rehiyon ix

75

Click here to load reader

Upload: anneugenio

Post on 22-Mar-2017

1.674 views

Category:

Education


22 download

TRANSCRIPT

Page 1: Rehiyon IX

REGION IXZAMBOANGA PENINSULA

Page 2: Rehiyon IX
Page 3: Rehiyon IX

Ang rehiyong nasa katimugan ng Pilipinas ay ang Rehiyong IX. Ito ay napapaligiran ng mga dagat. Ang dagat Sulu sa Hilaga, Dagat Celebes sa Timog at sa Silangan ay ang lalagiwan ng Misamis Occidental at Lanao del Norte. Ang Zamboanga del Norte, Zamboanga del

Sur at Zamboanga Sibugay ang bumubuo ng rehiyong ito. May apat itong lalawigan: Dapitan, Dipolog, Pagadian at Zamboanga. Ang sukat ng buong rehiyon ay humigit-kumulang sa 15,997.3 kilometrong parisukat.

Page 4: Rehiyon IX

Ang rehiyong ito ay mabundok. Sa Zamboanga del Norte matatagpuan ang pinakamataas na Bundok Dabiah.

Page 5: Rehiyon IX

Bihirang dalawin ng ulan ang rehiyong ito lalo na ang bahaging Hilaga ng Zamboanga. Nagsisimula ang tag-ulan sa buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre. Ang Zamboanga del Norte ay may mahalumigmig na klima.

Page 6: Rehiyon IX

mataas ang kinikita sa pagsasaka sa kalakhan ng rehiyon subalit mababa ang establisimyento. Sa Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte naman ay pagsasaka, paghahayupan at kaunting pangingisda. Hanapbuhay rin dito paghuhuli ng mga pawikan o pagong at ang pangongolekta ng mga itlog nito.

Page 7: Rehiyon IX

paghahayupanpagsasaka

Page 8: Rehiyon IX

pangingisda panghuhuli ng pawikan

Page 9: Rehiyon IX

pangongolekta ng itlog ng pawikan

Page 10: Rehiyon IX

Sa mga nakalipas na panahon dahil sa maraming suplay ng pangkagubatang produkto, nakilala ang rehiyon bilang angkatan ng mga kahoy. Sa kasalukuyan, ang mga torso na mula pa noong unang panahon ay nanggagaling na sa matandang kagubatan ay unti-unti nang nawawala.

Page 11: Rehiyon IX

ang lungsod na Zamboanga ang sentro ng kalakalan ng rehiyon.

kung sining ang pag-uusapan, ang Rehiyon IX ay may mga natatanging sayaw tulad ng Sua-Sua, isang sayaw sa pag-iisang dibdib; ang Singkil na sayaw ng isang Prinsesa na pinapayungan habang madamdaming humahakbang sa apat na kawayan. Halos katulad ito ng Tinikling. Ang Koprangkamanis naman ay sayaw panghukuman

Page 12: Rehiyon IX

Sua-Sua Dance Singkil Dance

Page 13: Rehiyon IX

ZAMBOANGA

Ang Zamboang na tinaguriang “Zambangan” na lalong kilala sa tawag na “Lupain ng mga Bulaklak” ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Zamboanga Peninsula. Ang lupain ay may sukat na humigit-kumulang sa 1,414.7 kilometrong parisukat at noong 1990 ay may populasyong 2,221,382 katao at itinanghal na primera klaseng lungsod.

Page 14: Rehiyon IX

Noong ika-6 ng Hulyo, 1952, ang lupain ng mga Bulaklak ay nahati sa dalawang probinsya – Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur. Ang Zamboanga del Norte ay nasa Hilagang Kanluran ng Zamboanga Peninsula. Ang nakapaligid dito ay ang Dagat Sulu sa Hilaga, Zamboanga del Sur sa Timog at Misamis Occidental sa Silangan

Page 15: Rehiyon IX

ZAMBOANGA DEL NORTE

Ang Zamboanga del Norte ay may dalasiyudad, dalawampu’t apat na munisipalidad na hinati sa limang daan at walumpu’t pitong barangay (587). Dipolog ang kabisera ng probinsya. Ito ay may kabuuang sukat na humigit-kumulang sa 607,519 ektarya o 6,075.19 kilometrong parisukat. (Almanac 430)

