pisikal na katangian ng pilipinas

Upload: ako-si-sybielle-ligan

Post on 14-Oct-2015

9.223 views

Category:

Documents


13 download

DESCRIPTION

This is about the Philippines' Physical attributes... Please make sure to print this on a long bondpaper. This is educational to both elementary and highschool students because it is summarized already. ^_^ Have fun learning!!

TRANSCRIPT

  • 5/24/2018 Pisikal Na Katangian Ng Pilipinas

    1/3

    TEORYA UKOL SA PINAGMULAN NG PILIPINAS

    1. Paniniwalang Ispiritwal o Biblikal - Nakasaad sa unang

    aklat ng Genesis sa Lumang Tipan ang paraan ng

    pagkalikha ng daigdig, kasama na ang Pilipinas.

    2. Teorya ng Tulay na Lupa Paniniwala na ang Pilipinas

    noong unang panahon ay bahagi ng kalakhang Asya sa

    pamamagitan ng tulay na lupa. Sinasabi noong unang

    Panahon ng Yelo oPlesitocene, ang tubig na nakapalibot sa

    ating bansa ay bumaba ng 156 na talampakan sanhi ng

    pagbaba ng kapatagan ng dagat. Bunga nito, lumitaw ang

    mga bahaging lupa o tulay na lupa sa pagitan ng Taiwan at

    Hilagang Luzon,: Palawan, Mindoro at Borneo; ang

    Mindanao, Java, Sumatra at Indonesia.

    3. Teoryang Bulkanismo Paniniwala na ang Pilipinas ay

    nabuo dahil sa pagsabog ng mga bulkan. Sinasabing ang

    Karagatang Pasipiko ay binubuo ng mga hanay ng mga

    aktibong bulkan na nakapaikot dito o tinatawag naPacific

    Ring of Fire. Ang pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng

    dagat noong sinaunang panahon ay nagbunga ng paglitaw

    ng mga pulo sa ibabaw ng dagat.

    KATANGIANG PISIKAL NG PILIPINAS

    Lokasyon

    Ang Pilipinas ay matatagpuan sa hilagang hatingglobo, sa pagitan ng ekuwador at Tropiko ng

    Cancer.

    (Tiyak na Lokasyon) Ito ay nasa 423 at 21 25hilagang latitud at 116 at 127 silangang

    longhitud.

    (Relatibong Lokasyon) Ang Pilipinas aymatatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Ang

    kapuluan ay napalilibutan ng Bashi Channel sa

    hilaga; Dagat ng Pilipinas at Karagatan ng Pasipiko

    sa Silangan; Dagat Celebes sa timog; at Dagat

    Kanluran Pilipinas (West Philippine Sea) sa

    kanluran. Ang pinakahilagang pulo ay Yami sa

    lalawigan ng Batanes at Saluag naman sa timog sa

    lalawigan ng Tawi-Tawi.

    Hugis at Anyo

    Ibat ibang hugis at hiwa-hiwalay ang mga pulo ngPilipinas.

    Ito ay binubuo ng humigit kumulang 7,107 napulo.

    Sukat, Laki at Lawak

    Ang kabuuang sukat ng Pilipinas ay 300,000 sq.km.

    May 1,851 km ang haba nito mula hilagahanggang timog at umaabot naman sa 1,107 km.

    Ang lawak mula sa kanluran pasilangan.

    Sampung malalaking pulo: Luzon, Mindanao,Samar, Negros, Palawan, Panay, Mindoro, Leyte,

    Cebu at Bohol.

    Hangganan at Teritoryo

    Doktrinang Pangkapuluan ang pag-aaring karagatan ng

    bansa ay ang napapaloob sa mga batayang guhit nanagdurugtong sa mga lungos sa pinakalabas na bahagi ng

    mga pulo at batuhan ng kapuluan. Lahat ng bahaging tubig

    sa loob ng mga batayang guhit, gaano man ang lalim o layo

    mula sa baybayin, ang kailaliman ng dagat at lupa,

    gayundin ang kalawakan sa itaas at ang pinagkukunang-

    yaman ng mga ito ay nasasakupan at nasa kapangyarihan

    ng pamahalaan.

    Pambansang Teritoryo

    Seksyon 1. Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng

    kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng pulo at karagatan

    na nakapaloob doon, at lahat ng iba pang teritoryo na nasa

    ganap na kapangyarihan o saklaw ng Pilipinas, kasama ang

    dagat teritoryal, ang kalawakang itaas, ang kailaliman ng

    lupa, ang ilalaim ng dagat, ang mga kalapagang insular at

    ang iba pang lugar submarina. Ang karagatang nakapaligid

    , nakapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan,

    maging ano man ang lawak at sukat ay bumubuo ng

    panloob na karagatan ng Pilipinas.

