filipino 4

30
FILIPINO IV Date: ______________ I. LAYUNIN: 1.Natatalakay ang bahagi ng pananalitang pang-uri. 2.Nagagamit ang mga pang-uri sa paglalarawan ng tao,bagay,pook, at pangyayari. 3.Napahahalagahan ang pakikinig ng mataman sa nagsasalita. II. PAKSANG ARALIN: Paggamit ng mga Pang-uri sa Paglalarawan ng Tao,Bagay,Pook at Pangyayari Sanggunian: PELC 4, 4.1 pah.19 Hiyas sa Wika 4 pah.104- 109 Kagamitan: projector,larawan III. PAMAMARAAN: A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral 2. Pagganyak Ipalarawan sa mga mag-aaral ang kanilang paaralan. B.Panlinang na Gawain 1.Paglalahad Ilahad ang inihandang presentation ukol sa aralin gamit ang projector. 2.Pagtalakay Pang-uri- ay mga salitang naglalarawan ng tao,bagay,pook at pangyayari.Maaari ring ilarawan ng pang-uri ang damdamin. 3.Paglalahat Gabayan ang klase sa pagbuo ng paglalahat. Itanong: Ano ang pang-uri? Ano ang katangian ng pang-uri? Tandaan : Ang pang-uri ay salitang naglalarawan o nagsasabi ng katangian ng isang pangngalan o panghalip. 4.Paglalapat Panuto: Bilugan ang pang-uri sa pangungusap at isulat sa patlang kung ang inilalarawan at tao,bagay,pangyayari,at pook.Sanayang aklat Filipino sa Bagong Henerasyon 4 pah.4 Mga Pagsasanay A. __________1.kaakit-akit ang kutis ni Thelma. __________2.Ang aking alagang aso ay matalino. IV. PAGTATAYA:

Upload: anton-naing

Post on 20-Nov-2015

282 views

Category:

Documents


72 download

DESCRIPTION

Filipino 4

TRANSCRIPT

FILIPINO 3

FILIPINO IVDate: ______________I. LAYUNIN:

1.Natatalakay ang bahagi ng pananalitang pang-uri.

2.Nagagamit ang mga pang-uri sa paglalarawan ng tao,bagay,pook, at pangyayari.

3.Napahahalagahan ang pakikinig ng mataman sa nagsasalita.II.PAKSANG ARALIN:

Paggamit ng mga Pang-uri sa Paglalarawan ng Tao,Bagay,Pook at Pangyayari

Sanggunian: PELC 4, 4.1 pah.19 Hiyas sa Wika 4 pah.104-109

Kagamitan: projector,larawan III.PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral

2.Pagganyak

Ipalarawan sa mga mag-aaral ang kanilang paaralan.

B.Panlinang na Gawain

1.Paglalahad

Ilahad ang inihandang presentation ukol sa aralin gamit ang projector.

2.Pagtalakay

Pang-uri- ay mga salitang naglalarawan ng tao,bagay,pook at pangyayari.Maaari ring ilarawan ng pang-uri ang damdamin.

3.Paglalahat

Gabayan ang klase sa pagbuo ng paglalahat. Itanong: Ano ang pang-uri? Ano ang katangian ng pang-uri?Tandaan :

Ang pang-uri ay salitang naglalarawan o nagsasabi ng katangian ng isang pangngalan o panghalip.

4.PaglalapatPanuto: Bilugan ang pang-uri sa pangungusap at isulat sa patlang kung ang inilalarawan at tao,bagay,pangyayari,at pook.Sanayang aklat Filipino sa Bagong Henerasyon 4 pah.4 Mga Pagsasanay A.

__________1.kaakit-akit ang kutis ni Thelma.

__________2.Ang aking alagang aso ay matalino.IV.PAGTATAYA:Panuto: Punan ang patlang ng panaguring kasalungat ng mga salitang may salungguhit. 1.Tahimik sa nayon ng San Isidro. ______ naman sa Sta. Eleman.

2.Ayaw ko ng damit na masikip. Ang ibig ko ay ______.

3.Mahaba ang talumpati niyang binigkas ______ ang isinagot ni G. Morales.

4.Napakakapal ng aklat na dala-dala ni Chito subalit ______ ang kanyang kuwaderno.

5.Maasim ang mangga kung hindi ______V.TAKDANG-ARALIN:

Gumawa ng talata na gumagamit ng pang-uri sa paksang Ang Aming Paaralan.FILIPINO IV

Date: ______________

I. LAYUNIN:1.Natatalakay ang kaantasan ng pang-uri.2.Natutukoy ang kaantasan ng pang-uri.

3.Naipagmamalaki ang magadang katangian ng Pilipino.II.PAKSANG ARALIN:

Antas ng Pang-uriSanggunian: BEC-PELC BLg 4.4.1 pah.22,Hiyas sa Wika 4 ph.119-120,Banghay-aralin Filipino sa Bagong Henerasyon 4 pah.58-59,

Kagamitan: projector ,Sanayang aklat

III.PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral 2.Pagganyak

Magpakita ng larawan.Ilarawan ang bawat isa at paghambingin paghambingin.

B. Panimulang Gawain

1.Paglalahad

Ilahad ang inihandang presentation ukol sa aralin gamit ang projector

Pagbasa ng isang talatang naglalarawan na nakalahad sa projector.

