elementary agriculture

48
FIRST GRADING PERIOD Lesson 1 I.Layunin 1. Natatamo ang kaalaman, kasanayan at wastong saloobin sa pagtatanim ng halamang ornamental. 2. Nakasasali ng buong sigla sa talakayan. II.Paksang Aralin Ang Paghahalaman: Iba’t ibang uri ng Halaman Sanggunian: PELC B 1.2 sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan IV Kagamitan: tsart at larawan Pagpapahalaga: Pagkamaparaan III.Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Pagkilala ng bagong asignatura ( EA ) 2. Balik-aral Magbalik aral sa magandang dulot ng pagtatanim. B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Sinu-sino sa inyo ang may malawak na bakuran sa inyong tahanan? Anu-ano ang nakatanim sa paligid nito? 2. Talasalitaan Halamang-ornamental Halamang-gulay Punong-kahoy Binhi Punla 3. Pagbubuo ng Suliranin Ano ang halamang-ornamental?Punongkahoy?At halamang gulay? 1 Republic of the Philippines Department of Education Region IV-A CALABARZON DIVISION OF BATANGAS SAN JUAN WESTT DISTRICT

Upload: chiela-alcantara-bagnes

Post on 02-Jan-2016

10.950 views

Category:

Documents


6 download

TRANSCRIPT

FIRST GRADING PERIOD

Lesson 1

I.Layunin1. Natatamo ang kaalaman, kasanayan at wastong saloobin sa pagtatanim ng halamang

ornamental.

2. Nakasasali ng buong sigla sa talakayan.II.Paksang Aralin Ang Paghahalaman: Iba’t ibang uri ng Halaman Sanggunian: PELC B 1.2 sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan IV Kagamitan: tsart at larawan Pagpapahalaga: PagkamaparaanIII.Pamamaraan

A. Panimulang Gawain1. Pagkilala ng bagong asignatura ( EA )2. Balik-aral

Magbalik aral sa magandang dulot ng pagtatanim.B. Panlinang na Gawain

1. PagganyakSinu-sino sa inyo ang may malawak na bakuran sa inyong tahanan?Anu-ano ang nakatanim sa paligid nito?

2. Talasalitaan Halamang-ornamental Halamang-gulay Punong-kahoy Binhi Punla

3. Pagbubuo ng SuliraninAno ang halamang-ornamental?Punongkahoy?At halamang gulay?Ano ang kagandahan ng pagtatanim nito?

4. Karanasan sa PagkatutoIpabasa sa mga bata ang aralin sa pahina 116-118.

5. TalakayanTalakayin ang bawat isa. Hayaang makibahagi sa talakayan ang mga batang mag-aaral.

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat

Ano ang kabutihang dulot ng pagtatanim ng iba’t ibang halamang ornamental?

1

Republic of the Philippines

Department of EducationRegion IV-A CALABARZON

DIVISION OF BATANGASSAN JUAN WESTT DISTRICT

2. PaglalapatA.Magbigay ng mga halimbawa ng halamang-ornamental at punongkahoy.B. Pangkatin ang klase at hayaang lumabas ang bawat pangkat upang magtala ng ibat ibang uri ng halaman na makikita sa loob ng bakuran ng paaralan.

IV.Pagtataya Ilagay sa angkop na grupo ang sumusunod na halaman:

San Francisco DaisyPako UbeFive fingers Kamoteng-kahoyZinnia DapoKamoteng baging MirasolGabi BawangRosas PatatasLabanos KerotsLuya

Halamang Dahon

Halamang Namumulaklak

Bungang-ugat

V.Takdang Aralin Natutukoy ang wastong kahalagahan ng iba’t ibang gulay.

Lesson 2

2

I. LAYUNINNatutukoy ang mga halamang gulay sa pamayanan na maaaring itanim

II. PAKSANG ARALINMga Halamang Gulay

Sanggunian: PELC B1.2 Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan, ph. 107 – 108

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan, ph.131-133Kagamitan: larawan ng gulay, tsart

III. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain 1. Pagganyak:

Anu-ano ang kahalagahang naidudulot ng pagtatanim ng gulay?2. Pagwawasto ng takdang-aralin

B. Paglalahad:1.Pangkatang GawainPangkat 1- Isulat ang mga pangalan ng mga dahong gulay na alam ninyo

2- Isulat ang mga pangalan ng bulaklak gulay 3- Isulat ang mga pangalan ng mga butong gulay 4- Isulat ang mga pangalan ng mga bungang- gulay

2. Pag-uulat ng bawat pangkatC. Pagtatalakayan

Anu-ano ang mga halamang gulay na matatagpuan sa loob ng paaralan?Bakit mahalaga ang pagtatanim ng mga gulay?Ano ang mga naidudulot ng mga halamang-gulay sa ating katawan?

D. PaglalahatAnu – ano ang mga uri ng halamang – gulay na maaaring itanim sa pamayanan?

E. PaglalapatSabihin kung anong uri ng mga halamang gulay ang babanggitin ng guroTalong gabi sigarilyasKarot okra cauliflowerSibuyas labanos mustasa

IV. PAGTATAYAIsulat sa patlang ang uri ng mga sumusunod na gulay

( dahong- gulay, bungang –gulay, bulaklak ng gulay, butong- gulay, bungang- ugat)1. patatas ___________________2. bulaklak ng kalabasa ___________________3. kangkong ___________________4. pipino ___________________5.sibuyas ___________________6. gabi ___________________

3

7. repolyo ___________________8. munggo ___________________9. patani ___________________10. petsay ___________________

V. TAKDANG ARALINGumupit ng tig- dadalawang larawan ng uri ng halamang- gulay. Ikapit sa kwaderno at

pangalanan ito.

Lesson 3

4

I.Layunin1. Natatamo ang kaalaman, kasanayan at wastong saloobin sa paggamit ng kasangkapan sa pagtatanim.1. Nakasasali ng buong sigla sa talakayan.

