lesson 2 pre encounter

8
Lesson 2 – Pre - Encounter KATIYAKANG WALANG HANGGAN (Secured for Eternity) 1Jn 5:9 Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, ay lalong dakila ang patotoo ng Dios, sapagka't ito ang patotoo ng Dios: sapagka't ito papatotoo tungkol sa kaniyang Anak. 1Jn 5:10 Ang nananampalataya sa Anak ng Dios ay may patotoo sa kaniya: ang hindi nananampalataya sa Dios ay ginagawang isang sinungaling ang Dios: sapagka't hindi sumampalataya sa patotoo na ibinigay ng Dios tungkol sa kaniyang Anak. 1Jn 5:11 At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng Dios ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak. 1Jn 5:12 Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Dios ay hindi kinaroroonan ng buhay. 1Jn 5:13 Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo'y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios. Php 1:6 Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin hanggang sa araw ni Jesucristo: Ang kaligtasang ipinagkaloob ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang bugtong na anak ay tunay na dakila. Sa oras na ang isang makasalanan ay akapin ito, ito’y nagpapatunay ng tiyak na kaligtasan sa pasimula na gawin ito hanggang makarating siya sa langit. Nakalulungkot, maraming Kristiano ang patuloy na hindi makapaniwala na maaaring Layunin: 1. Tiyakin ang ating mga tinuturuan na walang pagaalinlangan, na sa oras na tanggapin natin si Kristo na namatay para sa ating kasalanan at ipagkatiwala ang ating buhay sa Kanya, meron na tayong tiyak na kalalagyang kasama Niya langit na Kanyankaharian. 2. Patibayin ang katotohanan na ang Diyos ay nangako na wala na tayong hatol upang magkaroon tayo ng tiwala na ipamuhay ang Kanyang pagibig at biyaya. 3. Ipaalaala sa bawat isa na tayo ay nasa ilalim ng proteksyon at ipinagmamalasakit alang-alang kay Kristo. Ang lahat ng ito ay para sa lahat na sumampalataya.

Upload: rogelio-gonia

Post on 12-Jun-2015

129 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Lesson 2 pre   encounter

Lesson 2 – Pre - Encounter

KATIYAKANG WALANG HANGGAN (Secured for Eternity)

1Jn 5:9 Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, ay lalong dakila ang patotoo ng Dios, sapagka't ito ang patotoo ng Dios: sapagka't ito papatotoo tungkol sa kaniyang Anak.

1Jn 5:10 Ang nananampalataya sa Anak ng Dios ay may patotoo sa kaniya: ang hindi nananampalataya sa Dios ay ginagawang isang sinungaling ang Dios: sapagka't hindi sumampalataya sa patotoo na ibinigay ng Dios tungkol sa kaniyang Anak.

1Jn 5:11 At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng Dios ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak.

1Jn 5:12 Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Dios ay hindi kinaroroonan ng buhay.

1Jn 5:13 Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo'y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios.

Php 1:6 Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin hanggang sa araw ni Jesucristo:

Ang kaligtasang ipinagkaloob ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang bugtong na anak ay tunay na dakila. Sa oras na ang isang makasalanan ay akapin ito, ito’y nagpapatunay ng tiyak na kaligtasan sa pasimula na gawin ito hanggang makarating siya sa langit. Nakalulungkot, maraming Kristiano ang patuloy na hindi makapaniwala na maaaring matiyak niya ang kanyang kaligtasan habang naghihintay siya sa pagpasok sa langit.

Sa isang Bible studies, may nagtanong, “Hindi ba isang kayabangan na paniwalaan na ikaw ay ligtas na habang buhay ka pa at papasok ka sa langit sa iyong kamatayan?” Baka ang iba sa inyo’y

Layunin:

1. Tiyakin ang ating mga tinuturuan na walang pagaalinlangan, na sa oras na tanggapin natin si Kristo na namatay para sa ating kasalanan at ipagkatiwala ang ating buhay sa Kanya, meron na tayong tiyak na kalalagyang kasama Niya langit na Kanyankaharian.

2. Patibayin ang katotohanan na ang Diyos ay nangako na wala na tayong hatol upang magkaroon tayo ng tiwala na ipamuhay ang Kanyang pagibig at biyaya.

3. Ipaalaala sa bawat isa na tayo ay nasa ilalim ng proteksyon at ipinagmamalasakit alang-alang kay Kristo. Ang lahat ng ito ay para sa lahat na sumampalataya.

