iska mga tula

74
i

Upload: stum-casia

Post on 03-Nov-2014

220 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

ISKAMga Tula

TRANSCRIPT

Page 1: ISKA  Mga Tula

i

Page 2: ISKA  Mga Tula
Page 3: ISKA  Mga Tula
Page 4: ISKA  Mga Tula
Page 5: ISKA  Mga Tula

Sa bawat batang babae, ang karaniwang ambisyon ay maging doktor o nars—tagagamot at tagapangalaga ng maysakit. Sapagkat nakikita nila ito kina nanay at tatay na nagpupuyat lalo na’t inaapoy ng lagnat ang kanilang anak. Sa pagdadalaga, may nangangarap sumubok sa pag-aartista; may ibig mag-abogado; may hahalili sa puwesto ng kanilang guro. Marami sa mga babaeng nagtatapos ng haiskul ay nangangarap na makatuntong man lang sa kolehiyo. Marami ang nangangarap makapasok sa UP.

Hindi nakapagtataka ang huling nabanggit sapagkat sa matagal na panahon, naging bastiyon ang UP ng mga dalubhasa at siyentis-ta. Walang pagdududa, iyon ang nakita ni Kristel Tejada kaya tu-wang-tuwa siya nang makapasa sa UP Manila. Nangunguna ang UP sa paghasa at pagmulat sa mga mag-aaral nito. Mapapalad ang mga Iskolar ng Bayan na tumatangan ng tatak ng UP—ang mga Isko at Iska. At isa pa, bilang isang state university, matutulungan ng UP ang mga tulad niyang kapos ngunit pursigidong mag-aral.

Iyon ang akala ni Kristel. Dahil sa STFAP, madulas na naisakatuparan ang pagtataas ng matrikulang binabayaran ni Kristel nang wala pang isang taon! Naging biktima ng retrenchment ang ama ni Kristel hang-gang sa malubog na sila sa utang. Napilitang mag-working student si Kristel ngunit hindi rin nasolusyunan ang kanilang problema.

Pero matibay talaga si Kristel. Sa kabila ng paninigaw ng administra-dor ng UP Manila sa kanyang ama—idagdag pang kinailangan pang magmanikluhod ng kanyang ina—umabot hanggang sa pagsasanla ng kanilang lupa—hindi nasira ang loob ni Kristel. Kahit binura na sa master list ng mga estudyante, patuloy pa rin siyang nagsi-sit in sa kanyang mga klase. Kailangan pang lunukin ni Kristel ang kanyang kahihiyan para lang matuto. Pero tinikis talaga si Kristel. Pinuwersa siyang mag-file ng Leave of Absence ng UP Manila at i-surrender ang kanyang school ID. Iyon na ang hudyat: sinipa na siya palabas sa ta-rangkahan ng UP Manila; isinarado pa lahat ng mga pinto at bintana sa mukha niya. Isa na siyang outsider—kick out ng UP, pinabango lang ng balatkayo ng LOA.

Page 6: ISKA  Mga Tula

Nang dahil sa pera. Nang dahil sa pera. Tinamaan ng magaling! Kinailangan pang magpakamatay ni Kristel para bawiin ng UP ang polisiya nitong pagbabawal sa late payment. Pagkatapos nitong ma-biktima ang hindi na mabilang na mga Isko at Iska! Pinatay ng UP ang pangarap ng maraming mahihirap na estudyante nito, sa kabila ng pagbabalandrang ito ay isa pa ring state university! Hindi tayo papayag na bumalik ang ganitong polisiya sa ibang anyo! Hindi tayo papayag na patuloy na maghasik ng lagim ang STFAP, ang sistemang may kapangyarihang matahin ang matatalino at masisipag ngunit kapos na kabataang gustong tumapak sa UP!

Patunay ng ating damdamin—nitong lumbay sa sinapit ni Kristel at ng iba pang kabataan sa kamay ng mapang-aping sistema ng UP, dumaluyong ang mga tula at naratibo. Hindi lang tayo naantig sa mga kuwento. Nabanas na tayo sa garapalang pang-aalipusta tulad ni Kristel. Naghahanap tayo ng pagbabago sa sistema sa edukasyon. Si Kristel, ang Iska na tinanggalan ng karapatang mag-aral ay nag-ing ating kapatid, naging ating kaibigan, naging ating kadugo. Ang labang ito para sa karapatan sa edukasyon ay patuloy na pinalalak-as ng ating mga adhikain, ng ating pagkakaisa hanggang sa tayo ay magtagumpay.

Page 7: ISKA  Mga Tula

mga tula

Page 8: ISKA  Mga Tula
Page 9: ISKA  Mga Tula

3

KAY KRISTEL***-Rogelio L. Ordoñez

(naglagablab ang utak konag-alipato ang mga himaymaysa pagragasa ng kumukulong dugomula sa naghihimagsik na puso…)

isa kang bagong bumubukadkad na rosaswala sa panahong pinigtalsa tangkay ng buhaysa daluhong ng daluyong ng dalitang di makatarungang lipunangayong mabubulas namanmahalimuyak ang mga orkidyasna patuloy na dinidiligng dugo’t luha ng mga sawimpaladsa hardin ng palasyo’t mansiyonng mga diyus-diyosang mandurugas.

o isa ka lamang naligaw na bulaklaksa inakala mong halamananng mumunting pangarap?di inisip na kutang mga hari-harian sa lipunanang iyong patutunguhanwalang puwang doon ang bulsang walang lamanat kumakalam na tiyan at damit na sinulsihandi nila mauunawaan ang tagulaylayng lugaming puso’t nalilitong isipansapagkat rosas kang bubukadkad lamangkapag naitaboy na ang itim na ulapsa nananangis na kalawakanrosas kang bubukadkad lamangkapag naglagablab na ang silangankapag nag-alipato ang mga talahib sa kaparangan

Page 10: ISKA  Mga Tula

4

kapag namula na ang mga lansangan sa kalunsuranat nadurog na’t napulbos nang lubusanmga moog ng inhustisya’t kasakimanng uring mapagsamantala sa lipunan…asahan mong di magmamaliw ang pagmamahalng mga kapatid mong magigitingsa laya’t ligaya ng masang sambayananat madamdamin silang patuloy na magsasayawsa musika ng lagablab ng apoyupang mabulas na mapamukadkadmga rosas na kagaya mo.

ngunit, sa kasalukuyanoo, kristel…ikaw ay ulilang rosassa ulila ring libingansa piling ng cadena de amorng amarillo’t damong ligaw!

(***Isang estudyante si Kristel Tejada sa Unibersidad ng Pilipinas na nagpakamatay kamakailan sapagkat labis niyang dinamdam na di siya makapag-aaral sa darating na semestre dahil di makabayad ng matrikula sa takdang panahon.)

