lesson 5 pre encounter

6
Lesson 5 Pre-Encounter PREBELEHIYO NA MAKAPASOK Heb 4:14 Yaman ngang tayo'y mayroong isang lubhang dakilang saserdote, na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Dios, ay ingatan nating matibay ang ating pagkakilala. Heb 4:15 Sapagka't tayo'y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma'y walang kasalanan. Heb 4:16 Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan. Mat 6:9 Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Mat 6:10 Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. Mat 6:11 Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. Mat 6:12 At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin. Mat 6:13 At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man.Siya nawa. Isang araw panahon ng civil war sa America, may isang malungkot na sundalo ang nakaupo sa bangko sa labas ng White House. Isang maliit na batang lalaki ang dumating at nagtanong kung ano ang problema niya. Sinabi ng sundalo na kailangang-kailangang makausap niya si President Lincoln, subalit ayaw siyang papasukin ng mga guardia. Nang marinig niya ito, hinawakan ng bata ang kamay ng sundalo at inakay niya ito lumampas sa mga guardiang sundalo deretso sa opisina ng presedente. “Daddy,” tawag niya, “kailangang-kailangan kang makausap ka niya.” Ang batang iyon ay anak ng presedente at pwedeng pumasok sa opisina ng tatay niya sa ano mang oras. Ang kasaysayang ito’y naglalarawan ng pinakadakilang prebelehiyo meron ang tunay na mananampalataya ni Kristo. Lalaki man o babae sila ay may daang makalapit sapinakamakapangyarihang persona sa buong sanlibutan. Totoo lang ito sa pamamagitan HesuKristo, ang tanging daan tungo sa Diyos. Layunin: 1. Matutunan na kay Hesus bilang Punong Secerdote natin, wala nang iba pang patron ditto sa lupa upang maabot ang Diyos sa langit. 2. Ituro ang pangangailangang matutunan ang tamang paraaan ng paglapit sa Panginoon sa panalangin, na may pagpapatawad at walang pangsariling hangarin sa kapangyarihan ng Banal na Espirito. 3. Ituro ang modelong ACTS, na nagpapakita ng apat na mahahalagang element na dapat na maging bahagi n gating mga panalangin.

Upload: rogelio-gonia

Post on 06-Jul-2015

115 views

Category:

Documents


17 download

TRANSCRIPT

Page 1: Lesson 5  pre encounter

Lesson 5 – Pre-Encounter

PREBELEHIYO NA MAKAPASOK

Heb 4:14 Yaman ngang tayo'y mayroong isang lubhang dakilang saserdote, na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Dios, ay ingatan nating matibay ang ating pagkakilala.

Heb 4:15 Sapagka't tayo'y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma'y walang kasalanan.

Heb 4:16 Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

Mat 6:9 Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa

ang pangalan mo. Mat 6:10 Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano

sa langit, gayon din naman sa lupa. Mat 6:11 Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. Mat 6:12 At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na

nagpatawad sa mga may utang sa amin. Mat 6:13 At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't

iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man.Siya nawa.

Isang araw panahon ng civil war sa America, may isang malungkot na sundalo ang nakaupo sa bangko sa

labas ng White House. Isang maliit na batang lalaki ang dumating at nagtanong kung ano ang problema

niya. Sinabi ng sundalo na kailangang-kailangang makausap niya si President Lincoln, subalit ayaw siyang

papasukin ng mga guardia. Nang marinig niya ito, hinawakan ng bata ang kamay ng sundalo at inakay

niya ito lumampas sa mga guardiang sundalo deretso sa opisina ng presedente. “Daddy,” tawag niya,

“kailangang-kailangan kang makausap ka niya.” Ang batang iyon ay anak ng presedente at pwedeng

pumasok sa opisina ng tatay niya sa ano mang oras. Ang kasaysayang ito’y naglalarawan ng

pinakadakilang prebelehiyo meron ang tunay na mananampalataya ni Kristo. Lalaki man o babae sila ay

may daang makalapit sapinakamakapangyarihang persona sa buong sanlibutan. Totoo lang ito sa

pamamagitan HesuKristo, ang tanging daan tungo sa Diyos.