Page 16: Rehiyon IX
Page 17: Rehiyon IX

MGA MUNISIPALIDAD:

Leon B. Postigo Piňan (New Piňan)Baliguian Pres. Manuel A. RoxasGodod Mutia Gutalac PolancoRizal DalmanKalawit ManukanKatipunan SilayanLa Libertad SibucoLabanos Salug SibutadLiloy TampilisanSirawaiSergio Osmeňa Sr. Saindangan

Page 18: Rehiyon IX

Nagsisimula ang tag-ulan sa lugar na ito sa buwan ng Mayo hanggang Disyembre. May katamtamang temperature na 27.7 celcius at ang walumpu’t tatlong bahagdan nito ay mahalumigmig. Ang Zamboanga del Norte ay mayaman sa mga yamang mineral na kadalasang non-metalic. Ito ay ang mga durog na bato, asbestos, buhangin, graba at iba pa.

Page 19: Rehiyon IX

Durog na Bato Buhangin

Page 20: Rehiyon IX

Apatnapung porsiyento ng kabuuang lupain ng Zamboanga ay pasyalan, tatlumpu’t walong porsiyento ay taniman ng isa lamang uri ng panananim at limang porsiyento ang pinagtataniman ng iba’t ibang pananim at ginagamit sa pastulan. Ang industriya ng pagtitinda ang pinakamalaking dami ng establisimyento sa buong probinsya. Sumunod dito ay ang transportasyon, komunikasyon at pag-iimbak.

Page 21: Rehiyon IX

May magandang tanawin ang Zamboanga del Norte – ang Aplaya o tabing dagat tulad ng Sinipang Bay. May mga mahihiwagang kwebang matatagpuan sa Manuban, Katipunan, Roxas at Labason. Isa sa mga mahahalaga at makasaysayang lugar sa probinsya ng Zamboanga del Norte ay ang Dapitan Shrine kung saan si Dr. Jose Rizal ay napatapon bago siya pinatay.

Page 22: Rehiyon IX

Rizal Shrine Dapitan

Page 23: Rehiyon IX

Mayroon ding dalawampu’t anim na hotel ang Zamboanga del Norte na maaring panuluyan ng mga nais na bumisita at magbakasyon dito.

Page 24: Rehiyon IX

ZAMBOANGA DEL SUR

Ang Zamboanga del Sur ay galing sa salitang Malay na ibig sabihin ay paso o lagayan ng bulaklak. Naitatag ito sa bias ng RA Blg. 711 noong Setyembre 17,1952.

Page 25: Rehiyon IX

Matatagpuan ito sa hilagang-kanluran ng Mindanao. Nakapaligid dito ang Zamboanga del Norte sa Hilaga, Lanao del Norte sa Silangan, Dagat Mindanao sa Timog at Sulu sa Kanluran. Ang Hilagang parte ng probinsyang ito at matarik na may kaunting patag habang ang mga baybayin nito ay may bundok na nakapalibot sa buong isla.

Page 26: Rehiyon IX

Mayroon itong dalawang siyudad, apatnapung munisipalidad na nahati sa 1,107 na mga barangay.

Page 27: Rehiyon IX

Mga Munisipalidad:

Aurora MidsalipBayog MolaveDimataling PitogoDinas Ramon MagsaysayDumalinao San MiguelDumingag San PabloGuipos SominotJosefina TabinaKumalarang TambuligLabnagan TigbaoLabuyan TukuranMahayag Vincenzo A. SagunMargosatubig

Page 28: Rehiyon IX

Ang tag-ulan sa probinsyang ito ay nagsisimula sa buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre. Mula sa Disyembre hanggang Mayo nakararanas ang Zamboanga del Sur na kaunting pag-ulan, pagkulog at pagkidlat. Umaabot ang temperatura sa 27 celcius at dalawmpu’t dalawang porsiyento nito ay mahalumigmig. Karaniwang pakanluran ang hangin sa bilis na pitong kilometro bawat oras.

