istruktura ng wika

57
ISTRUKTURA NG WIKA ISTRUKTURA NG WIKA ROCHELLE M.PANGAN ROCHELLE M.PANGAN 1

Upload: rochelle-pangan

Post on 18-Aug-2015

393 views

Category:

Education


43 download

TRANSCRIPT

ISTRUKTURA NG WIKAISTRUKTURA NG WIKAISTRUKTURA NG WIKAISTRUKTURA NG WIKA

ROCHELLE M.PANGANROCHELLE M.PANGAN

1

KABANATA 5

Palabuuan ng Pangungusap

2

Ang SalitaAng kaugnayan ng isang salita, parirala, o sugnay ay makikilala

sa kagamitang pinaglagyan sa pagkakabuo ng isang pahayag tulad

ng 1. pagkapaksa2.pagkapamuno3. pagkapinakadiwa

3

4. Pagkakaganapan5. Pagkapanuring6. Pagkapang-ugnay7. Pagkamalayang sangkap8. Pagkatagaganap

4

KAYARIAN ng SALITA1.Payak

2.Maylapi3.Inuulit

4.Tambalan

5

PAYAKBinubuo ng salitang-ugat lamang

Halimbawabayan gandaaklat tuloglahi luwang

6

MAYLAPI

Binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi

7

Halimbawa

Panlapi + Salitang-ugat Salita

Um- alis umalis -in, -an tulong

tinulungan mag-,um- sikap

magsumikap

8

INUULIT

Ang salita ay inuulit kung ang kabuuan nito o ang isa o higit

pang pantig nito ay inuulit.

9

Dalawang Uri ng Pag-uulit

a. Pag-uulit na GanapSa uring ito, ang inuulit ay ang buong salitang-ugat.

HalimbawaSalitang-ugat Pag-uulitsabi sabi-sabibuhay buhay-buhay

10

b. Pag-uulit na di-ganap o ParsyalBahagi lamang ng salita ang

inuulit

HalimbawaSalitang-ugat Pag-uulitikot iikotusok uusoksumakay sumasakay-sakay

11

TAMBALANDalawang salitang pinagsama para makabuo ng isang salita.Ito ay maaaring ganap o di-ganap.Ganap ang pagtatambal kung ang dalawang salitang pinagsama ay nagkakaroon ng panibagong kahulugan at di-ganap naman kung nananatili ang kahulugan.

12

Halimbawa

Di-Ganap Ganap bahaghari ingat-

yaman anakpawis urong-

sulong nagmamahabang-dulang pamatid-

uhaw

13

Ano ba ang Parirala ?

Ito ay isang lipon ng salita na walang simuno at panaguri

ginagamit ito bilang isang bahagi ng pangungusap.

14

Uri ng Pariralaa. Pariralang Pang-ukol

Ito ay pinangungunahan ng mga pang-ukol na na, sa, ng, para kay/sa, alinsunod kay/sa , hinggil sa/kay at layon na maaaring pangngalan o panghalip.

15

Halimbawa

sa pook para sa batahinggil sa bayan para sa

mamamayanalinsunod sa batas hinggil kay Pedro

16

b.Pariralang PawatasIto ay binubuo ng pawatas ng pandiwa at layon o panuring nito.

Halimbawaumiwas sa bayanumibig sa bayanmanghabol sa bata

17

c. Pariralang sa Pangngalan-diwa

HalimbawaPandiwa Pinaghanguan

Pangngalan-diwaNaglaba maglaba

paglalabaNagbungkal magbungkal

pagbubungkal

18

d.Pariralang Pandiwa

Halimbawanagtatanim ng palay paglilinis ng bahaymagpipinta ng larawanpagbubungkal ng lupanagtitnda ng mani

19

e.Pariralang Pang-uri

HalimbawaSi Jose Rizal ang martir.Pagtatanim ang mahirap.Hinahangaan ang matalino.

20

f.Pariralang Pang-abay

Halimabawa

lumalakad na patalikoddumating kaninang umagauulan na naman yata

21

Gamit ng Pariralang Pambalarila

Ito’y maaring pangngalan, pang-uri o pang-abay ng pangungusap.

A.Pariralang PangngalanIto ay ginagamit bilang paksa at

kaganapang pansimuno.

