pagpapahalaga tungo sa kaunlaran - znnhs

18
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Z est for P rogress Z eal of Partnership Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan - Modyul 7: Pagpapahalaga Tungo sa Kaunlaran Pangalan ng Mag-aaral: _______________________________ Baitang at Seksyon: Paaralan: 7

Upload: others

Post on 28-Oct-2021

26 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pagpapahalaga Tungo sa Kaunlaran - ZNNHS

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Zest for Progress

Zeal of Partnership

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatlong Markahan - Modyul 7:

Pagpapahalaga Tungo sa Kaunlaran

Pangalan ng Mag-aaral: _______________________________

Baitang at Seksyon:

Paaralan:

7

Page 2: Pagpapahalaga Tungo sa Kaunlaran - ZNNHS

1

ALAMIN

Bawat tao ay may kanya-kanyang pinahahalagahan. Bawat bagay na pinahahalagahan natin ay may mga natatagong kwento. Sentimental na halaga sabi pa ng iba. Sa madaling salita ang mga ito ay espesyal at naghahatid ng kasiyahan sa atin. Sa modyul na ito ay matutukoy ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-aaral. Napatutunayang ang piniling uri ng pagpapahalaga batay sa hirarkiya ng mga pagpapahalaga ay gabay sa makatotohanang pag-unlad ng ating pagkatao. EsPIIId-10.3

SUBUKIN

Panuto: Bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot.

1. Ang ______________________________ ay tumutukoy sa pagbibigay-halaga sa mga bagay na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao at sa mga bagay na maituturing lamang ng rangya o luho. a. pambuhay na halaga c. ispiritwal na halaga b. pandamdam na mga halaga d. banal na halaga

2. Ang pagpapaunlad ng kaalaman/karunungan na siyang gawain ng ating isip ay makakamit sa pamamagitan ng paghubog ng _________________. a. Intelektwal na birtud c. Ispiritwal na birtud b. Moral na birtud d. Sosyal na birtud

3. Ang mga sumusunod ay mga uri ng ispiritwal na halaga ayon kay Max Scheler, maliban sa: a. Pagpapahalaga sa katarungan b. Pagpapahalagang pangkagandahan c. Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan d. Pagpapahalaga sa katiwasayan ng damdamin at isipan 4. Ang pera ay nakapagbibigay ng saya sa tao ngunit maraming tao na maraming pera ngunit naghahanap pa rin ng ibang bagay na mas makapagpapasaya sa kanila. Sa paglipas ng panahon mahihinuha nila na ang pagkakaroon ng buong pamilya at mga tapat na kaibigan pala ang tunay na makapagpapasaya sa kanya. Ang halimbawang ito ay patunay sa anong katangian ng mataas na antas ng halaga?

a. Habang tumatagal ang halaga, mas tumataas ang antas nito b. Mataas ang antas ng halaga kung ito ay lumilikha ng iba pang mga halaga c. Mas malalim ang kasiyahan na nadama sa pagkamit ng halaga, mas mataas ang antas nito d. Mas mahirap mabawasan ang kalidad ng halaga kahit pa dumarami ang nagtataglay nito, mas mataas ang antas nito

Page 3: Pagpapahalaga Tungo sa Kaunlaran - ZNNHS

2

5. Tinawag na “ordo amoris” o order of the heart ang Hirarkiya ng Halaga dahil: a. Ang puso ng tao ang unang dapat na pairalin sa pamimili ng pahahalagahan at hindi kailanman ang isip b. Ang puso ng tao ay kayang magbigay ng kanyang sariling katwiran na maaaring hindi mauunawaan ng isip.