Page 2: Lesson 2 pre   encounter

nagtatanong din ng ganito. Ang iba nama’y nagpapahiwatig ng kanilang pagdududa sa pamamagitan ng lagi nilang pagtanggap kay Kristo tuwing magkakaroon siya ng pagkakataon. Minsan lamang nating paniwalaan ang Ebanghelyo. Kung tunay na tinanggap mo si Kristo ang Biblia ay nagbibigay ng katiyakan na ikaw ay ligtas na walangn hanggan.

Halimbawa, kung titingnan natin ang mga talata sa unahan, sinulat ni apostol Juan na may katiyakan tayo sa ating mga kaligtasan. Kung babalikan natin ang talata 13 sinabi niya na kaya siya sumulat ay upang bigyan sila ng kasiguruhan na sila ay may buhay na walang hanggan. Kung babalikan naman ninyo ang mga talatang 10-12, binanggit niya na naglagay ang Diyos ng patotoo sa ating mga puso tungkol sa ating kaligtasan. Ano itong patotoo na ito? Naniniwala ako na ito ang pagtitiyak na nanggagaling sa Banal na Spirito na pinapatunayan na tayo ay ligtas. Hindi ito isang emosyon lamang kund isang conviction na nanggagaling sa Banal na Kasulatan na ginagamit ng Banal na Spirito upang magbigay sa ating puso ng lubos na katiyakan. Kung wala ang katiyakang ito, mahihirapan ang isang Kristiano na makapamuhay na matagumpay at mabunga bilang mananampalataya.

1. Ano ang inilagay ng Diyos sa ating mga puso ng tayo’y maipanganak na muli upang matiyak nati na tayo’y may buhay na walang hanggan (1John 5:10)

2. ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Sa ibaba ay ilang mga patotoo mula sa biblia na makatutulong sa atin na magkaroon ng mas malalim na conviction sa ating mga puso na tayo ay ligtas na wala nang hanggan.

1. ANG PANGAKO NG Diyos:

Nang tayo bilang makasalanan ay sumampalataya para sa ating kaligtasan, hindi natin ginamit ang ating sarili kundi ang mga pangako ng Diyos mula sa mga tinapos na gawa ni Jesukristo. Sa talata 9-10 sinasabi ni Juan na ang isang nangangako sa iyo ay hindi tao kundi Diyos. Kung ito ay Diyos, hindi ito maaring kasinungalingan. May obligasyon Siyang ito ay gawin. Naniniwala kaba rito?

Sa talata 11, Ipinangako ng Diyos na tayo ay bibigyan ng buhay na walang hanggan. Masasabi ba natin itong buhay na walang hanggan kung ito’y mawawala o matatapos sa oras na ikaw ay magkasala? Natural namang hindi. Hindi naman Niya sinabi na, “Magkakaroon ka lamang ng buhay na walang hanggan habang hindi ka nakagagawa ng kasalanan.” Wala Siyang kondisyong ibinigay.

Noong oras na tinanggap mo si Kristo, tinanggap mo rin ang buhay na walang hanggan, nangangahulugan na tumanggap ka ng buhay na walang katapusan. Pinatibay ni Kristo ang katotohanang ito sa John 5:24.

“ Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan.”

Page 3: Lesson 2 pre   encounter

Nais kong tingnan ninyo ang dalawang bagay sa talatang ito. Una, ang buhay na walang hanggan ay pangkasalukuyan, hindi ninyo ito tatanggapin sa oras ng inyong kamatayan, tinanggap ninyo ito ng sumampalataya kayo kay Hesus. Pangalawa, lumipat na kayo mula sa kamatayan tungo sa buhay. Ito ay pang nakaraan tumutukoy sa isang bagay na naganap na. Sa ibang salita ang paghatol ay inalis na. Kayo ay hindi na patungo sa impierno kundi nasa direksyon na patungong langit. Ito rin ang sinabi ni Pablo sa Romans 8:1

“Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus.”

Talaga namang wala nang paghatol dahil nahatulan na si Kristo sa krus dahil sa ating mga kasalanan. Ang Kanyang kamatayan ang nagbigay sa atin ng karapatang mabuhay na walang hanggan.

2. Sa John 5:24, ano ang dalawang katotohanan na nakapagbigay sa atin ng sa buhay na walang hang gan, na tumutukoy din sa Romans 8:1? ______________________________________________________________________________________________________________________

I. ANG LAYUNIN NG DIYOS:

Ang isa pang napakahalagang katotohanan na nagpapatunay sa ating katiyakan ay ang kakayahan ng Diyos na ganapin ang lahat Niyang layunin para sa atin. Ang Philippians 1:6 ay isa sa mga talatang maaari nating pagsimulan.

“Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin hanggang sa araw ni Jesucristo.”

