pagsusuri sa mga akda.docx
TRANSCRIPT
Pagsusuri sa mga Akda ni
Teodoro
A.
Agoncillo
Ipinasa ni:
Kin Sahara M. Basañes
Ipinasa Kay:
Prop. Marilou Delos Reyes-Nuevo
Ang May Akda
Si Teodoro ANDAL. Agoncillo ay tanyag na istoryador,
mangangatha, at makata. Isinilang siya sa Lemery, Batangas noong 9
Nobyembre 1912, at yumao noong 14 Enero 1985. Kinilala dahil sa
kontribusyon niya sa pagsulat ng kasaysayan ng Pilipinas. Nakapagsulat siya
ng mahigit na 20 aklat at mga artikulo ukol sa kasaysayan ng Pilipinas. Siya
ay hinirang bilang isa sa "Ten Outstanding Young Men (TOYM)", ng Junior
Chamber of the Philippines noong 1963 at "Distinguished Scholar of the
University of the Philippines" noong 1968.
Teodoro ang tunay na pangalan, ngunit kilala sa katawagang "Teddy" o
"Ago" ng mga kaibigan. Ipinanganak siya noong Nobyembre 9, 1912. Ang
kanyang magulang ay sina Pedro Medina Agoncillo (ng Taal, Batangas) at
Feliza Zaraspe Adan (ng Lemery, Batangas). Lumaki sa Intramuros, Maynila,
at nakapagtapos ng kanyang doctorate degree (Ph. B.M.A.) noong 1934 at
Philosophy (1935) sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagawaran din siya ng
Doctors of Letters, Honoris Causa, mula sa University of Central Philippines,
taong 1969.
Ang kanyang mga namumukod na mga aklat ay:
History of the Filipino People
The Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan
Malolos: The Crisis of the Republic
The Fateful Years: Japan’s Adventure in the Philippines
The Burden of Proof: the Vargas-Laurel Collaboration Case
Introduksyon
Sa Kamatayan Lamang
Ang akdang ito ay nagkamit ng Unang Gantimpala sa Carlos Palanca
Awards noong taong 1953-1954 ito’y nasa Panahon Nang Matamo ang
Kalayaan. Sa kwentong ito matutunghayan ang mga naging karanasan ng
ating bansa sa kamay ng mga Amerikanong nagtanggol sa atin sa kamay ng
mga hapones at dahil doon ay inakalang maging ganap nang malaya ang
bansang Pilipinas. Subalit hindi tayo lubusang naging malaya sa pagdating
ng mga mapagpanggap na Messiah ng ating bansa bagkus sila’y namuno sa
bansa at lahat ng dapat pag-aari ng bansa ay inaring kanila. Ganoon din sa
politika at aspektong pang-ekonomiya ng bansa. Natuto din ang mga
Pilipinong luminlang ng kanilang sariling kababayan dahil sa sarili nilang
hangarin o maaaring pagkatakot na rin sa mga Amerikano. Ang buong akala
ng mga Pilipino ay matatapos na ang digmaan subalit iyon pala’y hudyat ng
bagong digmaang magaganap. Tinalakay sa kwento ang pakikipaglaban ng
mga tulisan sa Amerikano at kung paano sila linlangin ng kanilang
kasamahan. Sa kwento ay nangingibabaw ang damdaming makabayan ng
pangunahing tauhan na si Macario ang pagtalikod niya sa kanyang mahal sa
buhay alang-alang sa kanyang bayan, nakahanda siyang ibuwis ang kanyang
buhay makamit lamang ang kalayaan subalit siya ay nabigo dahil sa
panlilinlang na ginawa ng kanyang mga kasamahan. Noong panahong iyon
walang taong mapagkakatiwalaan dahil maaaring kasabwat o kaisa ng mga
Amerikano ang ilang Pilipino. Ang akala kasi ng ilang mga Pilipino ay
makakatulong sa kanila ang mga Pilipino subalit kabaliktaran iyon ng
kanilang iniisip. Nagkaroon ng “Parity Rights” ang mga Amerikano at iyon
naman ay tinutulan ng mga makabayan at dahil sa pagtutol na iyon nabuo
ang mga hukbo ng tulisan noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano
at ang hukbo ni Macario ang isa sa mga sumasalamin sa mga uri ng mga
mga samahan/hukbo noong panahong iyon.
Paksa Tema Pamagat May Akda
• Hangad na
maging malaya sa
kamay ng mga
Amerikano.
• “Wala sa
buhay ang
katarungan. Sa
kamatayan
lamang
maaaring
maganap ang
katarunga.”
• Sa Kamatayan
lamang
• Teodoro
A.
Agoncillo
Tauhan Tagpuan Tunggalian Istilo
• Macario
• Julia
• Pari
• Tauhang Bilog
• Kabundukan
ng Rizal
• Panahon Nang
Matamo ang
Kalayaan
• Tao sa Tao • Flashback
• Makatotohan
• Makabayan
PagsusuringPangnilalaman
PagsusuringPanglinggwistik
a
PagsusuringPampanitikan
• Ang mamatay
para sa bayan.
• Pormal na Salita • Teoryang
Historikal
• Idyoma
• Hayperbole
•Simili
• Simbolo
PagsusuringPang-
sosyokultural
Sintesis Wakas
• Pagiging Taksil
ng Sariling
Kapwa.
• Huwag tayo
basta magtiwala
sa kung kanino
lamang.
• Masining at may
proseso ang
kwento.
I. Paksa
“Hangad na maging malaya sa kamay ng mga Amerikano.”
Ito ang naging sentro ng kabuuang kwento at ang pinapaksa
nito. Ang hangad na maging malaya sa kamay ng mga Amerikano.
Dahil sa pagnanais na ang bayan ay maging malaya ang mga taong
may pagmamahal sa sariling bayan ay nakipaglaban upang makamit
ang kalayaang nais makamtan. Bumuo sila ng mga samahang
naglalayong isulong ang kalayaan laban sa Amerikano. Sa kwento ay
makikitang pinapaksa ang hirap na dinanas ng mga bayani ng bayan
na nakipaglaban sa mga Amerikano para sa ating kalayaan subalit ang
mga Amerikano ay hindi mapasusubaliang higit na makapangyarihan
sa atin kung kaya’t hindi rin nagtagumpay ang ating mga bayani sa
pagtatanggol sa ating kalayaang mas nangibabaw pa rin ang
kapangyarihan ng mga banyagang ito na sumakop lamang sa atin.
Hindi naghahangad ng kabutihan para sa atin bagkus ang sarili lamang
nilang kabutihan ang kanilang nilalayon sa ating bansa. Hindi sila
pumarito noon sa Pilipinas upang tayo’y tunay na ipagtanggol kundi
magawa nilang isang kolonya ang Pilipinas na kung saan sila’y malaya
sa kanilang ibig gawin.
II. Tema
“Wala sa buhay ang katarungan. Sa kamatayan lamang
maaaring maganap ang katarunga.”
Ang temang ito ay nakuha sa ilang bahagi ng kwento o mga
piling sabi. Ito ang napili kong tema sapagkat napagtanto kong
ang isang taong matapat at may malasakit sa bayan ay handang
magbuwis ng sariling buhay alang-alang sa katarungan ng kanyang
bayan. Ang pangunahing tauhan sa si Macario ay aking maihahalintulad kay
kristo, si Kristo na tinalikdan ang lahat upang magturo ng mabuting
aral ng ating Ama sa langit at upang palaganapin ang kabutihan asal ng sa
gayun ay mapalawak ang kabutihan at mailigtas tayo sa ating mga
kasalanan, subalit katulad ni Macario siya ay dinakip at pinagtaksilan
din ng kanyang mga alagad at ang pagdakip na iyon naging dahilan ng
kanyang kamatayan, ganoon ng ganoon din ang nangyari kat Macario,
iniwan niya ang lahat alang-alang ay nadakip ng mga Amerikano pati
rin ang kanyang iba pang kasama at sila’y pinarusahan ng bitay.
Tinanggap niya ng buong puso ang kamatayang iyon sapagkat
alam pagmamahal niya sa bayan ay kanyang mapatunayan hindi
lamang sa salita kundi sa gawa rin. Subalit sa kabila ng lahat na kanyang
dinaanan nabigo lamang siya. Ang kanyang kamatayan ang
makapagsasabing ang inambag niyang pagpapakasakit ay maituturing
na wagas at makatotohan ang damdaming kanyang ipinakita.
