feb. 07

Upload: richard-manongsong

Post on 29-Oct-2015

129 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

anythiing

TRANSCRIPT

ARALIN 2: Pagpapahalaga sa Pagpapanatili sa Kaayusan at Kapayapaan

Iminumungkahi ang sumusunod na tanong bilang patnubay sa pagtuturo ng araling ito.

Mga patnubay na tanong:

1. Ano sa inyong palagay ang kahulugan ng kaayusan at kapayapaan?

2. Bakit mahalaga ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa loob ng tahanan?

3. Paano mo makakamit at mapapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa loob ng inyong tahanan.

ALAMIN

1. Ipaalam sa mga bata na may kaibigan kang may suliranin. Itanong sa kanila kung maaari bang tulungan nila ang kaibigan mo. Ipaskil ng maila paper sa pisara at sabihing makin silang mabuti sa babasahin mong liham mula sa iyong kaibigan.

2. Itanong ang sumusunod:

a. Bakit ginabi sa pag-uwi ang magkapatid?

b. Bakit sumama ang loob ni Rufo sa kanyang kambal?

c. Ano ang nakaipit sa aklat ni Rufo?

d. Ano ang nilalaman ng sulat?

3. Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kapareha at pag-usapan ang kanilang opinion sa suliranin ni Rufo. Bigyan sila ng 2-3 minuto.

Mga gabay na tanong:

a. Ano ang dapat gawin ni Rufo?

b. Dapat ba niyang patawarin ang kanyang kambal?

4. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi sa klase ang kanilang sagot.

5. Itanong sa klase kung sila ang kapatid ni Rufo, ano ang kanilang dapat gawin matapos silang patawarin?

ISAISIP

1. Iugnay ang mga sagot ng mag-aaral sa talakayan tungkolsa suliranin ni Rufo.

Mga gabay na tanong:

a. Ano ang iyong gagawin kung may nakasakit ng iyong damdamin? Bakit?

b. Kung ikaw naman ang nakasakit ng damdamin ng iba, ano naman ang iyong gagawin? Bakit?

c. Ano ang pakiramdam kung ikaw ay tumatanggap ng kapatawaran? Kung ikaw ay nagpapatawad?

d. Bakit mahalaga ang magpatawad?

2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagtalakay ng kahalagahan ng pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa loob ng tahanan.

Gabay na tanong:

a. Ano ang mangyayari kung ang lahat ng mga kasapi ng mag-anak ay nagkakasundo? Isulat sa pisara ang kanilang mga sagot.

Halimbawa:

Magiging masaya ang lahat, maiiwasan ang away.

3. Batay sa kanilang mga sagot, gabayan ang mga mag-aaral upang maibigay nila ang kahulugan ng kaayusan at kapayapaan. Isulat ito sa pisara.

4. Pangkatin ang klase sa ___. Sabihin sa klase na mag-isip ng mga paraan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa loob ng tahanan. Ipasulat ang mga ito sa manila paper. Ipaalala ang mga tuntunin sa pangkatang Gawain. Bigyan sila ng limang minute sa pagtalakay at paghahanda sa kanilang presentasyon. Gabayan sila sa pagsulat ng kanilang mga sagot.

5. Hayaang ibahagi sa klase ng bawat pangkat ang kanilang presentasyon. Iminumungkahi na talakayin agad ang mga sagot ng bawat pangkat bago talakayin ang susunod na pangkat.

6. Pagkatapos makapaglahad lahat ng pangkat, Hikayatin pa ang mga mag-aaral na magbigay ng ibang paraan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. Gabayan ang mga bata sa iba pang halimbawa na makikita sa diyalogo na nasa yunit. Hikayatin silang magpaliwanag.

ISAGAWA

1. Bigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral upang sagutan ang mga Gawain 1, 2, 3, at 4.

2. Talakayin ang sagot ng mga bata.

ISAPUSO

1. Gabayan ang mga mag-aaral na lubos na maunawaan ang nakasulat sa TANDAAN say unit.

2. Bilang karagdagang Gawain, ipaskil ang sagisag ng kapayapaan (kalapati o dove) sa gitna ng pisara. Itanong kung ano ang kanilang ideya sa isinasagisag nito. Kung wala silang ideya, sabihin kung ano ang sinasagisag nito.

3. Pangkatin ang mga bata. Pagkatapos, bigyan ang bawat pangkat ng manila paper at ipasulat ang kanilang maaaring gawin/ginagawa upang makamit at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa loob ng tahanan.

Halimbawa: Isulat/iguhit sa manila paper ang mga ito. Sa paligid ay isusulat naman ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot.

