kaugnay na literatura - second qt

24
San Beda College – Alabang Alabang Hills Village, Muntinlupa City IBED: High school Isang Pagsusuri tungkol sa Epekto ng mga School Activities sa Akademiko ng mga Mag-aaral ng Ikaapat sa Taong Panunuran 2012-2013 Ipinasa ni: IV-3 Joie Apostol Margareth Cailing Laureen Garcia Patricia Gonzales Fabienne Panelo Eliz Villaroman Ipinasa kay: Sir Ricky Villanueva

Upload: margareth-cailing

Post on 01-Dec-2015

1.159 views

Category:

Documents


22 download

TRANSCRIPT

Page 1: Kaugnay Na Literatura - Second Qt

San Beda College – AlabangAlabang Hills Village, Muntinlupa City

IBED: High school

Isang Pagsusuri tungkol sa Epekto ng mgaSchool Activities sa Akademiko ng mga Mag-aaral

ng Ikaapat sa Taong Panunuran 2012-2013

Ipinasa ni:IV-3

Joie ApostolMargareth Cailing

Laureen GarciaPatricia GonzalesFabienne PaneloEliz Villaroman

Ipinasa kay:Sir Ricky Villanueva

Page 2: Kaugnay Na Literatura - Second Qt

CHAPTER 1

I. PANIMULA

Ang edukasyon ay sadyang mahalaga sa mga mamamayan ng

lipunan, noon hanggang ngayon. Ang edukasyon ay ang pinakamatibay na

pundasyon ng isang tao. Ito rin ang tanging bagay na maaari nating dalhin saan

man tayo pumunta at walang sinumang maaaring makaagaw nito sa atin. Hindi natin

lubusang maisip na pagkatapos nating ibigay ang lahat ng ating makakaya sa

nakaraang tatlong taon sa Mataas na Paaralan ng San Beda College Alabang ay

narating na rin natin ang ating huling taon dito sa paaralang ito. Natitiyak natin na isa

na naman itong pagsubok sa atin dahil hindi lamang ang ating pag-iisip, kilos at

determinasyon ang nakasalalay dito, kasama na rin dito ang ating disiplina at oras

sa paggawa ng mga bagay-bagay. Lahat naman tayo ay gustong makapasa at

makakuha ng markang nais nating matanggap. Nais nating gawin ang lahat ng ito

para sa ating kinabukasan. Ano man ang kailangan nating gawin ay gagawin talaga

natin para lang makamit natin ang ating mga minimithi. Ganito kahalaga sa lipunan

ang edukasyon, dahil dito, ang kagawaran ng edukasyon o DePED ay

pinaglalaanan ng malaking pera ng ating gobyerno.

Subalit hindi lamang akademiko ang kailangan upang maitaguyod

ang isang balanse at produktibong estudyante, kailangan din ng estudyante na

maipamahagi at mapaunlad ang kanyang angking mga kakayahan at mga talento.

Hindi lamang sasaklaw sa apat na sulok ng silid-aralan ang edukasyon na kailangan

ng estudyante, dito pumapasok ang ating talakayan ukol sa mga epekto ng school

Page 3: Kaugnay Na Literatura - Second Qt

activities. Halos bawat paaralan sa bansa o sa mga bansang dayuhan ay laging may

mga kaakibat na "school activities" para sa ikauunlad ng mga estudyante. Ilan lang

sa mga bahagi nito ay ang mga "Debate Team", "Student Council", "Volunteering" at

ibapa.

Subalit, sumagi ba sa ating mga isipan na sa bawat “school activity”

na ating ginagawa sa bawat buwan ay nakakaapekto ba sa akademikong pagaaral

natin? Nakakatulong ba sa atin ito at nagkakaroon ng positibong epekto sa atin, o

nagkakaroon ito ng epektong negatibo? Masasagot natin ang lahat ng ito dito sa

tesis na ito dahil paguusapan at tatalakayin natin ang bawat epekto ng “school

activities” sa akademikong pagaaral galing sa at sa tulong ng perspektibo ng mga

magaaral sa Ikaapat na Taon ng Mataas na Paaralan ng San Beda College

Alabang.