III. Pamagat
“Sa Kamatayan Lamang”
Ang pamagat ay nakuha sa ilang piling sabi sa loob ng kwento at
ang pinopokus ng pamagat ay ang mismong pangunahing tauhan na
dahil na rin sa pagiging taksil ng kanyang mga alagad ay nadakip ng
mga Amerikano at pinatawan ng parusang bitay. Iyon sana ay hindi
nangyari kung hindi lamang dahil pinagtaksilan siya. Di sana’y may
pagkakataong naging malaya tayo sa mga Amerikano noon.
IV. Banghay
Dumating ang pari sa kulungan upang basbasan at
makapagkumpisal si Macario
Hinagkan ni Macario ang Krus at sa kanyang pagdili-dili ay
narinig niya ang isang tinig na mula sa Krus at tila ito’y buhay na
nakikipag-usap sa kanya
Nangumpisal si Macario dahil na araw na iyon ay bibitayin na
siya
Nang matapos na siyang mangumpisal at papalapit sa bakal
kung saan siya bibitayin, naulinigan niya ang tinig na binibigkas
na pari, inuulit niya ito sa bawat bitaw ng pari
Piniringan si Macariong isang kayong itim at inaayos ang lubid sa
kanyang leeg. Ang huling kataga ng pari ay hindi na naulit ni
Macario
V. May Akda
Teodoro A. Agoncillo
VI. Tauhan
Macario- Nagtatag ng hukbo sa Bundok ng Rizal at nagtipon ng
maraming tulisan upang makipaglaban sa mga Amerikano. Iniwan niya
ang kanyang mga mahal sa buhay alang-alang sa mga layunin niya
para sa bayang inapi ng mga Amerikano.
Julia- Ang kasintahan ni Macario na lubos ang nadamang lungkot at
pagkatakot dahil sa pagiging tulisan ng kasintahang si Macario. Sa
huling pamamaalam sa kanya ni Macario ay gumuhit ang luha sa
mukha nito habang ang kasintahan ay nagpapaalam papalayo sa
kanya.
Pari- Nakinig siya ng taimtim kay Macario habang ito’y
nangungumpisal sa kanya. Ang mga tinig ng kataga ng paring ito ang
pumukaw sa puso ni Macario sa matinding kalungkutang kanyang
nadarama.
VII. Tagpuan
Kabundukan ng Rizal- Dito unang itinayo ni Macario ang kanyang
hukbo. Doon nila unang sinimulan ang paghahanda sa pagsalakay sa
mga sundalong Amerikano. Napakahalaga ng tagpuang ito sapagkat
dito itinatag ng mga tulisan ang isang nakatagong lugar ng pag-asa at
pangarap ng mga taong may pag-ibig sa bayan.
Panahon Nang Matamo ang Kalayaan- Ang kwentong “Sa
Kamatayan Lamang” ay nailimbag noong 1953-1954 sakop ng
panahong ito ang ating pagiging malaya sa kamay ng mga Hapones
dahil sa “messiah daw” na mga Amerikano, subalit ang ating bansa ay
hindi naging malaya dahil ang mga Amerikano ay nagkaroon ng “Parity
Rights” sa ating bansa, na sila’y pinahihintulutang gamitin ang ating mga
likas na yaman subalit labis itong tinutulan ng mga makabayan nating
kababayan. Tinalakay sa kwento ang mga karanasan ng ng ating mga
kababayan at ang pambobomba sa mga bayan sa Maynila. Naging
talamak ang patayan at malalaking sunog sa Kamaynilaan dahil sa
mga Amerikano. Hindi agad natapos ang digmaan Pilipino-Amerikano dahil
pilit na nanlaban ang mga kababayan nating tulisan sa mga Amerikano
sumiklab ang digmaan at walang napagkasunduan dahil ang bawat
panig ay may iba’t ibang layunin.
VIII. Tunggalian
Tao sa Tao
Si Macario ay nakipaglaban sa Amerikano kasama ang kanyang
mga alagad. Nakipaglaban siya sa hangaring maging malaya tayo at
maging isang Republika ang ating pamahalaan. Parang langit ang
bumagsak sa kanya ng siya’y pagliluhan ng sarili niyang kasamang
tulisan. At ang kanyang pinaglalaban ay parang bulang naglaho na
lamang. Dahil sa kanyang kasamang iyon hindi na naipagtanggol muli
ni Macario ang bayan dahil na rin sa pagdakip sa kanya.
IX. Istilo
Flashback
Gumamit ng Flashback ang may akda. Sa unang bahagi ng
kwento mapapansin na iyon ay dapat nasa gitnang bahagi ng kwento at
ang nasa gitnang bahagi ng kwento naman ay mapapansing iyon ang
unang pangyayari bago naganap ang unang pahayag sa kwento. Ang
daloy ay “Gitana, Simula at wakas” at hindi tuwirang sinabi ang
pagkamatay ng pangunahing tauhan bagkus iniwan sa mambabasa ang
kamalayang ang pangunahing tauhan ay namatay.
Makatotohanan
Makikita sa kwento ang mga pangyayaring naganap noong
tayo’y naging malaya sa sa Hapones dahil sa mga Amerikano. Ang mga
karanasan ng mga tulisan at damdaming pinalutang sa kwento ang
damdamin ng isang Pilipino ng mga panahong iyon. Sumapol sa aking
damdamin ang paglalarawan ng panahong iyon na hindi mo lubos
isiping ang kapwa mo Pilipino ang siya ring makakanulo sa iyo.
Makabayan
Ang kwento ay tumatalakay sa pagiging makabayan at
humihimok ng mga mambabasa na dapat tayo ay lumaban sa umaapi sa
ating bayan at ipagtanggol ang bansa sa mga taong mang-aapi lamang
at yuyurakan ang ating pagkatao.
X. Pagsusuring Pangnilalaman
“Ang mamatay para sa bayan.”
Pinupukaw ng kwento ang damdaming makabansa upang sa
gayun ay ganap tayong maging malaya. Bilang pagmamahal sa bayan
dapat lagi nating isaalang-alang ang kapakanan ng ating bayan at
huwag nating miminsang isiping pagliluhan ang nais na kapayapaang
nais makamtan ng sino man. Ang isang tunay na makabayan ay may
likas na pagmamahal at malasakit sa bayang naaapi kung kaya’t ang
pagmamahal na ito ang mag-uudyok sa atin upang pukawin at isulong
ang pagiging malaya at ialay ang buhay alang-alang dito. Kailangan ng
ganap na pakikiisa ng bawat kasapi at may wagas na pusong upang
huwag maglilo upang ang sama-samang pinaglalaban o isinusulong
ay makamtan hindi lamang natin kundi ng buong taong kasapi ng
ating bayan at maging ang katarungan ng mga kababayan nating
inosenteng nasawi sa digmaang Pilipino-Amerikano.
XI. Pagsusuring Panglingwistika
Pormal na Salita
Hindi gumamit ng ano mang salitang banyaga ang may akda at
likas sa ati ang mga salitang kanyang ginamit na mga salita subalit
walang mga balbal na salita. Mapapansin ang pagiging likas na Pilipino
na may-akda dahil gumamit siya ng mga salitang pambansa. Subalit
hindi tuwiran ang kanyang pagpapahayag sa mga salita at iniiwan nito
ang kamalayan sa kwento.
XII. Pagsusuring Pampanitikan
Teoryang Historikal
Naitala sa kasaysayan ang mga pangyayaring naganap sa
kwento katulad na lamang ng pakikipaglaban ng mga tulisan sa mga
Amerikano dahil sa hindi natin pagiging isang republika. Si Teodoro A.
Agoncillo ay maaaring nagsulat batay sa kanyang karanasan noong
panahon nang matamo ang kalayaan at ito’y nasa kanyang panahon,
maaaring ito’y sarili niyang karanasan o batay sa kanyang naobserbahan
noong panahon na iyon. Maaaring ito ang nag-udyok sa kaniya upang
gumawa ng Maikling Kwentong katulad nga kanyang nararanasan at ang
mga naranasan niyang iyon ay isinatitik niya upang magmulat ng bagong
kamalayan sa tao na isulong ang ano mang karapatan pantao na dapat
ay ating tinatamasa sa sarili nating bayan. Subalit nasaan ang
karapatang iyon? Wala, sapagkat inari nilang lahat nang dapat ay atin
at ating pinakikinabangan.
Idyoma
Puno ng Hagdan
Hayperbole/Pagmamalabis
Kumiskap sa mga mata ng punong-bayan ang apoy ng
pagkapoot.
