open letter to eduardo "danding" cojuangco, jr

1

Click here to load reader

Upload: cocolevy

Post on 19-Apr-2015

690 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

First Published in Philippine Daily Inquirer - 29 November 2011

TRANSCRIPT

Page 1: Open Letter to Eduardo "Danding" Cojuangco, Jr

G

Pondong Coconut Levy: Yaman ng Mamamayan, Hindi Nang iilan Bukas na Liham Kay Ginoong Eduardo “Danding” Cojuangco,Jr.

inoong Eduardo “Danding” Cojuangco, Jr., ang liham na ito ay alang-alang sa aming 3.5 milyong magniniyog at sa 20

milyong kasapi ng aming mga pamilya; tungkol ito sa halos apat na dekada naming pakikibaka para mabawi ang “coco levies.”

Sa kasawiang-palad, noong Abril 2011, nagpasya ang ating Korte Suprema na ikaw ay kanilang katigan. Sabi ng Korte Suprema, nagkulang ang Republika sa kanilang pakikipaglaban para sa aming kapakanan. Hindi raw sapat ang ebidensiyang naiprisenta sa Sandiganbayan. Ayon sa Korte Suprema, maging ang pagiging “malapit na kaibigan” ninyo sa nasirang diktador (“Marcos crony”) ay kailangan ding patunayan. Tanging utang lamang daw ang transaksyong inyong pinasukan, at simpleng utang na dapat ninyong bayaran.

Nawaglit sa usaping ito ang ilang mga katotohanan na, awa ng Diyos, hindi lingid sa kaalaman ng ilang mahistradong mulat sa mga alituntunin ng ating kasaysayan. Wika nga ng dating mahistrado (at ngayon Ombudsman) Carpio-Morales, “the biggest joke of the century.”  Pinakamalaking biro (at katatawanan) ng kasaysayan na kailangan pang patunayan ang inyong labis na pagkakaibigan sa nasirang diktador. Isinulat ni J. Carpio-Morales ang mahabang talaan ng  “ebidensya” na sasapat upang ang kapasyahan ng Korte Suprema ay sumang-ayon sa amin — kung sana nga lamang, kumatig ang nakararaming miyembro ng Korte Suprema, sa ebidensiyang pinatotohanan ng kasaysayan at ng kanilang konsensiya.

Hindi sana mahirap bigkasin na ang perang iyong tinatamasa ay “inutang lamang”  kung hindi rin lang mulat ang aming mga mata sa katotohanang ang mga “coco levies” ay kinolekta mula sa hirap at pagod namin at ng aming mga ninuno. Kinolekta ito sa panahong kayo ang namumuno sa industriya ng pagniniyog; resulta ito ng pag-aambag ng aming mga pawis, luha, at dugo. Kaya’t mahirap mapalagay ang konsensiya sa kaisipang ipagpapalagay na lamang natin na   ito’y “utang”   lamang; lalong mahirap tanggapin na ito’y basta-basta babayaran mula sa salaping aming pinagpaguran.

Sa kabila ng aming panghihimok sa Korte Suprema na muling tingnan at pag-isipang maiigi ang usaping ito, kami’y kanilang pilit itinataboy

sa kanilang paghahangad na tuldukan na ang aming laban. Hindi naming maintindinhan kung bakit kailangan pang mag- imbento ng depinisyon ng “ill-gotten wealth,”   gayong malinaw naman kung ano ang ibig sabihin nito. Batid naman ng lahat at hindi na kailangan pang patunayan na isa kayo sa mga pinakamalapit na kaibigan sa nasirang diktador – pero balewala ito sa bagong imbentong depinisyon ng ill-gotten wealth.

Panalo na raw kayo, sabi ng Korte Suprema. Sumuko na raw kami sa Korte Suprema. Hindi ito totoo. Paano kami susuko gayung hindi mapalagay ang aming kaloobang dangang ang pinakamahalagang tanong ay nananatiling walang kasagutan: nasaan ang aming pinaghirapan?

