iba’t ibang sistemang

16
DEPARTMENT OF EDUCATION Region VII Central Visayas Schools Division of Mandaue City Plaridel St., Mandaue City, Cebu Iba’t Ibang Sistemang Pang-Ekonomiya Araling Panlipunan 9 Unang Markahan Modyul 4

Upload: others

Post on 11-May-2022

71 views

Category:

Documents


8 download

TRANSCRIPT

Page 1: Iba’t Ibang Sistemang

DEPARTMENT OF EDUCATION Region VII – Central Visayas

Schools Division of Mandaue City Plaridel St., Mandaue City, Cebu

Iba’t Ibang Sistemang

Pang-Ekonomiya Araling Panlipunan 9

Unang Markahan – Modyul 4

Page 2: Iba’t Ibang Sistemang

PAUNANG SALITA

Sa tuwing babanggitin ang salitang sistema, ito ay nagpapahiwatig ng mga

pamamaraan alinsunod sa mga tamang pagkakasunod-sunod tungo sa maganda o

positibong resulta. Ang hindi alam ng nakararami, may sistema ring sinusunod

pagdating sa ekonomiya ng isang bansa. Ito ay isang uri ng pamamaraan na

kinabibilangan ng produksyon, pamamahagi at paggamit ng mga serbisyo o

produkto sa pagitan ng mga tao na sakop ng isang lipunan.Ito ay ang mga

pamamaraang ginagamit ng isang particular na bansa upang makalikha at

makapamahagi ng mga serbisyo at produktong makakatulong sa nakakarami lalo na

kung ito ay may kinalaman sa mga pang-araw-araw na pangangailangan.

Ang Self Learning Kit na ito ay nahahati sa 3 bahagi:

A. Ano ang nangyayari? Bahagi na kung saan sasagutin sa mga mag-aaral

ang mga tanong tungkol sa paksang tatalakayin pa

B. Ano ang dapat malalaman? Dito tatalakayin ang mga paksa at malalaman

ng mag - aaral ang learning competency na nakapaloob dito

C. Ano ang Natutunan? Bahagi na kung saan malalaman kung nahahasa ang

kanilang kaalaman sa competency

Ang mga gawain sa bahaging ito ay lilinang sa iyong kaalaman kung bakit

kailangan ng mekanismo sa alokasyon ng pinagkukunang yaman sa ilalim ng ibat

ibang sistemang pang - ekonomiya.

Page 3: Iba’t Ibang Sistemang

LEARNING COMPETENCY

Nasusuri ang ibat-ibang sistemang pang-ekonomiya (AP9MKE-la-2)

LAYUNIN:

Natutukoy ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya

Nailalarawan ang katangian ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya

Napapahalagahan ang sistemang pang-ekonomiya na sinusunod ng isang

bansa

Para sa iyo, alin sa

mga sistemang

pang-ekonomiya

ang angkop sa

Pilipinas?

Anu-ano ang ibat-

ibang uri ang

sistemang pang-

ekonomiya?

I. ANO ANG NANGYAYARI?

Page 4: Iba’t Ibang Sistemang

Paunang Pagtataya

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang

sagot.

1. Institusyunal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng

produksyon, pagmamay ari at paglinang ng pinagkukunang yaman.

A. Alokasyon C. Kakapusan

B. Kagustuhan D. Sistemang Pang-ekonomiya

2. Ang mga sumusunod ay ang pangunahing katanungang pang-ekonomiko maliban

sa:

A. Ano-anong produkto at serbisyo ang gawin?

B. Kailan gagawin ang naturang produkto at serbisyo?

C. Para kanino gagawin ang produkto at serbisyo?

D. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?

3. Sistemang pang-ekonomiya na ginagabayan ng mekanismo ng malayang

pamilihan.

A. Command Economy C. Mixed Economy

B. Market Economy D. Tradisyunal na Ekonomiya

4. Sistema na kinapalooban ng elemento ng market economy at command economy

A. Command Economy C. Mixed Economy

B. Market Economy D. Tradisyunal Economy

5. Sistema na kinapalooban ng magkaugnay na malayang pakikilahok sa mga

gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamamahalan at pagkontrol ng

pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan:

A. Command Economy C. Mixed Economy

B. Market Economy D. Tradisyunal Economy

6. Ang sistemang pang – ekonomiya na nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at

regulasyon ng pamahalaan:

A. Command Economy C. Mixed Economy

B. Market Economy D. Tradisyunal na Ekonomiya

7. Ang pagpapasya sa proseso ng mga gawaing pang-ekonomiya ay sentralisado o

nasa kamay ng pamahalaan lamang.

