isyu 1: taon 2016 napc.gov.ph/batingaw...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. larawan ni shalom...

24
BALITA, TINIG, AT GAWA NG BATAYANG SEKTOR NAPC.GOV.PH/BATINGAW ISYU 1: TAON 2016

Upload: others

Post on 21-Feb-2021

8 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

BALITA, TINIG, AT GAWA NG BATAYANG SEKTOR

NAPC.GOV.PH/BATINGAWISYU 1: TAON 2016

Page 2: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

Mabuhay, batayang sektor!

Isang maalab na pagbati sa pinuno ng NAPC Basic Sectors, ang ating Vice Chairperson Ruperto “Ka Uper” Aleroza, sa liderato at mga miyembro ng 14 na konseho ng NAPC at sa lahat nang nagsusulong na mapawi ang kahirapan sa ating bayan.

Natutuwa ako sa pagkakaroon ng Batingaw ng Batayang Sektor na magbabahagi ng mga kuwento ng pagsisikap ng mga batayang sektor ng NAPC sa pagtutulak ng ating agenda para sa reporma at pagbabago.

Sa panahong usong-uso ang Facebook, Twitter at iba pang social media, nakikita kong akmang-akma ang paglilimbag ng pahayagang ito upang maabot natin ang sektor na tinatawag ni Ka Uper na “naisasantabi.” At hindi nga ba’t ganu’n nga? Kalimitan, nakatira sila sa mga lugar na ni wala pa ngang mga kalsada at kuryente; paano pa sila magkakaroon ng internet?

Pero dahil sa Batingaw, mayroong mahahawakan, mababasa, mababalik-balikan at maipapasang mga kuwento ng mumunting tagumpay at bigat ng mga pagsisikap sa pagsusulong ng ating mga adhikain.

Mahal kong mambabasa,

Sa gitna ng samut-saring pangyayari sa iba’t-ibang panig ng bansa – mga kaganapan sa ating kapaligiran, kabuhayan at buhay— walang kapagurang kumikilos ang batayang sektor na pangunahing tinatamaan

ng lahat ng ito. Nagsisikap tayong sama-samang naghahanap at nagpapanukala ng mga solusyon sa mga usaping pulitika, kultura at ekonomiya.

Hinaharap natin ang mga suliranin at pagsubok ng mga panahon nang may malasakit at pagpaparaya para sa kagalingan ng nakararami. Sa bawat pagkakataon, pinapasok natin ang larangan ng pakikilahok mula sa lokal hanggang sa pambansang antas sapagkat naniniwala tayong mahalaga ang ating papel at pakikipagtuwang sa pamamahala.

Sa makabuluhang pagsisikap, umabot sa pambansang pagkakaisa ang batayang sektor na binibigkis sa ilalim ng NAPC. Dito, binubuo natin ang mga agenda at mga kaukulang hakbang upang makamit ang ating mga layunin. Marapat lamang na maipabatid ito sa ating mga kasapi at samahan, at sa taumbayan. Ito ang nais na makamit ng Batingaw ng Batayang Sektor, isang pahayagang hindi lamang simpleng magbabalita ng ating mga karanasan kundi magsisilbing tinig ng ating mga panawagan.

Ibabahagi ng Batingaw ang mga karanasan at mga kwento ng mga sektor, tagumpay man o kabiguan, at ang mga taong nasa likod nito. Ipakikita nito ang pagbubuo ng pagkakaisa at lakas ng mamamayan at susukatin nito ang determinasyon ng pamahalaan na buksan ang mga gusali ng pamamahala para sa mahihirap.

Bakit batingaw? Ang batingaw ay isang instrumentong ginagamit ng mga katutubo para tipunin ang tao sa

mahahalagang pagtitipon, ritwal o kapistahan. Ang pagkilala sa kultura ay sumasalamin sa pagiging makabansa kung kaya’t maituturing din itong pahayagang naglalarawan ng ating pagka-Pilipino.

Masdan ang baybay; pakinggan ang tunog – BAlita, TINig, at GAWa – Batingaw.

Bilang Vice Chairperson ng NAPC Basic Sectors na kumakatawan sa 14 na naisasantabing sektor, buong loob kong panghahawakan ang responsibilidad na kaakibat nito sa abot ng aking kakayahan. Maninindigang ganap na paiiralin ang demokratikong pamumuno habang higit pang pinapatibay ang ating pagkakaisa. Pinapangarap ko na sa panahon ng aking pamamahala, magkakaroon ng katuparan ang adhikaing mapasakamay ng batayang sektor ang kapangyarihan at karapatang pilit na ipinagkakait sa maraming pagkakataon.

Sa inyong lahat na mga mahal kong kababayan, iniaalay namin ang pahayagang ito na naisip kong maging mahalagang bahagi ng mga gawain sa ilalim ng aking tanggapan.

Marami pong salamat sa lahat ng kasapi ng mga konseho na nag-ambag upang maging buo at makabuluhan ang pahayagang ito.

Kayo ang aking inspirasyon.

Maligayang pagbabasa!

Ruperto “Ka Uper” B. Aleroza Vice Chairperson for the Basic Sectors

Page 3: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

BATINGAW 1ISYU 1: TAON 2016

Sinasalamin ng tema ng NSA na “Kaunlaran sa tuwid na daan, sali kami d’yan!” ang adhikain ng mga batayang sektor na makasabay sa paglago ng ekonomiyang natamo ng kasalukuyang administrasyon.

Tinukoy ng bawat sektor ang mga pangunahing isyung isusulong nila sa loob ng tatlong taon. Naghalal din ng 15 hanggang 25 kasapi ng konseho ang bawat sektor na kakatawan sa kanilang pakikipagtulungan sa iba’t-ibang sangay ng gobyerno para isulong ang kanilang mga usapin. Naghalal ang bawat konseho ng tatlong

kinatawan na inirekomenda kay Pangulong Benigno Aquino III bilang sectoral representative.

Nanumpa sa harap ni Sec. Joel Rocamora noong Hunyo 29, 2015 ang 14 na sectoral representative na hinirang ng Pangulo. Noon din nagpulong ang 14 na kinatawan bilang Sectoral Representatives’ Council at inihalal ang Vice Chairperson para sa mga batayang sektor, si Ruperto “Ka Uper” Aleroza mula sa sektor ng maliliit na mangingisda.

Nanumpa sa harap ni

Secretary Joel Rocamora ang

14 na miyembro ng Sectoral

Representatives’ Council

(SRC) noong Hunyo 29, 2015.

LARAWAN MULA SA NAPC

Batayang sektor bilang mahalagang katuwang sa pamamahala. Ito ang konsepto na naging inspirasyon ko bilang Kalihim. Kaya’t magkatuwang nating itinaguyod ang mga proyekto tulad ng pagtatayo ng mga lactation center para sa mga breastfeeding mothers; pagsusulong ng People’s Plans para sa ating mga informal settlers; pagpaplano sa rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng Yolanda na pinamumunuan ng mga mangingisda at ng mga komunidad; at pagsisikap palakasin ang partisipasyon ng mga sektor sa Bottom-up Budgeting. Magkakapit-bisig tayo sa pagbawi ng coco levy ng mga mahihirap na magniniyog. Kasama rin ang Konseho ng Manggagawa ng NAPC sa pagbisita sa mga pagawaan upang masiguro ang kaligtasan ng mga trabahador, lalo na matapos ang aksidente sa Kentex.

Sa aking palagay, sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon natin nakikita at nararamdaman ang tunay na pagbubukas sa partisipasyon ng batayang sektor sa maraming aspeto ng pamamahala. Sa darating na halalan, nawa’y mapili natin ang mga lider ng bansa na magpapatuloy at lalong magpapasigla sa ating mga nasimulan.

Para sa tagumpay ng mga adhikain ng batayang sektor, ako po ay sumasainyo,

Jose Eliseo M. Rocamora Secretary and Lead Convenor

National Sectoral Assemblies 2015, inilunsadNI NERISSA LANDICHO

Idinaos ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) ang sabay-sabay na asembliya ng 14 na sektor sa Crowne Plaza, Quezon City noong Enero 13-15, 2015. Dumalo rito ang may 1,400 lider mula sa 14 na sektor na kabilang sa NAPC – magsasaka at manggagawang bukid, maliliit na mangigisda, maralitang tagalunsod, katutubo, manggagawa sa pormal na sektor at sa ibayong dagat, manggagawa sa impormal na ekonomiya, kababaihan, kabataan at estudyante, persons with disabilities, biktima ng mga sakuna at kalamidad, senior citizens, non-government organizations, bata at kooperatiba.

Page 4: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

BATINGAW ISYU 1: TAON 20162

Nabuo ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) sa pamamagitan ng Republic Act No. 8425 o ang Social Reform and Poverty Alleviation Act na ipinatupad noong Hunyo 30, 1998, ilang araw matapos lagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

May tatlong mandato ang NAPC – pangunahan ang laban para mabawasan ang kahirapan; patibayin ang paglahok ng mga batayang sektor sa mga programa ng gobyerno laban sa kahirapan; at magmungkahi ng mga batas ukol sa panlipunang reporma at para labanan ang kahirapan at subaybayan ang pagpapatupad ng mga ito.

Ang Pangulo ng Pilipinas ang Chairperson ng komisyon at ang Pangalawang Pangulo ang Alternate Chairperson. Ang NAPC Secretariat ang tulay sa pagitan ng dalawang haligi nito—ang mga ahensya ng gobyerno at ang batayang sektor. Ang kalihim ng NAPC ay kabilang sa Gabinete ng Pangulo.

