kagustuhan at pangangailangan

22
Kagustuhan at Pangangailangan : Tungo sa Matalinong Pagdedesisyon Aralin 7

Upload: gerald-dizon

Post on 21-Dec-2014

4.100 views

Category:

Documents


11 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Kagustuhan at pangangailangan

Kagustuhan at Pangangailangan: Tungo sa Matalinong PagdedesisyonAralin 7

Page 2: Kagustuhan at pangangailangan

Mga Layunin:• Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng pangangailangan at

kagustuhan;

• Nasusuri ang mga teorya ng pangangailangan;

• Nailalahad ang kasalukuyang gawi ng mag-anak na Pilipino ukol sa mga gastusing inilalaan para sa mga pangangailangan at;

• Nabibigyang halaga ang pagsasagawa ng matalinong pagpapasya ukol sa mga pangangailangan at kagustuhan

Page 3: Kagustuhan at pangangailangan

Ang Pagdedesisyon

Page 4: Kagustuhan at pangangailangan

Ano ang pagdedesisyon?Ayon kay ginoong Sean Ocier,

Ang paggawa ng desisyon ay nagsasalamin sa totoong karakter ng isang tao. Ito ay batay sa kanyang pag-uugali, personalidad at mga pinahahalagahang paniniwala.

Kapag ang isang tao ay nagdedesisyon, madalas ito ay nahihirapan sa pagpili kung ano ang nararapat. Kung ang isang tao ay nagdesisyon nang sobrang bilis, karaniwan ay sa katagalan, hindi ito mabuti dahil minadali lamang. Kailangan ang pagdedesisyon ay iniisip nang mabuti bago isakatuparan. Sa kabilang banda, kung sobrang bagal naman ang paggawa ng desisyon, maaari namang lumipas ang isang oportunidad.

Kaya dapat ay balanse ang iyong pagdedesisyon, kailangang mag-isip nang mabuti pero hindi nag-aaksaya ng panahon.

Page 5: Kagustuhan at pangangailangan

Pagdedesisyon sa pang- Ekonomiyang perspektibo

• Dahil sa kakapusan ng salapi at pinagkukunang yaman ng tao, lahat ay nararapat na maging matalino sa pagpili ng mga kalakal na bibilhin at tatangkilikin maging sa mga serbisyong kukunin.

• Bilang mamimili, ano ang iyong magiging batayan sa pagpili ng mga nais mong bilhin?

Page 6: Kagustuhan at pangangailangan

Pagkakaiba ng Pangangailangan at Kagustuhan

Page 7: Kagustuhan at pangangailangan

Pangangailangan ( Needs)

• Ang tao ay may mga kailangan na ang mga ito ay para sa kanyang ikabubuhay.

• Gaya halimbawa ng damit, pagkain, tirahan, tubig at iba pa.

Page 8: Kagustuhan at pangangailangan

Kagustuhan (Wants)• Ito ay ang paghahangad ng

mga bagay na higit pa sa batayang pangangailangan.

• Ito ay hinahangad ng tao dahil sa ang mga ito ay nagbibigay kasiyahan, kaginhawahan, kaunlaran at karangalan.

• Gaya halimbawa ng telebisyon, oven, refrigerator, washing machine, cellphone at iba pa.

Page 9: Kagustuhan at pangangailangan

• Ngunit ayon sa mga eksperto sa ekonomiya at mga iskolar sa gawi ng tao, maituturing pa rin na bahagi ng kagustuhan ang paghahangad ng tao sa isang bagay sapagkat higit itong mahusay kung ihahambing sa dati niyang ginagamit.

• Gaya halimbawa ng Instant Coffee.

Page 10: Kagustuhan at pangangailangan

Teorya ng Pangangailangan ni Maslow

• Si Abraham Harold Maslow (1908-1970) ay isang amerikanong psychologist na nagpanukala ng hirarkiya ng mga pangangailangan.

Page 11: Kagustuhan at pangangailangan

Teorya ng Pangangailangan

• Ayon kay Maslow, habang nagpapatuloy na napupunan ng tao ang kanayang batayang pangangailangan, siya ay naghahanap ng mas mataas na pangangailangan (higher needs) ayon sa pagkakasunod sunod sa isang hirarkiya.

Page 12: Kagustuhan at pangangailangan

Physiological needs (pisyolohikal) – ang pinakamababang bahagi ng piramide, kabilang dito ang mga bayolohikal na pangangailangan sa pagkain, tubig, hangin, at tulog.

Safety needs (pangkaligtasan) – ito ay nauukol sa mga pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan sa buhay, kabilang dito ang katiyakan sa hanapbuhay at kaligtasan.