Naligo sa sariling dugo
Simili/Pagtutulad
Ang pudlok-pudlok na putting alapaap ay waring nagkakaroon ng
hugis anghel
Simbolo
Krus- Sumisimbolo sa isang pagpapakasakit ng isang tao na
kanyang pinapasan sa mahabang panahon ng paglalakbay subalit ang
Krus na iyon ay ang magiging dahilan rin ng kanyang kasawian o
kamatayan. Pinasan niya iyon kahit na ito’y napakabigat, naglakbay
siya sa lusak ng buhay subalit nabigo rin siya sa kanyang hangaring mabuti
at ganap tayong lumaya sa mga mananakop. Sumisimbolo rin ito sa
larawan ni Kristo na katulad ni Macario ay naging biktima rin ng
paglililo ng kapwa niya.
XIII. Pagsusuring Pangsosyokultural
“Pagiging Taksil ng Sariling Kapwa.”
Maaaring maituturing ngang taksil ang sino mang taong lumabag
sa kanyang sinimulan at sa hukbong kanyang sinalihan higit lalo
siyang taksil sapagkat ang kanyang mga isinuplong ay mga kapwa niya
kasamahan sa iisang layunin. Makikita sa kwento na hindi sa lahat ng
pagkakataon ay may mga kasaping nagpapakatotoo o tapat sa
kanilang ipinangako dahil may mga pagkakataong maaaring naipit
lamang siya sa isang sitwasyon kung kaya’t ang palililo ay maaaring
intensyunal o hindi. Hindi natin maihihiwalay sa aspektong ito sa
naganap sa kwento sa naganap sa kwento ang ginawang pagtataksil ng
ilang kasapi sa hukbo ni Macario at sa isang pagtitipon na idinaos sa
bahay ng isa sa mga opisyal ng Amerikano bilang patibong upang mahuli si
Macario kasama ang kanyang mga tauhan at iba pang kasamahan. Dahil
sa paghuli kay Macario ang mga Amerikano naman ang nagbunyi sa
pagdakip sa kanya, at ang mga katagang lumabas sa mga bibig ng
mga Amerikano ay pagiging magnanakaw umano ng hukbo ni Macario
samantalang sila itong magnanakaw sa ating kaban at inaaring kanila
ang ating bansa sapagkat ang karapatan natin ay nawala noong sila
ang namuno ng ating bansa.
XIV. Sintesis
“Huwag tayo basta magtiwala sa kung kanino lamang.”
Ang tao’y sadyang nalilinlang sapagkat nagpapadala siya sa bugso ng
kanyang damdamin kahit na nilililo na siya ng kanyang kapwa.
Naniniwala agad tayo sa kanilang sinasab bagamat sa likod ng mga
katagang kanilang binitawan ay maaaring nasa likod lamang niyon ay
ang isang pagtataksil. Paano nga ba tayo hindi magtitiwala kung ang
buong pagkakaalam natin tayo ay kabilang sa kanilang mabuting
adhikain? Madali tayong nanalilinlang sa mabulaklak na kanilang
sinasabi na walang malalim na pag-iisip sa isang salitang binibitawan
sa atin at may kalakip pang mga pangako sa atin, subalit nasaan,
nasaan ang mga pangakong iyon? Tila ginuhit lamang iyon sa tubig, na
inagos at pumailalim ng pumailalim at tuluyang nabaon sa limot at
nawala at hindi na muling sinisid pa. Kay lungkot lamang isipin na ang
mga taong inaasahan mong tutulong sa iyo ay ang mga taong lilinlang
lang pala sa atin. Sadyang may mga taong lilo lalo na kapag nasilaw na
sa salapi at mga pangakong hindi naman tiyak kung kaniyang
makakamtan..
XV. Wakas
“Masining at may proseso ang kwento”
Nang umpisahan kong basahin ang kwentong ito agad akong
nag-isip kung bakit sa ganitong paraan nagsimula ang kwento, ang bahaging
iyon ng kwento na sa gitna nararamat makita. Akala ko noong una’y hindi o
ito maunawaan subalit ng basahin ko ito ng basahin ay malinaw naman ang
mensaheng nakapaloob. Ang ginawa ng may akda ay nagsimula sa gitnang
bahagi ng kwento habang sa gitna naman niyon ay ang mga unang
pangyayaring pamamaalam ni Macario sa kanyang mahal. Naging malinaw
naman ang naging mensahe ng akdang ito sa katulad kong noong una’y
medyo nagulumihanan.
Introduksyon
Madilim Pa Ang Umaga
Ito ay kwento ng isang binatang lalaki na nagngangalang Ruben. Siya
ay dating maituturing na “chickboy” dahil sa magara nitong dating. Subalit
isang araw ay bigla na lamang nag-iba ang kanyang nayo. Hindi na siya ang
dating Ruben na maituturing ng kanyang mga kaibigang”chickboy”. Madalas
ay malalim mag-isip ang binatang ito at napapansin iyon ng kanyang mga
kasamahan sa trabaho. Madalas niyang isipin ang sinasabi ng kanyang mga
kaibigan na siya ay madamot subalit hindi nalalaman ng kanyang mga
kaibigan na siya ay may isang malaking pamilya na iniwan ng kanyang Ama.
Madalas din siyang pagtawanan ng mga ito sapagkat nagbago na nga ito
mula nang yumao ang kanyang Ama. Madalas niyang nakikita ang kahirapan
sa paligid at ang mga taong nilulustay ang pera sa mga walang kwentang
bagay bagamat may mas nangangailangan ng perang iyon. Sa kwentong ito
masasalamin natin ang dalawang mukha ng ating Lipunang kinagisnan, ang
isang mukha ay para sa nakaririwasa na walang ibang inaalintana kundi ang
magsaya at walang pakialam sa mga hirap na hirap na mga taong walang
makain, pangalawa ay ang Lipunan ng mga taong mahihirap na katulad ni
Ben ay pinagkakasya ang kinikita para sa pagtulong sa pamilya subalit hindi
iyon napapansin o nakikita ng mga nakaririwasa. Sila’y walang pakundangan
sa pagwawaldas ng kanilang pera sa walang kabuluhanng bagay
samantalang sa kalye ay naroroon ang mga yagit na naghihintay ng baryang
kumalasing kanilang harapan. Sila bang mayayaman ay bulag? o nag
bubulag bulagan lamang?
Paksa Tema Pamagat May Akda
• Ang
responsibilidad sa
pamilya ng
pangunahing
tauhan.
• Hindi masama
ang magdamot
sa kapwa kung
ang
ipinagkakadamo
t mo’y mas
kailangan ng
iyong pamilya.
• Madilim Pa Ang
Umaga
• Teodoro
A.
Agoncillo
Tauhan Tagpuan Tunggalian Istilo
• Ruben
• Lydia
• Nene
• Maynila
• Panahon ng
Hapon
• Tao sa Sarili • Pormal na
salita
PagsusuringPangnilalaman
PagsusuringPanglinggwistik
a
PagsusuringPampanitikan
• Kulturang
Pilipino at
Kahirapan
• Simbolismo
• Pangatlong
Panauhan
• Pagbibigay
Katauhan
• Pagmamalabis
•Context
• Teoryang
Realismo
PagsusuringPang-
sosyokultural
Sintesis Wakas
•Ang bawat
kasapi ng pamilya
ay may
karapatang
tumulong sa
pamilya.
• Huwag lagi sarili
ang isipin.
• Hindi gaanong
napalutang
katauhan ang
ibang karakter.
I. Paksa
“Ang responsibilidad sa pamilya ng pangunahing tauhan”
Nabuo ko ang paksang ito dahil iyon ang nakita kong mas
nangibabaw sa kwento, ang responsibilidad ni Ruben sa kanyang
pamilya. Hindi niya maaaring panabayaan na lamang ang kanyang
mga kapatid at Ina lalo kung siya ang mas may kakayahang buhayin ang
kanyang mga ito. Ito ay bahagi na ng kulturang Pilipino na kung saan
ang may trabahong anak ang palaging nangunguna sa mga
responsibilidad sa pamilya. Naniniwala akong mapahanggang ngayon
ay dala-dala natin ang kulturang iyan.
Isa pang pinapaksa ng kwento ay ang kasalatan sa buhay ng
mga Pilipino noong Panahon ng Hapon.Kaya ang dapat na gawin ay
kumayod ng doble para mairaos mo ang iyong pamilya sa gutom at
sakit.
II. Tema
“Hindi masama ang magdamot sa kapwa kung ang
ipinagkakadamot mo’y mas kailangan ng iyong pamilya.”