c. Ang puso ng tao ang may kakayahang magpahalaga sa mga bagay na tunay na makabuluhan samantalang ang isip ay nagpapahalaga lamang sa mga bagay na panandalian. d. Lahat ng nabanggit 6. Si Renato ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa maagang pag-aasawa. Dahil sa ganitong kalagayan labis ang suporta na kanyang natatanggap mula sa kanyang mga magulang na naninirahan na sa ibang bansa. Dahil dito naniniwala siya na hindi na niya kailangan magtrabaho. Wala siyang ginagawa kundi ang lumabas kasama ang kanyang mga kaibigan, uminom at magsugal. Nasa anong antas ang halaga ni Renato.

a. Pambuhay na halaga c.Ispiritwal na halaga b. Pandamdam na halaga d. Banal na halaga 7. Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Henry, pinili niyang ilaan ang kanyang panahon para sa pagtulong sa mga batang lansangan. Ipinagkatiwala niya ang kanyang negosyo sa mga taong kanyang pinagkakatiwalaan at ibinabahagi niya ang kanyang yaman sa mga batang kanyang tinutulungan. Nakahanda siyang laging tumugon sa kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa kapwa na walang hinihintay na ano mang kapalit. Nasa anong antas ang halaga ni Henry?

a. Pambuhay na halaga c. Ispiritwal na halaga b. Pandamdam na halaga d. Banal na halaga 8. Ito ay halagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay. Pinahahalagahan ito upang masiguro niya ang kanyang kaayusan at mabuting kalagayan.

a. Pambuhay na halaga c. Ispiritwal na halaga b. Pandamdam na halaga d. Banal na halaga c. 9. Ang mga sumusunod ay katangian ng mataas na antas ng halaga maliban sa:

a. Mataas ang antas ng halaga kung tumatagal at hindi nababago ng panahon b. Mataas ang antas ng halaga kung ito ay nagiging batayan ng iba pang halaga c. Mataas antas ng halaga kung ito ay nakabatay sa organismong nakararamdam nito. d. Kahit dumadami pa ang nagtataglay ng halaga mahirap pa ring mabawasan ang kalidad nito 10. Walang ibang hinangad si Charmaine kundi ang makamit ang kakuntentuhan sa buhay. Sa panahon na labis na ang kanyang pagkapagod sa trabaho, naglalaan siya ng panahon upang magbakasyon upang makapagpahinga. Lagi niyang binabantayan ang kanyang pagkain na kinakain upang masiguro na napananatili niyang malusog ang kanyang pangangatawan. Nasa anong antas ang halaga ni Charmaine?

a. Pambuhay na halaga c. Ispiritwal na halaga b. Pandamdam na halaga d. Banal na halaga

Page 4: Pagpapahalaga Tungo sa Kaunlaran - ZNNHS

3

BALIKAN

Sa nagdaang modyul, maraming mga bagay ang maaaring pahalagahan ng tao, lalo na ng isang tinedyer. Ang pag-aaral, kaibigan, pamilya, barkada at pagmamahal ay ilan lamang sa mga bagay na maaaring maituring na mahalaga. Ngunit sa dami ng pagbabago dulot ng modernisasyon at teknolohiya, minsan ay nahihirapan na ang tinedyer na kilalanin ang tama sa mali at ang mabuti sa masama. Kaya mahalagang maunawaan niya ang uri ng pagpapahalaga na gagabay sa pagpili ng tama at ang mataas na antas ng pagpapahalaga na aangkinin at isasabuhay. Gawain 1: Ano ang pipiliin ko? Panuto: Muli ay iyong balikan kung ano ang iyong pipiliin sa uri ng pagpapahalaga . Salungguhitan ang iyong sagot.