    KLIMA at PANAHON NG PILIPINASKlima ang kabuuang kalagayan ng panahon. Ito ang

    paglalagom ng araw-araw na kondisyon ng panahong

    nakukuha sa loob ng mahabang panahon.

    Binubuo ng 5 elemento: temperature, humidity,precipitation, pressure at hangin.

    Humid tropical dahil sa lokasyon nito sa mundo atpagiging insular at maritime nito.

    Panahonang kondisyon ng atmospera sa isang lugar at

    panahon.

    Nauuri sa tatlong panahon:1. Tuyo at mainit na panahon (hot dry

    season) mula Marso hanggang Mayo;2. Tag-ulan (rainy season) mula Hunyo

    hanngang Nobyembre; at

    3. Malamig na tuyong panahon (cool dryseason) mula Disyembre hanggang

    Pebrero.

    Kasama ang bansang Pilipinas sa mga bansangPasipiko na dinaraanan ng taun-taon ng monsoon

    winds: trade winds, hanging habagat (southwest

    monsoon) at hanging amihan (northeast

    monsoon).

    Matatagpuan ang Pilipinas sa rehiyongekwatoryal.

    Sa rehiyong ito, nangyayari ang pagtatagpo nghangin sa ibabaw ng mundo kayat tinatawag din

    itong intertropical convergence zone.

    Dito rin nagtatagpo sa rehiyon ang hanginghabagat at hanging amihan depende sa panahon

    sa isang taon.

    Sa pagbagtas ng intertropical convergence zonesaPasipiko ang bansa, nagdudulot ito ng pagkabuo

    ng mga bagyo (typhoon track) na nagmumula sa

    rehiyon ng Marianas at Caroline Islands sa

    karagatang Pasipiko ang bansa.

    Karaniwang umaabot sa 19 bagyo taun-taon angnakapasok sa bansa na ang kadalasang

    tinatamaan ay ang mga rehiyon sa Visayas at sa

    Luzon.

    Paggalaw ng Hangin

    Trade windsdumarating sa direksyong hilagangsilangan o silangan dulot ng mataas na pressure

    ng Karagatang Pasipiko sa tuwing tag-init sa bansa

    mula Pebrero hanggang Mayo.

    Mula Mayo hanggang Oktubre sa tuwing taglamigsa Timog Hemisphere, dumarating sa direksyong

    timog-kanluran ang hanging Habagat. Dala ng

    habagat ang malalakas na pag-uulan at hangin.

    Mula Nobyembre hanggang Pebrero dumaratingang hanging Amihan sa bansa. Dulot ang hangin

    na mataas na pressure sa Siberia at sa Manchuria

    kayat malamig na temperatura ang

    pangkalahatang epekto nito subalit nagdadala rin

    ito ng malalakas na pag-ulan sa silangang bahagi

    ng bansa.

    Uri ng Klima Ayon sa Distribusyon ng Buhos ng Ulan

  • 5/24/2018 Pisikal Na Katangian Ng Pilipinas

    2/3

    URI KATANGIAN SAKOP NA BAHAGI NG

    BANSA

    1

    Dalawang tiyak na

    panahon, basa at

    tuyo; basa sa buwan

    ng Hunyo hanggang

    Nobyembre at tuyo

    sa buwan ng

    Disyembre hanggang

    Mayo.

    Kanlurang bahagi ng Luzon,

    Mindoro, Palawan, Panay at

    Negros.

    2

    Walang panahong

    tuyo na may tiyak na

    malalakas na ulan sa

    mga buwan ng

    Disyembre, Enero, at

    Pebrero.

    Silangang baybayin ng

    bansa kasama ang

    Catanduanes, Sorsogon,

    silangang bahagi ng Albay,

    Camarines Norte,

    Camarines Sur, silangang

    Quezon, Samar, Leyte at

    Silangang Mindanao.

    3

    Walang tiyak na

    panahon ng pag-ulan

    at may maiklingpanahon ng tagtuyo

    na nagtatagal mula

    isa hanggang tatlong

    buwan.

    Kanlurang bahagi ng

    Lambak ng Cagayan,

    silangang bahagi ngMountain Province,

    katimugang Quezon,

    Masbate, Romblon

    hilagang-silangang Panay,

    silangang Negros, gitna at

    timog Cebu, silangang

    Palawan at Hilagang

    Mindanao.