II.Paksang Aralin Ang Paghahalaman: Iba’t ibang uri ng Kasangkapan sa Pagtatanim Sanggunian: PELC B 1.3 sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan IV Kagamitan: tsart at larawan Pagpapahalaga: Pagkamalinis

III.PamamaraanA. Panimulang Gawain

1. Pagkilala ng ng mga uri ng magandang halaman sa pagtatanim.2. Balik-aral

Magbalik aral sa magandang dulot ng pagtatanim.B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak Sinu-sino sa inyo ang may malawak na bakuran sa inyong tahanan? Anu-ano ang nakatanim sa paligid nito? Anong mga kagamitan ang inyong ginagamit sa pagtatanim?

2. TalasalitaanAsarolPalaGulokPisiKalaykay

3. Pagbubuo ng Suliranin Ano ang mga kagamitan sa pagtatanim?

Ano ang kabutihang maidudulot ng paggamit ng mga kagamitan sa pagtatanim?4. Karanasan sa Pagkatuto

Mga kagamitan sa Pagtatanim1. Asarol- Ito ay ginagamit sa pagbubungkal ng lupa upang bumuhaghag

bago taniman2. Kalaykay- Ginagamit ito sa paglilinis ng bakuran. Tinitipon ng

kalaykay ang mga kalat sa halamanan tulad ng mga dahong tuyo,, tuyong damo, at iba pang uri ng kalat. Maari rin itong gamitin sa pag-aalis ng malalaki at matitigas na tipak ng lupa o bato sa lupang taniman.

3. Piko- Ito ay ginagamit upang durugin at pinuhin ang malalaking tipak ng lupa

4. Dulos- Ang dulos ay ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman.

5. Regadera- Ginagamit ito sa pagdidilig.

5

6. Pala- Ito ay ginagamit sa paglilipat ng lupa7. Gulok- Kung may mga sanga ng punongkahoy at iba pang bahagi ng

halaman na nakakasagabal8. Tulos at Pisi- ang mga ito ay ginagamit sa gabay sa paggawa ng mga

hanay sa kamang taniman at pagbubungkal ng lupa.9. Kartilya- ito ay nahahawig sa kariton ngunit may isang gulong sa

unahan at dalawang paa sa likuran kaya ito ay nakakatayo.10. Metro- Ginagamit sa pagsukat ng layo o luwang sa isat ng mga

halamang itatanim sa kamang taniman.

5. TalakayanTalakayin ang bawat kagamitan at ang gamit ng bawat isa.

6. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat

Ano ang kabutihang dulot ng kaalaman sa mga kasangkapan sa pagtatanim?

2. PaglalapatAnong maaaring gawin upang maging maayos at maganda ang

ating mga ksangkapan sa paghahalaman?

IV.Pagtataya Tukuyin kung anong uri ng kasangkapan ang sumusunod:1.

__________________________

2.

__________________________

3. ____________________________

6

4. ________________________________

5.

________________________________

V.Takdang AralinMagsaliksik ng tamang paraan upang mapangalagaan ang mga kagamitan sa pagtatanim.

Lesson 4

7

I. LAYUNINNaisasagawa ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghahalaman

II. PAKSANG ARALINMga Panuntunang Pangkaligtasan at Pangkalusugansa paghahalaman

Sanggunian: Mga Panuntunang Pangkaligtasan at Pangkalusugansa paghahalaman PELC B 1.4

Kagamitan: tsart, mga larawan sa paghahalaman

III. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain 1. Pagganyak:

1.Paano ang wastong pangangalaga sa mga kasangkapan?2.Pagwawasto ng takdang-aralinB. Paglalahad:

1. Kayo ba ay may mga halaman sa inyong bakuran?2. Paano ninyo ito pinangangalagaan?

3. Pamamasyal sa halamanan ng paaralan 4. Hayaang itala ng mga bata ang kanilang namasid sa halamanan5. Pangkatang-Gawain

Pagbabahaginan sa kanilang namasid6. Pag-uulat ng bawat pangkat

C. PagtatalakayanAno ang dapat ilagay sa mga tanim upang lumaki itong malusog?Bakit kailangang bungkalin ang lupa sa paligid ng halaman?Bakit kailangang bunutin ang mga damong ligaw sa paligid ng mga halaman?.Ano ang kahalagahan ng pagbabakod sa nga tanim?

D. PaglalahatAnu-ano ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pangangalaga

ng halamang gulay?E. Paglalapat

Sa iyong sariling pamamamaraan , paano mo mapapangalagaan ang mga halaman?

IV. PAGTATAYAPagsasagawa ng mga bata ng mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa

halaman tulad ng mga sumusunod1. Pagdidilig2. Pagbubungkal ng lupa SA PALIGID NG HALAMAN3. Pagbubunot ng mga damong ligaw sa paligid ng mga halaman.4. Pagtatanggal ng mga tuyong dahon sa mga halaman.5. Paglalagay ng organic fertilizer.

V. TAKDANG ARALIN

8

Isagawa sa sariling bakuran ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghahalaman.

Lesson 5

9

I. LAYUNINNakagagawa ng wastong plano/layout ng taniman

II. PAKSANG ARALINPlano Muna

Sanggunian: MGPP 4: 117-118 PELC B 1.5

Kagamitan: tsartIII. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain 1. Pagganyak:

Pagkwento ng karanasan kaugnay ng paghahalaman.B. Paglalahad:

Ang guro ay magpapakita ng larawan ng halamanan.

c. PagtatalakayanAnu-ano ang mga dapat tandaaan sa paggawa ng kamang taniman?Paano makagagawa ng isang magandang plano ng paggagawa ng kamang taniman?

