proyekto

20

Click here to load reader

Upload: joeray-padilla

Post on 22-Oct-2014

557 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: PROYEKTO

PROYEKTO

SA

FILIPINO 2

Ipinasa ni:

Joella E. Padilla

ALAMAT NG MT. DIWATA

Page 2: PROYEKTO

(Matatagpuan ito sa San Francisco, Agusan Sur)

Noong unang panahon may isang babae na nakatira sa liblib na lugar at ang kanyang pangalan ay Diwata. Si Diwata ay mahirap lamang ngunit may angking ganda. May isang hari na nagkagusto sa kanya at nagpakasal sila. Si Diwata ay kasama ng hari sa pakikipaglaban sa mga kaaway para protektahan ang kanyang nasasakupang lugar Kahit siya ay buntis sumasama parin siya.Sa kanyang pakikipaglaban, ito ang dahilan ng kanyang kamatayan.

Dahil sa labis ng pagmamahal ng Hari kay Diwata, ipinangalan ang lugar sa kanya “DIWATA”.

Ilang taon ang lumipas,napansin ng mga taga nayon na ang kanilang lugar ay napapaligiran ng bukid at may hugis na buntis na babae. At dahil sa hugis pinalitan nila ang pangalan ng kanilang lugar at ito ay tinawag nilang “ MOUNT DIWATA”.

Page 3: PROYEKTO

Balita:

“Pulis nabaliw dahil sa depresyon!”

Si Domingo Espera,isang pulis noon naninirahan sa Maynila at ngayo’y kasalukuyang naninirahan dito sa Mindanao dahil sa trabaho.

Araw ng lunes(Dec.5,2011),nagkaroon ng isang pagtitipon at hindi niya namalayan na ang kanyang uniporme ay hindi na wasto at nakalimutan pa niyang suotin ang sombrero dahil doon napagalitan siya ng kanyang hepe sa harap ng maraming tao. Sa labis na kahihiyan, dinibdib niya ang mga sinabi ng kanilang hepe.

Ilang araw ang lumipas na hindi na siya kumakain at napansin din ng kanyang asawa ang pagbabago ng kanyang ugali at parati ding wala sa sarili. Humingi ng tulong ang kanyang asawa sa kanyang kasamahan. At nagdesisyon sila na hanggat maaga pa ay dahil na siya sa Mental Hospital para magamot agad at doon na magpagaling. Sumama naman si Domingo kasama ang kanyang asawa na si Resa at ang anak niya na si Rezz. Sa ngayon ay mabuti na ang kanyang pakiramdam pero hindi pa sila pinayagan na lumabas sa Mental Hospital sa Davao.

Page 4: PROYEKTO

Dula:

“Walang Sugat”Ito ay tungkol kay tenong na gustong maghimagsik gaya ng mga ginawa ng ating mga bayaning sila andres bonifacio at jose p. rizal,dahil gustong makaganti ni tenong sa mga lumapastangan sa kanyang amang si kapitan inggo,

Pinapahirapan ng mga Frayle ang mga bilanggong Pilipino, na inakusahang mga filibusterismo o kaya ay myembro ng Mason. Lalo ang ama ni Tenyong na si Kapitan Inggo. 

Nilinlang ng mga Frayle ang mga dalaw ng mga bilanggo, sa pagkukunwaring nirerespeto nila ang karapatang pantao. Ngunit kabaliktaran ang nangyayari. Namatay si Kapitan Inggo at di nakayanan ni (Ina) Putin ang nangyari at hinimatay. 

Nag-alsa ang mga kalalakihan. Sigaw ng patriotismo. Dahil ang inang bayang ay inaapi na nang tatlong daang taon. Sinugod ng mga Katipunero ang estacion ang Guiguinto. 

Ipinagkakayari ni (Ina) Julia ang anak niyang si Julia kay Miguel na anak ni Tadeo.  

Inutusan ni Julia si Lucas na ipagsabi kay Tenyong na ipinagkakayari na ng (Ina) Juana niya kay Miguel at naitakda na ang petsa ng kasal. 

Hindi lamang taumbayan ang may sentimyento sa mga kolonisador, kundi mga Paring Pilipino tulad ni Pari Teban. 