Love/Belonging needs (Pangangilangang makisalamuha, makisapi at magmhal) – ito ay nauukol sa pangangailangang panlipunan tulad ng pakikipagkaibigan at pagkakaroon ng pamilya dahil sa kailangan ng tao ang pagmamahal at pagtanggap ng ibang tao.

Esteem needs ( pangangailangang mabigyan ng pagpapahalaga ng iba)– nauukol sa pagkakamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao.

Actualization (pangangailangang maipatupad ang kaganapang pagkato) – ang pinakamataas na antas sa hirarkiya. Dito ang tao ay may kamalayan hindi lamang sa kanyang sariling potensyal, ngunit higit sa lahat sa kabuuang potensyal ng tao.

Page 13: Kagustuhan at pangangailangan

Teorya ng Pangangailangan ayon kay McClelland

• David McClelland, isang Amerikanong psychologist, ayon sa kanya, may mga pangangailangan ang tao na natatamo sa matagal na panahon at hinuhubog ng mga karanasan

Page 14: Kagustuhan at pangangailangan

Teorya ni McClelland

• Ang mga pangangailangang ito ay inuuri sa tatlo:

• Ang nagawa (achievement)

• Kapangyarihan (power)

• Pagsapi (affiliation)

Page 15: Kagustuhan at pangangailangan

Nagawa  (achievement)• Nagawa  (achievement) – inilarawan ni McClelland

ang katangian at saloobinng taong may mataas na pangangailangan sa nagawa

• Ang nagawa ay higit na mahalaga kaysa mga gantimpalang material at salapi.

• Ang makamit ang layunin ay nagbibigay ng personal na kasiyahang higit sa makatanggap ng papuri at pagkilala.

• Mahalaga ang feedback upang masubaybayan ang pag-unald na nakamit.

Page 16: Kagustuhan at pangangailangan

Kapangyarihan(Power)

• Kapangyarihan(Power) – ito ay may dalawang uri – personal at institusyonal

• Personal – ito ay kadalasang hindi maganda dahil sa pagnanais na magtuos sa iba

• Institusyonal – ito ay nakatuon sa mga pagsisikap upang maging maayos ang layunin ng samahan

Page 17: Kagustuhan at pangangailangan

Pagsapi (affiliation)• Pagsapi (affiliation) – ang pagsapi ay nagnanais ng

maayos na pakikisalamuha sa ibang tao at kailangang makadama na sila rin ay tinatanggap ng ibang tao.

•         Ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao ang itinuturing na pinakaugat ng suliraning may kaugnayan sa kakapusan. Kaya nararapat na maging matalino sa pagpapasya ukol sa paggamit ng may kakapusang pinagkukunang-yaman. Kinakailangang bigyang-tuon ang mga bagay na makapagbibigay sa tao ng higit na kapakinabangan at kasiyahan.

Page 18: Kagustuhan at pangangailangan

Pangangailangan ng Pamilyang Pilipino

Page 19: Kagustuhan at pangangailangan
Page 20: Kagustuhan at pangangailangan

Sarbey ng NSO at FIES• Sa pagdaan ng panahon, sinasabing bumababa ang gastusin ng

pamilyang pilipino sa pagkain habang patuloy na tumataas ang kanilang gastusin sa ibang bagay.

• Sa srabey na ginawa ng NSO (National Statistics Office) at FIES (Family Income and Expenditure Survey) ipinakita na sa bawat Php.100 na ginagastos ng bawat pamilyang pilipino na kabilang sa 30% ng pangkat na may pinakamababang kita noong 2006, Php.59 ay napupunta sa pagkain kumpara sa Php.60 noong 2003.

• Bumaba rin ang paggasta sa iba pang mga bagay tulad ng tabako (2% patungong 1.7%), pananamit at sapin sa paa (2.5% patungong 2%) at pagkukumpuni ng tahanan (5% patungong 2.%)

Page 21: Kagustuhan at pangangailangan

Distribusyon ng kabuuang gastusin ng Pamilya

RehiyonGastusin (sa bilyong piso)

2003 2006

Kabuuan Porsyento Kabuuan Porsyento

Pilipinas 2,038 100.0 2,561 100.0

NCR 500 24.5 609 23.38

CAR 35 1.7 46 1.8

Ilocos 90 4.4 117 4.6

Gitnang luzon 249 12.2 325 12.7

MIMAROPA 42 2.1 51 2.0

Gitnang Visayas 124 6.1 160 6.2

Davao 81 4.0 97 3.8

ARMM 34 1.7 40 1.6

Page 22: Kagustuhan at pangangailangan