l.d. vol. 14 no. 1 - january - march 2015
TRANSCRIPT
Taon 14 Blg. 1 Enero – Marso 2015
Pumanaw sa edad na 69 ang dating Bokal
Enrique “Asac” V. Viudez II ng ika-3
Distrito noong Marso 9, 2015. Ang sanhi ng
kanyang kamatayan ay atake sa puso.
Bagamat naisugod pa siya sa ospital, hindi
na siya nailigtas ng mga manggagamot.
Bilang pagpapahalaga at pagpupugay kay
Bokal Viudez bilang dating kagawad ng
Sangguniang Panlalawigan at pagkilala sa
kanyang mga naiambag para sa kaunlaran at
kagalingan ng lalawigan, ang kanyang mga
labi ay dinala sa Bulwagang Senador
Benigno S. Aquino, Jr. noong Marso 13,
2015 at isang Luksang Parangal ang
isinagawa. Nagdaos muna ng isang misa
bago isinagawa ang Luksang Parangal na
dinaluhan ng mga pinuno ng pamahalaan,
lokal at nasyonal, sa pangunguna ng Punong
Lalawigan Wilhelmino M. Sy-Alvarado at
Pangalawang Punong Lalawigan Daniel R.
Fernando at iba pang matataas na opisyal,
gayundin ng mga mahal sa buhay, kamag-
anak at kaibigan ng yumaong mambabatas.
Dumalo rin at sumaksi sa Luksang Parangal
ang mga pinuno ng iba’t ibang tanggapan ng
Pamahalaang Lalawigan ng Bulacan at mga
empleyado na nagsagawa din ng paglalamay
(vigil) hanggang kinabukasan.
Nang sumunod na araw, Marso 14, 2015,
ang labi ng yumao ay ibinalik sa San
Ildefonso, ang bayang sinilangan ng yumao.
At noong Marso 15, 2015 inihatid sa
kanyang huling hantungan ang yumao.
Si Bokal Viudez, lalong kilala bilang “Boy
Asac” ay ipinanganak noong Agosto 11,
1945 sa Maasim, San Ildefonso, Bulacan.
Nagtapos siya ng elementarya sa
Malipampang Elementary School noong
1958 at ng mataas na paaralan sa Buenavista
High School, sa Poblacion, San
Ildefonso, noong 1962. Noong 1967,
nagtapos siya ng kursong Bachelor
of Science in Civil Engineering sa
Pamantasan ng Santo Tomas.
Isang taong masayahin at may
karismatikong personalidad, si
Bokal Viudez ay unang nasalang sa
larangan ng pulitika noong taong
1995 nang siya ay mahalal bilang
pangalawang punong bayan ng
bayan ng San Ildefonso. Matapos
ang isang termino, tumakbo naman
siya sa pagka-punong bayan at
nanalo noong 1998. Ngunit hindi
laging naging matagumpay ang
kanyang karera bilang pulitiko
sapagkat nang sumunod na halalan
noong 2001, natalo siya ng tumakbo
siya bilang bokal ng ikatlong
Luksang Parangal para kay Bokal Enrique Viudez
Idinaos sa Kapitolyo
Pinangunahan nina Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado at Bokal Felix B. Ople ang pagbuhat ng kabaong ni Bokal Enrique Viudez, II (inset) patungo sa Bulwagang Senador Benigno S. Aquino, Jr. para sa Luksang Parangal.
siya bilang bokal ng ikatlong
distrito.
Ngunit dahil sadyang iginuhit ng
tadhana ang kanyang pagiging
lingkod-bayan, kaya nang sumunod na
eleksyon noong 2004, nahalal siya
bilang kagawad ng Sangguniang
Panlalawigan sa ikatlong distrito at
muling naihalal nang mga sumunod na
eleksyon noong 2007 at 2010. Subalit
muling naging maramot sa kanya ang
kapalaran dahil nang tumakbo siya
bilang kongresista ng ikatlong distrito
noong 2013, siya ay hindi pinalad na magwagi.
Naiwan ni Bokal Viudez ang
kanyang asawang si Gng. Zenaida
Viudez, mga anak at mga apo.
