintesis

Matapos mapakinggan ang kuwento, ano ang iyong naramdaman para sa batang babae? Bakit ganito ang iyong naramdaman?IV. Takdang Aralin

1. Ano ang diskriminasyon?

2. Magdala ng mga larawang nagpapakita ng ibat ibang uri ng diskriminasyon.

Ikaapat na Linggo

Ikalawang Araw

Ika04 ng Hulyo 2013

Lingguhang Tunguhin

a. Malinaw na nakakapaglarawan ng mga pangyayari (PB1Ab).

b. Nakapag uugnay ng pinakamalapit na sariling karanasan o karanasan ng iba sa mga karanasang inilahad sa binasa (PB1Af).c. Nakagagamit ng mga angkop na salita sa paglalarawan (PA1Ac).

d. Nakikilala ang payak na paglalarawan sa pamamagitan ng paggamit ng simpleng panuring (Pang uri at Pang abay) (PU1Ac).

I. Paksa

Nagbabagong Ako Lunsarang Teksto: Sandaang Damit ni Fanny Garcia

II. Balik Aral

Sa pamamagitan ng mga larawan, itala ang mga transpormasyong naganap sa pangunahing tauhan (batang babae) sa kanyang ugali, pananaw niya sa kaniyang sarili at pagtingin niya sa kaniyang kalagayan sa buhay

III. Presentasyon

Bigyang kahulugan ang salitang diskriminasyon. Iuugnay ang salitang ito sa kuwentong natalakay.

Sasagutin ang mga sumusunod na tanong:

Paano ipinakita ng may akda na naging biktima ng diskriminasyon ang batang babae? Magbigay ng mga tiyak na pangyayari.

Sa iyong palagay, naging matagumpay ba ang awtor sa pagpapalutang ng ganitong ideya sa kaniyang akda? Bakit mo ito nasabi?

IV. Pagpapalawig

A. Pangkatang Gawain

Bawat pangkat ay magdudula-dulaan tungkol sa ibat ibang uri ng diskriminasyon sa lipunan.PANGKAT I:

Diskriminasyon sa kulay/lahiPANGKAT II:Diskriminasyon sa katayuang sosyoekonomiko (mahirap)PANGKAT III:Diskriminasyon sa relihiyonPANGKAT IV:Diskriminasyon sa kasarian (bakla, tomboy)V. Sintesis

Gagawa ng bookmark ang mga estudyante tungkol sa mensahe ng tekstong kanilang binasa. Isusulat sa pisara ang mga kakailanganin sa bookmark.

1. Sa harap ng bookmark, ipasusulat ang mensahe ng akda.

2. Sa likod, pasusulatin ng isang paalala ang mga estudyante tungkol sa malaking responsibilidad ng bawat isa upang tuluyan ng mawala ang di pantay na pagtingin sa kapwa.

3. Palalagyan ng disenyo ang mga bookmark.

4. Hahayaang magpalitan ng gawain ang mga estudyante.

VI. Takdang Aralin

1. Ano ang idyoma?

2. Magbigay ng 10 idyoma at isulat ang kahulugan ng mga ito.

Ikaapat na Linggo

Ikatlong Araw

Ika05 ng Hulyo 2013Lingguhang Tunguhin

a. Nakikilala ang mga paraan para makabuo ng mga matalinghagang paglalarawan (Idyoma at Tayutay) (PU1Ad).

b. Malinaw na nakapaglalarawan ng mga bagay sa paligid (PA1Aa).

I. Paksa

Nagbabagong Ako Lunsarang Teksto: Sandaang Damit ni Fanny Garcia

II. PamamaraanA. Panimulang Pagtataya

PANUTO: Hanapin ang kahulugan ng mga salitang nasa Hanay A mula sa Hanay B. Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.

Pagkatapos masagutan, gamitin sa pangungusap ang bawat idyoma.

B. Presentasyon Ang idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi literal sa ibang salita, ang idyoma ay may kahulugang iba sa kahulugan ng mga salitang bumubuo rito. Ito ay di tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan. Ito rin ay mga salita na ginagamit sa pagbibigay ng deskripsyon sa isang bagay o tao sa paraang masining.