A. Paglalahad ng Suliranin

1. Pangkalahatang Suliranin:

Ano ang mga epekto ng mga school activities sa akademiko ng mga mag-

aaral sa SBCA ng ikaapat na taong panunuran 2012-2013?

2. Mga tiyak na Suliranin:

a. Ano ang mga masamang epekto ng mga school activities sa pagaaral ng mga

estudyante?

b. May mabuting epekto ba ang mga school activities sa pagaaral ng mga

estudyante?

Page 4: Kaugnay Na Literatura - Second Qt

c. Sinasayang ba ng mga school activities ang mga araw na dapat nakalaan para

lamang sa akademiko?

d. nahihirapan bang magpokus ang mga estudyante kapag mayroong mga school

activities?

e. Nagiging maganda ba ang resulta sa paghubog ng pagkatao kung ipagsasabay

ang pag-aaral at magsali sa mga school activities.

B. Konseptwal na batayan

SCHOOL ACTIVITIES

AKADEMIKO

MGA ESTUDYANTE SA IKA-APAT NA TAON SA MATAAS NA PAARALAN

2012-2013

PISIKAL NA AKTIBIDAD

INTELEKTUAL NA AKTIBIDAD

PAG-AARAL PARA SA EXAMINATION,

RECITATION AT IBA PA.

PAG-GAWA NG MGA PROYEKTO

Page 5: Kaugnay Na Literatura - Second Qt

C. kahalagahan ng pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga para sa mga estudyante, mga guro at

sa buong administrasyon ng paaralan.

Para sa mga estudyante, inaasahang sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay

maipamahagi nila ang negatibo at positibong epekto ng aktibidad sa kanilang

akademiko at pag-aaral.

Mahalaga rin ang pananaliksik na ito para sa buong administrasyon ng

paaralan dahil sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, maaring mas mapabuti pa nila ang

mga pag-iiskedyul ng mga aktibidad sa mga susunod na taon upang maiwasan ang

pagkasabay-sabay ng mga aktibidad na nakaaapekto sa akademiko ng mga mag-aaral.

Bukod dito, mabebenepisyuhan rin ang mga magulang dahil sa pamamagitan ng

pag-aaral nito, makikita ng mga magulang ang epekto ng aktibidad sa akademiko ng

kanilang mga anak.

D. Saklaw at Hangganan

Ang pag aaral na ito ay tungkol sa mga magiging epekto ng mga

aktibidad ng mga estyudanteng nasa ikaapat na taon ng mataas ng paaralan ng San

Beda College Alabang ng taong 2012-2013 sa kanilang akademiko. Magkakaroon

lamang ng 50 estudyante na pagkukuhaan ng kanilang opinyon tungkol sa nasabing

pag aaral.

Page 6: Kaugnay Na Literatura - Second Qt

E. katawagan at katuturan

a. curricular activities - mga aktibidad sa paaralan na pwedeng may konneksyon sa

akademiko at pwede din na hindi. kadalasan ginagawa sa labas ng silid-aralan

b. Pagsusuri- pag-aaral

c. akademiko- pag-aaral sa loob ng silid- aralan.

d. stress- nararamdaman ng isang taong madaming ginagawa o iniisip

e. patimpalak- paligsahan

II. KAUGNAY NA LITERATURA

“Learning is primarily a social activity, so taking part in school activities is important to learning. Experts believe that social participation is the main channel where learning occurs. According to psychologist Lev Vygotsky, children learn by internalizing the activities, habits, vocabulary, and ideas of the members of the community where they grow up. The establishment of a fruitful, participative and cooperative atmosphere is essential to school learning. Social collaboration can boost students’ achievement, provided that the kind of interactions encouraged contribute to learning. Students work harder to improve the quality of their essays, artwork etc. when they know that these will be shared with other students.Source:Tenedero, H. (2001,Enero 11). Learning with a purpose. Manila Bulletin, vol.409#11

