marriage verses. smdocx

Upload: john-rommel-rafael

Post on 06-Jan-2016

225 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

sa

TRANSCRIPT

Tagubilin sa Pamilya

1Maliban nga na si Yahweh ang nagtatag nitong bahay, ang ginawa ng nagtayo ay wala ring kabuluhanAwit 127:1 21Pasakop kayo sa isa't isa bilang tanda ng inyong paggalang kay Cristo.22Mgababae, pasakop kayo sa sari-sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon.23Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito.24Kung paanong nasasakop ni Cristo ang iglesya, gayundin naman, ang mga babae ay dapat pasakop nang lubusan sa kanilang asawa.25Mgalalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesya26upang ialay ito sa Diyos, matapos linisin sa pamamagitan ng tubig at ng salita.27Ginawa niya ito upang ang iglesya ay maiharap niya sa kanyang sarili bilang isang maluwalhating iglesya na walang anumang dungis ni kulubot man upang ito ay maging banal at walang kapintasan.28Gayundin naman, dapat mahalin ng mga lalaki ang kanilang asawa tulad ng sarili nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili.29Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan. Sa halip, ito'y kanyang pinapakain at inaalagaan, tulad ng ginagawa ni Cristo sa iglesya.30Tayo nga'y mga bahagi ng kanyang katawan.31Gayang sinasabi sa kasulatan, Dahil dito'y, iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila'y magiging isa.32Ito ay isang dakilang hiwaga na aking inihahayag tungkol sa kaugnayan ni Cristo sa iglesya.33Kaya't kayong mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa gaya ng inyong sarili; mga babae, igalang naman ninyo ang inyong asawa. Mga Taga-Efeso 5:21-33

18Mgababae, pasakop kayo sa inyong asawa, sapagkat iyan ang kalooban ng Panginoon.19Mgalalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, at huwag kayong maging malupit sa kanila.20Mgaanak, sundin ninyong lagi ang inyong mga magulang, sapagkat iyan ang nakalulugod sa Panginoon. 21Mgamagulang, huwag ninyong pagagalitan nang labis ang inyong mga anak at baka masiraan sila ng loob. Mga Taga-Colosas 3:18-21

1Kayonamang mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa3Anginyong ganda ay huwag maging panlabas tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong alahas at mamahaling damit.4Sa halip, pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa mata ng Diyos.5Iyan ang kagandahang ipinakita ng mga banal na babaing umasa sa Diyos noong unang panahon. Sila'y nagpasakop sa kanilang mga asawa7Kayonamang mga lalaki, unawain ninyo at pakitunguhang mabuti ang inyong asawa, sapagkat sila'y mas mahina, at tulad ninyo'y may karapatan din sila sa buhay na walang hanggan na kaloob ng Diyos. Gawin ninyo ito, nang sa gayon ay walang magiging sagabal sa inyong mga panalangin. 1 Pedro 3:1-7

3Kaloob nga ni Yahweh itong ating mga anak, ang ganitong mga supling, pagpapalang mayro'ng galak. Awit 127:3

6Iturosa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki'y di niya ito malilimutan. Kawikaan 22:6

15Disiplina at pangaral, hatid ay karunungan; ngunit ang batang suwail, sa magulang ay kahihiyan. Kawikaan 29:15

17Ang anak mo'y busugin sa pangaral, at pagdating ng araw, siya'y iyong karangalan. Kawikaan 29:17

1Mgaanak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon,sapagkat ito ang nararapat.2Igalangmo ang iyong ama at ina. Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong3Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa.4Mgamagulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikagagalit ng inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at katuruan ng Panginoon. Mga Taga-Efeso 6:1-4