banghay aralin sa sining 5

5
BANGHAY ARALIN SA SINING 5 I. Layunin a. Namamasdan ng may kaluguran ang mga likhang sining ng mga dalubhasang iskultor ng bayan. i. Napoleon Abueva ii. Guillermo Tolentino iii. Eduardo Castillo iv. Solomon Saprid v. Abdulmari Asia Imao b. Natatalakay ang iba’t-ibang istilo i. Makatotohanan ii. Di makatotohanan II. Paksang Aralin MGA DALUBHASANG ISKULTOR NG BAYAN Sanggunian: BEC Handbook sa Makabayan (Sining) 5.D.2, 2.1, 2.2, Sining sa Araw-araw5, pahina 112-113 Kagamitan: Mga larawan ng likhang sining ng mga Pilipinong Iskultor Pagpapahalaga: Pagmamalaki sa Pilipinong iskultor III. Mga Gawain sa Pagkatuto GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL Pambukas na Panalangin Attendance A. Panimulang Gawain

Upload: faty-villaflor

Post on 19-Jan-2015

3.559 views

Category:

Education


17 download

DESCRIPTION

I hope this will be helpful and feel free to comment. God bless!

TRANSCRIPT

Page 1: BANGHAY ARALIN SA SINING 5

BANGHAY ARALIN SA SINING 5I. Layunin

a. Namamasdan ng may kaluguran ang mga likhang sining ng mga dalubhasang iskultor ng bayan.i. Napoleon Abueva

ii. Guillermo Tolentinoiii. Eduardo Castilloiv. Solomon Sapridv. Abdulmari Asia Imao

b. Natatalakay ang iba’t-ibang istiloi. Makatotohanan

ii. Di makatotohanan

II. Paksang Aralin

MGA DALUBHASANG ISKULTOR NG BAYAN

Sanggunian:

BEC Handbook sa Makabayan (Sining) 5.D.2, 2.1, 2.2, Sining sa Araw-araw5, pahina 112-113

Kagamitan:

Mga larawan ng likhang sining ng mga Pilipinong Iskultor

Pagpapahalaga:

Pagmamalaki sa Pilipinong iskultor

III. Mga Gawain sa Pagkatuto

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

Pambukas na Panalangin Attendance

A. Panimulang Gawain(Ang guro ay magpapaskil ng larawan ng iba’t-Ibang pinta ng mga dalubhasang pintor ng Pilipinas)

“Spolarium” ni Juan Luna“The Sketch” ni Victorio Edades“Magtanim ay Di Biro” ni Fernando Amorsolo“Genesis” ni H.R Ocampo

“Ano sa palagay nyo ang pagkakaiba-iba ng paraan/istilong mga dalubhasang pintor ng Pilipinas?”

Page 2: BANGHAY ARALIN SA SINING 5

(Tumawag ng limang (5) mag-aaral)(Sasagot isa-isa ang mga mag-aaral)

“Tama. Ang iba ay makatotohanan ang likhangSining tulad ni Fernando Amorsolo (Ipakita ang“Magtanim ay di Biro”), ni Victorio Edades (Ipakitaang “The Sketch”). Samantalang Di Makatotohanannaman ang likha ni H. R Ocampo (Ipakita ang“Genesis) “Ito ay mga larawan o PAINTING.”

B. Panlinang na Gawain

“Ano sa palagay ninyo an gang pagkakaiba ngLARAWAN/PAINTING sa ISKULTURA?”(Tumawag ng isang mag-aaral)

(Sasagot ang tinawag na mag-aaral)“Tama, ang ISKULTURA ay 3-dimensional – ibigsabihin ito ay BUO, Aamantalang ang PAINTING ay 2-dimensional o FLAT.”(Magpakita ng halimbawa ng Iskultura at Painting)

“Mayroon akong larawan ng likhang sining ng mga dalubhasang ISKULTOR na mga Pilipino.”

“Ito ang mga likha ni GUILLERMO TOLENTINO na – UP Oblation, Monumento Ni Andres Bonifacio sa Caloocan.”(Ibigay ang bawat larawan sa mag-aaral at patayuin sa unahan.)