22

1. Bilang paksa

Halimbawa1. Ang hinggil sa kanila ay pinag-uusapan.2. Ang para sa iyo ay isang magarang kotse.3. Ang magpinta ng larawan ay kanyang hilig.

23

2. Kaganapang PansimunoHalimbawa

1. Ang larawan ay hinggil sa isang dakilang ina.

2. Ang lapis ay para sa bata.3. Ang paksa ng aralin ay ukol

sa pagbuo ng tula.

24

b.Parirala sa Pang-uring Gamit

Ito ay ginagamit bilang panuring ng pangngalan.

Halimbawa1. Ang bahay sa burol ay isang magarang tanawin.2. Ang hagdang palayan sa Banaue ay isa sa pinakamagandang tanawin sa Pilipinas.

25

c. Parirala sa Pang-abay na Ginamit

Ito’y ginagamit bilang panuring ng pandiwa, pang-uri at pang-abay.

1.PandiwaHalimbawaa. Ang kanyang ama ay luluwas

sa Maynila.b. Ang bata ay pumunta sa

parke.

26

Pang-uriHalimbawa

1. Ang kanyang ina ay dakila sa mata ng tao.2. Ang gurong iyan ay isang huwaran sa aming paaralan.

Pang-abayHalimbawa

1. Siya ay narito sa bulwagan.2. Ngayon ay Lunes sa kanilang kinalalagyan.

27

Ano ang Sugnay?

Ito ay lipon ng mga salita na may paksa at panaguri na maaaring buo o di-buo ang diwang ipinapapahayag.Halimbawa1. Humiram si Kris ng lapis para sa pagbuo ng tula.2. Nang kami ay umakyat sa Bundok Ifugao.3. Na umakyat sa bundok.

28

Uri ng Sugnay

A. Sugnay na Makapag-iisaMay paksa at panaguri na buo

ang diwang ipinapahayag.Tinatawag din itong punong sugnay.

Halimbawa1. Nakasulat si Zanjoe ng isang mainam na sulatin.2. Ang kanyang ama ay isang guro.3. Si Jane ay isang huwarang asawa.

29

B.Sugnay na di-makapag-iisa

May paksa at panaguri subalit di-buo ang diwang ipinapahayag.

Halimbawa1. nang kami ay lumuwas sa Maynila2. kung darating sila3. na umalis kami sa burol4. Nang nahulog ang bata sa puno5. Nang bumagtas kami sa liko-likong daan

30

Gamit ng Sugnay

a. Pangngalan- Ang sugnay na di-makapag-iisa ay nasa pangngalang gamit kapag paksa ng pangungusap.

Halimbawa1. Hindi ko alam kung bakit sila nawawala.2. Kapag di ka naglubay ay lalo kang iiyak.3. Kung wala kang tiyaga ay di ka magtatagumpay.

31

b.Pang-uriPang-uri ang sugnay kapag ang

sugnay na di-makapag-iisa ay panuring ng pangngalan na pinangungunahan ng panghalip na pamanggit na na, -ng kung matutumbasan sa Ingles ng mga salitang “who,which and that”.Halimbawa

1. Ang Banaue Rice Terraces na binagtas nila ay napakaganda.2. Ang lalaking dumalaw sa kanila ay kasintahan ni Kris.3. Ang dahong nalaglag sa puno ay tinangay ng hangin.

32

c.Pang-abayNagiging pang-abay ang

sugnay kapag ang sugnay na di-makapag-iisa ay panuring ng pandiwa, pang-uri o pang-abay.

Halimbawa1. Kami ay titiwalag na kung sila ay sasanib sa atin.2. Sila ay aalis bukas kung nakabili na sila ng tiket.

33

Ano ang pangungusap?

Ito ay binubuo ng salita o lipon ng mga salita na nagtataglay ng buong diwa. Nagsisimula ito sa malaking titik at nagtatapos sa tamang bantas gaya ng tuldok, tandang pananong at tandang padamdam.Ang mga bantas na nabanggit ay nagpapahiwatig na tapos na ang mensaheng nais ipaabot ng nagpapahayag.

34

Dalawang Uri ng Pangungusap

1. Di-predikatibong pangungusapAng salita o lipon ng mga salita na

walang simuno o panaguri ngunit buo ang diwa.

2. Predikatibong pahayag o pangungusap

May paksa at panaguri.SINTAKS-tawag sa pag-aaral sa pagbuo

ng pangungusap.