Ang pagsasali sa mga aktibidad sa eskwelahan ay mabuti para sa mga

estudyante. Ayon sa mga eksperto, ang pagsasali sa mga aktibidad ay pangunahing

paraan para matuto ang mga bata. Ayon sa psychologist na si Lev Vygotsky, ang mga

bata raw ay natututo kapag isinasapuso nila ang mga aktibidad, ugali, bokabularya,at

ideya ng mga taong nasa paligid niya. Ang pagsali sa mga paligsahan ay

nakakapagpataas ng karangalan sa mga bata. Kapag sila ay sumasali sa mga

Page 7: Kaugnay Na Literatura - Second Qt

patimpalak, mas napapahusay nila ang kanilang mga gawain lalo na alam nila na ito ay

maipapakita at maihahambing sa ibang estudyante.

Ang literaturang ito ay kaugnay sa tesis na “ Isang Pagsusuri Tungkol

sa Epekto ng mga School Activities sa Akademiko ng mga Mag-aaral sa San Beda

College Alabang ng Ikaapat na Taong Panunuran 2012-2013. Ayon sa literaturang ito,

maganda raw ang epekto ng pagsali sa mga aktibidad ng eskwelahan dahil ito ay isang

paraan para matuto ang mga estudyante. Ito ay humahasa sa kaalaman nila. Lalong

napapabuti ng mge estudyante ang kanilang mga gawain dahil alam nila na ito ay

ipapakita at ihahambing sa gawa ng kapwa estudyante. Mas mabuti siguro na nagiging

“expose” ang mga estudyante sa iba’t ibang aktibidad o paligsahan bago sila

tumungtong sa kolehiyo para ito ay magsisilbing tulong para mapatatag nila ang

paniniwala nila sa sarili.

“Extra-curricular activities are those which complement and form an essential support for the academic programs. This program may directly emanate from the requirements of the course but are specifically designed to further enrich the academic programs”(San Beda College Alabang Student Handbook, 2010)

Ang mga aktibidad na extra- curricular ay ang mga sumusuporta sa pa ng akademikong

programa. Itong program na ito ay maaring magmula sa mga pangangailangan sa

kursong unit. Ito ay sinadya upang higit pang payamanin ang pang-akademikong

programa.

Ayon sa student handbook ng San Beda College Alabang, ang mga aktibidad ay

inaayos ng San Beda College Alabang ay itinaguyod upang iugnay ito sa akademikong

programa na kanilang inihahandog. Ang mga aktibidad na ito rin ay isang pagkakataon

Page 8: Kaugnay Na Literatura - Second Qt

upang mapakita ng isang estudyante ang kanyang mga talento na hindi naipapakita sa

loob ng silid- aralan. Pinalalawak ng mga aktibidad na ito ang kaalaman at kakayahan

ng isang estudyante. Magkakaroon rin sila ng karanasan na hindi nila matututunan sa

loob ng silid- aralan. Kaya’t masasabi natin na may mabuting epekto ang mga aktibidad

na extra- curricular sa akademiko ng pagganap ng mga estudyante.

" A child who devotes his spare time to extracurricular activities spends less time on studies. This can affect his grades if he is not spending enough time studying. It can also become stressful dedicating time to an activity if the schedule increases. As the academic workload increases, so too can an extra curricular activity, and a child can feel stressed wondering how he can deal with both."(Wood, L. (nd). The effect of extra curricular activities on academic grades.eHow.com Retrieved October 20,2012 from http.//www.ehow.com/info_8034677_effect-extracurricular-activities-academic-grades.html)

Ang bata na nag bibigay ng kanyang oras para sa mga "extra- curricular activities" ay

maaaring magbigay ng kakaunting oras nalang para sa pag-aaral. Ito ay makakaapekto

sa kanyang mga marka kung hindi siya nagbibigay ng oras para sa pag-aaral. Maaaring

maging "stressful" rin ito kapag nag bibigay ng oras para sa isang aktibidad lalo na

kapag ang iskedyul ay tumataas o rumarami. Habang ang akademikong gawain ay

tumataas, pati na rin ang mga "extra- curricular activities", ang bata ay

makakaramdamng "stress" at nagtataka kung paano niya pagsasabayin ang dalawa.

