fil2midterm study guide

21
1 New Era University GABAY SA PAGTUTURO PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK FILIPINO 2A UNANG LINGGO (__________________________) PAKSA: Misyon, Visyon, Mithiin at Layunin ng Pag-aaral Layunin: Magkaroon ng lubos na kaalaman sa misyon, vision, at mga layunin ng paaralan. Makasunod sa mga alituntunin ng paaralan at ukol sa mga tuntunin sa kurso. Pagtalakay sa Paksa 1.Vision: A world-class Institution of learning with a unique Christian of excellence, discipline, and service to humanity. 2.Mission: Provide quality education anchored on Christian values with the prime purpose of bringing honor and glory to God. 3.Goals and Objectives: Impart value-laden education leading to the total development of man. Offer curricula responsive to the needs of the time. Optimize learning through the adaptation and utilization of appropriate instructional methods and resources. Propel Institutional development through the conduct of useful and significant researches. Propel development through the conduct of useful and significant researches. Extend outreach services with promote self-help in the community. Promote access to alternative education delivery methods. Develop servant leaders among staff, faculty members, and administrator. Produce God-fearing, competent and disciplined graduates. 4. Oryentasyon ng ukol sa mga itinakdang tuntunin ng guro sa kurso. EVALWASYON 1. Sumulat ng mga inaasahang ekspresyon mula sa sabjek, guro at mga kaklase.

Upload: lalaine-ramos

Post on 27-Oct-2014

2.075 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: FIL2midterm Study Guide

1

New Era UniversityGABAY SA PAGTUTURO

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIKFILIPINO 2AUNANG LINGGO (__________________________)PAKSA: Misyon, Visyon, Mithiin at Layunin ng Pag-aaralLayunin:

Magkaroon ng lubos na kaalaman sa misyon, vision, at mga layunin ng paaralan. Makasunod sa mga alituntunin ng paaralan at ukol sa mga tuntunin sa kurso.

Pagtalakay sa Paksa1.Vision: A world-class Institution of learning with a unique Christian of excellence, discipline, and service to humanity.

2.Mission: Provide quality education anchored on Christian values with the prime purpose of bringing honor and glory to God.

3.Goals and Objectives: Impart value-laden education leading to the total development of man. Offer curricula responsive to the needs of the time. Optimize learning through the adaptation and utilization of appropriate instructional methods and

resources. Propel Institutional development through the conduct of useful and significant researches. Propel development through the conduct of useful and significant researches. Extend outreach services with promote self-help in the community. Promote access to alternative education delivery methods. Develop servant leaders among staff, faculty members, and administrator. Produce God-fearing, competent and disciplined graduates.

4. Oryentasyon ng ukol sa mga itinakdang tuntunin ng guro sa kurso.

EVALWASYON 1. Sumulat ng mga inaasahang ekspresyon mula sa sabjek, guro at mga kaklase.

Page 2: FIL2midterm Study Guide

2

New Era UniversityGABAY SA PAGTUTURO

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIKFILIPINO 2AIKALAWANG LINGGO (__________________________)PAKSA: PAGBASA SA IBA’T IBANG DISIPLINA

LAYUNIN: Makapagbigay ng sariling kahulugan sa pagbasa. Maipaliwanag ang mga teorya sa pagbasa. Matalakay ang mga proseso ng pagbasa.

PAKSANG TATALAKAYIN1. KAHULUGAN NG PAGBASA

Tumutukoy sa kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensahe ng wikang nakasulat. Pagsunod sa mga letrang nakalimbag sa pamamagitan ng mata na may pang-unawa.

2. MODELO NG PAGBASA MODELONG “BABA-PATAAS”- inilalarawan sa prosesong ito ang sunod-sunod na hakbang mula

sa mga titik, mga salita, at ang kahulugan. Para sa kaliwanagan, ang modelong baba-taas ay:

1. ang mga letra na ginawang representasyon ng mga ponema;2. ang mga ponema bilang makabuluhang tunog na pinagsama-sama para makabuo ng salita;3. ang salita na binibigyan ng kahulugan; 4. mga salita na pinagsama-sama upang makabuo ng makabuluhang pangungusap;5. nabuo ang makabuluhang pagsasama-sama ng mga salita; at6. nakabuo ng impormasyon.

MODELONG “TAAS-PABABA” O PAGSUBOK SA HINUHA- inilalarawan sa prosesong ito na ang daloy ng impormasyon ay nagmumula sa modelong ito sapagkat ang proseso ng pagkilala sa salita ay nakasalalay sa kahulugan nito.

Para sa sa kaliwanagan nito:1. Halimbawa ng nakalimbag na teksto2. Paggawa ng hinuha na pinagbatayan ang salita sa pamamagitan ng dating kaalamn sa paksa at sa

makabuluhang pangungusap3. Pagbasa para mapatunayan ng hinuha4. Pagbuo ng kahulugan 5. Pag-unawa sa bagong kaalaman.