D. PaglalahatAno ang kahalagahan ng paggawa ng isang plano?Anu-ano ang nilalaman ng isang plano?

E. PaglalapatGumawa ng isang plano ng kamang taniman.

IV. PAGTATAYABuuin ang Plano sa pamamagitan ng paggamit ng mga sumusunod na datos.

I. Layunin:II. Pangalan ng Proyekto:III. Mga Kailangan:IV. Paraan ng Paggawa:

1. Linisin ang lupang taniman2. Sukatin at tulusan ang apat na sulok ng gagawing kamang taniman.3. Talian ng pisi ang apat na tulos upang makulong ang kamang gagawin4. Sa pamamagitan ng asarol o palang tinidor, bungkalin ang lupa.5. Lagyan ng pataba ang lupa6. Gumamit ng kalaykay upang lalong mapino at mapatag ang lupa7. Diligan ang naihandang lupa8. Ulitin ang mga nabanggit para sa iba pang kamang gagawin

Makagawa ng kamang taniman Pala, piko, Tulos, pisi, metro, regadera, asarol, asada, kalaykay, dulos Paggawa ng Kamang Taniman

V. TAKDANG ARALINMagtala ng mga lugar na maaaring taniman.

Lesson 6

10

I.Layunin 1. Natutukoy ang wastong paraan ng pagsasagawa ng kamang taniman. 2. Nakasasali ng buong sigla sa talakayan.

II.Paksang Aralin Pagsasagawa ng Kamang Taniman. Sanggunian: PELC sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan IV Kagamitan: tsart at larawan Pagpapahalaga: Pagiging alisto at matulungin sa gawain.

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain1. Pagkilala ng mga uri ng kagamitan na karaniwang natatagpuan sa isang sa tahanan na

ginagamit sa paghahalaman.2. Balik-aral

Paraan ng pagtatanim.B. Panlinang na Gawain

1. PagganyakAnu-anong mga kahalagahang dulot ng kaalaman sa

paghahalaman?2. Pagbubuo ng Suliranin

Anu-ano ang mga maaring idulot ng paghahalaman sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kamang taniman?

3. Karanasan sa Pagkatuto* Pag-aaral ng leksyon.

Paghahanda ng Lupang taniman1. Linisin ang lupang taniman2. Sukatin at tulusan ang apat na sulok ng gagawing kamang taniman.3. Talian ng pisi ang apat na tulos upang makulong ang kamang gagawin4. Sa pamamagitan ng asarol o palang tinidor, bungkalin ang lupa.5. Lagyan ng pataba ang lupa6. Gumamit ng kalaykay upang lalong mapino at mapatag ang lupa7. Diligan ang naihandang lupa8. Ulitin ang mga nabanggit para sa iba pang kamang gagawin

* Mga paraan ng pagtatanim ng halaman o punla sa kamang taniman.

4. TalakayanAno ang dapat nating unang isagawa sa pagplano ng pagsasawa ng

kamang taniman?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat

11

Ano ang paghahalaman at paano ang wastong pagsasagawa ng kamang taniman at pagtatanim ng nararapat na halaman dito?

2. PaglalapatPagsasagawa ng paggamit ng aktwal ng mga kasangkapan sa

paghahalaman sa paggawa ng kamang taniman.IV.Pagtataya

Isaayos ang mga hakbang sa paghahanda ng lupang taniman. Lagyan ng bilang ayon sa pagkakasunodsunod.______ Bungkalin ang lupa______ Pinuhin at patagin ang lupa______Sukatin at lagyan ng tulos ang apat na sulok ng gagawing kamang taniman.______ Linisin ang lupang taniman.______ Lagyan ng pataba ang lupa.

V.Takdang Aralin Alamin kung paano mapangangalagaan ang lupang taniman.

Lesson 7

12

I. LAYUNIN Naisasagawa ang wastong pangangalaga ng lupa at mga pananim

II. PAKSANG ARALINPangangalaga ng mga halaman

Sanggunian: PELC B. 1.6 Makabuluhang Gawaing Pantahanan, ph. 121 - 126

Kagamitan: tsart, mga larawan , aktuwal na paggawa sa halamanan ng paaralan. Pagpapahalaga: Pangangalaga sa Halaman.

III. PAMAMARAANA. Pagganyak

Paano kayo naghanda ng lupang taniman?Paano ninyo ilalarawan ang lupang taniman na inihanda ninyo?

B. PaglalahadKayo ba ay may tanim na halaman sa inyong bakuran?Anu-ano ang mga ito?Paano ninyo ito inaalagaan?

C. Pangkatang gawain 1. Bawat pangkat ay mag-uusap kung paano nila aalagaan ang kanilang tanim ? 2. Pagsasagawa ng gawain sa lupang taniman at pagtatala sa kanilang ginawa. 3. Pag-uulat ng bawat pangkat.D. Pagtatalakayan Bakit kailangang alisin ang mga ligaw na damo?

Paano ang wastong paraan ng pagpuksa sa mga kulisap at iba pang mga peste na sumisira sa mga pananim?

Bakit kailangang diligin ang mga halaman – gulay araw-araw?Tuwing kalian kailangang diligin ang mga ito? Anong pataba o abuno ang mabuting ilagay sa mga halamang gulay? E. Paglalahat Anu –ano ang mga paraan ng pangangalaga sa mga pananim?

Nais ni Mang Juan na maging malusog , mabunga at mabulaklak ang kanyang mga pananim, pero di niya alam ang gagawin. Ano ang maitutulong mo sa kanya?

F. Paglalapat Napansin mong natutuyo na ang mga halaman sa inyong bakuran. Ngunit ikaw ay pagod na mula sa paaralan. Ano ang nararapat mong gawin sa mga halaman natutuyo na ang mga dahon?

IV. PAGTATAYALagyan ng Tsek (/) ang pangungusap na nagsasaad ng tamang gawi, at ekis (x) kung

hindi.

____________1. Bungkalin ang lupa ng isa o dalawang beses sa isang lingo.________________2. Hayaang mabuhay ang mga ligaw na damo sa paligid ng mga halamang

gulay na tanim.____________3. Gumamit ng kasangkapang nasa maayos na kondisyon.

13

____________4. Diligan ang mga pananim tatlong beses sa isang araw.____________5. Maglagay ng takip sa bibig at ilong kung gumagamit ng pambombang gamot.

V. TAKDANG ARALINMagsaliksik tungkol sa iba’t ibang paraan ng pagpuksa sa mga kulisap at iba pang

pesteng sumisira sa mga halamang tanim. Ibahagi sa klase ang kaalamang nasaliksik.