Bakit ito ang iyong napili? __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

TUKLASIN

Gawain 2. Ayusin Batay sa Halaga Panuto: Ayusin mo ayon sa antas ng pagpapahalaga mo batay sa larawan. Simulan sa pinakamahalaga hanggang sa pinakamababang halaga at ibigay ang batayan ng iyong pangraranggo

PANGYAYARI

1. Pupunta sa simbahan upang magdasal o manatili sa bahay ?

2. Bibisitahin ang kapatid na may sakit o echat sa messenger?

3. Bibili ng bagong sapatos o bibili ng gamit sa proyekto sa paaralan?

4. Ibahagi ang problema kay nanay o isasarili lang? 5. Pagsauli ng nahulog na walet ng ale o pagtago nito?

Page 5: Pagpapahalaga Tungo sa Kaunlaran - ZNNHS

4

Tanong: 1. Bakit kaya hindi pantay-pantay ang pagbibigay natin ng pagpapahalaga sa mga bagay?

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 2. Bakit ganito ang paraan ng pagsasaayos mo ng mga larawan?

______________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ 3. Ano ang naging batayan mo sa pagpili ng larawan mula sa hindi gaanong mahalaga hanggang sa

pinakamahalaga?__________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

SURIIN

Mayroong Apat na Hirarkiya ng Pagpapahalaga ayon kay Max Scheler : Ang Banal, Espiritwal, Pambuhay at ang Pandamdam. Bawat kahalagahan ay nakakatulong sa pagpapaunlad ng ating pagkatao. Ito’y gabay sa atin upang tayo’y mabuhay ng may moral at pagpapanalitiling mabuting tao. Mayroon ding uri ng Pagpapahalahaga: Ganap na Papapahalagang Moral (Absolute Moral Values) ito ay pagpapahalaga tulad ng pag-ibig, paggalang sa dignidad ng tao, pagmamahal sa katotohanan, katarungan, kapayapaan, paggalang sa anumang pag-aari, pagbubuklod ng pamilya,

MGA BAGAY NA PINAHAHALAGAHAN

BATAYAN NG PAGRARANGGO

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

Page 6: Pagpapahalaga Tungo sa Kaunlaran - ZNNHS

5

paggalang sa buhay, kalayaan, paggawa at iba pa ay mga halimbawa ng ganap na pagpapahalagang moral samantala Pagpapahalagang Kultural na Panggawi (Cultural Behavioral Values). Ito ay mga pagpapahalagang nagmula sa loob ng tao. Ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat kultural.

Gawain 3 . Pagsusuri ng Aking Pinahahalagahan

Panuto: Tukuyin mo ang iyong mga pinahahalagahan sa iyong buhay. Gumuhit o gumupit ng mga apat na

larawan na sumisimbolo ng kakatawan sa mga ito.

Tanong:

Bakit mo pinahahalagahan ang mga ito? ______________________________________________________ _______________________________________________________________________________________________

Nasubok ba ang iyong pagkamalikhain? Nakatutuwa hindi ba? Upang mahinuha mo ang mas malalim na

kahulugan ng gawain ay sagutin mo ang mga sumusunod na tanong.

PAGYAMANIN

Gawain 4. Pagpapalalim ng Aking Pinahahalagahan

Panuto: Upang mahinuha mo ang mas malalim na kahulugan ng gawain ay sagutin mo

ang mga sumusunod na tanong.

1. Kung papipiliin ka lamang ng apat sa iyong inilistang mga pinahahalagahan, ano-

ano ang ititira mo? Ipaliwanag

___________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

Page 7: Pagpapahalaga Tungo sa Kaunlaran - ZNNHS

6

2. Mula sa apat na ito, suriin ang antas ng pagpapahalaga mo sa mga ito sa

pamamagitan ng pagpapaliwanag kung bakit mas mahalaga ang ikatlo kaysa sa

ikaapat na pagpapahalaga

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

3. Bakit mas mahalaga ang ikalawa kaysa sa ikatlo at bakit mas mahalaga ang una

kaysa sa ikalawang pagpapahalaga? ____________________________________

____________________________________________________________________

4. Sa palagay mo, tama ba ang iyong pagpapahalaga sa mga ito?

Pangatuwiranan.____________________________________________________

5. Bakit mahalagang matutuhan ng tao ang mamili ng tamang pahahalagahan?

____________________________________________________________________________

HIRARKIYA NG PAGPAPAHALAGA

MAX SCHELER

1. Pandamdam na mga Pagpapahalaga (Sensory Values). Itinuturing na nasa pinakamababang

antas ng pagpapahalaga, tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang nagdudulot ng kasiyahan sa

