pagsasalin sa sikolohiya

2
Pagsasalin sa sikolohiya Ang pagpapaunlad ng kamalayan ng mga Filipino sa asignaturang sikolohiya ay napadadali sa pamamagitan ng pagtatakda ng katumbas. Si Enriquez (sa Santiago 1985:262) ang pangunahing sikolohista sa bansa na nagbandila ng iskima ng pag-aantas ng mga konsepto sa sikolohiyang Filipino ayon sa lapit o layo nito sa karanasang Filipino o impluwensyang banyaga at sa pagkapartikular o pagkaunibersal ng pinapaksa. Pinakamalapit sa karansang lokal ang kahulugan, pag-aandukha, pagbibinyag, paimbabaw na asimilasyon at pinakamalayo ang banyagang konsepto (prejudice, ges-talt). Sinusunod ng pangkat ni Enriquez ang pitong pamamaraan sa pagsasalin ng mga bokabularyong sikolohikal. 1. 1. Tahasang panghihiram o ang tintawag na salitang angkat. Walang pagbabago sa salita ayon sa kahulugan at ispeling nito sa wikang pinaghiraman. Ang halimbawa ng mga salitang angkat ay libido, ego, hommelette, non-directive, therapy, encounter group, Oedipus complex, phallus, atb. 2. 2. Paimbabaw na pag-aangkin ng bigkas at ispeling ang tinatawag na saling paimbabaw. Panghihiram ito ng tunog, pag-angkat ng buong kahulugan ngunit minodipika ang ispeling ayon sa ortograpiyang Filipino. Bahagyang may pagbabago rin sa bigkas dala ng filipinisasyon ng ispeling. Kabilang dito ang hipotesis (hypothesis), atityud (attitude), sikolohikal (psychological), emosyon (emotion), reimporsment (reinforcement), atb. 3. 3. Pagsunod sa sintaktikang Filipino o ang saling gramatikal. Halos walang pagkakaiba ito sa ikalawang pamamaraan, dahil binago lamang ang tunog/bigkas at ispeling na walang pag-iiba sa kahulugan. Ang pagsasaayos ng mga komponent ng isang ekspresyon tulad ng sosyal inter-aksyon (social interaction) para maging inter-aksyong sosyal ay nakabase sa kaalaman ng gagamit kung alin ang madulas o ‘natural’ sa wikang pinagsasalinan. Subalit makikita ang pagbabago sa pangunahing diin sa pagbigkas ng abnormal (vs. abnormal), reaksyon (vs. reaction), persepsyon (vs. perception) at analitikal (vs. analytical). 4. Pagdukal sa wikang pinagsasalinan o ang saling angkop. Paghanap ito sa higit na makabuluhang tumbasan sa halip na higit na lantarang manghiram nang matapat sa orihinal. Lumalabas na higit na dalisay o malapit ang saling ito sa karanasang Filipino. Ilang halimbawa ang tulay para sa “intermediary”, pakikipagkapwa para sa “social interaction”, pakikipagpalagayang loob para sa “rapport” at pamamangka sa dalawang ilog para sa “infidelity”. Mapapansing mientras malapit sa karanasang Filipino, mas nagiging madali ang pag-intid sa kahulugan ng salin at napipilitan ang nagpapahayag sa Filipino na humanap ng mga salitang mayroon na sa wika. Ang idyomatikong ekspresyon ng wika ay nagiging gamitin pa. Sa ganitong paraan, tunay na yayaman ang mga ekspresyon sa disiplinang ito. 5. Pagtugaygay sa orihinal o pinaghiramang wika at kultura o ang saling tapat. Ang rasyonal sa ganitong pagsasalin ay pagkilala kung may layuning palaganapin ang idea na galing sa ‘labas’; iminungkahi ni Lumbera na hanapan ito ng katapat na ideang ipinahihiwatig ng orihinal na matatagpuan sa Filipino. Ang halimbawa para sa kategoryang ito ay pakikisalamuha sa halip na pakikipagkapwa para sa “social interaction”, pagpapahalaga para sa “value”, hustong gulang para sa “maturity” at paniniwala para sa “belief”. Halos buhat sa puristang Filipino

Upload: samantha-abalos

Post on 16-Feb-2017

463 views

Category:

Education


5 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pagsasalin sa Sikolohiya

Pagsasalin sa sikolohiya Ang pagpapaunlad ng kamalayan ng mga Filipino sa asignaturang sikolohiya ay napadadali sa pamamagitan ng pagtatakda ng katumbas. Si Enriquez (sa Santiago 1985:262) ang pangunahing sikolohista sa bansa na nagbandila ng iskima ng pag-aantas ng mga konsepto sa sikolohiyang Filipino ayon sa lapit o layo nito sa karanasang Filipino o impluwensyang banyaga at sa pagkapartikular o pagkaunibersal ng pinapaksa. Pinakamalapit sa karansang lokal ang kahulugan, pag-aandukha, pagbibinyag, paimbabaw na asimilasyon at pinakamalayo ang banyagang konsepto (prejudice, ges-talt). Sinusunod ng pangkat ni Enriquez ang pitong pamamaraan sa pagsasalin ng mga bokabularyong sikolohikal.

