filipino project

7
PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK, PAGSUSURI AT PAGSASALING WIKA PROYEKTO SA FILIPINO 2 NI EMILY LIMA, BS IN OFFICE ADMINISTRATION I. Pamagat Ang pamagat ng mga dula ay “New Yorker in Tondo” at “Basketball Fight”. Ang direktor ng mga dulang "New Yorker in Tondo" at "Basketball Fight" ay si Mel Magno. II. May Akda Ang "New Yorker in Tondo" ay isinulat ni Marcelino Agana Jr. noong 1958. Ang "Basketball Fight" ay isinulat ni Wilfrido Ma. Guerrero na isang manunulat ng dula, direktor, guro at aktor. III. Sanggunian CCP Encyclopedia of Philippine Art, Vol 7, pp. 217-218. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994. Basketball Fight, 8 other plays by Wilfrido Manila : University Pub. Co., c1952. IV. Buod Ang “New Yorker in Tondo” ay tungkol kay Kikay, isang babaeng nakatira sa Tondo na bumisita sa New York. Siya ay pumunta ng New York at pagbalik niya sa Tondo ay nag-iba ang kanyang ugali. Nag- iba ang kanyang pananamit, asal, at pananalita at gusto niyang tawagin siyang “Francesca”. Pinipilit niya rin na tawaging “Mrs. Mendoza” ang kanyang ina na si Aling Atang. Siya ay naging maarte at tinuturing ang kanyang sarili bilang isang “New Yorker”. Pagbalik niya sa Tondo ay binisita siya ni Tony. Si Tony at si Kikay ay may sikretong balak magpakasal bago pumunta si Kikay sa New York ngunit pagbalik ni Kikay ay itinatanggi na ito ni Kikay. Si Tony naman ay may sikretong relasyon kay Nena habang nasa New York si Kikay. Gusto ni Nena na sabihin sa publiko ang balak na pagpapakasal nila ni Tony. Noong sinabi ni Nena na gusto nila magpakasal ni Tony, ay nag-iba uli si Kikay. Bumalik na ito sa dati at ayaw niya na maging “Francesca”. Naglaban si Kikay at Nena para kay Tony. Pinagtanggol ni Tony si Kikay. Si Totoy naman

Upload: emily-lima

Post on 17-Jan-2016

236 views

Category:

Documents


3 download

DESCRIPTION

filipino

TRANSCRIPT

Page 1: Filipino Project

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK, PAGSUSURI AT PAGSASALING WIKA PROYEKTO SA FILIPINO 2 NI EMILY LIMA, BS IN OFFICE ADMINISTRATION

I. PamagatAng pamagat ng mga dula ay “New Yorker in Tondo” at “Basketball Fight”. Ang direktor

ng mga dulang "New Yorker in Tondo" at "Basketball Fight" ay si Mel Magno.

II. May AkdaAng "New Yorker in Tondo" ay isinulat ni Marcelino Agana Jr. noong 1958. Ang

"Basketball Fight" ay isinulat ni Wilfrido Ma. Guerrero na isang manunulat ng dula, direktor, guro at aktor.

III. Sanggunian CCP Encyclopedia of Philippine Art, Vol 7, pp. 217-218. Manila: Cultural Center of

the Philippines, 1994. Basketball Fight, 8 other plays by Wilfrido Manila : University Pub. Co., c1952.

IV. BuodAng “New Yorker in Tondo” ay tungkol kay Kikay, isang babaeng nakatira sa Tondo na bumisita sa New York. Siya ay pumunta ng New York at pagbalik niya sa Tondo ay nag-iba ang kanyang ugali. Nag-iba ang kanyang pananamit, asal, at pananalita at gusto niyang tawagin siyang “Francesca”. Pinipilit niya rin na tawaging “Mrs. Mendoza” ang kanyang ina na si Aling Atang. Siya ay naging maarte at tinuturing ang kanyang sarili bilang isang “New Yorker”. Pagbalik niya sa Tondo ay binisita siya ni Tony. Si Tony at si Kikay ay may sikretong balak magpakasal bago pumunta si Kikay sa New York ngunit pagbalik ni Kikay ay itinatanggi na ito ni Kikay. Si Tony naman ay may sikretong relasyon kay Nena habang nasa New York si Kikay. Gusto ni Nena na sabihin sa publiko ang balak na pagpapakasal nila ni Tony. Noong sinabi ni Nena na gusto nila magpakasal ni Tony, ay nag-iba uli si Kikay. Bumalik na ito sa dati at ayaw niya na maging “Francesca”. Naglaban si Kikay at Nena para kay Tony. Pinagtanggol ni Tony si Kikay. Si Totoy naman na may gusto kay Nena ay ipinagtanggol si Nena. Nagalit si Nena kay Tony at iniwan si Tony at sumama kay Totoy. Nagkabalikan din muli si Kikay at Tony.