A. Command Economy C. Mixed Economy

B. Market Economy D. Tradisyunal na Ekonomiya

8. Ito ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya

A. Command Economy C. Mixed Economy

B. Market Economy D. Tradisyunal na Ekonomiya

9. Sistema kung saan ang bawat kalahok, ang konsyumer at proyuser ay kumikilos

alinsunod sa kanilang pansariling interes na makukuha ng malaking pakinabang:

A. Command Economy C. Mixed Economy

B. Market Economy D. Tradisyunal na Ekonomiya

Page 5: Iba’t Ibang Sistemang

10. Sistema na nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala sa mga katanungang

pang-ekonomiko:

A. Command Economy C. Mixed Economy

B. Market Economy D. Tradisyunal na Ekonomiya

11. May responsibilidad ang estado sa pagsagot sa suliraning pang-ekonomiya.

A. Command Economy C. Mixed Economy

B. Market Economy D. Tradisyunal na Ekonomiya

12. Nagpapakita ng organisadong transaksiyon sa pagitan ng konsyumer at

nagbenta

A. Command economy C. Mixed Economy

B. Market Economy D. Tradisyunal na Ekonomiya

13. Sinasagot ng ganitong uri ng ekonomiya ang mga suliraning pang-ekonomiya sa

pamamagitan ng mga tradisyon, paniniwala, kagawian, at patakaran ng lipunan

A. command economy C. Mixed Economy

B. Market Economy D. Tradisyunal na Ekonomiya

14. Isang sistemang pang-ekonomiya na ang pagmamay-ari ng yaman at

produksyon ay nasa kamay ng indibidwal at pribadong sector

A. Command Economy C. Mixed Economy

B. Market Economy D. Tradisyunal na Ekonomiya

15. Ang Cuba, China , at Russia ay may anong uri ng sistemang pang-ekonomiya?

A. Command Economy C. Mixed Economy

B. Market Economy D. Tradisyunal na Ekonomiya

II. ANO ANG DAPAT MALAMAN?

Gawain 1: SISTEMA IKAMO?

Panuto: Piliin sa mga hanay ng salita sa ibaba ang angkop na kataga sa bawat

larawan.

Tradisyonal na Ekonomiya Mixed Economy

Command Economy Market Economy

Page 6: Iba’t Ibang Sistemang

1.___________________________ 2. _________________________

3.____________________________ 4. __________________________

5.___________________________ 6._________________________

Page 7: Iba’t Ibang Sistemang

7.___________________________ 8.________________________

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong naging batayan sa pagpili ng sagot?

______________________________________________________________

______________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng sistemang pang-ekonomiya?

______________________________________________________________

______________________________________________________________

Ano ang Sistemang Pang-ekonomiya?

Ang sistemang pang-ekonomiya ay isang aspeto ng bansa kung saan

binibigyang katugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang layunin nito

ay upang mapigilan ang labis-labis ng paglikha ng mga kalakal o serbisyo at

gayundin upang maiwasan ang kakulangan sa mga bagay na ito.

Iba’t ibang sistemang pang ekonomiya:

1. Tradisyunal na ekonomiya

Naaayon sa pangangailangan ng isang pamayanan

Mula sa nakasanayang gawain at tradisyon

Ang produkto at serbisyo ay para sa mamamayan at kinakalakal, o iniimbak

ang labis na produkto

Mga bansang may mga tradisyunal na sistema ay ang mga sumusunod:

Bhutan,, Haiti at Nepal

Page 8: Iba’t Ibang Sistemang

2. Command Economy

Ang command economy ay kabaligtaran ang pamilihan

Ito ay walang pribadong pagmamay-ari

Ang mga salik ng produksiyon ay hawak ng pamahalaan

Ang pamahalaan ang nagdidikta sa pamilihan kung anu-anong produkto at

serbisyo ang dapat ipagbili at ito rin ang nagtatakda ng presyo.

