mga relihiyon sa asya

35

Upload: angelica-cervantes

Post on 05-Jul-2015

4.492 views

Category:

Education


113 download

DESCRIPTION

I Hope I've Helped those people who need/s this in their Homeworks or prsentations :) THANK YOU VERY MUCH :))))) EBSNHS :)

TRANSCRIPT

Page 1: Mga relihiyon sa asya
Page 2: Mga relihiyon sa asya

Kahulugan: Isang anyo ng pagsamba. Saklaw nitoang isang sistema ng relihiyosong mga saloobin, paniniwala, at gawain; ang mga ito’y maaaringpersonal, o kaya’y itinataguyod ng isang organisasyon. Kadalasan ang relihiyon ay nagsasangkot ngpaniniwala sa Diyos o sa maraming diyos; o dinidiyosnito ang mga tao, mga bagay, mga mithiin, o mgapuwersa. Nasasalig ang maraming relihiyon sa pag-aaral ng tao sa kalikasan; naroon din ang inihayag narelihiyon . Mayroon tunay na relihiyon at mayroonding huwad na relihiyon.

Page 3: Mga relihiyon sa asya

Mga Simbolo

Page 4: Mga relihiyon sa asya

Ang kulturang pampananampalataya ng mga Hudyo. Isa ito sa mgakauna-unang naitalang pananampalatayang monoteista at isa rinsa mga pinakalumang tradisyong pampananampalatayangsinusundan pa rin hanggang sa ngayon. .Sa Hudaismo, ayawbanggitin ng mga Hudyo ang ngalan ng Diyos kaya't iba-ibaang taguri sa Diyos na ginagamit nila. Kabilang dito ang“Kapangyarihan", "Ang Banal", "ang Pinagpala", at ang "Langit".Angpinagmulan ng judaismo ay ang bansang Israel. Ito ay nagsimulamuna sa paniniwala ng relihiyong Canaanite na may halongrelihiyong Babylonian at sa paniniwala kay Yahweh. Ang Judaismoay laganap sa mga bansang ito : Israel, United States, France,Canada,United Kingdom,Russia,Argentina, Germany,Australia, at Brazil. Ang nagtatag ng relihiyon na ito ay si Abraham.Ang mga pangunahing utos at aral ng Hudaismo mula sa Torah, ang Torah ay binubuo lamang ng 24 aklat ng Tanakh (tinatawagna Lumang Tipán sa Kristiyanismo) at hindi kabilang ditoang Bagong Tipán.

Page 5: Mga relihiyon sa asya

“Mahalin mo ang iyong Kapitbhay na parang sarili mo”

“Ano mang Kamuhi-muhi sa iyo ay huwag mong gawin sa iyong kapwatao.”

Sampung Utos ng Diyos

Iisang Diyos (Monotheism)

Kippah pagtakip sa ulo ng mga Jew tanda ng paggalang sakanilang panginoon.

Wailing Wall

Purim Pagdiriwang sa pagkaligtas ng mga Hudyo sa mga Persian.

Sabbath Araw ng pagpapahinga

Rosh Hashanah Ang bagong taon ng mga Jew.

Hannukah Pag-alala sa muling pagkabalik ng templo ngJerusalem.

Page 6: Mga relihiyon sa asya

Kippah -> pagtakip sa ulo ng mga Jew tanda ng paggalang sakanilang panginoon.

Page 7: Mga relihiyon sa asya

CHRISTIANISM (Kristiyanismo)

Ang Kristiyanismo ay relihiyon na nakatuon sa buhay at pagtuturo niHesus ng Nazareth. Ang mga Kristiyano ay naniniwala na si Hesus—natinatawag ding "Hesukristo"—ang Anak ng Diyos at ang Tagapagligtasna inihayag sa Lumang Tipan. Pinaniniwalaan nila ang Bagong Tipanbilang talaan ng mabuting balita na inilahad ni Hesus. Ang Banal nalibro ng mga Kristiyano ay ang BIBLIYA , Ang salitang “Bibliya” ay nanggaling sa salitang Latin at Griego na nangangahulugang “Libro”, isang angkop na pangalan dahil ang Bbiliya ay ang Aklat para sa lahatng tao sa lahat ng panahon. Ito ay Aklat na walang katulad, at katangi-tangi sa lahat ng Aklat. Ang Diyos ang pangunahing awtor ng Bibliya. Dahil sa kapangyarihan ng Diyos, kinasihan o niliwanagan Niya angkaisipan at kalooban ng mga manunulat upang maisulat nila ang lahatng ibig Niya at tanging mga bagay lamang na nais Niya.