Naniniwala k aba na kaya ng Diyos na tapusin at ganapin an gating kaligtasan? Walang duda, sa Bagong Tipan, may dalawang kabanata na magagamit natin maipaliwanag ang layunin ng Diyos sa ating kaligtasan.

A. ITULAD SA WANGIS NI KRISTO

Rom 8:28-29 At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa. Sapagka't yaong mga nang una pa'y kaniyang nakilala, ay itinalaga naman niya na maging katulad ng larawan ng kaniyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid:

Sa pagbagsak ng tao sa kasalanan, ang pagkalalang sa kanya sa wangis ng Diyos ay nawasak. Ang kaligtasang natamo niya mula sa kanyang panampalataya kay Kristo ang siyang magbabalik ng wangis na ito. Sa simula n gating paniniwala sa Ebanghelyo nagpasimula din ang paggawa ng Diyos na sa ito. Sa simula n gating paniniwala sa Ebanghelyo nagpasimula din ang paggawa ng Diyos na sa pagbabago sa atin tungo sa wangis ni Kristo. Matatapos ang prosesong ito kung tayo ay nasa langit na. Walang sino man ang makahahadlang upang hidi maganap ang bagay na ito.

Page 4: Lesson 2 pre   encounter

Isa 14:27 “Sapagka't nagpapanukala ang Panginoon ng mga hukbo, at sinong makapipigil sa

Kanya? At ang kaniyang kamay na nakaunat, at sinong maguurong?”

Ang tanong sa talatang ito ay may isa lamang makabuluhang sagot – WALANG ISA. Dahil ditto ang kaligtasang tinanggap ng tao ay tiyak na mangyayari. Isa pang talata na nagsasad ng layunin ng Diyos ay makikita nati sa, Eph 2:7 Upang sa mga panahong darating ay maihayag niya ang dakilang kayamanan ng kaniyang biyaya sa kagandahang-loob sa atin kay Cristo Jesus:

B. Ipakita ang Kanyang biyaya:

Malinaw na ang kaligtasan ay paraan na maipakita ang kanyang biyaya na walang hanggan. Ang biyaya sa Biblia ay nangangahulugan ang Diyos ay nagbibigay ng walang bayad na biyaya sa mga hindi karapatdapat. Ang Kristiano ang katunayan ng biyaya ng Diyos. Ang Kanyang layunin ay upang tumanggap ng kapurihan kung ako at kayo ay kasama na Niya sa langit.

Tingnan ninyo ito, kung an gating kaligtasan ay ating mapananatili hanggang tayo ay makapasok sa langit, marami tayong maipagmamayabang sa halip na ang kapurihan ay sa Diyos lamang. Ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng Diyos. Ang pagkakaloob at ang pananatili nto ay dakilang biyaya lamang ng Diyos.

3. Ano ang dalawang layunin ng Diyos para sa atin mula sa biyaya ng kaligtasan sa ating mga buhay? __________________________________________________________________________________________________________________________

II. ANG PAGIINGAT NG DIYOS:

Isa pang mahalagang katunayan ng katiyakan ng kaligtasan ng isang Kristiano ay ang kakayahan ng Diyos na maingatan ito. Isinulat ni apostol Pedro ang katiyakang ito. 1Pe 1:5 “Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya

sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon.”

Pansinin ninyo ang salitang “na sa kapangyarihan ng Diyos ay iniingatan (shielded).” Maraming komentarista ang nagsasabi na ang salitang shielded ay isang salitang military na ang ibig sabihin ay garrison sa loob ng bayan. Sa sulat ni Pedro sa mga Kristiano na nasa ilalim ng mga kabigatan ay umaaliw sa kanila na Ang Diyos ang Siyang nagbabantay sa kanilang pananampalataya hanggang dumating ang panahon na kaharap na natin ang panginoong Hesus. Makikita ninyo na ang huling bahagi ng sulat ay tumutukoy sa pagbabalik n gating Panginoong Hesus. “na nahanda upang ihayag sa huling panahon.”

Page 5: Lesson 2 pre   encounter

Ang kagandahan ng katotohanang ito ang Diyos ang nagiingat sa atin. Hindi tayo ang nagiingat sa ating sarili. Napakahalaga ng katotohanang ito, may mgta Kristiano na nagsasabi na kung magpasiya sila na mamuhay malayo sa Diyos mawawala ang pagiingat ng Diyos sa kanila. Totoo ba ito? Hindi, Kung tunay na ikaw ay tumanggap kay Hesus at mamuhay ka malayo sa Kanya, tiyak na darating sa iyo ang pagdisiplina ng Diyos. 1Co 11:29-3229 Sapagka't ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa

kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon.