14

Republic of the Philippines

Department of EducationRegion IV-A CALABARZON

DIVISION OF BATANGASSAN JUAN WESTT DISTRICT

SECOND GRADING PERIOD

Lesson 1

I. LAYUNIN Natutukoy ang mga palatandaan sa bunga o tanim na maaari nang ipagbili

II. PAKSANG ARALINSalik / palatandaan na dapat tandaan sa oras ng pag-aani

Sanggunian: PELC B. 1.7.1 Makabuluhang Gawaing Pantahanan, 6 ph. 132-135

Kagamitan: mga laraan ng mga halamang puwede nang anihin

III. PAMAMARAANA.. Anu-ano ang mga paraang pangangalaga sa mga halaman?

Bakit dapat pagtuunan ng pansin ang wastong pag-aalaga sa mga halaman?B. Kailan dapat pinipitas ang mga bunga ng halamang gulay?

Ano sa palagay ninyo ang dapat tandaan sa pag-aani ng gulay? C. Pangkatang gawain 1. Bawat pangkat ay magsusulat ng kanilang opinyon kung ano ang mga palatandaan na dapat anihin na ang tanim na gulay. Pangkat 1 - Petsay Pangkat 2 - kamatis Pangkat 3 - talong Pangkat 4 - okra 2. Pag-uulat ng natapos na gawain

D. Pagtatalakayan:Ilan ang dahon ng mga madahong gulay bago anihin?Kailan dapat anihin ang mga madahong gulay?

Kailan naman dapat anihin ang patola , upo, sayote at kalabasa?Ano ang dapat gawin kung ang tangkay ng kintsay, dahon ng sibuyas at unsoy ay

malutong na at pumuputok?Ano ang dapat tandaan kapag lanta na ang mga dahon ng labanos, kamote at

patatas?E.Anu- ano ang mga salik na dapat isaalang- alang sa pag-aani ng mga halamang gulay?F. Ano sa palagay mo at kailangang anihin ang mga pananim sa takdang panahon?

IV. PAGTATAYAIsulat palatandaan kung kalian dapat anihin ang mga sumusunod:

1. mustasa2. sayote

15

3. patatas4. letsugas5. patola

V. TAKDANG ARALINSumulat ng limang halamang gulay na di pa napapag-aralan at isulat ang paraan

kung kalian dapat ito anihin

Lesson 2

I. LAYUNINNakasusunod sa mga alituntunin sa pagbibili ng mga inaning produkto

16

II. PAKSANG ARALIN

Pag-aayos at pagbibili ng mga inaning produkto Sanggunian: PELC B. 1.7.2

Makabuluhang Gawaing Pantahanan 4, ph. 132-134 Kagamitan: mga larawan ng inaning pananim, tsart Pagpapahalaga: Dagdag kaalaman at kita.

III. PAMAMARAANA. 1.Anu- ano ang mga paraan ng pag-aani ng gulay sa mga sumusunod:

a. madahong gulayb. bungang gulayc. bungang- ugat

2. Pagwawasto ng takdang-aralin B. 1. Pagbigkas ng maiksing tula

ANG PRODUKTOKung may itinanim

Tiyak may aanihin Kung ipagbibili Paano aayusin?

Ilalagay sa sakoSa basket o kaing Timbangin at bungkusinIba’y pagbukod-bukurin.

Kaya ating tandaan Produkto’y ihanay Ilagay sa kahon Iayos at ingatan

17

Ano ang magandang mensahe na napulot ninyo sa tula?

2. Pangkatang gawaina.Kung ikaw ang may inaning pananim at iyong ipagbibili sa pamilihan, anu- anong pagkilos o pamamaraan ang iyong gagawin?( Pag-uusapan ito ng bawat pangkat, at iuulat ang kanilang pinag-usapan) b. Pag-uulat ng bawat pangkat 3. Pagtatalakayan: Saan dapat ibinabatay ang pagbibili sa mga inaning pananim?Saan kadalasan nakalagay ang mga inaning gulay?Paano ipinagbibili ang mga panindang gulay?Paano maiiwasan ang pagkalugi ng mga paninda?

6. Anu-anong mga alituntunin ang dapat isaalang- alang sa pagsasapamilihan ng Paninda?

C.Role playing ng bawat pangkat( Isadula ang mga alituntunin sa pagsasapamilihan ng mga paninda)

IV. PAGTATAYALagyan ng tsek(/) kung tama ang isinasaad ng pangungusap at X kung mali.

_______1. Maiiwasan ang pag-aaksaya kung magpaplano muna bago mag-ani ng produkto._______2. Anihin ang mga gulay na madaling mabulok._______3. Ang mga bungang gulay na may matitigas na tangkay ay inaani sa pamamagitan ng

pagpitas._______4. Ang mga gulay tulad ng kamatis, sibuyas at iba pa ay iniimbak sa tiklis, sako kahong

yari sa kahoy at ipinagbibili ng por kilo._______5.Tiyaking tama ang pagkakatimbang at maayos ang pagkakatangkas ng mga produkto

upang makuha ang tiwala ng mamimili.

V. TAKDANG ARALINBilang kasapi ng pamilya, anong kabutihan ang maibibigay sa iyo ng mga gawain

sa pagsasaayos at pagbibili ng inaning produkto.

18

Lesson 3

LAYUNINNakapag-iingat ng talaan ng gastos at kinita.

II. PAKSANG ARALINPagtutuos ng gastos at kinita

Sanggunian: PELC B. 1.9 Makabuluhang Gawaing Pantahanan, ph. 135-137

Kagamitan: larawan, tsart ng halimbawa ng talaanPagpapahalaga: Pahalagahan ang mga bagay na pinaghirapan.

III. PAMAMARAANA.1.Muling ipabigkas ang tulang “Ang Produkto” Anu-ano ang mga palatandaan na maaari nang anihin ang mga bunga o tanim?Magbigay ng halimbawa.