Halimbawa:Anak dalita mahirap

Alilang kanin utusang walang suweldo

Ang tayutay ay isang salita o parirala na lumalayo sa direkta o literal na pananalita. Madalas na ginagamit ito upang maiba, maging kaakit akit, mabigyang diin at maging maliwanag ang anumang ipinahahayag.

1. Simili o pagtutulad ito ay direktang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga pariralang tulad ng wangis, wari, gaya ng, tila, mistula, animo, sing, tulad, katulad, parang, kasing, ga at iba pa.

Halimbawa:

Sakong na waring kinuyam na rosas.

2. Metapora o pagwawangis ito ay pahiwatig na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na di ginagamitan ng mga salita o pariralang pagtutulad.

Halimbawa:

Labanos sa kaputian ang kanyang kutis.3. Pagtatao Paglalarawan sa mga bagay sa paligid gamit ang mga katangiang pantao lamang.

Halimbawa:

Tumatakbo ang oras.

4. Pagmamalabis Sobra sobrang paglalarawan, madalas na hindi makatotohanan.

Halimbawa:

Timba timba ang pawis niya.C. Pagpapalawig

1. Pangkatang Gawain

PANGKAT I:PANGKAT II:

PANGKAT III:

PANGKAT IV:

D. Sintesis

Sa kalahating intermediate paper, ilarawan ang naging buhay ng pangunahing tauhan sa pamamagitan ng pagbuo ng akrostiks. Sa paglalarawan, gumamit ng idyoma at tayutay na angkop sa pinagdaanang buhay ng batang babae.

III. Kasunduan

Humanda sa pagsulat ng lingguhang output.

Ikaapat na Linggo

Ikaapat na Araw

Ika15 ng Hulyo 2013Lingguhang Tunguhin

a. Nakasusulat ng simpleng talata (PU1Da).b. Nakapagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa sariling buhay/buhay ng iba (PA1Ac/Ad).

c. Napag iiba ang payak at masining na paglalarawan sa pamamagitan ng paggamit ng mga tayutay at idyoma (PU1Bc).

I. Paksa

Nagbabagong Ako Lunsarang Teksto: Sandaang Damit ni Fanny Garcia

II. Balik AralBAUL NG KAALAMAN Bubunot ang mga mag aaral ng mga salita na nasa loob ng baul ng kaalaman. Mula rito ay ipapaliwanag nila ang salitang kanilang nabunot.

III. Pagtataya sa Pagtataya

Pasusulatin ang mga mag aaral ng mga pangyayaring nagpapakita ng diskriminasyon na maaaring nangyari sa kanilang buhay o sa buhay ng iba. Ipaaalala ang paggamit ng tayutay (simili at metapora) at idyoma sa mga pangungusap. Dapat ding tandaan ang pagsunod sa mga tuntunin at kayarian ng pagsulat ng isang talata.IV. Rubriks

Paggamit ng tayutay at idyoma

25%

Kaisahan ng pangungusap at talata

25%

Malinaw ang diwang inilalahad

30%

Wastong gamit ng bantas

20%Kabuuan

100%

V. Takdang Aralin1. Magtala ng limang alamat na iyong nabasa.2. Humanda sa pagbabahagi ng alamat o kuwentong iyong nabasa sa klase.teheraspupitre

paanasabaloryo

mapakagat labipambubuska

walang imikpagyayabang

DISKRIMINASYON

B

walang pera

ina

matanda na

madaling masaktan

duwag

tandaan

matulungin

asawa

walang trabaho

di marunong magpatawad

A

_____1. pusong bakal

_____2. nagbibilang ng poste

_____3. butas ang bulsa

_____4. ilaw ng tahanan

_____5. alog na ang baba

_____6. ikurus sa kamay

_____7. kapilas ng buhay

_____8. bahag ang buntot

_____9. balat sibuyas

_____10. bukas ang palad

Bumuo ng mga pangungusap na nagkukumpara sa bawat miyembro ng pangkat sa isang bagay gamit ang simili at metapora.

metapora

tayutay

simili

idyoma

pagmamalabis

pagtatao