Page 11: ISKA  Mga Tula

5

[Tula ni Bomen Guillermo]

Unable to Pay Tuition UPM Freshie Commits Suicide- Philippine Collegian

Wala nang pamasahe sa kanyang bulsaPapuntang eskwela kinabukasanMadalas siyang kinakapos ng pamasaheNaglalakad na lang pag ganunSanay na siya sa mainit na araw, sa mausok na daanMarami ring araw na wala siyang makainNa pananghalianNakangiting naglalakad sa mga koridorKahit nahihilo sa gutomWalang pangxerox ng mga libro at babasahinGinawa pa rin niya ang lahatPara lamang hindi lumibanHanggang mga huling linggo na ng semestreAng taxi driver na ama'y ubos-kayang nagsisikapAraw-araw hinahanda pa rin ng nanay ang kanyang susuotinNapapangiti siya kapag naiisip,"Makakaraos at matatapos din!"Pero walang saysay ang lahatDahil hindi sapat ang dedikasyong mag-aral at matutoBawal ang mahirap sa Unibersidad na itoBawal magpanggap na mag-aaral ang walang pambayadBawal pumasok ng klasrum ang mga kapus-paladBawal ang mahirap sa Unibersidad ng Pilipinas

Page 12: ISKA  Mga Tula

6

NINGNING-Cristina Guevarra

"The University of the Philippines (UP)—considered as the country’s premier state university—increased its tuition by 300 percent, from P300 to P1,000 per unit." (2006)

Akala namin eksaherado kami noonNang sa parada ng mga parolSumisigaw kami at umiiyakNa wala nang iskolar ng bayan.

Lumipas ang ilang parada ng parolPumasok ang maraming freshman batchHabang isa-isang nagbabagsakanAng mga bituin sa aming harapan:

May working studentNa nagpahaba ng pila sa bayaranNakikiusap kung pwedeng installmentAng pagbabayad sa bente mil na matrikula.

May maluha-luhang mag-inaSa natanggap na masaklap na balitaNa hindi daw sila mahirapKaya hindi kwalipikado sa STFAP*.

May mag-amang tulalaPapunta ng pier pauwi ng probinsyaKulang pala ang kinse mil pang-matrikulaGaling sa pinagbentahan ng kalabaw.

May magkapatidNa nag-iikot sa mga klase at propesorNagkakansela ng slot sa enlistmentAt di na lang mag-eenrol ang kanilang bunso.

Page 13: ISKA  Mga Tula

7

Kamakailan, may nagpatiwakalNang di makabayad ng matrikulaAt nagbalik ang alaala ng maniningning na parol,Ng mga nagbabagsakang bituin.

Muli tayong umiyakMuli tayong sumigaw ngayonMuling pagningningin ang gitingNg mga nag-aalab na bituin.

*Socialized Tuition and Financial Assistance Program – pagkakat-egorya sa mga estudyante sa mga bracket ayon umano sa kanilang estadong pang-ekonomiko. Smokescreen ng tuition fee increases.

Page 14: ISKA  Mga Tula

8

Iukit N’yo Na Ito Sa Aking NooNi KislapAlitaptap19 Marso 2013

Kung may ibinida sa telebisyonNa isang artista na nakita na ang singitO lumuwa na sa damit ang kanyang susoO napunitan na ng salawal dahil saPagbakat ng pinatigas na titi,Hindi ito imoral.

Kung may lumabas sa magasinNa mga larawang nagpapakuloNg libog at marami ang bumili ditoAt nagbasa,Hindi ito imoral.

Kung may naibalitangKasong pang-momolestiya,O panggagahasa, o pagtanggapNg Avanza, Montero, at Pajero,Ng mga na ngangaral sa likod ngKumpisalan,Hindi ito imoral.

Kung may isang babae naMakailang ulit na ginahasa, At mas pinili nito na ‘wag nangIpakita pa sa namuo ng buhaySa kanyang sinapupunan angRimarimna mukhang lipunan,Ito ay imoral.

Kung may isang bata na pumitasNg bulaklak sa labas ng bakodNg isang magarang palasyo,At pinaratangan siyang magnanakaw.

Page 15: ISKA  Mga Tula

9

Ang pagpitas ng bulaklak;Ito ay imoral.

Kung may nabalitang isang mag-aaral,Na ang Tatay ay isang Taxi Driver,Na ang Nanay ay isang maybahay,Na may apat na kapatid,At kinitil nito ang kanyang buhayDahil sa hindi na nito maipagpapatuloyAng kanyang pag-aaral, at mga pangarap.Ito ay imoral.

Kung panghahawakan koAng moralidad at Ako nama’yMagiging mabalasik na hayop,At magiging mabangis na halimaw,Sa aking kapwa-Tao,Sugatin n’yo na nito ang aking balatIhalo n’yo na ito sa aking dugoIsaksak n’yo na ito sa aking pusoAt iukit n’yo na ito sa aking noo:

IMORAL.

Page 16: ISKA  Mga Tula

10

Hindi na Lumapag sa Ikalawang Palapag ang Aking Pag-aaral-Noel Gomez

Nang matrikula'y nagkulangpinara nila ang aking mga pinangarap,nagmistulang palutang-lutangsa alapaap ng mga hindi pinagpapala. Inilalapa na pala ako ng sarili kong eskwelahansa sistemang kailanma'yhindi magiging tamasa mga mata ng kapwa kongiskolar ng bayan. Kaybagsik ng pagbigkasng inyong mga palatuntunan,kaya ito ang aking natutunan sunduin ang aking

sarili

upang wala nang sumunod sa akin. 17 Marso 2013

Page 17: ISKA  Mga Tula

11

THRE(E)ULOGY-Kislap Alitaptap16 Marso 2013 Their namesShall beRemoved fromThe classlists…

Masarap isundot sa ilongNg iyong nakakasalubong Ang t-shirt mong “Matalino Noon,Lalo na Ngayon.”

Masarap isampal saKatabi mong Non-UPSa dyip ang“We think Beyond the Box.”

Masarap ipagmalakiNa ikaw ay nag-aaral sa UP.Dahil ‘di nga naman mabubuoAng SUPREMACYKung walang U at P.

Masarap lahat sa UP.Hanggat nababayaranMo pa ang 'yong tuition fee.

And theyShall beAdvised toApply forA LeaveOf Absence…

Page 18: ISKA  Mga Tula

12

Mabuti pang magkautangSa BumbayPwede mong takbuhanPagsinungalinganPagtaguanPagbubulyawanIpahabol sa askalNg kapitbahayTakuting pakakasuhanSa Bureau of InternalRevenue, dahil walangResibo, o kaya’yMakipagtawaran nangMakipagtawaranNa sana’y babaanPa nito ang itinakdangHulog sa bawat arawNa sana’y maunawaanNito na piso-piso langAng kinikita sa tindahangInyong pinaglagyanSa isanlibong pisong inutangNa sana’y maintindihanNitong ang panganayNiyo ay sa UP nag-aaralKung saan ang kabayaranSa karunungang inutang ay‘Di maaaring hulug-huluganO idaan sa pakiusapanO idaan sa BalagtasanO idaan sa bantayog ni RizalDoon sa BagumbayanO idaan sa kantang “Minsan*”O idaan sa simbahanO idaan sa Tuwid na daan

Page 19: ISKA  Mga Tula

13

Please BeGuided AccordinglyThank You.

*kanta ng Eraserheads

Page 20: ISKA  Mga Tula

14

HINDI KA PALA MAGLILINIS NG PILAK-Mac Ramirez

Hindi ka pala maglilinis ng pilak,mamamaalam ka na palasa binubuo mong mga pangarap

Sa mura mong edad‘pinamukha sa’yo ang kasuka-sukang reyalidadna kahit ang karapatan ng mga kabataangmag-aral, matuto, ay may bayad…

Mahal.