Page 8: Mga relihiyon sa asya

ang bibliya ay isang batayan ng pananampalataya at paniniwala ng tao sa Diyoskung saan dito nakasulat ang salita at utos nya ito lang ang dapat sundin ng taosa pagkakakilala sa tunay na Diyos.

Page 9: Mga relihiyon sa asya

Naniniwala ang mga Kristiyano na ang Bibliya ay hiningahan ng Diyosat walang pagkakamali at ang itinuturo ng Bibliya ay Pinal at sakdal.

Sampung Utos ng Diyos.

Mga santo.

Ang pari ay ang instrumento ng Diyos.

Si Hesukristo ang tagapagligtas ng mundo.

Pitong Sakramento

Binyag ay ang sakramento ng muling pagkabuhay, at ito angsaligan ng buong buhay Kristiyano natin.

Mahal na Araw ang panahon ng paggunita at pagbabalik-loob ngmga Kristiyanong Filipino sa tagapagligtas na kumakatawankay Hesukristo

Pasko

Pista

Page 10: Mga relihiyon sa asya

ZOROASTRIANISMAng pinanggalingan ng relihiyong ito ay mula sa kanilang propeta

Zarathushtra, (from Zara=white, Thushtra=Camel) na kadalasangtinatawag na kanlurang Zoroaster, ang greek nitong pangalan. Ito din ay tinatawag na Mazdaismo at Magianismo. Sa Zoroastrianismo, angmanlilikhang si Ahura Mazda (wise Lord ) ay buong mabuti at walangkasamaan na nagmumula sa kanya. Kaya sa Zoroastrianismo, angkabutihan at kasamaan ay may dalawang mga natatanging mgapinagmumulan na ang masama (druj) ay sumusubok na wasakin angnilikha ni Mazda (asha) at ang mabuti ay sumusubok na panatilihinito. Bagaman si Ahura Maza ay hindi imanente sa daigdig, ang kanyangnilikha ay kinakatawan ng mga Amesha Spenta at malaking bilang ngibang mga Yazata na sa pamamagitan ng mga ito ay ang mga gawang diyos ay ebidente sa sangkatauhan at sa pamamagitan ng mga ito ay ang pagsamba kay Maza ay dinirekta.

Page 11: Mga relihiyon sa asya

Zoroaster Ahura Mazda

Page 12: Mga relihiyon sa asya

3 luping daan : Good Thoughts,Good Words, Good Deeds

Apoy Manipestasyon ng Kapangyarihan niAhura Mazda.

si Ahura Mazda, kilala bilang "Panginoon ng Karunungan", nakumakatawan sa kaliwanagan at kabutihang etikal.

si Angra Mainyu, kilala bilang "Ahriman", na kumakatawan naman sakadiliman at kasamaan.

Haoma ay isang Ritwal na inumin

Gah 5 pang araw-araw na panalangin

pádyáp “kushti pádyáp” ceremony Ito ginagawa bago ang Gah,orasng pagnilay o pagdasal.

no ruz (new day) selebrasyon ng eternal new day, kung kailandadating ang kaharian ni ahura mazda sa mundo.

Page 13: Mga relihiyon sa asya

ISLAMAng Islam ay isang katagang Arabik na hinango sa salitang ugat na "Salam"

na nangangahulugan ng Kapayapaan. Ito ay nangangahulugan din ngPagsunod, Pagsuko at Pagtalima sa kalooban ng Tunay na Diyos. Angtunay na kapayapaan ay nasa puso, isip at kaluluwa na nagdudulot ngkapayapaan sa kapaligiran at lipunan. Ang kapayapaan ay hindikailanman matatamo sa antas ng karunungan, kayamanan o katanyagan. Bagkus ito ay matatamo lamang sa pamamagitan ng ganap at tapat naPagsunod, Pagsuko at Pagtalima sa kalooban ng Nag-iisang Tunay naDiyos (Allah) - ang likas na pananampalatayang ibinigay Niya sasandaigdigan. Naniniwala ang mga tagasunod ng Islam na kilala bilangmga Muslim na ipinahayag ng Diyos (Allah sa Arabo) ang kanyang banal na salita sa sangkatauhan sa pamamagitan ng maraming mga naunangmga propeta, at ni Muhammad na siyang huling propeta ng Islam. Ang Koran, Quran o Qur'an ang banal na aklat ng relihiyong Islam. Ito ang aklat ng patnubay at direksyon ng sangkatauhan at isinasaalang-alang ang orihinal na tekstong Arabic, na salita ng Allah, diyos ngsangkatauhan na ipinakita kay Muhammad sa panahon ng dalawampu'ttatlong taon .