Ito ang nabuo kong tema sapagkat lubos na dinaramdam ni
Ruben ang mga katagang mula sa knyang mga kaibigan na siya raw ay
maramot, nagdadamot at takot utangan. Maaaring ang pagdaramot ni
Ruben ay isa lamang paraan niya upang ang pera na kanyang
pinaghirapan ay mapunta sa kanyang pamilya imbes sa ibang bagay
na walang kabuluhan. Hindi madamot si Ruben marahil may mga bagay
na mas importante para sa kanya na dapat niyang unahin muna bago ang
pangangailangan ng iba. Mas matatanggap niyang nakikita ang
kanyang sariling nahihirapan kesa makita ang kanyang pamilya sa
ganoong paghihirap na walang makain, nagkakasakit, at katulad ng mga
nasaksaksihan niya sa kalye na namamalimos dahil walang makain.
Kailangang timbangin din natin ang pagbabadget ng ating pera ng sa
gayun ay humusto ito para sa pamilya. Hindi laging waldas dito,
waldas doon, bili dito, bili doon.
III. Pamagat
Madilim Pa Ang Umaga
Ito ang naging pamagat sapagkat si Ruben na ang pangunahing
tauhan sa kwento ay maraming pasanin sa buhay tulad na lamang ng
mga responsibilidad niya sa pamilya na iniwan ng kanyang yumaong
Ama pasanin din niya ang mga panlilibak sa kanya ng kanyang mga
kaibigan. Ang umaga ay tila dilim na kanyang nilalandas na walang
siyang ibang nakikita kundi karimlan, subalit kailangan niyang
magising upang harapin ang hamon sa buhay na hindi niya dapat sukuan
bagkus harapin ito at landasin. Ang hamon na iyon ay ang
responsibilidad niya sa kanyang pamilya.
IV. Banghay
• Malaki ang pinagbago ni Ruben mula ng mamatay ang kanyang Ama
hindi na siya ang dating babaero. Hindi na niya alintana ang mga
ganoong bagay.
• Napansin ng kanyang mga kasamahan ang pananamlay ni Ruben at
madalas siyang pagtawanan sa trabaho tuwing mamamalas nila ang
ganoong anyo ni Ruben madalas din siyang paratangang maramot
kaya iyon ay talagang kanyang dinibdib.
• Sa kabilang dako ng pag-iisip ni Ruben mulat kanyang isipan sa mga
bagay na nangyayari sa kanyang paligid. Napapansin niya ang
kahirapan at kung gaano maghirap ang tulad niyang maralita rin.
• Sa mga pagdaan-daan niya sa mga kalye napapansin niya ang
pamumuhay roon ng mgahirap at mayaman. At dahil doon ay lalong
kinasusuklaman niya ang mga nakaririwasa sa paggasta dito paggasta
riyan samantalang silang mga mahihirap ang sapat lamang ang kita
para sa pamilya.
• Sa kanyang pag-uwi maligaya niyang hinarap ang buhay at sa
kanyang pagnilay-nilay sa paligid at pagtanggap ng maluwag sa kalooban
ng responsibilidad sa buhay.
V. May Akda
Teodoro A. Agoncillo
VI. Tauhan
VII.
Tagpuan
Maynila- natukoy ko ang tagpuan sapagkat naibanggit sa
kwento ang ilang lugar sa Kamaynilaan tulad ng Sta. Cruz, Quiapo,
Liwasang Goiti, Liwasang Burgos at Liwasang Sta. Cruz
Panahon ng Hapon- ang akdang “Madilim Pa Ang Umaga” ay
isa sat inuring na pinakamabuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943 at
nabilang sa aklat-katipunang nalimbag noong 1944; Panahon na Hapon
- Panitikan na Pilipinas: Historikal at Antolohikal
Ang kwento ng “Madilim Pa Ang Umaga” ay pumapaksa sa buhay
at katotohanan sa lipunang pinamumugaran. Ibinanggit sa kwento ang
dalawang uri ng Lipunan, ang una ay ang mga taong nakaririwasa
kasama na roon ang mga hapon na pilit kinukuha ang mga bigas na
para sa mga Pilipino upang ipakain sa mga kawal nila, at dahil doon
lalong naguton ang mahihirap nating kababayan, umaasa sila sa limos
ng mga tao. Isa itong patunay na noong panahon ng hapon isa ang
kahirapan at mga dinaranas ng mga mamamayan sa kasalatan sa
pagkain, damit, hanapbuhay at pakikisama kung bakit may mga taong
nag-udyok magsulat noong panahon ng hapon.
Ruben- pangunahing tauhan sa kwento at may malaking responsibilidad sa
pamilya.
Lydia- kasamahan ni Ruben sa trabaho
Nene- kasamahan din ni Ruben sa trabaho
Isang, Sisa, Gloria, Juanita, Carling, Fe, Totoy- mga kapatid ni Ruben
VIII. Tunggalian
Tao sa Sarili
Lubos na dinamdam ni Ruben ang mga naririnig at nakikita niya
sa paligid, maramot siya yan ang madalas bukambibig ng
kanyang mga kaibigan, nilabanan niya ang ganoong mga bagay na
nagpapahirap sa kanyang
IX. Istilo
Simbolismo
“hawak ang isang aklat at isang dahon nito’y hindi naalis ang
daliring nagsilbing tanda sa bahaging katatapis pa lamang
basahin sa pagitan ng kanyang kasamahan.”
Aklat- simbolo ng yumaong Ama na sa kanyang isipan ay
hindi pa ganoong naglaho.
Pangatlong Panauhan
Karaniwang gamitin ng May Akda ang panghalip na “siya”.
Nagpapahiwatig itong ang pangunahing tauhan sa kwento
ay walang kaugnayan sa May Akda
X. Pagsusuring Pangnilalaman
“Kulturang Pilipino at Kahirapan”
Kultura na ng Pilipino o karaniwang nangyayaring nagkakaroon
ng responsibilidad sa pamilya ang mas nakatatandang kapatid o ang
nakaririwasa sa buhay ang umako sa mga responsibilidad kapag ang
mga magulang ay yumao na. Ang kulturang iyon ay ipinakita sa
kwento. Si Ruben ay naging haligi ng tahanan ng yumao ang kanyang
Ama. Makikita rin nating noong Panahon ng Hapon ay nagdanas ng
kahirapan ang ating kababayan may mga nagutom dahil sa kapakanan ng
mga hapones dahil sa pagkuha ng mga pagkaing dapat ay para sa
mamayang Pilipino, at dahil napaka makapangyarihan ng mga hapones noon
walang nagawa ang ating mga kababayan kundi ang sumunod sa
kanilang gusto.
XI. Pagsusuring Panglingwistika
Pormal na Salita
Gumamit ng mga pormal na salita ang may akda subalit may ilan
sa mga salitang ito’y malalalim. May mga pahayag din kapag hindi
inulit- ulit basahin ay hindi mauunawaan. Walang anumang balbal na salitang
ginamit sa akda.
XII. Pagsusuring Pampanitikan
Pagbibigay Katauhan
“Nagmaliw na sa balintataw ng kanyang mga mata ang amo ng
malamlam na umagang malamig at mat simo’y ng amihang
nagpapayuko sa hitik na uhay ng manila-nilaw na palay.”
Pagmamalabis
“May liwanag na ngayong nakasususnog sa bawat titigan.”
Context
“Gumuhit sa kanyang alaala ang pangit na larawan ng lipunan:
noong isang araw, samantalang siya’y naglalakad sa Avenida Rizal ay
natagpuan niya rito ang magkabilang dulo ng lipunan—ang dalawang
dulong di niya nakita noong siya’y lumilikha ng kanyang kahapon.”
Teoryang Realismo
Ipinapakita sa kwento an gang dinaranas ng tao sa kanyang
paligid maging ang mga salitang kanyang naririnig mula sa kanyang
kapwa. At kung paano ang isang tao’y nakakayanan ang bunuhay ng
isang malaking pamilya na iniwan sa kanya ng yumao. Sa kwento ay
masasalamin ang kaugalian ng mga nakaririwasa sa walang
pakundangan paglulustay ng kanilang pera sa pag-iinom sa kasiyahan
samantalang may mga taong naghihirap. Sa kwento ay pinakita ang
magkaibang estado ng mga tao sa lipunan at kung paano ang taong
may pera mamuhay at kung paano naman makibaka sa hirap ang mga
taong mahihirap.
XIII. Pagsusuring Pangsosyokultural
“Ang bawat kasapi ng pamilya ay may karapatang tumulong sa
pamilya.”