Layunin:

1. Matutunan na kay Hesus bilang Punong Secerdote natin, wala nang iba pang patron ditto sa

lupa upang maabot ang Diyos sa langit.

2. Ituro ang pangangailangang matutunan ang tamang paraaan ng paglapit sa Panginoon sa

panalangin, na may pagpapatawad at walang pangsariling hangarin sa kapangyarihan ng

Banal na Espirito.

3. Ituro ang modelong ACTS, na nagpapakita ng apat na mahahalagang element na dapat na

maging bahagi n gating mga panalangin.

Page 2: Lesson 5  pre encounter

Ang kaisipan sa pagkakaroon ng daan o paraan ng paglapit ay pamilyar sa mga Hudyo. Kailangan

ang mga secerdote sa Lumang Tipan ay kailangan upang makapasok. Sa temple kung saan ay

matatagpuan nila ang presensia ng Diyos sila ay makatutungtong lamang sa outer court yard na

tinatawag. Ang punong secerdote ang tanging tao na maaaring makapasok sa loob ng kabanalbanalang

lugar ng temple kung saan humaharap siya sa presensya ng Diyos misan isang taon. Kailangan niya itong

paghandaang mabuti, pagkat kung may mali siya tiyak na siya’y mamamatay. Ang kamatayan ni Kristo sa

krus, ang sumagot sa pangngailangan ng kautusan upang ang lahat na sumampalataya sa Kanya ay

magkaroon ng derektong daan sa Diyos. Ito ang tinitiyak ng talatang binasa natin sa Hebrews – Ngayon

si Kristo an gating Punong Secerdote sa langit upang tayo ay malayang makaabot sa Diyos sa

pamamagitan n gating mga panalangin.

Alam mob a ang dakilang prebelehiyong ito? Sino sa atin ang sinasamantala ang kalayaang ito na

lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Upang hindi natin masayang ang dakilang karapatang

ito, pagaralan natin ang mga pangunahing katotohanan tungkol sa panalangin. Kahihiyan para sa isang

mananampalataya ang hindi makaalam ng katotohanang ito. Naniniwala ako na ito ang dahilan kung

bakit gumamit si Kristo ng mahabang oras sa pagtuturo sa Kanyang mga alagad tungkol sa pananalangin.

Nais Niya na samantalahin natin ang karapatang ito na ipinagkaloob sa atin.

Sino an gating dakilang punong secerdote? Ano ang ginagampanan Niya sa kalayaan nating lumapit sa

Diyos?

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

I. BASIHAN

Sa modelong panalangin na itinuro ni Hesus sa Kanyang mga alagad sa Matthew 6:9-13, nagpasimula Siya ng mga salitang ito, “Ama naming sumasalangit ka.” Ang mga ito’y nagpapahiwatig ng relasyong napasa atin ng tanggapin natin si Hesus bilang atin Panginoon at Tagapagligtas. Sinasabi sa John 1:12, na,“ Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan:”

Madalas nating sabihin na ang panalangin ay, pakikipagusap sa Diyos, subalit meron pa sa

panalangin na higit pa sa dalawang taong naguusap. Ito’y pagniniig ng dalawang may

relasyon. Nakikipagniig tayo sa Diyos na ating Ama sa langit at ang pagibig na namamagitan

sa atin ang pinanghahawakan natin sa paglapit sa Kanya. Ang “Ama Namin” ay isang

modelong panalangin, subalit hindi dapat ulit-ulitin ang mga salita nito. Sinong magulang

ang may gusto na kung nakikipagusap sa kanila ang kanilang mga anak ay paulit-ulit na salita

ang kanilang gagamitin? Hindi ba ito makaiinis sa atin? Tingnan ninyo sa texto na ating

pinagaaralan, hindi sinabi ni Hesus na, “ganito ang inyong panalangin,” kundi “ganto ang

paraan ng inyong panalangin.” Maliwanag na binigyan sila ni Hesus ng isang modelo o

paraan na kung saan ibabase nila ang kanilang mga panalangin. Bago ditto binalaan sila ni

Hesus na huwag gagamit ng paulitulit na panalangin katulad ng ginagawa ng mga pagano.