1. 1. Tahasang panghihiram o ang tintawag na salitang angkat. Walang pagbabago sa salita ayon sa kahulugan at ispeling nito sa wikang pinaghiraman. Ang halimbawa ng mga salitang angkat ay libido, ego, hommelette, non-directive, therapy, encounter group, Oedipus complex, phallus, atb.

2. 2. Paimbabaw na pag-aangkin ng bigkas at ispeling ang tinatawag na saling paimbabaw. Panghihiram ito ng tunog, pag-angkat ng buong kahulugan ngunit minodipika ang ispeling ayon sa ortograpiyang Filipino. Bahagyang may pagbabago rin sa bigkas dala ng filipinisasyon ng ispeling. Kabilang dito ang hipotesis (hypothesis), atityud (attitude), sikolohikal (psychological), emosyon (emotion), reimporsment (reinforcement), atb.

3. 3. Pagsunod sa sintaktikang Filipino o ang saling gramatikal. Halos walang pagkakaiba ito sa ikalawang pamamaraan, dahil binago lamang ang tunog/bigkas at ispeling na walang pag-iiba sa kahulugan. Ang pagsasaayos ng mga komponent ng isang ekspresyon tulad ng sosyal inter-aksyon (social interaction) para maging inter-aksyong sosyal ay nakabase sa kaalaman ng gagamit kung alin ang madulas o ‘natural’ sa wikang pinagsasalinan. Subalit makikita ang pagbabago sa pangunahing diin sa pagbigkas ng abnormal (vs. abnormal), reaksyon (vs. reaction), persepsyon (vs. perception) at analitikal (vs. analytical).

4. Pagdukal sa wikang pinagsasalinan o ang saling angkop. Paghanap ito sa higit na makabuluhang tumbasan sa halip na higit na lantarang manghiram nang matapat sa orihinal. Lumalabas na higit na dalisay o malapit ang saling ito sa karanasang Filipino. Ilang halimbawa ang tulay para sa “intermediary”, pakikipagkapwa para sa “social interaction”, pakikipagpalagayang loob para sa “rapport” at pamamangka sa dalawang ilog para sa “infidelity”. Mapapansing mientras malapit sa karanasang Filipino, mas nagiging madali ang pag-intid sa kahulugan ng salin at napipilitan ang nagpapahayag sa Filipino na humanap ng mga salitang mayroon na sa wika. Ang idyomatikong ekspresyon ng wika ay nagiging gamitin pa. Sa ganitong paraan, tunay na yayaman ang mga ekspresyon sa disiplinang ito.

5. Pagtugaygay sa orihinal o pinaghiramang wika at kultura o ang saling tapat. Ang rasyonal sa ganitong pagsasalin ay pagkilala kung may layuning palaganapin ang idea na galing sa ‘labas’; iminungkahi ni Lumbera na hanapan ito ng katapat na ideang ipinahihiwatig ng orihinal na matatagpuan sa Filipino. Ang halimbawa para sa kategoryang ito ay pakikisalamuha sa halip na pakikipagkapwa para sa “social interaction”, pagpapahalaga para sa “value”, hustong gulang para sa “maturity” at paniniwala para sa “belief”. Halos buhat sa puristang Filipino

Page 2: Pagsasalin sa Sikolohiya

ang kauuwiang tumbasan dito ng mga ‘tapat’ na palitan ng salita/ekspresyon. 6. Pagsasalin ng hiram na termino o ang saling hiram. Lumalabas na ito ang unang

tumbasang ikinakapit sa mga ekspresyong hiram. Suriin ang transpormasyong nangyari sa paghahanap ng pinakaangkop na salin sa ‘brainstroming’=pagbabagyo ng utak pagbabagyo ng isip; ‘brainwashing’=paghuhugas-utak paghuhugas-isip.

7. Paglikha at pagbuo ng bagong termino o ang saling likha. Tinatawag ng grupo ni Enriquez na “imbento” o likha ang mga ito bagama’t wala silang ibinigay na pormula sa pagbuo ng salita. May istruktura ang mga termino na word-coining at mayroon namang nilapian. Para sa masturbation, ginamit ang “sarigawa” o “sariling sikap” kaya? “Pagtatalik/pagtatalik sekwal” para naman sa sexual intercourse! Maaalala sa estilong ito ang ilang prosesong ginamit ni Dr. Gonzalo del Rosario sa Maugnaying Talasalitaan.