reviewer in filipino, lapg

9
PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot. Ang Asong si Blackie 1. Matalino ang aking asong si Blackie. Alam ba ninyo kung bakit? Nauutusan ko siyang kumuha ng kahit na anong bagay. Kapag itinuro ko sa kanya ang isang bagay, kinukuha niya iyon at dinadala sa akin. Kapag naghagis ako ng isang bagay, nauutusan ko siyang kunin yon. Pag kagaling ko sa eskwelahan, heto na si Blackie, Kagat- kagat ang tsinelas ko at ininlalapag sa aking harapan. Matalino siya, hindi ba? Ano ang katangian ni Blackie? a.Mabangis b. maamo c. matalino d. masipag 2. Tukuyin ang paksa ng sumusunod na talata. Nang papunta siya sa eskwelahan, naalala niyang hindi niya nadala ang kanyang aklat. Subalit malayo na siya sa kanilang bahay, kaya nagpatuloy na lamang siya sa paglakad. Pagdating niya sa palaruan ng eskwelahan, naghihinatay na ang ibang batang pinangakuan niyang pahihiramin ng bola. Nakalimutan din niyang dalhin ang bolang ipinangako niya. Dapat sana’y nagging leksyon na ito sa kanya, ngunit nang tumunog ang kampana at magpunta na siya sa klase, naiwan naman niya ang kanyang pangginaw sa palaruan. a.Tungkol sa pangginaw b. Tungkol sa batang makakalimutin c. tungkol sa boa d. Tungkol sa aklat 3. Basahin ang grupo ng mga pangungusap. Pagsunud- sunurin ang mga pangyayari. I.Tinawag siya ng titser. II.Pinuri ng titser si Mariel dahil sa pagkakasagot niya sa tanong nito.

Upload: richardraqueno

Post on 17-Feb-2016

105 views

Category:

Documents


7 download

DESCRIPTION

Reviewer in Filipino, Lapg

TRANSCRIPT

Page 1: Reviewer in Filipino, Lapg

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.

Ang Asong si Blackie1. Matalino ang aking asong si Blackie. Alam ba ninyo kung bakit? Nauutusan ko siyang kumuha ng kahit na anong bagay. Kapag itinuro ko sa kanya ang isang bagay, kinukuha niya iyon at dinadala sa akin. Kapag naghagis ako ng isang bagay, nauutusan ko siyang kunin yon. Pag kagaling ko sa eskwelahan, heto na si Blackie, Kagat- kagat ang tsinelas ko at ininlalapag sa aking harapan. Matalino siya, hindi ba?Ano ang katangian ni Blackie?a.Mabangis b. maamo c. matalino d. masipag2. Tukuyin ang paksa ng sumusunod na talata.

Nang papunta siya sa eskwelahan, naalala niyang hindi niya nadala ang kanyang aklat. Subalit malayo na siya sa kanilang bahay, kaya nagpatuloy na lamang siya sa paglakad. Pagdating niya sa palaruan ng eskwelahan, naghihinatay na ang ibang batang pinangakuan niyang pahihiramin ng bola. Nakalimutan din niyang dalhin ang bolang ipinangako niya. Dapat sana’y nagging leksyon na ito sa kanya, ngunit nang tumunog ang kampana at magpunta na siya sa klase, naiwan naman niya ang kanyang pangginaw sa palaruan.a.Tungkol sa pangginawb. Tungkol sa batang makakalimutinc. tungkol sa boad. Tungkol sa aklat3. Basahin ang grupo ng mga pangungusap. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari.

I.Tinawag siya ng titser.II.Pinuri ng titser si Mariel dahil sa pagkakasagot niya sa tanong nito.III.Nag-aral ng mabuti ng leksyon si Mariel.IV. Pumasok siya sa klase kinabukasan.

a.III-IV-I-II b. IV-I-III-II c. III-IV-II-I d.I-II-IV-III4.Alin ang mainam na pamagat sa pangyayari o kwento?