2
SAF 44, Pinagkalooban ng Sangguniang Panlalawigan ng Mataas na Pagkilala at Pagpupugay
14. 14. PO3 Junrel Narvas Kibete
PO 15. Jed-In Abubakar Asjali 37. PO1 Angel C. Kodiamat
16. 16. PO3 Robert Dommolog Aliaga 38. PO1 Windell Llano Candano
17. PO3 John Lloyd Rebammonte Sumbilla 39. PO1 Loreto Guyab Capinding
18. 18. PO2 Amman Misuari Esmulla 40. PO1 Gringo Charag Cayang-o
19. 19. PO2 Peterson I. Carap 41. PO1 Romeo Cumanoy Cempron
20. 20. PO2 Roger C. Cordero 42. PO1 Mark Lory Orloque Clemencio
21. 21. PO2 Nicky DC. Nacino, Jr. 43. PO1 Joseph Gumatay Sagonoy
22. 22. PO2 Glenn Berecio Badua
23. PO2 Chum Goc-Ong Agabon
24. 24. PO2 Richelle Salangan Baluga
25. 25. PO2 Noel Nebrida Balaca
26. 26. PO2 Joel Bimidang Dulnuan
27. 27. PO2 Godofredo Basak Cabanlet
28. 28. PO2 Franklin Cadap Danao
29. 29. PO2 Walner Faustino Danao
30. 30. PO2 Jerry Dailay Kayob
31. 31. PO2 Noble Sungay Kiangan
32. 32. PO2 Ephraim G. Mejia
33. 33. PO2 Omar Agacer Nacionales
34. 34. PO2 Rodel Eva Ramacula
35. 35. PO2 Romeo Valles Senin II
36. P36. O1 Russel Bawaan Bilog
37. 37. PO1 Angel C. Kodiamat
38. 38. PO1 Windell Llano Candano
39. 39. PO1 Loreto Guyab Capinding
40. 40. PO1 Gringo Charag Cayang-o
41. 41. PO1 Romeo Cumanoy Cempron
42. 42. PO1 Mark Lory Orloque Clemencio
43. 43. PO1 Joseph Gumatay Sagonoy
44. 44. PO1 Oliebeth Ligutan Viernes
DAHIL DITO, sa mungkahi ni Kasangguni
ng Sangguniang Panlalawigan Ramon
R. Posadas, Tagapangulo ng Lupon sa
Kapayapaan at Kaayusan, na Akda ni
Kgg. Pangalawang Punong Lalawigan
Daniel R. Fernando, na pinangalawahan
ng lahat ng mga Kasangguni na
nakadalo,
Bilang pagkilala at pagpupugay sa
apatnapu’t apat (44) na nasawing miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa naganap na madugong enkwentro sa pagitan ng mga pulis at mga rebeldeng Muslim sa Mamasapano, Maguindanao noong ika-28 ng Enero 2015, pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan ang Panlalawigan Kapasiyahan Blg. 023-T’15 sa ginanap na Karaniwang Pulong Blg. 5 ng Sangguniang Panlalawigan noong Pebrero 4, 2015. Narito ang nilalaman ng naturang panlalawigan kapasiyahan:
Panlalawigang Kapasiyahan Blg. 023-T’15
ISANG KAPASIYAHAN NA NAGBIBIGAY NG
MATAAS NA PAGKILALA AT PAGPUPUGAY ANG
PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG
BULACAN SA APATNAPU’T APAT (44) NA
NASAWING MIYEMBRO NG PHILIPPINE
NATIONAL POLICE – SPECIAL ACTION FORCE
(PNP-SAF) SA MAMASAPANO, MAGUINDANAO
AT KINIKILALANG MGA BAYANI NG BAYAN,
GAYUNDIN ANG PAGPAPAABOT NG TAIMTIM
NA PAKIKIRAMAY SA MGA NAULILA NITO
MAY-AKDA: KGG. DANIEL R. FERNANDO
Pangalawang Punong Lalawigan
SA PAGTATAGUYOD NI: SP MEMBER RAMON R.