Inestorya ni Lucas kay Tenyong ang dalawang uri ng Pilipinong bumugbog sa kanya: ang taksil ng bayan, ang Makabebe (Macabebe Scouts) at ng mga Katipunero. 

Nalungkot si Tenyong nang nalaman ikakasal na si Julia. Kasama ang mga Katipunero, bumaba sila sa bayan. Nagkunwaring sugatan si Tenyong upang makasal kay Julia. Iyon nga ang nangyari, ikinasal sila. Sila rin sa huli. At hindi sugatan ang kanilang pag-iibigan.Walang sugat 

nung una nakita ni tenyong si anita sa dalampasigan na nahulug sa bangka tapos tinulungan ni tenyung si anita dahil nalulunud na ito dinala ni tenyung si anita sa isang pagamutan at umuwi muna si tenyung sa kanilang bahay.Pagkalipas nun may narinig si tenyung na animas ng kampana at nagpapa hiwatig ito na may namatay, at dinig na dinig iyun ng buong baryo dahil maliit lamang ang kanilang baryo at wala syang ibang nabalitaan na nagkasakit sa kanilang baryo kundi si anita lamang ibig sabihin ay patay na si anita dahil sa kagagawan ng kanyang ama na si Don Tseong. Nag pasya syang maghiganti kay Don Tseong. 

Page 5: PROYEKTO

Parabula:ANG ASO AT ANG PUSA

Isang araw, ang Aso ay nakahuli ng isang ibon. Samantalang pinagpapasasaan niya iyon, isang munting buto ang nahalang sa kanyang lalamunan. Hindi niya maalis ang bikig na napakasakit. Sa matinding paghihirap ay napahalinghing nang ubod-lakas.

Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap ng makapag-aalis ng kanyang bikig. Parang nagmamakaawang ipinangangako niya sa kaninumang mahilingan ng tulong na ibibigay niya ang anumang mayroon siya sa makaaalis ng kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan.

Tumihaya na ang Aso at ibinuka ang kaniyang bunganga. Ipinasok naman ng Pusa ang kaniyang ulo hanggang sa liig ng aso upang alisin ang bikig.

Pagkabunot ng bikig, ang Pusa ay nagsalita.

“Ibigay mo na ang aking gantimpala.”

Umangil ang Aso. Inilabas niya ang matatalim na pangil. “Magpasalamat ka, at naipasok mo ang iyong ulo sa aking bunganga at nailabas mo pa rin nang hindi ka napahamak”, wika ng Aso na wari pang nanunumbat.

ARAL:

Tuparin ang anumang ipinangako upang makuha ang tiwala ng iba.

Page 6: PROYEKTO

Ang Parabula ng Mga Bulag at ang ElepanteAng Parabula ng Mga Bulag at ang Elepante

Minsan ay may isang raha (hari) na anyayahan ang mga taong ipinanganak nabulag at ipakita sa kanila ang isang elepante.Sinunod ito ng kaniyang katulong. Sa isang bulag ay pinahawakan niya ang ulo ngelepante, sa isa naman ay ang tainga, sa isa ay ang mahabang ilong, ang isa ay angisa sa mga sungay nito sa nguso; sa isa pa ulitay ang katawan, habang ang isa ay paa, sa isa pang bulag ay ang likod at sa ibapang bulag ay ang buntot at ang dulo ng buntot.Pagkatapos nang lahat ay nagkarron ng pagkakataon upang mahawakan angelepante, tinanong ni Buddha kung ano sa palagay nila ang elepante.Ang humawak ng ulo ay nagsabi na ito ay isang kalderong lutuan.Ang humawak ng tainga ay nagsabi na ito ay isang bilao.Ang humawak ng sungay ay nagsabi na ito raw ay talim sa pang-araro.Ang humawak ng mahabang ilong nito ay nagsabing ito ay ang pangararo.Ang humawak ng katawan ay sinabing ito ay imbakan ng inani.Ang humawak ng paa ay sinabing ito ay poste.Ang humawak ng likod ay sinabing ito ay bayuhan.Ang humawak ng buntot ay sinabing ito ay pambayo. Ang humawak ng dulo ng bunto ay sinabing ito ay panglinis.Dahil sa bawa't isa ay gumigiit ng kanilang paniniwala, di kalaunan,sila ay nag-aaway-away.Ang leksiyon sa parabula. Ang bawa't nagtuturo ay may iba'ibangpaniniwala ayon sa kanilang iniisip na tama kahit sila ay tulad samga bulag na pinaniwalaan lang ang kanilang nahahawakan