Hindi ka pala maglilinis ng pilak, Kristel,gigisingin mo pala ang buong bayansa karumaldumal na katotohanangipinagkakait ng lipunansa mga kabataang tulad moang kanilang kinabukasan

Pag-iisahin mo pala ang damdaminng mga mamamayang magpuyossa edukasyong walang kahihiyangginagawang negosyo ng iilan

Yuyugyugin mo pala ang pundasyonng pinakamamahal mong Pamantasan,kakatukin mo sa bumbunan ng mga nasa poder ng kapangyarihan,para matauhan sila sa kabulukan ng kanilang mga patakaran

Hindi ka pala maglilinis ng pilak,mag-aambag ka pala sa ultimong pagkintabng kinabukasan ng mga kabataangiyong naiwan

Page 21: ISKA  Mga Tula

15

KUNG PAANONG ANG MISMONG PAG-ABOT SA PANG-ARAP MO ANG KUMITIL SA IYO-Rogene A. Gonzales

"A freshman Behavioral Science student now lies lifeless at the hospi-tal morgue after killing herself this morning. She committed suicide after filing for leave of absence last Wednesday due to inability to pay her tuition on time. UP Manila has a "no late payment" policy where students are advised to file LOA if they failed to meet the deadline of tuition payment."- UP Manila DSS Chair Carl Marc Ramota

Bakit kaagad-agad nagpasyana idaan sa dahasng sariling batasang hindi maresolbana hinaing sa problema?

Napagod basa kakapilasa siksikng mga imiksa di mataposat di maubosna kwaderno't kantong mga dokumentoat inaasam na lagdang sasapat na pera?

Nainitansa tulukansa pagitanng mga opisinana hindi nakitadulot ng walang-paking sistema

Page 22: ISKA  Mga Tula

16

kung matugunano hindi manang iyong pangangailanan?

Nainis nasa nadama na prinsipyong mundona dapat matirana lamang baang mga matibayo piliin na lamang maging bangkay?

Sana sanakinausapmo muna kami,

sana nilapitan mo muna kami,

nang natulunganka naming maunawaan

nang di na humantongsa malagim na mga bulong

ng pandarahas sa iyong sarili,naglagot ng munting ngiti,

nagpatid sa maagang kamalayan,naghimlay ng iyong kamusmusan bilang isang magiting na Iskolar ng Bayan

Page 23: ISKA  Mga Tula

17

dahil dahil,kung natanong mo lamangsa amin kung ano ang tanging paraannang pare-pareho nating maisakatuparanang ating kolektibong kaalwanan,

ito ang aming magiging kasagutan:

Hindi ang pagbitaw sa pangarap mo!Hindi ang pagkitil sa kalayaan mo! Hindi ang pandarahas sa sarili mo! Hindi ang pandarahas sa sarili mo!

Kundi nararapatat ang dapatgawin mo,akoat tayo

ay pagtipunin ang galitdulot ng karapatang ipinagkaitat iputok ang ngitngitna sasapit:

At dahasin ang estado! Dahasin ang estadong ito! Dahasin ang ganid na estadong ito na nagsadlak sa kinabukasan mo!

Page 24: ISKA  Mga Tula

18

KAPITAL KOMERSYALISMO-Noel Gomez

Hindi ko inakalangsariling eskwelahanang gumapossa aking mga pangarap,

makapag-aral, makapagtaposat makatulong sa aking pamilya.

Ganito pala ang kalakaranng makabagong sistema,

inililibing ng buhay.

Pinatay mo ako!Pinatay!PinataPinatPinaPinPi PPi PinPinaPinatPinataPinatay!Pinatay mo ako!

Sinu-sino pa ang isusunod mo sa akin?

Page 25: ISKA  Mga Tula

19

ABSENT SI KRISTEL-Mark Angeles

Absent na naman si Kristel?Patay siya kay ma’am!Kakasimula pa lang ng 2nd semester.Baka hindi siya payagang mag-exam.INC na ‘yan sa class card.Baka nag-cutting class.Tanga! Masipag ‘yun mag-aral.Ikaw ba naman Iskolar ng Bayan.Future Psychologist ng Bayan.Tagasuri ng palagay ng bayan.Tagatuwid ng kiwang.May nag-text na ba sa kanya?Baka hindi niya alamdito tayo magkaklase sa AVR.Baka late lang.Baka natrapik.Baka naman na-ospital.Baka walang baon.Nagtitipid. Sabagay,di ba siya ang panganay?Baka walang pamasahe.Anak ng taxi driver,ni walang pantraysikel?Na-late lang daw ng bayad.Sabi sa inyo, late lang.Teka. Hindi yata pinayagan.Magbabayad na nga, ba’t ayaw?Baka sipain siya sa UP.Haharangin sila ni Oble.LOA lang daw. Kunwarimagta-travel abroad.Ang unfair naman. Kapitbahaypa naman natin ang Supreme Court.Ngeh! PGH nga ibebenta

Page 26: ISKA  Mga Tula

20

sa kung sinong landlord.I-check n’yo nga sa attendance.O, tingnan n’yo, wala.Meron o. Heto asa dulo.Asa dulo ng listahankahit alphabetical?Heto buo niyang pangalan—ginilitan.

Tangina. Ano ‘to pera-peraang labanan?Next time sino naman ang gigilitan?Ikaw.Hindi ano. Baka ikaw.Hindi. Ikaw.Pota! Ano ito, maalis taya?Future natin ang nakatayadito. Ilalaban ko future ko.Ako rin.Asan na ba ‘yung memo?Bakit? Pupunitin ko.Tapos? Isasaksak ko sa bunganganung lintek na pumirma.Maghunos-dili ka. Marami sila.Nagkalat sila sa iba’t ibang state u,nakaupo sila sa gobyerno.Ayos lang, pre. Mas marami tayo.

Page 27: ISKA  Mga Tula

21

KRISTEL TEJADA-Pia Montalban

Para kang si Bengie Artiaga sa akin,Yung kalakbay ko sa Youth for Christ,Kaklase sa Corinthian Youth Movement,At kasama sa ubod na nagtatagNg Christ the King Youth Ministry.

Hindi napigtal ng pananampalatayaAng lubid na bumulid ng wakasNang isampay niya ang katawanKasama ang mga hilahil ng pagkasibakSa trabahong sumipsip ng kanyang buhay.

Ginulantang kami ng umagaNg inyong pagpanaw.Hindi kami nakaunawaSa rupok at lutong ng tindigKung katapangan o karuwagan

Ang pagpapatiwakal.

Gaya mong may talino ang utakNgunit nakuha pang magpakalasingSa likidong ipinaglilinis sa pilak.O marahil narumihan ka na sa nilalanghapNa pangakong gintong panahon,Ngayong kumikinang na dilawTuwid-na-daang nagkahonSa iyo sa daan pa-libingan.

Ginulantang kami ng umagaNg inyong pagpanaw.Ninakaw nito ang aming pagtatakaBinigyang linaw ang aming dilat na mataAt ipinaunawa sa gitna ng aming mga pagtatanong

Page 28: ISKA  Mga Tula

22

Kung katapangan o karuwagan

Ang pagpapatiwakal?

Hindi kayo nagpatiwakal.Sistematiko lamang kayong napaslangNg lipunang mamamatay-mamamayan.

Page 29: ISKA  Mga Tula

23

OBLATE-MJ Rafal

Ibig ko lamang, ngayong gabi, ay mamulaklak.Bahagi ng malamig na halik ng hangin, magalak.Ang nakadagan sa aking dagok, aking inilagak

Sa kawalan, kasabay ng aking pamamaalam.Unawain ninyo ang aking kahulugan.Ragasa man ang mga nagtataka, nababalam,

Ang mga pang-unawang singkitid ng pagpaslang sa akin,Akayin sila sa katubusan ng aking paglisan at tunguhin.Nagbabadya, ang hininga ko'y titis, isang bituin.