Malakas ang ulan noong Sabado. Gumawa kaming magkakaibigan ng silungan. Doon kami nagkwentuhan sa loob ng silungang iyon. Hindi kami tumatayo sapagkat mababa lamang ang silungan. Napasarap kami ng kwentuhan. Nalimutan kung mababa an gaming silungan. Tumayo akong bigla, kaya’t bumagsak ang silungan.

a.Ang Malakas na Ulan b. Kaming magkakaibiganc.Masarap na Kwentuhan d. Ang Silungan

Page 2: Reviewer in Filipino, Lapg

5. Nagulat si Jose Marie nang may humawak sa likod niya. Ang pariralang nakasalungguhit ay__________.

a. bunga b. sanhi c. opinion d. katotohanan6. Piliin ang wakas ng pangyayari: Sunud-sunod na dumating ang mga bagyo sa Pilipinas.

a.Nagkaroon ng magandang bahaghari.b.Nagkaroon ng paghaba at pagkasira ng pananim sa iba’t ibang lugar.c.Nagkagulo ang mga hayop.d.Gumanda ang kapaligiran.

7. Ipinupunla ang palay sa lupang maputik at matubig.Ito’y halimbawa ng __________.

a.katotohanan b. opinyon c. bunga d. sanhi8. Alin sa mga kasarian ng pangngalan ang tumutukoy sa guro?

a. walang kasarian b. di-tiyakc. pambabae d. panlalaki9. Ang radio ay __________.

a.walang kasarian b. di-tiyak c.panlalaki d. pambabae10.-13. Punan ng wastong salita ang mga patlang.10. Si Cris, si Wilma, at ako ay may dalang bag. ________ ay papasok na sa paaralan.

a.Sila b. Kayo c. Kami d. Tayo11. __________ sa malayo ang kubo.

a. Hayun b. Dito c. Ganyan d. Heto12. Si Andres Bonifacio ay _________.

a. mabangis b. malabo c. matapang d. mataas13. Kung papalarin tayo, ________ tayo ng isang malaking bahay.

a. nakagtatayo b. makapagtatayoc. nagtatayo d. nakatayo

14. Bibigyan ko ng gantimpla ang matulungin _________ bata.a. at b. ng c. na d. g

15. Sagutin ang tanong.“Kailan kayo lilipat ng tirahan?’’a.Bukas b. Bukas lilipat.c. Bukas kami lilipat ng tirahan.d. Lilipat kami sa Laguna.

16. Anong uri ng pangungusap ito?‘’Bigyan mo ako ng makakain.” a.Patanong b. Padamdam c. Pasalaysay d. Pautos

Page 3: Reviewer in Filipino, Lapg

17. Alin sa mga sumusunod ang nasa wastong ayos?a. brilyante, drama, trumpo, plorerab. plorera, drama, brilyante, trumpoc. brilyante, drama, plorera, trumpod. drama, brilyante, plorera, trumpo

18. Aling grupo ng mga salita ang nakapaloob sa salitang kailangan?a. kalian, langgam, alam, kalang b. kainan, alanganin, alukinc. ilan, kaing, kaila, laga d. tangan, nagalit, ikalang

19. Alin ang mga salitang magkasalungat?a. buhok-suklay b. nabighani-naakitc. sakim- mapag-imbot d. maliksi-malaki

20.-21. Piliin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap.20. Naghanda ng kiping ang kanilang pamilya noong nagdaang pista.

a. Malaking sanga at dahonb. Isang pagdiriwang na ginagawa sa Lucban, Quezonc. Hayop na katulad ng kalabaw na matatagpuan sa kagubatan ng Mindorod. Kakaning gawa mula sa galapong na bigas na iba’t iba ang hugis

21. Ang yaya ng bata ay masayahin.a. natuwa b. tagapag-alaga c. tao d. pagsama

22. Basahin ang kwento. Pagkatapos, sagutin ang tanong.Mahaba na ang aking buhok. Ayaw ko itong ipaputol. Ibig ko itong humaba

nang humaba. Isang araw, isinama ako ng Tatay sa pupuntahan niya. “ Sandali lamang tayo,” ang sabi pa niya. Sumama naman ako. Nagulat ako nang makarating kami sa sinasabi ni Tatay na pupuntahan niya.Ano ang wakas ng kwento?

a.Nakarating kami sa simbahan.b. Nakarating kami sa isang pagupitan ng buhok at doon kami nagpagupit.c. Nakarating kami sa opisina ni Tatay at kumain kami roon.d. Nakarating kami sa paaralan.