35

Uri ng Di-Predikatibong Pangungusap

1.Sambitlang panawagIto ay ang mga sambitlang salita na

ginagamit bilang pantawag sa tao.Halimbawa

Kuya! July!2.Padamdam

Pahayag na nagsasaad ng damdaminHalimbawa

Naku po! Aray ko !

36

3.Pagtawag-Ito ay ginagamit sa pagtawag.

HalimbawaKuwan! Hoy!

4. Pautos-Ginagamit sa pag-uutos.Halimbawa

Takbo! Alis diyan!5. Pangkalikasan/Penominal

Ito ay mga pangyayaring pangkalikasan na nagsasaad ng kalagayan ng panahon dulot ng kalikasan.

HalimbawaUmuulan. Lumilindol.

37

6.Panagot sa Tanong-Ito ang mga pahayag na ginagamit bilang panagot sa tanong.

HalimbawaOpo. Ayaw ko.

7.Panahon-Ito ang mga pahayag na nagsasaad ng panahon.

HalimbawaMamaya na. Sa makalawa.

8. Pagbati/Pormularyong PanlipunanIto ang mga pahayag o katagang ginagamit sa pagbati.

HalimbawaMagandang umaga po. Kumusta ka?

38

9. Pagpapaalam-Ito ang mga pangungusap na ginagamit sa pagpapaalam.

HalimbawaPaalam po. Tuloy na po ako.

10. Pamuling Tanong-Ang pangungusap na ito ay ginagamit kung gusto mong ulitin ng inyong kausap ang kany ang sinasabi.

HalimbawaAno ika mo? Saan nga ba?

11. Pakiusap-Ginagamit ang mga pangungusap na ito ginagamit kung nakikiusap.

HalimbawaMaaari ba? Sige na.

39

12. Pampook-Ang pangungusap na ito ay ginagamit bilang sagot sa mga tanong na kung saan.

HalimbawaSa RTU.(Sagot sa tanong na Saan ka nag-aaral?)Sa Baguio.(Sagot sa tanong na Saan ka pupunta?)

13.Eksistensyal-Ang pangungusap na ito ay nagsasaad ng pagkamayroon o pagkawala.

HalimbawaMay tao pa! Wala na.

40

Bahagi ng Predikatibong Pangungusap

Dalawang Pangunahing Bahagi ng Pangungusap

1. Paksa-Pangunahing komponent ng batayang pangungusap.Sentro o pokus ng pangungusap .

2. Panaguri-Bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng impormasyon at kaisipang sinasabi o iniuugnay sa paksa.

41

Mga Uri ng Panaguri1. Panaguring Pangngalan

Ang pangngalang ginagamit na panaguri ay may dalawang uri :

a. Tiyak, kapag ang ginagamit na panaguri ay pantangi

b. Di-Tiyak kapag ginagamit na panaguri ay pambalana, maliban kung may kasamang panghalip na pamatlig.

Halimbawa1. Tinawag ng doktor si Eula.(tiyak)2. Si Joseph ang aking kapatid.(tiyak)3. Umawit si Sarah ng kundiman.(di-tiyak)4. Sumayaw ang tatay niya ng makabago.(di-tiyak)

42

2. Panaguring PanghalipAng ginagamit na panaguri ay maaaring panghalip panao o panghalip na pamatlig.

Halimbawa1.Siya ang kasama mo.2. Ito ang bahay nina Jamby.

3. Panaguring Pang-uri Ang mga panaguring pang-uri ay maaaring isang salita o isang parirala.

Halimbawa1. Masipag si Christian.2. Nakakabagot naman ang boses mo.

43

2. Panaguring PanghalipAng ginagamit na panaguri ay maaaring panghalip panao o panghalip na pamatlig.

Halimbawa1.Siya ang kasama mo.2. Ito ang bahay nina Jamby.

3. Panaguring Pang-uri Ang mga panaguring pang-uri ay maaaring isang salita o isang parirala.

Halimbawa1. Masipag si Christian.2. Nakakabagot naman ang boses mo.

44

5. Panaguring Pang-abayNagiging panaguri ang pang-abay.

Halimbawa1. Kanina pa umalis si Joyce.2. Sa Ifugao pumunta ang mga

bisita.6. Panaguring Pawatas

Ang anyong pawatas ng pandiwa ay ginagamit din bilang panaguri ng pangungusap.