NAPC Organizational StructureNI NERISSA LANDICHO

His ExcellencyPresident Benigno S. Aquino III

Chairperson

Vice-President Jejomar BinayAlternate Chairperson

NAPC SecretariatSec. Jose Eliseo M. Rocamora

Lead Convenor

Vice Chairpersonfor Basic Sector

MEMBERS14 Basic Sectors

Vice Chairpersonfor Government Sector

MEMBERS25 Heads of National Government Agencies

4 Presidents of LGU Leagues

Editorial StaffJoseph AquinoJoy BaconDanica CerenoGlenda DimaandalAngela GarchitorenaNerissa LandichoStephanie Tan

Editorial BoardRuperto “Ka Uper” AlerozaNatividad BernardinoTeresita CamachoAlice Raymundo

Layout and Graphic ArtistLuis De Vera

BALITA, TINIG, AT GAWA NG BATAYANG SEKTOR

Page 5: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

BATINGAW 3ISYU 1: TAON 2016

llang taon ding nabalot ng takot ang mga naninirahan sa napakagandang isla dahil sa halos walang tigil na pandarahas ng Sicogon Development Corporation (SIDECO) gaya ng pagsira sa kanilang mga bahay, pagkumpiska ng mga hayop at kabuhayan; nagtayo rin ng private army sa isla na may mga kaso ng pananakot at pisikal na pananakit. Halos hindi na patapakin sa isla ang mga magsasaka at mangingisda lalo na ang mga kasapi ng Federation of Sicogon Farmers and Fisherfolk Association (FESIFFA).

Tinawag ng mga taga-isla ang kaigtingan ng karahasan at pagmamalabis ng SIDECO noong 2007 hanggang 2013 na “huwes de kutsilyo.”

Gustong mapasakamay ng SIDECO ang Sicogon para gawing mamahaling puntahan ng mga turista; sa planong ito, walang lugar ang mahihirap na residente ng isla.

Mismong si Ka Uper Aleroza, Vice Chairperson for the Basic Sectors at Sectoral Representative ng Artisanal Fisherfolk sa NAPC, ay personal na nasaksihan ang hirap at peligrong naranasan ng mga taga-Sicogon.

Noong Abril 12, 2013, naglunsad ang Artisanal Fisherfolk Sectoral Council ng pulong kasama ang walong ahensya upang himukin silang tugunan ang reklamo ng mga taga-Sicogon. Sa kabila nito, naging mahirap pa rin ang pakikipag-ugnayan sa mga ahensya at sa SIDECO. Hindi na nasundan pa ang nasabing inter-agency.

Ayon kay Secretary Rocamora, hindi umuubra ang pagsisikap ng mga residente na gamitin ang mga tenurial instrument sa ilalim ng mga programa ng gobyerno para magkaroon ng katiyakan sa lupa at mga yaman ng isla na pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan. Mahalagang hakbang na makapag-usap ang lahat ng sangkot para maiwasan ang lalo pang sigalot at karahasan sa isla.

Pinangunahan ni Sec. Rocamora ang halos dalawang taong negosasyon ng magkabilang-panig na nagresulta sa pagpirma ng SIDECO at FESIFFA ng Compromise Framework Agreement (CFA) noong Nobyembre 8, 2014 at ng Implementing Guidelines noong Hulyo 27, 2015. Nakasaad sa dalawang

dokumento ang kasunduan na magtutulungan ang magkabilang panig sa pagpapaunlad ng eco-tourism sa Sicogon.

Tampok sa nilalaman ng mga kasunduan ang 1) paglalaan ng 30 ektarya para sa lilipatan ng natitirang 784 na pamilya sa isla; 2) paglalaan ng joint venture ng SIDECO at Ayala Land, Incorporated ng 76 milyong piso para sa pag-aayos ng lupa, pagtatayo ng pasilidad sa lilipatan ng mga residente, at bayad sa apektado, kung mayroon; 3) paglalaan ng pondo mula sa sosobra sa 76 milyong piso para sa pasilidad at lupa para mga proyektong pangkabuhayan at mga pagsasanay para sa mga miyembro ng FESIFFA; at 4) paglalaan ng 40

Sicogon: Pagtugon sa tungkulin ng NAPC

Muling nangibabaw ang katahimikan sa buong isla ng Sicogon, sa Carles, Iloilo matapos magtagumpay ang pagtutulungan ng pamahalaan, sa pangunguna ng National Anti-Poverty Commission (NAPC), pribadong sektor at mga kinatawan ng civil society organizations.

ITINULOY SA P. 19

Binisita ni Secretary Joel Rocamora ng NAPC ang mga taga-Sicogon upang pag-usapan paano

lulutasin ang problema ng mga nasa isla.

LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014

NI ANGELA GARCHITORENA

Page 6: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

BATINGAW ISYU 1: TAON 20164

Inilunsad ng Kilus Magniniyog (KM) ang “71-Araw na Paniningil Tungo sa Katarungan sa Coco Levy” mula Setyembre 21 hanggang Disyembre 4, 2015. Ito ay bilang paggunita sa 71 araw na pagmartsa ng 71 magniniyog mula sa Davao City hanggang Malacañang noong 2014 na tinawag na KM71.

Nagmartsa ang mga magniniyog noong 2014 para hilingin sa pamahalaan na ibalik ang buwis na kinolekta sa mga magniniyog (o coconut levy) noong panahon ng dating Pangulong Marcos para pakinabangan ng industriya ng niyugan, lalo na ng maliliit na magniniyog.

Humantong ang martsa sa tatlong oras na pakikipag-usap ng mga magniniyog kay Pangulong Benigno Aquino III. Tiniyak ng Pangulo na susuportahan ang mg magniniyog at kokonsultahin sila sa panukalang batas na ihahain kaugnay ng paggamit ng coco levy at pabibilisan niya sa Konggreso ang pagpapasa nito.

Kasunod ng pag-uusap, nilagdaan ng Pangulo ang dalawang kautusan – ang Executive Order 179 na nag-uutos na isapribado ang mga kumpanyang ginugastusan ng coco levy at ang Executive Order 180 na nag-uutos na gamitin ang coco levy para sa mga magniniyog.

Natulak naman ang Korte Suprema na ilabas ang desisyon sa kaso ng 71 bilyong pisong coco levy na nabawi na ng pamahalaan. Sa Konggreso at Senado, tinalakay ang pagbubuo ng batas sa pagbawi ng coco levy.

Gayunman, kinapos ang mga kautusan ng Pangulo na protektahan ang nabawing pondo at siguruhin ang direktang benepisyo ng mga mahihirap na magniniyog. Hindi rin napagtuunan ng pansin ang karapatan nilang makasali

sa pagdedesisyon at pagpaplano ng mga programa para direktang mapakinabangan

ang coco levy.

Kaya ihinain ng KM ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Bill sa Konggreso upang itatag

ang trust fund mula sa nabawing pondong coco levy na umaabot na sa mahigit P75 bilyon.

Itinataguyod ng panukala na protektahan ang coco levy sa mga pribadong interes; gamitin lang ito sa mga programang tuwirang pakikinabangan ng maliliit na magniniyog; at palahukin ang maliliit na magniniyog sa pangangasiwa ng pondo, pagpaplano at pagpapatupad ng mga programang paggagamitan nito.

Naipasa sa Konggreso ang panukala sa tulong ng mga kaalyadong mambabatas; ngunit nakabimbin pa rin ito sa Senado sa kabila nang ipinag-utos ng Pangulo noong Oktubre 8, 2015 na madaliin ang pagpapasa nito.

Nananawagan ang mga magniniyog na tulungan silang makamit ang katarungan—singilin ang napakatagal nang pangako sa kanila at nangako silang kikilos hanggang mabawi at mapakinabangan ng milyong maliliit na magniniyog ang coco levy.

Coco levy at katarungan, panawagan ng maliliit na magniniyogHALAW MULA SA PAHAYAG NG KILUS MAGNINIYOG

Ang Kilus Magniniyog (KM) ay binubuo ng Aniban ng Magsasaka, Mangingisda at Manggagawa sa Agrikultura-Katipunan (AMMMA-K), Basilan, Sulu, Tawi-tawi Federation of Farmers and Fisherfolks Association (BASULTA), Kalipunan ng Maliliit na Magniniyog sa Pilipinas (KAMMPIL), Kilusan para sa Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan (KATARUNGAN), Lakas ng Kababaihan sa Kanayunan (LAKAMBINI), Nagkakaisang Ugnayan ng mga Manggagawa at Magsasaka sa Niyugan (NIUGAN), Pambansang Kilusan ng Samahang Magsasaka (PAKISAMA), Pambansang Katipunan ng Makabayang Magbubukid (PKMM), Pambansang Kaisahan ng Magbubukid sa Pilipinas (PKMP), Coconut Industry Reform Movement (COIR), at Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM).

Page 7: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

BATINGAW 5ISYU 1: TAON 2016

Isa sa mga pangunahing isinusulong ng sektor ng magbubukid ang pag-papasa ng National Land Use Act (NLUA) na nagtataguyod sa wastong paggamit ng lupa kabilang ang pangangalaga at rehabilitasyon ng likas na yaman, maka-kalikasang pagsasaka, pangingisda, pagmimina, agro-forestry at turismo, at maayos na pagtatayo ng imprastraktura, pas-ilidad sa transportasyon, kuryente, komunikasyon at produksyon.

Mahigit 20 taon nang nakabimbin ang NLUA bill. Mismong si Pangulong Benigno Aquino III ay nanawagan sa kanyang unang State of the Nation Address noong 2010 na ipasa na ang naturang panukala.

Noong Hunyo 4, 2014, inaprubahan ng Konggreso ang NLUA o House Bill 4382 at isinumite sa Senado ang katumbas nito na Senate Bill 3093. Ngunit nitong Enero 25, 2016, binawi ni Senador Francis “Chiz” Escudero, Chairperson ng Committee on Environment and Natural Resources, ang panukala sa Director of Bill and Index Service ng Senado kaya hindi naisama ang NLUA sa mga dapat talakayin ng Senado.