Iiwasan ko ang mainggit sa aking kapatid.

Susundin ko ang mga tuntunin sa bahay.

4. Pagkatapos na makasulat ang mga bata, sabihing ibahagi naman sa ibang pangkat ang kanilang ginawa.

5. Hayaang pagnilayan ng mga bata ang kanilang ginawa. Maaaring ipaskil ang mga ito sa isang sulok ng silid-aralan o itabi upang maignay sa pagtalakay sa pagdiriwang ng United Nations.

ISABUHAY

Ipagawa ang Gawain 1. Ipabahagi sa klase ang kanilang napiling simbolo ng kapayapaan. Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na ipakita kung ano ang napili nilang simbolo at bakit nila pinili ito.

SUBUKIN

1. Pasagutan ang Gawain 1, 2, 3, at 4.

2. Talakayin ang sagot ng mga bata sa ibat-ibang gawain.

I. Layunin

1. Nakikillala ang mga pangungusap na pautos o pakiusap2. Nakapagbibigay ng mga pangungusap ma pautos o pakiusap.

3. Nagagamit ang bantas na tuldok sa pagbuo ng pangungusap.

4. Naisasagawa at nakakasunod sa panutong napakinggan.

II. Paksa

Tema:

1. Pabigkas na Wika

Pag-uusap tungkol sa pamilya, kaibigan, natatanging tao, paaralan, at lugar ayon sa sariling kultura o kalinangan.2. Pagkilala ng Salita:

a. Pagbasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan ng dagdag na dahon ng aklat.

b. Pagbasa ng mga parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may matataas na uri ng salita at mga salitang dapat pag-aralan.

3. Katatasan:

a. Pagbasa nang pabigkas ng tekstong pang-unang baitang sa antas na 60 salita bawat minuto.

b. Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang-unang baitang.

4. Pagbaybay:

a. Pagsulat nang may wastong baybay ng mga salitang natutuhan.

b. Pagsulat nang may wastong baybay ng mga tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay.

5. Pagsulat:

Pagsulat ng payak na parirala, pangungusap, talata at kuwento na sinusunod ang wastong gamit ng bantas, malaking letra, wastong pasok ng unang pangungusap sa talata at may kaayusan.

6. Pagkatha:

Pagsulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa ibat ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling kuwento, at iba pa.

7. Kamalayan sa Gramatika:

Pagkilala ng tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay

8. Talasalitaan:

Pagtalakay ng mga salita sa pamamagitan ng pagbibigay-kahulugan ayon sa karanasan.

9. Pag-unawa sa Binasa:

a. Paghinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa kuwento, pabula at alamat.

b. Pagturo ng tiyak na kaalaman o impormasyon sa teksto upang makita ang wastong sagot sa payak na tanong.

c. Paghinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa isang sitwasyon, sa paaralan, at pamayanan, sa mga usapin, balita sa radyo at balitang lokal.

d. Pagpapahiwatig ng pagkagiliw sa kuwento sa pamamagitan nang pagbabasa-basa (browsing) at paghiling na dalasan ang pagbabasa ng maraming kwento.

B. Sanggunian:

- K to 12 Curriculum

- Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write Their First Language (L1): A Guidebook fot Trainers (Susan and Dennis Malone, 2010)

- Activities for Early Grades of MTB-MLE Program (Susan Malone,2010)

- Language Curriculum Guide by SIL International and SIL Philippines MTB-MLE Consultants

C. Kagamitan:

Larawan, tuntunin sa paaralan, diyaryo

D. Paksa:

Pagiging mabuting mamamayan

(Pagsunod sa mga tuntunin sa trapiko, tuntunin sa tamang paraan ng pagtatapon ng basura, recycling at curfew)

III. Gawain sa Pagkatuto

Ikatlong Araw

Kasanayang Pangwika

1. Pagganyak

Sabihin: Kung ang inyong pangkat ay inatasang maglinis ng ating silid-aralan, paano mo bibigyan ng kanya-kanyang gawain ang inyong mga kasama? Isusulat sa pisara ng lider ng bawat pangkat ang dapat gawin.

Halimbawa:

Walisan nang maayos ang sahig.

Itapon ang mga basurang papel sa tamang basurahan.

Punasan nang maayos ang mga bintana at mesa.

2. Paglalahad/Pagtalakay

Itanong: Kung nais mong utusan ang iyong kasama upang walisan ang paligid ng paaralan, paano mo ito sasabihin?

Nakita mong may papel na nakakalat sa ilalim ng upuan ng iyong kamag-aral, ano ang sasabihin mo?

Inutusan ka ng iyong guro na punasan ang mga bintana, ano kaya sasabihin ng guro?