(Tatayo sa unahan ang mga tinawag na mag-aaral)

“Si Guillermo Tolentino ay isang tanyag na PilipinongIskultor Nakilala sya sa buong bansa nang dahil sa Monumento ni Bonifacio na may maraming pigurang kasinlaki ng tao na dinisenyo noong 1930 at inilantad noong 1933. Nakapaggawa rin siya ng mga maraming rebulto ni Lapulapu, Antonio Luna, Gregorio del Pilar, Jose Rizal, Manuel Quezon, Epifanio de los Santos, A.V.H Hartendorp, Fernando Amorsolo, Carlos P. Romulo, Jose Cojuangco, Manuel Roxas, Jaime at Sofia de Veyra at marami pang iba.”(Ipaskil ang larawan ni Guillermo Tolentino)

“Pangalawa, ang ISKULTURA ni NAPOLEON ABUEVA –

Page 3: BANGHAY ARALIN SA SINING 5

Magdangal”(Tumawag ng isang mag-aaral at ipahawak ang larawan ng iskultura)

(Tatayo ang mag-aaral at hahawakan ang larawan ng ikultura)

“Si Napoleon Abueva naman ay isang tubong Bohol,sya ay tinuruan ni Guillermo Tolentino ng mga bagay-bagaytungkol sa paglililok. Isa rin syang tanyag naiskultor at pinakabatang iskultor na tinawag na “NationalArtist of the Philippines” sa biswal na sining sa edad na 46.”(Ipaskil ang larawan ni Napoleon Abueva)

“Pangatlo ay ang Community of Creations ni EDUARDOCASTRILLO”(Ipaskil sa pisara ang mga larawan)

“Si Eduardo Castrillo ay isang award-winning na iskultor.Sya ay anak ng isang gumagawa ng alahas at leading actress sa mga Zarzuela.”(Ipaskil ang larawan ni Eduardo Castrillo)

“Ito naman ang mga likha nina SOLOMON SAPRID”(Ipaskil ang larawan ng likha ni Solomon Saprid)

“Si Solomon Saprid (13 March 1917- 28 September 2003) ay isang Pilipinong modernong iskultor na kilala para sa kanyang mga gawang tanso na baku-baku ang tekstura dahil gawa sa mga hinasang pira-pirason tanso. Pinakilala sa kanyang mga gawa ang kanyang Seryeng Tikbalang na sinimulan niya noong 1971.”

“Panghuli ay si ABDULMARI ASIA IMAO na may likha ng Sarimanok”(Ipaskil ang larawan ni Abdulmari Imao)

“Si Abdulmari Asia Imao, katutubo ng Sulu, ay isang iskultor, pintor, manunulat, at mananaliksik ng kultura.

Noong 2006, kabilang siya sa pitong hinirang na Pambansang Alagad ng Sining, at ang unang Muslim na ginawaran ng nasabing parangal. Nakikita sa kanyang mga gawa ang mga elemento ng kulturang Muslim.”

“Anong damdamin ang nadarama mo habang tinitingnanAng nga likhang iskultura?”

Page 4: BANGHAY ARALIN SA SINING 5

(Lumibot at tumawag ng limang mag-aaral)(Sasagot ang mga tinawag na mag-aaral)

“Anu-ano ang mga ELEMENTO ng SINING ang taglay nglarawan?”“Maaalala natin na ang mga element ng sining ay angGuhit o linya, porma o hugis, yari o tekstura at kulay.”“Sa palagay ninyo, aling sangkap ang nangingibabaw sa likha ni Guillermo Tolentino?”(tumawag ng isang mag-aaral)

(Sasagot ang mga mag-aaral)“Sa likha ni Napoleon Abueva?”(Muling tumawag ng isa pang mag-aaral)

(Sasagot ang mga mag-aaral)“Sa likha ni Eduardo Castrillo? Solomon Saprid?Abdulmari Imao?”(Tumawag ng mag-aaral kada iskultor)

(Sasagot ang mga tinawag na mag-aaral)

“Aling likha ang pinakanagustuhan mo?”(tumawag ng tatlong (3) mag-aaral)

(Sasagot ang mga tinawag na mag-aaral)

“Tulad ng mga paintings, ang sculptures ay may dalawanguri rin, una, ang makatotohanan – na naglalahad ng isangtotoong pangyayari, at ang di makatotohanan naman aynagmula sa kathang isip na bagay o pangyayari na inililok.”

“Sainyong palagay….”(Pumunta sa pang wakas na gawain)

C. Pangwakas na GawainInteractive DiscussionIpasuri sa klase kung alin sa mga likhaing ang MAKATOTOHANAN at DI MAKATOTOHANAN.

IV. PagtatayaIpasulat kung TAMA o MALI.

1. Si Napoleon Abueva ang nagpasimula ng makabagong istilo-iskulto.2. Ang UP Oblation ay makatotohanan.3. Isang konserbatibong iskultor si Solomon Saprid.4. Isa sa mga obra maestro ni Guillermo Tolentino ay ang monumento ni Andres Bonifacio.5. Ang Sarimanok ni Eduardo castrillo ay makatotohanan.

Page 5: BANGHAY ARALIN SA SINING 5

V. Takdang AralinMaghanap ng ibang iskultura at tukuyin kung ito ay makatotohan o di-makatotohanan.