ANG MABUTING SAMARITANO

Page 7: PROYEKTO

May isang taong nanlalakbay buhat sa Jerusalem patungong Jericho. Hinarang siya ngmga tu l i san , k inuha pa t i dami t sa ka tawan, b inugbog a t ha los pa tay na nang iwan .  Nagkataong dumaan doon ang isang saserdote at pagkakita sa taong nakahandusay, siya'ylumihs at nagpatuloy sa kanyang lakad. Dumaan din ang isang Levita, ngunit tiningnanlamang  n iya   i to  a t  nagpa tu loy  ng  kanyamg  lakad .  Ngun i t  may  i sang  Samar i tanong naglalakbay na napadaan doo. Nakita niya ang hinarang at siya nahabag. Lumapit siya, b inuhusan ng lang is a t a lak ang mga suga t n i to a t t i na l ian . Saka i s inakay ang tao sa kanyang sinasakyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan, at inalagaan doon. Kinabukasan,dumukot siya ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi,"Alagaan mo siya, at kung magkano man ang kakulangan niyan, babayaran ko sa aking pagbabalik."

MENSAHE:Sino nga ba abg tunay na nagmamahal sa kanyang kapwa? Ito ang katanungan sinagot ngPanginoong Hesus sa pamamagitan ng parabulang ito . At maliwanag ang kasagutan. Angtunay  na  nagmamaha l   sa  kanyang  kapwa  ay  yaong  gumagawa  ng  kabu t ihan  d i t to .Gumagawa  ng  kabu t ihan  ngun i t  h ind i  umaasa  ng  anumang  kapa l i t .   Ip inak i ta   r in sa  parabulang ito na hindi basehan ng pagiging maka-Diyos ang relihiyon at anyo. Nasagawa ang tunay na pananampalataya, at ang pinakamabisang paraan upang maipahiwatigito ay sa pamamagitan ng pagmamahal mo sa iyomg kapwa.

Ang Alibughang Anak 

Page 8: PROYEKTO

Isang tao ang may dalawang anak na lalaki. Ang wika ng bunso. "Ama, ibigay n'yo na posa akin ang mamanahin ko." At ibinahagi sa kanila ng ama ang kanyang ari-arian.Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang kanyang ari-arian at nagtungo samalayong lupain, taglay ang buo niyang kayamanan, at doo'y nilustay ang lahat sa diwastong pamumuhay. Nang malustay na niya ang kanyang kayamanan, nagkaroon ngmatinding taggutom sa lupaing iyon, at nagdalita siya. Kaya't namasukan siya sa isangmamamayan ng lupaing iyon. Siya'y pinapunta nito sa bukid upang mag-alaga ng baboy.Ibig sana niyang punan ang kanyang pagkain kahit na ng bungang kahoy na ipinapakainsa mga baboy ngunit walang magbigay sa kanya. Nang mapag-isip- isip niya angkanyang ginawa, nasabi niya sa kanyang sarili, " Ang mga alila ng aking ama ay maysapat na pagkain at lumalabis pa samantalang ako'y namamatay na sa gutom dito!Babalik ako sa kanya, at sasabihin ko, "Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindina po ako karapatdapat na tawagin ninyong anak; ibilang n'yo na lamang akong isa sainyong mga alila." At tumindig siya at pumaroon sa kanyang ama.Malayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama at ito'y labis na nahabag sa kanya, kayat patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinalikan. Sinabi ng anak, "Ama, nagkasala poako sa Diyos at sa inyo, hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong akong anak." Ngunit tinawag ng kanyang ama ang kanyang mga alila. "Madali! Dalhin n'yo rito ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya. Suutan siya ng singsing at panyapak. Kuninang pinakamatabang guya at patayin; kumain tayo at magsaya! Sapagkat namatay na anganak kong ito, ngunit muling nabuhay; nawala ngunit nasumpungan." At silay nagsaya. Nasa bukid noon ang anak na panganay. Umuwi siya, at ng malapit na sa bahay aynarinig niya tugtugan at sayawan. Tinawag niya ang isa sa alila at tinanong: "Bakit? Mayano sa atin?" "Dumating po ang inyong kapatid!" Tugon ng alila. "Ipinapatay ng inyongama ang pinatabang guya, sapagkat nagbalik siyang buhay at walang sakit." Nagalit ang panganay at ayaw nitong pumasok sa bahay. Kayat lumabas ang kanyang ama at inamu-amo siya. Ngunit sinabi nito, "Pinaglingkuran ko po kayo sa loob ng maraming taon, atkailanma'y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa'y hindi ninyo ako binigyan ng kahitisang bisirong kambing para magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan. Subalit noongdumating ang anak ninyong lumustay ng iyong kabuhayan sa masasamang babae,ipinagpatay pa ninyo ng pinatabang guya!" Sumagot ang ama, "Anak lagi kitang kapiling.