Bakit mahalagang malaman o matutuhan ang paraan ng pag-aani ng mga gulay at prutas? 2. Pagwawasto ng takdang – aralin B.1.Bakit sinasabi na magandang hanap-buhay ang pagtatanim ng mga halamang gulay? 2. Paglalahad ng aralin

Nag-ani ka ng gulay at nais mo itong ipagtinda sa pamilihan, paano mo malalaman kung ikaw ay tumubo o nalugi?

3. Pangkatang- Gawain Bawat pangkat ay gagawa ng talaan ng kinita sa mga sumusunod: Gulay Puhunan Benta Kinita

50 tali petsay kada tali 20 pesos 5 kilo carrots 80 pesos per kilo10 kilo labanos 20 pesos per kilo10 kilo ampalaya 40 pesos per kilo

4. Pag-uulat ng natapos na gawain

C.Pagtatalakayan

Sa talaan, magkano ang gastos o puhunan?Magkano ang kabuuang pinagbilhan? Ilan ang kabuuang bilang ng tanim na naipagbili?Magkano ang kinita ng proyekto?Ano ang naitututulong ng paggawa ng talaan ng kinita at ginastos?D. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng talaan ng gastos at kinita ng proyekto?

IV. PAGTATAYAAlamin ang gastos at kinita ni Mang Ben sa kanyang taniman

Halaga ng pananim- Php 1,000

19

Halaga ng pataba-300Halaga ng pamatay peste- 100Bayad sa serbisyo at paglilingkod- 600Iba pang ginastos – 400Pinagbilhan sa: petsay – 750

Mustasa – 750 Karots – 1,400

Labanos - 1000V. TAKDANG ARALINPunan ang kahon ng wastong paraan.

Produkto Paraan ng pag-iimbak

Paraan ng Pagtatanghal

Paraan ng Pagitinda

A. Gulay1. Kamatis2. Sibuyas3. Bawang4. petsayB. Prutas1. Saging2. Melon3. Pakwan4. mangga

20

Lesson 4

I.LAYUNINNatatalakay ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagnenerseri.

II. PAKSANG ARALINSalik ng Pagnenerseri

Sanggunian: PELC B. 2.1 Makabuluhang Gawaing Pantahanan, ph. 139

Kagamitan: larawan, tsart

III. PAMAMARAANA. Pagganyak

Sino sa inyo ang nakakita na ng isang narseri?Ano ang hitsura nito?

B. .Balik-aralAno gagawin mo sa talaan ng ginastos at kinita. Bakit kailangang itabi ito?Paano mo masasabi na sulit ang hirap at pagod mo sa pagtatanim?

C. PaglalahadIpakita ang larawan ng isang narseri

D. PagtatalakayanAno ang masasabi ninyo sa larawan?Sa paghahalaman, ano ang nerseri?Ano ang karaniwang makikita sa isang nerseri?Anu-ano ang mga naidudulot ng pagnenerseri sa mag-anak?

Ano ang kinakailangan natin sa pagkakaroon ng nerseri?E. Paglalahat

Anu-ano ang mga salik sa pagnenerseri?F. Paglalapat

Sumulat ng maikling talata tungkol sa kahalagahan ng pagnenerseri.Basahin ito sa harap ng klase.

IV. PAGTATAYAIsulat ang Tama kung wasto ang nakasaad sa pangungusap at Mali kung hindi.___1.Ang pagnenerseri ay isang gawaing kapaki-pakinabang.___2.Sa narsing ay maaalagaan ang mga halamang gulay, ornamental at punongkahoy

mula sa murang gulang.___3.Isang magandang libangan ang pagnenerseri.___4. Nakadaragdag sa kita ng mag-anak ang pagnenerseri.___5.Sa pagnenerseri ay makatitiyak na mataas ang uri ng produkto.

V. TAKDANG ARALINDumalaw sa isang nerseri. Magmasid sa paligid-ligid at itala sa kwaderno ang mga bagay na matatagpuan o makikita. Alamin rin ang katuturan ng mga bagay na nakita.

21

THIRD GRADING PERIOD

Lesson 1

I. LAYUNINNatatalakay ang mga kaugnay ng pagnenerseri at pamamaraan ng halamang ornamental

II. PAKSANG ARALINIba’t-ibang Gawain sa Pagnenerseri

Sanggunian: PELC B. 2.2 Makabuluhang Gawaing Pantahanan, ph. 140-141

Kagamitan: tsart

III. PAMAMARAAN1. Balik-aral

Ano ang iba’t-bang salik ng pagnenerseri?Paano nakatutulong ang pagnenerseri sa pamilya?Ano ang kinakailangan sa pagkakaroion ng nerseri?

2. A. PagganyakSino sa inyo ang may taninman sa likod-bahay?Paano ninyo ito inaalagaan?

B. PaglalahadPagpunta ng mga bata sa lupang taniman sa loob ng paaralan.

C. PagtatalakayanAno ang nakikita ninyo?Paano natin maalagaan ang isang lupang taninam?Anu-anong mga gawain ang dapat natin isagawa sa ating pagnenerseri?Bakit sa tingin ninyo ay mahalagang isagawa ang mga ito?Ano sa tingin ninyo ang maitutulong nito sa ating mga halamang ornamental?

D. PaglalahatAnu-ano ang mga gawain na kaugnay ng pagnenerseri at pagpaparami ng

halamang ornamental?

E. PaglalapatIpakitang kilos sa pamamagitan ng maikling dula ang mga gawaing kaugnay ng

pagnenerseri.

22

Republic of the Philippines

Department of EducationRegion IV-A CALABARZON

DIVISION OF BATANGASSAN JUAN WESTT DISTRICT

IV. PAGTATAYAIguhit ang kung ang nakasaad ay may kaugnayan sa pagnenerseri at kung wala.

____ 1.pangangalaga sa mga punla at halaman____ 2.paglalagay ng tulos at pisi sa kamang taniman upang maging pantay ang mga

tanim ____ 3.pagpuksa sa mga peste at sakit____ 4.paglalagay ng dalawa hanggang tatlong buto sa kada butas____ 5.paglalagay ng lilim sa mga punlang itinanim

V. TAKDANG ARALINMagsaliksik ng iba pang gawain na may kaugnayan sa pagnenerseri. Isulat ang mga ito sa inyong kwaderno.

23

Lesson 2

I. LAYUNINNatutukoy ang mga kasangkapan at kagamitan sa pagnanarseri.

II. PAKSANG ARALINMga kagamitan at kasangkapan sa pagnanarseri

Sanggunian: PELC B. 2.3 Makabuluhang Gawaing Pantahanan, ph. 141-143

Kagamitan:tsart , larawan ng ma kasangkapanPagpapahalaga: ingatan at alagaan ang mga kagamitan sa pagnanarseri.