Page 29: Rehiyon IX

Sa kabuuang laki ng lupain ng Zamboanga del Sur, ang tatlumpu’t limang porsiyento nito ay kagubatan na pinagkukunan ng mga troso at ang iba o tatlumpu’t dalawang porsiyento naman ay ginagawang palaisdaan. Tatlumpu’t tatlong porsiyento ang pinagtataniman ng iba’t ibang pananim at anim na porsiyento ang pastulan.

Page 30: Rehiyon IX

Pagtotroso Palaisdaan

Page 31: Rehiyon IX

Mayroon ding produksyon ng mineral ang lugar na ito. Karamihan ay metallic tulad ng aluminum, ginto, tanso, nickel, chromite, pyrite, hematite at zinc. Ang mga non-metallic naman ay uling, asin, lupa, buhanging graba, asbestos, marmol, silica at iba pa.

Page 32: Rehiyon IX

Metallic

Ginto Tanso

Page 33: Rehiyon IX

Non-metallic

Marmol Grava

Page 34: Rehiyon IX

Ang Zamboanga del Sur, bilang lupain ng mga bulaklak ay may pinakamaraming uri ng bulaklak.

May magagandang tanawin dito tulad ng Pasonanca Park, ang tatlong daang Fort Pilar na kung saan naroon ang grotto ng Lady of Pilar; ang Sta. Cruz na isang islang may magagandang baybay-dagat at makukulay na mga korales at ang Barter Trade Market na bilihan ng mga gamit na pang-Muslim.

Page 35: Rehiyon IX

Pasonanca Park

Page 36: Rehiyon IX

Fort Pilar

Page 37: Rehiyon IX

Barter Trade Market

Page 38: Rehiyon IX

ZAMBOANGA SIBUGAY

Ito’y isang lalawigang matatagpuan sa Zamboanga Peninsula na may kabiserang Ipil. Ito’y naitatag noong 2001. Dating nasasakupan ng Zamboanga del Sur. Ayon sa kasaysayan, ito’y nagtangkang magsarili noon pang 1960’s. Maraming panukalang batas ang ginamit upang maihiwalay at dito nga isinilang ang Republic Act No. 8973 noong Pebrero 22, 2001.

Page 39: Rehiyon IX

Ang Zamboanga Sibugay ay may kabuuang 3,087 kilometrong parisukat. Ito ay nasa hangganan ng Hilaga-Kanlurang Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur sa may Hilaga, Sibugay ay sa gawing Silangan at Timog Kanluran ang Zamboanga City. Maraming wika ang ginagamit isa na ang Tagalog at gayundin ang wikang Ingles.

Page 40: Rehiyon IX

Maraming mapagkakakitaan ang mga tao sa Zamboanga Sibugay, tulad ng Bakery, Rice and Corn Milling, Food Processing, Rattan and Wood Furniture Production at marami pang iba.

Page 41: Rehiyon IX

Bakery

Page 42: Rehiyon IX

Rice and Corn Milling

Page 43: Rehiyon IX

Rattan and Wood Furniture

Page 44: Rehiyon IX

Literatura ng Rehiyon IX

Page 45: Rehiyon IX

Ang bugtong ayon kay Charles Francis Potter ay isang mahalagang metapora, at ito ay resulta ng pangunahing proseso mental na pagsasama-sama,at ito ay pagkakahawig at persepsyong pagkakapareho at pagkakaiba. Ang bugtong ay isang paligsahan ng kaalamn at isang paraan upang madebelop ang talas ng pag-iisip at obserbasyon.

BUGTONG

Page 46: Rehiyon IX

Para naman kay Allan Dandes at Robert George, ang bugtong ay isang tradisyonal na ekspresyon na naglalaman ng isa o higit pang elementong naglalarawan, pares na ang isa ay tutol na nangangailangan ng kasagutan na maaring hulaan

Page 47: Rehiyon IX

Ang bugtong ay isa sa pinakaunang porma ng pag-iisip. Ang mga primitibong tao ang nagpasimula ng bugtong. Subalit noon ito ay kinikilalang isang sagrado at pinaniniwalaang nagtataglay ng kapangyarihan.

Page 48: Rehiyon IX

Ang bugtong ay isang berbal na laro o isang paligsahan sa talas ng kaisipan na naging popular na libangan. Ang pagbubugtungan sa Jolo ay ginagawa kung may kasalan, sa gabi ng Ramadan, sa pagdaraos ng mga kaarawan at araw ng kamatayan o kahit na kalian basta may pagsasalu-salo ang mga grupo ng mga tao o ng mga kabataan. Ginagawa rin ito kung tinuturuan ng mga matatanda ang mga kabataan na magkaroon ng talas ng kaisipan.