Gapos ang liig, gapos ang kamay at mga paa,Sinubukan kong kilalanin ang nais nilang ipaunawa.Talaga lamang, ang lagi kong nakikita, nakikilala:

Funeraria, sa dulo ng maliwanag na kuweba;Ako, sakmal ng kanilang mababagsik na akala;Pangarap at pangakong nauwi sa wala.

Kailan nila mauunawaan ang aking kahulugan?Ano ang mga paraan? Ano pang mga dahilan?Tigmak ng dugo ang aking kasaysayan,

Alin sa mga dahon ang dapat nilang batayan?Rekwerdo ba akong marapat nang kalimutan?Unawain ninyo, ipinta sa lupa ang aking paglisan.

Ngayon, higit kailanman, hinog ang panahon.Gaygayin ninyo ang lansangan ng aking mga taon,Ang aking hininga, ang aking henerasyon.

Nanlilimos ng awa, ng dangal ang aking mga katulad.Para saan ang mga kamatayang nasasaksihan, nailalantad?

Page 30: ISKA  Mga Tula

24

Angkinin ninyo ako, ako ang testimonya ng naglintos na palad.

Reklamasyon, ako ang multo ng mga walang pangalan.Armas akong dapat ninyong makilala at tanganan.Kaya nga't kalampagin ang mga nagtutulug-tulugan,

Ang mga nagbibingi-bingihan, silang dapat nang patawan.Yanigin ang kanilang riwasa, ang kanilang katiwasayan,Kamatayan ko'y isang lantad na katotohanan.

Rekwerdo ba akong marapat nang kalimutan?Ilagak ninyo ako sa inyong mga kamao at talampakan.Simulan ang dapat nang simulan, ang aking kahulugan.

Takada ko'y hindi lamang isang hungkag na guni-guni.Entablado ako ng isang simula, ng pumipintig na pagmumuni.Lansagin ang mga kalaban! Ito'y laban ng mga uri.

Page 31: ISKA  Mga Tula

25

KUNG PERA ANG INUTANG; BUHAY ANG KAPALIT?

Study now; pay later (para kay Kristel) Lumalalim ang iniisipAt nalulunod sa hapis na hiraya.

Nagiging salarin ang hindi makakapagbayadKahit wala namang pagkaka-utang na karapatan.

Naniningil sa kaniya ang pagkasalatat pinapalakad sa alambre ang tagumpay.

Bakit ka ilalagpak o ituturing nakabura sa talaanKung kayang sagutan ng tama ang lahat ng pagsusulit.

Saan mo hahanapin ang pag-asaKung ibinabaon ka dahil kapos ang iyong bulsa.

IIPara saan ang buwis,Lahat ay nagbabayad; iilan ang nakikinabang.

Para saan ang gobyerno,Lahat ng karaniwang karapatan; laging kinakapa sa hangin.

Para saan ang pamantasan,Lahat ay estudyante; iilan lang ang gustong mag-aral.

Para saan ang karunungan,Ngayong nagiging totoo; hadlang ang kahirapan sa pagtatapos.

Ben D.NilloMarso 16, 2013Pasig City

Page 32: ISKA  Mga Tula

26

BEHEYVYORAL SAYANS o Ang (dis)Kursong Hindi Na-Gets ni Kristel-German Gervacio

n. A scientific discipline, such as sociology, anthropology, or psy-chology, in which the actions and reactions of humans and animals are studied through observational and experimental methods.

sige nga, mag-experiment tayo

dapat lang tayo kasi ang mga pantasang siga

ang astig

maglagay tayo ng mga kuting

sa isang garapon

at obserbahan natin

kung halimbawang

ang isang kuting ay palayasin natin

dahil nabalam ang pag-ientriga niya ng daga

na pinakabayad niya sa pagtira niya sa garapon

dahil ang kanyang papa cat

at mama cat

Page 33: ISKA  Mga Tula

27

ay naantala sa pagsasangla ng labingwalo

nitong mga buhay

panoorin natin

kung paano ngumawa

ang kuting

kung paano

lumuhod

hanggang magasgas

ang tuhod

at dangal

mga hangal naman talaga itong kahayupan!

kaya dapat lang ito sa kanila

ni hindi nga nila alam

na kanila naman talaga

ang garapon

kaya, sige nga

mag-experiment tayo

gaya nang lagi nating ginagawa

Page 34: ISKA  Mga Tula

28

at mataman natin silang obserbahan

kung paano nagdadalamhati

ang kahayupan

eto

teka

teka

parang tunay ang pagdadalamhati

sa pagkawala ng isang buhay

ng isang babaeng kuting

sige nga,

mag-experiment tayo...

obserbahan natin

kung magkakalakas-loob na itong

mga kahayupang ito

na

m

a

ng a

Page 35: ISKA  Mga Tula

29

l

m

o

o

o

o

t

t

t

.

.

.

.

Page 36: ISKA  Mga Tula

30

SA UMAGANG ITO*-Kislap Alitaptap15 Marso 2013

Sa umagang ito’yNakasalubong ko ang iyong ngitiSa hangin.Sa iyong mukha’y nakita koAng pag-asa.Gaya noong mga unang araw moSa kolehiyo.Ang pag-asang sa bakurang pinasokMo ika’y lalabas dito, magtatapos,At iyong maitataguyodAng kabuhayan sa inyong tahanan.Dalisay ang mga pangarap naInaawit ng iyong ngiti.

Ang pighati’y mga alikabokSa nakasanib sa hangin.Sa puso ng umaga’y umaagosAng panghihinayang.Panghihinayang na tumitibokNg galit.Galit na naghihintay ng pagsabog.

Ilang umaga pa ba angMasasalubong ko nang ganito?Ilang mga ngiti pa baAng masasayang?Habang sa lipuna’y gumagapangAng mga salaring pumapatayNg mga dalisay na pangarap.Ilang pag-asa pa ba angBasta na lang malulusawSa kandungan ng hangin?

Page 37: ISKA  Mga Tula

31

Sa umagang ito’yMay mga diwa kang ginisingAng pananahimik.May mga hamon kang ipinarating.Ang mga panawaga’y palalaganapin!Ang mga mithii’y kakamtin!

Sa umagang ito’yInakay mo ang diwa kongMaghimagsik.Patuloy na maghimagsik!

*binagong bersyon. sa orihinal na bersyon ay mababasa ang pan-galan nung "subject", sa pamagat at sa baha-bahagi mismo ng tula. Bilang respeto na rin sa pamilyang nagluluksa, sa kanilang privacy, at sa iba pang implikasyon na maaaring ibunga nito.

Page 38: ISKA  Mga Tula

32

THE SCIENCE OF BEHAVIOUR(my personal prayer for Kristel*)

"...Tandaan (Remember) : Without true love, we’re nothing"**

A self-immolation of sorts.A last resort.A way out.A message.

"...Tandaan (Remember) : Without true love, we’re nothing"

It has come to thisand it doesn't matterif it's courageor cowardice.

The student has nowbecome the teachereven before 'learning'the 'science of behaviour':

by sheer performanceof utter 'misconduct'--from 'unpaid debts'to 'self-murder'.

"...Tandaan (Remember) : Without true love, we’re nothing"

Consider, fellow learners,this most disturbing behaviour:

the one who bestows loveto a thing she loves most,is denied the very thingshe bestows her love upon...And so, it has come to this

Page 39: ISKA  Mga Tula

33

and it doesn't matterif it's courageor cowardice.

A self-immolation of sorts.A last resort.A way out.A message.

A Kristel-clear message.