 Ang lahat ng ari-arian ko'y sa iyo. Ngunit dapat tayo'y magsaya at magalak, sapagkatnamatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay; nawala ngunit nasumpungan."

Ang Parabula ng Pariseo at ang kolektor ng buwis

Page 9: PROYEKTO

Ito ang isinalin ko sa Tagalog ng The Parable of 

the Pharisee and the Tax Collector

Luke 18:9-14

Siya'y nagwika ng parabula sa mga taong naniniwala na sila ay nasa katwiran at

gumagawa ng tama kaya kanilang kinamumuhian ang iba na inaakala nilang

maksalanan. 

"Dalawang lalai ang pumunta sa templo upang magdasal;

ang isa ay Pariseo at ang isa ay kolektor ng buwis.

Ang Pariseo ay tummayo at nagdasal ng ganito:

Panginoon, nagpapasalamant ako at hindi ako katulad ng ibang tao na mga

makasalanan, 

mapagkurakot, mga mapang-apid sa hindi nila asawa o kaya katulang ng kolektor ng

buwis na narito. Ako ay nag-aayuno dalawang beses, isang Linggo at nagbibigay

bahagi sa bawa't aking kinita."

Ang kolektor ng buwis na nakatayo sa hindi kalayuan ay hindi man lang nagtaas ng

kaniyang mata sa langit ngui't kaniyang tinapik ang kaniyang dibdib at nagwikang

Panginoon, kaawaan mo ako, isang makasalanan.

Ang sinasabi ko sainyo, itong taong humingi ng awa ay tumanggap ng awa kaysa sa

doon sa taong itinaas ang sarili niya sa mata ng Diyos. Ang mapagmalaki ay

ginagawang aba at ang nagpapakaba ay siyang pinupuri.

Page 10: PROYEKTO

Buod ng Florante at LauraAng kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sa may dakong labas ng bayang Albanya, malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay makamandag. Dito naghihimutok ang nakataling Florante na inusig ng masamang kapalaran. Ang mga gunita niya ay naglalaro sa palagay niya ay nagtaksil na giliw na si Laura, sa kanyang nasawing ama, at kahabag-habag na kalagayan ng bayan niyang mahal. 

Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang Aladin. Narinig niya ang tinig ni Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang leon ang handang sumakmal sa lalaking nakatali. Pinatay ni Aladin ang dalawang mababangis na hayop at kanyang kinalagan at inalagaan si Florante hanggang sa muling lumakas. 

Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang pinsang si Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat ng isang halkon ang kwintas niyang diyamante.  Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aral sa ilalim ng gurong si Antenor. Natagpuan niya doon ang kanyang kababayang si Adolfo na kanya ring lihim na kaaway. Iniligtas siya ni Menandro sa mga taga ni Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula sa kanilang paaralan. Tapos ay nakatangap si Florante ng liham tungkol sa pagkamatay ng sinisinta niyang ina. 

Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si Menandro, pinatay niya si Heneral Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon siya ng mga tagumpay sa labimpitong kahariang di-pa-binyagan matapos niyang iligtas si Laura sa hukbo ni Aladin na umagaw sa Albanya nang siya’y nakikipaglaban sa ibang bayan. Natalo din niya ang Turkong hukbo ni Miramolin at iba pa. Nagwakas ang kanyang pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin ang trono ng Albanya at agawin sa kanya si Laura. 