Malinaw na unti-unti ring tinanggap ni Ruben ang responsibilidad
niya sa kanyang mga kapatid at Ina. Sa ngayong panahon ay bihira na
tayong makakita ng tulad ni Ruben bagama’t ako’y hindi naniniwala na
ang kulturang ito’y mananatili sa ating mga puso. Kung may iilan mang
hindi kapares ni Ruben siguro iyon ang mga taong walang ibang inisip
kundi ang kanilang sarili sapagkat hindi nila nakikita ang hirap na
diranas ng kanyang pamilya at ang responsibilidad na minsan sa
buhay natin kailangan nating suklian ang anumang ipinagkaloob sa atin
ng ating mga magulang kung hindi dahil sa kanila ay wala tayo sa
mundong ito. Sadyang kay hirap bumuhay ng isang malaking pamilya kung
mag- isa mo lang itong gagawin at wala kang karamay, na tulad ni Ruben
ang dami niyang kapatid, may sakit ang kanyang Ina, sino naman ang
maluluwalhatian kung ganoon ang takbo ng buhay, kay hirap para sa
isang katulad ni Ruben na nag-iisang itinataguyod ang malaking
pamilya.
XIV. Sintesis
“Huwag lagi sarili ang isipin.”
Sa kabuuan lubos kong naunawaan ang ipinapakitang kutura ng
mga Pilipino noon maging ang lipunang nakapaloob sa panahong iyon. Hindi
ganoon kadali bumuhay ng isang pamilya at matugunan ang
pangangailangan lalo’t kung iisang kamay lamang ang gumagawa, subalit
hindi mo matatakasan ang ganitong kultura natin sapagkat nakaugat na ito
sa ating mga puso’t damdamin. Hindi madali para kay Ruben sapagkat
mayroon din naman siyang personal na buhay na hindi lamang umiikot sa
kanyang pamilya, ito’y maaaring hindi na niya matatalos puunan dahil sa
kanyang pamilya. Halimbawa na lamang ng pag-aasawa, si Ruben ay
kilalang “Chickboy” noon subalit ng magkaroon siya ng malaking
responsibilidad kahit ang sumulyad sa babae ay hindi niya magawa dala ng
araw-araw na pangambang dulot sa kanya ng mga pasanin sa buhay. Subalit
para kay Ruben hindi mahalagang unahin sang sariling kapakanan bago ang
pamilya.
XV. Wakas
“Hindi gaanong napalutang katauhan ang ibang karakter.”
Gumamit pa sana ng maraming tauhan o dinagdagan pa sana
ang mga tauhan sa kwento. Ipinakilala sana ng mabuti ang kanyang Ina at
mga kapatid. Hindi gaanong maligoy ang kwento at talagang pinupunto nito
ay ang pangunahing tauhan lamang na si Ruben at halos sa kanya na
lamang umikot ang buong kwento at walang gaanong ginampanan ang ibang
tauhan, o ang mga kasamahan niya sa trabaho o ang miyembro ng kanyang
pamilya. Hindi ko matukoy kung sino ang tauhang bilog at lapad sa kwento
sapagkat hindi naman ipinakilala ang ibang tauhan sa kwento. .
Introduksyon
Republikang Basahan
Ang akda ay patungkol sa pang-aalipin sa atin ng mga dayuhang
sumakop sa atin. Sila’y walang mga pusong umapi sa atin at pinigil ang ating
bayan na tumikim ng kaonting kalayaan. Para tayong nasa kandungan ng
isang bayan ubod na tinik at ang tinik na iyon ang unti-unting gupagapos sa
ating pagkatao hanggang sa hindi mo na matutunang manlaban/makawala
dahil masasaktan ka lamang. Sa ating pakikibaka sa mga dayuhang ito’y
para na rin nating piñata ang ating mga sarili sapagkat walang kalaban-
laban ang sino mang magtangkang pumunta sa templo ng kalayaan
sapagkat tatahakin mo rin doon ang landas ng kamatayan. Iisa lamang ang
nais iparating sa atin ng tulang ito iyon ay ang matinding pagnanais natin na
maging malaya mula sa mga dayuhan. Subalit paano ito pasisimulan kung
walang sino man ang gustong kumampi pagkat halos ang lahat ng tao’y
tikom ang bibig at may takot. Sa ibang aspekto ng buhay ay may karapatan
at kalayaan kang lumuha, iluha ang lahat na iyong pasakit at mga bagay na
hindi makakamit, iyon lamang ang kalayaan natin noon ang tumangis.
Paksa Tema Pamagat May Akda
• Kalayaang hindi
natatamasa ng
sarili nating
bayan.
• Walang
kalayaan ang
bayan kung ang
mga namumuno
• Republikang
Basahan
•Teodoro
A.
Agoncillo
ay
makapangyarihan
, malupit at
maimpluwensya.
Istilo Pangnilalaman Lingwistika Pampanitikan
• Pangalawa at
Pangatlong
Panauhan
• Ang pagiging
makapangyarihan
.
•Pagsusuri sa
bawat saknong ng
tula
• Pormal at
Matalinhaga
• Lalabing-
animing pantig
bawat saknong
• Teoryang
Imahismo
• Tulang Kopla
Sosyokultural Sintesis Wakas
• Hindi tiyak ang
kalayaan.
• Ang sinapit ng
ating lipunan sa
mga dayuhan.
• Masasalaminan
ng mga
panahong
nagdaan.
I. Paksa
“Kalayaang hindi natatamasa ng sarili nating bayan.”
Ito ang napili kong paksa sapagkat naramdaman ko ang
damdamin ng tulang ito. Pinapaksa nito ang isang kalayaang dapat
dapat na makamtan ng isang nilalang sa kanyang mismong bayan
subalit hindi niya ito magawa dahilan sa mga taong nais maghari-
harian at makapangrihan.
II. Tema
“Walang kalayaan ang bayan kung ang mga namumuno ay
makapangyarihan, malupit at maimpluwensya.”
Nabuo ko ang temang ito sapagkat dito natin makikita na ang
tao’y alipin ng kanyang pagpapakasakit na lumaban para sa kanyang
kalayaan walang kasarinlan ang bayang nasa ilalim ng pamumuno ng
mga taong maimpluwensya kahit ipaglaban mo ang iyong karapatan
sadyang walang mangyayari sapagkat mas higit ang kanilang
kapangyarihan. Bawat pakikipaglaban ay walang natatamong kalayaan
bagkus ang tanging nakakamit ay kamatayan.
III. Pamagat
Republikang Basahan
Basahan: sumisimbolo sa tao na isa lamang alipin ng mga
makapangyarihang tao noon tulad ng mga dayuhang sumakop sa
bansang pilipinas. Itinuturing nila tayong kanilang mga alipin,
dinudusta at inaapi. Walang sino man ang umaangal sa ibig nilang
mangyari. Ang republikang basahan ay sumasaklaw sa taong naging
alipin ng mga sumakop at namahala ng ating bayan mga taong
maimpluwensya at makapangyarihan.
IV. May Akda
Teodoro A. Agoncillo
V. Istilo
Pangalawa at Pangatlong Panauhan
Gumamit ng Pangalawa at Pangatlong Panauhan ang may akda .
Makikita ito sa mga panghalip na ginamit tulad ng mo, ikaw, ka
at inyo. Ang paggamit ng pangalawang panauhan ay ang paraan
ng manunulat na pagalawin ang isang tauhan sa tula o kwento. Ang
pangatlong panauhan ay ang mga tauhang sa loob ng isang
kwento o tula ay walang relasyon sa may akda.
VI. Pagsusuring Pangnilalaman
Ang pagiging makapangyarihan.
Ang tula ay nagpapahiwatig ng kawalang pag-asa at ang mga
tunay na damdamin ng mismong may akda. Maaaring sa kanyang
panahon ay nakikita niya na walang pantay na karapatan ang tao at
ang pamahalaan, hindi hinahayaan ng pamahalaang maging ganap ang
katiwasayan ng bansa marahil na rin siguro sa kagustuhanng
mapasunod ang nasasakupan walang karapatan ang sinumang
sumuway sa may kapangyarihan.
Pagsusuri sa bawat saknong ng tula
Republika baga itong busabos ka ng dayuhan?
Ang tingin sa tanikala'y busilak ng kalayaan?
* hindi maituturing na malaya ang bayan kung lagi itong
nakagapos sa karimlam
Kasarinlan baga itong ang bibig mo'y nakasusi,
Ang mata mong nakadilat ay bulag na di mawari?
* hindi kalayaan maituturing ang isang bayan kung hindi
nakapaghahayag ng sariling saloobin
Ang buhay mo'y walang patid na hibla ng pagtataksil
Sa sarili, lipi't angkan, sa bayan mong dumaraing!
* ubod ng pagtataksil ang isang bayang ang mga kasapi ay
nakikikiisa rin sa hungkag na kaisipan ng mga dayuhan
Kalayaan! Republika! Ang bayani'y dinudusta.
Kalayaan pala itong mamatay nang abang-aba!
* hindi pagiging malaya ang pagkamatay ng walang kaawa-awa
Kasarinlan pala itong ni hindi mo masarili
Ang dangal ng tahanan mong ibo't pugad ng pagkasi.