POSADAS
SAPAGKA’T, isang trahedya ang
naganap sa Bayan ng Mamasapano,
Maguindanao noong ika-28 ng Enero,
2015 kung saan ay nagkaroon ng
labanan sa pagitan ng mga alagad ng
batas na kinabibilangan ng mga Special
Action Forces ng Philippine National
Police (PNP) at mga rebeldeng Muslim;
SAPAGKA’T, hangarin ng mga
kapulisang ito na tupdin ang
sinumpaang tungkulin upang dakpin
ang mga elementong sumisira sa
kaayusan, kapayapaan at nagsisilbing
banta sa lipunan;
SAPAGKA’T, sa kabila ng marubdob at
sidhi na ipatupad ang batas ay isang
hindi inaasahang pangyayari ang
naganap kung saan ay nasukol ang
kapulisan ng mga rebelde at dito ay
nagsimula ang isang malalim na guhit sa
nagsimula ang isang malalim na guhit sa
kasaysayan ng Bansang Pilipinas;
SAPAGKA’T, sa enkuwentrong ito,
apatnapu’t apat (44) na magigiting na
kapulisan ang nagbuwis ng buhay para
sa ating Bayang Sinilangan;
SAPAGKA’T, ang tinaguriang 44 Fallen ay
magsisilbing halimbawa at inspirasyon
hindi lamang sa ating mga
tagapagtanggol at tagapamayapa,
gayundin sa ating mga kapwa Filipino at
buong sangkatauhan dahil itinuturing
silang mga Bayani ng ating Bayan;
SAPAGKA’T, ang Pamahalaang
Panlalawigan ng Bulacan, sa
pangunguna ng Punong Lalawigan,
Kgg. Wilhelmino M. Sy-Alvarado at lahat
ng Bulakenyo ay nagbibigay pugay at
pagkilala sa kanilang katapatan,
katapangan at kabayanihang ipinakita
at ang lahat ay nagpapaabot ng
pakikiramay sa mga pamilya, mga
mahal sa buhay at mga naulila ng mga
sumusunod na Bayani ng Bayan:
1. 1. Sr. Insp. Ryan Ballesteros Pabalinas
2. 2. Sr. Insp. John Garry Alcantara Erana
3. 3. Sr. Insp. Max Jim Ramirez Tria
4. 4. Sr. Insp. Cyrus Paleyan Anniban
5. 5. Sr. Insp. Gednat G. Tabdi
6. 6. Insp. Joey Sacristan Gamutan
7. 7. Insp. Rennie Tayrus
8. 8. SPO1 Lover L. Inocencio
9. 9. PO3 Rodrigo F. Acob, Jr.
10. 10. PO3 Virgel S. Villanueva
11. 11. PO3 Andres Viernes Duque, Jr
12. 12. PO3 Vitoriano Nacion Acain
13. 13. PO3 Noel Onangey Golocan Page 3
3
Para sa unang tatlong buwan ng taong
2015, ang Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan, sa pamamatnugot ng Kgg. Daniel R. Fernando, Pangalawang Punong Lalawigan at Tagapangulo ng Hapag, ay nakapagdaos ng walong regular na pagpupulong (sesyon) at nakapagpatibay ng kabuuang 99 na kapasiyahan, kabilang ang dalawang panlalawigang kautusan. Kabilang din sa mga napagtibay ang mga batas (kapasiyahan at kautusan) na nanggaling sa mga Sangguniang Bayan at Sangguniang Panlungsod na may kabuuang 27 na pambayan/ panlungsod na kapasiyahan at 48 na pambayan/panlungsod na kautusan o kabuuang 75. Kabilang din dito ang pagpapatibay sa 14 na taunang gugulin (annual budgets) ng mga bayan-bayan at lungsod. Sa gawain ng mga lupon, nakapagsagawa ang Sangguniang Panlalawigan ng 136 na pagpupulong ng mga lupon at 14 na pampublikong pagdinig. Ang mga pagpupulong at pagdinig ng mga lupon ang nagsisilbing tagasala at tagasuri sa mga ipinanunukalang batas at tagamungkahi kung ang isang panukalang batas ay nararapat na pagtibayin.
Sa iba pang gawain, sa pangunguna ng Legislative Affairs and Oversight Committee, sa pangungulo ni Bokal Josef Andrew Mendoza, muling inilunsad ng Sangguniang Panlalawigan ang proyektong “Gawad Galing Sanggunian” upang bigyan ng pagkilala at parangal ang natatanging gawain sa larangan ng pagbabatas ng mga sangguniang bayan at sangguniang panlungsod sa lalawigan.
Nakapagdaos din ng isang Luksang Parangal ang Sangguniang Panlalawigan noong Marso 13, 2015 bilang pagkilala at pagpupugay sa dating Bokal Enrique “Boy Asac” Viudez II ng ikatlong distrito na yumao noong Marso 9, 2015.
Upang maipaabot at maibalita sa mga kababayang Bulakenyo ang mga gawain at naisasagawa ng Sangguniang Panlalawigan, mayroon itong tatlong proyektong patuloy na isinasakatuparan. Ang una ay ang pagsasahimpapawid ng programa sa radyo, ang “SP Files” tuwing Miyerkules, ika-10:00 hanggang ika-11:00 ng umaga. Sa pangangasiwa ng Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan (OSSP), ang SP ay nakapagsahimpapawid ng labing-isang beses para sa unang tremestre. Ang ikalawa ay ang pagpapalimbag at pamamahagi ng isang “computer-generated” na lathalain o babasahin, ang “Legislative Digest”, na nililimbag sa pamamagitan lamang ng computer at photocopying machine at ipinamamahagi sa ibat-ibang bahagi ng lalawigan apat na beses sa isang taon. At ang ikatlo, patuloy na pagbabalita sa mga huling kaganapan sa Sangguniang Panlalawigan sa pamamagitan ng SP Website, na patuloy na minimintina at pinananatiling “updated” ng Sangguniang Panlalawigan, sa pakikipagtulungan ng Panlalawigang Tanggapan sa Impormasyon at Teknolohiya o Provincial information and Technology Office.