Page 49: Rehiyon IX

Ang tawag ng mga Tausug sa bugtong ay “Tigumtigum” o “Tukodtukod” (mula sa salitang TUKOD na ang ibig sabihin ay hulaan). May dalawang uri ng bugtong ang mga Tausug: ang isa ay tinatanong sa isang kaswal na pag-uusap at ang ikalawa ay ang inaawit sa isang okasyon.

Page 50: Rehiyon IX

Subalit, sa parehong kaso, ang taong pinagtatanungan o taong kinakausap ay kinakailangang magbigay ng kasagutan. Subalit ang mang-aawit na siyang umawit ng bugtong ang siyang magbibigay ng kasagutan pagkatapos manghula ng mga manonood.

Page 51: Rehiyon IX

Ang bugtungan ay kadalasang ginagawa ng dalawa o higit pang tao. Ang mgha kalahok ay nagtatanong ng bugtong isa-isa sa isang grupo na siya niyang kalaban. O kaya naman, ang bugtong ay pinasasagutan sa mga bata at ang lahat ay mahahamon na sagutin ang bugtong. Kung kanino mang bugtong ang hindi masagot ang siyang tatanghaling panalo

Page 52: Rehiyon IX

Sa proseso ng panghuhula, ang kalaban ay binibigyang ng maraming pagkakataon na mahulaan ito. At kung lahat ng kanyang kasagutan ay mali, ang nagpapahula ay magtatanong kung siya ay suko na at kung siya ay suko na, ibibigay na ng nagpahula ang kasagutan ng b ugtong. Ang nagpapahula ay kadalasang nagtatanong ng : “Magapu’ na ang buwaya? ” o “sirit na?” at ang kalaban ay sasagot ng: “unu kunu’?” o “ano iyon?” at ibibigay na ng nagbubugtong ang kasagutan.

Page 53: Rehiyon IX

Narito ang halimbawa ng mga bugtong na kung tawagin ng mga taga-Rehiyon IX “tigumtigum” o “tukodtukod”

Mga Halimbawa:Salin:

Kahuykahuy baubid Isang pirasong kahoy na maliitKahuy batang baubid Na halaman na mayroong maliit na sangaDi’ magtubu ha bid hindi tumutubo sa burolSubay ha gi’tung tawid Subalit sa gitna ng dagat

Sagot: Sagot:Karbahal itim na koral

Page 54: Rehiyon IX

Salin:Tubig na liyung-liyung Tubig sa loob ng butas, walang dahon angDi’kapakpakan dahun pwedeng mahulog ditoSagot:Butung Sagot:Niyog

Jambangan hi sinyura Ang halaman ng sentoraDuringding palda Ang dingding nito ay paldaNagdahun ng nagkampilan Ang dahon nito ay katulad ng kampilanNagbunga iyukkian Namumunga ng kurbang prutasSagot:Lara Sagot:PamintaSumping ha taas kahuy Bulaklak sa tuktok ng punoNahulog magtuy mabilis na nahulogSagot:Duyan Sagot:Durian

Page 55: Rehiyon IX

SalinKahoy dangawdangan Maliit na puno isang dipaKukuhan iban bukuhan na mayroon maraming buholSumulog lahi hagpu’dangaw Tutubo hanggang sampung dipaIban jambulan in tuku At sa sanga nito ay puno ng guhit Sagot:Tubu Sagot:Tubo

DORI-DORI SINGKILDori-dori Singkil

Mang Manuel dagilMang Iskong KoliroyAt Mang Juan Bambo

AWITING BAYAN

Page 56: Rehiyon IX

INAKU DURINGDING(Awiting Bayan mula sa Zamboanga)

Inaku duringdingUmaga na yata

Nagtitilaukan naAng manok sa lupaKaya’t ang sabi koSa matanda’t bataMatulog na ngayon

Bukas ay gawa.