* wala kang karapatang gawin ang ibig mo
Malaya ka, bakit hindi? Sa bitaya'n ikaw'y manhik,
At magbigting mahinahon sa sarili na ring lubid!
* malaya ka sa loob ng iyong mundo subalit sa labas kapag
ikaw’y nakipaglaban siguradong kamatayan ang iyong
kakahatungan
Kalayaan - ito pala'y mayron na ring tinutubo
Sa puhunang dila't laway, at hindi sa luha't dugo!
* kung nais mong makamtan ang IYO lamang sariling kalayaan
marapat na huwag na lamang umimik sa mga nangyayari sa
paligid.
Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang nangangarap,
Sa ganyan lang mauulol ang sarili sa magdamag.
* manahimik kang magdamag sa kalayaan mo lamang,
nakakabagot isipin na ang kapwa mo’y di mo maipagtanggol
Lumakad ka, hilain mo ang kadenang may kalansing,
Na sa taynga ng busabos ay musikang naglalambing!
* sa kalansing lamang ng kadena tayo ay natatakot
Limutin mo ang nagdaan, ang sarili ay taglayin,
Subalit ang iniisip ay huwag mong bibigkasin!
* huwag kang magsasalita ng ano man na alam mong hindi
nanaisin ng mga dayuhan
Magsanay ka sa pagpukpok, sa pagpala at paghukay,
Pagkat ikaw ang gagawa ng kabaong kung mamatay.
* matuto tayong harapin ang hamon sa buhay
Purihin mo ang bayaning may dalisay na adhika,
Ngunit huwag paparisan ang kanilang gawi't gawa.
* sundin mo ang gawi ng mga bayani subalit huwag kang
magpakabayani dahil ang mga bayani ay bumubuwis ng kanilang
buhay.
Republika na nga itong ang sa inyo'y hindi iyo,
Timawa ka at dayuhan sa lupain at bayan mo!
* hindi ka malaya sa sarili mong bayan
Kalayaan! Malaya ka, oo na nga, bakit hindi?
Sa patak ng iyong luha'y malaya kang mamighati!
* pamimighati lamang ang ating kalayaan
Sa simoy ng mga hangin sa parang at mga bundok,
Palipasin mo ang sukal ng loob mong kumikirot.
* sa kalikasan mo na lamang ibaling ang iyong mga hinaing
Kasarinlan! Republika! Kayo baga'y nauulol,
Sa ang inyong kalayaa'y tabla na rin ng kabaong?
* ang lahat ay naduduwag lumaban para sa kalayaan
Republika! Kasarinlan! Mandi'y hindi nadarama,
Ang paglaya'y sa matapang at sa kanyon bumubuga!
* upang makamit ang kalayaan kailangan lumaban
Bawat hakbang na gawin mo sa Templo ng Kalayaan
Ay hakbang na papalapit sa bunganga ng libingan!
* bawat hakbang patungo sa kalayaan ay hakbang din patungo
sa karimlan
Ang paglaya'y nakukuha sa tulis ng isang sibat,
Ang tabak ay tumatalim sa pingki ng kapwa tabak.
* ang kalayaan ay maaaring makuha/makamit sa dahas na
paraan
Ang paglaya'y isang tining ng nagsamang dugo't luha,
Sa saro ng kagitinga'y bayani lang ang tutungga.
* bayani lang ang tanging makapagtatanggol sa bayang hindi
malaya
Bawat sinag ng paglayang sa karimlan ay habulin,
Isang punyal sa dibdib mo, isang kislap ng patalim!
* bawat paggamit ng kalayaan isa ang magbubuwis buhay ang
magbubuwis
VII. Pagsusuring Panglingwistika
Pormal at Matalinhaga
Mapapansin sa tula ang bawat salitang ginamit na lubos na
nakapukaw pansin gayun din ang mga matatalihagang pahayag na
lalong nagpasiklab sa damdamin ng mag akda. Ang mga
matatalinhagang salita ay hindi mo lubos na mauunawaan kapag ito’y
hindi inulit-ulit basahin.
Lalabing-animing pantig bawat saknong
Ang tula ay binubuo ng lalabin-animing pantig sa baway
taludtod.
VIII. Pagsusuring Pampanitikan
Teoryang Imahismo
Gumamit ng ga hindi karaniwang pahayag/salita upang lubos na
mapalutang ang damdaming nakapaloob sa bawat saknong nadarama
at makikita ang dinaranas ng ating mga ninuno noon sa mga dayuhang
sumakop sa atin.
Tulang Kopla
Ang tula ay maiuuri sa Tulang Kopla sapagkat pinapangkat sa
dalawang taludtod ito o sa isang saknong nito ay binubo lamang ng
dalawang taludtod.
IX. Pagsusuring Pangsosyokultural
Hindi tiyak ang kalayaan.
Naging isyung panlipunan ang pagsakop sa atin ng mga
dayuhan naging dahilan iyon upang ang kalayaang tinatamasa ng ating
mga ninuno ay mapanghawakan ng mga sumakop sa ating bansa at
tuluyang magapos sa lubid ng kanilang pamamahala. Ang mga dayuhan
ang nagturo sa atin at nag-impluwensya ng mga iba’t ibang akdang
pampanitikan subalit sila rin ang naing dahilan ng kawalng katarungan
ng mga tao noo. Sa kanilang pananakop hindi naiiwasang may
nasasawi o nasasaktan sa ilalim ng kanilang pamamahala. Dahil sa
pagsakop na iyon sumigla ang ginituang panahon sa pagsulat ng mga
akdang tumtuligsa sa kanila. Dahil sa mismong nasaksihan ng mga
manunulat noon sa pamumuno ng mga dayuhan sumibol ang iba’t ibang
damdaming walang kinikilingan , sumusulat at patuloy silang
nagsusulat nagsusulat ng mga akdang pumapaksa sa karapatang
lumaya at magpapamukha sa mga dayuhan ang pang-aaping kanilang
ginagawa sa bayanng kanilang sinakop.
X. Sintesis
Ang sinapit ng ating lipunan sa mga dayuhan.
Sa kabuuan nais lamang ng may-akda na pukawin sensibilidad
ng mga taong may lakas na loob na magpahayag ng kanyang damdamin
hinggil sa kanyang nakikitang pagbabago sa paligid na walang
kinikilingan at naglalayong ipamulat sa atin ang kaapihang sinapit sa
atin ng mga dayuhan. Huwag tayo basta magtiwala sa mga dayuhang
nais mamahala sa atin sapagkat wala tayong katiyakan sa magandang
hangarin ng kanilang pamamahala.
XI. Wakas
Masasalaminan ng mga panahong nagdaan.
Ang panahon ng hapon ang siyang masasalamin sa akdang ito
sapagkat noong panahon ng hapon walang magawa ang isang
indibidwal na baliin ang utos ng sino mang kawani ng hapon dahil kapag
iyon ay iyong sinuway siguradong kamatayan ang iyong kahaharapin.
Noong panahon ng hapon takot ang mga karaniwang tao lamang
sapagkat wala silang karapatan na pangunahan ang nais ng mga hapones
tangingang mga edukado lamang ang karaniwang pinagbibigyan ng
mga hapones at ang mga hindi nakaririwasa ay nagiging alipin ng sariling
bayan.
Introduksyon
Sa Pag-iisa
Ito ay kwentong may kinalaman sa pagtuklas ng isang indibidwal ng kanyang sarili sa pamagitan ng pag-iisa.
Paksa Tema Pamagat May Akda
• Sa pag-iisa
lamang
matutuklas ang
sarili.
• Sa mundong
tahimik, walang
gulo at payapa
nagsisimula ang
kapayapaan ng
puso’t isipan.
• Sa Pag-iisa • Teodoro
A.
Agoncillo
Istilo Pangnilalaman Lingwistika Pampanitikan
• Punto de Vista
• Ang pagtuklas
ng ating sarili at
ng ating kapwa
ay ginagawa sa
pamamagitan ng
pag-iisa.
• Pormal na
salita
•Teoryang
Pormal
• Oxymoron
•Hyperbole
Sosyokultural Sintesis Wakas
• Sadyang may
mga taong
pinipili ang mag-
isa sapagkat mas
dito higit nilang
nauunawaan ang
sarili.
• Kilalanin natin
ang ating mga
sarili.
• Lumilinang ng
pakatao.
I. Paksa
Sa pag-iisa lamang matutuklas ang sarili.