30 Dahil dito'y marami sa inyo ang mahihina at mga masasaktin, at hindi kakaunti ang nangatutulog.

31 Datapuwa't kung ating kilalanin ang ating sarili, ay hindi tayo hahatulan. 32 Datapuwa't kung tayo'y hinahatulan, ay pinarurusahan tayo ng Panginoon,

upang huwag tayong mahatulang kasama ng sanglibutan.

Ito ang kabanata na tumutukoy sa disiplina ng Diyos. May mga mananampalata sa Corinto na umabuso sa pagganap ng huling hapunan, nakikisama sila sa kabila ng katotohanan na namumuhay sila sa imoralidad. Sa talata 30 ipinakita ni Pablo ang bunga ng kanilang ginagawa – panghihina, karamdaman at kamatayan. Ang tanging paraan na maiwasan nila ang mga bagay na ito ay siyasatin nila at hatulan ang kanilang mga buhay bago makisama sa gawaing ito. Sinabi ni Pablo sa kanila na kung hindi nila ito gagawin sila ayh tatanggap ng disiplina upang hindi sila makasama sa paghatol ng Diyos sa mga hidi manampalataya. (vs 31-32)

Maging an gating Panginoong Hesus ay bumanggit tungkol sa katotohanan n gating protekyon ng sinabi Niyang;

Joh 10:27-29 “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin: At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay. Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama.”

Pansinin natin ang mga salitang kalian may hindi sa talatang 28. Ito’y tumutukoy sa isang matibay na katiyakan walang sino mang makaaagaw sa atin. Pansinin din natin ang dobleng proteksyon na nabanggit sa mga talatang 28,29. Walang makaaagaw sa atin sa kamay ni Kristo, at walang makakaagaw sa atin sa kamay ng Ama. Lahat ng tunay na mananampalataya ay walang makakaagaw sa kamay ng pinakamakapangyarihang Diyos.

4. Ayon sa John 10:27-29, may roon ba tayong karapatang abusuhin ang biyaya ng Diyos at magpatuloy sa pagkakasala? __________________________________________________________________________________________________________________________

III. ANG PAGKASESERDOTE NI KRISTO:

Page 6: Lesson 2 pre   encounter

Si Hesus bilang Mataas na Seserdote ay nasa langit ngayon upang tiyakin an gating kaligtasan. Dalawa ang Kanyang Gawain.

A. Ating TagapamagitanHeb 7:24-25 Datapuwa't siya, sapagka't namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan. Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa'y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila.

Siya ay patuloy na nananalangin na an gating kaligtasan ay makompleto. Ang mga salitang ito sa Luke ay nagpapaalaala sa sinabi ni Kristo kay Pedro nang ipagkanulo niya Siya.

Luk 22:31-32 Simon, Simon, narito, hiningi ka ni Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo: Datapuwa't ikaw ay ipinamanhik ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya; at ikaw, kung makapagbalik ka nang muli, ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid.

Tulad ni Pedro, nais ni Satanas na tayo ay bumagsak at mawala ang ating kaligtasan, subalit patuloy na nananalangin si Kristo upang tayo ay maging mapagtagumpay. Pansinin ninyo sa bandang huli, kung tayo ay magtagumpay tulungan natin ang ating mga kapatid sa Panginoon.

A. Ating Depensa

1Jn 2:1-2 Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid: At siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan; at hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi ng sa buong sanglibutan din naman.

Ang nais ng Diyos sa mga Kristiano ay hindi sila magkasala. Posible kaya iyon? Sa unang talata malinaw na inaasahan na tayo ay magkakasala pa rin dahilan sa ating kalikasan bilang tao, subalit inilagay ng Diyos si Kristo sa langit bilang ating depensa. Sa medaling salit Siya an gating abogado. Kapag tayo ay inaatake ni Satanas dahil sa ating pagkakasala si Hesus ang namamagitan sa atin upang ipagtanggol tayo ayon sa ginawa Niya doon sa krus.

Isipin ninyo ang apat na proeba- ang pangako, ang layunin, ang proteksyon ng Diyos at ang pagka-seserdote ni Kristo. Kulang pa ba ito upang matiyak natin an gating kaligtasan? Huwag na tayong mahalinlangan pa sa katiyakan n gating mga kaligtasan, an gating katiyakan ang makatutulong sa atin upang makapamuhay tayo na matagumpay at mabungang mananampalataya.

Page 7: Lesson 2 pre   encounter

5. Ano ang papel na ginagampanan ni Kristo upang matiyak at manatili ang ating kaligtasan?__________________________________________________________________________________________________________________________