Mga bansang may mga command economy na Sistema ay ang mga

sumusunod: North Korea, Russia at China

3. Market Economy

Ang mga salik ng produksiyon ay pag may-ari ng mga pribadong tao o

indibidwal.

Sila ay lumilikha ng mga produkto at serbisyo na nakabatay sa mga

kagustuhan at pangangailangan ng tao.

Ang kasunduan sa pagitan ng mamimili at nagbibili ang nagtatakda ng presyo

sa pamilihan

Ito ay tinatawag na free enterprise o malayang kalakalan

Mga bansang may command economy na sistema ay ang mga sumusunod:

Mexico, United States, United Kingdom, Germany at Canada

4. Mixed Economy

Pinaghalong Sistema ng Market at Command economy

Hinahayaan ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring

manghimasok ang pamahalaan sa presyo at kaligtasan ng mamimili.

Mga bansang may mga command economy na sistema ay ang mga

sumusunod: Norway, Cuba, United States at Sweden

SistemangPang-

ekonomiya

Nagpapasya Paraan ng pagpapasya

Tradisyunal Lipunan Nakabatay sa tradisyon,kultura,at

paniniwala

Market Economy Pamilihan (Nagtitinda

at Mamimili

Alinsunod sa kanyang sariling

interes

Command Economy Pamahalaan Ang pamahalaan ay may ganap

na kapangyarihan upang makamit

ang mga layuning pang-

ekonomiya

Mixed Economy Pamilihan at

pamahalaan

Hinahayaan ang pamilihan subalit

maaring manghimasok ang

pamahalaan

Page 9: Iba’t Ibang Sistemang

Masasabing walang perpektong sistema na angkop sa isang bansa. Ito ay

nangangahulugan na maaaring mabago pa ang mga nasabing sistema alinsunod sa

mga pangangailangan ng isang ekonomiya. At ito ay posible sapagkat sa araw-araw

na pamumuhay, nagbabago ang mga pangangailangan ng tao.

III.ANO ANG NATUTUNAN?

Gawain I: Panghuling Pagtataya

Panuto: Tukuyin kung anong sistemang pang-ekonomiya ang inilalarawan ng mga

sumusunod na pangungusap sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

A. Tradisyunal B. Command C. Market D. Mixed

______1. Ang mga gagawing produkto o serbisyo ay naaayon sa mga

pangangailangan ng pamilihan na dinidikta ng presyo.

______2. Ang mga pribadong indibidwal ay may karapatan na magtayo ng kanilang

negosyo at kumita mula rito.

______3. Nakabatay ang paggawa ng mga produkto o serbisyo na nakasanayang

gawain at tradisyon.

______4. Ang mamamayan ay gumagawa ng mga produkto o serbisyo para sa

estado.

______5. Ang mga gagawing produkto o serbisyo ay maaaring ipagmay-ari ng

estado, mamamayan, o pribadong indibidwal.

______6. Ang mga gagawing produkto o serbisyo ay nakabatay sa kung ano ang

itatakda ng estado.

______7. Kontrolado ng mga negosyo ang proseso ng paggawa ng mga produkto o

serbisyo.

______8. Ang mga ginawang produkto o serbisyo ay para sa mga mamamayan.

Kinakalakal o iniimbak ang mga sumosobrang produkto.

______9. Maaaring ipagsanib ang publiko at pribadong sector upang matugunan

ang mga pangangailangan sa teknolohiya, kasanayan, at puhunan.

______10. Ang estado ang magpapasiya kung paano gagawin ang mga produkto o

serbisyo.

______11. Anong uri ng Sistema nabibilang ang mga bansang ito: Inuit people,

Aboriginal people of Australia

Page 10: Iba’t Ibang Sistemang

Paano mo

ilalarawan ang

market

economy?

_______12. Anong uri ng sistema nabibilang ang mga bansang ito: China, North

Korea at Russia.

_______13. Anong uri ng sistema nabibilang ang mga bansang ito: United States,

Sweden, Cuba at Norway.

_______14. Anong uri ng sistema nabibilang ang mga bansang ito: Canada, United

Kingdom at Mexico.

_______15. Anong uri ng sistema nabibilang ang mga bansang ito: Bhutan at Haiti.

Performance Task I: Conversation Box

Ilagay sa kahon ang sagot sa usapan ng dalawang tauhan.

Ano ba ang

katangian ng

tradisyonal na

ekonomiya?