(Isusulat ng guro ang sagot ng mga bata sa pisara.)

Paano ang tamang pag-uutos? Ano-anong salita ang dapat gamitin kapag nag-uutos?

3. Paglalahat

Itanong: Anong salita ang ginagamit kapag ang pangungusap ay nagsasaad ng pag-uutos o pakikiusap?

Ginagamit ang mga salitang Paki, Maaari po ba? at Puwede po ba? kapag ang pangungusap ay nagsasaad ng pag-uutos o pakikiusap.

I. Objectives

Tell about oneself and what others can do

Recognize, distinguish and supply words that begin with the same sound

Use the pronouns I and you (grammar)

II. Subject Matter and Materials

Subject Matter: Pronouns I and You

Materials: pictures of action words, poster

III. Guided Practice

The teacher will give examples about words with the same beginning sound. Teacher: Think of what you and another person can do. Example: I can sing. You can buy books.

The word sing begins with the sound /s/

Everybody repeat: /s/

Can you think of another word that begins with the same sound to add to your sentence?

I can s ing a s ong.Sing and song both begin with the sound /s/

The word buy begins with the sound /b/

Everybody repeat: /b/

Can you think of another word that begins with the same sound to add to your sentence?

You can b uy b ooks.

Buy and books both begin with the sound /b/

Can you think of your own examples?

IV. Post Assessment

Divide the class into 2 groups. The first group will be divided in pairs. The first group will have a pair work. The students must be able to tell about what one and a partner can do.

Student 1: I can _____. Student 2: You can _____ too.

The second group will be given a worksheet of action words. They will color pictures that show action.

After the first group is done, they will then do the worksheet and the second group will do the pair works.

I. 1. Measure objects using non-standard units of linear measure.

2. Compare among the non-standard units of linear measure in terms of consistency and accuracy.

II. Learning Content

Skill- Measuring objects Using on-standard units of linear measure.

Reference BEC PELC III. B.1

Materials- objects found in the classroom.

III. Learning Experiences

A. Preparatory Activities

1. Mental Computation

How many days are there in 2 weeks?

How many months are there in 2 years?

2. Drill

Tell the number of days.

a. Between Sunday and Wednesday _____

b. From Monday to Friday ____

3. Review

Use your clock to show the time.

a. Irish went to the market at 7:30

b. Roda met her friends at the park at 3:30

c. Mother wakes up at 6:15.

4. Motivation

Let the pupils sing the song.

B. Developmental Activities

1. Presentation

Ask the pupils to show two of their fingers in one hand.

Which is longer?

Which is shorter?

Ask the pupils to stand and have them compare the length of their arms, fingers, legs.

2. Measuring the object using hand spans.

3. Group Activity

Group pupils into 4. Have each group measure the objects found in the classroom.

Group 1- teachers table using hands

Group 2- blackboard using the handspan

Group 3- desk using the hand

Group 4- shelf using the hand span

4. Generalization

What do you use in measuring objects?

C. Fixing Skills

A. Activity MTBI

Direction: Measure the things listed below using

pencils, straws, and sticks.

1. My desk is

2. The teachers table is

____ pencils long.

____ pencils long.

____ sticks long.

____ sticks long.

____ straws long.

____ straws long.

B. Following directions

1. Measure the length of your desk using your handspan. How long is it? ___________

2. Measure the length of your bag using paperclips and pins. How long is it? ____________

3. How long is your pencil case? Measure it using thumbtacks as your unit of measure? _________

D. Application

a. Activity MTBI

Present a story problem.

Lily wants to measure the length of her belt but she cant find any object that she can use to measure so she used paper clips, hair pins and pins.

The belt is ____ paper clips long.

The belt is ____ hairpins long.

The belt is ____ pins long.

b. Write the measurement of the following object.

(see on chart)

IV. Evaluation

How long are these objects?

1.

__ units

2.

_____

units

V. Assignment

How many units long?

___ paperclips long

I. Layunin

1. Natutukoy ang distansiyang katulad ng malapit at malayo.

2. Naituturo ang direksyon tulad ng kanan at kaliwa, likod at harapan, at iba pa.

3. Ntutukoy ang paraan ng pag-uugnayan at pagtutulungan ng pamilya at paaralan para sa kabutihan ng anak/mag-aaral.

4. Napahahalagahan ang ugnayan at pagtutulungan ng pamilya at paaralan.

Aralin 1.3: Ang Aking Nagawang Mapa

Pag-isipan:

Ano ang mapa? Paano ipinakikita ang distansya at lokasyon ng mapa?