3. TEORYANG ISKEMA- ang kaalaman o pagkatuto di-umano ay nagmumula sa karanasan ng isang tao na natatanim sa kanyang kaisipan. Halos lahat ng mga tao ay may kani-kaniyang paraan ng pagkatuto. Ang tawag sa paraang ito ay SCHEMATA ang paraan ng pag-iimbak o pagsalansan ng impormasyon na nalaman ng isang tao. SCHEMA ay tumutukoy sa malaking organisadong bahagi ng kaalaman o karanasan ng tao, kaanlinsabay dito ang emosyon na kaugnay sa karanasan sa oras ng pag-imbak ng impormasyon.

4. INTERAKTIBONG PAGBASA -ang nilalaman ng babasahin ay may partisipasyon ang mambabasa.5. Pagpapaliwanag ng Interaktibong pagbasa ayon sa mga sumusunod:

Page 3: FIL2midterm Study Guide

3

RUMMELHARTo ang interaktibong pagbasa ay inihambing sa isang computer na binigyang katawagang

“MESSAGE BOARD”.o Tinitingnan bilang padron ng pagbubuo na nananawagan sa aplikasyon o integrasyon ng

lahat ng dating kaalaman. SPIRO

o Pagsusuri ng iba’t ibang antas mula sa letra patungo sa kabuuan ng teksto.o Ang interaksyon ng proseso batay sa teksto at batay sa kaalaman gayundin ang mga antas

sa bawat proseso ay mahalaga.6. METAKOGNITIV NA PAGBASA –paglinang ng kahusayn sa pagbasa at pag-unawa sa binabasa sa

pamamagitan ng paglikha ng mga tanong.7. MGA ISTRATEHIYA NG METAKOGNITIV NA PAGBASA AYON SA MGA SUMUSUNOD:

BAKER AT BROWN- ang metakognitiv na pagbasa tumutukoy sa kaalaman at pagkontrol sa sariling pag-iisip at mga gawain sa pagkatuto.

JACOB AT PARIS-ang metakognitiv na pagbasa ay may sariling pagtataya at sariling pamamahala.

CIARDIELLO- ang metakognitiv na pagbasa ay pinatnubayang pamamaraan ng pagkatuto para maisaloob ang bagong impormasyon at magampanan ang pamamahala sa pinakamataas na antas ng kaisipan.

MORROW- nagmungkahi ng metkognitiv na estratehiya sa paraang pagpapakwento ng kwentong binasa, pagbibigay ng kongklusyon at rebyu ng binasang akda.

MACLELLAH- ang metakognitiv na pagbasa ay mulign pagsasaad ng kwento. BLOOM- ang metakognitiv na pagbasa ay maaring gumawa ng kategoryang pagbuo ng mga

tanong na saklaw sa kognitibong kaalaman. STECH VAUGHN- nagpalimbag ng materyales sa larangan ng edukasyon sa pamamagitan ng

software na nagbibigay ng elemento sa pagbasa.8. MGA ELEMENTO NG METAKOGNITIV NA PAGBASA

A. BOKABULARYO O TALASALITAAN –ang mga salitang nalalaman ng isang tao.B. KAHUSAYAN SA PAGBASA- tumutukoy sa kakayahan ng isang bata sa na magbasa nang mabilis at

wasto sa teksto.C. PAG-UNAWA-tumutukoy sa pag-intindi sa kahulugan ng teksto o sa mga susing salita nito.D. PALABIGKASAN AT PALATUNUGAN- tumutukoy sa pag-aaral kung paano nagiging tunog ang mga

letra.

EVALWASYON

A. Sagutin ang mga sumusunod na pangungusap.1. Paano nakakatulong sa mambabasa ang mga istratehiya sa metakognitiv na pagbasa?2. Bakit mahalaga ang mga element ng metakognitiv na pagbasa?

New Era UniversityGABAY SA PAGTUTURO

Page 4: FIL2midterm Study Guide

4

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIKFILIPINO 2AIKATLONG LINGGO (__________________________)PAKSA: PAGBASA NG TEKSTONG AKADEMIKO AT PROPESYUNAlLayunin:

Matukoy ang mga katangian at rejister ng ilang teksto sa iba’t ibang disiplina. Maipaliwanag ang kahalagahan ng mga katangian at rejister ng mga teksto sa iba’t ibang disiplina.