Page 57: Rehiyon IX

In waku kamaasan pa, in manga tau ha dunya naginuinui bang manhi naguulan. Dum adlaw tiyali nila sa ‘wa sa makabayta’. Sarta’ hambik adlaw, nakabut in suysuy pa Tuhan.Laung sin tuah, “Jarabial, kari kaw kunu”. Baytai in sanga manusya’ na hagkan magulan sabab namangyu’ in maga biraddali”.Ni miyuda na in Jabarail ampa madtu biyaytaan in manga tau in kahalan sin Pagbubugs sin pagbayta’ minuwi’ na ni Jabarail pa surga’.

MGA ALAMAT

Page 58: Rehiyon IX

ANGHEL SA KALANGITANNoong unang panahon ang mga tao sa mundo

ay nagtataka kung bakit umuulan. Umaga hanggang gabi ay nag-iisip sila, subalit wala ni isa sa kanila ang makpagsabi. Ngunit isang araw, ang kanilang katanungan ay umabot sa Diyos.

Sabi ng Bathala, “Gabriyel, msgtungo ka sa mundo at sabihin mo sa mga tao na umuulan dahil ang mga anghel ay naliligo.”

Dahil dito, pumunta si Gabriyel sa mundo at sinabi sa mga tao na umuulan dahil sa naliligo ang mga anghel. At si Gabriyel ay bumalik na sa langit.

Page 59: Rehiyon IX

IN DUWA BUDIn waktu in kasamaan, awn duwa bagu matiyaun, Mabaya’ sila

timabaw pa maas nila sa Sambuangan. Namaid na sila sa ina’ iban sin babai’ in tumulak sila pa sa Sambuangan tumibaw aipa pa ina’ iban ama’ sin usug. In tuyugatan na sila, namus na sila sakayan sin aman’ sin babai’. Piyadayaw si sakayan niya. Salta’ siyulayan niya na in layag, sarang tuud

iban malindug. Pagga na Ti’mus na siya nagadjal sin kalampakan sin sakayan, liyuwanan niya subay sila tumulak sin adlaw jumaat.

Si adlaw jumaat subusubu, timulak na sila. Sin ha laud na sila, awa na hangin ampa sila naglalataran tudju pa laud sin lupa’sug, sampay sila nakaabut pa daig sin pu’ lampinigan ha pu’ sin Basilan. Pagabut hangka pitu dumating na sila pa Sambuangan. Ampa sila nanaug, miyanaw na sila pa bay sin ama’ sin niya. La nakasakal na sial pa taas bay, siyum nila in lima sin ina’ iban ama’ sin usug. Ampa nagbalik in usug pa sakayan, kiyawa’ niya in lutu nila, diya na niya pa bay. Landu’ makug in ina’ iba ama’ sin usug in nakaasawa nila usug pa marayaw dagbus iban marayaw addat.

Page 60: Rehiyon IX

Pagg tahun in makalabay, namaid da isad in babai’ ha manga uganugan nila, ampa sila tumulak da ha jumaat timulak na sila pa lupa’ sua landu’ malanu’ in dagt Sali’ lana iban uway tuud kaalunalan. Tinatagad sila ng hangin. Bukun maluguy timumbuk na in hangin utara’ sa’ sadja’ nagpatuud tudju pa liyu sin pu’Basilan. Sin malum dum na, napinda na in hangin. Tumigidlum na in hula’. ampa na naghunus. Yaun sila ha gi’tung tawid; di’ na sila makauntas atawa makatapuk pa taykud sin pu Basilan. Bukun maluguy dumatung in hangin makusug inpagbabasahun naghuhunus na. Di’ nila na kaugpangan sa’ sadja’ nagpaanud sampay sila kiyugan sin d kula’alun panjang. Magtuy sila iyanud. Namintaminta na sila, bang sila maabut na malunod ampa sila mamatay.

Page 61: Rehiyon IX

“Oh, Tuban ku’, laung sin usug,’ duli tuud akti bang maabot na matay bang mayan mahinang duwa bud.

Pagga sila simanga na pa tuhan iban nabi; pagubus nila sadja’ namissara ampa sila nakalaruk sila naggulgul. Sukun malugay dinatung sa kanila in duwa alun dakula’ ampa nakalaruk sila pa laud. Suay sila nakaguwa’ Bukun malugot gimuwa nain duwa bud sa laud ha gi’ting sin tawid. Ampa di masagda sin manga tau sa lauding kanilang bang kita tudju pa Sambuangan atawa p Luwa’sug. Tila silaun kita. Amu ini in katakataka sin duwa atawa siway bullud.

