p animula als lesson

Upload: jeffrey-flores

Post on 16-Oct-2015

19 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

FOR ELEM

TRANSCRIPT

  • Panimula

    Kapayapaan, Nasaan Ka?

    Kahit kay ilap, kapayapaay pangarap;Tahimik na buhay, malayo sa away.Kasaganaan ay laganap, di nagsasalat;Walang pagdududa, puno ng pag-asa.

    Kaysarap mabuhay sa payapang bayan;Umaapaw ang pag-ibig, walang alinlangan;Mumunting pangarap, nagiging katuparan;O, kaysaya kung may kapayapaan.

    Halinat magkapit bisig, abutin ang pangarap.Iwaksi ang galit, maging bukas ang pag-iisip;Tigilan ang digmaan at ang pamamaslang;Nang ating malasap ang katamis-tamisan.

    Sadyang kay ilap ng kapayapaan. Gayunpaman, ito ay hindi imposible.Kahit sino ay maaaring magsulong nito. Ikaw, ako, tayo.