produksiyon at kita ng pambansang ekonomiya

26
Produksiyon at Kita ng Pambansang Ekonomiya Aralin 18

Upload: erin-gamer

Post on 18-Jan-2016

296 views

Category:

Documents


12 download

DESCRIPTION

Economics

TRANSCRIPT

Page 1: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Produksiyon at Kita ng Pambansang Ekonomiya

Aralin 18

Page 2: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Dalawang sektor ang pinanggagalingan ng kita ng ng bikas na ekonomiya.

Una ang panloob na sektor.

Ang panloob na sektor ay nagsasagawa ng desisyon sa loob ng pambansang ekonomiya. Kabilang dito ang sambahayan, bahay- kalakal, at pamahalaan.

Page 3: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Ikalawa ang eksternal na sektor.

Ang ikalawa ang eksternal na sektor ay binubuo ng mga aktor ng pambansang ekonomiya na aktibo sa kalakalang panlabas. Kabilang dito ang bahay- kalakal na umaangkat at nagluluwas ng mga produkto.

Page 4: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Ang mga aktor ng sambahayan na nakikipagsapalaran sa dayuhang ekonomiya, partikular na ang paggawa.

Sa pakikipagkalakalan, may nakukuhang kita ang mga dayuyhang ekonomiya. Kumikita ito sa pagluluwas ng produkto sa pandaigdigang pamilihan.

Page 5: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Pagsukat ng produksiyon atPambansang Kita

Sa isang bukas na ekonomiya, may dalawang pakahulugan ang pambansang ekonomiya.

Unang pakahulugan nito ang umiiral na ekonomiya sa isang bansa.

Ikalawang pakahulugan ang lawak ng gawain ng mga aktor ng isang ekonomiya sa iba’t ibamng panig ng daigdig.

Page 6: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Sa pagsukat sa produksiyon ng isang ekonmailarawan ito gamit ang pambansang kita.omiya, hindi maiiwasan na

Sa pagsukat ng pambansang kita, naisasaalang- alang naman ang dalawang kahulugan ng pambansang ekonomiya. Isa sa mga panukat ng kita ng bansa ang Gross National Product o GNP.

Page 7: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Ang GNP ay halaga ng kabuuang produksiyon ng mamamayan ng isang bansa sa loob at labas ng pambansang ekonomiya. Ang ikalawang panukat naman ay ang Gross Domestic Product o GNP. Ang GDP naman ay halaga ng kabuuang produksiyon sa loob ng pambansang ekonomiya.

Ang GNP at GDP ay parehong sinusukat sa loob ng isang takdang panahon, maaring quarterly o taunan.

Page 8: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Ang GNP at GDP at tinatawag na na National income accounts. Tinatawag na national income accounting ang pagsukat sa GNP at GDP. Tatlo ang pamamaraan ng national income accounting, sng unang pagsukat ay sa pamamaraan ng gastusin o expenditure approach. Ang ikalawa ay sa pamamaraan ng kia o income approach. Ang ikatatlo ay sa pamamagitan ng value added approach.

Page 9: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Pamamaraan ng Gastusin

Sinusukat ng pamamaraan ng gastusin ang pinaggamitan ng kita ng pambansang ekonomiya.

Formula ng pambansang kita ay..

GNP= C + I + G + (X – M) + NFIA

GNP= GDP + NFIA

Page 10: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Ang National Economic Development Authority (NEDA) ang opisyal na tagalabas ng tula ng pambansang kita ng bansa. Nakaatang naman sa isang sangay ng NEDA, ang National Statistical Coordination Board (NSCB), ang national income accounts.

Page 11: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Ang lahat ng pambansang estadistika ay tinitipon ng NCSB sa Philippine Statistical Yearbook.

Ang mga salik nf produksiyon na iniluluwas at inaangkat ng pambansang ekonomiya mula sa dayuhang ekonomiya ay kasamang kinukuwenta sa GNP.

Page 12: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Pumapasok ang mga ito sa aytem na Net Factor Income from Abroad (NFIA). Ang ibang katawagan sa NFIA ay Net Factor from the Rest of the World.

