interaktibong pagdulog sa pagbabasa

18
Interaktibong Pagdulog sa Pagbasa

Upload: jeecarin

Post on 26-Aug-2014

2.818 views

Category:

Documents


105 download

TRANSCRIPT

Page 1: Interaktibong Pagdulog Sa Pagbabasa

Interaktibong Pagdulog sa Pagbasa

Page 2: Interaktibong Pagdulog Sa Pagbabasa

Rummelhart (1977) – nagbigay ng panukala sa interaktibong modelo sa pagbasa.Kaalamang Sintaktiko

Kaalamang Semantiko

Ortograpiya Malamang

Message Board (Padron ng Pagbubuo)

Pattern Synthesis

Most Probable

Impormasyon Interpretasyon___________ ___________

Page 3: Interaktibong Pagdulog Sa Pagbabasa

Message Board – sa modelong ito ang pagbasa ay tinitingnan bilang padron ng pagbubuo na nananagawan sa aplikasyon o integrasyon ng lahat ng dating kaalaman na ipinakikita ng dayagram.

- ayon kay Rummelhart ito’y sinteses ng dalawang teorya ng pagbasa na « baba-pataas » o « taas-pababa . »

Page 4: Interaktibong Pagdulog Sa Pagbabasa

Spiro (1980) - sa kabuuan ang Pagbasa ay isang

multilevel na interaktibong proseso na ang teksto ay kailangang suriin sa iba’t ibang antas mula sa letra patungo sa kabuuan ng teksto. Bilang karagdagan, sa pagpoproseso ng malinaw na larawan ng teksto, ang mambabasa ay kailangang magbigay ng dating kaalaman sa pag-ugnawa sa pagbasa. Ang interaksyon ng proseso batay sa teksto at batay sa kaalaman gayundin ang mga antas sa bawat proseso ay mahalaga…

Page 5: Interaktibong Pagdulog Sa Pagbabasa

Tandaan na ang proseso ng interaktibong pagbasa ay nangangailangan ng masalimuot na koordinasyon ng pinagmulan ng maraming impormasyon:

Ang teksto ng pahinaNilalaman mula sa naunang tekstoDating kaalamanLayunin sa pagbabasa

Page 6: Interaktibong Pagdulog Sa Pagbabasa

Aplikasyon:Pag-unawa sa Paksa1. Talakayin kung bakit isang multilevel na

interaktibong proseso ang pagbasa.2. Ano ang message board na tinutukoy ni

Rummelhart sa pagbasa? Palawakin ang sagot.3. Bakit mahalaga ang koordinasyon ng pinagmumulan

ng mga impormasyon sa interaktibong pagbasa?4. Talakayin ang interaktibong pagbasa sa pananaw ni

Spiro.

Page 7: Interaktibong Pagdulog Sa Pagbabasa

Metakognitiv na Pagbasa

Kamalayang metkognitiv – isa sa mahahalagang konsepo sa paglinang ng kahusayan sa pagbasa.

Baker at Brown – tumutukoy sa kaalaman at pagkontrol sa sariling pag-iisip at mga gawain sa pagkatuto ng mga estudyante.

Page 8: Interaktibong Pagdulog Sa Pagbabasa

Jacob at Paris (1987) – dalawang kategorya ng metakognisyon:

1. Sariling pagtataya – kasama dito ang pagpapahayag ng kaalaman tungkol sa kognisyon, at kaalamang kondisyunal.

2. Sariling pamamahala – tumutukoy sa pagplaplano, pagtatasa at pag-aayos ng estratehiya.

Baker at Brown1.Kaalaman 2. kontrol

Page 9: Interaktibong Pagdulog Sa Pagbabasa

Ang pinakamahalagang proseso sa kamalayang metakognitiv na ginagamit ng mambabasa upang makiha ang kahulugan ay ang pagmomonitor ng sariling pag-uunawa para malaman kung tagumpay o bigo siya.

Ang batayan ng metakognitiv na estratehiya ay:

1. pag-uugnay ng bagong impormasyon sa dating kaalaman;

2. Sadyang pagpili ng estratehiyang pangkaisipan; at

3. Pagpaplano, pagmomonitor at pagtataya sa prosesong pangkaisipan.

Page 10: Interaktibong Pagdulog Sa Pagbabasa

Meclellan (1997) – nagmungkahi ng mga estratehiyang gaya ng muling pagsasaad ng pangungusap, paglalagom, pagtatala at pagsagot sa mga tanong.