Dahil dito, nakiisa ang konseho ng Farmers and Landless Rural Workers ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) sa kilos-protesta ng Campaign for Land Use Policy Now (CLUP Now!) sa Senado noong Pebrero 2, 2016 at sa press conference noong Pebrero 3, 2016 kung saan binatikos ni Ka Ed Mora, kinatawan ng magbubukid sa NAPC, ang pag-atras ng NLUA bill.

National Land Use Act, kailan pa isasabatas?NI ODETTE MAGTIBAY

Kilos-protesta ng CLUP Now! sa Senado

KUHA NI ERNIE REYES, INTERAKSYON.COM

Mahigit 20 taon nang nakabimbin ang NLUA bill.

Page 8: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

Internally Displaced Persons Bill (IDP)

Magna Carta of Workers

in the Informal Sector

Anti-Corporal

Punishment Bill

People’s Freedom

of Information Act

(FOI) Bill

NAPC

BATINGAW ISYU 1: TAON 20166

1. Anti-Corporal Punishment Bill na nagbabawal ng pisikal na pananakit at iba pang uri ng pagpaparusa na nakababawas ng dignidad ng mga bata.

Nailathala noong 2013 ang panukala sa Senado, ang Senate Bill 277, at noong Disyembre 2014 naipasa sa ikatlong pagbasa sa Konggreso ang katulad na panukala, House Bill 4907, at naendorso ito sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.

Para isulong ang Anti-Corporal Punishment Bill, ipinasa ng NAPC Children Sectoral Council ang Resolusyon 01, serye ng 2015, na humihimok kay Pangulong Benigno Aquino III, sa Senado at sa Konggreso na bigyang prayoridad at suportahan ang panukalang batas; nag-lobby sa Senado; naglabas ng Bukas na Liham kay Pangulong Aquino kasabay ng pagtalakay niya ng State of the Nation Address noong Hulyo 2015; at naglabas ng mga materyales para ipaalam sa mas marami ang tungkol sa panukalang batas.

Napatunayan sa maraming pag-aaral na walang magandang maidudulot ang pagpaparusa sa mga bata. Ayon sa United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF), kadalasan, nananakit din ng ibang tao o, mas higit pa, nasasangkot sa mararahas na krimen ang mga batang dumanas ng parusang pisikal.

2. People’s Freedom of Information Act (FOI) na nagpapatibay sa karapatan ng mamamayan sa mga impormasyong hawak ng pamahalaan.

Noong Marso 10, 2014, ipinasa sa Senado ang FOI Bill o Senate Bill 1733 sa ikatlo at huling pagbasa at agad na inendorso sa Konggreso. Matapos ang halos isang taon, pumasa ang panukala sa Committee on Appropriations at agad bumuo ng technical working group (TWG) ang Committee on Public Information ng Konggreso para mapabilis ang pagpapasa ng katulad na batas.

Bagama’t regular na nakapagpulong ang TWG at natalakay ang mga probisyon ng panukalang batas, hindi naging sapat ito para maisabatas ang FOI. Sa kasalukuyan, nakabimbin pa rin ang FOI Bill sa Committee on Rules sa Konggreso.

3. Magna Carta of Workers in the Informal Sector na nagtataguyod sa karapatan ng mga manggagawa sa impormal na sektor.

Nagbuo ng sariling panukalang batas ang NAPC Workers in the Informal Sector (WIS) mula sa iba’t-ibang panukalang nakasalang sa Konggreso at sa mga rekomendasyon ng International Labor Organization. Para itulak ang panukala,

Mahahalagang panukala, isusulong ng SRCNI GLENDA DIMAANDAL

Tinukoy sa unang pulong ng Sectoral Representatives’ Council (SRC) ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) sa Laiya, Batangas noong Hunyo 29, 2015 ang mga sumusunod na panukalang batas na isusulong ng konseho sa panahon ng panunungkulan nito mula 2015 hanggang 2018:

ITINULOY SA P. 19

Page 9: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

BATINGAW 7ISYU 1: TAON 2016

Nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III noong Enero 15, 2016 ang kauna-unahang batas na inaasahang tutulong sa pagsugpo ng political dynasty sa bansa – ang Republic Act 10742 o ang Sangguniang Kabata-an Reform Law.

Bagong Sangguniang Kabataan: Unang hakbang sa tuloy-tuloy na repormaNI DANICA CERENO

Isa sa pimakamahalagang repormang nilalaman nang naturang batas ang pagbabawal sa mga kamag-anak, hanggang sa ikalawang antas, ng mga halal na opisyal ng lalawigan, bayan, lungsod o barangay na mahalal sa Sangguniang Kabataan (SK).

Naniniwala ang mga nagtataguyod ng SK Reform Law na itutuwid nito ang mga naging balakid sa SK tulad ng katiwalian at kakapusan ng impluwensiya sa diskusyon tungkol sa pag-unlad. Sa pamamagitan ng batas, nasisimulan ang reporma para buwagin ang monopolyo sa kapangyarihan at yaman sa mismong mga komunidad.

Binibigyang-daan ng batas ang pagtatatag ng Local Youth Development Council (LYDC) upang tulungan ang pinuno ng SK sa pagpaplano ng kanilang programa at proyekto at tiyaking mas maraming kabataan ang nakalalahok sa pamamahala.

Isinusulong din ng batas ang mga proyektong magtataguyod sa

paggogobyernong may pananagutan o accountability sa bayan at bukas sa pagsisiyasat. Binibigyang-kapangyarihan nito ang SK na magpasya sa pananalapi sa pamamagitan ng paglalaan dito ng 10 porsyento ng pangkalahatang pondo ng barangay.

Upang masiguro na magagampanan ng mga opisyal ng SK ang kanilang mga tungkulin, sasailalim sila sa mga pagsasanay sa pamumuno.

Isinasaad rin sa bagong batas na mga kabataang 18 hanggang 24 taon lamang ang maaaring maging opisyal ng SK. Sa ganitong paraan, maaari silang pumasok sa mga kontrata at managot sa kanilang mga aksyon at desisyon.

Inaasahang may 420,000 lider-kabataan ang mahahalal na opisyal ng SK sa Oktubre 2016.

Page 10: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

BATINGAW ISYU 1: TAON 20168

Mga bata, lumahok sa art workshop

Dalawampu’t apat na miyembro ng NAPC Children Sectoral Lumahok ang 24 na miyembro ng Children Sectoral Council (CSC) sa art workshop noong Oktubre 3, 2015 sa BSA Twin Towers, Mandaluyong City para pahusayin ang kanilang pagka-malikhain sa paggawa at paggamit ng iba’t-ibang materyales para sa pagsusulong ng mga adbokasiya. Ang workshop ay magkatulong na isinulong ng NAPC at CAST Salinsining.

Pagtatakda ng saklaw na katubigan sa mga bayan sa Region 10, pabililisin

Inilunsad ng Committee on Fishery Resources ng Artisanal Fisherfolk Sectoral Council (AFSC) ang konsultasyon sa pagtatakda ng saklaw na katubigan ng mga bayan (o municipal water delineation) sa Region 10 noong Disyembre 6-9, 2015 sa Cagayan de Oro. Dinaluhan ito ng kinatawan mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) National Office at Region 10, Department of the Interior and Local Government (DILG) Region 10, National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA), local government units mula sa baybayin ng Region 10 at iba’t-ibang organisasyon ng maliliit na mangingisda sa rehiyon.

Nabuo sa konsultasyon ang local task force na tututok para pabilisin ang delineation of municipal water. Nangako ang NAMRIA, DILG at BFAR na susuportahan ang inisyatiba.

KWENTONG KONSEHO

Panukalang buwisan ang mga kooperatiba, tinutulan

Naglunsad ng mga pagkilos ang Cooperative Sectoral Council ng National Anti-Poverty Commission para tutulan ang panukalang batas na magpapawalang-bisa sa Artikulo 60 at 61 ng Republic Act 9520 o Cooperative Code of the Philippines na naglilibre sa mga kooperatiba sa pagbabayad ng buwis.

Sa pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng kauna-unahang batas sa kooperatiba – ang Rural Credit Cooperation Law (Republic Act No. 2508) – naglunsad ang konseho ng Centennial Unity Assembly noong Oktubre 24, 2015 at dito pinagkaisahan ang kanilang pagtutol sa planong muling patawan ng buwis ang mga kooperatiba.

Dumalo rin ang mga miyembro ng konseho sa porum at pagkilos na pinangunahan ng kilusang “No to Tax Repeal” sa Liwasang Ipil-ipil sa Pasay City.

Isinumite ng Cooperative Sectoral Council ang kanilang resolusyong tumututol sa pag-aalis ng tax exemption sa mga kooperatiba kay Rep. Romero Quimbo, Chairperson ng Committee on Ways and Means ng Konggreso, na nangakong mananatili ang tax exemption habang pinag-aaralan pa ang iba’t-ibang panukala.

Ang panukalang batas na patawan ng buwis ang mga kooperatiba ay nasa Rationalization of Fiscal Investment Incentives Bill na isinumite sa Senado nina Senador Loren Legarda, Cynthia Villar at Ralph Recto at sa Konggreso nina Rep. Gabriel Luis Quisumbing (Cebu, 6th District), Rep. Susan Yap (Tarlac, 2nd Disrict), Rep. Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro 2nd District) at Rep. Maximo Rodriguez (Abante Mindanao partylist).