Si Mang Ramon ay aktibo sa mga gawaing pambaranggay sa sa kanilang pook.Hindi

siya tumanggap o naghihintay ng bayad sa kanyang paglilingkod o pagtulong.

Lahat ng kanyang mga anak ay tapos na sa kanilang piniling propesyon at may mga

hanapbuhay na rin.

Si Mang Ramon ay tumanggap ng maraming karangalan at medalya dahil sa kanyang

pagiging mabuting ama ng tahanan at higit sa lahat ay ang pagiging mabuting ama sa

kanilang barangay.

2.Pagtatalakay

1. Ano-ano ang mga ginamit na salita sa paglalarawan?Sa paghahambing?

2.Ano ang inilarawan ng mga pang-uring ginamit?

3.Ilan ang kaantasang ginamit sa talata?

4.Paano ipinakita ng kaantasan ng pang-uri?

3.Paglinang na kasanayan

Bilugan ang mga pang-uri at isulat kung anong kaantasan ito.

________1.Si Gng. Santos ay mabait na ina.

________2.Magsinghaba ng buhok sina Nora at Alma.________3.Si Yuri ang pinakamalusog sa kanilang lahat.

________4.Mas mabait si ate kaysa kay kuya.

________5.Matiyaga sa pag-aaral ang aking pinsan.

4.Paglalahat

Ano ang Pang-uri?Ano-ano ang kaantasan ng pang-uri?Ano ang lantay?pahambing?pasukdol?Ang tatlong kaantasan ng pang-uri ay:Lantay -naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip na walang

pinaghahambing.Pahambing -nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.

Pasukdol -ang pasukdol ay katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.

5.Paglalapat

Gawin ang MGA PAGSASANAY A sa sanayang aklat pah.80 (1-5).IV.PAGTATAYA:

Gawin ang MGA PAGSASANAY B sa sanyang aklat pah.81-82 (1-5).V.TAKDANG-ARALIN:

Ihambing ang mga sumusunod sa tatlong kaantasan.

1.mansanas,ubas,kahel

Lantay-

Pahambing-

Pasukdol-FILIPINO IVDate: ______________

I. LAYUNIN:

Pagsulat

Natutukoy ang iba't ibang uri ng liham na pangkaibigan . Nakasusulat ng liham pangkaibigan

Pagpapahalagahan ang pagmamahal sa pamilya at kapwa-tao.II.PAKSANG ARALIN:

Pagtukoy sa iba' ibang uri ng Liham Pangkaibigan.

Sanggunian:BEC PELC 4.1 ,55,Hiyas sa Wika 4 pah. 176-178Kagamitan: projectorIII.PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral 2.Pagganyak Itanong: Paano natin maipapahatid ang ating mensahe sa ating mahal sa buhay na nasa malayang pook a nasa ibang bansa?

B. Paglalahad

Ilahad ang iba't ibang uri ng mga liham pangkaibigan ipabasa sa mga bata ng tahimik.Liham Pangkaibigan a.Liham Pagbati liham na bumabati sa isang taong may espesyal na nangyari sa kanya.

b.Liham Paanyaya liham na nag-aanyaya sa isang pagtitipon tulad ng kaarawan, pagtatapos, piyesa at iba pa.

c.Liham Pasasalamat liham na nagpapasalamat sa taong nagbibigay ng regalo o pabor.

d.Liham Pakikiramay liham na nakikiramay sa masamang nangyari.

e.Liham Paumanhin liham na humihingi ng dispensa o paumanhin.

C.Pagtalakay

1.Pagsagot sa mga tanong tungkol sa mga liham.

2.Pagbasa sa liham ng bahaging sumasagot sa tanong.

a.Sino ang sumulat sa unang liham? Sino ang kanyang sinulatan? Ano ang sinabi ng sumulat?

b.Sino ang sumulat sa ikalawang liham? Sino ang kanyang sinulatan? Ano ang sinabi ng sumulat?c.Sino ang sumulat sa ikatlong sulat? Sino ang kanyang sinulatan? Ano ang mensahe ng sumulat?

D. Panglinang na Kasanayan

Pangkatin sa lima ang mga bata. Sa unang grupo ibigay ang unang liham na tinatalakay. Sa pangalawang grupo ang pangalawang liham. Sa pangatlong grupo ang pangatlong liham. Sa pang-apat na grupo ang pang-apat na liham at sa panglimang grupo ang panlimang liham. Ipasuri at ipasagot ang mga sumusunod na tanong:

a.Ano ang masasabi sa liham?

b.Anong uri ng liham ito?E.Paglalahat

Anu-ano ang liham pangkaibigan? Tandaan

a.Liham Pagbati liham na bumabati sa isang taong may espesyal na nangyari sa kanya.

b.Liham Paanyaya liham na nag-aanyaya sa isang pagtitipon tulad ng kaarawan, pagtatapos, piyesa at iba pa.

c.Liham Pasasalamat liham na nagpapasalamat sa taong nagbibigay ng regalo o pabor.

d.Liham Pakikiramay liham na nakikiramay sa masamang nangyari.

e.Liham Paumanhin liham na humihingi ng dispensa o paumanhin.F.Pagpapayaman ng Gawain

Sagutin ang GAWIN A 1-5. sa Hiyas sa Wika 4 pah. 138IV.PAGTATAYA:Isulat kung anong uri ng liham ang mga sumusunod. _______1.Nakatanggap ng isang liham. Galing ito sa iyong kaibigan. Inanyayahan kang dumalo sa kasal ng kapatid. Anong uri ng liham ito?