23. Pag-aralan ang balangkas. Punan ang nawawala rito.I. Mga Gamit ng Damo A. Bilang dekorasyon B. Bilang pagkain

1. ng tao2. ng iba’t ibang hayop

II.______________________A. Lupang walang tanim

Page 4: Reviewer in Filipino, Lapg

B. BukidC. Hardin

Piliin ang sagot mula sa mga sumusunod: A. Mga Lugar na Tinutubuan ng Damo

B. Mga Lugar na Masukal C. Mga Lupa D. Mga Uri ng Damo

24. Isa itong aklat o serye ng mga aklat na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa lahat ng sangay ng kaalaman.

a. Diksyunaryo b. Almanac c. Atlas d. Ensayklopidya25.Alin sa mga pangungusap ang wasto ang pagkakasulat?

a. Ipinanganak ako noong Ika-12 ng Agosto, 1999.b. Nagsimba kami noong Linggo?c. Purihin natin ang Maykapal dahil siya ang lumikha sa atin.d. Maari ba tayong magdasal.

26. Ito ay bahagi ng liham kung saan nakasulat ang pagbati sa taong pinadalhan ng sulat.

a. Bating Panimula b. Bating Pangwakasc. Katawan ng Liham d. Pamuhatan

27. Piliin ang tamang salawikain para sa sumusunod:Ang batang si Gabriel ay masipag mag-aral. Siya ay palabasa at mahilig sa

mga aklat. Iminulat siya ng kanyang inang guro na mahalin ang mga aklat. Sa kanyang paglaki, nais din ni Gabriel na maging isang guro tulad ng kanyang ina.

a.Kapag may itinanim, may aanihin.b. Kung ano ang puno ay siya rin ang bunga.c. Kapag may tiyaga, may nilaga.d. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

28. Piliin ang pangunahing paksa sa talata._______________________________ . Binibihisan niya ito at inaalisan ng

damit. Pinaliliguan niya ito’t sinusuklay na parang bata. Lagi niya itong dala-dala sa paglalaro. Kapag naglaro sila ng ibang bata, kunwari ay kalaro rin nila ang manika.

a.mahilig akong maglaro ng manika.b. Ang sanggol ay maliit pa.c. pinakagustong laruan ng isang batang babae ang manika.d. Pinakagustong laruan ng isang batang lalaki ang robot.

29. Sa isang liham-pangkaibigan, alin ang tamang pagsulat sa bating panimula?

Page 5: Reviewer in Filipino, Lapg

a. Mahal kong kaibigan, b. Mahal kong Kaibigan,c. Mahal Kong kaibigan d. Mahal kong Kaibigan:

30. Ito ay isang aklat na mapagkukunan ng kahulugan ng mga salita.a. Ensayklopidya b. Almanacc. Atlas d. Diksyunaryo

31. Ipinatawag ng inyong punungguro ang iyong gurong si Bb. Brasas, kaya nang dumating ang kanyang kapatid ay hindi siya dinatnan niti sa silid-aralan. Ano ang sasabihin mo?

a. Magkikita po kayo mamaya.b. Wala po rito si Bb. Brasas.c. Saka nap o kayo bumalik.d. Maghintay lamang po kayo sandal. Maupo po muna kayo.