Ginoong Cojuangco, dalangin namin na batid ninyong ang inyong 76 na taong pamamalagi sa mundong ibabaw ay wasto na sa inyong gulang. Hindi pa huli ang lahat. Ilang daang bilyong piso ba ang kailangan ng isang tao, upang mabuhay nang matiwasay? Ito ba’y mas pahahalagahan kaysa sa kapakanan ng dalawampung milyong Pilipinong naghahangad lamang ng marapat sana’y  napasakanila?

Walang mas mahalaga o mas sasapat pa sa gantimpala ng tahimik, panatag, at payapang konsensiya. Hayaan sana ninyong tulong sa inyong pamangkin, ang ating mahal na Pangulo, ay kanyang tanawin na lang bilang  “utang na loob”—at hindi utang na kailangang pagbayaran. Baka naman sakaling sa ganitong pagpapaubaya, mabatid ng Pangulo na may kalayaan siyang ipahayag ang kanyang suporta at basagin ang kanyang katahimikan.

Ano’t ano pa man, nais po naming ipabatid sa inyo na tuloy po ang laban namin sa Korte Suprema—panigan man kami (o hindi) ng Pangulo, patuloy kaming maninindigan sa panig ng katotohanan, kasaysayan, at katarungan.

Dalangin namin ang inyong pag-uunawa. Patnubayan nawa kayo ng Poong Maykapal, at dinggin sana ninyo ang Kanyang pahiwatig at paggabay.

Ka Oca Santos, Chairman COIR, Inc. Bishop Broderick S. Pabillo, CBCP-NASSA Ka Bobby Tañada, President, PRRM Peoples Organizations

ALYANSA KANAYUNAN Kilusan Para sa Repormang Agrar yo at

Katarungang Panlipunan (KATARUNGAN) Pambansang Kaisahan ng mga Magbubukid sa Pilipinas (PKMP) Aniban ng mga Manggagawa sa Agrikultura

(AMA) MAKABAYAN Pilipinas Coalition of Coconut Farmers in Quezon

(COCOFARM-Quezon) Pambansang Kilusan ng ga Samahang

Magsasaka (PAKISAMA) Ugnayan ng mga Magsasaka sa Quezon (UGMA) Lakas ng Kababaihan sa Kanayunan

(LAKAMBINI) Kilusang Magbubukid ng Bondoc Peninsula

(KMBP) Ugnayan ng mga Magsasaka sa Gitnang Quezon

(UGNAYAN) Pambansang Katipunan ng Makabayang

Magbubukid (PKMM) Nagkakaisang Ugnayan ng mga Manggawa at

Magsasaka sa Niyugan (NIUGAN) Northern Quezon Coconut Farmers Association

(NORQUEZCOFA) Ugnayan ng Maliliit na Magbubukid ng

Hilagang Quezon (UMALMA-HQ) United Small Coconut Farmers in Southern Mindanao Snall Coconut Farmers Forum in Southern Mindanao Center for Rural Empowerment Services in Central Mindanao (CRESCENT),Inc. Farmworkers Agrarian Reform Movement of

Hacienda Luisita (FARM) Quezon Association for Rural Development and

Democratization, Services (QUARDDS), Inc. New Bugasong Agrarian Reform Beneficiaries

Association (NEBARBA) Dalapitan Agrarian Reform Benficiaries

Association, Inc. (DARBAI) Lambayao Agrarian Reform Beneficiaries

Association, Inc. (LARBAI) Manupal Agrarian Reform Beneficiaries

Association (MARBA) Mindanao Pioneers Multi-Purpose Cooperative,

Inc. Hugpong sa Organisadong Katawhan sa Davao

Oriental (HUGPONG) – KATARUNGAN Davao Oriental

Alliance for Human, Environment and Agricultural Development Agrarian Reform Cooperatives

United Small Coconut Farmers in Southern Mindanao

Mag-uumang Nagkahiusa Alang sa Kalambuan sa Negros Oriental (MANAAKA)

Sta. Cruz Nuevo Consumers Cooperative (SNCC) San Miguel CLOA Holders Association-Tanjay

Jantianon ARBSs Multi-purpose Cooperatives Amlan Manlipac Coconut Community Farmers Association CREDO Savings and Agrarian Reform Cooperatives