Page 3: Lesson 5  pre encounter

Mat 6:7 At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka't iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila.

Mat 6:8 Huwag nga kayong magsigaya sa kanila: sapagka't talastas ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan, bago ninyo hingin sa kaniya.

Ang mga salitang paulitulit ay nagpapakita ng pagsasalita na hindi nanggagaling sa isip o

puso. Hindi nasisiyahan an gating Ama sa langit kung tayo ay lalapit sa Kanya na

makikipagusap gamit ay nasusulat o mga naisaulong mga salita. Ang pakikipagusap natin sa

Kanya ang siyang nagpapalalim n gating relasyon, at nais Niya na ito ay galling sa ationg mga

puso. Katulad ng nakagawian ng mga tao, kung nais mo ang isang bagay sa inyong

presedente dumaan ka muna sa inyong mayor o gobernador o congressman o senador.

Kailangan ko pa ba sila kung ang presedente ay tatay ko? Alam kong makadederetso ako sa

kanya pagkat bilang anak ito ay aking prebelehiyo.

2. Ano ang basihan ng prebelehiyo sa derektong daan tungo sa presensya ng Diyos?

____________________________________________________________________

3. Anong nadarama mo kung derekta kang makalapit sa luklukan ng biyaya?

____________________________________________________________________

II. ANG HADLANG

Isa pang mahalagang bagay sa modelong panalangin ay makikita natin ang mga salitang,

“sambahin ang ngalan mo,Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong

kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.” Dito Makita natin ang dalawang

hadlang sa isang mabisang panalangin.

A. Makasalanang Buhay (sambahin ang ngalan mo)

Sambahin(hallowed be) ang pagsanba ay pagkilala ng kabanalan. Sa mga Hudyo ang

pangalan ay naglalarawan ng isang karakter. Ang pagsamba sa pangalan ng Diyos ay

isang mataas na paggalang sa karakter o katayuan ng Diyos. Hindi tayo maaring basta na

lamang lumapit sa Diyos na hindi natin pinaghandaan ang kabanalan ng Diyos na ating

kakaharapin. Kung ang Diyos ang siyang pinakamalinis at pinakabanal kailangang

siyasatin natin an gating mga puso kung may natatagong kasalanan o karumihan at

napapanatili natin ang malinis na relasyon natin sa Kanya. Pansinin ninyo ang ilang mga

talata:

Psa 66:18 If I regard iniquity in my heart, The Lord will not hear: Isa 59:1 Behold, Jehovah's hand is not shortened, that it cannot save; neither his ear heavy,

that it cannot hear: Isa 59:2 but your iniquities have separated between you and your God, and your sins have hid

his face from you, so that he will not hear. Hindi natin maaasahan na sasagutin ng Diyos an gating mga panalangin kung tayo ay

may natatagong kasalanan sa ating mga puso. Dapat din nating tandaan na nasasakop

nito ang mga kasalanang “commission” at omission.” Ang kasalanang commission ay

nangyayari kung may mga bagay na iniutos na hindi natin dapat gawin na ginagawa

Page 4: Lesson 5  pre encounter

naman natin. Tulad halimbawa ng pagsisinungaling. Ang omission naman ay ang mga

iniutos sa atin na dapat nating gawin na lagi nating kinaliligtaan na gawin. Sinabi mismo

ni Hesus ang mga salitang ito tungkol sa panalangin.