Mga usapin ng katutubo, sumusulong

Nakamit ng Indigenous People’s Sectoral Coouncil ang dalawa sa panukala nito – lawakan ang sakop ng programa ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa pagsukat, pagkilala at pagpapatitulo ng mga lupaing ninuno at isama sa mga programang popondohan sa Bottom-up Budgeting ang pagbubuo at pagpapahusay ng Ancestral Domain Sustainable Development and Protection Plan (ADSDPP).

Nakuha ng mga lider-katutubo ang mga kahilingang ito sa pakikipagpulong sa may 15 ahensya ng gobyerno na ginanap sa opisina ng Department of Budget and Management noong Hulyo 21, 2016.

Bukod sa dalawang panukala, naitulak din ng konseho ang pagbubuo ng mekanismong magpapalakas sa mga panrehiyong tanggapan ng Land Registration Authority (LRA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Agrarian Reform (DAR) at NCIP para mas mapabuti ang pagpapatupad ng kanilang Joint Administrative Order No. 1, Series of 2012. Layunin ng kautusang ayusin ang nagbabanggaang hurisdiksyon, patakaran, programa at proyekto ng apat na ahensiya. Nakamit ito ng konseho sa inter-agency meeting noong Setyembre 1 at Nobyembre 27, 2015.

Lalamanin ng bahaging ito ang mga aktibidad, kampanya at iba pang balita mula sa 14 na sectoral council ng National Anti-Poverty Commission (NAPC).

Page 11: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

BATINGAW 9ISYU 1: TAON 2016

SK Reform Bill suportado ng mga kabataan

Nanawagan kay Pangulong Benigno Aquino III na ipasa ang Sangguniang Kabataan Reform Bill ang 83 lider-kabataan, kabilang ang mga kasapi ng Youth and Students Sectoral Council, na dumalo sa National Assembly sa LWUA Residence, Balara, Quezon City noong Nobyembre 13, 2015.

Ipinaliwanag sa pagtitipon ni Rep. Barry Gutierrez (Akbayan) ang mga dagdag na probisyong ipinasa ng bicameral committee ng Konggreso at Senado at nanawagan naman si Tina Hipolito mula sa Office of the Chairperson ng National Youth Commission (NYC) na suportahan ang panukalang batas.

Kalagayan ng mga matatanda, tinalakay sa kumperensya

Naging tagapagsalita sa National Summit on Ageing ang dalawang lider mula sa Senior Citizens Sectoral Council (SCSC). Iniulat ni Romeo Allam, pangulo ng Federation of Senior Citizens’ Association of the Philippines (FSCAP) sa Region 2 at kasapi ng SCSC, ang kalagayang pangkalusugan ng mga nakatatanda. Inilahad naman ni Salvacion Basiano, kinatawan ng Senior Citizens Sector ng NAPC ang mga pangunahing kahilingang isinusulong ng sektor kabilang ang pagtitiyak na nakalista ang lahat ng nakatatanda, hiwalay na pagmi-miyembro sa kanila sa PhilHealth, at pagtatakda ng isang porsyento (1%) ng pondo na nakasaad sa General Appropriations Act (GAA) at gayundin sa mga local government units (LGUs).

Inilunsad ang National Summit on Ageing sa pangunguna ng Coalition of Services of the Elderly, Inc. (COSE) noong Nobyembre 24, 2015 upang pag-usapan ang kalagayan ng mga nakatatandang Pilipino at mga angkop na pagtugon upang matamo ang mapagkalingang lipunan para sa kanila.

VAW desk, imomonitor ng mga kababaihan

Lumagda sa kasunduan sina Celia Matea Flor, kinatawan ng NAPC Women Sector, at Emmeline Verzosa, Executive Director ng Philippine Commission on Women (PCW), noong Hulyo 2015 para bumuo ng monitoring tool na susubaybay sa functionality ng Violence Against Women (VAW) desk sa ilang piling barangay, batay sa minimum na listahan ng Department of the Interior and Local Government- National Barangay Operation Office (DILG-NBOO). Layunin ng inisyatibang ito na pagbutihin ang operasyon ng VAW desk sa buong bansa upang matugunan ang mga kaso ng karahasan laban sa kababaihan.

Pagpapahusay ng DRRM, ipinapanukala

Nabuo ng konseho ng Victims of Disasters and Calamities (VDC), kasama ang iba pang sektor sa NAPC, ang sumusunod na panukala kung paano pauunlarin ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 10121 o ang Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Act:

• magkaroon ng kinatawan ang lahat ng batayang sektor ng NAPC sa mga Thematic Technical Working Groups (TWG) ng mga DRRM Council mula sa lahat ng antas para makasali sila sa pagpaplano, pagbabadyet at implementasyon ng DRRM;

• baguhin ang istruktura ng DRRM para mapaunlad ang kakayahan sa implementasyon at koordinasyon;

• maglunsad muna ng “risk and vulnerability assessment” na nilalahukan ng mga batang sektor bago magplano ng DRRM;

• suportahan ng pambansang pondo ang mga lokal na mekanismo ng DRRM;

• protektahan ang karapatan ng mga kababaihan, matatanda, kabataan, mga may kapansanan, at internally-displaced persons (IDP) sa DRRM; at

• magbuo ng mekanismo ng DRRM sa mga watershed at river basin.

Nabalangkas ang mga panukala sa konsultasyon noong Enero 19-20, 2016 na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa sektor ng maralitang tagalunsod, bata, manggagawang pormal at impormal, mangingisda, kabataan at istudyante, kooperatiba at non-government organization.

Mga pabrika sa Valenzuela City, sisiyasatin

Binuo ng Tripartite Industrial Peace Council ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Task Force Valenzuela para inspeksyunin ang mga pabrika at planta sa Valenzuela City bilang tugon sa panukala ng mga organisadong manggagawa matapos ang sunog sa Kentex, pabrika ng tsinelas, na ikinamatay nang may 72 katao.

Ayon sa Department Order 145-15 na inilabas ng DOLE noong Mayo 28, 2015, bubuuin ang Task Force ng Labor Laws Compliance Officers (LLCOs) ng DOLE-National Capital Region, Occupational Safety and Health Center, Bureau of Working Conditions, Nagkaisa! Labor Coalition, at ng NAPC Formal Labor and Migrant Workers Sector Council.

Page 12: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

BATINGAW ISYU 1: TAON 201610

Hacienda Matias, ipinamahagi sa mga magsasaka

Matapos ang mahigit 10 taong pakikibaka na umabot sa lampas isang buwan na pagkakampo sa harapan ng Department of Agrarian Reform, napasakamay ng mga magsasaka ang 639 ektarya ng Hacienda Matias sa San Francisco, Quezon ang noong Hulyo 2, 2015.

Ang mga magsasakang nabigyan ng lupa ay kasapi ng Kilusan Para sa Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan (KATARUNGAN) na miyembro ng konseho ng Farmers and Landless Rural Workers Sector (FLRWS) ng NAPC.

Sinuportahan nina Secretary Joel Rocamora at Vice Chairperson for the Basic Sectors Ruperto Aleroza ng NAPC ang pagkilos at negosasyon ng mga magsasaka sa Hacienda Matias.

Urban Poor Solidarity Week, ipinagdiwang

Nakiisa ang NAPC National Urban Poor Sector Council (NAPC-NUPSC) sa taunang pagdiriwang ng Urban Poor Solidarity Week (UPSW) noong Disyembre 14, 2015 sa Bahay ng Alumni, University of the Philippines, Quezon City.

Panauhin sa pagdiriwang sina Mar Roxas, dating kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), at Aya Robredo, na kumatawan kay Cong. Leni Robredo, asawa ng yumaong dating kalihim ng DILG na si Jesse Robredo. Parehong isinusulong nina Roxas at Jesse Robredo ang Pre-Demolition Conference para protektahan ang karapatan ng mga maralitang tagalunsod sa demolisyong walang konsultasyon at wlang disenteng paglilipatan.

Tinalakay sa nasabing pagdiriwang ang mga karanasan at tagumpay ng mga maralitang tagalunsod noong 2015 at ang hamon sa 2016.

Itinatakda sa Executive Order Blg. 367 na nilagdaan ni dating Pangulong Corazon Aquino ang pagdiriwang ng Urban Poor Solidarity Week. Pinangunahan ni Hernani Panganiban, Chairperson at Chief Executive Officer ng Presidential Commission for the Urban Poor ang pagdiriwang noong 2015.

Araw ng mga kasambahay, ipinagdiwang

Inilunsad ng konseho ng Workers in the Informal Sector ng National Anti-Poverty Commission ang Kasambahay Day noong Enero 24, 2016 sa Occupational Safety and Health Center (OSHC), Quezon City na may temang “Kasambahay Day: Sama-sama, magkakaugnay sa pagkalinga sa kasambahay.”

Layunin ng okasyon na pahigpitin ang pagpapatupad ng Kasambahay Law lalo na ang pagpaparehistro ng mga kasambahay sa mga barangay at pagbibigay ng mga benepisyo tulad ng SSS, PhilHealth, at PAG-IBIG.

Dumalo sa pagtitipon ang may 300 kasambahay at mahigit 100 kinatawan ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at organisasyon mula sa impormal na sektor.

Mga NGO, naghahanda na sa ASEAN integration

Nagtipon ang mga kinatawan ng pribadong sektor sa Regional Development Council (RDC) sa Cagayan de Oro City noong Oktubre 14-16, 2015 upang lalong paghusayin ang kanilang gawain lalo na ang pagsagot sa hamong dulot ng pagsasanib ng ekonomiya ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), kabilang ang Pilipinas, at para palakasin ang pagtutulungan ng gobyerno at ng pribadong sektor.