_______2.Nabalitaan mo na namatay ang tatay ng kaibigan mo. Nasa probinsya ka. Gusto mong makiramay. Anong liham ang gagawin mo?

_______3.Araw ng Lunes. Maysakit ka. Lumiban ka sa klase. Anong liham ang ipadadala mo?

_______4. Paghingi ng paumanhin ni Benjie kay Nora. Sa hindi niya pagdalo sa kaarawan nito.

_______5.Kaarawan ni Rina sa ika-30 ng buwang ito. Inanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan

na dumalo.

_______6.Naghandog si Bino kay Barbara ng magandang manika sa kanyang kaarawan. Pinagpahalagahan niya ita. V.TAKDANG-ARALIN:

Pumili ng isa sa mga liham pangkaibigan at sumulat ng isang maikling liham sa isang kamag-anak o kaibigan.FILIPINO IV

Date: ______________

I. LAYUNIN: Naibibigay ang kahulugan ng opinyon at katotohanan. Natutukoy ang pangungusap kung katotohanan o opinion.

Napapahalagahan ang kalikasan.II. PAKSANG ARALIN:

Pagbibigay Kahulugan sa Opinyon at Katotohanan

Nakikilala ang Katangian ng mga Tauhan.

Sanggunian: BEC-PELC Blg 15; Hiyas sa Pagbasa IV pah. 103-104

Kagamitan: projector, Alamat ng KasoyIII. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral

May katotohanan ba na sa mas magagaling ang mga lalaki kaysa sa babae?2.Pagganyak Ipakita ang larawan ng kasoy Itanong: Anong uri ng pagkain ito ? Bakit nasalabas ang buto ng kasoy?

3.Pagtatakda ng Layunin:

Nais nyo bang malaman kung bakit nasa labas ang buto ng kasoy? Sabihin na ang kwentong kanilang panunuurin ay tungkol sa alamat ng kasoy?Itanong: Anu-ano ang nais ninyong malaman tungkol sa kwento?

Papagbigayin ang mga bata ng mga tanong na nais nilang malaman ukol sa kuwento.

1.Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?

2.Bakit nasa labas ang buto ng kasoy?

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Ipabigay ang mga pamantayan sa pakikinig nang kwento.(Ang Alamat ng Kamya)

2.PagtalakayPangkatin sa apat ang mga bata. Bawat pangkat ay may lider. Mag-uulat ang lider sa nakalap na mga tanong na nagmula sa kanyang mga kapangkat na batay sa kuwento. Magkakaroon nang talakayan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong ng bawat pangkat. Gawin itong isang paligsahan.

3.Panglinang na Kasanayan

a.Balikan ang kwentog binasa.

b.Isa-isahin ang mahalagang pangyayari sa kwento.

c.Suriin kung itoy opinyon o katotohanan.

4.Paglalahat

Kailan sinasabing isang opinyon ang isang pangyayari?Kailan sinasabing isang katotohan ang isang pangyayari?

Tandaan

Katotohanan ay isang sinabi o ipinaliwanag sa akda kapag tunay na nangyari.

Opinyon ang isang sinabi o ipinahayag sa akda kapag ito ay kuru-kuro o sariling palagay lamang.5.Pagpapayaman ng Gawain

Panuto: Kung inaalagaan ang kalikasan, lagyan ng tsek (() ang patlang at ekeis ( x ) kung hindi._______ 1.Diniligan ang mga halaman.

_______ 2.Tinataga ang mga puno.

_______ 3.Nililinis ang paligid.

6.Pagpapahalaga

Panuto: Isulat ang K kung ang sinasabi ng pangungusap ay katotohanan at O Kung ito ay opinyon lamang.

_______ 1. Ang araw ay nagbibigay ng init sa mundo.

_______ 2. Totoong lahat ang nababasa sa pahayagan.

_______ 3. Higit na matalino ang aso kaysa daga. ________4.Ang lahat ng kapitan ng baranggay ay pawang kabutihan ng sinasakupan ang iniisip.

________5.Ang pasko ay ipinagdiriwang tuwing Desyembre 25. IV.PAGTATAYA:

Sagutan ang GAWIN 1-10 sa Hiyas sa Pagbasa 4 pah. 104V.TAKDANG-ARALIN:Basahin ang artikulong nasa ibaba. Sumipi rito ng limang pangungusap na nagsasabi ng katotohanan at limang nagsasabi ng opinyon lamang.

FILIPINO IV

Date: ______________

I. LAYUNIN:1.Nagagamit sa magkaugnay na pangungusap ang magkasingkahulugan/magkasalungat na talasalitaan.2.Natatalakay ang magkasingkahulugan/magkasalungat na salita.