Mar 11:25 At kailan man kayo'y nangakatayong nagsisipanalangin, mangagpatawad kayo, kung mayroon kayong anomang laban sa kanino man; upang ang inyong Ama naman na nasa langit ay patawarin kayo ng inyong mga kasalanan. Sa medaling salita kung tayo ay may pusong ayaw magpatawad, ito ay tiyak na makahahadlang sa pagsagot ng Diyos sa ating mga panalangin. Sa katunayan ginagawa ni Satanas ang lahat upang manatili tayo sa ating mga kasalanan upang hindi masagot ng Diyos an gating mga panalangin. Huwag natin itong pabayaan, lagi nating siyasatin an gating mga buhay at pagsisihan natin at ihingi ng tawad ang lahat n gating mga kasalanan. Lagi tayong magpatawad sa lahat ng nagkasala sa atin at pinakamabuti na isama natin sila sa ating mga panalangin. 4. Bakit mahalaga na magpatawad tayo bago manalangin? ______________________________________________________________________________________________________________________________

B. Maramot na Buhay – “mapasaamin ang iyong kaharian, maganap ang iyong mga kalooban ditto sa lupa katulad ng sa langit.”

Ang panalangin ay hindi paghingi ng mga bagay na nais nating gamitin ditto sa lupa. Ipinakita ni Hesus nab ago tayo humingi ng mga bagay para ditto sa lupa, kailangang m,asentro an gating mga kalooban sa layunin ng Diyos para sa lupa at sa langit. Paano ito?Ang layunin ng kaharian ng Diyos ay malayong higit na mahalaga sa mga pansarili nating layunin. Tulad halimbawa na ayaw ng Diyos sa 2Pe 3:9, “ na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.” Kung ang hinihingi mo ay makahahadlang sa katuparan ng kaloobang ito ng Panginoon hindi ito papahintulutan ng Diyos, o Kaya’y ang hinihingi m,o ay pansarili lamang kapakinabangan hindi ri ito diringgin ng Diyos. Ito ang tinutukoy ni apostol Santiago, Jas 4:3 Kayo'y nagsisihingi, at hindi kayo nagsisitanggap, sapagka't nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan.

5. Paano natin mapananatili ang mabisa at hindi makasariling panalangin na tiyak na may

katugunan sa Panginoon? _________________________________________________________________ __________________________________________________________________ Ipinaliwanag ni Hesus sa John 15:7Joh 15:7 Kung kayo'y magsipanatili sa akin, at ang mga

salita ko'y magsipanatili sa inyo, ay hingin ninyo ang anomang inyong ibigin, at gagawin sa inyo.

Ang pananatili ay ang lubos na pagtitiwala kay Hesus oras-oras – patuloy na nakikipagniig sa Kanya at pagsuko ng iyong kalooban sa Kanya. Sa ganitong kalagayan hindi mo maiisipan na gumawa at humingi ng mga bagay na hindi makapagbibigay kasiyahan sa Kanya. Tiyak na ang Banal na Espirito ay lagi kang papatnubayan sa iyong mga panalangin upang ang lahat na iyong mga kahilingan ay lagging pasok sa kalooban ng Panginoon. Sinabi ni Pablo na lagi tayong aalalayan ng Banal na Espirito upang lagging tama ang hinihingi natin sa Diyos.

Rom 8:26 At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: sapagka't hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; nguni't ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita;

Rom 8:27 At ang nakasisiyasat ng mga puso'y nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagka't siya ang namamagitan dahil sa mga banal alinsunod sa kalooban ng Dios.