Dinaluhan ng 175 delegado mula sa 15 na rehiyon ng bansa, kasama na ang ilang miyembro ng batayang sektor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC), ang pagtitipon na may temang “Enhancing Public-Private Partnership in the ASEAN Market.”

Nagpasa ng resolusyon ang mga kinatawan ng NAPC para magkaroon ng awtomatikong kinatawan sa RDC ang mga batayang sektor. Ipaaabot ang resolusyon sa National Economic and Development Authority (NEDA) at kay Pangulong Benigno Aquino III.

Mga may kapansanan, nagsanay sa pagnenegosyo

Lumahok ang may 50 taong may kapansanan mula sa iba’t-ibang bayan sa Capiz sa Business Development Workshop para magsanay sa pagbubuo at pagpapaunlad ng negosyo, tulad ng paggawa ng sabon, pag-proseso ng karne at pagtatanim na hindi kailangan ang lupa, at mas mapaunlad ang kanilang kakayahang pakinabangan ang mga programa at proyektong pangkabuhayan ng mga ahensiya ng gobyerno. Isinagawa ang workshop sa Roxas City noong Nobyembre 22-24, 2015 sa pangunguna ng Persons with Disabilities Sectoral Council ng National Anti-Poverty Commission.

Page 13: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

BATINGAW 11ISYU 1: TAON 2016

Nang maupong Presidente si Benigno Simeon Aquino III noong 2010, inilabas niya ang “A Social Contract with the Filipino People” na naglalaman ng mga nais niyang gawin ng pamahalaan para sa mamamayan. Makalipas ang tatlong taon, tinasa ng iba’t-ibang grupo sa akademya at mga non-government organization ang nasabing kontrata. Sa pagtatapos ng 2015, naglunsad ng serye ng workshop ang 14 na konseho ng batayang sektor ng Na-tional Anti-Poverty Commission (NAPC) para suriin ang dokumento.

Lumitaw sa pagsusuri ng batayang sektor ang mga positibong inabot sa panahon ng kasalukuyang administrasyon at mahusay kung maipagpatuloy; gayunman, mayroon pa ring hindi pa nagagawa. Inilagay nila ito sa dokumentong “Our New Social Contract: Panawagan para Lubusin ang mga Nasimulang Reporma.”

Nilalaman ng bagong social contract ang mga adyendang pinakaimportante para sa mga batayang sektor. Mayroon itong anim na tema: pagpapaunlad ng ekonomiya at patakarang pang-industriya, reporma sa panlipunang kaunlaran, pagpapaunlad sa mga lungsod, repormang pampulitika, at kapayapaan at kaunlaran. Naglalaman ito ng mga kongkretong patakarang inirerekomenda ng iba’t-ibang sektor.

Napapanahon ang panibagong kontrata lalo ngayong nahaharap sa pambansang halalan. Magsisilbi itong hamon sa mga kandidato sa pagka-pangulo at sa iba pang naghahangad ng pambansang posisyon sa pamahalaan. Naniniwala ang batayang sektor na taglay ng bagong social contract ang mga sangkap para tunay na maging “inclusive” ang pag-unlad ng bansa. Magagamit itong basehan ng seryosong pagsisilbi sa mamamayan dahil ito’y galing mismo sa kanila at hindi nagmula sa hungkag na panukala lamang. Upang maiwasan ang paulit-ulit na kabiguang tuluyang wakasan ang kahirapan, sana’y pakinggan ng susunod na mga pinuno ng bayan ang panawagan ng nakararaming maralita sa bansa.

Our New Social Contract:Panawagan para Lubusin ang mga Nasimulang RepormaNI RUPERTO ALEROZA

Page 14: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

BATINGAW ISYU 1: TAON 201612

“Sa bagong Pangulo, sana mabigyan ng pansin at halaga ang sektor ng mga bata – pakinggan ang kanilang hinaing, tugunan ang kanilang mga isyu at hindi mapabayaan sa pag-unlad.” – Josh Cesar Serilo,Kinatawan ng NAPC

Children Sector

“Sana magkaroon ng konkretong Industrial Plan na lilikha ng mga pangunahing industriya na lilikha ng regular na trabaho at wakasan ang sistemang kontraktwalisasyon sa pamamagitan ng pagpasa ng Security of Tenure Bill.”

– Edwin Bustillos,Kinatawan ng NAPC Formal Labor

and Migrant Workers Sector

“Sana maiayos ng susunod na Pangulo ang pension system at ibang social protection programs para sa mga naghihirap na lolo at lola.”

—Salvacion Basiano,Kinatawan ng NAPC

Senior Citizens Sector

TANONG AT SAGOT

Tinanong ng patnugutan ng Batingaw ang mga Sectoral Representative ng NAPC kung ano ang nais nilang gawin ng susunod na Presidente para sa kani-kanilang sektor. Narito ang sagot ng ilan sa kanila:

“Sana pagtibayin ng bagong Pangulo

ang paglahok ng mga samahan ng

batayang sektor sa pamamahala.”

– Ruperto “Ka Uper” Aleroza,

NAPC Vice Chairperson for the Basic

Sectors at Sectoral Representative ng

Artisanal Fisherfolk Sector

“The new President should retain tax

exemption privileges of cooperatives,

unify cooperatives under One Apex,

provide a unified insurance policy

for cooperatives, institute strong

regulation functions for the Cooperative

Development Authority.”– Gadwin Handumon,

Kinatawan ng NAPC

Cooperatives Sector

“Sana suportahan ng susunod na Pangulo ang pagpapalakas ng kakayahan naming maging organisado, produktibo at maunlad, gayundin ang mga hakbang tulad ng Batas Kasambahay at Lactation Management Program.” – Rosalina Funtanares,Kinatawan ng NAPC Workersin the Informal Sector

“Hinihiling naming maisabatas ang National Land Use Act, Alternative Mining Act, at Coco Trust Fund, makumpleto ang reporma sa lupa at mabigyan ng suportang serbisyo ang mga maliliit na magsasaka at magniniyog.”

– Eduardo Mora,Kinatawan ng NAPC Farmers and Landless Rural Workers Sector“Dapat bigyang-pansin ng susunod na

Pangulo ang institusyunalisasyon ng

People’s Plan Fund for Development,

pagsasabatas ng Department of

Housing and Urban Development at

pagpapatupad ng patakaran na walang

demolisyon kung walang konsultasyon

at relokasyon.”—Noel Cano,

Kinatawan ng NAPC Urban Poor Sector

“The new President should support the creation of regional basic sector council and push for automatic representation of basic sectors in Regional Development Councils and other participatory platforms for development planning, budgeting, and monitoring.”

—Paul Paraguya,Kinatawan ng NAPC Non-government

Organizations Sector

“The new President must ensure the

passage of the Internally Displaced

Persons bill and amendment of the

DRRM law to strengthen people’s

participation, improve humanitarian

standards, and uphold the rights of the

IDPs and those affected by disasters.” – Regina Antequisa,

Kinatawan ng NAPC Victims

of Disasters and Calamities Sector

“Full implementation of existing laws for persons with disabilities should be one of the next President’s priority agenda.”

– Jocelyn Garcia,Kinatawan ng NAPC Persons

with Disabilities Sector

Page 15: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

BATINGAW 13ISYU 1: TAON 2016

OPINYON

Under the resolutions, only legitimate, reputable and capable CSOs shall be accredited as qualified to implement programs or projects using government funds.

The NAPC Sectoral Representatives’ Council (SRC) upholds the call for government to exercise diligence and prudence in releasing funds to CSOs and recognizes the campaign for transparent and accountable governance as critical elements in pursuing social reform and poverty reduction.

The new guidelines are consistent with the Constitution which recognizes the role of non-government and people’s organizations in nation-building and with the Local Government Code which mandates local governments “to promote the formation and operation of NGOs to become active partners in the pursuit of local autonomy specially in the delivery of basic services, capability building, livelihood projects, and development of local enterprise designed among others, to enhance the well-being of the people.”

NAPC-SRC, however, sees a flaw in the process of formulating the guidelines because only DSWD, DBM, and COA are included. Excluded from the process, the basic sectors had to exert more effort before these proposals were accepted: 1) designate DSWD as the main accrediting agency; 2) expand the accreditation period to three years; 3) decentralize the consultations with and participation of basic sector in all levels of operation; and 4) harmonize the CSO accreditation systems of all national government agencies.

The Formal Labor and Migrant Workers’ Council of NAPC criticizes the provisions of GAA 2014 and 2015 mandating government agencies to transfer program and project funds only to CSOs who have been accredited by the DSWD in accordance with Joint Resolutions 2014-001 as unconstitutional because they encroach on the authority of

DOLE to solely accredit labor organizations; and they impinge on the rights granted under the Labor Code Articles 267 which allows the DOLE to give assistance to labor organizations for purposes of collective bargaining and 268 which allows the Institute of Labor and Manpower Studies to provide technical and other forms of assistance.

Another issue raised is the relationship of DSWD’s accreditation authority over other government agencies with similar functions, i.e. DOLE, Housing and Land Use Regulatory Board, Cooperative Development Authority.

We still have to clarify legal questions in relation to the GAA and the Labor Code, the inclusion of the basic sectors in the technical working group and in the approving committees, and the allocation of funds for CSOs that will disseminate information on this policy.

Challenges on the new CSO accreditation: strengthening accountability and maintaining CSO autonomyBY PAUL RICHARD A. PARAGUYA

NAPC-SRC, however, sees a flaw in the process of formulating the guidelines because only DSWD, DBM, and COA are included.

The National Anti-Poverty Commission (NAPC) basic sectors welcome the Joint Resolutions 2014-001 and the Supplemental Resolution 2015-001 issued by the Department of Social Welfare and Development, Depart-ment of Budget and Management, and Commission on Audit in accordance with the General Appropriations Act of 2014 and 2015 which provide the “principles, criteria, and application for accreditation of CSOs [civil society organizations], coverage and validity, and reporting mechanism.”