"...Tandaan (Remember) : Without true love, we’re nothing"

I offer my highest salutationsfor the powerful performanceyou have shown us.

I offer my deepest gratitudefor the profoundest lessonyou have taught us:

"...Tandaan (Remember) : Without true love, we’re nothing"

Rest in Love and Peace. *16-year-old Kristel Pilar Mariz Tejada was once a student of Behavioral Sciences in University of the Philippines, Manila.

"Two days before she killed herself on a Friday (march 16, 2013), Kristel ——was forced to take a leave of absence for the second semester after she failed to pay her tuition due to her family’s dire financial situation." (Read more: http://newsinfo.inquirer.net/375303/for-kristel-tejada-study-ing-was-a-coping-mechanism#)

**This is the last line in her suicide note. 19 March 2013Maryjane Alejo.

Page 40: ISKA  Mga Tula

34

NAKABUROL SI OBLE-MaCecilia DelaRosa

nakaburol si Oble ngayonngunit tuloy ang buhay sa UP.tuloy ang buhay dahilmay mga nalalabi pangaraw sa eskwela.

may dahilan pa para kumantang love song sa RH* Lobbymay dahilan pa para tumawamay dahilan pa rin parapag-usapan ang mga bagaymaliban sa kamatayan.

sa mga klasrum,tayo'y nagsusugalpara sa grado.itinaya na natinang buong semestretulad noong ilang buwangitinaya ni Kristel.uubusin pa natin ang syllabus,marami pang dapat mataposmarami pang dapat matutunan.sayang ang binayadng ating mga magulangkung di yan masusukatng exam.

tuloy ang buhaymamarkahan pa ring absentyaong di sumagot ng presentkapag nagroll callng mga officially enrolled.

Page 41: ISKA  Mga Tula

35

lahat tayo’y nakaitim.tuloy ang buhay,magrereport ka pa rin.

itutuloy natin ang diskusyonsa mga teorya,di pa tapos talakayin si Marx.pag-uusapan pa natinang "alienation of labor"ang "state apparatus"ni AlthusserOMG! ilang pages ang paper?

a, mamaya'y magandaang paksa, tungkol sasubersyon ng hiphopat komiksgayundin kung paanokinikritik ng siningang balituna sa lipunan.papel kasi natin yanbilang mga iskolar ng bayan.

nakaburol si Oble.nakaburol si Kristel.may dahilan para lumabanpero bawal ang lumibandahil tuloy pa rin ang buhay.

maingay sa labas.shut up, we have class!tuloy ang buhay.

sa puso natin,taimtim ang pagdarasalngunit tuloy pa rin ang buhay.

Page 42: ISKA  Mga Tula

36

nagluluksa tayongunit tulad sa maraming lamaysa labas nagaganapang tunay na parangal.

*RH - Rizal Hall, yung bilding ng College of Arts and Sciences sa Faura.

Page 43: ISKA  Mga Tula

37

Gigising Tayong Muli-Lenkurt Lopez

luksa't sisi'y nagtatagisan.umiikot sa hangin,mga kat'wiran.nililitis ang inagawan ng buhaypikit-mataang nang-agaw buhay ginising lamang tayong ating panaginipsa pansamantalangpagkakaidlip.magkakahiwalay mantayong nagisingsa iba't ibangsilidtayo'y magkikitang mulihahabi ng bangungotat iwawaksisa mga nagtutulug-tulugan.upang tuluyan na silang mahihimbing,at hindi na sila magigisingkailanman. kay kristel

Page 44: ISKA  Mga Tula

38

SI KRISTEL (Para sa pamilya ni Kristel Tejada)-Richard Ducat

Si KristelBatang TundoLumaki sa kahirapanTaxi drayber ang kanyang amaWalang trabaho ang kanyang nanay

Nag-aral sa UP40 pesos ang kanyang peraKendi ang kanyang pagkainPinagkait ang kayang karapatanNamatay

Maraming Kristel ang nagalit Maraming Kristel ang nakibakaMaraming Kristel ang lumalabanDahil gusto naming ipaglaban ang aming karapatan...

Tondo, Maynila Marso 20, 2013

Page 45: ISKA  Mga Tula

39

KRISTEL TEJADA-Stum Casia Kung di ka namin papangalanan,Baka agad kang malimutan.

Kung mukha mo ay tatakpan,Paano mayayanig ang kanilang konsensya’t katahimikan?

Hindi na ako hihingi ng paumanhin.Walang pasintabing sasabihin.

Kristel Tejada, ito ang pangalang inalis nila sa listahan.Kristel Tejada, ito ang pangalang binawalang makapasok ng pamantasan.Kristel Tejada, ito ang pangalang pinagkaitan.Kristel Tejada, ito ang pangalang hanggang sa kahuli-hulihan ay sinusukat at pinagdudahan.

Kami rin binabawalan.Wag ka raw naming gamitin sa aming interes at laos na ipinaglala-ban.

Hindi na ako magtataka kung ibahin na nila ang usapan.Na isang araw lalabas na iba ang dahilan ng iyong kamatayan.

Pag-ibig na di nasuklian.Minimithing pag-aartista na hindi mahawakan.

Isang araw sisisihin na ang iyong mga magulang.Ang iyong adviser. Ang mga kakaklaseng hindi masandalan.

Sisihin nila ang sikip ng bangketa ng Padre Faura. Sisisihin nila ang mga tindera ng silver cleaner.Ang mga manufacturer.

Page 46: ISKA  Mga Tula

40

Sisihin nila ang lahatMaliban sa sistema ng eduksayon sa Pilipinasna nag-abot sa iyo ng panlinis ng pilak.

Ang totong kamay na nagtulakPara ituloy mo ang iyong balak.

Sa isa pang pagkakataon,Hayaan mo ako na aking ulitin.

Kung di ka namin papangalanan,Baka agad kang malimutan.

Kung mukha mo ay tatakpan,Paano mayayanig ang kanilang konsensya’t katahimikan?

Hindi na ako hihingi ng paumanhin.Walang pasintabing sasabihin.

Kristel Tejada, ito ang pangalang inalis nila sa listahan.Kristel Tejada, ito ang pangalang binawalang makapasok ng pamantasan.Kristel Tejada, ito ang pangalang pinagkaitan.Kristel Tejada, ito ang pangalang hanggang sa kahuli-hulihan ay sinusukat at pinagdudahan.

Kristel Tejada.Hindi ka na lamang mukha at pangalan.Bahagi ka na ng ating ipapanalong laban.

Page 47: ISKA  Mga Tula

41

LEAVE OF ABSENSE-Stum Casia

Isa-isang dumating ang mga bisita.Walang imik at walang pangalan silang makikisalo sa hapag-kain-an. Mag-uunahan silang ubusin ang kani-kanilang gutom.Hindi na niya uubusin ang laman ng pinggan. Wala na rin siya mamayang tanghalian.

Page 48: ISKA  Mga Tula

42

PAGLISA’Y PANANATILI-Hector Brizuela

Ganito kita nais alalahaninNi wala sa gunita na minsan kitang nakilalaNgunit nakilala kita 'pagkatang iyong wangis ay amin rinang iyong tinig ay siya ring himig namin

Itinudla sa wakas ang iyong kapalaranngunit ang ami'y magpapatuloyna parang lagablab ng sumisidhing apoyna tila ningas sa ilawan kung saan dadaloy.