pandamdam ng tao. Kasama dito ang pagbibigay-halaga sa mga bagay na tumutugon sa

pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain, tubig, damit, tirahan at iba pang teknikal

na mga pagpapahalaga. Kasama rin sa mga pagpapahalagang ito yaong mga bagay na

maituturing lamang na rangya o luho ng isang tao, katulad ng mamahaling alahas, magarang

sasakyan o mamahaling mga bag at sapatos na labis na hinahangad ng ilang mga tao.

2. Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values). Ito ay mga pagpapahalagang may kinalaman sa

mabuting kalagayan ng buhay (well-being). Halimbawa, mahalaga sa tao ang makapagpahinga

kung siya ay pagod dahil ito ang makapagpapabuti sa kaniyang pakiramdam. Ang kumain ng

masustansiyang pagkain upang matiyak na siya ay malusog at hindi magkakasakit. Mahalaga sa

atin na may makausap na taong mahalaga sa atin upang mabawasan ang ating kalungkutan. Ang

Page 8: Pagpapahalaga Tungo sa Kaunlaran - ZNNHS

7

lahat ng nabanggit ay mga bagay na pinahahalagahan ng tao upang masiguro niya ang kanyang

kaayusan at mabuting kalagayan.

3. Mga Ispiritwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values). Maituturing na mas mataas ang

pagpapahalaga nito kaysa sa dalawang unang nabanggit. Ang pagpapahalagang ito ay tumutukoy

sa mga pagpapahalagang para sa kabutihan, hindi ng sarili kundi ng mas nakararami. May tatlong

uri ang pagpapahalagang ito ayon sa aklat na Problems of a Sociology of Knowledge na isinulat ni

Max Scheler:

a. Mga pagpapahalagang pangkagandahan (aesthetic values)

b. Pagpapahalaga sa katarungan (value of justice)

c. Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan (value of full cognition of truth)

4. Banal na Pagpapahalaga (Holy Values). Ito ang pinakamataas sa lahat ng antas ng mga

pagpapahalaga. Tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang kailangan sa pagkamit ng tao ng

kaniyang kaganapan upang maging handa sa pagharap sa Diyos. Ang pagkilos tungo sa

kabanalan ang katuparan ng kaganapan hindi lamang ng materyal na kalikasan ng tao kundi

maging ng kaniyang ispiritwal na kalikasan.

ISAISIP

Panuto: Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong

naunawaan sagutin mo ang sumusunod na tanong

1. Sa ano-anong antas nabibilang ang iyong mga pinahahalagahan? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________

2. Saan nakasalalay ang pagbuo ng pagkatao ng tao at pagkamit ng mataas na mga pagpapahalaga? Ipaliwanag. ______________________________________________________ ____________________________________________________________________________

3. Bakit mahalagang ibatay ang isasagawang pamimili ng pahahalagahan sa Hirarkiya ng

Pagpapahalaga? ________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

4. Paano mo masasabing ang isang pagpapahalaga ay mataas kaysa sa isa pang pagpapahalaga?

______________________________________________________________________________

Page 9: Pagpapahalaga Tungo sa Kaunlaran - ZNNHS

8

5. Sa gagawing kilos ng tao, bakit kailangang piliin ang pagpapahalaga na nasa mas mataas na antas

kaysa sa pagpapahalaga na nasa mababang antas? __________________________________

______________________________________________________________________________

ISAGAWA

Panuto: Bago mo gawin ang gawain sa bahaging ito, naalala mo pa ba ang kilalang

kuwento ng langgam at tipaklong? Muli mong balikan ang usapan ng dalawa at suriin

ang antas ng kanilang pagpapahalaga.