Page 14: Mga relihiyon sa asya

KORAN

Page 15: Mga relihiyon sa asya

5 pillars of islam :1. shahadah pananalig, 2.salat pagdadasalng limang beses sa isang araw, 3.Zakat paglimos at pagtulong sakapwa, 4.sawm pag-aayuno, 5.Hajj paglalakbay sa mecca

Ayon sa Koran,ang sinumang magkasala ay ngakakasala sa kanyang sarili

Pwedeng mag asawa ng higit sa isa.

Pagbabawal ng pagkain ng Karne ng baboy at pag inom ng alak.

Nagtitipun-tipon sa mga Mosque upang doon manalangin ng nakaharapsa Mecca ng limang ulit sa isang araw.

Eid Ul-Adha Pag-alala sa pagsakripisyo ni Abraham sa kanyang anakna si Isaac.

Ramadan Eid Ul Fitr

Holy war o Jihad Ang kaganapang nagpalaganap sa islam mulaJerusalem patungong kanluran.

Page 16: Mga relihiyon sa asya

Mga Simbolo

Page 17: Mga relihiyon sa asya

HINDUISMAng Hinduismo ang nananaig na relihiyon ng subkontinenteng Indiano. Ang

Hinduismo ay kinabibilangan ng Shaivismo, Vaishnavismo at Śrauta at ibapa. Sa ibang mga pagsasanay at pilosopiya, ang Hinduismo ay kinabibila-ngan ng isang malawak na spektrum ng mga batas at preskripsiyon ng mga"pang-araw araw na moralidad" batay sa karma, dharma, at iba pang mganorm ng lipunan. Bagama’t ang Hinduismo ay naniniwala sa napakaramingdiyos na umaabot sa 330 milyon, kinikilala nito na may isang pinakamataasna diyos at ito ay si Brahma. Pinaniniwalaan ng mga Hindus na si Brahma ay matatagpuan sa bawat bahagi ng realidad at sumasalahat ng dako sa buongsangkalawakan. Si Brahma ay isang impersonal na diyos na hindi maaaringmakilala at pinaniniwalaan na umiiral sa tatlong magkakahiwalay na anyo: siBrahma – ang Manlilikha; si Vishnu – ang Tagapagingat at si Shiva – angTagawasak. Ang tatlong anyong ito ni Brahma ay kinikilala din na nabuhaysa napakaraming inkarnasyon.Ang pangunahing kasulatan ng Hinduismo ay ang Vedas (itinuturing na pinakamahalaga), Upanishadas, angMahabharata at ang Ramayana. Ang mga kasulatang ito ay naglalaman ngmga imno, pilosopiya, ritwal, mga tula, sutra at ng Aranyakas.

Page 18: Mga relihiyon sa asya

VEDAS ay higit pa sa isang aklat ng teolohiya. Naglalaman ito ng mayaman at makulay nateolohiya at mitolohiya, o isang relihiyosongmitolohiya na tahasang pinaghalo halo ang mgaalamat, teolohiya at kasaysayan upang makabuo ngisang kwento na may anyong relihiyon.

Brahma – ang Manlilikha; si Vishnu– ang Tagapagingat at si Shiva – angTagawasak.

Page 19: Mga relihiyon sa asya

Sistemang Caste Naghahati sa mga tao sa iba’t-ibang klase at lebel.

Reinkarnasyon paniniwala na hindi kasamang namamatay ng isang taoang kanyang kaluluwa.sa halip, ang kaluluwa nito ay muling nabubuhay at lilipat sa ibang katawan upang mabuhay muli.

Karma ang susunod na reinkarnasyon ng kaluluwa ng isang namatay ay batay sa kanyang aksyon noong siya ay buhay pa, mabuti man o masama.

Moksha Ang kaluluwa na namuhay ng maayos ay may posibilidad naumangat ang lebel ng kabanalan at istado ng kadalisayan at pakikipagunawaan sa ganap na diyos.

