pagbabagong morpoponemiko

18
Pagbabagong Morpoponemiko Inihanda ni: Sir Jasper Malik

Upload: levin-jasper-agustin

Post on 14-Apr-2017

1.567 views

Category:

Education


21 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pagbabagong Morpoponemiko

Pagbabagong Morpoponemik

oInihanda ni:

Sir Jasper Malik

Page 2: Pagbabagong Morpoponemiko

A. Asimilasyon• Ito ay tumutukoy sa pagbabagong anyo ng

morpema dahil sa impluwensya ng mga katabing tunog nito.• panlaping nagtatapos sa –ng katulad ng

sing- na maaaring maging sin o sim• pang- na maaaring maging pan- o pam-

dahil sa impluwensya ng kasunod na katinig

Page 3: Pagbabagong Morpoponemiko

Ang mga salitang nagsisimula sa d, l, r, s, t ay inuunlapian ng (sin-) at (pan-)

Halimbawa:

• sing + tindi = sin + tindi = sintindi• pang + laban = pan + laban =

panlaban

Page 4: Pagbabagong Morpoponemiko

Ang mga salitang nagsisimula sa b, p ay inuunlapian ng (sim-) at (pam-)

Halimbawa:

• pang + pilosopiya = pam + pilosopiya

= pampilosopiya

Page 5: Pagbabagong Morpoponemiko

Ang mga salitang nagsisimula sa patinig /a,e,i,o,u/ at katinig na /k,g,h,n,w,y, ay inuunlapian ng (sing-) at (pang-). Dito ay walang pagbabagong nagaganap sa mga salita.

Halimbawa:

• sing + ganda = sing + ganda = singganda• pang + kaisipan = pang + kaisipan =

pangkaisipan

Page 6: Pagbabagong Morpoponemiko

Ang asimilasyon ay may dalawang uri.

Halimbawa:•Asimilasyong parsyal o di-ganap •Asimilasyong ganap

Page 7: Pagbabagong Morpoponemiko

a. Asimilasyong parsyal o di-ganap – ang pagbabagong nagaganap lamang dito ay nasa pinal na

panlaping –ng.

Halimbawa:• sing + tindi = sin + tindi = sintindi• pang + laban = pan + laban =

panlaban• pang+ pilosopiya = pam + pilosopiya=

pampilosopiya

Page 8: Pagbabagong Morpoponemiko

b. Asimilasyong ganap – nagaganap ang asimilasyong ito kapag matapos na maging /n/ at /m/ ng panlapi dahil sa pakikibagay sa kasunod na tunog

ay nawawala pa ang sumusunod na unang titik ng salitang-ugat at nananatili na lamang ang tunog na /n/ o /m/.

Halimbawa:• pang+ baril = pam + baril = pamaril• pang+ takot = pan + takot =

panakot

Page 9: Pagbabagong Morpoponemiko

B. Pagpapalit•Ito ay tumutukoy sa ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbuo ng mga salita.

Page 10: Pagbabagong Morpoponemiko

• /o/ at /u/. Sa ngayon, ayon sa Ortograpiyang Pambansa 2013, sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na o hindi ito pinapalitan ng letrang u. Kinakabitan ng pang-ugnay/ linker (-ng) at ginagamitan ng

gitling sa pagitan ng salitang-ugat. (tuntunin 7.5, pp. 31 at 32)

Halimbawa: linggo-linggoano-ano

Page 11: Pagbabagong Morpoponemiko

• /e/ at /i/. Ganoon din sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa e, hindi ito pinapalitan ng letrang i. Kinakabitan ng pang-ugnay/liner (-ng) at ginagamitan din ito ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat. (tuntunin

7.5, pp. 31 at 32)

Halimbawa:• babae - babaeng-babae• Salbahe - salabaheng-salbahe

Page 12: Pagbabagong Morpoponemiko

• /d/ at /r/. Napapalitan ng /r/ and /d/ kapag patinig ang tunog na sinusundan ng /d/.

Halimbawa: dito > ritoma + dapat > marapatma + dami > marami

Page 13: Pagbabagong Morpoponemiko

C. Paglilipat• Ito ay tinatawag ding metatesis na nangangahulugan ng paglilipat ng posisyon ng mga ponema. Kapag nagsisimula sa /l/ o /y/ ang salitang-ugat nito at nilagyan ng gitlaping • -in-, nagkakapalit ang /i/ at /n/ at nagiging /ni-/.

Page 14: Pagbabagong Morpoponemiko

Halimbawa:

•y + -in + akag > yinakag >niyakag (niyayakag, hindi

yinayakag)• l + -in + ayon > linayon >nilayon (nilalayon, hindi linalayon)

Page 15: Pagbabagong Morpoponemiko

D. Pagdaragdag•Nangangahulugan ito ng pagdaragdag ng isa pang morpema sa hulihan ng salitang-ugat (hulapi) kahit mayroon nang dating hulapi ang salitang-ugat.

Page 16: Pagbabagong Morpoponemiko

Halimbawa:•pa + bula + han

> pabulahan >pabula(h)an + an >pabulaanan

•ka + totoo + han> katotoohan >

katoto(o)han+ an >katotohanan

Page 17: Pagbabagong Morpoponemiko

E. Pagkakaltas• Ito ay ang pagkawala ng isang ponema o morpema sa isang salita. Maaari itong maganap sa unahan o gitna ng salita. May mga salita ring nakakaltas ang ponema o morpema sa gitna, at napapalitan ng ponema ang nasa hulihang morpema.

Page 18: Pagbabagong Morpoponemiko

Halimbawa:

•Dala + hin > dalahin> dalhin

•Bukas + an > bukasan >buksan