Page 5: Lesson 5  pre encounter

6. Kapag tayo’y makasarili sa ating mga panalangin, ano ang ipinapakita nito sa ating buhay spiritual?

_________________________________________________________________________________________________________________________________

7. Ano ang papel ng Banal na Espirito sa ating pananalangin? __________________________________________________________________

________________________________________________________________

8. Magbigay ng mga hadlang sa ating paglapit sa Diyos. __________________________________________________________________

________________________________________________________________ III. PANGUNAHING ELEMENTO:

Matapos nating malaman ang pinagbabatayan at mga hadlang sa ating pananalangin, kailangan din nating malaman ang mga sandigan ng pangunahing element ng panalangin. Marami tayong naririnig na mga Kristiano na, “Hindi ako marunong manalangin,” pero ang ibig nilang sabihin ay hindi nila kayang manalangin tulad ng mga matatanda na mahahaba at mabulaklak kung manalangin. Ang mabuting balita’y hindi natin kailangan ang ganoong uri ng panalangin. Ang hinihintay ng Diyos sa atin ay, katapatan n gating mga puso at ang mga hinaing na bumubukal ditto. Kung ating babalikan ang modelong iniwan sa atin ng Panginoong Hesus, may apat na element na dapat ay lagging kasama tuwing tayo’y mananalangin. Madali natin itong matatandaan sa pamamagitan ng “acronym” na ACTS.

Adoration (pagsamba) Ang pagsamba ay ang pagtataas at pagpuri sa Diyos sa tunay Niyang kalagayan. Tulad ng, “Ama

naming sumasalangit ka sambahin ang ngalan mo, mangyari ang kalooban mo ditto sa lupa tulud ng sa langit.” Psa 22:3 Nguni't ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga pagpuri ng Israel. Nais ng Panginoon ang pagsamba sa lahat Niyang nilalang.

Confession(paghahayag) Dahil an gating mga kasalanan ay isa sa humahadlang upang tayo’y mapakinggan ng Panginoon

kailangan natin itong ihayag sa Kanya bilang pagtanggap n gating pagkakamali at pagsisisi upang tayo ay Kanyang patawarin at linisin upang mawala ang hadlang.1Jn 1:9 Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.

Thanksgiving(pagpapasalamat) Sa pagsamba, tinatanggap natin Siya sa tama Niyang kalagayan bilang Diyos, sa pagpapasalamat itinataas natin Siya sa lahat ng kabutihang ginawa Niya sa atin. Sa panahong inaalaala natin ang mga pagpapalang ginawa Niya sa atin ay lalong nagpapatibay n gating pananampalataya at pagtitiwala sa Kanya.

Suplication(Paghingi) Ito ang panahon na humihingi tayo o dumadaing sa Kanya para sa ating mga buhay at ganon din para sa iba. Nang sabihin ni Hesus, “Bigyan po Ninyo kami ng aming kakainin sa araw-araw,” ang ibig Niyang sabihin ay an gating mga pangangailangan sa araw-araw at ang lahat na nakapagpapagulo n gating mga pagiisip. Si Pablo ay tunay na naniniwala sa bagay na ito.

Php 4:6 Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.

Page 6: Lesson 5  pre encounter

Php 4:7 At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.

Bilang mga Kristiano, kailangang tayo ay maniwala na an gating Diyos ay kayang magbigay ng lahat na ating ipinapanalangin. Ang mga bagay na ito ay para sa atin o sa mga taong ating ipinapanalangin. Walang imposible sa Panginoon. Sa ganoon ang lahat ay possible sa pamamagitan n gating mga panalangin, maliban doon s. Sa ganoon ang lahat ay possible sa pamamagitan n gating mga panalangin, maliban doon sa labas sa kalooban ng Diyos. Jer 33:3 Tumawag ka sa akin, at ako'y sasagot sa iyo, at ako'y magpapakita sa iyo ng mga dakilang bagay, at mahihirap na hindi mo nangalalaman. Sa mahabang panahon nakita ko ang kapangyarihan ng Diyos sa pagsagot sa aking mga panalangin, kahit doon sa mga hindi ko inaasahan at ako’y nagtitiwala na ito rin ay mangyayari sa bawat isa sa inyo kung matutunan natin ang mga kalooban ng Panginoon sa atin at sa ating mga paglilingkod sa Kanya.