Sa simula hanggang sa wakas ng kwento halos ang pinapaksa ay pag-
iisa. Ipinamumulat ng sanaysay na ito na minsan sa ating buhay kailangan
din nating pagdaanang mag-isa upang higit natung maunawaan ang ating
mga sarili sapagkat kapag nagawa natin iyon makikilala na rin natin ang ating
kapwa. Ang isa pang pinapaksa ng sanaysay ay kung gaano kasalimuot ang
mundo na ang lungsod ay puro kapighatian at puno ng mga taong hindi mo
tiyak kung may maganda bang hangarin sa iyo. Ang pag-iisa ay paraan
umano natin nag pagtuklas sa ating sarili at sa pag-iisa rin natin nakikilala ang
kahinaan at kalakasan ng ating sarili. Sa ating pag-iisa ay maaaring
makatuklas tayo ng mga bagay-bagay na hindi pa natutuklasan ng iba, ika
nga sa sanaysay “ang lahat ng dakila sa sining, panitikan at agham ay
paraparang supling ng pag-iisa. Ang taong mapag-isa ay higit ang kabatiran
kanino man, sapgkat ito ang kanyang instrumento upang pa-aralan ang sariling
gawi at kung paano makihalubilo sa ating kapwa.
II. Tema
Sa mundong tahimik, walang gulo at payapa nagsisimula ang
kapayapaan ng puso’t isipan.
Hindi ba’t sa ppook na tahimik wala tayong ibang naririning? May mga
pagkakataon na kung saan mayroon tayong mga tanong na hinahanapan
natin ng kasagutan. Sa katahimikan ng lugar na iyon naglalakbay ang ating diwa at
doon ay nakabubuo ng mga pangungusap sa ating sarili na tila ikaw at iyong
sarili ay dalawang tao. Doon sa lugar na tahimik lamang natin makikita ang
kagandahan ng buhay kahit na ang kugar na iyon ay pangit subalit tahimik.
Hindi tayo(o ilan sa atin) ang nakapg-iisip kung ang ating paligid ay kay ingay
sapagkat ang kaingayang iyon ang sumusira sa kabuuan ng ating pag-
iisip kung kaya’t tayo’y naghahanap ng pook na kung saan tahimik, payapa at
walang gumagambala.
III. Pamagat
Sa Pag-iisa
Ito ay nagmula samga ilang piling sabi sa sanaysay at sa damdamin
mismo ng may akda. Kung ating pakasusuriin ng mabuting ang akdang ito isa
lamang ang pinupunto nito “ang patuklas sa sarili”. Ang paglayo ay hindi
pag- iisa ito ay paraan lamang natin upang pagnilalayan ang mga nangyayari sa
ating paligid. Hindi palaging “pag-iisa” ang dapat natin isipin bagkus dapat
lamang nating pagdaanan sapagkat dito lamang natin ang totoong
karunungan. Dito rin tayo kung minsan nakabubuo ng mga Pilosopiya natin
sa buhay na kung saan ang mga pilosopiyang ito ang maggagabay sa atin sa
kabutihan. Sa pag-iisa tayo’y nagiging malaya sa mga bagay na nais nating
isipin kagandahan man ito o hindi. Sa ating pag-iisa ay pinapatatag din natin
ang ating mga sarili kapag may mga panahong tayo’y may mga pagsubok o
problema. Dito rin tayo nag kakaroon nga pagkakataong makausap ang ating
amang nasa langit.
IV. May Akda
Teodoro A. Agoncillo
V. Istilo
Punto de Vista
Pinahayg ng may-akda ang iba’t ibang pananaw niya sa tuwing siya’y
nag-iisa ayt naibahagi niya ang ilang patunay na sa “pag-iisa” ay mayroon
tayong natutuklasan hindi lamang sa ating mga sarili maging para sa ating
kapwa.
VI. Pagsusuring Pangnilalaman
Ang pagtuklas ng ating sarili at ng ating kapwa ay ginagawa sa
pamamagitan ng pag-iisa.
Mahalagang batid natin ang ating sarili at sa pamamagitan ng “pag-
iisa” ay atin itong makakamtan. Ang mundo natin ay magulo kung ating
papansinin at ang may akda o ang taong nagsasalaysay ay taong nais makawala
sa mundong ito o magkubli sa kugar na kung saan tahimik at payapa at ang
paligid na iyon ay nais niyang may mga taong katalik-loob niya o kaibigang
masasabihan ng kanyang mga hinaing, kahinaan, at ang mundong kanyang
tinutukoy ay ang mundo na kung saan siya lamang ang naroroon walang iba
kundi siya at upang matuklasan niya ang mundo kung bakit kay gulo nito. Sa
lugar na kung saan nauunawaan niya ang mga bagay-bagay. Doon lamang
siya makapag-iisa doon sa mundong tahimik at sa mundong iyon magkakaroon ng
saysay ang kanyang sarili.
VII. Pagsusuring Panglingwistika
Pormal na salita
Gumamit ng mga taal na salita ang may akda
VIII. Pagsusuring Pampanitikan
Teoryang Pormalismo
Gumamit ang mgay akda ng mga salita/pahayag na maaaring
maiugnay niya sa kanyang paksa at upang mapalutang ang
nakapaloob sa akda.
Oxymoron
Ang lungsod ay maingay magulo, masaya at malikot, ngunit
siya’y walang kaluluwa, walang diwa, walang ano mang bagay na
makapagbibigay ng lunas sa hapong isip at katawan :
isang araw na paggawa, ilang oras napag-aaksaya sa mga sugalan o
tanghalan… Ang lahat ng ito’y kabagot-bagot.
Hyperbole
Sa gitna ng kanyang pag-iisa’y itinangis niya ang lakas ng
kasamaan at paglagpak ng kalangitan
IX. Pagsusuring Pangsosyokultural
Sadyang may mga taong pinipili ang mag-isa sapagkat
mas dito higit nilang nauunawaan ang sarili.
Kung papansinin natin talagang may mga taong mahilig mag-isa
maaaring ito ang kanilang paraan upang matakasan ang mundong
masalimuot o maaari din namang pinili nilang mapag-isa sapagkat may mga bagay
silang nais malaman at ang pag-iisa at katahimikan ang maaaring solusyon.
Maaari din namang sabihing ayaw lamang nilanng makihalubilo sa iba
sapagkat may iba silang mas pinagtutuunan ng pansin tulad ng “pag-aaral”,
mapapansin natin ang mgga taong mahilig mag-isa ay iyong mga taong matatalino
o ”genius” hindi lamang sa akademiko pati rin sa pag-unawa ng kanilang
kapwa. Pansinin natin ang mga taong nakikipag-away o nakikipagtalo, hindi
ba’t ang mga binibitawan nilang salita ay mga katagang basata na lamang
lumalabas sa kanilang bibig na hindi nila namamalayan at pinag-iisipan kung
kaya’t nakakasugat ito kung pakunggan
X. Sintesis
Kilalanin natin ang ating mga sarili sapagkat ito ang magiging susi
ng pagiging ganap nating tao. Kapg lubusan na nating kilala ang ating sarili’t
gkakaroon tayo ng tiwala sa ating sarili ganoon din ang tiwala sa ating kapwa.
Matutunan nating unawain ang kalakasan at kahinaan ng ating sarili at kapwa.
XI. Wakas
Lumilinang ng pakatao at mga kaparaanang dapat nating gawin upang
may maunawaan ang ating sarili’t kapwa. Naglalayon ang akdang ito na
magpabatid ng mga katotohananng pinagdaraanan ng mga taong mahilig mag-isa
at nagsisiwalat ng mga katotohang tumatakbo sa isipan ng isang tao. Sa
makababasa rin ng sanaysay na ito mapagtatanto may katotohanan ang sinasabi
ng may akda sa sanaysay na ito. Ang mga tinatalakay ng may-akda ay ang
karaniwang nangyayari sa atin sa mga panahong tayo’y nag-iisa at dahil doon
maisip kong ginagawa ko rin pala ang ganoong bagay sa tuwing nag0iisa na ako at
tototong sa ating pag-iisa doon lamang natin naipapakita kung sino talaga tayo na
walang pagpapanggap sa mata ng ibang tao.
Introduksyon
Ang Diwa ng Tundo
Ang kwento ay nauukol sa kung paano gumuhit ng ngiti sa labi ang
mga taga Tundo sa gitna ng mga pagsubok na kanilang pinagdaraanan. Sa
mga ngiting iyon ay may lihim na naiinggit at iyon ay ang mismong may
akda, nang minsan pinasya niyang pumasyal sa Tundo ng matupok ang
maraming kabahayan doon, doon niya nasaksihan ang damdaming hindi mo
aakalaing sa ganoong sitwasyon ay may mga taong humalakhak at tila hindi
alintana ang mga nagyayari sa paligid na tila isang inosenteng batang
walang kamuwang-muwang sa mundo. Paano mo ba huhusgahan ang
ganitong mga tao? Maaaring isa lamang sa mga Pilosopiya nating mga
mahihirap ang idaan na lamang sa tawa ang lahat ika nga sa wikang ingles
“Laughter is the best medicine” maaaring ito ang lunas ng mga taong may
malaking pasanin sa buhay, mga taong nalulungkot at mga taong nais
mabuhay sa kabilang mundo na ubod ng saya.