Page 16: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

BATINGAW ISYU 1: TAON 201614

Layunin nito na magkaisa ang mga batayang sektor sa bawat rehiyon sa pagsusuri ng kanilang sitwasyon, tukuyin ang mga pangunahing isyung kinakaharap at bumuo ng mga panukala kung paano mababawasan ang kahirapan at mabigyan ng serbisyo ang mahihirap lalo na sa mga lugar na hindi naaabot ng programa at serbisyo ng pamahalaan.

Inilunsad ang BuB Summit sa pagtutulungan ng NAPC, Department of Budget and Management (DBM), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Bukod sa nagkakila-kilala ang mga miyembro ng konseho ng 14 na sektor sa mga rehiyon, nabuo rin sa pagtitipon ang Regional Basic Sectors Consultative Council (RBSCC) na magsisilbing daluyan ng mga usaping kinakaharap ng mga batayang sektor at plataporma para sama-samang itulak ang mga panukala para sa panlipunang reporma sa kanya-kanyang rehiyon.

Ilan sa mga karaniwang usaping isusulong sa maraming rehiyon ay ang sumusunod:

• sariling lupa para sa maliliit na magsasaka;• pagmamay-ari ng lupain ng mga katutubo;• pabahay para sa mga maralitang tagalunsod;• trabaho para sa milyung-milyong manggagawa;• tulong pangkabuhayan para sa mga impormal na

manggagawa at kababaihan;• benepisyo para sa mga overseas workers, kasambahay at

mga manggagawang impormal;

• serbisyong pangkalusugan at pagpapatupad ng exclusive breastfeeding para sa mga sanggol hanggang anim na buwan at patuloy na pagpapasuso sa mga bata hanggang dalawang taon o higit pa;

• pangangalaga ng kalikasan; at• malawak at makabuluhang partisipasyon ng mga

maliliit na mamamayan sa lokal na pamamahala.

Inaasahang regular na magpupulong ang mga RBSCC na ipapatawag nang nahalal na regional coordinator sa tulong ng NAPC at DILG.

Para sa organisasyon ng mahihirap na mamamayan, bahagi ito ng tuluy-tuloy na pagsisikap para matiyak na nakalalahok sila sa pagbubuo ng mga programa para wakasan ang kahirapan.

Para sa mas malawak na paglahok ng mahihirap sa paglutas ng kahirapan

Inilunsad ang serye ng “Bottom-up Budgeting (BuB) Summit and Regional Basic Sectoral Consultation” sa Northern Luzon, Southern Luzon, Visayas, Mindanao at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) mula Agosto hanggang Oktubre 2015. Dinaluhan ito ng mga miyembro ng mga konseho ng batayang sektor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC), iba pang kinatawan ng mga civil society organization, ahensya ng pamahalaan at lokal na gobyerno.

Regional Basic Sectors Consultative Council:

NI JOY BACON

DILG Undersecretary Austere Panadero, NAPC Secretary Joel Rocamora, DBM Assistant

Secretary Tanya Hamada, at NAPC Vice Chairperson Ruperto “Ka Uper” Aleroza sa BUB

Summit ng Northern Luzon noong Septyember 2015

Page 17: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

BATINGAW 15ISYU 1: TAON 2016

Itinataguyod ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) ang pantay na karapatan ng mga Pilipino sa komprehensibo at abot-kayang ser-bisyong medikal lalo na para sa mga mahihirap.

Kaugnay nito, isinusulong ni Ruperto “Ka Uper” Aleroza, NAPC Vice Chairperson for the Basic Sectors at miyembro ng PhilHealth Board ang mga sumusunod:

1. pagpapalawig ng PhilHealth coverage sa mga manggagawa sa impormal na ekonomiya;

2. pagpapalawak ng benepisyo ng mga senior citizen sa pamamagitan ng paglilista sa kanila bilang hiwalay na miyembro ng PhilHealth; at

3. paglutas sa mga hadlang sa hustong paggamit ng PhilHealth ng mga buntis at kanilang sanggol at pagtiyak nang sapat na tulong pinansyal para sa kanila.

Sinusuportahan din ng NAPC ang mga programa at patakarang magpapalakas ng kapasidad at kalidad ng serbiyo ng mga lokal na pampublikong ospital, rural health units at barangay health stations kung saan maaaring gamitin ang PhilHealth. Patuloy ring kinokonsulta ang mga batayang sektor, ahensya ng pamahalaan at iba pang mga interesadong grupo para magkaisa kung paano isusulong ang kalusugan para sa lahat.

Pinag-aaralan ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) ang ilang panukalang magbibigay ng umento sa pensyon ng mga benepisyaryo ng Social Security Sytem (SSS). Ito ay matapos tanggihan ni Pangulong Benig-no Aquino III ang panukala ng Kongresso na P2,000 dagdag sa pensyon.

Kalusugan para sa lahat, isinusulong ng NAPCNI LIAN RIVERA

Umento sa pensyon, pinag-aaralan NI DANICA CERENO

Pila sa tanggapan ng SSS sa Quezon City

KUHA NI RAFFY LERMA MULA SA INQUIRER.NET

Nabuo ang mga sumusunod na panukala sa serye ng talakayang inilunsad ng NAPC kasama ang Commissioner ng SSS na si Ibarra Malonzo noong Enero 2016:

• dagdagan ng P500 ang pensyon ngayong 2016 at P500 ulit sa 2017. Upang masigurong hindi maba-bangkarote ang SSS, tataasan ng tig-isang porsyento ang kontribusyon ng mga kasapi ng SSS sa 2017 at 2018;

• itaas ng P1,000 ang pensyon ngayong 2016 at taasan ng 2% ang kontribusyon sa 2017;

• dagdagan ng P1,000 ang pensyon ng mga tumatanggap lamang ng P1,200 mula 2016 at taasan ang kontribusyon ng isang porsyento simula 2017; at

• bigyan ng iba-ibang umento ang mga pensyonado depende sa kanilang kasalukuyang pensyon; mas mataas para sa mas mahihirap na retirado.

Masusing pinag-aaralan at tinitimbang ng NAPC ang mga panukalang ito nang isinasaalang-alang ang pagtugon sa pangangailangan ng mas nakararaming mahihirap na retiradong miyembro ng SSS, ang kakayahan ng mga nagbabayad na miyembro ng SSS at ang katayuang pampinansya ng SSS.

Page 18: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

BATINGAW ISYU 1: TAON 201616

Ayon kay Delfa Talaid, dating Sectoral Representative ng mangingisda sa National Anti-Poverty Commission (NAPC) at ngayon ay miyembro ng AFSC para sa Central Visayas, patuloy nilang isusulong ng konseho ang pagpapatupad ng fisherfolk settlement at magbibigay sila ng mga rekomendasyon kung paano mas pahuhusayin ang implementasyon nito upang mas marami pa ang makikinabang dito.

Sabi ni Talaid, “Nagdaan ang bagyong Yolanda at pangunahing naapektuhan ang maliliit na mangingisda. Sana maipagpatuloy ang mga nasimulan ni PNoy at mas mabigyan pa ng kahalagahan ang pagtatatag ng fisherfolk settlement upang maproteksyunan ang buhay at kabuhayan ng maliliit na mangingisda.”

Ang Fisherfolk Settlement ay komprehensibong programang nagbibigay sa maliliit na mangingisda ng katiyakan sa pananatili o tenurial security sa isang komunidad na mayroong tirahang ligtas sa kalamidad at may oportunidad sa kabuhayan at nagpapalakas ng kakayahan nilang pangalagaan ang yamang-dagat.

Base sa Section 108 ng Amended Philippine Fisheries Code, inaatasan ang Department of Agriculture (DA) na makipag-ugnayan sa ibang ahensya ng pamahalaan upang maglaan sa maliliit na mangingisda ng lugar na matitirhan na malapit sa pinangingisdaan.

Sa pakikipagtulungan ng NAPC sa Bureau of Fisheries and Aquatic

Resources (BFAR), National Housing Authority (NHA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), mga lokal na pamahalaan at mga non-government organization tulad ng Habitat for Humanity Foundation, UN Habitat, NGOs for Fisheries Reform, Tambuyog, Sentro para sa Ikauunlad ng Katutubong Agham at Teknolohiya (SIKAT) at Partnership of Philippine Support Service Agencies (PHILSSA), naitatag ang 13 pilot fisherfolk settlement sa Culion, Coron, Busuanga at Linapacan sa Palawan; Estancia, Carles sa Iloilo at Cadiz sa Negros Occidental; Bantayan at Madridejos sa Cebu; Marabut at Basey sa Samar; at Maydolong at Guiuan sa Eastern Samar.

“Maraming maliliit na mangingisda ang wala pa ring tiyak na tirahan hanggang ngayon,” ayon kay Talaid. “Matagal nang pangunahing agenda ng sektor ang pagtatayo ng fisherfolk settlement.”

Para sa paparating na administrasyon, panawagan ng AFSC na gawing

prayoridad ang pagpapatupad ng fisherfolk settlement at kaagad maglabas ng kautusang ehekutibo o administratibo para itakda ang mga patakaran sa pagpapatupad ng programa o policy guidelines.

“Ilalatag ng policy guidelines ang Fisherfolk Settlement bilang regular na programa ng pamahalaan na may kaukulang pondo,” ayon kay Gerardo Malinao, AFSC Fisherfolk Settlement Committee Chair at Council Member para sa Eastern Visayas. Dagdag pa niya, “Hindi na po natin kailangang hintayin magkaroon ng kalamidad gaya ng bagyong Yolanda para ipagkaloob ang fisherfolk settlement sa itinuring na pinakamahirap sa mga mahirap na sektor.”