    4

    Magkakatulad na

    distribusyon ng

    buhos ng ulan

    Batanes, hilagang-silangang

    Luzon, timog-kanlurang

    bahagi ng Camarines Norte,

    kanlurang bahagi ngCamarines Sur at Albay,

    silangang Mindoro,

    Marinduque, kanlurang

    Leyte, hilagang Cebu, Bohol,

    at kalakhan ng gitna,

    silangan, at timog

    Mindanao.

    Rehiyonalisasyon ng Bansa

    Bilang isang kapuluan mayroong magkakahiwalay na mga

    pulo at mabundok na topograpiya, napakalaking hamon

    ang pagbubuo ng kaisahan ng bansa. Magkakaiba angkatangiang heograpikal at kultural ng maraming mga lugar

    sa bansa. Iba-iba rin ang antas ng pag-unlad bunga ng

    magkakaibang pamumuhay at likas na yamang

    matatagpuan sa bawat lugar. Bunga nito, napahahirap

    makabuo ng isang pambansang plano ng pag-unlad

    gayundin ang pamamahala ng bansa.

    Batayan sa pagbubuo ng Rehiyon:1. Ang kondisyong heograpikal2. Katangiang mapangasiwaan3. Kaunlarang panlipunan4. Paraan ng transportasyon

    Mula sa 13 rehiyon, binubuo ang bansa sakasalukuyan ng 17 rehiyon.

    Rehiyon KabiseraMga Sakop na

    Probinsya

    I - Rehiyong Ilocos San FernandoCity, La Union

    Pangasinan, IlocosNorte, Ilocos Sur, LaUnion

    II - Lambak ngCagayan

    TuguegaraoCity, Cagayan

    Batanes, Cagayan,Isabela, Nueva Vizcaya,

    QuirinoIII - Gitnang Luzon San Fernando

    City,Pampanga

    Aurora, Bataan, Bulacan,Nueva Ecija, Pampanga,Tarlac, Zambales

    IV-A-CALABARZON

    Calamba,Laguna

    Cavite, Laguna.Batangas, Rizal, Quezon

    IV-B -MIMAROPA Calapan City,OrientalMindoro

    Marinduque, OccidentalMindor, OrientalMindoro, Romblon,Palawan

    V RehiyongBicol

    Legazpi City,Albay

    Albay, Camarines Sur,Camarines Norte,Catanduanes, Masbate,

    SorsogonVI KanlurangVisayas

    Iloilo City, Iloilo Aklan, Antique, Capiz,Guimaras, Iloilo, NegrosOcc.

    VII GitnangVisayas

    Cebu City,Cebu

    Bohol, Cebu, NegrosOriental, Siquijor

    VIII SilangangVisayas

    Tacloban City,Leyte

    Biliran, Eastern Samar,Leyte, Northern Samar,Western Samar

    IX ZamboangaPeninsula

    Pagadian,Zamboangadel Norte

    Zamboanga del Norter,Zamboanga del Sur,Zamboanga Sibugay

    X Hilagang

    Mindanao

    Cagayan de

    Oro City,MisamisOriental

    Bukidnon, Camiguin,

    Lanao del Norte,Misamis Occidental

    XI RehiyongDavao

    Davao City,Davao del Sur

    Davao del Norte, Davaodel Sur, Davao Oriental,Compostela Valley

    XII SOCCSKSARGEN

    KoronadalCity, SouthCotabato

    North Cotabato,Cotabato, Sarangani,Sultan Kudarat

    XIIICaraga Butuan City,Agusan delNorte

    Agusan del Norte,Agusan del Sur, Surigaodel Norte, Isla ngDinagat

    CAR

    CordilleraAdministrativeRegion

    Baguio City,Benguet

    Abra, Apayao, Benguet,Ifugao, Kalinga,Mountain Province

    ARMM-AutonomousRegion in MuslimMindanao

    Cotabato City,Maguindanao

    Basilan, Lanao del Sur,Maguindanao, Sulu,Tawi-Tawi

    NCR- NationalCapital Region

    Quezon City 16 Lungsod: Manila,Quezon, Caloocan,Pasay, Paraaque,Muntinlupa, Taguig,Pasig, Marikina,Mandaluyong, Makati,

    Las Pias, Valenzuela,Navotas, Malabon, SanJuan

  • 5/24/2018 Pisikal Na Katangian Ng Pilipinas

    3/3