Page 62: Rehiyon IX

SALIN:ANG DALAWANG BUNDOK

Noong unang panahon, may mag-asawang bagong kasal lamang. Gustong-gusto nilang bisitahin ang magulang nila sa Zamboanga. Isang araw, nagpaalam sila sa magulang ng babae na pupunta sila sa Zamboanga. Nang sila ay payagan, hiniram nila ang vinta at ang layag ng ama ng babae. Inayos ng lalaki ang vinta at ang layag. Sinubukan nila ang layag at ito ay maayos naman. Pagkatapos nila sa pag-aayos ng vinta, pinuno nila ito ng pagkain at sila ay naglayag isang araw ng Biyernes. Umaga pa lang ng araw ng Biyernes ay nagsimula na silang maglayag. Habang sila ay naglalayag naitulak nang malakas na hangin ang kanilang vinta patungo sa karagatan ng Sulu hanggang narating nila ang Lampingan sa Basilan.

Page 63: Rehiyon IX

Pagkatapos ng isang linggo ay narating din nila ang magulang ng lalaki. Masaya ang magulang ng lalaki at ang kanilang anak ay nakapag-asawa ng mabait at magandang babae.

Isang araw, pagkalipas ng isang taon, nagpaalam na ang babae sa kanyang biyenan. Araw rin ng Biyernes nang sila ay umalis patungo sa Jolo. Ang dagat ay tahimik at walang makitang alon. Naghintay sila na umihip ang hangin. At nagsimula ngang umihip ang hanging amihan. At nang hatinggabi na, ang ihip ng hangin ay nagbago, at ang kapaligiran ay dumilim biglang nahkaroon ng bagyo. Wala na silang masisilungan dahil sila ay nasa gitna na ng karagatan.. Hindi nila mapigil ang vinta dahil sa lakas ng hangin. Habnag hinahampas ang kanilang Bangka ng alon, sila ay nagdasal na lamang sa Diyos.

Page 64: Rehiyon IX

“O Diyos ko, pagpalain mo po kami. At kung kami po ay mamamatay san po ang kawayan namin ay maging dalawang kabundukan,”sabi ng lalaki .

Pagkatapos nilang magdasal sa Diyos at sa propeta nilang si Mohammed, nagyakapan silang dalawa. Pagkalipas ng ilang sandali sila ay tinamaan ng malaks na alon sila ay tumilapon sa dagat. Hindi na sila nakita. Pagkatapos ng bagyo ay lumitaw ang dalawang bundok sa gitna ng karagatan. Ito ang pinagmulan ng dala ang kabundukan na nakatayo sa karagatan. Sa pagitan ng Zamboanga at Jolo.

Page 65: Rehiyon IX

KWENTONG BAYANMANIK BUANGSI

(Kwentong bayan muloa sa Zamboanga)Noon ay may isang sultan na may pitong dalaga.

Ang bunso ang pinakamaganda sa lahat. Ang kanyang pangalan ay Tuan Putli. Nang magdalaga si Tuan Putli ay maraming dugong bughaw ang lumigaw sa kanya. Ngunit hindi niya pinansin ang mga ito, sapagkat sa kanyang panaginip ay nakita niya ang laalki na kanyang iniibig. Siya ay si Manik Buangsi.

Datapwat si Manik Buangsi ay hindi pangkaraniwang tao, siya ay nilalang na walang kamatayan at nakatira sa pook ng mga bathala. Sa panaginip lang niya dainadalaw sa Tuan Putli. Kung kayat kinausap niya si Allah pumayag naman si Allah na bumaba si Manik Buangsi sa lupa.

Page 66: Rehiyon IX

Si Manik ay nag-anyong isang ginintuang bayabas. Napasakamay siya ng isang matandang babaeng pulubi. Nang bigyan ni Tuan Putli ang babae ng limos ay ibinigay naman ng pulubi ang prutas sa kanya.” Itanim mo ito sa iyong hardin.” ang bilin ng pulubi ka Tuan Putli. “ Ang bungang ito ay siya mong kapalaran”.