Halimbawa1. Umawit ang kinalilibangan ni

Michelle.2. Manggagamot ang naging

trabaho niya sa lungsod.45

Uri ng Pangungusap

A. Ayon sa Gamit1. Paturol-Ito ang mga pangungusap na

nagpapahayag ng katotohanan, kalagayan, palagay o pangyayari.Ginagamitan ng bantas na tuldok.

Halimbawa1. Magaganap ang eleksyon sa Mayo 10.2. Nagbanta ng pagwewelga ang mga manggagawa kapag hindi itinaas ang kanilang sahod.

46

2. PatanongIto ang pangungusap na nag-

uusisa o nagtatanong, na sinasagot ng oo o hindi o kaya’y isang impormasyon o pagpapaliwanag.Ginagamitan ng bantas na pananong(?).

Halimbawa1. Kumain ka na ba?2. Bakit mo iyon ginawa sa

kanya?47

3. PautosIto ang pangungusap na nag-uutos

o nakikiusap na karaniwang nilalagyan ng kuwit kapag may tinatawag.Ginagamitan ito ng bantas na tuldok.Ang panlaping maki at paki ay karaniwang ginagamit upang magpahayag ng pakiusap at paggalang.

Halimbawa1. Pakikuha mo ang gamit sa

bahay.2. Pumasok ka ng maaga. 48

4. PadamdamIto ay ang mga pangungusap

na nagsasaad ng matinding damdamin tulad ng sakit, tuwa, galit at iba pa.Ginagamitan ito ng bantas na padamdam(!).

Halimbawa1. Naku! Nahulog ang bata.2.Ito na ang pinakamaligayang

sandali ng aking buhay.

49

B.Ayon sa Kaayusan1. Karaniwang Ayos

Ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos kapag nauuna ang panaguri sa paksa.

Halimbawa1. Masisipag at mababait ang mga anak ni Dolly.2. Matatalino silang magkakapatid.3. Mapitagang sumagot sa kanyang guro ang bata.

50

2. Kabalikan o di-karaniwang ayosAng pangungusap ay nasa kabalikang ayos kapag nauuna ang paksa sa panaguri.Ginagamitan ito ng panandang ay.

Halimbawa1. Ang mga anak nina Dolly ay masisipag at mababait.2. Silang magkakapatid ay matatalino.3. Ang bata ay mapitagang sumagot sa kanyang guro.

51

C. Ayon sa Kayarian1. Payak-Binubuo ng isang buong

diwa o kaisipan.Maaaring ito ay may payak na paksa at payak na panaguri, tambalang paksa at payak na panaguri, payak na paksa at tambalang panaguri,tambalang paksa at tambalang panaguri na pinag-uugnay ng salitang at.

52

Halimbawa1. Ang Baguio City ay isang malamig na lugar.2.Ang mga magsasaka at mga guro ay nagkakaisa ng layunin.3. Ang mga pulitiko ay nangangampanya at nanunuyo sa mga botante.4. Ang mga mag-aaral at ang mga guro ay nagtutulungan at nagkakaisa para sa kaunlaran ng paaralan.

53

2. Tambalan-Binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa. Maaaring ang mga sugnay ay magkatulong at magkapantay o maaaring magkaiba.Ito ay pinag-uugnay ng at, ngunit, datapwat, subalit.

Halimbawa1. Si Errol ay sumasayaw at si

Sandara ay nanonood sa kanya.2. Ang mga guro ay nagbabakasyon

ngunit ang mga mag-aaral ay nahihirapang gumawa ng kanilang proyekto.

54

3. HugnayanBinubuo ng isang sugnay na

makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa.Ito ay piang-uugnay ng kung, kapag, samantala, habang, sapagkat, upang, nang, pagkat, dahil sa.

Halimbawa1. Nasira ang kamera habang

pinipindot ng dalaga.2. Kung mawawala ka sa piling ko

sinta, guguho ang mundo ko.

55

4. LangkapanAng pangungusap na langkapan

ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at isa pang sugnay na di-makapag-iisa.

Halimbawa1. Tataas ang grado mo at

magkakaroon ka ng karangalan kung mag-aaral ka nang mabuti.

2. Nang pumunta kami sa Ifugao, si Erick ay nasa palayan at si Dona ay nagluluto ng pagkain para sa tanghalian.

56

Maraming Salamat Po

57