Maraming mga pagkakataon na maaaring maranasan ng mga estudyante ang ganitong

bagay. Sa pagkakaalam ng iba ay ang mga "extra-curricular activities" na ito ay lubhang

makakatulong sa kanilang mga marka, pero ang hindi nila alam ay mahirap itong

balansehin sa pag-aaral. Kapag pumasok sila sa ganitong mga aktibidad ay tiyak na

magkakaroon nalang sila ng kakaunting oras para sa pag-aaral at makakapagepekto pa

ito sa kanilang mga marka. Kaya ang mga sumasali sa mga ganito ay dapat marunong

Page 9: Kaugnay Na Literatura - Second Qt

bumalanse ng oras sa pag-aaral at pati narin sa mga aktibidad na ito.

“Ideally, only 22 days of the total school days shall be utilized for national and local events and celebrations; national, division, and regional achievement tests; contests/activities authorized by the Regional and Central Offices, and class suspensions due to natural calamities and disasters.The total number of school days shall consist of 202 days while the total number of teaching-learning days shall be 180 days, which shall present the actual teaching-learning days.“But, it seems that lesser time is spent on actual teaching-learning days, based on the results of the annual National Achievement Test (NAT),” Luistro observed.The DepEd chief explained that NAT is a natural indicator of how students and schools perform. “Those schools that have lesser days for actual teaching-learning are found to have poorer NAT results so we have to remind them to spend more time inside the classrooms rather than doing extra-curricular activities,” Luistro added.”Source: Hernando-Malipot, I. (2011,Mayo 19). When less is more. Manila Bulletin.  Retrieved October 22, 2012,fromhttp://www.mb.com.ph/node/318930/when-le#.UIUMI8Wko8p

Ayon sa Departamento ng Edukasyon, ang total na araw ng pagpasok sa

paaralan ng mga estudyante ay 202 na araw at 180 na araw dito ay nararapat ilaan sa

mga pag-aaral ng mga aralin. Samakatuwid ay 22 araw lamang sa mga school

activities. Subalit nakita sa mga resultang National Achievement Tests na mas marami

ang nagagamit na oras sa mga extra-curricular activities dahil mababa ang NAT results

ng mga estudyante. Ang NAT ay batayan kung ano ang performance ng eskwelahan at

natutunan ng estudyante, dahil dito, nalaman na mas marami ang nagagamit na oras sa

mga activities kaysa oras ng pag-aaral. Sinabi ni Secretary Luistro na dapat

paalalahanan ang mga paaralan na mas gamitin mas maraming oras sa silid aralan

kaysa sa mga school activities.

Page 10: Kaugnay Na Literatura - Second Qt

Ang literaturang ito ay kaugnay sa tesis na “Isang pasgsusuri tungkol sa epekto

ng mga school activities sa akademiko ng mga mag-aaral sa San Beda College

Alabang ng ika-apat na taong panunuran 2012-2013”.Ito ay napakalaking disadvantage

sa pag-aaral ng mga kabataan. Kinakailangan bantayan ito ng mga principal at guro.

Dapat istrikto ipatupad ang 180 na araw na kailangan para sa pag-aaral upang hindi

mapabayaan ang mga mag-aaral ang pag-aral ng leksyon para makapasa sa NAT at

iba pang unibersidad na gusto nilang pasukan sa kolehiyo.