Itinamin ni Tuan Putli ang bunga. Tumubo agad ito at nagbunga ng marami. Pinitas nito ang pinakamalaki at pinakamagandang bunga at iyon ay dinala niya sa loob ng kanyang silid.

Sa loob ng bungang iyon ay naroon si Manik Buangsi. Sa gabi, nagmumula sa bungang iyon ang isang kakaibang liwanag. Pagkatapos, lalabas sa Manik Buangsi at panonoorin ang mukha ng isang magandang dayang-dayang . Saka lamang bumalik sa loob ng bunga kapag tumilaok na ang manok. Gayon na lamang ang pagtataka ng dalaga “ Kung gayon, isa kang katotohanan!” bulalas ni Tuan Putli.

Page 67: Rehiyon IX

Ngumiti si Manik Buangsi. “Oo,” wika niya at narito ako upang pakasalan ka.”

Naganap ang kasalan nina Tuan Putli at Manik Buangsi sa piging na iyon at bumaba ang mga bathla mula sa kalangitan upang masaksihan ang pag-iisang dibdib ng dalawa.

Nanatili sina Manik Buangsi at Tuan Putli dsa lupa. Sa kabilang dako, nangimbulo ang mga kapatid ni Tuan Putli sa kanyang magandang kapalaran. Hanggang naisip ng tatlong dalaga na sirain ang magandang ugnayan ng dalawa.

“Hindi ka dapat magtiwala sa asawa mo,” sabi ng isa kay Tuan Putli.

“Maaaring isa lamang siyang masamang espiritu!”“Maganda siyang lalaki.” Wika naman ng isa pa. “Sigurado

mo bang ikaw lang ang babaengcminamahal niya?”“Sa tingin ko ay isa ka lamang sa mga babaeng dumaan

sa buhay niya,” sabi sa kanya ng isa pa, “ Paluluhain ka niya balang araw.

Page 68: Rehiyon IX

Dahil sa patuloy na paninira ng kanyang mga kapatid ay tuluyan nang nalason ang kanyang isipan. Naging selosa si Tuan Putli sa kalaunan. Palagi na niyang kaaway si Manik Buangsi. Hanggang sa dumating ang panahon napuno na si Manik Buangsi. Nagpasiya siyang bumalik na siya sa kanyang pinagmulan. Sa kapangyarihang taglay niya ay biglang isang mabikas na maputing kabayo at isang krus ang lumitaw. Nagsisi si Tuan Putli ay nagmakaawang isama siya ni Manik Buangsi. Pumayag naman siya.

Sa kanyang paglalakbay ay biglang binalot sila ng makapal na alikabok. Ang mga dahon ng mga damo sa paligid ay nagmistulang krus. Ngunit buong araw na sinagupa ni Manik Buangsi ang lahat. Hanggang sa dumating sila sa isang mahaba at isang makipot na tulay. Sa ilalim ng tulay ay isang ilog na kumukulo at mula roon ay maririnig ang daing ng mga nagdurusa.

Page 69: Rehiyon IX

Mahigpit ang yakap ni Tuan Putli sa baywang ng asawa. “ Hindi ako magdidilat ng mata,” pangako niya. “Pipikit ako!”

Nagsimula silang tumawid sa makipot na tukay. Sakay ng kabayo. Ngunit hindi kaginsa-ginsa, biglang nakarinig ng tinig si Tuan Putli. Siya ang tinatawag nito, “Tuan Putli! Tuan Putli! Tuan Putli!” daing ng tinig. Ang boses na iyon ay tulad ng boses ng kanyang yumaong ina.

Hindi na nakapigil pa si Tuan Putli. Tumingin siya sa ibaba at bigla rin siyang hinigop ng hangin pababa.

Walang nagawa si Manik BUangsi. At alam na niyang nawala na sa kanya ng tuluyan ang kanyang asawa. Mahirap talaga para sa isang tao ang umakyat sa langit sapagkat kadalasan ay hindi tayo marunong making sa paalala.

At marami ang katulad ni Tuan Putli, marami ang katulad niya na ayaw tukungan ang sarili.