- paglikha ng sariling mga tanong, muling pag tingin sa teksto, pagbigay ng hinuha at iba pang metakognitiv na estratehiya.

Page 11: Interaktibong Pagdulog Sa Pagbabasa

Bloom (1984) – gumawa ng kategorya sa paraan ng pagbuo ng mga tanong na saklaw ng kognitibong kaalaman.

- ito ay pagkilala, pag-unawa, aplikasyon, pagsusuri, sintesis at ebalwasyon.

Ang pag-unawa sa binabasa ay isang masalimuot na proseso.

Page 12: Interaktibong Pagdulog Sa Pagbabasa

Mga elemento sa Pagbabasa

Steck-Vaugh – tagapaglimbag ng mga materyales sa larangan ng edukasyon (sa pamamagitan ng software)Bokabularyo o TalasalitaanKahusayanPag-unawaPalabigkasan at Palatunugan

Page 13: Interaktibong Pagdulog Sa Pagbabasa

Mga elemento sa Pagbabasa

1. Bokabularyo o Talasalitaan – ay mga salitang nalalaman ng isang tao. - Ang pagkakaroon ng malawak na talasalitaan ay nakakatulong na maging tagumpay sa loob at labas ng paaralan.

2. Kahusayan sa Pagbabasa – tumutukoy sa kakayahan ng bata na magbasa nang mabilis at wasto sa teksto.- Isang paraan para maging mahusay na mambabasa ay ag pagsasanay nitong magbasa nang malakas.

Page 14: Interaktibong Pagdulog Sa Pagbabasa

Mga elemento sa Pagbabasa

3. Pag-unawa – ang pag-intindi sa kahulugan ng teksto o sa mga susing salita nito.

4. Palabigkasan at palatunugan – pag-aaral kung paano nagiging tunog ang mga letra.- ang palatunugan ay ang kakayahang makarinig at magamit ang iba’t ibang tunog ng mga salita. - natututuhan ng bata na ang mga salita ay binubuo ng mga tunog na may kaayusan.

Page 15: Interaktibong Pagdulog Sa Pagbabasa

Karagdagang GawainB. Lapatan ng interpretasyon ng bawat pangkat.

1. Naparito ako sa Amerika para pag-araalan ang siyensya ng pagtatayo ng tulay, hindi upang maging bantog, o kaya’y magtamo ng « doktoe, » « propesor » o kung anu-anong titulo. Nais kong matutuhan ang mga teorya’t kaalaman hinngil sa pagtatayo ng mga makabagong tulay, upang pagkaraa’y umuwi sa sariling bayan at magtayo ng maraming- maraming tulay.

__Mao Yi XengInhinyero

Page 16: Interaktibong Pagdulog Sa Pagbabasa

Karagdagang Gawain2. Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila, gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

__Andres Bonifacio

3. kung ako’y may labing-isang anak, nais kong ang bawat isa’y mamatay para sa karangalan ng bayan. Hindi ko gusto na isa man sa kanila’y walang ginawa sa maghapon kundi magpasarap lamang.

__Shakespeare

Page 17: Interaktibong Pagdulog Sa Pagbabasa

Karagdagang GawainSubukin ang inyong kakayahan sa pag-unawa sa

kasabihan at tulang ibinigay sa gawain B. sundin ang sumusunod na hakbang sa pag-unawa ng teksto.1. Unawaing mabuti ang mensahe ng teksto.2. Itala ang kaisipang nakuha sa binasang teksto.3. Iguhit sa isang manila paper o kartolina ang sariling interpretasyon sa binasa teksto.4. Ipaliwanag sa klase ang mga simbolong ginamit sa paglalapat ng interpretasyon.

Page 18: Interaktibong Pagdulog Sa Pagbabasa

ApplikasyonI. Ipaliwanag ang sumusunod na mga pahayag:

a. Ang pagbasa ay susi sa pagtatagumpay sa buhayb. Alam ng mahusay na mambabasa kung naintindihan nila o hindi ang kanilang binasac. Ang pag-unawa sa binasa ay isang masalimuot na proseso. d. Paano nakatutulong sa mambabasa ang metakognitiv na estratehiya?e. bakit mahalaga sa mga mag-aaral na katulad mo na matutunan ang ilang metakognitiv na estratehiya sa pagbabasa?f. Anu-ano ang mga elemento ng pagbabasa na tinalakay sa teksto?