Ang iyo ay wakas ngunit ami'y paggisingAng iyo ay paglisan ngunit ami'y pagdatingng matagal nang inaasam na pagbabalikwasng sinisikil na kabataan, alay ay niningas

Ikaw ma'y lumisan, sa ami'y mananatiliang bigwas ng katarunga'y aming minimithimadilim man ang dapithapo'y di mawawaksisa mapulang umagang sasalubongdi na magdarahopdi na magtitiis.

Page 49: ISKA  Mga Tula

43

Minsa'y May Nangarap Lumipad(Para kay Kristel Tejada)

May mga pangarap na ipinapanganak na may pakpakKay daling arugain, kaunting tulak langPumapaimbulong agad sa papawirin,Di man lang dumaan sa maulapNa langit.

May mga pangarap na iniluwalSa pusod ng unosGaano mo man pandunganAy di malihis sa bagsik ng buhos.Ang malimit na pakikipagbunoAng siyang huhulma at bubuoGanito ang lupit ng panahonKaya't sa pagbagsak ay dapat ding umahon.

Ang pangarap na binalian ng bagwisAy pagtudla sa asam at pagnanaisNgunit di rin ito mapipigilang Manganganak ng pag-asaNa marami pang iba ang sasagupa sa dilim o dustaIto ang ganti sa pamamaslangNg karapatang lumipad.

Luchie MarananBaguio CityMarch 20,2013

Page 50: ISKA  Mga Tula

44

Hostage noong Marso 2007 Suicide nitong Marso 2013-Piping Walang Kamay

kasalanan namin ang lahatkaming mga kapuspaladna nangangarap makapag aralat makapagtapos sa pamantasankung bakit ganito ang sinapit na kalagayan simulat sapul interes ng mga nangangapitalat karamihan ng mga nasa gobyernona higit pang makapagkamal ng tubonagpanggap ang mga damuhong santomaging edukador ng bayan sa sentronagtayo ng mga paaralan at pamantasantumakbo ang iba sa bawat halalanupang makapwesto sa pamahalaanat higit pang payabungin ang kanilang yaman habang pinaparami ang mga pribadong eskwelahanlumiliit ang bilang ng mga pampublikong paaralanat nagpapatuloy na pinababayaankahit nagbabayad ng buwis ang mamamayannananatili sa pagkabulok ang mga kagamitanat ang maganda pa sa kanilang layuninmataas na matrikula ikaw ngayon ay pagbabayarin paanong hindi ka makakaisip magpatiwakalo kaya mang-hostage ng isang bus ng mga musmos na nag-aaral*gayong itong mga nakapwesto sa malakanyanginaatupag lang paano higit pang yayamanhabang ang kabuhayan ng sambayanankulang pa ngang pantustos ng ipanglalaman sa tiyan kasalanan namin ang lahatkaming mga kapuspaladiilan lang kasi ang lumalaban

Page 51: ISKA  Mga Tula

45

kahit harap-harapanmayroong ginigilitan ng karapatanitong mga panginoon na nasa pamahalaan [tula] 2013_06_03 *isang inhinyero ang nang-hostage ng mga musmos na bata sa isang bus noong March 28, 2007 dahil sa patuloy na kawalang aksyon ng pamahalaan sa paglala at pagmamahal ng presyo ng edukasyon sa bansa at patuloy na kawalang kabuhayan para sa mamamayan. Ilang taon matapos nito wala pa ding pagbabago. Sa parehong taon, may mag-aaral na UP manila na tinakasan ng katinuan dahil din sa usapin ng matrikula sa UP. dinala siya sa ward 7 ng PGH noon. Ang ito na nga ang masakit at nakakagalit, isang mag-aaral sa UP Manila ang natulak magpatiwakal dahil sa komersyalisado, ma-ka-dayuhan at mapanupil na sistema ng edukasyon. Dapat nating ikagalit ang at patuloy na ipaglaban ang ating mga batayang kara-patan. Mauulit ang mga hostage o pagpapatiwakal kapag hindi tayo kikilos. kahit ang totoo kaya nating pagtagumpayan ang laban dahil mas marami tayo. Habang itong nasa pamahalaan, imbes na bigyang solusyon ang tu-mitinding problema sa edukasyon, patuloy lamang sa pagtutulak ng pagtataas ng matrikula sa mga pamantasan (pribado man o publiko) at ibabalik pa ang sisi sa mamamayan kung bakit sumasahol ang kalagayan.

Page 52: ISKA  Mga Tula

46

ANG BABAENG PINAGKAITANG MAKAPAG-ARAL-Juan dela Cruz

Ang babaeng pinagkaitang makapag-aralSinikap magtapos para sa pamilyaNgunit kapos sa pondoTatay nya’y drayberNanay naman ay isang kasambahayKapatid ay lima.Namumoblema kung pano mapagkakasya ang sahod ng amaNahuli sa pag bayad ng matrikula, siya ngayo’y nangambaAng solusyon na naisip ay magpatiwakal.Ganito na ba kahigpit ang pamantasang pampublikoKelangan pang may malagutan ng hininga upang maisip at madama ang hirap at pasakit ng pangkaraniwang tao?

Page 53: ISKA  Mga Tula

47

Pursuit of Excellence-Emmanuel Halabaso

nang tumuntong sa pasilyong tinitinggalang unibersidadngiti ang gumuhit sa labi.kabado man ang pares ng paangnakatunton sa pasilyomay bitbit itong pangarap-handa ito sa mahabang paglalakbay. kaya tinahak ang daanna kahit mapangahaspinilit itong binagtas. ngunit may hangganan palasa hindi mo maintindihang dahilankailangan may pamasahekahit maaari namang maglakadkaya naiwan ka,naiwan. mahirap palang habulin ang tagumpay--hindi sapat ang kalyo sa talampakan;ang matibay na tuhod;ang lakas ng loob na ipagpatuloy ang paglalakbay? dahil sa dulo,mamasahe man o hindimay toll gate na nakaabang-maninigil sa ginamit mong kalsada walang pagpipilian bago ang tagumpay--walang daan. walang daan. walang-wala.

Page 54: ISKA  Mga Tula

48

naiwan ka. naiwan ka.naiwan. naiwan.iniwan. iniwan ang mapangahas na unibersidad at ang mundong hindi ka kinilala.

Page 55: ISKA  Mga Tula

49

Hindi Porke sa UST, Ateneo o La Salle Ka Nag-aaral o Gumrad-weyt...-Jonna Baldres

Hindi porke sa UST, Ateneo o La Salle ka nag-aaral o gumradweyt,Hindi ka apektado. Hindi porke 'di mo kilala nang personal si Kristel*,Hindi ka apektado. Hindi porke nasa ibang bansa ka na at wala ka nang pakialam sa nangyayari sa Pilipinasdahil ang gusto mo lang naman ay magpadala sa iyong pamilya,Hindi ka na apektado. Hindi. Hindi sapat na dahilan ang mga iyon para magsawalang-bahala.Dahil kahit nasaan ka pa, anuman ang iyong propesyon, damay ka. Buwis mo ang ipinambabayad sa pagpapa-aral sa mga Iskolar ng Bayan.Dugo at pawis mo ang nagpapatakbo sa pambansang pamantasan. Buwis mo --mula sa VAT** na ipinapataw sa pang-araw-araw na mga bilihin at serbisyo;mula sa buwis na kinakaltas sa iyong sweldo sa trabaho;mula sa remittances na pinapadala mo sa pamilya mo. Pero may isang namatay, nagpakamatay, pinatay --ng isang bulok na sistemang hindi ginamit sa ayosang buwis mong ibinigay. Ang gusto lamang naman n'ya ay makapagtapos ng isang semestre. Pero sukdulan na talagang binitawan ng estado ang responsibilidad nito