3.Napahahalagahan ang pakikinig ng mataman sa nagsasalita.II.PAKSANG ARALIN:

Paggamit Sa Magkaugnay Na Pangungusap Ang Magkasingkahuluga/MagkasalungatSanggunian: BEC-PELC 4.3.1 pah.22 Banghay Aralin Filipino Bagong Henerasyos 4 pah. 57-58. Kagamitan: projectorIII.PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral

2.Pagganyak

B. Paglalahad

Ilahad ang inihandang presentation gamit ang projector.

Pag-aralan ang mg salitang may salungguhit sda pangungusap.

1.Si Maris aty may tibay ng loob.Siya ay matatag.

2.Malinis ang tubig na kanilang iniinum.Ito ay dalisay.

3.Masipag si Ana .Si Lita ay tamad.

C.Pagtalakay

1.Ano ang masasabi ninyo sa mga halimbawang pangungusap?

2.Ano ang kahulugan ng tibay ng loob?ng malinis?

3.Ano ang kasalungat ng masipag?

4.Bakit kailangan nating malaman ang kahulugan ng mga talasalitaan? Mga

Kasalungat nito?D.Paglalahat

Makakatulong sa pagpapalawak ng talasalitaan ang pagkilala ng kasingkahulugan ng salita.Maaaring may dalawa o higit na kasingkahulugan ng salita.Mayroon din tayong mga salitang magkasalungat ang kahulugan.Kasalungat ang salita kapag kabaligtararan ang kahulugan nito.

E. Paglalahat

Sagutan ang PAGSASANAY 1-5 Hiyas sa Pagbasa 4 pah. 85IV.PAGTATAYA:

Isulat sa patlang kung magkasingkahulugan at magkasalungat ang mga salita.

__________1.Pumupuri-pumupuna

__________2.matalas-matalim

__________3.Kinupkop-kinalinga

__________4.madalas-bihira

__________5.umalis-lumisan

__________6.tahimik-payapa

__________7.Malayo-malapit

__________8.namalas-nakita

__________9.maliit-munti

__________10.sagana-kulangV.TAKDANG-ARALIN:

Magbigay ng 5 halimbawa ng salita at isulat ang kahulugan at kasalungat nito.FILIPINO IV

Date: ______________I. LAYUNIN:

Napagsusunod-sunod ang mga salita ayon sa bagong alfabeto.

Naibibigay ang mga detalye ng binasa.II.PAKSANG ARALIN:

Ang bagong alfabeto Sanggunian: BEC-PELC ______Banghay Aralin Filipino Bagong Henerasyos 4 pah. 63-65. Kagamitan: projectorIII.PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral

2.Pagganyak

B.Paglalahad:

Ayon sa itinadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.(Artikulo XIV,Seksyon 6)

Sa kasalukuyan,ang Filipinong nililinang ay batay sa Pilipino.Ito ay sa pamamagitan ng talasalitaan at pagpapasok ng pagbabago sa ortograpiya ng wika para makatugon sa pangangailangan pang-edukasyon.

Ang makabagong alfabeto ay binubuo ng 28 letra.A,B,C,D,E,F,G,H,I,J,K,L,M,N, N,NG,O,P,Q,R,S,T,U,V,W,X,Y,Z. Ang bigkas ay ayon sa bigkas ingles maliban sa n(enye) na bigkas kastila. C.Pagtalakay

1.Ilan letra ang bumubuo sa makabagong alfabeto?

2.Paano binibigkas ang__? Ang n ?

3.Anong artikulo at seksyon sa konstitusyon ng 1987 ito nakapaloob ang tungkol sa Wikang

Pambansa?

D.Paglinang na kasanayan:

Sagutin ang MGA PAGSASANAY B sa Sanayang Aklat Filipino sa Bagong Henerasyon 4

Pah.59.

E.Paglalahat:

Sa pag-aayos ng mga salita,kailangan ay sundin ng paalfabeto ang mga ito

IV.Pagtataya:

Sagutin ang MGA PAGSASANAY C 1-10 . sa Sanayang Aklat Filipino sa Bagong Henerasyon 4 pah.60.

V.Takdang-aralin

Lagyan ng tsek (/ )ang patlang kung tama ang ayos ng mga salita at ekis (x) kung hindi.

_______1.sombrero,lalaki,paying

_______2.kalan,gas,plantsa

_______3.baka,bisiro,guya

_______4.barko,eroplano,paliparan

_______5.atis,lansones,ubas

_______6.Kabayo,kalesa,kalabasa

_______7.lapis,papel,aklat

_______8.bangko,mesa,kuya

_______9.nanay,tatay,kuya

_______10.bata,guro,punongguroFILIPINO IV

Date: ______________

I. LAYUNIN: Natatalakay ang mga bahagi ng liham Nakasusulat ng liham pangkaibigan

Napahahalagahan ang pagsusulat ng malinis at maayosII.PAKSANG ARALIN:

Bahagi ng Liham

Sanggunian: Hiyas sa Wika pah.129-130

Kagamitan: projector

III.PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral

2.Pagganyak

Ano ang pwede nyong gawin upang maipaabot ang nais ninyong ipaalam sa isang kaibigan na nakatra sa malayong luga?

B. Panlinang na Gawain

1.Paglalahad

Ilahad ang inihandang presentation gamit ang projector.

2.Pagtalakay

Ano-ano ang mga bahagi ng liham?