PAGTALAKAY SA PAKSA:Ginagamit ang rehistro ng pagtukoy sa mga varayti ng wika ayon sa paggamit (Halliday). Varayti itong

kaugnay ng higit na malawak na panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Maaring gumamit ng iba’t ibang linggwistik aytem ang isang tao sa pagpapahayag ng humigit kumulang na parehong kahulugan sa iba;t ibang okasyon. Bawat pagsasalita o pagsulat ng isaang tao ay isang pag-uugnay ng kaniyang sarili sa ibang tao sa lipunang kaniyang kinasasangkutan. Samakatwid ang dayalekto ng isang tao ay nagpapakilala kung sino siya samantalang ang rehistro ay nagpapakita kung ano ang kaniyang ginagawa.(Magracia)

A. TATLONG DIMENSYON ANG PAGKAKAIBA NG MGA REHISTRO1. FIELD-nauukol ito sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng komunikasyon. 2. MODE-tungkol ito sa paraan kung papaano isinasagawa ang komunikasyon, pasalita o pasulat.3. TENOR- ayon ito sa relasyon ng mga kalahok. Nangangahulugang para kanino ito. Minsan sa halip

na tawaging tenor, ginagamit ang style, pero iniiwasan ang pagtawag nang ganito dahil sa pangkalahatan, ginagamit ang style sa pagtukoy sa rehistro.

B. MGA REHISTRO NG WIKA SA IBA’T IBANG LARANGANAng isang salita ay maaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan batay sa iba’t ibang field o larangan.

SALITA LARANGAN KAHULUGANKOMPOSISYON MUSIKA PIYESA O AWIT

LENGGWAHE SULATINAGHAM PINAGSAMA-SAMANG ELEMENTO

C. PAGBASA NG MGA TEKSTONG AKADEMIKO AT PROPESYUNAL1. TEKSTONG AKADEMIKO- ang tawag sa mga babasahing ginagamit sa pag-aaral ng iba’t ibang

disiplina.KATANGIAN NG TEKSTO AT REJISTER NG ILANG DISIPLINA

a. AGHAM PANLIPUNAN- pag-aaral ng tao at pag-uugnay ng tao saiba’t ibang pangkat na may ibang kultura.1. Sosyal ng Oryentasyon

Sosyolohiya Paglilingkod panlipunan Sikolohiya

2. Bisnes/ Pangangalakal Ekonomiks Akawnting Administrasyong pangangalakal

3. Pag-aaral sa mga sinaunang tao Antropolohiya Arkeolohiya

4. Oryentasyong Pulitikal Abogasya Kasaysayan Agham pulitika

Page 5: FIL2midterm Study Guide

5

b. Agham Pisikal Matematika Pisika Kemistri Biyolohiya Botanikal Pagsasaka Sikolohiya Astronomiya Heolopiya

c. Agham- isang disiplina na nangangailangan ng omprehensibong kinalabasan ngisang bagay na sinubok mula sa pagmamasid, pangangalap ng mga datos, pagkaklasipika sa mga datos na nakuha tungo sa pagbuo ng hipotisis at kongklusyon.

d. Teknolohiya- Nagbubunsod na maging modern ang mga bagay na makakatulong upang maging magaan ang pag-aaral, pakikipagtransakyun, pakikipagkomunikasyon, paglilibang at iba pa.

e. Matematika- isang disiplina na tumutukoy sa paraan ng pagkukwenta.f. Humanidades-tumutukoy sa mga sulatin na may sining na biswal, katulad ng musika, sayaw,

arkitektura, pintura, eskultura, teatro, dula, at panitikan.g. Literatura- tumutukoy sa mga sulating panliteratura,

Uri ng Literatura1. Maikling kwento2. Nobela3. Sanaysay4. Dula5. Pabula6. Parabula7. Tula

2.TEKSTONG PROPESYUNAL-ang mga isinulat ng mga taong propesyunal na mahusay sa kani-kanilang larangan. Isinulat upang mabasa at mapag-aralan ang mga impormasyong nakalahad dito. Layunin ng tekstong profesyunal na naglahad ng mga karagdagang impormasyon, mga makabagong

impormasyon bunga ng mga napapanahong pag-aaral batay sa pananaliksik na usinasagawa upang makatuklas ng mga kaalamang magiging kapaki-pakinabang sa mga mambabasa.

KARANIWANG TINATAGLAY NG TEKSTONG PROPESYUNAL1. Hindi maligoy ang paksa.2. Komprehensibo ang pagkakalahad.3. Maayos at organisado ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya.4. Mayaman sa mga impormasyon.5. Bunga ng masusing pananaliksik6. Iniuugnay sa mga nagging karanasan ng isang tao o bumabasa o kaya naman ay sa isang tiyak na

sitwasyon.

TAKDANG GAWAIN:

1. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na maga salita at ipaliwanag ang rehistro sa iba’t ibang larangan.a. Awtoritib. Tsanelc. Orderd. Isyu

Page 6: FIL2midterm Study Guide

6

2. Magtala ng iba pang salita na may iba’t ibang rehistro sa iba’t ibang larangan. 3. Bumasa ng isang halimbawa ng akdang humanidades at ibigay ang buod ng mga akdang binasa.

Page 7: FIL2midterm Study Guide

7

New Era UniversityGABAY SA PAGTUTURO

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIKFILIPINO 2AIKAAPAT NA LINGGO (__________________________)PAKSA: TEKSTONG PANG-EKSPOSITORILayunin:

Maipaliwanag ang kahalagahan ng tekstong ekspositori Makilala ang mga uri, katangian at anyo ng tekstong ekspositori. Maisagawa ang mga proseso sa pagbasang ekspositori.