Si Langgam at Si Tipaklong

Si Langgam at Si Tipaklong Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay

gising na si Langgam. Nagluto siya at kumain. Pagkatapos lumakad na siya. Gaya nang dati, naghanap

siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay.

Nakita siya ni Tipaklong. Magandang umaga, kaibigang Langgam, bati ni Tipaklong, kay bigat ng iyong

dala. Bakit ba wala ka nang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain? Oo nga. Nag-iipon ako

ng pagkain habang maganda ang panahon, sagot ni Langgam. Tumulad ka sa akin, kaibigang

Langgam, wika ni Tipaklong. Habang maganda ang panahon tayo ay magsaya. Halika! Tayo ay

lumukso, tayo ay kumanta. Ikaw na lang, kaibigang Tipaklong, sagot ni Langgam. Gaya ng sinabi ko

sa iyo, habang maganda ang panahon, ako ay maghahanap ng pagkain. Ito’y aking iipunin para ako

ay may makain kapag sumama ang panahon. Lumipas pa ang maraming araw. Dumating ang tag-

ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa gabi ay umuulan pa rin. At dumating ang panahong kumidlat,

kumukulog at lumalakas ang hangin kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Ginaw na ginaw at

gutom na gutom ang kawawang Tipaklong.

Tanong:

1. Anong pagpapahalaga ang taglay ni langgam? Ni tipaklong?

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

Page 10: Pagpapahalaga Tungo sa Kaunlaran - ZNNHS

9

2. Kaninong pagpapahalaga ang nasa mataas na antas? Patunayan.

___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ Tukuyin mo ang iyong pagpapahalagang nabibilang sa mababang antas. Isulat ito sa unang hanay at

ang nabibilang sa mataas na antas sa ikalawang hanay.

Mga Tanong:

Aling antas sa iyong hagdan ng pagpapahalaga ang marami kang pagpapahalagang natukoy? Alin ang may kaunti? _________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

Ano ang sinasabi nito tungkol sa iyong mga pagpapahalaga? _____________________________ _______________________________________________________________________________

Paano mo masasabing nasa mataas na antas ang iyong mga pagpapahalaga? _________________ _______________________________________________________________________________

Ano ang gagawin mo upang mapataas ang antas ng iyong pagpapahalaga?

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

Antas na maraming taglay na pagpapahalaga: Antas na kaunti ang taglay na pagpapahalaga:

Sinasabi nito tungkol sa aking pagpapahalaga:

Paano ko masasabing nasa mataas na antas ang aking pagpapahalaga:

Gagawin upang mapataas ang antas ng pagpapahalaga:

Ngayon ikaw naman. Sa iyong mga pagpapahalagang binanggit sa Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa sa unahang bahagi ng modyul na ito

Page 11: Pagpapahalaga Tungo sa Kaunlaran - ZNNHS

10

Bagama’t iba iba ang antas ng pagpapahalaga ng tao, mahalagang hamon sa atin lalo na sa iyo ang pagsasabuhay ng mas mataas na antas ng pagpapahalaga sa isang situwasyon. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagpili na gawin ang mas mataas na antas ng pagpapahalaga kaysa sa mababang antas. Kapag nagawa mo ito masisiguro mong ginagawa mo ang tama at pinipili mong gawin ang mabuti.

Gumawa ka ng sarili mong hagdan ng pagpapahalaga batay sa hirarkiya ng pagpapahalaga ni Max Scheler. Mula sa mga nakatalang pagpapahalaga sa itaas tukuyin mo kung saang antas nabibilang ang mga ito. Isulat ang mga ito sa hagdan ng pagpapahalaga gamit ang pormat sa ibaba:

BANAL

PAGTATAYA Set A. Panuto: Bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot.