Page 11: Iba’t Ibang Sistemang

Gawain 2: Semantic Web

Ilagay ang mga numero sa mga pangungusap na nasa ibaba sa gillid ng mga

Sistema.

Bakit kaya ito

tinawag na

mixed

economy?

Sa command

economy, sino ang

nagpaplano ng

ekonomiya

Tradisyunal

Mixed

Market Command Anu- ano ang uri

ng sistemang

pang-ekonomiya

Page 12: Iba’t Ibang Sistemang

1. Naaayon sa pangangailangan ng isang pamayanan ang gawing produkto/serbisyo

2. Ipinagbabawal ang pribadong pagmamay-ari at estado ang magpapasiya kung

paano lilikhain ang produkto

3. Pamilihan ang nagdidikta ng presyo sa mga gawaing produkto o serbisyo

4. Ipinag-uutos o prayoridad ng estado ang gagawing produkto o serbisyo

5. Mula sa nakasanayang mga gawain at tradisyon ang paggawa.

6. Produkto o serbisyo ay para sa mga mamimili

7. Maaaring ipagsanib ang publiko at pribadong sector

8. Maaaring ipagmay-ari ng estado at mga mamamayan

9. Ginagawang produkto o serbisyo ay para sa mamamayan

10. Mga negosyo o indibidwal na kumokontrol ng produksiyon ang siyang bubuo sa

mga ito

11. United States, Iceland, Sweden, France

12. Bhutan, Haiti, Aborigenes in Australia

13. Singapore, Hongkong, Australia, New Zealand

14. Russia, North Korea, China

15. Bangladesh, Haiti, Nepal

Performance 2: Flag Retrieval Chart

Kilalanin ang watawat sa mga bansa at isulat sa hanay A ang sagot. Sa hanay B,

isulat ang titik ng uri ng Sistemang pang-ekonomiya ng mga bansang ito

A. Tradisyunal na Ekonomiya C. Mixed Economy

B. Market Economy D. Command Economy

Hanay A Hanay B

1.

2.

Page 13: Iba’t Ibang Sistemang

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

Page 14: Iba’t Ibang Sistemang

10.

Kung ikaw ang pagpipiliin anong uri ng sistemang pang-ekonomiya ang

dapat ipairal sa ating bansa? Bakit?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

Page 15: Iba’t Ibang Sistemang

SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

VERONICA M. ENGLIS Writer/Illustrator

MARITERR P. JUMAO- AS MENCY B. RABANES

NESTOR A. KUIZON JR. CRISBERT M. SUMAYANG JOSHUA ANDREW VEGA

ANCIE U. DOMPOR

Editors

GIOVANNA P. RAFFIÑAN EdD

Education Program Supervisor – Araling Panlipunan

JAIME P. RUELAN EdD

Chief, Curriculum Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE EdD

Education Program Supervisor – (LRMDS)

ESTELA B. SUSVILLA PhD CESE

Assistant Schools Division Superintendent

NIMFA D. BONGO EdD CESO V

Schools Division Superintendent

Page 16: Iba’t Ibang Sistemang

SINOPSIS

Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa isang institusyonal na

kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksyon, pagmamay-ari, at

paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko

ng isang lipunan. Mayroong apat na sistemang pang-ekonomiko tradisyunal,

pamilihan, pinag-uutos, at pinaghalo. Kung ikaw ang pagpipiliin, anong sistema ang

nais mong ipa iral sa ating bansa?

Ang sistemang pang-ekonomiya ng Pilipinas ay umaangkop sa sistemang

tradisyunal dahil sa agrikultura, sistemang pamilihan dahil sa kita, at ang sistemang

pinag-uutos dahil sa pakikialam ng pamahalan sa alokasyon ng mga

pangangailangan.

Kung ikaw ay naninirahan sa bansa na ang pinaiiral na sistemang pang-

ekonomiya ay hindi mo sinasang-ayunan, ano ang gagawin mo?

May-akda: VERONICA M. ENGLIS

Graduated at University of San Jose Recoletos with Bachelor of Secondary

Education major in History and Bachelor of Science in Commerce major in

Management. Took Graduate School Studies with Masteral Units and Completed

Academic Requirement at Cebu Technological University, also a current Araling

Panlipunan Coordinator of Mandaue City Comprehensive National High Scool. 2019-

present.