Page 56: ISKA  Mga Tula

50

sa dapat sana'y itinuturing na PAMBANSANG UNIBERSIDAD -- Hindi. Hindi nito tinupad ang responsibilidad. Hindi nito ibinigay sa kanya ang pagkakataon.Dahil wala raw pambayad ang pamilya n'ya! Pero hindi nga ba't bayad na s'ya?Matagal na't araw-araw pa, minu-minuto, segu-segundo. Bayad na s'ya, mula pa sa buwis mo,at ng bawat mamamayang kumakayod nang husto! Pero saan nga ba napunta ang buwis na ibinabayad mo? Hindi.Hindi kay Kristel. Hindi sa Iskolar ng Bayan.Malinaw 'yan sa mga naging kaganapan.Malinaw na napunta sa mga kamay ng mga nasilaw sa ginto't yaman. Ilan pang Iskolar ng Bayan, ilan pang kabataan,ang mamamatay, magpapakamatay, papatayin --ng bulok na sistema ng estado? Ilan pa, hangga't patuloy mong sinasabi sa sarili: "Hindi ako apektado!" 16 Marso 2013New York, USA ---------------*http://www.philippinecollegian.org/upm-freshman-commits-suicide/**VAT = Value Added Tax

Page 57: ISKA  Mga Tula

51

Sapagkat laging makulimlim ang umaga, ha K...?-Noel Sales Barcelona

Mahamog ang umagaHumalik lamig sa pisngiat gumapang sa kaluluwa,sa diwa, sa katawang patasa araw-araw na sapalaransa bahay, sa eskwela. hay! hay! hay! tanging sambitniyaring bibig na hindi man lamangnakipagpalit sa iyo ng salitasubalit ibig ngayong salinginkahit munting saglit, kahit ilang panahondiwa mong singlabo ng makutim na ulapsa panahon ng tagbagyo. sapagkat lagi nga bang makulimlimang umaga, ha, Kristel,at niyakap mo ang dilim ng gabi?ay! simpait pala ng kapeng matabangpagyakap sa pangarap.bakit nga ba patuloy na pinagkakaitangaya nating mahirap lamang? nawa'y dumating ang arawaraw ng katuwiranan --at doon ay wala nang sisiping pasa gabing kaypanglawna walang bituin at buwanat sisikat araw -- ginto, makinangupang yapusin katawan mong malamig

Page 58: ISKA  Mga Tula

52

na sa iyong higaan sapagkatpiniling yakapin ang gabisapagkat laging mapanglaw umagasa mga anak-dalita... *** Kay Kristel T., estudyante...

Page 59: ISKA  Mga Tula

53

Mga ingay na di kayang isilid-Sam Montuya

Sumisigaw ang iyong isipnangangalit.Nagtatanong.nanghahamon.May ingay na tahimikkinikimkim,iniipit.Pinatatahimik.May ingay na pilit pinapatayMay upos na sa dagli'y nabubuwal. Ngunit ang ganitong pagkakataon.May ingay na di kayang isilid.May ingay na di maaaring manatili sa laptopo sa apat na sulok ng talaarawano ng kwaderno.May ingay na di nakukuntento sa GMo sa twitterMay ingay na dapat lumabasat ilabasMay ingay na may saysay.gaya nito. Mga ingay na kailangang manindigan.Sa wasto at makatarungan.Kung sa bawat oras may kristel na pinapaslang ng edukasyong para lamang sa mayayamannagaalay ng buhay para sa karapatang mag-aral.Kung sa bawat minuto, may magsasakang dinarahas, pinagkakaitanKung sa bawat araw may Ka Fort na nawawalan ng kabuhayan at pinapaslang kung lumaban

Page 60: ISKA  Mga Tula

54

Kung sa bawat pagkakataon, may gapirasong tahanan kung san ating binuo ang bawat pangarap ay pinapawi ng mga hukluban upang bigyan idaan ang tunay niyang mahal Nililikha nito ang ingayna may ritmo't alingawngaw.May apoy na binubuo ang natatanging ingayNagpapaalabNagpapainitapoy na tumutungo sa estakato ng mga diyosDoon sa mendiola.Doon sa kanayunanDoon sa mga parangkung saan hinahamon ang ating lakasupang tayo'y mag-ingay.kung saan hinahamon natin ang kanilang lakasLaban sa sambayanan. Sapagkat,sa mga pagkakataong ito,may mga ingay na di kayang isilido ipiito patahimikin. May ingay na nangagalit. LalabanMakikidigma'tMagbabago.

Page 61: ISKA  Mga Tula

55

Maghimagsik (Tugon kay Emil)-Dan Borjal

Maghimagsik sa umagang itoSapagkat si Kristel ay binawian ng buhayMula sa sariling mga kamayMula sa sariling pagdurusaMula sa kawalan ng pag-asaDahil walang pangmatrikulaKinabukasa’y lumaho na parang bulaSapagkat nakintal sa isip ng masaDiploma ang tanging pag-asaNa makaahon sa karukhaanKarukhaang kumakapit na parang lintaSa lipunang pinaghaharianNg mga dambuhalang lintaNa sumisipsip sa yaman ng bansaNa sumisipsip sa pawis at dugoNg manggagawa at mangsasakaAt iba pang lumilkiha ng yaman ng lipunanMga gahaman sa tubo, upa at anupamang makakamkamMga naghahari-hariang nagdedelirio sa kasakiman. Maghimagsik sa umagang itoMaghimagsik araw-arawMaghimagsik hanggang sa ang mga halimawAy bawian ng buhayMula sa mga kamayMula sa galit at pagkamuhiMula sa matatag na paniniwalaSa katwiran at katarunganNg masang matagal nang binusabos.

Page 62: ISKA  Mga Tula

56

Sa Batang Ayaw Pangalanan-Raymund Villanueva(Para kay Kristel Tejada, 16) Lumimlim ang araw, ang hangi’y humaligmigNang mabalitaan ang iyong pagtawidSa kawalang suliranin, sa kabilang daigdigIniwa’y mundong panandaliang naantig Simbilis ng kidlat, sing-tulin ng hagibisNaghugas-kamay ang mga salarinWalang kasalanan silang malilinisSilang buhay mo’y laon nang itinigis Tulong nila’y sa trabaho’t sweldo’y lampas-lampasanAnila’y pagpapatiwakal ay kasalanan ng tiwakalAng batas ay batas, banta sa sinumanLalo’t higit sa mapangaraping kabataan Kamalas-malasang isinilang kapos-kapalaranKay-tayog mangarap, gustong makapagaralGayong ama’y lamang-kalye, namamasada lamangIna’y maybahay, walang kabuhayan Tila bagang ika’y nanaginip, batang hangalSa eskwelahang tanyag, sumubok, nangahas“UP Naming Mahal”, pamantasang napakamahalUnibersidad ng bayan, pilak ang tanghal Higit na trahedya ng iyong kamatayanBago ka pa ilibing, balaking ibaonAng iyong dahilan, ang iyong larawanAng iyong hiyaw, ang iyong ngalan

Page 63: ISKA  Mga Tula

57

Ang ika’y malimot madali nga namanKung naisantabi ang iyong katauhanHindi biktima ang walang pangalanWalang alaala ang hindi pinapangalanan 16 Marso 2013 1:09 n.u