PAGTALAKAY SA PAKSAAng tekstong ekspositori ay mayroong iba’t ibang hulwaran ng organisasyon ng teksto, ngunit ano ba

ang Tekstong Ekspositori?

A. KAHULUGAN NG TEKSTONG EKSPOSITORI Nagbibigay ng impormasyon at hinihikayat ang mga mambabasa na basahin ang teksto sa

pamamagitan ng pagpapaliwanag ng paksa.B. HULWARAN AT ORGANISASYON NG TEKSTONG EKSPOSITORI

1. DEPINISYON-ang pagsulat ng teksto ay kinapapalooban ng manunulat kung anong nais bigyan ng pagpapakahulugan ang isang paksa.

2. ENUMERASYON- ang nilalaman ng akda ay paglilista o tumutukoy sa talaan o listahan ng mga ideya.

3. PAGSUNOD-SUNOD:a. SEKWENSYAL- ang pagsusunod-sunod ay kinapapalooban ng mga serye ng mga pangyayari na

patungo sa kongklusyon o ang isang sekwens ng mga pangyayari na may kaugnayan sa partikular na kaganapan.

b. KRONOLOHIKAL-ang kaayusan ng karaniwang ginagamit sa pagkukwento at sa mga tekstong pangkasaysayan. Inililista ang mga hakbang o pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod ng kasaysayan.

c. PROSEJURAL-ang paglilista ay ayon sa pagkakasunod-sunod o hakbang ng isang bagay na gagawin o susundin.

4. PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST-ipinaliliwanag ang pagkakatulad sa pagitan ng dalawa o higit pang bagay o ideya at sa pagkokontras naman ang kaibahan ng dalawang bagay na pinaghambing.

5. PROBLEMA AT SOLUSYON- nagpapahayag ng isang problema at nagtatala ng is o mahigit pang sanhi o epekto ng mga naganap na pangyayari at kasunod nito ay ang bunga o resulta ng pangyayari.

6. SANHI AT BUNGA-kinapapalooban ang sulatin ng pagtatala ng isa o mahigit pang snhi o epekto ng mga naganap na pangyayari at kasunod nito ay ang bunga o resulta ng pangyayari.

MGA GAWAIN:1. Basahin ang tekstong nasa ibaba at sagutin ang mga sumusunod:

a. Anong organisasyon teksto ang ginamit ng may-akda?b. Gumawa ng prosejural na akda ayon sa kaisipang isinasaad sa talatang binasa.

2. Sumulat ng isang tekstong ekspositori na sariling katha na huwaran at organisasyo ng teksto ay sekwensyal.

Page 8: FIL2midterm Study Guide

8

Masdan Mo Ang Kapaligiran(ASIN)

IWala ka bang napapansin sa iyong kapaligiran

Kay dumi ng hangin, pati na ang mga ilog natin,Hindi nga masama ang pag-unlad

At malayu-layo na rin an gating narratingNgunit masdan mo ang tubig sa dagatDati’y kulay asul, ngayo’y naging itim.

IIAng mga duming ating ikinalat sa hangin

Sa langit ‘wag na nating paabutinUpang kung tayo’y pumanaw man

Sariwang hangin sa langit natin matiitkman.III

Mayronlang akong hinihilingSa aking pagpanaw sana ay tag-ulan

Gitara ko ay aking dadalhinUpang sa ulap na lang tayo magkantahan.

IVAng mga batang nagyon lang isinilangMay hangin pa kayang matitikman?

May mga puno pa kaya silang aakyatin?May mga iolg pa kayang lalanguyan?

VLahat ng bagay na narito sa lupa

Biyayang galing sa Diyos kahit nang ika’y wala pa:Ingatan at ’wag nang sirain pa

Pagkat pag kanyang binawi, tayoy mawawana.

New Era University

Page 9: FIL2midterm Study Guide

9

GABAY SA PAGTUTURO

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIKFILIPINO 2AIKALIMANG LINGGO (__________________________)PAKSA: KASANAYANG SA AKADEMIKONG PAGBASALayunin:

Maiisa-isa ang mga kasanayang makakatulong sa pag-unawa sa teksto. Malapatan ng angkop na kasanayan ang mga tekstong pang-akademiko.

PAGTALAKAY NG PAKSA:Pinakamahalagang bagay sa isang tao ang magkaroon ng katalinuhan sa pakikipagsapalaran sa buhay.

Samakatwid mahalaga mahasa ang sarili sa mga bagay na dapat matutunan. Sa bahaging ito may malaking bahaging gagampana ang pagbasa, dahil ito ang susi ng isang tao sa pag-angkin ng katalinuhan. Kaalinsabay nito dapat malaman na ang makrong kasanayang pagbasa ay kailangang malinang ng isang tao upang siya magkaroon ng ganap na katalinuhan. Ang iba pang mga kasanayang mahalaga sa akademikong pagbasa ay pag-aaralan sa araling ito.