Ang “Basketball Fight” ay tungkol sa magkasintahang si Alicia at Pepito na nagbabalak magpakasal. Bumisita si Pepito at ang kanyang inang si Donya Miguela sa bahay nina Alicia at ang kanyang inang si Donya Pilar. Gusto sana nilang pag-usapan ang nalalapit na pagpapakasal nina Alicia at Pepito. Pinakain nila Donya Pilar at Alicia ang mag-inang si Pepito at Donya Miguel at nag-usap sila tungkol sa iba’t ibang bagay. Napag-usapan nila ang basketbol at nag-away sina Donya Miguela at Donya Pilar. Si Donya Pilar ay kampi sa Ateneo samantalang si Donya Miguela naman ay kampi sa La Salle. Ito ay dahil ang asawa ni Donya Pilar ay galling sa Ateneo samantalang si Pepito naman ay galing sa La Salle. Dahil sa pag-aaway na ito ay naghiwalay si

Page 2: Filipino Project

Alicia at Pepito. Nagkabalikan muli si Alicia at Pepito at sinabi nila na mas mahal nila ang isa’t isa kaysa sa kung anumang koponan sa basketbol.

V. Uri ng AkdaAng “New Yorker in Tondo” at “Basketball Fight” ay mga dulang komedya. Ang dula ay isang uri ng akdang pampanitikan na naglalarawan ng buhay at ginaganap ito sa tanghalan. Ang Komedya ay isang dulang patanghal na gumagamit ng nakaugaliang marcha para sa pagpasok at pag-alis sa entablado, batalla o labanan na may koreograpiya, at magia o mga mahihiwagang epekto sa palabas.

VI. Daloy ng Pangyayari –a. Karaniwang pagkakasunod-sunodSa unang eksensa sa “Basketball Fight” ay makikita si Alicia na naghihintay kay Pepito. Inaasahan nilang dumating si Pepito at Donya Miguela. Pag dating ni Pepito at Donya Miguela ay binate sila nina Alicia at Donya Pilar. Sila rin ay pinaghanda ng pagkain. Pinakita ni Donya Pilar kay Donya Miguela ang kanilang bahay. Pagkatapos ay nag-usap sila tungkol sa iba’t ibang mga bagay. Pinag-usapan nila ang pagpapakasal ni Alicia at Pepito at kung sino ang dapat magbayad sa pagkain sa kasalan. Napag-usapan din nila ang basketbol at sila ay nag-away dahil dito. Nagkahiwalay sandali sina Pepito at Alicia dahil sa pag-aaway ngunit sila ay nagkabalikan din.

Ang unang eksena sa “New Yorker in Tondo” ay makikita natin sa Aling Atang. Pumasok si Tony at tinanong si Aling Atang tungkol kay Kikay. Dumating si Kikay at nakita ni Tony na nag-iba na si Kikay. Sabi ni Kikay na hindi daw sila bagay ni Tony at humanap na lang si Tony ng ibang babae. Dumating si Nena at sinabing magpapakasal na sila ni Tony. Nagalit si Kikay at nag-away sila ni Nena. Kinampihan ni Tony si Kikay samantalang kinampihan ni Totoy si Nena. Iniwan ni Nena si Tony kasama si Totoy. Nag-usap sina Tony at Kikay at sila ay nagkabalikan din. Nawala na si “Francesca” at bumalik si Kikay.