Ang Legislative Digest ay inilalathala ng Tanggapan ng Kalihim ng
Sangguniang Panlalawigan apat na beses sa isang taon. Para sa komento, puna, suhestiyon o katanungan, makipag-ugnayan sa naturang tanggapan. Telepono Blg. – (044) 791-8168 Website – http://sp.bulacan.gov.ph
MAKINIG AT MAKISANGKOT!
Pakinggan ang Radio Program ng
Sangguniang Panlalawigan, ang:
“SP Files”
Mapapakinggan tuwing araw ng MIYERKULES,
ika-10:00-11:00 ng umaga sa himpilan ng Radyo
Bulacan, 95.9fm sa talapihitan ng inyong mga
radyo.
Hosted by Sec. Ma. Perpetua “Ua” R. Santos, Mr.
Renato Francisco & Mr. Anthony Amizona.
MGA NAISAKATUPARAN NG 8TH SP SA UNANG TREMESTRE NG 2015
SAFF 44….
IPINASIYA, gaya nang dito’y ipinasisiya,
na binibigyan ng mataas na pagkilala
at pagpupugay ng Pamahalaang
Panlalawigan ng Bulacan ang
apatnapu’t apat (44) na nasawing
miyembro ng Philippine National Police
– Special Action Force (PNP-SAF) sa
Mamasapano, Maguindanao at
kinikilalang mga bayani ng bayan,
gayundin ang pagpapaabot ng
taimtim na pakikiramay sa mga naulila
nito.
PINAGTIBAY.
-o-
Nagpatibay din ang SP ng isang bukod
na kapasiyahan, ang Kapasiyahan Blg.
024-T’15, bilang pagkilala at
pagpupugay kay PO3 JUNREL NARVAS
KIBETE na isang Bulakenyong pulis na
napabilang sa SAF 44.
“At his best, man is the
noblest of all animals;
separated from law and
justice, he is the worst.”
Aristotle
Yes Pinoy founder Dingdong Dantes handed-over key of ambulance to Gov.
Wilhelmino M. Sy-Alvarado and Vice Gov. Daniel R. Fernando (Jan. 26, 2015) Celebration of the 116th Anniversary of the First Philippine Republic held at
Barasoain Church with DILG Secretary Manuel “Mar” Roxas II (January 23, 2015)
Vice-Gov. Daniel Fernando and BM Ayee Ople posed with PHO medical staff after
administering vaccine against Measles (tigdas) to the kid of GSO head Atty. Kenneth Z.
Ocampo-Lantin
Gov. Wilhelmino M. Sy- Alvarado joins forces with DOLE Sec. Rosalinda Baldoz,
Susan “Toots” Ople, Vice Gov. Daniel Fernando and other national and local officials to
denounce illegal recruitment and trafficking in persons during the celebration of Gat.
Blas Ople’s 88th birthday (Feb. 3, 2015)
Gov. Wilhelmino M. Sy-Alvarado with Senator Cynthia Villar and Vice Gov. Daniel
Fernando during the Agri-Pinoy Rice Achiever Awards on March 26, 2015 held at
Resorts World Manila.
NATIONAL GAWAD KALASAG HALL OF FAME AWARDEE. Gov. Willie and Vice Gov.
Daniel proudly held the plaque of recognition given by the National Disaster Risk Reduction
and Management Council (NDRRMC) during the National Gawad Kalasag 2014 Awarding
held at the AFP Commissioned Officers’ Club, Camp General Aguinaldo, Quezon City with
NDRRMC Chief of Operations Josefina Timoteo and National Defense Sec. Voltaire Gazmin
(March 26-15)
SP Members beamed their best smiles in this very relaxed moment. From left: BM Allan Ray
Baluyut, BM Toti Ople, BM King Sarmiento, BM Jonjon Delos Santos, BM Ayee Ople, BM
Michael Fermin & BM Nono Castro. SP Secretary Ma. Perpetua “Ua” Santos and OSSP staff posed for posterity during a
lull in their work