Sa kasalukuyan, naipasok ng AFSC ang pagbili ng lupa at pagpapatayo ng pabahay sa Fisherfolk Settlement sa listahan ng mga programang maaaring isama sa Bottom-up Budgeting (BuB) sa 2017.

Hamon sa susunod na administrasyon: Gawing prayoridad ang fisherfolk settlement NI ANGELA GARCHITORENA

Malaking hamon para sa Artisanal Fisherfolk Sectoral Council (AFSC) ang papasok na bagong administrasyon upang lalong patibayin ang nasimulan nilang pagpapatupad ng fisherfolk settlement para tiyakin ang maayos at ligtas na pabahay para sa maliliit na mangingisda.

Ang Brgy. Bacubac sa Basey ang isa sa mga unang fisherfolk settlement sa Samar.

Mayroon nang 30 kabahayan at inaasahang madadagdagan pa ito ng 20 sa 2016.

LARAWAN NG BSCAS-PIP

Page 19: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

BATINGAW 17ISYU 1: TAON 2016

Naigiit ng National Urban Poor Sector Council (NUPSC) ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) ang paglalabas ng Joint Memorandum Circular (JMC) ng 13 ahensyang may kinalaman sa panlipunang pabahay.

Itinatakda ng JMC ang paglalabas ng P10 bilyon bawat taon mula 2011 hanggang 2016 para sa pagtatayo ng pabahay sa mga maralitang nakatira sa tabi ng walong malalaking ilog sa Maynila -– San Juan River, Mangahan Floodway, Estero Tripa De Galina, Maricaban Creek, Tullahan River, Pasig River, Estero De Maypajo, at Estero De Sunog Apog – na palaging nanganganib malunod tuwing may malakas na ulan o bagyo.

Ang JMC ay mahigpit na nag-aatas na ang P50 bilyon na pondo ay maaari lamang gamitin sa pamamagitan ng People’s Plan o People’s Proposals kung saan ang pagtatayo ng mga tahanan o paninirahan ay mismong mga organisasyon ng maralitang tagalunsod ang nagplano at itatayo sa malapit sa mismong tinitirhan nila; pero kung hindi puwede, itatayo ang pabahay sa ibang panig ng lungsod. Kung parehong hindi puwede dahil halimbawa sa posibleng tamaan ng lindol o kaya ay gusto ng pamilyang lumipat sa bagong komunidad, maaaring itayo ang pabahay sa kalapit na lungsod.

Tinitiyak ng JMC na mabibigyan ang mga maralitang tagalunsod hindi lang ng pabahay kung hindi pati panlipunang serbisyo kabilang ang edukasyon, kalusugan, kabuhayan, malinis na tubig at kuryente gayundin ang kalsada at palengke.

Sa ngayon, iginigiit ng mga organisadong maralitang tagalunsod ang paglalaan ng pondo para sa pabahay ng mga maralita sa iba pang panig ng Luzon at sa Visayas at Mindanao.

Lumagda sa JMC ang NAPC, Department of the Interior and Local Government, Department of Social Welfare and Development, Department of Public Works and Highways, Department of Environment and Natural Resources, Department of Budget and Management, Department of Finance, National Housing Authority, Housing and Urban Development Coordinating Council, Social Housing Finance Corporation, Presidential Commission for the Urban Poor, Metro Manila Development Authority at Commission on Human Rights.

Karapatan sa paninirahan sa mga lungsod, naigiit ng mga organisadong maralitang tagalunsodNI JOSEPH AQUINO

Malaking tagumpay sa pakikibaka ng maralitang tagalunsod ang paglalaan ni Pangulong Benigno Aquino III ng P50 bilyong pondo para sa pabahay para sa mga maralitang pamily-ang naninirahan sa mga tabing-ilog sa buong Maynila.

CALOOCAN6,012

LAS PIÑAS2,590

PASAY4,200

VALENZUELA2,837

PASIG7,449

PATEROS1,869

QUEZON CITY10,367

SAN JUAN1,375

TAGUIG3,672

MAKATI1,810

MARIKINA430

MUNTINLUPA3,686

NAVOTAS6,017

PARAÑAQUE914

MALABON3,991

MANDALUYONG662

MANILA2,249

Informal Settler families Living Along Waterways in Metro Manila (consolidated as of June 2012)source: LGUs

Page 20: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

BATINGAW ISYU 1: TAON 201618

Tumanggap ng Gawad Saka ng Department of Agriculture si Gavina Tumbaga ng Artisanal Fisherfolk Sectoral Council noong Nobyembre 19, 2015.

RECOGNITION CORNER FOR SPECIAL AWARDEES

Itinanghal na 3rd Most Outstanding Cooperative Leader ng Cooperative Development Authority si Divina Quemi ng konseho ng sektor ng kooperatiba noong ika-23 ng Oktubre 2015 sa Philippine Trade and Training Center (PTTC), Pasay City.

Nakamit ni Danilo C. Trongco ang National Productivity Olympic Champion sa micro-agribusiness industry mula sa Department of Labor and Employment- National Tripartite Wage Board and Productivity Commission (DOLE-NTWBPC) noong Oktubre 15, 2015. Si G. Trongco ay miyembro ng Artisanal Fisherfolk Council.

Isa si Benfred Tacuya ng NAPC National Urban Poor Sectoral Council (NAPC-NUPSC) sa 10 National Outstanding Volunteers ng 2015, taunang parangal sa mga dakilang gawain at magandang halimbawa ng mga Pilipino upang makapanday ng matatag na komunidad.

Ginawaran ng Department of Agriculture si Loida Rivera bilang Outstanding Sugarcane Farmer ng Region 3 noong Nobyembre 19, 2015 sa Fontana Hot Spring Leisure Parks, Clark Freeport Zone, Pampanga. Kinakatawan ni “Ka Loida” ang Nagkakaisang Magsasaka sa Gitnang Luzon (NMGL) sa NAPC Farmers and Landless Rural Workers Sectoral Council.

Pinarangalan bilang Best PWD Leader of the Year ng Regional Council on Disabilitiy Affairs (RCDA) sa Rehiyon 3 si Bb. Maria Luisa Ronquillo, miyembro ng Persons with Disabilities Sectoral Council sa Maharajah Hotel, Angeles City, Pampanga noong Disyembre 15, 2015.

Tinanggap ni Engr. Darlito S. Palermo, kabilang sa konseho ng Persons with Disabilities (PWD), ang 2015 Mabini Presidential Award dahil sa husay at dedikasyon sa pagsusulong ng economic self-sustainability ng mga taong may kapansanan sa pamamagitan ng Information Communication Technology (ICT). Iginawad ni Pangulong Benigno Aquino III ang parangal noong Setyembre 29, 2015 sa Malacañang.

Pinarangalan ng Jollibee Family Values Award ng Jollibee Corporation si Engr. Emerito Rojas, dating kinatawan ng sektor at ngayon ay kasapi ng konseho ng PWD, dahil sa kanyang programang pangkabuhayan, tulong sa rehabilitasyon at kagamitan o assistive device sa mga may kapansanan at mga pasyenteng gumaling ang kanser. Ginanap ang parangal sa Philippine International Convention Center noong Setyembre 24, 2015.

Page 21: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

Anti-Corporal

Punishment BillMagna Carta of W

orkers

in the Informal Sector

Internally Displaced Persons Bill (IDP)

People’s Freedom

of Information Act

(FOI) Bill

BATINGAW 19ISYU 1: TAON 2016

ektarya para sa siyentipikong pagsasaka ng mga posibleng benepisyaryo ng repormang agraryo.

Sa ilalim ng Fisherfolk Settlement Program (FFSP), pinangasiwaan ng NAPC ang paghahanda sa paglipat at pagpupundar ng kabuhayan, o social preparation, ng mga taga-Sicogon na sinalanta ng bagyong Yolanda.

Noong Disyembre 17, 2015, pinirmahan ng NHA at ng UN-Habitat ang Memorandum of Understanding (MoU) na naglalatag ng panuntunan sa Community-Based Shelter Livelihood Program (CBSL) na magbibigay

ng pabahay at kabuhayan sa mga matinding sinalanta ng bagyong Yolanda. Kasabay nito, inayos ang Memorandum of Agreement (MoA) at Terms of Reference (ToR) ng NAPC, NHA, UN-Habitat, Ayala Land at mga Housing Associations sa isla.

Nakikipag-ugnayan din ang NAPC sa iba’t-ibang ahensya kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Agrarian Reform (DAR), at National Housing Authority (NHA) para tugunan

ang kahilingan ng mga taga-isla ayon sa nakasaad sa kasunduan.

Nakita sa balikatang ito ang pagkilala ng ibang ahensya sa kahalagahan ng social preparation na ginagawa ng NAPC at ang pagpapatupad ng asset reform para sa mga mahihirap. Ang naging karanasan ng NAPC, Ayala Land Inc., UN-Habitat at NHA sa Isla ng Sicogon ay itatampok sa gagawing libro tungkol sa gabay sa pabahay para sa mga nasalanta ng kalamidad at para sa mga mangingisda.

SICOGON, MULA P. 3

SRC, MULA P. 6nakipagpulong ang WIS sa House Committee on Labor and Employment at sa Senado.

4. Internally Displaced Persons Bill (IDP) na nagpoprotekta sa karapatan ng mga IDP kabilang ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga tulong na ibinibigay ng pamahalaan lalo na ang Commission on Human Rights at ang pagbibigay sa kanila ng karampatang bayad.