“Students who participate in extracurricular activities generally benefit from the many opportunities afforded them. Benefits of participating in extracurricular activities included having better grades, having higher standardized test scores and higher educational attainment, attending school more regularly, and having a higher self-concept. Participants in out-of-school activities often learned skills such as teamwork and leadership while decreasing the likelihood of alcohol use and illicit drug use and related problem behaviors. Students who are over-scheduled in too many activities find that the benefits of participating in out-of-school activities may actually decrease. Overscheduled children may be tired, irritable and show little interest in participation.” (Wilson, Nikki L. (2009, May). University of Wisconsin-Stout. Retrieved October 22 2012, from http://www2.uwstout.edu/content/lib/thesis/2009/2009wilsonn.pdf)

Ang mga mag-aaral na sumasama sa mga ekstra kurikular na gawain sa eskwelahan

ay makikinabang sa pamamagitan ng mga opportunidad na kanilang matatanggap. Ang

mga halimbawa ng mapapakinabangan nila ay ang matataas ng marka, pagkaroon ng

mas mataas na standardized na marka sa mga pagsusulit, mas mataas na educational

attainment, pagpasok sa paaralan na mas regular at pagkaroon ng mas mataas na self-

concept. Ang mga sumasali sa out-of-school activities ay natututo ng mga kakayahan

katulad ng teamwork at leadership habang pinapababaang posibilidad ng paggamit ng

alak, ilegal na droga at iba pang kaugnay na problema. Ngunit ang mga mag-aaral na

over-scheduled sa mga iba’tibang aktibidad ay nakikita na ang mga benepisyo ng mga

Page 11: Kaugnay Na Literatura - Second Qt

aktibidad sa labas ng paaralan ay maaaring mabawasan. Ang mga mag-aaral na over-

scheduled ay maaring mapagod, maging iritable at magpakitang mas akunting interes

sa pagsasali.

Ang aming tesis ay tungkol sa epekto ng ekstra kurikular na mga aktibidad sa mag-

aaral sa San Beda College Alabang. Isinasalaysay sa itaas na ang mga estudyante ng

sumasama sa mga ektra kurikular na mga aktibidad ay pwede ng makita itong

sitwasyon sa dalawang magkaibang perspektibo. Una ay ang positibong epekto nito sa

magaaral, ang pagkaroon ng karanasan at advances ngunit ang pangalawa naman ay

ang negatibong epekto nito sa mag-aaral na ipinapakita sa pamamagitan ng

kakulangan sa oras, pagkapagod at conflict sa iskedyul.

III. PAMAMARAAN

Descriptive status method ang ginamit ng mga mananaliksik upang makuha

ang mga kinakailangang impormasyon ukol sa paksa ng pag-aaral na ito. Naniniwala

ang mga mananaliksik na ito sa mga pinakamabisa upang matugunan ang mga

kinakailangang impormasyon.

Ang insrumentong ginamit para dito ay ang survey questionnaire. Ito'y dahil

naniniwala ang mga nananaliksik na, ito ang isa sa mga pinakamabisang paraan upang

makakuha ng mga kasagutan mula sa mga estudyante ng ika-apat na taon.

Nakapaloob sa survey na ito ang anim katanungan na kakailanganin ng mga

mananaliksik upang mabigyan ng kasagutan ang problema ng paksa. Kasama nito, ang

mga mananaliksik ay magre-research din ukol sa paksa upang mas lalong mapatibay

Page 12: Kaugnay Na Literatura - Second Qt

ang iba't- ibang aspeto ng pag-aaral na ito. Pipili ang mga mananaliksik ng 50

estudyante sa ika-apat na taon gamit ang lottery method.