A. MGA KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGBASA1. PAGKUHA NG PANGUNAHING IDEYA-tumutukoy sa pagkilala kung ano ang mahalaga isinasaad sa

teksto. Isinasaad din dito kung ano ang tema at aral na makukuha sa kwento at aling bahagi ng teksto ang binibigyan ng diin ng manunulat.

2. PAGKILALA SA PAKSA-tumutukoy sa pangkalahatang tema o mensahe. Tinatawag din itong iba na sabjek. Ang istratehiya sa pagkuha ng paksa sa pamamagitan ng isang simpleng tanong na “Tungkol saan ang paksa?”

3. PAGTUKOY SA LAYUNIN NG TEKSTO-makikita kung ano ang layunin ng may akda sa pagsulat ng teksto.

4. PAGTIYAK SA DAMDAMIN NG TONO NG TEKSTO- ito ay tumutukoy sa saloobon ng manunulat sa paksa ng teksto.

5. PAGHINUHA O PAGHULA SA KALALABASAN NG PANGYAYARI- pagbibigay ng hipotesis tungkol sa kung ano ang mangyayari.

6. PAGBUO NG LAGOM AT KONGKLUSYONa. BUOD- tumutukoy sa ganap na pag-uuluit ng ideya . Binabago lamang ng kaunt ang

pagpapahayag sa bagong pananaw sa pangunahingideya subalit pinanatili pa rin ang mahalagang punto at mga konspto sa binasang teksto.

b. KONGKLUSYON- ito ay maikli at matatagpuan din dito ang impormasyong nakapaloob sa artikulo. Tumutukoy din ito sa mga implikasyong mahahango sa binasang teksto.

7. PAGBIBIGAY NG INTERPRETASYON SA GRAP , MAPA AT TALAHANAYAN-tumutukoy sa nga presentasyong biswal na kadaalasang ginagamit bilang pantulong sa iang teksto. Sa tulong gn mga ito nagagawang payak at medaling unawain ang mga datos na inilalahad ng teksto

EVALWASYON;

A. Basahin ang teksto at ibigay ang mga kasagutang hinihingi ng mga sumusunod1. Paksa2. Pangunahing ideya3. Layunin4. Buod

Page 10: FIL2midterm Study Guide

10

kamatayan

SA AKING PAGTANDASa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan, Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo sana akong sabihan ng “binge” pakiulit na lang ang sasabihin mo o pakisulat na lang. Pasensya ka na anak. Matanda na ako.

Kapag mahina ng tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-alalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo ba anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo iyong sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggat hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyhan mo rin sana ang aking amo’y. Amo’y matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan. Huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo ba noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin sa ilalaim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas ako’y masungit, dala na marahil ng katandaan . Pagtanda mo, maiintindihan mo rin .

Kapag may kaunti kang panahon, magkwentuhan naman tayo , kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay. Magahapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka , kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak , noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa isang teddy bear.

At kapag dumating ang sandal na ako’y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o amadumi sa higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huliung sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandal ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana…. Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina….

Page 11: FIL2midterm Study Guide

11

B.

1. Paksa2. Kongklusyon

New Era UniversityGABAY SA PAGTUTURO

MALAKI

Isang Umaga sa pag-uusap ng mag-ina:

ANAK: Nay hihingi sana ako ng Php 500.

NANAY: Ano Php 400? Ang laki naman ng 300 na hinihingi mo, anong gagawin mo sa 200? Akala mo ba madali lang makahanap ng 100. 50 nga lang hirap ko na kitain, 20 pa kaya? Sige swerte mo may 10 pa ako , O eto ang 5 kunin mo na.

Page 12: FIL2midterm Study Guide

12

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIKFILIPINO 2AIKAANIM NA LINGGO (__________________________)PAKSA: PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINALayunin:

Makapagbigay ng sariling depinisyon ng pagsulat. Mailahad ang mga elemento ng pagsulat. Maipaliwanag ang mga elemento ng pagsulat.

PAGTALAKAY SA PAKSA:

A. KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PAGSULATAng PAGSULAT ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbulo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao s layuning mapahayag ang kanilang kaisipan. (Bernales, et, al)

B. Ayon kina Zing at JIN(1989) , ang PAGSULAT ay isang komprhensib na kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento.

C. Ayon kay Badayos(2000) ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wikam man. Ang pagsulat ay isang kasanayang pangwika na mahirap matamo, subalit mayroon magagawa na pag-aralan ang wasto at pektib na pagsulat.

D. Ayon kay Keller ang pagsulat ay iang biyaya, isang pangangailangan at iang kaligayahan ng nagsasagawa nito. Isang biyaya ito sapagkat ito’y isang kasanayang kaloob ng maykapal at at eksklusibo lamang ito sa tao.

E. Ayon kina PECK AT BUCKINGHAM(Radillo 1998) ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamong iang tao mula sa kaniyang pakikinig, pagsasalita at pagbasa.

F. SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA PAGSULAT SOSYO-KOGNITIB, ito ay hango sa salitang SOSYO na tumutukoy sa lipunan ng mga tao at

KOGNITIB naman ay anumang tumutukoy sa pag-iisip. Ang sosyo-kognitib na pananaw sa pagsulat ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng

pagsulat na ayon sa pananaw na ito ang pagsulat ay kapwa isang mental at sosyal na aktiviti. Nakapaloob sa mental na aktiviti ang pag-iisip at pagsasaayo sng isang tekstong pasulat, samantala nakpaloob naman sa sosyal na aktiviti ang pagsasaalang-alang sa mga mambabasa at sa kanilang magiging reaksyon o tugon sa teksto.

G. PAGSULAT BILANG MULTI-DIMENSYONAL NA PROSESO1. Oral Dimensyon

Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong iyong isinulat, sinasabing nakikinig na siya sa iyo, hindi ka man niya personal na kilala at nagkakaroon na siya ng ideya kung sino at ano ka?Kung ano ang iyong kaalaman at kasanayan at kung paano ka magsalita.

2. Biswal na Dimensyon Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita ng isang awtor sa kaniyang

teksto na inilalantad ng mga nakalimbag sa simbulo. Sa dimensyong ito, kailangang maisaalang-alang kung gayon ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat, upang ang mga simbulong nakalimbag na siyang pinakamidyum ng pagsulat at maging epektib at makamit ang layunin ng manunulat.

H. MGA LAYUNIN SA PAGSULAT1. EKSPRESIV-impormal na paraan ng pagsulat , gumagamit ng unang panauhan na ako, ko, akin at iba

pa sa pagsasalaysay. Sarili ng manunulat ang target nitong mambabasa. Naglalarawan ng personal na damdamin, saloobin at paniniwala at kinapapalooban ng sariling karanasan ng manunulat at pala-palagay.

Page 13: FIL2midterm Study Guide

13

Malaya ang paraan ng pagsulat ditto at walang sensura dahil hindi masyadong mahalaga rito ang gramatika.

2. TRANSAKSYUNAL- ito ay isang pormal na paraan ng pagsulat na may titak na target na mambabasa. Karaniwang ginagamit ditto ang ikatlong panauhan na siya, sila, niya, nila at iba pa sa paglalahad ng teksto. Ibang tao ang target na mambabasa, hindi ito masining o malikhaing pagsulat bagkus ito’y naglalahad ng katotohanan na sumusuporta sa pangunahing ideya. Kontrolado ang paraan ng pagsulat dahil may pormal o istilo ng pagsulat na kailangang sundin.

I. LAYUNIN NG PAGSULAT AYON KAY BERNALES1. IMPORMATIB NA PAGSULAT-naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag ang

nilalaman ng teksto.2. MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT-naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa iang

katwiran, opinion o paniniwala.3. MALIKHAIANG PAGSULAT- ito ay karaniwang sinusulat ng mga manunulat sa mga akdang

pampanitikan.J. MGA HAKBANG SA PAGSULAT

1. PRE-WRITING- sa hakbang na ito nagaganap ang paghahansda sa pagsulat . Ginagawa rito ang pagpili ng paksang isusulat at ang pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat. Ang pagpili ng tono at perspektib na gagamitin din sa haknang na ito.

2. ACTUAL WRITING-ito ang ikalawang hakbang sa pagsulat. Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat . 3. REWRITING-ito ang katlong hakbang sa pagsulat. Dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng

draft batay sa wastong grammar, bokabulari at pagkakasunod-sunod ng mga ideya o lohika.EVALWASYON:

A. Isulat ang sariling pagkaunawa batay sa nabasa ukol sa proseso ng pagsulat bilang multi-dimensyunal. B. Sumulat ng sariling talatang may layuning ekspresiv at impormatibo.

New Era UniversityGABAY SA PAGTUTURO

Page 14: FIL2midterm Study Guide

14

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIKFILIPINO 2AIKAPITONG LINGGO (__________________________)PAKSA: MGA URI NG PAGSULAT/ BAHAGI NG TEKSTO AT MGA AKADEMIKONG KASANAYAN SA

PAGSULATLayunin:

Matukoy ang mga kahulugan ng mga salita at pangungusap batay sa konteksto nito. Mailahad ang mga uri ng pagsulat. Maipaliwanag ang mga bahagi ng teksto at ang mga iba’t ibang kasanayan sa akademikong

pagsulat.