Gawain 1

pangkatin ang mga mag-aaral. Buuin ang bawat pangkat ng tig-limang kasapi. Sabihin sa mga mag-aaral:

Habang nakaupo, ilatag ang mga gamit tulad ng isang lapis, isang aklat, isang pangkulay at isang pirasong papel sa mesa o sahig.

Tumayo kayo at pagmasdang mabuti ang mga bagay na inyong inilatag sa mesa osahig. Ano ang inyong nakikita?

Pag-aralan ang kinalalagyan ng bawat bagay. Subukang ilarawan sa isang papel ang inyong napagmasdan at napag-aralang kinalalagyan ng mga bagay habang kayo ay nakatayo. Sa halip na iguhit ang eksakton anyo ng mga bagay, gumamit ng ibat ibang hugis na kakatawan sa mga ito.

Ipasuri sa mga mag-aaral ang halimbawa sa ibaba:

Pagkatapos maiguhit ng bawat grupo ang kanilang mapa, sabihin ang mga sumusunod:

Ang inyong iginuhit ay isang halimbawa ng mapa. Ang mapa ay isang larawang kumakatawan sa kinalalagyan ng mga bagay o lugar. Ipinapakita nito ang anyo ng bagay o lugar kung titingnan ito mula sa itaas.

Itanong sa mga bata:

Sa inyong mapa alin ang mga bagay na magkakalapit? Alin naman ang magkakalayo? Ano ang napapansin ninyo sa itsura ng inyong mapa?

Ipadikit ang kanilang natapos na gawain sa isang bahagi ng inyong silid-aralan.

Gawain 2

Ipasuri muli ang ipinakitang halimbawa ng mapa sa Gawain 1.

Matatandaang ipinakita rito ang ibat ibang bagay tulad ng papel, lapis aklat at pangkulay.

Gamit ang ilustrasyon sa itaas (maari mong gayahin ito sa isang malaking kartolina o manila paper o di kaya ay iguhit sa pisara), ipaliwanag sa mga mag-aaral kung ano ang pananda.

Ang maliit na kahon na nasa kanan ng mapa na naglalaman ng hugis na kumakatawan sa papel, lapis, aklat at pangkulay ay tinatawag na pananda.

Ang pananda ang nagsasabi kung ano ang kinakatawang bagay o lugar ng bawat hugis o kulay na ginamit sa mapa.

Balikan ang nagawang mapa ng mga bata sa gawain 1. Sabihin sa mga bata na subukin nilang gumawa ng pananda sa kanilang mapa.

Gawain 3

Gabayan ang mga mag-aaral na bumuo ng pangkat na may tig-limang kasapi. Ipasiyasat sa kanila ang itsura ang kanilang silid-aralan at magpagawa ng mapa nito. Palagyan din ito ng pananda.

Ipabahagi sa klase ang ginawang mapa ng bawat grupo. Itanong sa mga mag-aaral kung magkakapareho ang mga ginawa nilang mapa. Hikayatin ang mga bata na ipaliwanag ang kanilang mga sagot.

Gawain 4

Ipalarawan sa mga mag-aaral ang kanilang paaralan. Itanong kung anong bahagi ang paborito nila? Ipaguhit ito sa buong papel.

Itanong sa mga bata ang mga sumusunod:

1. Anu-ano ang mga malalapit sa iyong silid-aralan?

2. Anu-ano ang mga malalayo sa iyong silid-aralan?

I. Nasasagot ang mga tanong sa lagumang pagsusulit.

II. Lagumang Pagsusulit

Inihandang Pagsusulit

III. A. 1. Paghahanda

2. Paglalahad

Tingnan ang inihandang pagsusulit

3. Pagsusulit

a. Pagsagot sa mga tanong.

b. Pagsubaybay ng guro

4. Pagpapahalaga

5. Pagwawasto

6. Pagtatala

I. Administering Summative Test

II. Summative Test

Test Paper

Values: Honesty

III. A. 1. Preparation

2. Presentation

3. Test Proper

4. Monitoring

5. Checking

IV. Evaluation

V. Recording of the Test Result.

Edukasyon sa Pagpapakatao February 07, 2013 7:25-7:55 Thursday

Noted:

AURELIA A. AGUILA

Principal II

Mother Tongue February 07, 2013

7:55- 8:45 Thursday

EnglishFebruary 07, 2013

8:45- 9:15 Thursday

Mathematics February 07 2013

9:35- 10:25 Thursday

Araling Panlipunan February 07, 2013

10:25- 11:05 Thursday

Filipino February 07, 2013

1:00- 1:30 Thursday

MAPEH February 07, 2013

1:30- 2:10 Thursday