Samahan ng Magsasaka sa Maliwalo, Tarlac

BOLUNTARYO- Pagtingog sang Mag-uuma kag Mamumugon sa

Kaumhan (PASAMAKA) Mag-uumang Naga-hiusa Alang sa Kalambuan

(MANAA KA) KATARUNGAN-Tarlac Builders for Rural Empowerment and Human

Rights Advocates Network, Inc. (BRETHREN) Mindanao

Aniban ng Nagkakaisang Mamamayan ng Hacienda Dolores (ANIBAN) - KATARUNGAN Pampanga

Mag-uumang Nagkahiusag Alang sa Kalambuan sa Negros Oriental (MANAAKA) - KATARUNGAN Negros Oriental

Pagtingob sang mangunguma kag mamumugon sa kaumhan (PASAMAKA) - KATARUNGAN Iloilo

Panay Rural Organizing for Reform and Social Order (PROGRESO), Inc.

Negros Oriental Center for People Empowerment and Development ( NOCPED)

North Cotabato Autonomous Peasant Alliance (NC- APO) – KATARUNGAN North Cotabato

Pamdevco Agrarian Reform Beneficiaries Association, Inc. (PARBAI)

Lower Saguing Farmers Association (LSFA) Arava Agrarian Reform Beneficiaries Association, Inc. (AARBAI)

Ledesma CARP beneficiaries, Association, Inc. (LCBAI) Gemora Employess Agrarian Reform

Beneficiaries Association, Inc. (GEARBAI) Bongolanon Farmers Association (BFA)

Laus Employees Agrarian Reform Beneficiaries Association, Inc. (LEARBAI)

USM Reservation Settlers Association (USMRSA)

Lepiten Farmers Association (LFA) Mendoza Employees Agrarian Reform Beneficiaries, Inc. (MEARBAI)

Sikitan Katipunan Agrarian Reform Beneficiaries Association, Inc. (SKARBAI)

Sibawan Agrarian Reform Beneficiaries Association(SARBA)

Christian Settlers Association (CFA) Kinudal employees Agrarian Reform

Beneficiaries Association (KEARBAI) Domar Tappers Farmers Association (DTFA) Sitio Igsoro Agrarian Reform Beneficiaries

Association (SIARBA) New Bugasong Agrarian Reform Beneficiaries

Association(NEBARBA) Dalapitan Agrarian Reform Beneficiaries

Association (DARBAI) Lambayao Agrarian Reform Beneficiaries

(LARBAI) Manupal Agrarian Reform Beneficiaries Association (MARBA) Mindanao Pioneers Multi-purpose

Cooperative,Inc. Hugpong sa organisadong katawhan sa Davao

Oriental Alliance for Human,Environment and Agricultural Development Agrarian Reform Beneficiaries Negros Farmers’ Council (NFC) Panaghugpong sa mga CLOA ARBs sa Cesar

Perez Landholding

Alyansa sa ARBs sa Telesforo Labang Alyansa sa ARB Claimants sa 606 Ektaryas sa

Trinidad Valley and Realty Dev’t. Corp. Panaghugpong sa mga ARBs sa 204 Ektarya

Vicente Lopez Landholding Negros del Norte Agricultural Workers and Community Multi-Purpose Cooperative Panaghiusa sa mga ARB Claimants sa Pedro

Sumugod Landholding Domar Tappers Farmers Association (DTFA)

Sitio Igsoro Agrarian Reform Beneficiaries Association (SIARBA)

Alyansa sa mga ARBs sa 320 Ektar yas nga Kayutaan sa Sugar Farms, Inc.

DOTAMCO (Domolog Tagaytay MPC) Alyansa sa Nagkahiusang Kabatan-onan para sa

Repormang Agraryo ug Likas Kayang Pagpanguma (ANAK)

BANIKA (Nagkahiusang Inahan ug Kababayen-an alang sa Repormang Agrar yo ug Mauswagong Agrikultura)

Negros Farmlands Panaghugpong sa mga ARBs ug Farmworker Claimants sa Diaz Hermanos