1. Ang Pagbili ng mamahaling alahas, magarang sasakyan o mamahaling mga bag at sapatos na labis na hinahangad ng ilang mga tao ay halimbawa ng _______.

a. Pandamdam b. Pambuhay c. Ispiritwal d. Banal

PAMANTAYAN PUNTOS

Nilalaman at Konsepto

4 Puntos

Kaayusan 3 Puntos

Wika 3 Puntos

KABUUAN 10 Puntos

Page 12: Pagpapahalaga Tungo sa Kaunlaran - ZNNHS

11

2. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Pambuhay na Pagpapahalaga? a. Ang kumain ng masustansiyang

pagkain upang matiyak na siya ay malusog at hindi magkakasakit

b. Mahalaga sa atin na may makausap na taong mahalaga sa atin upang mabawasan ang ating kalungkutan.

c. Ang Pagsoot ng facemask at paglagay ng Alcohol upang maka-iwas sa COVID19

d. Lahat ng nabanggit e. Wala sa nabanggit

3. Ang mga sumusunod ay tatlong uri ang pagpapahalagang ito ayon sa aklat na Problems of a

Sociology of Knowledge na isinulat ni Max Scheler: a. Mga pagpapahalagang pangkagandahan (aesthetic values)

b. Pagpapahalaga sa katarungan (value of justice)

c. Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan (value of full cognition of truth)

d. Lahat ng nabanggit

e. Wala sa nabanggit

4. Ang pagkilos tungo sa kabanalan ang katuparan ng kaganapan hindi lamang ng materyal na kalikasan ng tao kundi maging ng kaniyang ispiritwal na kalikasan.

a. Pandamdam b. Pambuhay c. Ispiritwal d. Banal

5. Ayon sa kanya, ang moral na kilos ay nagaganap kung ang isang tao ay pumipili ng isang pagpapahalaga kapalit ng iba pang mga pagpapahalaga. a. Maxx Scheler b. Maxs Scheller c. Max Scheler d. Wala sa nabanggit

6. Tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang kailangan sa pagkamit ng tao ng kaniyang kaganapan upang maging handa sa pagharap sa Diyos. a. Pandamdam b. Pambuhay c. Ispiritwal d. Banal

7. Kasama dito ang pagbibigay-halaga sa mga bagay na tumutugon sa pangunahing

pangangailangan ng tao tulad ng pagkain, tubig, damit, tirahan at iba pang teknikal na mga pagpapahalaga.

a. Pandamdam b. Pambuhay c. Ispiritwal d. Banal

8. Ano ang ibig sabihin ng “ordo amoris” o order of the heart. a. Naniniwala siyang ang “puso” ng tao ay kayang magbigay ng kanyang sariling katuwiran na

maaaring hindi mauunawaan ng isip. b. Ang puso ng tao ang unang dapat na pairalin sa pamimili ng pahahalagahan at hindi kailanman

ang isip c. Ang puso ng tao ang may kakayahang magpahalaga sa mga bagay na tunay na makabuluhan

samantalang ang isip ay nagpapahalaga lamang sa mga bagay na panandalian. d. Lahat ng nabanggit e. Wala sa nabanggit

9. Ito ay maaaring nagdudulot ng kasiyahan sa pakiramdam at pagtanggap mula sa iba pang mga kabataan.

a. Pandamdam b. Pambuhay c. Ispiritwal d. Banal

10. Ito ay mga pagpapahalagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay (well-being). a. Spiritual Values b. Holy Values

c. Vital Values d. Sensory Values

Page 13: Pagpapahalaga Tungo sa Kaunlaran - ZNNHS

12

Set B. Panuto: Bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot sa patlang.