Nagpakilala ang Moro na siya’y si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong Kristiyano at ng bayan ni Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay Florante. Inagaw sa kanya ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang kanyang kasintahang si Flerida. 

Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na nag-uusap. Tumayo ang dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na nag-uusap. Si Flerida’y tumakas sa Persya upang hanapin si Aladin at nang mapagawi siya sa may dakong gubat ay nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni Adolfo, pinana niya ito at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.

Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang madakip si Florante. Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at pagdadala sa gubat. 

Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga katipan ay pawang tapat sa kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa Albanya at sina Aladin at Flerida, pagkatapos na maging binyagan at pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya.

Pag-ibig (Love)

Page 11: PROYEKTO

Jose Corazon De Jesus

Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha! Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata. 

Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata, tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.

Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso;pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro. 

Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo. . .  naglalaho, layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo.

Ang pag-ibig na dakila’y aayaw ng matagalan, parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiiman. 

Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan, at ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang. 

Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos, walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos. 

Ang pag ibig na matapang ay puso ang inaanod pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog.

Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral, tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw, 

ngunit kapag nag-alab na’t pati mundo’y nalimutan iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin at puso lamang!

Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganib ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip. Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig, pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit.

Iyang mga taong duwag na ang puso’y mahihina, umibig man ay ano pa, di pag-ibig, kundi awa. 

Kailangan sa pag-ibig ay hirap at mga luha at ang duwag ay malayong sa pag-ibig dumakila.

Ang pag-ibig ay may mata, ang pag-ibig ay di bulag, ang marunong na umibig, bawat sugat ay bulakiak. Ang pag-ibig ay masakim at aayaw sa kakabyak, 

Page 12: PROYEKTO

o wala na kahit ano, o ibigay mo nang lahat!

“Ako’y hindi makasulat at ang nanay, nakabantay.” Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal. 

Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay minamahal ka na niya nang higit pa kaysa buhay.

Kayo mga kabataang pag-ibig ang ninanais, kayo’y mga paruparong sa ilawan lumiligid. 

Kapag kayo’y umibig na, hahamakin ang panganib, at ang mga pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig!

Maikling Kuwento:

Page 13: PROYEKTO

Prinsipe Bantugan (Epiko ng Mindanao)

Story Ladder

10. Nabuhay nang maligaya si Bantugan sa piling ng kanyang mga babaing pinakasalan.

9. Pagkatapos ng labanan ay dinalaw ni Bantugan ang palibot ng Kaharian ng Bumbaran at pinakasalang lahat ang kanyang mga katipan at sila ay dinala sa kanyang kaharian.

8. Nanalo si Bantuagan sa laban nila Haring Miskoyaw sa kaharian ng Bumbaran.

7. Nang muling mabuhay si Bantugan ay nagsaya ang lahat at nagbago si Haring Madali.

6. Lumipad sa langit si Haring Madali kasama ang isang kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan.

5. Ang loro ay lumipad sa Bumbaran at kay Haring Madali at ibinalita ang pagkamatay ni Bantugan

4. Si Bantugan ay nagkasakit hanggang sa siya ay abutin ng kamatayan sa pintuan ng palasyo ng kaharian ng lupaing nasa pagitan ng dalawang dagat.

3.Nang nalaman labis na nagdamdam si Bantugan at dahil sa laki ng kanyang pagdaramdam, siya ay nangibang-bayan.

2. Dahil sa inggit sa kanyang kapatid na si Haring Madali, ipinag-utos nito na walang makikipag-usap kay Bantugan at ang sinumang makikipag-usap sa kanya (Bantugan) ay parurusahan ng kamatayan.

1.Si Prinsipe Bantugan ay isang matapang, magiting na mandirigma at panalo sa puso ng mga kadalagahan.

Page 14: PROYEKTO

Story Ladder ng Prinsipe Bantugan

1. Tagpuan Sa kaharian ng Bumbaran

2. TauhanPrinsipe Bantugan, Haring Madali, Prinsipe DatimbangHaring Miskoyaw

3. Tunggalian o Suliranin Pagkamatay ni Prinsipe Bantugan dahil sa pagod Sa paglalakbay at nagkasakit.

4. KasukdulanNakita ni Prinsipe Datimbang si Prinsipe Bantugan sa pintuan ng palasyo ng kaharian ng lupaing nasa pagitan ng dalawang dagat.