Kahugpungan sa mga CLOA ARBs sa 223 Ektaryas sa Diaz Hermanos Enterprises

Alyansa sa ARB Claimants sa 169 ektaryas JLT Agro, Inc. Landholdings

Negros Farmers Council Mabinay Cluster 1 CARPable landholdings

BANIKA Mabinay Cluster 2 CARPable landholdings

Panaghugpong sa ARBs sa 100 ektar yas Tirambulo landholdings

Alyansa sa ARBs ug Farmworkers sa Catalino Noel

Panaghugpong sa mga Rice Farmer ARB Claimants sa Don Gaspar Vicente landholding

Kahugpungan sa mga CLOA ARBs sa 41 Ektaryang Catalino Noel landholding sa Calipawan, Nangka

Domalog Tagaytay (Negros Oriental) Multi-Purpose Cooperative (DOTAMCO)

Negros Del Norte Agricultural Workers and Community Multi-Purpose Cooperative

Hinoba-an (Negros Occidental) Multi Purpose Cooperative

Orient Marketing Cooperative (ORMACO, Negros Oriental)

Sugar Workers Alliance of Negros Kababaihang Magsasaka na Naghahangad ng Kalayaan (KAMALAYAN)

Mindanao Organization and Cooperatives Mindanao Farmers’ Rural Congress

Moro Farmers’ Association of Zamboanga Zur (Sibugay)

Alyansa Maglulubi ng Mindanao (AMM) Surigao Federation of Agricultural

Cooperatives Mindanao Integrated Rural Development Multipurpose Cooperative (MIRAD) Tabang Ako Siyap ko Bangsa Iranun saya ko Kalilintad ago Kapagamay (TASBIKKA, Inc)

Teduray Lambangian Women’s Organization, Inc. (TLWOI)

Alliance of Urban and Rural Women in

Bukidnon (AURWIB) Panaghiusa sa Tulo Katawhan sa Kababainhan sa Kabanikanhan Mindanaw (PTKKM) Agusan Del Sur Hugpong sa Kusganong Panaghiusa Multipurpose

Cooperative Pagtambayayong Multipurpose Nagkahiusang Kababayen an Organisasyon Katigbuan tu Lumad Organisasyon

Dagani Farmers Association San Vicente Women’s Organization San Rafael Multipurpose Cooperative Toril (Davao City) District Small Coconut Farmers

Development Cooperative (TODECO) Misamis Occidental Maglulubi Multipurpose Cooperative (MOMCO)

Coconut Farmers of Southern Leyte Basic Ecclesial Community of Samar for Sustainable Agriculture and Livelihood (BECSSAL)

Northern Samar Coconut Industry Development Council Highlander Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative (HARBEMCO)

Taguibo Farmers’ Cooperative Nagkakaisang Magsasaka ng Gitnang Luzon(NMGL) Nauzon Upland Peasant People’s Organization Pagkakaisa ng mga Samahang Magsasaka ng Botolan Samahang Magsasaka ng Togue Taltal Nagkakaisang Kababaihang Ayta ng Pinatubo Samahang Magsasaka ng Kaybanban Cooperative Barangay Anunas Farmers Association Pagkakaisa ng mga Samahang Magsasakang Kababaihan ng Luzon (PASAMAKA-L) Dona Josefa Women’s Association Manganese Women’s association Samahan ng Katutubong Kababaihan sa Maraliton Samahang Kababaihan sa Payapat Bukluran ng mga Katutubo sa Luzon (BUKAL) Pinagisang Lakas ng mga Katutubong Ayta sa Matalangao at Ulingan Samahang Kabataan ng Kinaragan Pagkakaisa ng mga Kababalgang Ayta ng Botolan Borac Farmers Samahang 53 Ektarya sa Macabud Kalipunan ng Maliliit na Magniniyog sa

Pilipinas (KAMMPIL) PESANTE Pilipinas PARAGOS-Pilipinas Non-governmental Organizations Centro Saka, Inc. (Philippine Center for Rural Development Studies) Balaod Mindanao Focus on the Global South Project Development Institute (PDI) Rights, Inc. PARFUND (Philippine Agrarian Reform Foundation for National Development) KAISAHAN Pambansang Koalisyon ng mga Kababaihan sa

Kanayunan (PKKK-A national coalition of 426 organizations in 42 provinces)

Task Force Mapalad Ateneo Human Rights Center Sulong CARPER Simbahang Lingkod ng Bayan JPICC-AMRSP