Paksa Tema Pamagat May Akda
• Ang Tundo sa
Gitna ng
Pagsubok
• Balutin ng
kasiyahan ang
pusong nasa
karimlan
• Ang Diwa ng
Tundo
•Teodoro
A.
Agoncillo
Istilo Pangnilalaman Lingwistika Pampanitikan
• Punto de Vista
• Mapilosopiya
• Ang Tundo ay
mabubuhay
kailanman at ang
kasaysayan nito’y
hahangaan nino
man
• Matalinhaga
• Teoryang
Humanismo
• Hyperbole
•Imagery
•Dramatic Irony
•Narrative Hook
Sosyokultural Sintesis Wakas
• Kultura ng
mahihirap
• Kailangan
nating harapin
ang buhay na
mayroong sigla at
matatag ng
kalooban.
• Magandang
instrumento ang
sanaysay upang
pagnilayan sa
ating buhay.
I. Paksa
Ang Tundo sa Gitna ng Pagsubok
Pinapaksa nito ang lugar ng Tundo at ang kalagayan ng mga
taong nakatira roon na walang pagbabahala sa mga nangyayari sa
kanilang paligid. Sa panahon ng krisis o problema sila’y nananayiling
matatag. Ang mga taong naninirahan sa Tundo ay hindi gaanong nag-
aasam ng mataas na pangarap. Ang ilan sa mga taong nakatira sa Tundo
ay yaong mga taong hindi na umaasam ng mataas na uri ng pamumuhay.
Para sa kanila sapat na kung ano man ang mayroon sila at hindi naman
sila gaanong nalulugod sa mga bagay na alam nilang hindi naman nila
makakamtan. Sila ang mga taong humaharap sa totoong salamin na
buhay ng isang mahirap na tao at kung may pangarap man ay iilan
lamang sa kanila ang may ganoong pananaw. Sa ganoong anyo ng
mga nakatira sa lugar ng Tundo hindi natin matatagong may mga
kasaysayang nangyari sa pook na sinasabi dapat natin pahalagahan
kahit na ang Tundo ay isa na marahil sa mga tirahan/lungga ng mga
maralita.
II. Tema
Balutin ng kasiyahan ang pusong nasa karimlan
Ito ang aking nabuong tema sapagkat tumatak sa aking isipan na
sa panahon na tayo’y may pagsubok na nadaraanan matutong tayong
ipagpatuloy ang buhay sa pamamagitan ng pagguhit ng ngiti sa ating
labi. Maraming dapat pagtuunan ng pansin upang malihis kahit
nadarama nating pighati. Ika nga ng may akda sanaysay na ito
“kinaiinggitan ko ko ang diwa ng Tundo” sapagkat ang diwang
naroroon sa mga taong iyon ay mga katotohanang hindi man nila kayang
resolbahin ang pagsubok sa kanilang buhay naroroon pa rin palagi sa
kanila ang pusong puno ng kasiyahan. Buong puso nilang tinatanggap
ang kanilang kasawian sa pamamagitan ng panandaliang pagtakas sa
problema sa pamamagitan ng halakhakan. Sila’y katulad ng isang
payasong nakilala ko kamakailan na punong-puno ng problema subalit
nagagawa pa rin niyang magpatawa ng ibang tao habang sa kanyang
puso’y may nakakubling labis na kalungkutan. Ang mga Tundo ay
payaso ng kanilang sarili sapagkat nakukubli nila ang kanilang
pinagdadaanang hirap.
III. Pamagat
Ang Diwa ng Tundo
Maaaring ang pamagat na ito’y nabuo sa pamamagitan ng
malawak na pang-unawa ng May Akda sa mga taong naroon sa Lugar
ng Tundo at sa kanyang malalim na pag-aaral sa mga gawi ng mga taong
nakatirasa paligid-ligid ng tundo.
IV. May Akda
Teodoro A. Agoncillo
V. Istilo
Punto de Vista
“Ah, sadyang ganyan yata ang buhay ng maluwalhating
mangmang! Sa gitna ng nagluluksang pook ay nakukuha pa nilang
magtawanan.”
Mapilosopiya
Makikita sa sanaysay ang mga pilosopiya ng mahihirap nating
kababayan na sa gitna ng hirap na nararanasan nila patuloy parin ang
pagguhit ng ngiti sa kanilang mga mukha.
VI. Pagsusuring Pangnilalaman
Ang Tundo ay mabubuhay kailanman at ang kasaysayan nito’y
hahangaan nino man.
Nais iparating ng may akda na hindi puro pighati lamang ang
nararanasan ng mga taong nakatira sa Tundo ay isang lugar na
maiguguhit mo rin sa pangarap balang araw.. Para sa mga taong
nakatira sa lugar na iyon ay hindi nawawalan ng pag-asa sa buhay
sanay lahat tayo ay ganoon ang takbo ng pag-iisip, hindi lamang puro
kalungkutan. Maaaring ang ilan sa kanila’y mangmang, walang pinag-
aralan at alam sa mga nangyayari sa paligid na kanilang
kinabibilangan subalit sa mga puso ng mga taong ito’y ang kaluwalhatian
ay naroroon.
VII. Pagsusuring Panglingwistika
Matalinhaga
Masyadong malalim ang mga terminolohiyang ginamit ng may-
akda at malalalim ang salita.
VIII. Pagsusuring Pampanitikan
Teoryang Humanismo
Nakatuon ang sanaysay na ito sa tao at kanilang mga gawi
Hyperbole
“Ano pa ang magiging kabuluhan ng buhay kung lagi na
lamang iuukol sa pagtatangis, sa paghahanap ng mabangis
na lagablab.”
Imagery
“Kay lungkot guni-gunihin ang pagdatal ng kamatayan
datapway makapupong malungkot at makirot na isipan ang
lito at walang ayos na kabuhayang wari’y tuyong dahon na
nagkalat sa lantas at maaaring walisin sa ano mang oras.”
Dramatic Irony
“Sa gitna ng nagluluksang pook ay nakukuha pa nilang
magtawanan, magbiruan at ariing walang ano man ang nangyayari sa
kanila.
Narrative Hook
“Pinagbuksan ko ang linib upang makita kong mabuti ang di-
karaniwang tanawing sa mga sandaling yao’y nagdulot—na tila ito’y
isa nang nakagawian ng taong may dinaramdam.”
IX. Pagsusuring Pangsosyokultural
Kultura ng mahihirap
Ipinakikita na sanaysay ang buhay ng mahihirap nating
kababayan na sa gitna ng mga pagsubok na dumarating sa kanila
naroroon parin ang pag-asang sumisilay sa kanilang pagkatao.
Tuloy ang daloy ng kanilang buhay sapagkat doon lamang sila ulit ang
kakaroon ng bagong pag-asa
X. Sintesis
Kailangan nating harapin ang buhay na mayroong sigla at
matatag ng kalooban.
Sa kabuuan tinatalakay ng sanaysay ay ang mga mundo ng mga
taong mahihirap partikular ang mga mahihirap na nasa Tundo, kung
paano sila nabubuhay at kung paano sila humaharap o nakikibaka sa
kanilang paligid at problema. Subalit lagi na lamang bang ganoon? Kay
lungkot ding isipin na sila’y nakukuntento sa ganoon pamumuhay na
ang Krus na kanilang pinapasan ay kasama parin nila araw-araw at
wala silang ginagawa upang makawala sa krus na iyon. Ganoon na
lamang ba palagi? Lagi na lamang natin nililinlang ang ating mga sarili
sa mga ngiting sumisilay sa mga labi subalit ang kabilang dako ay di
mabigyan bigyan na lunas.
XI. Wakas
Magandang instrumento ang sanaysay upang pagnilayan sa
ating buhay.
Sa buhay ng tao may mga bagay rin na dapat pagdaanan,
nariyan ang lungkot, ang saya, masaktan, mawalan ng mahal sa buhay,
mawalan ng tahanan, mabigo, madapa at marami pang kapighatian sa
buhay subalit huwag tayong sumuko at huwag din naman nating isuko
ang ating problema, harapi natin iyon sapagkat di mo matatakasan
iyon san man mapunta.