Percentage method ang ginamit ng mga mananaliksik upang matugunan ang

tabulasyon ng mga makokolektang datos mula sa survey forms na ipamimigay ng mga

mananaliksik. ang mga ito ay itutuos gamit ang mga sumusunod:

%=f/n x 100

kung saan:

%- kainaman(percentage)

F-dami ng sumagot

N-kabuang bilang ng respondente

IV. KINALABASAN NG PAG-AARAL

A. Resulta at Ebalwasyon

Ayon sa resulta ng nakuha mula sa pagsusuri, malalaman ang bilang ng

mga estudyante na kasali sa kahit anong co-curricular activity ngayong taon. Makikita

sa pagsasaliksik na mula sa 50 respondente ay 34 o 68% ang kasali sa kahit na anong

co-curricular activity at 18 o 32% naman ang hindi.

Ang pinaka-pangunahing dahilan ng mga respondente na sumagot ng

hindi sa unang bilang ay ang pagkawala ng oras at hinid interesado. Karamahan sa

mga estudyante ay hindi nagkakaroon ng problema sa pagbalanse ng akademiko at

mga aktibidad ay hindi nagkakaroon ng problema sa pagbabalanse ng akademiko at

mga aktibidad. Sinasabi din na saktong 50% ng respondente ang hindi sumasang-ayon

Page 13: Kaugnay Na Literatura - Second Qt

sa masamang epekto ng mga aktibidad. Batay sa datos na nakuha, 56% ang nagsasabi

na minsan sayang ang araw na nagagamit sa mga co-curricular activities.

Makikita na halos lahat ay nagsasabi na nakakatulong ang pagsasabay

ng co-curricular na aktibidad at ang pag-aaral.

B. Pag-aanalisa

4.1 - Ang bilang ng mga estudyante na kasali sa co – curricular activities

Sa bilang na ito ay malalaman ang bilang ng mga estudyante na kasali sa kahit

anong co-curricular activity ngayong taon. Makikita sa pag sasaliksik na mula sa 50

respondente ay 34 o 68% ang kasali sa kahit anong co-curricular activity at 18 o 32%

naman ang hindi.

4.2.1– Mga dahilan kung bakit hindi kasali sa mga co – curricular activity

Sa bilang na ito ay malalaman ang dahilan ng mga respondente na sumagot ng

hindi sa unang bilang, kung bakit hindi sila kasali sa anumang co-curricular activity. May

pinakamataas na sagot ang walang oras at hindi interesado. Sunod na mataas ay ang

sagot na ‘may ibang dahilan’. Sinundan ng sagot na ‘piling pagpipilian’ at ang may

pinakakaunting sagot ay dahil sa maraming ginagawa.

4.2.2 – Pagkaroon ng masamang epekto ng co-curricular activities sa pag-aaral

Base sa nakalagay na impormasyon, 24 % ng mga respondente ay nagkakaroon

ng problema sa pag balanse ng kanilang pag-aaral at iba pang aktibidad sa eskwela at

48 % naman ay hindi nagkakaroon ng problema.

4.3 – Pagkaroon ng masamang epektong co-curricular activities sa pag-aaral

Page 14: Kaugnay Na Literatura - Second Qt

Base sa nakalagay na impormasyon, saktong 50 % ng mga respondente ang di

sumasangayon sa pagkaroon ng masamang epekto ng co-curricular activities sa pag-

aaral ngunit 48 % naman ang sumagot ng minsan at 2% ng respondente ang

sumasangayon ng pagkaroon nito ng masamang epekto.

4.4– Pagkaroon ng mabuting epekto ng co-curricular activities sa pag-aaral

Base sa nakalagay na impormasyon sa itaas, 26 na estudyante ang

sumasangayon sa pagkaroon ng mabuting epekto ng co-curricular activities sa pag-

aaral habang 2 % naman ang di sumasangayon at 46% ng respondente ang sumagot

ng minsan.

4.5 – Ang mga araw ba na inilalaan sa co-curricular na aktibidad ay nag aaksaya ng

mga araw na pang akademiko?

Halos kalahati sa mga nabigyan ng survey ay nagsasabing minsan, sayang ang

mga araw na inilalaan sa mga co-curricular na aktibidad na dapat ay pang akademiko.