3.Paglalahat

MGA BAHAGI NG LIHAM Pamuhatan - nakikita ang address ng sumulat gayon din ang petsa..Hal.Purok 8,Brgy. IV,

Daet, Camarines Norte

November 4,2014

Bating panimula - pambungad na pagbati sa sinusulatan.Hal.Mahal kong Weng,

Katawan ng Liham- dito isinasaad ng sumulat ang dahilan ng kaniyang pagsulatHal.

Kumusta ka na?Matagal ding hindi tayo nagkasulatan.Naging abala kasi tayo sa pag-aaral.Malapit na ang pasko kaya inanyayahan kitang ditto na magbakasyon.Masaya ditto lalo na sa Enero ang buwan ng Ati-atihan.

Sabihin mo kung matutuloy ka at nang masalubong ka.Isama mo ang iyong mga kapatid.

Bating pangwakas- pamamaalam ng sumulatHal.Ang iyong pinsan,

Lagda-pangalanngsumulatHal. Alma4.Pagpapayaman ng Gawain

Isulat sa patlang ang bahagi ng liham na tinutukoy.

(3)___________ Poblacion,Bacon Districit, Sorsogon City Ika-2 ng Marso,2011

Mahal kong tita Ana, (4)_________ _______ (1) Inaanyahan ko po kayong pumunta sa aking graduation na magaganap sa April 6 alas 8 ng

umaga.Alam ko pong matutuwa kayo para sa akin dahil magtatapos ako ng elementarya na may sertipiko at diplomang matatanggap. Inaasahan ko po ang inyong pagdating.

(2)____________ Nagmamahal,

(5)_______ FionaIV.PAGTATAYA:

Sagutin ang GAWIN B. 1-5 at C. 1-5 Hiyas sa Pagbasa 4 pah.138.V.TAKDANG-ARALIN:Bumuo ng sariling liham tungkol sa pagliban sa klase.Isulat a papel.FILIPINO IV

Date: ______________

I. LAYUNIN: Natatalakay ang mga uri nga pang-uring pamilang Natutukoy ang pang-uring pamilang sa pangungusap. Napahahalagahan ang mga hayop sa ating paligid.II.PAKSANG ARALIN:

Pang-uring Pamilang

Sanggunian:Pag-unlad sa Wika at Pagbasa 4 pah.117-120

Kagamitan:Projector

IV. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral

2.Pagganyak

Magpapakita ng larawan ng zoo.

Ano-ano ang mga makikita sa zoo

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Ilahad ang inihandang presentation gamit ang projector.

Sa Manila Zoo

Tatlungpong batang mag-aaral ang namasyal sa Manila Zoo.Labingwalo

Ang mga lalaki at labindalawa ang mga babae.Sakay sila sa dalawang malalaking

jeep.Kasama nila ang apat na guro.

Masaya ang mga bata.Nakita nila ang isang malaking elepante,dalawang leon,

tatlong giraffe at maraming tsonggo.May isang maamong tigre na natutulog sa isang sulok.

nakalubog sa tubig ang isang malaking hippopotamus.Ang kanyang mahabang ulo at pangit

na mukha ang nakalitaw sa tubig.Marami pang maiilap na hayop at mga ibon ang kanilang

nakita.

2.Pagtalakay

Ano ang pang-uring pamilang?uri ng pang-uring pamilang?

3.Paglalahat

Pang-uring pamilang-ay nagsasabi ng dami o bilang ng pangngalan at panghalip. Uri ng PamilangPatakaran/Kardinal - bilang sero hanggang trillion `hal. isa ,dalawa, tatlo Pamahagi - paghahati-hati o pagbabahagi

hal. 1/4 - sangkapat,3/4 - tatlong kapat,8/10 - walong kasampuPanunuran/Ordinal - pagkakasunod-sunod ng mga bilang

hal. una,ikalawa,ikatlo / pangalawa,pampito,pangwaloPalansak - grupo o maramihan;inuulit ang unang salita o nilalagyan ng panlaping han/an. hal. tatlu-tatlo , daang-libo,trak-trak

4.Paglalapat Ikahon ang pang-uring pamilang at isulat sa patlang kung patakaran, panunuran, pamahagi, palansak ang uri nito.

____________1.Dala-dalawa ang dala mong mangga.

____________2.Ang sakay ng trak ay saku-sakong bigas.

____________3.Sangkapat ng keyk ang para sa akin.

____________4.Ang inakay ay sampu.

____________5.Siya ay panlimang await sa telebesyon.

IV.PAGTATAYA:

Isulat sa patlang ang uri ng pamilang na may bilang.

1.libo-libong tao

____________________

2.sanlaksa ang dumagsa

____________________

3.ikalawang pwesto

____________________

4.kalahating dosena

____________________

5.sangkapat na ektarya

____________________

6.daan-daang pirasop

____________________

7.limangdaang kawani

____________________

8.kalahating porsyento ng sanlibo____________________

9.limang taong gulang

____________________

10.kahun-kahong mansanas

____________________

V. TAKDANG-ARALIN: Salungguhitan ang mga pang-uring pamilang sa bawat pangungusap.

1.Libo-libo ang kinita nya sa ibinentang asukal.

2.Ang dumating ay limang matanda.

3.Si Aton gang pangatlong nahalal sa klase.