1. Ang pagsoot ng facemask at pagpapanatiling nasa bahay upang maiwasang kumalat ang virus ay isang halimbawa ng_____. a. Pandamdam b. Pambuhay c. Ispiritwal d. Banal

2. Ang Pagdarasal sa poong maykapal na mawala na ang CORONA VIRUS ay isang halimbawa ng_____ a. Pandamdam b. Pambuhay c. Ispiritwal d. Banal

3. Ang pagkain ng mga gulay na mayaman sa bintamina ay isang pagsasabuhay ng antas na____.

a.Pandamdam b. Pambuhay c. Ispiritwal d. Banal

4. Ayon kay Scheler ang ____________ nagaganap kung ang isang tao ay pumipili ng isang pagpapahalaga kapalit ng iba pang mga pagpapahalaga.

a. Mga pagpapahalagang pangkagandahan b. Pagpapahalaga sa katarungan

c. Moral na Kilos c. Wala sa nabanggit

5. Ayon kay Manuel Dy, hindi dapat kalimutan ang pagiging _____________ ng pagpapahalaga. a. Obhetibo b. Subhetibo c. Mabuti d. Lahat ng nabanggit

6. Ang pagpapahalagang ito ay tumutukoy sa mga pagpapahalagang para sa kabutihan, hindi ng sarili kundi ng mas nakararami.

a. value of justice b. aesthetic values c. value of full cognition of truth d. Ispiritwal

7. Ang Pagpapahalaga sa katarungan (value of justice) ay napabilang sa _______-. a. Pandamdam b. Pambuhay c. Ispiritwal d. Banal

8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Ispitirtwal na halaga?

a. Pagbili ng mamahaling sapatos at relo b. Pagkain ng gulay at prutas c. Pagdarasal sa Dios na matigil ang kaguluhan sa bayan d. Lahat sa nabanggit

9. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Pambuhay MALIBAN sa isa.

a. Pagbili ng mamahaling sapatos at relo b. Pagkain ng gulay at prutas para makaiwas sa COVID19 c. Pagdarasal sa Dios na matigil ang kaguluhan sa bayan d. Lahat sa nabanggit

10. Ang batang si Rhona Mahilum na noon ay pitong taong gulang na sinagip ang mga kapatid sa

nasusunog nilang bahay. Ito ay nagpapakita ng halagang? a. Pandamdam b. Pambungad c.Ispiritwal d. Banal

Page 14: Pagpapahalaga Tungo sa Kaunlaran - ZNNHS

13

SUSI SA PAGWAWASTO

SUBUKIN 1. A 2. A 3. B 4. C 5. D 6. B 7. C 8. A 9. A 10. A PAGTATAYA (SET A) 1. A 2. D 3. D 4. D 5. C 6. C 7. A 8. D 9. A 10. C PAGTATAYA (SET B) 1. B 2. C 3. B 4. C 5. A 6. D 7. C 8. C 9. B 10. C

Page 15: Pagpapahalaga Tungo sa Kaunlaran - ZNNHS

14

Sanggunian:

Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Ikatlong Markahan, Modyul para sa Mag-aaral, pp 23-35

Page 16: Pagpapahalaga Tungo sa Kaunlaran - ZNNHS

15

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: JOAN LACHICA-AUXTERO, Teacher I Pagadian City National High School

Pagadian City Division

Editor: Evangeline M. Martel, HT- II

Tagasuri: Evangeline M. Martel, HT- II Leonita O. Amacanin, Teacher III

Rose Bert M. Labajo, Teacher I

Tagaguhit:

Tagalapat:

Tagapamahala:

DANNY B. CORDOVA, CESO VI

OIC Schools Division Superintendent

MARIA COLLEEN L. EMORICHA, EdD, CESE

OIC-Assistant Schools Division Superintendent

MARIA DIOSA Z. PERALTA

CID-CHIEF

MA. MADELINE P. MITUDA, EdD

EPS-LRMDS

JOVITA DUGENIA

EPS-EsP

Page 17: Pagpapahalaga Tungo sa Kaunlaran - ZNNHS

Regi Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow, Here

the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace Here

the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

on IX: Zamboanga Peninsula Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset Are

visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Hymn – Our Eden Land Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

My Final Farewell Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd

Pearl of the Orient seas, our Eden lost!,

Gladly now I go to give thee this faded life's best,

And were it brighter, fresher, or more blest

Still would I give it thee, nor count the cost.