III. PAMAMARAANA. 1.Ano ang pagnanarseri?

Anu-ano ang mga salik na dapat kailangan sa gawaing pagnanarseri?2.Pagwawasto ng takdang-aralin.

B. 1.Anu-ano ang mga kagamitan na nakita ninyo sa narseri?2.Pangkatang-gawain

Pangkat 1-3 kumatha ng isang maikling tula tungkol sa pangangalaga sa narseriPangkat 2-4 Gumuhit ng 3 kagamitan sa pagnanarseri

3.Pag-uulat ng natapos na gawainC.Pagtatalakayan:

Bakit sinasabi na ang pagnanarseri ay isang gawaing kawili-wili at kapaki-pakinabang?

Mula sa kahong punlaan saan puwedeng ilipat ang mga punla?Ano naming kagamitan ang ginagamit sa iba’tibang paraan ng pagpaparami ng

halaman?Ano naman ang ginagamit sa pangangalaga at pamamahala ng mga punla?Sa paanong paraan nakakatulong ang pagnanarseri sa mag-anak?Ano ang dapat gawin sa mga kasangkapan sa pagnanarseri?

D.Paglalahat:Anu-ano ang mga kagamitan sa pagnanarseri?Bakit mahalaga na makilala at matukoy ang angkop na kagamitan sa

pagnanarseri?E.Nais mong magtayo ng isang narseri ngunit kulang ka sa mga kagamitan at

kasangkapan, at kulang ang pera mo para makabili ka nito. Ano ang maaari mong gawin upang magkameron at makaipon ka ng mga kagamitan sa paghahalaman?

IV. PAGTATAYAPangkatin ang mga sumusunod na kasangkapan na ginagamit sa:

Ginagamit sa aglilipat ng Ginagamit sa pagpaparami Ginagamit sa pangangalaga

24

punla ng halaman at pamamahala ng halaman

crooscut saw , pambomba , supot na plastic, lanseta , gomang pandilig , maso, kutsilyo, paso, lata, asarol, palang tinidor, regadera,

V. TAKDANG ARALINMagsaliksik ng larawan ng isang narseri. Itala ang mga bagay na makikita dito. Alamin

din ang katuturan ng mga bagay na nakita.

25

Lesson 3

I. LAYUNINNakapagpaplano ng isang narseri.

II. PAKSANG ARALINPagpaplano ng isang narseri

Sanggunian: PELC B. 2.4 Makabuluhang Gawaing Pantahanan 6, ph. 148-150 Makabuluhang Gawaing Pantahanan 4, ph. 145-146

Kagamitan: larawan ng isang narseri, tsartPagpapahalaga: Pagbutihin at pangasiwaan nang maayos ang narseri sapagkat malaki ang naitutulong nito sa isang mag-anak.

III. PAMAMARAANA. 1.Ano ang pagnanarseri?

Ano ang mga natutunan ninyo tungkol sa ating tinalakay sa pagnanarseri?2.Pagwawasto ng takdang-aralin.

B. 1. Sino sa inyo na ang bakuran ay may lugar para pagtayuan kahit isang maliit lang na narseri.?Sino naman ang walang lugar para pagtaniman? Posible kaya na magtanim kahit walang lugar na pagtataniman? Sa anong paraan?

2. Dahil nasimulan na natin ang pag-aaral tungkol sa pagnanarseri, ngayon naman ay gagawa kayo ng isang plano sa pagsisimula ng isang narseri? Handa na ba kayo?

3. Pangkatang-gawain: Ang bawat pangkat ay bubuo ng isang plano tungkol sa pagnanarseri. Siguraduhin na mailagay sa plano ang bawat natutunan tulad ng mga gawain, lugar na pagtatayuan at ang mga kasangkapan na gagamitin.

4. Pag-uulat ng natapos na Gawain.

C. Pagtatalakayan:

Ano ang unang hakbang na ginawa ninyo sa pagpapalano?Nahirapan ba kayo sa paggawa ng plano?

Alin ang madaling isagawa at alin ang pinakamahirap gawin sa pagpapalano ng narseri?

D. Bakit mahalaga ang plano sa pagnanarseri? Anu-ano ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng plano ng isang narseri?

26

IV. PAGTATAYALagyan ng / kung wasto ang pangungusap at X kung hindi. 1. ___________ Ang masusing pagbabalak ay isang paraan upang maisagawa n wasto at

maayos ang isang Gawain.2. ____________ Ang loam ay uri ng lupa na mainam sa mga punlaan.3. ____________ Ang dapat piliing lugar ng narseri ay hindi nasisikatan ng araw.4. ____________ ang mga kahong punlaan ay kailangang may sapat na proteksiyon

laban sa malakas na hangin5. ____________ ang pagdapo ng sakit at peste ay huwag pansinin sapgkat natural

lamang ito.

V. TAKDANG ARALIN Gumawa ng plano ng isang narseri at iguhit ang narseri na magagawa ayon sa plano.

27

Lesson 4

I. LAYUNINNasusunod ang simpleng pamamaraan sa pagnanarseri

II. PAKSANG ARALINPagpili ng buto/ halamang pananim

Sanggunian: PELC B. 2.5Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan ph.164-166

Kagamitan:larawan , tsart, mga halamang buto, bungang-ugat, bunga at sangaPagpapahalaga: Ang wastong pangangalaga sa mga tanim ay nakatitiyak ng mausog,

mabunga at mabulaklak na ani.