4.Ang regalo nya ay saput-sapot na prutas.

5.Ang kalahating ubas ayagad naubos.FILIPINO IV

Date: ______________

I. LAYUNIN: Natutukoy ang pang-abay sa pangungusap. Nagagamit sa pangungusap ang mga pang-abay. Napahahalagahan ang pakikinig nang mataman sa nagsasalita.II.PAKSANG ARALIN:

Pang-abay

Sanggunian: PELC 5.1, Pah..22-a ,Hiyas sa Wika 4 pah.147,Sanayang Aklat Filipino sa Bagong Henerasyon 4 pah.88-89

Kagamitan: projector

III.PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral 2.Pagganyak

Ano-ano ang pamantayan sa panonood ng presentation gamit ang projector?B.Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Ilahad ang inihandang presentation gamit ang projector ukol sa aralin.

2. Pagtalakay

Ano ang pang-abay?

3.Paglalahat

Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbbibigay turing sa pandiwa, pang-uri,

o kapwa pang-abay.

Ang mga pang-abay ay nagsasabi ng kung paano, kailan, at saan

4.Paglalapat

Salungguhitan ang pang-abay sa pangungusap.

1.Tahimik na nakaupo sa sulok si Glenda nang ako ay dumating.

2.Dahan-dahan pumasok sa Aries sa kwarto.

3.Ang dalaga ay kiming ngumiti sa amin.

4.Magalang na bumati ang mabait na bata.

5.Ang may sakit na matanda ay umungol nang mahina.IV.PAGTATAYA:

Sagutin ang MGA PAGSASANAY A 1-10 sa Sanayang Aklat Filipino sa Bagong Henerasyon 4 pah.88.

V.TAKDANG-ARALIN:

Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pariralang pang-abay.

1.sa likod-bahay

2.tuwing Sabado

3.dahan-dahang lumakad

4.maingat na sumulat

5.mabagal kumainFILIPINO IV

Date: ______________

I. LAYUNIN: Nauuri ang pang-abay sa pamanahon,panlunan,pamaraan

II.PAKSANG ARALIN:

A.Deskripsyon:

1.Nilalaman:: Paggamit ng sagot sa isang liham pangkaibigan.

Sanggunian: BEC-PELC IV 2.2.4 pah. 52 at 54

Filipino sa Makabagong Panahon Wika 4 ph. 183-185

Kagamitan: liham na nakasulat sa manila paper

III.PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral

1.Anu-ano ang mga limanag bahagi ng liham?2.Anong bahagi ng liham kung saan matatagpuan ang pinanggalingan ng sulat at ang petsa ng gawin ito?

2.Pagganyak

Paano natin maipahahatid an gating mensahe sa ating mga mahal sa buhay na nasa malayong pook o nasa ibang bansa?

B. Paglalahad

1.Ipabasa sa isa o dalawang mag-aaral na mahusay bumasa ang mha liham n nakasulat sa manila paper.

C.Pagtalakay

Pagsagot sa mga tanong tungkol sa liham

1.Anong uri ng liham ang inyong binasa?

2.Kanino galing ang liham pangkaibigan? Kailan ita sinulat? Sino ang kanyang sinulutan?

3.Ibigay ang mensahe ni Noel para kay Joseph.

D. Panglinang na Kasanayan

1.Pangkatang Gawain:

Humanap ng Kapareha. Pag-usapan ang dalawang liham. Paghambing ang mga ito. Ipabanggit ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ito.

2.Itanong:

Sa kabuuan, ano ang mga dapat na tandaan sa pagsusulat ng liham pangkaibigan?

E.Paglalahat

Sa pagsulat ng liham pangkaibigan, ito ay dapat na may pamuhatan, bating pambungad, katawan ng liham, bating pangwakas at lagda. Sa pagsulat, dapat wasto ang pagpapalugit, nakapasok ang unang salita sa talata at ginagamitan ng tamang bantas sa mga pangungusap na nasasaad.

F.Pagpapayaman ng Gawain

Pagbasa ng isan liham pangkaibigan at sumulat ng kasagutan dito.G.Pagpapahalaga

Ipaliwanag: Bakit dapat maging maalalahanin sa kaibigan? Bakit dapat pa natin silang sinusulatan?

IV.PAGTATAYA:Bumuo ng isang maikling liham na pangkaibigan.

V.TAKDANG-ARALIN:Sumulat ng isang maikling Iiham.

Kumbidahin mo ang iyong pinsan sa malalapit mong kaarawan. Sabihin mo kung kailan, kung anong oras at kung saan mo sila hihintayin.

FILIPINO IV

Date: ______________

I. LAYUNIN:

Pagbasa

Nakikilala ang mga matatalinghagang salita at idyoma.

Pagsasalita

Nakapagpapahayag ng ginagamit ang matatalinghagang salita na naglalarawan ng Pilipinong nagmamalasakit sa kapwa.

Pagpapahalaga:Pagsunod at Paggalang sa Magulang

II.PAKSANG ARALIN:

A.Deskripsyon:

1.Kasanayan: Pagkilala at paggamit ng mga matatalinghagang salita at idyoma.

