panahon ng isinauling kalayaan
DESCRIPTION
Panitikan Panahon ng Isinauling KalayaanTRANSCRIPT
Panahon ng Isinauling Kalayaan
KALIGIRANG KASAYSAYAN Ang paghihintay ng mga Pilipino sa pangakong
pagbabalik ng mga Amerikano ay natupad noong 1945.
Ika-4 ng Hulyo 1946 – araw na isinauli ang kalayaan Ibinaba sa tagdan ang bandilang Amerikano at mag-isang
winagayway ang bandilang Pilipino Nawala ang tanikala, nawala ang gapos
Naging napakabigat para sa mga Pilipino ang naging labi ng digmaan.
KALIGIRANG KASAYSAYAN Ang ekonomiya ng bansa ay humantong sa
kababaan. May mga salaping ipinamudmod sa mga gerilya
bilang gantimpala ng kagitingan at pagkamakabayan, subalit walang pag-uukol ng *ginawa sa kabuhayang bansa.
Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon Binubuo ng pangkat ng mga gerilyang may pagkiling sa
komunismo Pamana ng digmaan na naging malaking sagabal sa
pambansang kaunlarang pang-ekonomiko “tagong pamahalaan ng mga huk”
Nakapaniningil ng buwis, nakapagpapakalat ng kautusan, nakapagpapataw ng parusa laban sa sariling paglilitis
Pakikipaglaban ng mga Huk – daan ng maraming pagbabago para sa mabuting pamumuhay ng mga mamamayan
KALAGAYAN NG PANITIKAN Mapanghangad sa makukuhang gantimpala ang mga
manunulat sapagkat bago pa sumulat ng anumang akda ay inaalam muna kung aling pahayagan ang magbabayad ng malaking halaga.
Pagsulpot ng mga kabataang mag-aaral sa larangan ng pagsusulat.
Ulirang manunulat na Amerikano sa kanilang mahusay na teknesismo ng panunulat – Ernest Hemingway, William Saroyan, at John Steinbeck Panunulad sa estilo – diwang mapanghimagsik at kapangahasan sa
panitikang Tagalog at Ingles
BAGONG PANITIKAN SA TAGALOG Sumigla ang panitikan ng mga Pilipino Halos ng mga paksa ay tungkol sa kalupitan ng mga Hapones,
kahirapan ng pamumuhay sa ilalim ng pamamahala ng Hapones, kabayanihan ng mga gerilya, atbp
Nabuksan muli ang mga palimbagan ng mga pahayagan at magasin – Liwayway, Bulaklak, Ilang-ilang, Sinag tala, atbp
Tulang Tagalog – nagkaroon ng laman, hindi salita’t tugma lamang
Maikling Kuwento – mabuti-buting tauhan, pangyayaring batay sa katotohanan at paksaing may kahulugan
Nobela – libangan Bigkasan ng Tula – pagkagiliw ng mga tao
MGA AKLAT NA NAILIMBAG Mga Piling Katha (1947-48) – Alejandro Abadilla Ang Maikling Kuwentong Tagalog (1886-1948) – Teodoro Agoncillo Ako’y Isang Tinig (1952) – Katipunan ng mga tula at sanaysay ni
Genoveva Edroza Matute Mga Piling Sanaysay (1952) – Alejandro Abadilla Maikling Katha ng Dalawampung Pangunahing Autor (1962) – A.G.
Abadilla at Ponciano B.P. Pineda Parnasong Tagalog (1964) – Katipunan ng mga piling tula mula kina
Huseng Sisiw at Balagtas na tinipon ni A.G. Abadilla Sining at Pamamaraan ng Pag-aaral ng Panitikan (1965) – Rufino
Alejandro Panturo sa pamumuno o pagpapahalaga sa tula, dula, maikling kuwento at
nobela
MGA AKLAT NA NAILIMBAG Manlilikha, Mga Piling Tula (1961-1967) – Rogelio G.
Mangahas Mga Piling Akda ng Kadipan (Kapinasang Aklat ng Diwa at
Panitik (1965) - Efren Abueg Makata (1967) - kauna-unahang tulung-tulong na pagsasaaklat
ng mga tula ng may 16 na makata sa wikang Pilipino Pitong Dula (1968) – Dionisio Salazar Manunulat: Mga Piling Akdang Pilipino (1970) – Efren Abueg.
Naipakita na “ posible ang pambansang integrasyon ng mga kalingang etniko sa ating bayan”
MGA AKLAT NA NAILIMBAG Mga Aklat kay Rizal
Nang Musmos Pa Si Rizal – Diosdado Capino Ulirang Mag-aaral si Rizal Ang Buhay at Mga Akda ni Rizal – Ben C. Ungson Rizal, Ang Bayani at Guro – Domingo Landicho at iba pa Gabay sa Pag-aaral ng Noli – Efren Abueg at iba pa Gabay sa Pag-aaral ng Fili
ANG MULING PAGSIGLA NG PANITIKAN SA INGLES Muling sumigla ang Panitikang Filipino sa wikang Ingles Pahayagang Ingles ay lumbas – Philippines Free Pass,
Morning Sun ni Sergio Osmeña, Sr., Daily News nina Ramon Roces, Philippines Herald ng mga Soriano, Chronicle ng mga Lopez, at Bulletin ni Menzi
Higit na marami ang mambabasa sa Ingles kaysa ibang wika tulad ng Tagalog, Ilokano, at Hiligaynon
Malaki-laking paaralan ay may pahayagang may pitak – pampanitikan para sa kuwento, tula, dula, at artikulong Ingles
Mga Aklat na Nailimbag sa Ingles Heart of the Islands (1974) – Manuel Viray. Ito’y kalipunan
ng mga tula. Phil. Cross-Section (1950) – Maximo Ramos at Florentino
Valeros. Ito’y kalipunan ng mga tula at tuluyan. Prose and Poems (1952) – Nick Joaquin Phil. Writing (1953) – T.D. Agcaoli Phil. Harvest (1953) – Maximo Ramos at Florentino Valeros Horizon’s East (1967) – Artemio Patacsil at Silverio Baltazar.
Ito’y kalipunan ng mga akda ng mga propesor ng University of East na karamihan sa Ingles ay short stories, essays, research papers, poems, at drama
ANG TIMPALAK - PALANCA “Palanca Memorial Awards for Literature” –
pinamumunuan ni G. Carlos Palanca, Sr. noong 1950 Maikling kuwento, dula at tula Kauna-unahang nagwagi sa unang taon (1950-51) sa
larangan ng pagsulat ng MAIKLING KUWENTO Unang Gantimpala: “Kuwento ni Mabuti” ni Genoveva
Edroza Ikalawang Gantimpala: “Mabangis na Kamay … Maamong
Kamay” ni Pedro S. Dandan Ikatlong Gantimpala: “Planeta, Buwan, at mga Bituin” ni
Elpidio P. Kapulong
1953-1954: Sinimulan ang pagpili sa pinakamahusay na DULA Unang Gantimpala: “Hulyo 4, 1954 A.D.” ni Dionisio
Salazar Naglalahad ng pagsasagawa ng isang mapanganib at
madugong misyon ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HBM) na ibagsak ang pamahalaang Pilipino noong Panahon ni Pang. Magsaysay
1963-1964: Sinimulan ang pagpili sa pinakamahusay na TULA Unang Gantimpala: “Ang Alamat ng Pasig” ni Fernando
B. Monleon
ANG TIMPALAK - PALANCA
Salamat sa
Pakikinig!