isang pananaliksik kaugnay sa implikasyon

26
ISANG PANANALIKSIK KAUGNAY SA IMPLIKASYON NG GRAFFITI SA ATING LIPUNAN BILANG ISANG SINING AT MALAYANG PAMAMAHAYAG

Upload: elijah-r-bugayong

Post on 29-Oct-2015

436 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

ISANG PANANALIKSIK KAUGNAY SA IMPLIKASYON NG GRAFFITI SA ATING LIPUNAN BILANG ISANG SINING AT MALAYANG PAMAMAHAYAG

I. PANIMULA

A. Introduksyon

•Ang graffiti ay isang italyanong salita na konektado sa gregong salita na “grapheion” at “graphion” na ang ibig sabihin ay mag sulat. Ang graffiti ay isang terminong salita na ang ibig sabihin ay gumihit, mag marka, o puminta sa sementadong dinding o sahig na kung saan ito ay may kahulugan.

•Ang graffiti ay kinikilala bilang isang urban street art. Ang street art ay ginagawa sa mga pampublikong lugar at kalimitang ginagagawa sa ilegal na pamamaraan di tulad ng mga murals. May sariling sistema o konsepto ang graffiti sa mundo ng sining at itinuturing ito na mahalagang aspeto ng kultura sa modernong panahon

B. Mga Tiyak na Layunin sa Pag-aaral

• Layunin ng pananaliksik na ito na malaman ang pananaw ng mga eksperto o professor ng DLSU-D ukol sa pagtanggap ng lipunan sa graffiti bilang isang uri ng sining.

Layunin din ng pananaliksik na ito na:

▫Masuri ang sinasalamin ng graffiti sa Dasmarinas tungkol sa kalagayan ng lugar/bansa.

▫Malinaw ang konseptong Freedom of Expression sa usapin ng Street Art.

▫Mabatid ang ambag ng graffiti sa layunin ng sining

II. PAMAMARAAN

• pakikipanayam o interview ▫professor ng Department of Communication Arts sa

College of Liberal Arts ng De La Salle University – Dasmarinas.

▫mga taong aktwal na gumagawa ng graffiti sa lugar ng Dasmarinas, Cavite

• Ang sekondaryang datos naman ay magmumula sa mga aklat at naunang pananaliksik na may kaugnayan sa paksa. Maaari ding kumuha mula sa iba’t-ibang news site at journal sa Internet na tumatalakay rito.

•  

•Binalangkas na mga katanungan •malayang discussion ang mga eksperto at

mananaliksik ukol sa paksa •Habang isinasagawa ang Pakikipanayam

ay nakarecord sa pamamagitan ng Voice Recorder ang mga pangyayari.

•Gagawan naman ng transcription para sa berbal na analisasyon at di berbal na obserbasyon.

III. PAGTALAKAY

Layunin 1: Masuri ang sinasalamin ng graffiti sa Dasmarinas tungkol sa kalagayan ng lugar/bansa.

•ang graffiti isa yang paraan ng pagpapahayag ng saloobin o damdamin ng mga tao o artist na mahilig sa ganitong klase ng sining o art.

•Nasabi din nya na sa kultura o ugaling pilipino ay mayroon tayong tinatawag euphemism

•Maaaring tumukoy depende sa conciousness ng isang indibidwal hal. politikal

Layunin 2: Malinaw ang konseptong Freedom of Expression sa usapin ng Street Art.

•Bill of Rights Section 4 ng 1987 Constitution of the Philippines

•Ang sining ay ang nararamdaman o kaisipan ng isang tao na yung kaniyang paraan ng pagpapahayag ay sa larangang ito

Layunin 3:Mabatid ang ambag ng graffiti sa layunin ng sining

•ang history ng graffiti ay sa cave wall paintings

•makabago at importanteng yugto sa ebolusyon ng mga paintings.

•marami naman ang gumagawa ng mga biswal na pamamaraan ng pagpapahayag ng saloobin at kaisipan kagaya ng graffiti na ngayon ay tanggap na rin dahil uso kung saan nakikibahagi ang mga Pilipino

IV. KONGKLUSYON

•Sinasalamin ng graffiti sa Dasmarinas ang kalagayan ng lugar at bansang ito. Ang bawat guhit, imahe at kulay ng mga graffiti ay sumisimbolo sa mga nadarama at iniisip ng mga gumagawa nito na sya namang mamamayan ng lugar na ito na lubhang nakadaranas ng mga problema at iabt-ibang kaganapan sa lipunan.

•Ang Freedom of Expression ay dapat isaalang alang sa graffiti. Bagamat ipinagbabawal ng mga ordinansa ng mga local na pahalaan ang mga street art gaya ng graffiti, dapat nating tandaan na ayon sa ating konstitusyon isa sa mga pangunahing karapatan ng isang indibidwal ay ang kalayaan sa pagpapahayag.

•Ang graffiti ay may positibong ambag sa layunin ng sining. Isa sa mga pangunahing layunin ng sining ay ang maging ekspresyon, makapagbigay aliw at malinang ang pag iisip at kakayahan ng indibidwal pati na rin ng lipunang ginagalawan nito. Sa kontekstong ito maliwanag na makikita ang pagiging isang pang artistikong gawain ng graffiti.Kapansin-pansin din ang pagiging akma nito sa kakayahang pinansyal ng masang Pilipino na syang bumubuo ng malaking bahagdan ng ating populasyon.

V. REKOMENDASYON

• Maaaring gumawa ang gobyerno kasama ang mga probadong sector ng mga seminar kung saan matuturuan ang mga mamamayan particular ang mga kabataan sa karapatdapat na paggawa ng graffiti ng walang nasasagasaang ibang tao o pagmamay-ari.

• Kalakip nito ay mga workshops upang mas mapagbuti ang kaalaman lalo na ng kabataan sa paggawa ng graffiti mula sa mga propesyunal na gumagawa nito.

• Makatutulong din ang pagtalaga ng gobyerno ng mga lugar kung saan talagang intension itong pagguhitan ng mga graffiti.

•Maimumungkahi naman sa mga susunod na pagsasaliksik na pag-aralan ang mga positibo at negatibong epekto gn graffiti sa pag iisip ng mga kabataan.

•Gayundin maaring pag-aralan ng mas detalyado ang ibat-ibang uri ng graffiti at pinagmulan nito.

VI.BIBILOGRAPIYA

Reyes, Lualhati et. al.,( 2009)Mga Salitang Pinoy Nakuha noong Enero 13, 2013, mula sa Pinoy Ako Education Website:

http://www.PinoyAKO.acu.k/journal/vol8/beej-8-1.aspx Dela Paz, (2009).Artistikato. Volume 2. Page 6 Velazquez H. (2012Bacolod Against Vandalism-Ordinance. Nakuha noong MArso 113, 2013,

mula sa Manila Bulletin Website: (http://www.sunstar.com.ph/bacolod/local-news/2011/04/15/council-passes-anti-vandalism-ordinance-150547

 Rodell (2010). Philipine Arts History.Cavite.  Raquel Burking at marc Frost (2010), Immerging Arts in Different Form

http://tartsinfuture/asean-Velazquez H. (2012Bacolod Against Vandalism-Ordinance. Nakuha noong MArso 113, 2013,

mula sa Manila Bulletin Website: (http://www.sunstar.com.ph/bacolod/local-news/2011/04/15/council-passes-anti-vandalism-ordinance-150547).

 Suarez H. (2010) Arts on Palces. Quezon City. University of the Philippines Sociology