Let the sun draw the vapors up to the sky,

And heavenward in purity bear my tardy protest

Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh,

And in the still evening a prayer be lifted on high

From thee, 0 my country, that in God I may rest.

On the field of battle, 'mid the frenzy of fight,

Others have given their lives, without doubt or heed;

The place matters not-cypress or laurel or lily white,

Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight,

T is ever the same, to serve our home and country's need.

Pray for all those that hapless have died,

For all who have suffered the unmeasur'd pain; For

our mothers that bitterly their woes have cried,

For widows and orphans, for captives by torture tried

And then for thyself that redemption thou mayst gain

I die just when I see the dawn break,

Through the gloom of night, to herald the day;

And if color is lacking my blood thou shalt take,

Pour'd out at need for thy dear sake

To dye with its crimson the waking ray.

And when the dark night wraps the graveyard around

With only the dead in their vigil to see

Break not my repose or the mystery profound

And perchance thou mayst hear a sad hymn resound

' T is I, O my country, raising a song unto thee.

My dreams, when life first opened to me,

My dreams, when the hopes of youth beat high,

Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea

From gloom and grief, from care and sorrow free;

No blush on thy brow, no tear in thine eye.

And even my grave is remembered no more

Unmark'd by never a cross nor a stone

Let the plow sweep through it, the spade turn it o' er That my

ashes may carpet earthly f loor,

Before into nothingness at last they are blown.

Dream of my life, my living and burning desire,

All hail ! cries the soul that is now to take flight;

All hail ! And sweet it is for thee to expire ;

To die for thy sake, that thou mayst aspire;

And sleep in thy bosom eternity's long night.

Then will oblivion bring to me no care

As over thy vales and plains I sweep;

Throbbing and cleansed in thy space and air

With color and l ight, with song and lament I fare, Ever

repeating the f aith that I keep.

If over my grave some day thou seest grow,

In the grassy sod, a humble flower,

Draw it to thy lips and kiss my soul so,

While I may feel on my brow in the cold tomb below The

touch of thy tenderness, thy breath's warm power.

My Fatherland ador' d, that sadness to my sorrow lends Beloved

Filipinas, hear now my last good -by!

I give thee all: parents and kindred and friends

For I go where no slave before the oppressor bends,

Where faith can never kill, and God reigns e' er on high!

Let the moon beam over me soft and serene,

Let the dawn shed over me its radiant flashes,

Let the wind with sad lament over me keen ;

And if on my cross a bird should be seen,

Let it trill there its hymn of peace to my ashes.

Farewell to you all, from my soul torn away,

Friends of my childhood in the home dispossessed! Give

thanks that I rest from the wearisome day!

Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved

creatures all, farewell ! In death there is rest!

I Am a Filipino, b I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain

future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of

meeting my responsibility to the past, and the task of performing my

obligation to the future.

I sprung from a hardy race, child many generations removed of

ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes

rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in

ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see

them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind,

carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance of

new land that was to be their home and their children’s forever.

I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed

that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance.

In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to

battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula

in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and

Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.

The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my

manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds

that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand

years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the

insignia of my race, and my generation is but a stage in the

unending search of my people for freedom and happiness.

y Carlos P. Romulo I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The

East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,

was my mother, and my sire was the West that came thundering

across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of

the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for

liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East

must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has

bound his limbs, and start moving where destiny awaits.

I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give

that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge

that has come ringing down the corridors of the centuries, and it

shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears

when first they saw the contours of this land loom before their eyes,

of the battle cries that have resounded in every field of combat from

Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:

―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom

shall have been added unto my inheritance—for myself and my

children and my children’s children—forever.‖

Page 18: Pagpapahalaga Tungo sa Kaunlaran - ZNNHS