PAKSANG TATALAKAYIN:

A. MGA URI NG PAGSULAT1. AKADEMIK- isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng

kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.2. TEKNIKAL- nagsasaad ng mga impormasyong maaring makatulong sa pagbibigay solusyon sa isang

komplikadong suliranin.3. JORNALISTIK- pampamamahayag ang uringito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga

mamamahayag.4. REFERENSYAL- uri ng pagsulat upang gamiting referensya.5. PROPESYUNAL- ang pagsulat ay nakatuon lamang sa isang tiyak na propesyon.6. MALIKHAIN-ito ay masining na pagsulat, ang pokus ditto ay ang imahinasyon ng manunulat,

bagama’t maaaring fiksyonal o di-fiksyonal.B. MGA BAHAGI NG TEKSTO

1. PANIMULA-mahalagang bahagi ng teksto sapagkat nagsisilbing itong pang-akit sa mga mambabasa upang basahin ang teksto.

2. KATAWAN- ito ay ang pinaka istruktura at nilalaman ng teksto. Ito rin ang pinakamahabang bahagi ng isang sulatin.

3. WAKAS-panghuling bahagi ng teksto na nagsisilbing huling impresyon na mananatili sa isipin ng mga mambabasa.

C. MGA KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT1. PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL

KONSEPTONG PAPEL-tinatawag na prospektus , panimulang pag-aaral o panukalang pananaliksik. Ito ay mas maikli kaysa sa porlmal na panukalang papel.

2. PAGGAWA NG BALANGKAS BALANGKAS-pagbibigay direksyon sa manunulat kung paano tatalakayin ang paksang

napili. -paghahati-hati ng kaisipan tungkol sa paksang susulatin mula

pinakapangunahin hanggang sa pinakahuling bahagi ng kaisipan na nais sulatin.

3. URI NG BALANGKASA. PAMAKSANG BALANGKAS- sa uring ito ang pang-ulong pamagat ay mga pangngalan o mga

salitang ginagamit sa pangngalan.B. PANGUNGUSAP NA BALANGKAS-ang pang-ulong pamagat ay buong pangungusap.C. PATALATANG BALANGKAS- sa uring ito ay may pinakabuod na pangungusap na nagsasaad ng

diwa ng sinusulat. Walang paghahati-hati sa uring ito.4. PORMAT NG BALANGKAS

A. PORMAT NA DESIMALB. PORMAT NA MAY MAGKAHALONG BILANG AT LETRA

EVALWASYON

Page 15: FIL2midterm Study Guide

15

1. Sumulat ng isang akda na nasa uri ng jornalistiko at sundin ang tekstong dapat ilagay sa bawat bahagi ng teksto.

Page 16: FIL2midterm Study Guide

16

New Era UniversityGABAY SA PAGTUTURO

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIKFILIPINO 2AIKAWALONG LINGGO (__________________________)PAKSA: BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK

LAYUNIN: Natutukoy at naipaghahambing ang iba’t ibang kahulugan ng pananaliksik. Natutukoy at nabibigyang halimbawa ang mga layunin ng pananaliksik. Natutukoy at naipapaliwanag ang mga katangian ng pananaliksik. Natutukoy at nailalarawan ang iba’t ibang uri ng pananaliksik.

PAKSANG TATALAKAYIN:A. KAHULUGAN NG PANANALIKSIK AYON SA MGA DALUBHASA

1. GOOD(1963)- isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng ibat’ ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon.

2. AQUINO(1974)-isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang imppormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.

3. MANUEL AT MEDEL- isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partiukular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan.

4. PAREL(1966) –isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.

5. J.TRECE AT J.W. TRECE(1973)-isang pagtatangka upang makakuha ng mga solousyon sa mga suliranin. Issng pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin at prediksyon at eksplanasyon.

B. LAYUNIN NG PANANALIKSIK1. Makatuklas ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang phenomena.2. Makakita ng mga sagot sa mga su;liraninng hindi paa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo

at impormasyon.3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadevelop ng mga bagong instrument o produkto.4. Makatuklas ng mga hindi pa nakikilalang substances o elements.5. Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements.6. Makalikha ng mga batayan sa pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba

pang larangan.7. Ma-satisfy ang kuryosudad ng mananaliksik.8. Mapalawak ang mga umiiral na kaalaman.

C. KATANGIAN NG MABUTING PANANALIKSIK1. Ang pananaliksik ay sistematik.2. Ang pananaliksik ay kontrolado.3. Ang pananaliksik ay empirikal.4. Ang pananaliksik ay mapanuri.5. Ang pananaliksik ay obhetibo, lohikal at walang pagkiling.6. Ang pananaliksik ay gumagamit ng kwantiteytib o istatistikal.7. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda.8. Ang pananaliksik ay akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon.9. Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali.10. Ang pananaliksik ay pinagsiskapan11. Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang.12. Ang pananaliksik ay maingat sa pagtatala at pag-uulat.

D. KATANGIAN NG MANANALIKSIK1. Masipag

Page 17: FIL2midterm Study Guide

17

2. Matiyaga3. Maingat4. Sistematiko5. Kritikal o mapanuri

E. PANANAGUTAN NG ISANG MANANALIKSIK1. Kinikilala ng mananaliksik ang lahat ng pinaghanguan niya ng mga datos.2. Bawat termino at ideya ay kaniyang ginagawan ng karampatang tala.3. Hindi nagkukubli ng datos para lamang palakasin o pagtibayin ang kaniyang argument o para ikiling

ang kaniyang pag-aaral sa iang particular na pananaw.4. Hindi siya nagnanakaw ng mga salaita ng iba kundi sinisipi ito at binibigyan ng pagkilala.