Paliligo sa ganges Ito ay pinaniniwalaan na nakakalinis ng kaluluwa, pangangatawan, at nakakagaling ng sakit.

Holi Maingay at makulay na parada ginaganap ito bilang paggalang kayShiva.

Divali Bagong taon ng mga Hindu.

Page 20: Mga relihiyon sa asya
Page 21: Mga relihiyon sa asya

BUDDHISMAng Budismo o Budhismo (Sanskrit: Buddha Dharma, nangangahulugang:

"Ang Daan ng Naliwanagan") ay isang relihiyon o pilosopiya na nakatuon samga aral ni Buddha Śākyamuni(Siddhārtha Gautama), na marahilnamuhay noong ika-5 siglo BCE. Nakatuon ang Budismo sa mga aralni Siddhartha Gautama o ang "Buda". Ang Buddha ay nangangahulugang"ang isang naliwanagan" sa Sanskrit at Pāli. Ang dalawang mgapangunahing sangay ng Budismo ay pangkalahatang kinikilala: ang Theravada ("Ang Paaralan ng mga Nakatatanda") at Mahayana ("AngDakilang Sasakyan"). Ito ay kakaibang relihiyon sa mundo sa sarili nitongkarapatan, bagaman marami itong pagkakahalintulad sa Hinduismo naparehong nagtuturo ng Karma (tuntunin ng sanhi-epekto), Maya (angilusyong kalikasan ng mundo), at Samsara (ang muling pagkakatawang-tao). Ang mga Budista (Buddhist) ay naniniwala na ang pinaka-layunin sabuhay ay ang makamit ang tinatawag nilang “enlightenment” o Nirvana. Ang mga katuruan ni Buddha ay tinipon sa tinatawag na “Tripitaka” o “three baskets.”

Page 22: Mga relihiyon sa asya

Naniniwala sila sa reinkarnasyon o ang siklo ng kapanganakan at kamatayanat karma o ang kabuuang pagkilos ng tao.

Middle Path isang mahalagang gumagabay na prinsipyo ng kasanayang Budista

Nirvana Enlightment

Walong Wastong Landas (Eightfold Path)Tamang pag-iisipTamang pananawTamang intensyonTamang pagsasalitaTamang pagkilosTamang hanapbuhayTamang pang-unawaTamang konsentrasyon

Apat na Katototohanan(Four Noble Truths)Ang buhay at paghihirap ay hindi mapaghihiwalay.Ang sanhi ng paghihirap ay pagnanasa sa kapangyarihan, kasiyahan at patuloyna pamumuhay.Maaalis ang paghihirap kung aalisin ang pagnanasa.Maaalis ang pagnanasa kung susunod sa Walong Wastong Landas.

Page 23: Mga relihiyon sa asya

Wesak Idinaraos ng mga buddhist ito mula Mayo hanggang Hunyona nakatugma sa Kapanganakan,naliwanagan at Kamatayan ni Buddha na nagaganap lang sa iisang petsa ngunit sa iba’t-ibang taon.

Ang monghe ay inaasahang mamuhay sa kahirapan sa pag ninilay -nilay at pag aaral.

Page 24: Mga relihiyon sa asya

JAINISMAng Hainismo (mula sa Ingles na Jainism) o Jain Dharma ay isa sa mga

matatandang relihiyon sa mundo na nagmula pa sa Antigong India. Angnagtatag ng Hainismo ay si Vardhamana na kilala bilang Mahāvirā (599-527 B.C.) Itinuro niyang ang lahat ng bagay sa daigdig, materyal man o hindi, ay may kaluluwa. Ang pagdadalisay ng kaluluwa ang layunin ngeksistensiya, sapagkat ang dalisay na kaluluwa, minsang mapalaya mulasa katawan, ay makapamumuyhay sa walang-hanggang kaluwalhatian at malaya magpakailanman. Itinaguyod din ng relihiyong Jainismo angsukdol na asetismo, pag-aayuno, yoga at iba pang awsteridad para salayuning pagninilay-nilay o meditasyon. Ang Jainismo ay ang naniniwalana ang paghahangad sa materyal na bagay ay nagdudulot ng matindingpagdurusa.Batayang moral:Dapat ihiwalay ang sarili sa material na aspeto ng buhay.Bawal ang paggamit ng dahas.Bawal ang pananakit sa anumang may buhay.