Ngunit makikita rin sa mga datos na nakuha na hindi maaaring masyadong aksayaang

mga araw na ito dahil kakaunti lamang ang nagsabing ito ay kawalan.

4.6 – Mahuhubog ba ang iyong pagkatao kung ipagsasabayang co-curricular na

aktibidad at ang pag-aaral?

Makikita na halos lahat ay nagsasabi na nakakatulong ang pagsasabay ng co-curricular

na aktibidad at ang pag-aaral. Ito ay nakakatulong sa paghubog ng buong pagkatao ng

isang estudyante. Ngunit may iiba pa ring naniniwala na hindi hinuhubog ng

pagsasabay ng pag-aaral at co-curricular na aktibidad.

Page 15: Kaugnay Na Literatura - Second Qt

C. Tabulasyon

Table 4.1 - Ang kabilangan ng mga estudyante sa co – curricular activities

SAGOT BILANG NG

RESPONDENTE

PORSYENTO

OO 34 68%

HINDI 16 32%

KABUUAN 50 100%

Table 4.2.1– Mga dahilan kung bakit hindi kasali sa mga co – curricular activity

SAGOT BILANG NG

RESPONDENTE

PORSYENTO

A. WalangOras 5 10%

B. Hindi Interesado 3 6%

C.PalingPagpipilian(Limited

Choices)

1 2%

D.MaramingGinagawa 2 4%

E. IbangDahilan 3 6%

KABUUAN 14 28%

Page 16: Kaugnay Na Literatura - Second Qt

Table 4.2.2 – Pagkaroon ng masamang epekto ng co-curricular activities sa pag-aaral

SAGOT BILANG NG

RESPONDENTE

PORSYENTO

OO 12 24%

HINDI 24 48%

KABUUAN 36 72%

Table 4.3 – Pagkaroon ng masamang epekto ng co-curricular activities sa pag-aaral

SAGOT BILANG NG

RESPONDENTE

PORSYENTO

OO 1 2 %

HINDI 25 50 %

MINSAN 24 48 %

KABUUAN 50 100 %

TABLE 4.4– Pagkaroon ng mabuting epektong co-curricular activities sa pag-aaral

SAGOT BILANG NG

RESPONDENTE

PORSYENTO

OO 26 52 %

HINDI 1 2 %

MINSAN 23 46 %

Page 17: Kaugnay Na Literatura - Second Qt

KABUUAN 50 100 %

TABLE 4.5 – Angmgaarawbanainilalaansa co-curricular naaktibidad ay

nagaaksayangmgaarawna pang akademiko?

SAGOT BILANG NG

RESPONDENTE

PORSYENTO

A. OO 4 8.00%

B. HINDI 18 36.00%

C. MINSAN 28 56.00%

KABUUAN 50 100%

TABLE 4.6 – Mahuhubog ba ang iyong pagkatao kung ipagsasabay ang co-curricular

na aktibidad at ang pag-aaral?

SAGOT BILANG NG

RESPONDENTE

PORSYENTO

A. OO 46 92.00%

B. HINDI 4 8.00%

KABUUAN 50 100%

Page 18: Kaugnay Na Literatura - Second Qt

V. konklusyon

Natutunan ng mga mananaliksik na madami ang pabor sa pagkakaroon ng

co-curricular activiites sa paaralan kahit may mga ilan ang ayaw nito. Nalaman din nila

na pagsali sa mga ganitong aktibidad ay makakahubog sa kabataan para sa kanilang

pagkatao. kahit magkakaroon ng madaming problema, alam ng mananaliksik na ito ay

parte ng pagsubok na kailangang harapin. makakatulong ang pagsali sa mga aktibidad

upang malaman kung ano talaga ang hilig ng isang tao. Dito mo malalaman kung ano

talaga ang talents mo at kung ano kaya mong gawin. may mga tao din naman na

nagsasabi na masama ang pagsali sa mga aktibidad dahil nakakapagod at nakakawala

ng konsentrasyon sa akademika.