fort santiago documentary

14
Fort Santiago – Rizal January 4 ,2013 nag tungo ang aming grupo sa isa sa pinaka makasaysayang lugar ng pilipinas ang piitan kung saan nanatili si rizal bago siya dalhin sa dapitan ang – FORT SANTIAGO. Ika 5 ng umaga ng mag kita kita kami sa terminal ng complex. Ang aming grupo ay binubuo ng pitong miyembro. April Vergara, Ann- gelline Fernandez, Gemmelyn Borito, Wendelyn Bayangat, Perlita Amarante, Joyce ann Lumbera at ang nag iisang lalaki ng aming grupo si Gradave Punelas. Sabi nga nila hindi kumpleto ang isang lakad kung walang abirya. Una na rito ay ang hindi namin pag kakaunawaan sa oras ng pag alis namin na siyang naging dahilan ng pag kaantala ng aming maagang pag alis. Sa kabilang banda dumating ang lahat bago pumatak ang ika 8 ng umaga at naka sakay kami ng bus patungong Fort Santiago ng 8:05 ng umagang iyon. Ang lahat ay excited at the same time kinakabahan sa pag punta namin doon kasi wala ni isa sa amin ang nakakaalam ng

Upload: maybelyn-umali-catindig

Post on 16-Apr-2015

204 views

Category:

Documents


7 download

DESCRIPTION

written documentary paper by April Vergara and group mates in PUP-SRC

TRANSCRIPT

Page 1: Fort Santiago Documentary

Fort Santiago – Rizal

January 4 ,2013 nag tungo ang aming grupo sa

isa sa pinaka makasaysayang lugar ng pilipinas

ang piitan kung saan nanatili si rizal bago siya

dalhin sa dapitan ang – FORT SANTIAGO.

Ika 5 ng umaga ng mag kita kita kami sa terminal

ng complex. Ang aming grupo ay binubuo ng

pitong miyembro.

April Vergara, Ann- gelline Fernandez, Gemmelyn Borito, Wendelyn Bayangat, Perlita

Amarante, Joyce ann Lumbera at ang nag iisang lalaki ng aming grupo si Gradave Punelas. Sabi

nga nila hindi kumpleto ang isang lakad kung walang abirya. Una na rito ay ang hindi namin pag

kakaunawaan sa oras ng pag alis namin na siyang naging dahilan ng pag kaantala ng aming

maagang pag alis. Sa kabilang banda dumating ang lahat bago pumatak ang ika 8 ng umaga at naka

sakay kami ng bus patungong Fort Santiago ng 8:05 ng umagang iyon. Ang lahat ay excited at the

same time kinakabahan sa pag punta namin doon kasi wala ni isa sa amin ang nakakaalam ng

mismong lokasyon ng tanyag na piitan ng maynila. Trapik at sobrang lamig, mas lalong

nadadagdagan ang tensyon na nararamdaman ng bawat isa hanggang sa isa-isang antukin at

makatulog na sa byahe malamang ay dala na rin ng puyat ng maagang pag gising at mahabang pag

iintay. Pag sapit namin ng maynila nag lakad kami patungong terminal kung saan ang sakayan

patungong FORT SANTIAGO, maraming gusali ang aming nabigyang pansin tulad ng

PABANSANG AKLATAN at ang mataas na gusaling nakapaligid dito. Ilang pedestrian lane ang

aming binagtas at talaga namang ang lahat ay maiingat at naninibago sa paligid. Pula ,orange at

berde paulit ulit hanggang marating namin ang TERMINAL. Sa wakas HEHEHE!

Page 2: Fort Santiago Documentary

Sa sasakyan nakakatuwa kasi lahat kami doubtful kung saan kami bababa. Salamat kay

manong driver at nakarating kami ng maayos as bungad ng aming destinasyon. Sa labas palang

wala kaming pinalampas na pagkakataon, lahat ng tanawing bago sa aming paningin ay aming

kinuhanan ng larawan.

Larawang kuha sa FORT SANTIAGO

ANG KABAYO

hehehe..

Page 3: Fort Santiago Documentary

Una naming nakita yung kabayo na nakaparada sa gilid ng kalsada, mapag samantala

sapagkat habang nag papahinga ang kabayo ay kumuha din kami ng larawan sa kanya at sa isang

malaking luntiang pader na tila isang malaking bintana.

SA LABAS NG FORT

Pagkatapos ng masayang pag

tatalakay at pag kuha ng larawan, nag

tungo kami sa loob ng Piitan ni Dr. Jose

Rizal sa fort santiago. Bago namin sapitin ang mismong piitan marami pa kaming nadaang mga

makasaysayang rebulto at estatwa ng ating pambansang bayani. Natagpuan din namin sa paligid ng

Fort santiago ang isang malaking simbahan ngunit noong araw na iyon ay nakasarado dahil sa

Page 4: Fort Santiago Documentary

pansamantalang itong inaayos. Isang malaking SAYANG dahil nais sana naming makita ang

loob ng simbahan. Sa kabila nito ang kagustuhan naming malaman ang pasikot sikot ng lugar ay

hindi napigilan ng mga kakulangang ito.

Mga larawang kuha sa bungad ng FORT SANTIAGO..

Ang inaantay ng lahat

ang ENTRANCE.

Lahat ay nag bayad ng 50 pesos para sa

entrance fee, labis na ticket??? Nakagawa

kami ng good deed ng isinauli namin ang

labis na ticket. Pag pasok pa lang namin

kumuha na kaagad kami ng mga larawan

habang pinag mamasdan ang mga kalesang nag lalaman ng mga turistang nag lilibot sa lugar. Nag

eenjoy ang lahat at sinusulit ang pagkakataon ng pananatili sa Piitan ng pambansang bayani.