Page 25: Mga relihiyon sa asya

KALPA SUTRA Ito ay itinuturing

na ang pinaka- banal na teksto, ang librong ito ay tungkol sa talambuhay ng kanilang panginoon na si Mahavira at ang mga buhay pa ng ibang propeta (Tirthankaras)

Page 26: Mga relihiyon sa asya

Kevala katumbas ay nervana

May limang panata ang sinusunod ng mga Hain:

Ahimsa (kawalang-karahasan)

Satya (katotohanan)

Asteya (katapatan/Di pagnanakaw)

Brahmacharya (kabirhenan)

Aparigraha (karalitaan)

Ang panata sa kawalang-karahasan (ahimsa) ay siyang tunay na obsesyonng mga Hain. Nagmamaskara sila para takpan ang bibig at ilong upang

maiwasan ang di-kinukusang paglanghap sa maliliit na insekto.

Paryushana Parva panahon ng kanilang pagtitika, pangungumpisalng mga kasalanan at pag-aayuno.

Mahavir Jayanti Ang pistang ito ay nagmamarka sa kapanganakan niMahavira.

Page 27: Mga relihiyon sa asya

SIKHISMSikhism (Sikhi, ਸ ਿੱ ਖੀ sa Panjabi) ay isa sa mga pangunahing relihiyon ng

mundo, lalo na binuo sa ika-16 at ika-17 siglo Indya. "Sikhi" ay mula sasalitang "Sikh", at ang salitang "Sikh" ay mula sa Sanskrit root "śiṣya" (शिष्य) na nangangahulugang "alagad" o "mag-aaral". Ang Sikhism ay isang monoteyistikong relihiyon, o isang anyo ng pananampalatayangnaniniwala sa iisang Diyos. Tinatawag ang mga nananampalataya nitobilang mga Sikh, at tinatawag na Guru Grant Sahib ang kanilang banal naaklat. Popular sa Asya, mayroon itong 30 milyon mga tagasunod, kung kaya't ito ang ika-limang pinakamalaking relihiyon sa mundo. Sinimulanang Sikhismo noong 1469 ni Guru Nanak Dev, ang una sa "Sampung mgaGuru". Nagkaroon ito ng bukod na katangian noong 1699, napinagdiriwang ng Vaisakhi, kung kailan sinimulan ni Guru Gobind Singh, ang ikasampung ang pagbibinyag kasama ni Khande di Pahul, at nangangailangan na sundin ng mga sikh ang limang mga "K". Tinatawagdin itong kapanganakan ng Khalsa. Bawat Guru na sumunod kay Guru Nanak ay tinutukoy bilang “Nanak” at “Ilaw”.

Page 28: Mga relihiyon sa asya

Ang pangunahing nais ng tao ay sirain ang siklo ng kapanganakan at kamatayan at mkiisa sa Diyos.

5 KAKKARS 1. KESH- ang mga Sikh ay hindi pagpuputol ng buhok. 2. KANGA- nakatali ng maayos ang buhok 3. KARA- paggamit ng bangelna bakal 4. KIRPAN- pirmihang nakasukbit ang Espada o itak. 5. KACCHERA- pagsuot ng maikling pantalon bilang tanda ng kahandaanng digmaan.

Guru Nanak Gurpurab Ipinagdiriwang ang kapanganakan ni Guru Nanak, Ito ay nagtatagal ng Tatlong araw.

Diwali Festival of Lights, ang pistang ito ay sumisimbolo satagumpay ng Liwanag Laban sa Kadiliman,Kaalaman laban sa Kamang-mangan,Mabuti laban sa Masama.

AISAKHI o KHALSA SIRJANA DIWAS- pista ng pagaani( APRIL 13)