32. “Tao po! Tao po!” Sumilip ka sa inyong bintana. Nakita mong tumatawag ang isang babaeng hindi mo kilala. Ano ang iyong gagawin at sasabihin?

a. Bubuksan ko ang pinto at sasabihin kong “Sino po ang kailangan ninyo?”b. Bubuksan ko ang pinto at sasabihin kong “Bakit po?”c. Bubuksan ko ang pinto at sasabihin kong “Wala pong tao rito.”d. Bubuksan ko ang pinto at sasabihin kong “ Bukas nap po kayo bumalik.”

33. May sinisipi kayong talata sa pisara. Ang iba sa iyong mga kaklase ay nakatayo. Hindi mo tuloy Makita ang iyong kinokopya. Ano ang sasabihin mo sa kanila?

a. “Sana naman ay huwag kayong magsitayo.”b. “Upo! Upo na naman kayo at hindi pa kami tapos sa aming kinokopya.”c. “Isusumbong ko kayo sa ating guro!”d. “Maaari ba kayong magsiupo? Hindi kasi naming makita ang nakasulat sa

pisara.’’34. Anong katangian ang taglay ng tauhang nagsasabi ng sumusunod?“Ay! Bakit umuuga ang bahay?...Bakit?....”

a.mainisin b.mausisa c.nerbyosa d.matapobre35.” Huwag kang magbilad sa araw. Magkakasakit ka na naman. Doon ka sa lilim ng punong iyon.”

a. mapagtiis b. mapagkawanggawa c. maalalahanin d.madasalin36.-40. Basahin at unawaing mabuti ang talataan sa ibaba. Sagutin pagkatapos ang mga tanong na kasunod.

Ang BuniAng buni ay isang uri ng sakit sa balat. Ito ay nakahahawa. Ang buni ay

sanhi ng organismong kauri ng amag. Maliliit at kumpol-kumpol na butlig ito

Page 6: Reviewer in Filipino, Lapg

kung lumalabas sa balat.Kailangang agapan at gamutin ito agad dahil talagang mabilis itong kumalat.

Maiiwasan ang buni kung pananatilihin ang kalinisan sa katawan. Kailiangan ding maging malinis palagi ang twalya, damit, at iba pang personal na gamit.

Sa ngayon ay din a gaanong suliranin ang pagkakaroon ng buni. Marami nang makabagong gamut na pamahid ditto.36. Paano kung lumitaw sa balat ang buni?

a. Magaspang at bukol-bukolb. Kumpol-kumpol ang maliliit na butligc. Tila mga butlig na may lamang tubigd. Hiwa-hiwalay ang maliliit na butlig

37.Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng buni?a. Palaging magpupunas ng malinis na twalya.b. Magbihis ng bagong damit.c. Panatilihin ang kalinisan sa katawan.d. Magsepilyo ng ngipin araw-araw.

38. Bakit nakakatakot madikit o mapalapit sa taong may buni? Dahil ito ay _______.

a.makati b. masakit c. nakapagpapasungit sa mahahawa d. nakahahawa39. Bakit kailangang magamot kaagad ang buni? Dahil ito ay ____________.

a. medaling kumalat at makahawa b. makatic.mahirap pigilin d. nakaiinis

40. Bakit ngayon ay hindi na gaanong problema ang sakit na ito?a. Marami nang mga makabagong gamut na pamahid na mabibili ngayon.b. Magagaling ang mga doctor ngayon.c. Marami nang ospital ngayon.d. Malinis na ang tubig.

41.-43. Piliin ang angkop na pananda ng tiyak na pangalan ng tao.41. Nawawala ang payong ________ Jennica.

a. ni b. si c.sina d. nina42. _______ Vicente ang tulang iyon.

a. Si b. Ang c. Ni d. Kay43. Nagpunta _____ Mark at Marjorie sa kantina.

a. si b. Sina c. ni d. nina44. Ang ______ ay tawag ng paggalang sa babaeng may asawa.

a. Ginang b. Ginoo c. Binibini d. Mister45. Ang ______ ay tawag ng paggalang sa isang lalaki, amy asawa man o wala.

Page 7: Reviewer in Filipino, Lapg

a.Ginang b. Ginoo c.Misis d. Binibini