2.Nilalaman:Pagsunod at Paggalang sa Magulang

Sanggunian: BEC - PElC, Pagbasa dh, Pagsasalita - dh; Si Ina at Ako, Filipino Ngayon ph. 94-95; Hiyas ng Filipino, ph. 166-169III.PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral

a. Bugtungan ng mga bata.b. Pagbibigay-kahulugan ng mga bata sa salawikain.

Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, Hindi makakarating sa paroroonan.

2.Pagganyak a. Ipabasa

I - kaw sa akin ang siyang nagsilang

N - agiging sandigan sa maraming bagay

A - kin kang itinatangi sa puso ko magpakailanman.

Ina, aking mahal.

Maraming salamat, ika'y nariyanb.Ibigay ang diwa ng tula.

3.Pagpapalawak ng Talasalitaan:Ipauri at ipabigay ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap.

1.Limiin mo muna ang iyong sasabihin bago ka magsalita.

2.Walang kahulilip ang ina sa puso ng kanyang anak.

4.Pagtatakda ng Layunin:

a.Ipakita ang larawan ng ina na kasama ang anak. Ipatukoy kung paano hinuhubog ng ina sa kagandahang-asal ang anak.

Ipagamit an tsart ng kaalamanPaghubog sa Kagandahang-asal ng Ina sa Anak

Prayor na kaalamanBagong kaalaman

B. Paglalahad

Pagbasa ng guro sa tula at pagsunod sa talata.

C.Pagtalakay

1.Ipasagot ang mga sumusunod na tanong.

a.Dapat bang magdamdam sa palo ng magulang? Bakit?

b.Basahin at ipaliwanag ang ikaapat na saknong

2.Ipasulat ang kanilang bagong kaalaman sa tsart at pag-usapan.

D. Panglinang na Kasanayan

Ibigay ang mga sumusunod na idyoma at kanilang kahulugan at ipagamit sa pangungusap.

1.haligi ng tahanan - ama

2.ilaw ng tahanan - ina

3.anakpawis - mahirap

4.isang kahig, isang tuka - mahirap

E.Paglalahat

Ano ang idyoma o matalinhagang salita?F.Pagpapayaman ng Gawain

Pangkatang Gawain:

1. Ipabasa ang usapan sa tsart at hayaan ang bawat pangkat na magparamihan ng idyomang makukuha.

G.Pagpapahalaga

Kasunduang gagawa ng isang talata o tula ang mga bata tungkol sa kanilang ina o ama.

IV.PAGTATAYA:A.Salungguhitan ang idyoma sa bawat pangungusap.

1.Masipag ang inyong ilaw ng tahanan.

2.Anakpawis lang si Andres Bonifacio.B.Punan ang bawat puwang nang angkop na idyoma. Piliin sa kaliwa tamang sagot.

1.Nasa (mabuting) kamay ang iyong mga gamit. Huwag kang magalala.

2.Kahit ako'y (isang) kahig, isang (tuka), nagsisikap pa rin akong umunlad.

V.TAKDANG-ARALIN:Sumipi ng mga bugtong at salawikain. Ilagy sa puting papel.

FILIPINO IV

Date: ______________

I. LAYUNIN:Pakikinig

Natutukoy ang pahayag na nagpapakilala ng tauhan, pangyayari at layon ng isang usapn o kuwento

Pagsasalita

Nakapagpapahayag ng iba't ibang damdamin

Pagpapahalaga:Magtiwala sa Panginoon ng walang Pag-aalinlangan.II.PAKSANG ARALIN:

A.Deskripsyon:

1.Kasanayan: Pagtukoy sa Pahayag na Nagpapakilala ng Tauhan, Pangyayari at Layon ng Usapan o Kwento.

2. Nilalaman:: Kadakilaan at Kapangyarihan ng Maykapal.

Sanggunian:

BEC - PELC Bilang dh - Bagyong Pinatigil, Bumasa Upang Umunlad, ph. 10-12

Kagamitan:

larawan

III.PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral

Hayaan ang mga bata na ilarawan ang mga tauhan sa kanilang paboritong kwentong nabasa o narinig na.

2.Pagganyak Pagdadasal ng buong klase sa pamumuno ng guro. Ipasabi ang layon ng dasal na kasasambit lamang.

Ipatukoy ang kanilang nararamdaman kung taimtim na magdarasal.

3.Pagpapalawak ng Talasalitaan:Gamitin sa pangungusap ang bawat sumusunod na salita at ipabigay ang kahulugan nito.

Apostles - Sinusundan si Jesus ng kanyang mga apostoles saan man Siya magpunta.

Binayo - Binayo nang malakas na hangin ang puna kaya ito nabuwal.

B. Paglalahad

Ipabasa nang sabayan sa dalawang pinakamagagaling na mambabasa sa klase ang kwento habang tahimik na nakikinig ang ibang mga bata.

C.Pagtalakay

Anong himala ang ipinakita ni Jesus? Saan sila nakasakay? Bakit nakatulog si Jesus? Bakit ginising Siya ng mga apostoles? Ano ang nangyari sa malakas na bagyo at alon? Ano ang nais ipahiwatig ni Jesus nang sabihing, "Bakit kayo matatakot kung kasama ninyo Ako?"