VII. Bisa

a. Bisa sa IsipAng mga dulang “New Yorker in Tondo” at “Basketball Fight” ay parehas nakakaaliw at nakakalibang ng isip. Sa “Basketball Fight” ay mapapa-isip ka kung bakit naging malaking isyu ang panonood ng basketbol. Isang simpleng libangan tulad ng basketbol ay naging dahilan ng muntikang paghihiwalay nina Pepito at Alicia. Ang pag-uugali rin ng dalawang nanay nina Pepito at Alicia ay nakaka-intriga. Mapapaisip ka kung pagkukuwari lang ba ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Sa harapan ng isa’t isa ay maayos ang kanilang pakikitungo ngunit kapat nakatalikod na ay kung ano ano na ang sinasabi. Sa dulang “New Yorker in Tondo” naman ay mapapaisip ka kung ano ang tunay na dahilan ng pagbabago ng ugali ni Kikay. Bakit nagbago ang ugali ni Kikay noong makarating siya sa New York? Si Tony rin ay isang hipokrito dahil ayaw niyang makipaghiwalay kay Kikay

Page 3: Filipino Project

samantalang kasintahan niya si Nena. Mapapaisip ka kung seryoso ba talagang magmahal si Tony o isa lamang siyang manloloko.

b. Bisa sa DamdaminAng mga dulang “New Yorker in Tondo” at “Basketball Fight” ay nakakagalak sa damdamin. Nakakaaliw itong panoorin at ang mga estudyante ay nasisiyahang manood nito. Nakakatawa rin ang ibang mga eksena tulad ng mga eksena nina Donya Pilar at Donya Miguela. May mga eksena ring nagpapakilig sa damdamin tulag ng mga eksena nina Alicia at Pepito, at nina Kikay at Tony. Ang mga eksenang may musika at sayawan ay nakakapagpabuhay din ng damdamin. Ang mga tao ay mapapa-sayaw kapag naririnig ang masiglang musika sa mga dulang ito.

c. Bisa sa KaasalanSa dulang “Basketball Fight” ay matutunan ang tamang pag-galang sa opinyon ng ibang tao. Tinuturo dito na kahit ang isang tao ay may pananaw na naiiba sa iyong pananaw ay kailangan mo pa rin silang igalang. Nakita natin sa dulang ito ang epekto ng hindi pag-galang sa opinyon ng ibang tao at iyon ay ang hindi pagkakaintindihan na maaring mauwi sa pag-aaway. Sa “New Yorker in Tondo” naman ay ipinapakita rin na dapat igalang mo ang iyong kapwa. Katulad na lang ng pag-mamaliit ni Kikay kay Tony dahil si Tony ay isang “Tondo boy”. Si Kikay ay naging mapagmataas dahil siya ay nakarating ng New York. Dapat ay irespeto natin ang ating kapwa, maging sila may ay taga-Tondo o taga-New York. Hindi rin natin dapat piliting baguhin an gating kapwa tulad na lang ng pagpipilit ni Kikay na gawing “Mrs. Mendoza” si Aling Atang. Makikita natin sa dula na ito na hindi masaya si Aling Atang sa mga ginawang pagbabago ni Kikay.

VIII. Mga matalinghagang salita palikero – lalaking mahilig lumandi sa mga babae kumare – malapit na kaibigang babae puto – isang uri ng tinapay rattan – isang uri ng halaman na kadalasang ginagawang kagamitan sa bahay panguingue – isang uri ng larong pansugal trifle – isang bagay o pangyayari na hindi importante (a matter, affair, or

circumstance of trivial importance or significance) merci – “salamat” sa wikang Pranses (“thank you” in French) pilgrimage – isang malayong paglalakbay na kadalasan ginagawa para sumamba o

magbigay pugay (any long journey, especially one undertaken as a quest or for a votive purpose, as to pay homage)

civilized - sibilisado, sanay, marunong, bihasa carabao – isang domestikadong uri ng kalabaw na pantubig o water buffalo na

karaniwang matatagpuan sa Pilipinas (a swamp type domestic water buffalo found in the Philippines)