5. KalakasanKinuha ni Haring Madali ang bangkay ni Bantugan sa langit at pinilit niyana buhayin ang kaluluwa nito. At nang muling nabuhay si Bantugan ang kaharian ng Bumbaran

ay nagsaya.

6. KawakasanNanalo si Prinsipe Bantugan sa laban nila ni Haring Miskoyaw at nabuhay nang

maligaya si Bantugan sa piling ng kanyang mga babaing pinakasalan.

Ang Alamat ng Araw, Buwan at mga Bituin"The Legend of of the Sun, Moon and the Stars"

Noong unang panahon ang mundo ay pawang nababalot ng kaliwanagan. Laging magkasama and mag-asawang araw at buwan. Hindi matiwasay ang pagsasama ng mag-

Page 15: PROYEKTO

asawa dahil hindi binibigyan ng kapantay na karapatan ng araw ang kanyang asawang si buwan. Isa namang hulwarang ina at martir si buwan sa kanyang asawa at kahit na alam nyang hindi na tama ang inaasal ng kanyang asawa ay sinusunod pa din niya ito, kahit anu pang hirap ng iniuutos ng naghahari-hariang si araw. Nagbalak mamasyal si araw ngunit bago sya umalis ay inutusan niya ang asawang si buwan na ipaglaga siya ng isang punong palayok ng gabi. Marahan namang ipinaliwanag ng buwan na hindi maaring mapuno ang palayok kahit na lagain ang mga dahon ng gabi sapagkat uurong lamang ang mga ito kapag naluto. sinigawan na lamang siya ng araw at iginiit pa din ang utos nito na sa kanyang pagbalik ay dapat niyang maabutan ang isang palayok na puno ng nilagang dahon ng gabi. Naluha ang buwan sapagkat hindi maaaring mangyari ang ninanais ng asawa, ngunit inani pa din nya ang mga halamang gabi na kanyang matatanaw at nilaga. Nang makarating ang araw ay hindi pa rin puno ang palayok gaya ng inutos nya. Ipinaliwanag ng buwan na hindi talaga maari ang gustong mangyari ng araw at galit na sinigawan ang asawa sa pagkukulang nito. "Lagi ka na lang ganyan! Hindi ka marunong sumunod sa kautusan. Noong nakaraan ay inutusan kitang palitan ng ibang kulay ang asul na karagatan, at pantayin naman ang mga bundok at burol sa kanluran ngunit ano ang iyong ginawa? Ipinagkibit-balikat mu na lang ang kautusan ko." galit na sinisi ng araw ang asawang si buwan. Napuno na ang salop at galit na sinagot ng buwan ang mapang-abusong asawa. "Asawa mo ako at hindi utusan. Ako ay iyong kapantay. Kung ituturing mu din lang akong utusan ay mabuti pang maghiwalay na tayo!", maluha luhang pagtatapos ng asawa. "Kung ayan ang kagustuhan mu ay susundin ko", pagmamataas ng asawang araw. "Sa aking pag-alis ay isasama ko ang mga anak natin. Ako ang ina nila." "Isasama sila, para ano? Mamatay sa lamig mo?" ang paghahamon at panunukso ng araw. "Kung sa iyo sila sasama ay mamatay lamang sila sa init mo!" ang mariing pagtutol ng asawa. "Ako ang ang ama, sa akin sila!" dabog ng araw at hinila ang ngayo'y umiiyak na mga batang bituin.

"Ako ang tunay na nagmamahal sa kanila, at kayakap nila. Sa akin sila sasama!" Paghatak naman ng inang buwan sa mga anak niyang bituin. Sa kanilang pag-aaway at paghila sa mga bata ay nahulog sa kalawakan ang kanilang mga anak. Agad na hinabol ng ina ang mga anak na patuloy na lumalayo patungo sa kalawakan habang ang amang araw ay magiting at mapangmataas na tumayo lamang sa kanyang trono para sa pagbabalik ng kanyang asawa at mga anak. Ito ang dahilan kung bakit magiting na nakatanglaw ang mainit na araw sa tanghaling tapat, habang sa gabi naman ang buwan ay nagbibigay ng malamlam na liwanag sa karimlan ng gabi kasama ang kanyang mga anak sa bituin sa kalangitan.