F. ANG ISYU NG PLAGYARISMO1. PLAGYARISMO-pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang

akda, programa at iba pa.- Isang uri ng pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin mo ang hindi iyo.

2. MGA ISYU NG PLAGYARISMOa. Kung ginamit ang orihinal na termino o mga salita, hindi ipinaloob sa panipi o hindi itinala ang

pinaghanguan.b. Kung hiniram ang mga ideya o mga pangungusap mula sa iba’t ibang akda at pinagsama-sama

ang mga ito ngunit hindi kinilala ang pinagkunan.c. Kung hiniram ang mga ideya o pangungusap at binago ang pagpapahayag, ngunit hindi kinilala

ang pinagmulan.d. Kung isinalin ang mga pahayag o mga termino at dahil nasa ibang wika na ay inangkin at hindi

itinala sa salin ang mga ito.e. Kung ninakaw ang isang bahagi ng disenyo, binalangkas, himig at hindi kinilala ang pinagkunan

ng inspirasyon.f. Kung ginamit ngisang mananaliksik ang mga datos na pinaghirapan ng iba at pinalabas niyang

siya ang nagkalap ng mga datos na ito.3. PARUSANG MAARING IPATAW SA ISANG PLAGYARISTA

a. Pnakamagaang na parusa sa mga estudyante na mabigyan ng lagpak na marka para sa kurso.b. Kung napatunayang matindi ang pagnanakaw na ginawa maaaring patalsikin ang estudyante sa

unibersidad. c. Kahit nakagradweyt na ang estudyante at ilang taon na ang nakalipas , ngunit natuklasan na

ang kaniyang pananaliksk ay kinopya, maaaring siyang tanggalan ng digri.d. Maari ringihabla ang sinumang nangongopya batay sa Intelletual Property Rights Law at

maaaring sentesnsyahan ng multa o pagkabilanggo.

G. MGA URI NG PANANALIKSIK1. ANALISIS-sa pananalisik na ito kinakalap ang iba’t ibang uri ng datos at pinag-aaralan upang

hanapan ng patern na maaring magsilbing gabay sa mga sinusunod pang hakbangin.2. ARAL KASO O CASE STUDY-inoobserbahan ditto ang mga gawi o pagkilos ng isang sabjek sa isang

sitwasyon o kaligiran. Sinisiyasat din ang mga sanhi nito maging ang maaaring maging tugon o reaksyon s panibagong kaligiran.

3. KOMPARISON- dalawa o higit pang umiiral na sitwasyon o sabjek ang pinag-aaralan ditto upang tukuyin ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba.

4. KORELASYON-PREDIKSYON- sinusuri rito ang mg aistatistikal na datos upang maipakita ang pagkakaugnay ng mga ito sa isa’t isa upang mahulaan ang kalalabasan ng mga varyabol sa katulad, kahawig o maging sa ibang sitwasyon.

5. EVALWASYON-inaalam sa panaanaliskik na ito kung nasunod nang wasto ang mga itinalagang pamamaraan kaugnay ng pagsasagawa o pamamahala ng isang bagay na sinusuri kung nakamit ba ang mga inaasahang bunga.

6. DISENYO-DEMONSTRASYON- ang pananaliksik na ito ay isinasagawa sa mg tuklas ng nakaraang pananaliksik upang subukin ang validity at relayabiliti ng mga iyon.

Page 18: FIL2midterm Study Guide

18

7. SARVEY-KWESTYUNEYR- sa pamamagitan ng isang talatanungan, inaalam at iniinterpret saa pananaliksik na ito ang mga gawi , pananaw, kilos, paniniwala o preferensya ng iba’t ibang pangkat hinggil s aisang usapin o paksa.

8. ISTATUS- masusing sinusuri ang isang piniling sampol upang matukoy ang kaniyang mg natatanging katangian at kakayahan.

9. KONSTRUKSYON NG TEORYA- ang pananaliksik na ito ay isang pagtatangkang makahanap o makabuo ng mga prinsipyong magpapaliwanag sapagkabuo, pagkilos o ang pangkalahatangn kalikasan ng mga bagay- bagay.

10. TREND-ANALISIS- hinuhulaan ditto ang mga maaaring kahinatnan ng mga bagay-bagay o pangyayari batay sa mga mapapansing trend o mga pagbabagong naganap sa mga sitwasyong sangkot sa pag-aaral.

EVALWASYONMGA TAKDANG GAWAIN:

1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pananaliksik sa akademya.2. Sa iyong sariling pananaw. Ibigay ang konsepto ng plagyarismo.3. Magbigay ng 3 mga katangian at pananagutan ng isang mananaliksik at ipaliwanag ang bawat isa.