Page 29: Mga relihiyon sa asya
Page 30: Mga relihiyon sa asya

Mga Simbolo

Page 31: Mga relihiyon sa asya

SHINTOISMAng Shinto ay ang katutubong relihiyon ng Hapon at dating naging relihiyon

ng estado. Ito ay kinapalolooban ng pagsamba sa Kami, o mga diyos. Angibang Kami ay lokal at maaaring ang mga espiritu/ o ang henyo ng isangpartikular na lugar, ngunit ang iba ay nagpapakita ng mas malaking bagayna natural at proseso: halimbawa, siAmaterasu, ang Diyosa ng araw, o angbundok Fuji. Ang shinto ay isang sistemang may paniniwalanganimistiko.Ang Shinto o Shintoism ay isang paniniwala at gawi na nagmulasa bansang Japan. Ang salitang Shinto ay binubuo ng dalawng salitangTsino ang “Shin”na ang kahulugan ay ang mga Diyos at Espiritu, at ang“Tao” na isang paraang pilosopikal, na nangangahulugang "Ang Paraan ngmga Diyos”.Ang relihiyong Shinto(kasama ang Buddhismo) ay konektadosa lipunan at kultura ng Japan. Ang relasyon ng Shinto sa ibang relihiyon sabansang Japan ay karaniwang nagkakaisa atmagkasundo. Sinusubakan ngmga Shintoist na panatilihin ang kanilang sariling mga katangian at angkanilang panloob habang nagtatrabaho patungo sa mapayapangmagkakasamang buhay ng tao.Torii Gate Ito ang sumisimbolo sa Shinto. Ang torii ay nagmula sa isang lumang alamat na nanggaling sa bansangjapan.

Page 32: Mga relihiyon sa asya

Kami ang nag uugnay sa tao at pisikal na kapaligiran tulad ng

yungib, batis, bundok, puno at iba pa.Aragami Masamang Kami (banal na Espiritu) na pinatay at naghahaap ng paghihiganti.

Purification Pagtanggal ng masamang espiritu sa katawan.

Mizuko Ang Espiritu ng mga batang hindi na ipanganak.

Miyamairi Binyag , Isang buwan pagkatapos ng kapanganakan(31st day for boys, 32nd day for girls) ang mga magulang nila ay dinadalaang kanilang anak sa templo upang magpasalamat at ipagdasal angkanilang anak ng magandang kalusugan at Kasiyahan.

MATSURI FESTIVAL tawag sa pag-aalay ng pasasalamat ng mgashintoismisters sa kanilang mga Diyos at Diyosa.

Harai Exorcising, cleansing, and purification rites.

Page 33: Mga relihiyon sa asya

SHAMANI

SMAng Shamanismo ay isang pagsasanay na kinasasangkutan ng pag-abot sa

mga nabagong estado ng kamalayan upang maenkwentro at makipagugnayan sa daigdig ng espirito. Ang isang shaman ay ang tao naitinuturing na may paglapit at impluwensiya sa daigdig ng mga mabuti at masamang esprito at tipikal na pumapasok sa isang katayuan ng pagkawalang diwa habang isinagawa ang isang rituwal. Ito ay nagsasanay rinng dibinasyon at panggagamot.

Ang shaman ay maaaring makipag-usap sa daigdig ng espiritu.

Ang shamaan ay makapagpapagaling ng sakit na sanhi ng mga masasamangespiritu.

Ang mga espiritu ay maaaring mabuti o masama.

shamanic Summer Solstice Ceremonies focus on the themes of fulfillment, enlightenment, abundance, sharing, and the joy of living on this beautiful EarthHome.

Page 34: Mga relihiyon sa asya

ANIMISMAng animismo (mula sa Lating anima o "kaluluwa", "buhay") ay isang

paniniwala na nagsasabing mayroong puwersang hindi materyal nanagpapakilos sa kapaligiran. Sinasabi rin dito na may kani-kaniaya o angkingkaluluwa ang mga bagay-bagay. Bukod dito, isa itong paniniwala sakapangyarihan at lakas ng kaluluwa. Isa itong ideyang pilosopikal, relihiyoso, o espiritwal na umiiral ang mga kaluluwa o mga espiritu hindilamang sa mga tao at mga hayop, ngunit maging sa mga halaman, mga bato, mga likas na kaganapang katulad ng kulog, sa mga heograpikong katangiangkatulad ng mga bundok o mga ilog, o iba pang mga entidad ng kapaligiranglikas, na isang proposisyong kilala rin bilang hilosoismo sa pilosopiya.

ang mag alay at magdasal sa mga espiritu

Ang pagaalay ng dugo ng hayop ay kaugnay sa mga ritwal ukol sapagbubuntis.

Naniniwala rin sila sa kapangyarihan ng mga anting-anting na nagliligtas samga tao sa kapahamakan.

Page 35: Mga relihiyon sa asya

Ipinasa Kay :Mrs.Marbella