Page 70: Rehiyon IX

MGA MANUNULAT SA REHIYON IXDescallar, Antonio

Nag-aral siya sa isang pampublikong paaralan at nagtapos ng kanyang pag-aaral sa Misamin Occidental Institute at sa College of Law sa AU, nagwagi siya ng unang gantimpala sa timpalak sa pagsulat ng tula na ginanap noong 1949.

Kauna-unahan niyang tula na napalimbag sa isang pambansang magasin ay ang “Now Before the Conqueror”.

Page 71: Rehiyon IX

Enrique, Antonio Siya ay sumulat ng mga maikling kwento tungkol

sa mga Kristiyano at mga Muslim sa Timog na nakatagpo at nakasalamuha niya sa buhay, tungkol sa probinsya, bayan at mga baryong tinirhan at binisita ang tungkol sa mga obserbasyon at mga karanasan. Ang kanyang matingkad na karanasan at pananaw sa mga tao at lugar sa simpleng mga salita, ang kanyang istilong madaling maintindihan ang mga katangiang kinagiliwan ng kanyang nga mambabasa.Lumabas sa mga pambansang limbagan ang kanyang tatlumpong maikling kwento at isang akdang isinalin niya sa ibang wika at lumabas sa Korean Magazine Playmate.

Page 72: Rehiyon IX

Enriquez, Ignacio AlvarezIpinanganak sa Zamboanga City kung

saaa din niya tinapos ang kanyang pre-college education. Pumunta sa Au, kung saan niya tinapos ang AV Degree (1951) at matapos iyon ay nag-aral siya sa University of IOWA. Bilang iskolar ay narating niya anf University of Madrid. Pinagkalooban siya ng salapi ng pamilya ng Zobel de Ayala. Mula noon sinimulan niyang sulatin ang kanyang nobelangh “The House Juan” na hindi naipalimbag.

Page 73: Rehiyon IX

Noong 1956, sinimulan niyang sultalin ang nobelang “ The Devil Flower”. Sa Yaddo Foundation, Sarragota, Springs, New York at ipinagpatuloy niya ang pagsusulat sa nobela sa isang Writer’s Workshop sa State University of IOWA. At natapos ito sa six month Fellowship sa Huntinghon Hartfort Foundation. Dalawa sa kanyang maiikling kwento ay nagwagi sa Philippine Free Press Short Story Contest. “ Death of a House” ikalawang gantimpala, 1951 at “Doll”, ikatlong gantimpala. Noong Pebrero 20, 1971 ay ipinalabas sa UE Auditorium ang dulang “As Between two Mirrors” na kanyang sinulat at hinango sa kanyang nobela. Ang iba pang aklat niya ay na nailimbag ay ang “Three Philippine Epuc, Play at House of Images” (1935) at ang “The White House of Alia at Other Stories” (1985)

Page 74: Rehiyon IX

Tumanggap siya ng dalawang gantimpala sa Palanca sa kanyang maikling kwento sa Ingles, ikatlo noong 1969, una noong 1973, panalimbag ng Writers association of Dumaguete City ang kanyang aklat, “Spots on their Wings”.

Acas, OliviaBaguhan pa lamang sa larangan ng pagsulat ng tula ngunit ang

kanyang mga nasulat ay naipalimbag sa pambansang palimbagan.

Jubaira, Ibrahim A.Siya ang kauna-unahang Fictionist sa Zamboanga na

ginantimpalaan ng Certificate of Presidential Merit in Literature for Itching the Filipino-Muslim sa kanyang panahon

Page 75: Rehiyon IX

Villa, GonzaloIsang manunulat ng maikling kwento,

mananaysay, ipinanganak sa Zamboanga City ng isang pamilyang maykaya sa b uhay. Una niynag kwentong ang “When Death Struck”.

Nagwagi siya sa pambansang paligsahan sa pagsulat ng sanaysay noong 1946, ito ay pinamagatan na “The Role of American in the Rehabilitation of the Philippines”.

Kabilang sa mga isinulat niyang nagwagi ng gantimpala ay ang “Footnote of America” na pinalitan niya ng “Death of iIlusion, Bari Miracle at Vioce in Roma”. Itinigil niya ang pagsusulat upang tapusin ang kursong abogasya saubalit muling susulat kung hinihingi ng pagkakataon.