Page 13: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Dalawang salik ng produksiyon ang ibinibilang sa mga inflow at outflow.

Una rito ay ang salik ng paggawa. Ang kinikita ng mga manggagawa na nakikipagsapalaran sa dayuhang ekonomiya qay nakatala sa compensation.

Page 14: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Ang remittance ng mga OFW ay laman ng atem na inflow at tinatawag na compensation. Samantala, ang mga ibinabayad ng pambansang ekonomiya para sa mga dayuhang manggagawa ay nabibilang sa aytem na mga outflow at tinatawag na compensation.

Page 15: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Ang ikalawang salik ay kapital. Ginagamit ito sa pamumuhunan sa dayuhang ekonomiya. Kumikita ang dalawang ekonomiya sa pamumuhunan at ito ay tinatawag na investment o property expense sa pananaw ng pambansang ekonomiya.

Page 16: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Ang anyo ng invesment income ay ang dibidendo, interes, at tubo mula sa negosyo. Ang dibidendo (dividends) ay ang pinaghahatiang halaga ng kita ng bahay- kalakal matapos itong mabuwisan.

Page 17: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Pamamaraan ng Kita

Ang ikalawang panukat ay sa pamamaraan ng kita o income approach. Tinutukoy ng income approach ang pinanggagalinagn ng pambansang kita. Ayon kay Campbell McConnell, isang Amerikanong propesor ng ekonomiks.

Page 18: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Ang halaga ng nagamit na kapital ay consumption capital allowance. Ang indirect business tax ay mga buwis na ipinapataw ng pamahalaan sa isang produkto.

Page 19: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Pamamaraan ng Value Added

Sinusukat dito ang karagdagang halaga ng produyksiyon ng bawat sektor ng ekonomiya. Ang tinutukoy na sektor ng ekonomiya ay argrikultura (agriculture, kasama ang pingigisda at paggugubat), industriya (industry), at panglilingkod (service).

Page 20: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Dahil sa sektoral na oryentasyon, kinilala ang pamamaraan ng pagsukat na by industrial origin.

Value added ang tinutukoy na karagdagang halaga sa produksiyon.

Page 21: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Iba’t ibang pamamaraan ng pagtalakay sa pambansang kita

Inilalarawan ng GNP at GDP ang produksiyon ng bansa. Magandang makita na papataas ang GNP at GDP. Ibig sabihin nito, tumataas ang produksiyon ng bansa.

Ngunit maaari rin namang bumaba ang GNP at GDP. At ito ay isang hindi kaaya-ayang pagkakataon.

Page 22: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Kahalagahan at limitasyon sa paggamit ng GNP at GDP

Mahalagang sukatin ang pambansang kita ng isang ekonomiya. Nailalarawan nito ang laki at dami ng pinagkukunang- yaman ng isang ekonomiya.

Page 23: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Magagamit din ang pambansang kita na batayan na pagpapalago nhg pambansang ekonomiya. Sa pamamagitan ng national income accounts, masusuri ang mga aspekto ng gawain at ang sektor sa pambansang ekonomiya na kailangang pagtuunan ng pansin.

Nagiging mahalaga ring usapin ang pagkunsumo ng sambahayan sa pambansang ekonomiya.

Page 24: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Isang mahalaga ring usapin ang kompetisyon sa pamumuhunan. Dalawang dimensyon na ng pamumuhunan. Una ang panloob na pamumuhunan. Ito ay tumutukoy sa pamumuhunan ng mga lokal na bahay- kalakal.

Page 25: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Ikalawa ang pamumuhunan ng mga dayuhan. Sa pagpasok sa pambansang ekonomiya, maaring makakompetensiya ng dayuhang mamumuhunan.

Page 26: Produksiyon at Kita Ng Pambansang Ekonomiya

Mahalaga na makalikha ang pamahalaan ng indicator sa pagbuti ng kalagayan ng ekonomiya. Ang indicator ang pagbabatayan naman ng pamahalaan sa pagbuo ng mga hakbangin.