III. PAMAMARAANA.1.Anu-ano ang naging batayan ninyo sa paggawa ng plano ng narseri?

Bakit mahalaga ang plano sa paggawa ng narseri?2.Pagwawasto ng takdang-aralin B. 1.Lahat ba ng halaman ay nagsisimula sa buto?

Kung hindi, ano pa ang pwedeng gamitin sa pagtatanim bukod sa buto para mapadami ang halaman?

2. Pangkatang-gawain: a. Pagbibigay ng pamantayan sa paggawa b. Pagpapaliwanag ng gawain. Pangkat 1 – itala ang mga haklaman na puwedeng itanim sa pamamagitan ng buto Pangkat 2 – itala ang mga halaman mula sabungang - ugat Pangkat 3 – itala ang mga halaman mula sa bunga Pangkat 4 – itala ang mga halaman mula sa sanga c. Pagsasagawa ng mga bata ng gawain

C.Pagtatalakayan: Ano ang dapat munang gawin bago itanim ng tuwiran ang buto sa kamang taniman?Sa pagtatanim ng bungang-ugat, ano ang dapat pagbatayan?Anong uri ng sanga ang dapat itanim? Anu-ano ang mga hakbang sa pagpapatubo ng mga punla? D.Anu-ano ang iba’t ibang paraan sa pagpapatubo ng halamn?

E.Kayo ay pinangkat ng inyong guro upang isagawa ang pamamaraan sa pagnanarseri ng pangkatan subalit wala ka talagang hilig sa pagtatanim.Ano ang iyong gagawim?

IV. PAGTATAYAPunan ng tamang salita ang bawat patlang. 1.______ na ibabad ang buto upang lumambot ang pinagmumulan ng pasibol na halaman.

28

2. Sa pagtatanim, humukay ng katamtamang laki at lalim batay sa laki ng halamang-______.

3. Sundin ang pagtatanim ng ________ , kapag nagtanim ng halamang bunga. 4. Piliin ang _________na sanga ng halamang itatanim. Tapyasin nang pahiis ang dulo at

ibaon sa lupa nang 5._________.

V. TAKDANG ARALINGumawa ng talaan ng mga paraan ng pagpapatubo ng mga pananim sa narseri. Isulat ang

mga ito sa balangkas sa ibaba.

Pamamaraan ng Pagpapatubo

Buto Bungang-ugat Bunga Sanga1.________ __________ _________ _________2.________ __________ _________ _________3.________ __________ _________ _________4.________ __________ _________ _________5.________ __________ _________ _________

29

Lesson 5

I. LAYUNINNaipakikita ang wastong paraan ng pangangalaga ng mga tanim sa narseri upang

mapagkakitaan.

II. PAKSANG ARALINWastong pangangalaga nang mga halaman sa narseri.

Sanggunian: PELC B. 2.6Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 6 ph.152

Kagamitan:larawan , tsart, mga halamang buto, bungang-ugat, bunga at sangaPagpapahalaga: Ingatan at pangalagaan ang mga halaman sa narseri

III. PAMAMARAANA. 1.Anu-ano ang mga hakbang sa pagpapatubo ng punla?

Ano ang dapat gawin upang maging maayos ang tubo ng mga halaman? 2. Pagwawasto ng takdang-aralin

B. 1. Magpakita ng dalawang larawan ng halaman, ang isa ay malusog at ang isa ay nalalanta na.

Ano ang masasabi ninyo sa dalawang halaman?Bakit kaya malusog ang isa?Ano ang dahilan at hindi nabuhay ang isang halaman?

2. Pangkatang – gawain Bawat pangkat ay mag-uusap kung ano ang mga paraan na dapat nilang gawin upang maging malusog ang mga halaman sa narseri. 3. Pag-uulat ng bawat pangkat C. Pagtatalakayan Bakit dapat iwasan ang sobrang pagdidilig ng tubig sa halaman? Ano ang dapat gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng peste at sakit sa mga punla?

D. Paglalahat Ano ang kahalagahan ng wastyong pangangalaga ng mga halaman sa narseri? E. Paglalapat Paano mo mapapanatili malinis at kaaya-aya ang narseri bilang isang batang mag- aaral?

IV. PAGTATAYA

Isulat ang W kung wasto ang kaisipan at H kung hindi.1. ________ Ang tanim ay mabibili ng nakapaso, nasa lata o nas plastic bag.2. ________ Makapagtutuos ng kinita kahit walang talaan ng gastusin3. ________ Ang mga tanim sa nersari ay hindi ipinagbibili ng nang maramihan

30

4. ________ Malalaman ang kinita ng narseri pagkatapos ibawas ang gastos sa pinagbilhan

5. ________ Ang talaan ng paghahalaman ay mahalaga sa pagnanarseri.

V. TAKDANG ARALINKumapanayam ng isang nagnanarsei at itanong ang paraan ng kanilang pagbibili ng

kanilang mga tanim.

31

FORTH GRADING PERIOD

Lesson 1

I. LAYUNINNaipakikita ang kawilihan sa pag-aalaga ng hayop sa tahanan tulad ng aso kalapati atb.

II. PAKSANG ARALINPag-aalaga ng Hayop

Sanggunian: PELC B. 3 Makabuluhang Gawaing Pantahanan,6 ph. 155-159

Makabuluhang Gawaing Pantahanan, ph. 154-162Kagamitan:Mga larawan ng mga hayop na maaring alagaan

III. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain

Anong hayop ang iyong alaga?Paano mo siya inaalagaan? Anu-ano ang mga nagiging karanasan nyo sa pag-aalaga ng inyong mga hayop?

B. Panlinang na Gawain* Pag-aalaga ng manok1. Maglaan ng kulungan para sa mga manok.2. Pagpapatuka sa mga manok3. Pag-iwas sa sakit o peste na maaring dumapo sa manok

* Pag-aalaga ng kuneho*Pag-aalaga ng aso*Pag-aalaga ng kambing*Pag-aalaga ng Baka*Pag-aalaga ng Baboy

C. Paglalahat* Ang pag-aalaga ng hayop ay isang gawaing kapakipakinabang na dapat pagtuunan ng sapat na panahon at oras upang matagumpay at makatiyak ng mga kapakinabangang na maidudulot nito.