Page 5: Fort Santiago Documentary

Sa pag lilibot huminto muna kami upang kumain. Lahat

ay may dalang pag kain maliban sa isa kung kaya

kinailangan nilang humanap ng mabibilhan ng pag kain

habang ang iba naman ay kumukain na sa kabilang

banda ng pasyalan. Ilang minuto na ang nakalipas

subalit hindi pa rin sila nakakabalik, pag katapos kumain muli na kaming nag libot sa lugar.

Maraming mga turista ang naabutan namin sa lugar hindi pa man kami pumapasok sa rizal shrine,

sa labas pa lamang namangha na kami sa laki at lawak ng lugar, may mga koreano, amerikano at

may mga negro sa lugar ng mag tungo kami. Nakakatuwa kasi makikita mo na kahit ang mga

banyaga ay maakit sa ating mga makasaysayang lugar. Napansin din namin na may mga pamilyang

namamasyal sa lugar. Makailang sandali pa ay nagtungo na kami sa loob ng piitan ni Dr. Jose Rizal

ayt talagang mas lalo pa kaming humanga sa lugar.

Mga larawang kuha sa piitan

Page 6: Fort Santiago Documentary

Totoo pala na talagang napaka makasaysayan ng lugar. Napakaraming larawan at rebulto ni rizal ang aming natagpuan.

Ang Rizal Shrine

Isa ang rizal shrine sa mga

pinaka masaganang lugar na

kapupulutan ng impornasyon para sa

aming mga mag aaral. Makikita ang

maraming katauhan ni rizal sa loob ng

sagradong lugar. Maaaring kumuha ng larawan subalit ipinag

babawal ang flash lights, ang pag kain at iba pa. Pag pasok pa lamang namin napansin na agad

namin ang isang malaking larawan ni rizal noong siya ay binaril, ang mga inukit na pigura ni rizal,

ang mga librong kanyang sinulat, ang mga hayop na ipinangalan sa kanya at napakarami pang iba.

Hindi man kami na bigyan ng pagkakataong makakuha ng video ngunit binigyan kami ng pag

kakataong nasilip ang kwartong pinag piitan kay rizal at ang mismong lugar kung saan siya nanatili.

Ang lugar sa ikalawang palapag ang nag pakilala sa amin sa napakaaming larawan ni rizal.

Mapapansin din ang mga larawan nina O sei san at ng ina ni rizal.

Page 7: Fort Santiago Documentary

Dito rin matatagpuan ang ilang mahahalagang gamit ni rizal. Ilan sa mga ito ay ang bahagi ng buto

ni rizal na nag sisilbing dahilan upang mapanatiling sagrado ng lugar. Ang mga damit panlamig ni

rizal, mga libro ,mga tungkod at ibat- ibang mga inukit ni rizal noong siya ay nag aaral pa.

Mga larawan sa sagradong gusali

Page 8: Fort Santiago Documentary

RIZALSHRINE

Napakaraming magagandang bagay sabi nga nila swerte at pag sisikap daw upang

maging karapat dapat ka daw tulad ni rizal. Sa bilanguan ni rizal makikita ang isang rizal na

rebulto, bilang bahagi ng matatandang paniniwala kailangan mo daw humiling ng taos puso

doon kasabay ng pag hahagis ng barya bilang alay. SANA MATUPAD ANG HILING

NAMING LAHAT. Binilang din namin ang foot steps ni rizal mula sa kulungan. Enjoy

tlaga kaming lahat. Bawal mag interview so inubos na lang namin ang aming oras sa

patagong pag kuha ng mga pangyayari at sa pag kuha ng larawan.

Mga larawan mula sa paligid ng

Rizal Shrine

Page 9: Fort Santiago Documentary

Napakarami pang maaaring matagpuan sa piitan .

Noong araw na nag tungo kami sa piitan ipinag bawal na mga interview sapagkat maraming

turista noong araw na iyon kung kaya kami ay kumuha na lamang ng mga larawan sa ibat

Page 10: Fort Santiago Documentary

ibang bahagi ng FORT SANTIAGO. Nakakatuwa sapagkat kahit yata libutin namin ang

lugar ay kulang ang buong mag hapon sa pag sasaliksik.

Naka pagod mag saliksik, kung kaya kami ay nag pasyang kumain muna ng panang halian.

Pag kayapos naming kumain. Nag pasya kaming umuwi na at ng maayos na maka pag

pahinga. Ang lahat ng larawan ay aming itinago bilang bahagi ng lakbay aral na aming

ginawa.

Bilang pag tatapos ng araw kaming lahat ay naging

masaya sa pag sasaliksik, ang lahat ay naging abala sa

pag sisiyasat bagamat maraming mga pangyayaring

hindi inaasahan at maraming mga turista ng araw na yon

lahat kami ay maging masaya sa pag punta sa piitan ni

Dr. Jose Rizal-ang pambansang bayani ng

pilipinas.

Nang mag pasya kaming umuwi na hindi namin inaasahan na maglalakad pa ulit kami ng

malayo mula fort santiago hanggang rizal park lahat ay nag rereklamo na masakit ang paa

subalit alam naming iyon ay parte ng aming lakbay aral. Matiwasay kaming naka uwi na

dala ang magagandang pangyayari sa buong mag hapon. Thank god!

At dito na nag tatapos ang aming kwento ng isang

mahabang araw ng pag sisiyasat.

Page 11: Fort Santiago Documentary

FORT SANTIAGO

APRIL VERGARA

ANN-GELLINE FERNANDEZ

GEMMELYN BORITO

WENDELYN BAYANGAT

Page 12: Fort Santiago Documentary

PEARLITA AMARANTE

JOYCE ANN LUMBERA

GRADAVE PUNELAS