Page 4: Filipino Project

naughty – makulit (disobedient; mischievous (used especially in speaking to or about children)

engagement – kasunduang pagpapakasal jilt – biglang pag-iwan sa isang kasintahan (To deceive or drop (a lover) suddenly or

callously) hysterical – praning, kondisyon ng pag-iisip na nagpapakita ng di mapigilang

emosyon (arked by uncontrollable, extreme emotion) vivacious – masigla, masaya (happy and lively in a way that is attractive) century – isangdaan taon (100 taon) miscegenation – pagsasama o pagpapaksal ng dalawang magkaibang lahi (sexual

relations or marriage between people of two different races) treachery - pagtataksil, pangloloko, panlilinlang (willful betrayal of fidelity,

confidence, or trust) ashamed – nahihiya (feeling shame or guilt) fickle – balimbing, palaging nag-iiba (marked by lack of steadfastness, constancy, or

stability) exile – isang tao na napilitang tumira sa ibang bansa (a person who has been forced

to live in a foreign country)

IX. Teorya ng Pagpapahayag - RealismoAng mga dulang “Basketball Fight” at “New Yorker” in Tondo ay salamin ng realismo sa totoong buhay. Maaring nakakatawa ang mga eksena sa mga dulang ito ngunit totoong nangyayari ito sa buhay. Sa “Basketball Fight” ay makikita natin kung paano nag-aaway ang mga tao dahil sa isang simpleng bagay katulad ng basketbol. Makikita rin natin sa dula na gusto ni Donya Pilar na si Pepito ang magbayad ng kakainin sa kasal nila ni Alicia. Sabi naman ni Donya Miguela na si Alicia ang dapat magbayad nito at sinala niya pa ang kanyang mga alahas para lang may pambayad sa kasal. Makikita natin dito ang realidad tungkol sa isyu ng pera. Maraming tao ang umuutang at nagsasanla ng mga alahas o ibang mamahaling gamit para lang may pambayad sa mga pangangailangan. Marami ring tao ang gusto tumakbo sa kanilang mga pinansyal na responsibilidad tulad na lang ng ginawa ni Donya Pilar. Marami ang gagawin ang lahat para lang makaiwas sa gastusin. Sa “New Yorker in Tondo” naman ay makikita natin ang pagbabago ng ugali ng isang tao dahil lang siya ay nakarating sa ibang bansa o nagkaroon ng mas mataas na posisyon sa lipunan. Maraming tao na nagmula sa isang simpleng buhay na biglang yumaman ay nag-iiba ang ugali. Sila ay nagiging mapagmataas at nagbabago ang kilos, ayos at pananamit. Marami ang lumalaki ang ulo at nakakalimot sa kanilang simpleng pinanggalingan. Ang buhay pag-ibig nina Kikay, Tony, Totoy at Nena ay magulo at nakakalito. Makikita dito ang kasalukuyang nagyayari sa kabataan ngayon kung saan mabilis at madali ang pagpapalit ng kasintahan. Minsan ay mayroong may dalawang kasintahan na pinagsasabay katulad na lang ng ginawa ni Tony.

Page 5: Filipino Project

X. Mensahe ng Manunulat

Inaanyayahan ko kayo na panoorin ang mga dulang “Basketball Fight” at “New Yorker in Tondo”. Tunay na nakakaaliw ang mga ito at maraming aral at kagandahang asal ang mapupulot dito. Maaliw ka, matatawa ka at kikiligin ka. Matatawa ka sa mga eksena ni Donya Miguela at Donya Pilar, ang dalawang matronang ina nina Alicia at Pepito. Kikiligan ka sa mga eksena nina Alicia, Pepito, Kikay, Tony, Totoy at Nena. Ang mga dulang ito ay naayon sa ating kasalukuyang panahon at sumasalamin sa buhay ng maraming kabataan ngayon. Ito rin ay sinulat ng mga batayang manunulat ng dula na sina Marcelino Agana Jr. para sa “New Yorker in Tondo” at Wilfrido Ma. Guerrero para sa “New Yorker in Tondo”. Tangkilikin natin ang panitikang Pilipino.