IV. PAGTATAYAIsulat ang OO o HINDI. Ipaliwanagang sagot. Gawin sa papel sagutan.

1. Ang mga hayop ay mahalaga.2. Kaibigan natin ang mga hayop.

32

Republic of the Philippines

Department of EducationRegion IV-A CALABARZON

DIVISION OF BATANGASSAN JUAN WESTT DISTRICT

3. Kahit mababangis na hayop ay may pakinabang din.4. Hindi maaring mag-alaga ng hayop sa bahay.5. Ang mga hayop ay pinagmulan ng sakit.6. Tulad ng halaman, ang hayop ay pinagmulan din ng ikabubuhay.7. Ang mga hayop ay tumutulong sa atin sa pagpuksa ng ibang peste.8. Magandang palamuti sa tahanan ang mga ibon.9. Ang maliit na isda ay maaring alagaan sa tahanan.10. Ang maraming baboy na alaga ay hindi mabuti sa bahay.

V. TAKDANG ARALINKung ikaw ay bibigyan ng isang regalo, anong hayop ang ibig mo?Bakit?

33

Lesson 2

I. LAYUNINNasasabi ang kahalagahan ng pag-aalaga ng hayop sa tahanan

II. PAKSANG ARALINKahalgahan ng Pag-aalaga ng Hayop

Sanggunian: PELC B. 3.1 Makabuluhang Gawaing Pantahanan, ph. 154

Kagamitan:larawan , tsartPagpapahalaga: Ingatan at pangalagaan ang mga alagang hayop

III. PAMAMARAANA. Balik-aral

Anu-ano ang mga paraan ng pagpaparami ng halaman?Paano natin mapangangalagaan ang mga ito?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak

Sinu-sino sa inyo ang may mga alagang hayop sa inyong tahanan?Ano ang inyong alagang hayop?Bakit ito ang inyong napiling alagang hayop?

2. PaglalahadIpakita ang mga larawan ng mga hayop na pwedeng alagaan sa tulad ng aso, pusa,

manok at iba pa.3. Pagtatalakayan

Anu-anong mga hayop ang nasa larawan?Pwede ba natin ang mga ito alagaan sa ating tahanan? Bakit mahalaga ang pag-aalaga ng hayop?Paano nakatutulong sa kabuhayan ng mag-anak ang pag-aalaga ng mga hayop?

IpaliwanagPaano natin maipapakita ang ating pagmamahal sa mga hayop?

4. PaglalahatAnu-ano ang kahalagahan ng pag-aalaga ng mga hayop?

5. PaglalapatSumulat ng isang talata tungkol sa hayop na nais mong alagaan at kung anu-ano

ang maidudulot nito sa iyo?

IV. PAGTATAYAIsulat ang tama o mali.

1. Malaki ang kapakinabangang makukuha mula sa pag-aalaga ng mga hayop.2. Pare-pareho ang paraan ng pag-aalaga ng hayop.

34

3. Ang pag-aalaga ng hayop ay nakapagdudulot ng karagdagang kita sa mag-anak.

4. May mga hayop na mapgkukunan ng gatas, itlog, at karne na pinagmumulan ng protina na kailangan para sa mabuting nutrisyon ng katawan.

5. Lahat ng uri ng hayop ay mainam alagaan.

V. TAKDANG ARALINGumuhit o gumupit ng mga larawan ng mga hayop na pwedeng alagaan. Isulat sa baba ang mga kagandahang maidudulot nito sa iyo.

35

Lesson 3

I. LAYUNIN Natatalakay ang mga panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa pag-aalaga ng hayop

II. PAKSANG ARALIN Mga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaigtasan sa Pag-aalaga ng hayop

Sanggunian:PELC B.3.3.5 Edukasyong Pantahanan at pangkabuhayan ph. 175-176

Kagamitan: larawan ng mga hayop at kanilang tahanan, tsart Pagpapahaaga: Ingatan at alagaan ang mga hayop

III. PAMAMARAANA. 1.Anu-ano ang mga hayop na puwedeng aagaan sa bakuran?2.Pagwawasto ng takdang-aralinB. 1.Ang mga hayop ay parang tao din, meron din silang pangangailangan para mabuhay at

karapatan din nilang pangalagaan. Kung kayo ang tatanungin ko, Bakit kailangan nating aagaan ang mga hayop?2.Pangkatang – Gawain:

Bawat pangkat ay maghahanda ng isang maikling dula-dulaan na kung saan ay ipapakita ng bawat pangkat ang wastong pag-aalaga sa mga hayop upang di magkasakit.

3.Pagpapalabas ng mga bata ng nabuo nilang gawain. C.Pagtatalakayan: Gaano kalayo dapat ang kulungan o bahay ng hayop sa likod bahay?Ano ang dapat gawin upang mapanatiling malinis ang tirahan ng hayop? Ano ang kahalagahan ng bakuna sa mga hayop, bakit kailangang bigyan sila nito?Ano ang dapat gawin upang maging maakas at malusog ang mga alagang hayop?Paano maiiwasan ang pagkakasakit ng mga tagapag-alaga ng hayop? D. Anu-ano ang mga wastong Panunutunan sa pag-aalaga ng hayop? E. Magpakita ng larawan ng isang hayop, itanong sa matatawag na bata kung paano niya ito

aalagaan.

IV. PAGTATAYAPunan ang patlang ng wastong sagot.1. Ang kulungan ng hayop ay kailangang _______ ang layo sa likod bahay.2. Lagyan ng ______ ng tubig ang paigid ng kulungan upang mapanatiling malinis ito.3. Pabakunahan ang hayop ng gamot na kontra sa mga sakit at _________.4. Bigyan ng wastong pagkain at _______ upang maging maakas at mausog ang mga

aagang hayop.5. Upang maiwasan ang pagkakasakit ng mga tagapag-alaga ng hayop , panatiihing mainis

palagi ang bahay o ________ nito.

36

V. TAKDANG ARALINIsulat ang mga kabutihang dulot ng mga inaaagaang hayop sa tahanan.

37