D. Panglinang na Kasanayan

1.Balikan ang kwento at hayaan silang ibigay ang pahayag sa pagpapakilala o nagsasabing Si Jesus ay makapagyarihan

Nagkaroon ng malakas na bagyo

Hindi pa lubos ang pananalig ng mga apostoles kay Jesus

E.Paglalahat

Itanong:

Maari bang makilala ang katangian ng mga tauhan, ang mga pangyayari at layon ng pag-uusap kahit di tuwirang isinasaas sa kuwento?

Paano nagbibigay buhay ang binasang kwento?F.Pagpapayaman ng Gawain

1. Hayaan silang magbigay ng mga pahayag na naaangkop sa bawat sumusunod. Ipagawa ang pagbigkas sa wastong damdamin.

taong mayabang

taong masayahin

babaing masungit

G.Pagpapahalaga

Bumuo ng kasunduang lagi silang magdadasal at magsisimba.

IV.PAGTATAYA:Ipapili ang pahayag na nagpapakilala ng:1.Tauhan

Mahina ang loob

Kayang kaya ko yan

Ayoko na, hindi ko kaya

Ang galling, galing ko

2.Pangyayari

a.Kalungkutan

Naku! Ano yang ginagawa mo?

Talaga! Aalis ako

Huhu,hu! Bakit niya ako iniwan?

b.Kaligayahan

Ano? Aalis ka?

Marami pong salamat, Panginoon.

Ligtas na ang kapatid ko.

Aray! Ang sakit.

c.Pagkagulat

Mamm! Masarap ito.

Maligayang kaarawan!

Ay! Nahulog ang bata!

V.TAKDANG-ARALIN:Pasulatin sila ng sariling dula-dulaan na nagpapahayag ng iba't ibang damdamin.

FILIPINO IV

Date: ______________

I. LAYUNIN:

Pagbasa Nahihinuha ang namamayaning damdamin sa kuwentong binasa.Nahihinuha ang namamayaning damdamin sa kuwentong binasa.

Pagsulat

Nakakasulat nang pabuod at pagsaklaw na lagom tungkol sa mga karanasan ng pagmamalasakit ng Pilipino sa kapwa.

Pagpapahalaga:Pagmamalasakit sa kapwaII.PAKSANG ARALIN:

A.Deskripsyon:

1.Kasanayan: Paghihinuya sa namamayaning damdamin sa kuwentong binasa

2.Nilalaman:Pagmamalasakit sa kapwa

Sanggunian: BEC-PELC Blg _

Ang natatakot ng Sandali, Yaman ng Diwa dh. 30-34III.PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral

Pagtukoy sa damdaming ipinahihiwatig ng bawat larawan(masaya, malungkot, takot, galit)

2.Pagganyak

Ipatukoy kung ano ang mga pangyayaring ipinahihiwatig sa mga sumusunod: Naghihiyawan ang mga tao.

Ang ibay nag-iiyakan.

Bitbit nila ang mga gamit palabas ng mga bahay.

3.Pagpapalawak ng Talasalitaan:

Pagtapat tapatin ang mga salita ang kahulugan nito.

Salita

kahulugan

Kahina-hinagap

Ningas

Sumuong

Sumuot

Lagaglab

Kagad-agad

Daglian

Kaide-ideya

4.Pagtatakda ng Layunin:

Ipakita ang larawan ng malaking sunog at ipakilala ang pamagat ng kuwento. Patnubayan silang bumuo ng mga tanong at isulat sa pisara.

B. Paglalahad

Mga pamantayan sa pagbasa nang tahimik

Pagbasa sa kuwento Ang Nakakatakot na Sandali pah.171

C.Pagtalakay

Pangkatang Gawain. Pagsagot sa mga tanong na binubuo ng mga bata.

Bakit nagkagulo ang mga tao sad an?

Bakit nagmamakaawa at nag-iiyak ang babae?

Paano nakaligtas ang sanggol?

D. Panglinang na Kasanayan

Ipaisa-isa ang mga mahahalagang pangyayari sa kuwento at ipasulat sa flowchart upang mabuo ang buod nito.

Ang Nakatatakot na Sandali

Buod

E.Pagpapayaman ng Gawain

Ipabasa ang kuwento Sa Prusisyon at gawin ang ipinagagawa sa bawat sumusunod na hakbang.a.Ilagay ang mga detalyeng kailangan upang mabuo ang buod ng kuwento.

Pamagat:________________

Tagpuan:________________

Tauhan________________

Mga Pangyayari:

Una:

________________

Pangalawa:

________________

Ikatlo:

________________

Wakas:

________________

F.Paglalahat Paano binubuo ang pagbuod na lagom ng isang kuwento? Pano binubuo ang panaklaw na lagom ng kuwento?

IV.PAGTATAYA:Isalaysay ang kuwentong Higit na Mahal at gawin ang ipinagagawa sa bawat sumusunod na hakbang.1.Buod ng kuwento.

2.Pasaklaw na lagom ng kuwento

3.Mga damdaming namayani sa mga sumusunod na pangyayri:

a.Nagkasakit ang kapatid ni Jose ngunit walang pera ang ina.

b.Ipinagbili niya ang kanyang mahal na alagang aso.

c.Nilalaro ni Jose ang kanyang alagang aso.

V.TAKDANG-ARALIN:

Magbasa ng isang piling kuwento at isulat ang buod nito sa story frame