Inaprubahan ang IDP Bill sa ikatlong pagbasa sa ika-15 Konggreso at sa Senado noong taong 2013. Gayunman, tumanggi ang Pangulong Aquino na aprubahan ang panukalang batas. Matapos pag-aralan ng mga taga-pagsulong ay muli itong inaprubahan sa ika-16 na Kongresso. Sa kasalukuyan ay patuloy itong pinag-uusapan sa Senado.

Ayon sa United Nations, ang mga IDP ay mga tao o grupo ng taong napilitang umalis mula sa kanilang tahanan o lugar na palaging tinitirhan upang makaiwas sa mga armadong labanan, malawak na kaguluhan, paglabag sa karapatang pantao, o kaya ay sakuna, natural man o gawa ng tao, nang hindi lumalampas sa hangganan ng isang estado.

Napagtagumpayan ng mga batayang sektor ang pagpapasa ng Social Enterprise Act o ang Barangay Kabuhayan Act, na nagbubukas ng oportunidad para magkaroon ng trabaho at bumuti ang kalidad ng buhay ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga livelihood at skills training center sa mga mahihirap na bayan. Gumagawa ngayon ang Department of Trade and Industry, Department of the Interior and Local Government, National Anti-Poverty Commission at Technical Education and Skills Development Authority ng Implementing Rules and Regulations.

Kabilang din sa itataguyod ng SRC ang National Land Use Act, Coconut Farmers and Industry Trust Fund, On-Site, In-City, Near-City Resettlement Act (People’s Plan), Increase in SSS Pension at Sangguniang Kabataan Reform Law. (Tingnan ang pagtalakay sa mga ito sa mga hiwalay na sulatin sa isyung ito ng Batingaw.)

Page 22: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

BATINGAW ISYU 1: TAON 201620

KADAGATANFAUSTO D. JUMAMIL JR.

Gibuhat ka sa among Langitnong AmahanSa mga nagkalain laing klase sa isda gibutanganSa mga anindot nga kagasangan, giduyan-duyananAron mahingpit ang imong katahumanDiha kanimo anaa pa ang mga tanghagaHangtod karon sa bag-ong buhilamanWa pa matungkad sa kinaadman.

Ang pulong sa atong Amahan,Ako pang nahinumdumanMga anak panglakaw kamo ug pagdaghanKamo nay mag-atiman ug magdumalaSa mga bahandi sa kalibutanAmpingi kini ninyo ug mahala labina ang kadagatanAron inyong kapahimuslan hangtud sa umaabot nga kaliwatan.

Dungawi ra god ninyo kanang mga isdang nangginukdanaySa matag karon og unya muhunong tungod sa gasangMagpakiay-kiay aron pagwagtang sa iyang kalaayApan niabot si Juan LampingasanSa way kukalooy sa dinamita gipabuthan, sa hilo gibo-boanPatay na gyud and serena nga naglingkod sa dakong tipayAng mutya ambot hain kaha malabay ang makapunit niadto mao ray malipay.

Tan-awa muburot na ang tiyan sa mga tag-iya sa dagkong panagatanGagmay’ng mananagat nagtingkogTiyan mipilit sa kagongkong paghinigop sa tinughongMga anak sa ilang pagtungha dili makahumanMga damgo ug tinguha sa ilang kinabuhi dili matumanKapakyasan ang mahiagumanKay Kabus man ang mga ginikanan.

Kaninyo mga kaigsoonan koDiha sa kabaybayonanAng dagat atong bantayanNga dili kapanamastamasanBalaod atong ipatumanAron dili kita abusaranSa mga tawong lampingasan sa atong katilingban.

Ampingan ta gyod ang atong kadagatanLakip na ang mga kabakhawanAron mga isda dunay kaitloganMalipay usab ang kalanggamanAtong mga basuraDili na ilabay sa lapyahanSa paghunas sa dagat ibanlas sa halapad nga kalawrannga nakahugaw sa kadagatan….

Isang Seryoso Ngunit Malanding Proseso Kapag Nagka-Kras sa OpisMARLON B. FULO

Nagsimula lang naman ang lahat sa isang huntahanIsang pangkaraniwang araw ng mga pangkaraniwang nilalangNang bigla, ura-urada, at hindi sinasadyaSa isang tigib na sandali, ni hindi ko nahinuhaMay isang puwersa sa dibdib ang nagpipilit kumawala

Hangga’t nalasing ng samut-saring pakiwariUltimo ang araw ay ginawa na ring gabi‘pagkat inamin at tinanggap na lagi nang nagmamadaliNa dumating ang kinabukasan at ang araw ay pinararamiAt lahat na ng mga salita ay nagiging malagkit at matamis

….. at nadagdagan pa ang mga araw at gabi.

Ngunit mapalad pa rin sa naging pagtanggapBagama’t ang mga dahilan, ni minsan ay hindi ko maapuhapAt ang pag-unawa sa akin ng aking kabiyakTingin ko ay abot-langit, tingin ko ay wagas

Sa sarili kong kalkulasyon, tingin ko ay magtatagalHindi naman ito laro na maaaring itigil nang biglaanO kaya’y iwawaksi sa sandali mang mapagalHindi isang awitin na may koro at hanggananSa tingin ko isa itong prosesong dapat pagnilayan

Masaya ako kasama ka, katulong kaHindi naman ito biro, bagama’t ‘di naman nakabibiglaKabiyak kita buong buhay, ngunit madalas ay KasamaHanda kang makibahagi at handa kang umunawaUpang mabawasan ang aking pananangis, kalandian at mga maling akala

KATHANG ISIP

Biro Lang

Page 23: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

B A T I DPara sa mga tao na nakakalimutan na ang sarili dahil sa PAGMAMAHALDHEL

Batid ko ang dami ng ginagawa moKaya naman, tahimik akoBatid ko ang pagod mo,Kaya naman, ‘andito lang ako

Batid ko ang saya moKaya naman, nakangiti lang akoBatid ko ang pagmamahal moKaya naman, umaasa pa rin akoBatid ko na may tamang panahonKaya naman, naghihintay na lang ako

Batid mo din ba ang pag-iisa ko?Katumbas ng pangangailangan ko sa’yo?Kaya naman, ang tanong ko…Batid mo din kaya ang pagmamahal ng isang tulad ko?

Kung sa bawat pang-uunawa koHindi ko batid ang sakit na dalaNg pagmamahal, na sinasabi mo...

NiLaLangSOLEMNA

Sadyang mahiwaga takbo ng pag-iisip nang bawat nilalang,Hindi namamalayang ikaw pala’y nalilinlang,Bawat ipinamalas na pagpapanggap, kagyat iyong hinaharap,Sa ngalan ng tinatawag na lubusang pagtanggap.

Sinubukang lumaro sa agos ng buhay,Upang ipamalas na ikaw ay tunay,Ngunit unti-unti’y tuluyan din namang pinipilay,Ano pa nga ba yaring saysay,Kung hanggang sa dulo ika’y gawin lamang saklay,

Sapagkat ika’y tao din lamang, minsan ay hangal,Walang nasasaisip kundi ang ialay iyong pagmamahal,Kaakibat yaring wagas na pagtitiwala at kahinaan,Susuklian lamang nang may pag-iimbot at pag-aalinlangan,

At sa mga pagkakataong pagninilayan,Sapat na nga ba ang ipinakitang pagkakaibigan,Dumarating sa puntong ultimong sarili’y pagdudahan,Ako nga ba o ikaw ang hindi naging makatotohanan?

Sa tapayang malalimTayo ay isda’t asinMatagal buburuhin,Patis ang kakatasin. Mario Lamat

Puto lang ako, sinta—May init ng bibingka,Tamis ng maja blanca,Sapin-saping ligaya. Don Clarence Cruz

Dinatnan kong tahimikAng lawa at namingwit;Nasilip ka sa langit,Ang nahagkan ko’y tubig. Lorelie Chua

Nagmula sa folding bedBumagsak sa banig;Napunta na sa sahigIkaw pa rin ang isip. Michael Sanchez

Nag-almusal mag-isa,Kaning-lamig tinapa;Nahulog ang kutsaraIkaw na sana, sinta. Edgar J C. Galang

KABATAANMA. ERICKA QUILOS

Pag-asa daw na itinuturing ng ating bayanNgunit paano mangyayari kung hindi pinapansin ng pamahalaan?Kabataan ngayo’y sadlak na sa kahirapanLandas nila’y nawawalan ng katiyakan

Ni hindi man lamang alam ang kanilang karapatanNapapariwara, sa krimen ay nasasangkotSa kamay ng mapang-abuso sila’y nahuhulogKaya naman karamihan sa kalye natutulog

Kabataan dapat ay pinoprotektahanAt binibigyang-pansin ng pamahalaanIsyu sa edukasyon, kalusugan at karahasanAng mga problemang dapat sinusolusyunan nang agaran

Upang krimen at kahirapan ay mawakasanBawat tao’y magsama-samaLahat tayo’y magkaisaIsulong aming karapatanIangat kaming mga kabataan!

Mga Tanaga:MULA SA TEXTANAGA, NILIMBAG NG PAMBANSANG KOMISYON PARA SA KULTURA AT MGA SINING, 2003.

Page 24: ISYU 1: TAON 2016 NAPC.GOV.PH/BATINGAW...lulutasin ang problema ng mga nasa isla. LARAWAN NI SHALOM MAGYA MACLIING, 2014 NI ANGELA GARCHITORENA 4 BATINGAW 1 2016 Inilunsad ng Kilus

Nilimbag ngOffice of the Vice Chairperson for the Basic Sectors (OVCBS)National Anti-Poverty CommissionOffice of the President of the Republic of the Philippines

Para sa mga komento at mungkahi, maaari ninyong iparating sa OVCBS sa telepono blg. (02) 426-5028 o sa e-mail address na [email protected].