Page 64: ISKA  Mga Tula

58

Ang Kanilang Pakikipagdalamhati-Raymund Villanueva

Nakidalamhati sila sa pamilya ng patay--badha sa mukha ang panghihinayanglungkot ang tinig, balikat ay lungayngay. Ang wika nila'y ganito: "Ipinagutos kahapon ang pagrebisa nitong patakaran sa matrikula." "Wala kaming magagawa sa palisiya ng mga eskwela." "'Wag sanang katasin ng mga militante ang kamatayan ng isang estudyante." "Ang tulong sa pamilya'y nagpapatuloy. Sa katunayan, kami nga'y magaabuloy." Anong kapangyarihan kaya sila mayroon--kayang pumatay ng bangkay sa loob ng kabaong? -1:29 n.h. 17 Marso 2013

Page 65: ISKA  Mga Tula

59

For Kristel Tejada- Frances Elaine Belicario Trazo

“... there is only one sin, only one. And that is theft. Every other sin is a variation of theft... there is no act more wretched than stealing.”-Khaled Hosseini, The Kite Runner More violent than murder, there's nothing as ruthless as being driven to take your own life. And as though that is not enough, the violence in it is taken to a more gratuitous level in treating the individual's demise as nothing more than an "isolated case" and blaming the de-ceased herself, if not her family. The story, as you should know, doesn't end here. For Kristel Tejada Young jewelPilfered of dreamsStranded in nightmareSo in midnight airBefore her kin stirredShe raised to her lipsBitter dosagePotion for lusterA sip to slipDeep in endless keepDreamlessQuietly into the lightIn the hours brightThey shall findYoung jewelStranded in nightmarePilfered of dreamsYet she gleamsFor even in sleepSafe in endless keepHer very dreams

Page 66: ISKA  Mga Tula

60

The luster within and aroundIn thousandsA refrain to resoundTo haunt and huntThem thieves and pilferersTears will be fierceLight shall pierceFadeless even at night

Page 67: ISKA  Mga Tula

61

Luksang Pamantasan-Patrick Alzona Nangatal ang mga nakadipang kamay ng oblation,halos magupo ang tanso nitong mga tuhod,at waring humiyaw ng isang napiping palahawat naging isang lugmok na tindig ang estatwaisang madaling araw. Nagulantang ang lahat nang nabahiran ng dugoang kamay ng bawat iskolar, guro, kawani't administradorsa isang malagim na pagkamatay, tumalsik sa mga pulumpon ng perang nakabinbinsa guni-guning kaban ng unibersidad, tumulo sa bawatform 5, resibo, hanggang dumanak sa diploma-- at biglaang nagturuan ng mga daliriang mga pinaghihinalaan ibinintang sa gumuhong pag-asa, mahinang kalooban,mataas na matrikula, buktot na sistema;ang magulang, ang biktima, ang mga walang malayna pilit hinahanapan ng maakusahanang mga bagay na hindi nila lubos na maunawaan ilang naghuhugas na kamay na mga salarin na anumangpagkuskos ay hindi maialis; mangilang ipinapahid sa ibaang dugo, at narito tayong nakatinginsa ating mga nakaumang na palad,ang ating mga namumugtong mga matapumapatak ang lumbay at galitsa duguang mga palad, ikinukuyom at isinasadibdibsa mga pusong naghihinagpis upang ianakang isang nagngangalit na ngalan--katarungan.

Page 68: ISKA  Mga Tula

62

Ngayon, ang buhay niya ay habambuhayna pipintig sa bawat kamao at pusongmapangahas na hinahawan ang katarungansa lipunan, magsasakristal ang magnanaknakng pakikibakang hindi hahayaang mabura/malimot ang kaniyang pangalan. #Marso 18, 2013

Page 69: ISKA  Mga Tula

63

Kristel Tejada

Dukha, matalinong iskolar ng bayan.Kahit nagsunog-kilay sa pamantasan,Ginipit ka, pangarap mo ay sinakal. Batas na “forced leave” at “no late” na bayaranSa iyong mukha, pilit isinungalngal:Dukha, matalinong iskolar ng bayan. Nanikluhod na tila pa nagdarasal,Nagmamakaawa ang iyong magulang;Ginipit ka, pangarap mo ay sinakal. At kipkip mong I.D. ng UP, inagaw.Saan ka ngayon susuling at lulugar?Dukha, matalinong iskolar ng bayan. At ito na nga, huling palatandaanSa pamantasang nag-iba na ng asal;Ginipit ka, pangarap mo ay sinakal. Pasya mong tawirin ang kabilang pampang,Nagmitsa sa amin: ituloy ang laban!Dukha, matalinong iskolar ng bayan;Ginipit ka, pangarap mo ay sinakal. # -Richard R. Gappi9:09PM, Wednesday, March 20, 2013Angono Tres-Siete (3/7) Poetry SocietyAngono, Rizal, Pilipinas

Page 70: ISKA  Mga Tula

64

Saka, Nang?-Danilo C. Diaz

Nang ikaw'y pumanaw saka mo binuhayPilak kang makulay ginto ang iniwan.Sa iyong kandungan ang naging hantunganSakit ng tahanan makinang na yaman.Kilay mong napagod hindi man nasunogAng iyong pagsubok sumabog sa busogKinulang ang lungkot ng mga lumunodNang ikaw’y matulog saka pa nag-abot.Pag-ulit ng sugat lalong magnanaknakHindi na maawat saka pinupunas.Nang may tumatagas hindi inaampatKapag umiiyak bubulong ng lakas.May bangong alabok masangsang ang usokNang merong himutok kinulong sa sulok.Habang nauupos saka niyayaposMga madadamot ang naghihilamos.Nang ayaw tumakas saka ba umalpas,Saka pa didilat nang ikaw’y magmulat?

Page 71: ISKA  Mga Tula

65

ELEHIYA KAY KRISTEL TEJADA-Glenn Ford Tolentino

i. Prologo At dahil, marahil ninais mong palayainang mga anino at yabag ng kahirapan sa loob o saloobin ng mga nakabayubay na pangarap sa tarangkahan ng akademya. O, napakabigat ng iyong dagling paglisan. Ngayon, yumayanig ang iniwan mong himigat pahiwatig sa mga pahina ng aklat at pag-ibig. Nakareseta sa iyong huling liham ang pag-iral. ii. Leave of Absence ‡Pa a l a m U.P. NAMING MAHAL. . .

Page 72: ISKA  Mga Tula

66

iii. Behebyural Sayans 101 "But now the whole tree of my jubilationis breaking, in the storm it is breaking, my slowtree of joy." LAMENT, —Rainer Maria Rilke Masinsing inaaral ni Oble ang sikolohiya ng iyong pamamaalam—Binabalangkas ang ekwesyon o solusyon ng buhay at kamatayan, Binivista ang panginurin—upang kalkulahin ang grabedad ng utangat katarungan, O ng obligasyon at karapatan sa edukasyon. Heto't dumestansiya ang Malakanyang, hugas kamay na ang Pamantasanat pilit nilang inililigaw ang iyong sinapit sa salimuot o mitolohiya nang pagpapatiwakal ng isang bida sa telenobela: Ihahaka nilaang anggulo ng relasyon at ipapanukalang ninakaw ang katinuan mo ng depresyon—at ilalantad ito ng de-kahong medya sa publikoupang pulutanin o dapat at marahil ay siyasatin ng mga miron... Dadami ang mag-aastang sikolohista. Habang pampalubag ng BurukrataKapitalista ang NO LATE PAYMENT POLICY sa loob ng siste-mang bulok. Ngayon pang binabaybay mo na ang misteryo ng sensiya't pilosopiya.

Page 73: ISKA  Mga Tula
Page 74: ISKA  Mga Tula