s nawa’y ipanalangin natin: women of hope · pdf filenatin na sa tuwing ang pagbubuntis...

2
Ang Women of Hope ay naisasahimpapawid sa mahigit 65 na mga wika. Ang buwanang mga panalangin ng Project Hannah ay naibabahagi sa 85 na mga wika. S Sa halos 56 milyon na kaso ng pagpapalaglag sa buong mundo kada taon, halos hindi mabilang ang mga kababaihang nakararanas ng pagdurusa, labis na hinagpis sa nagawa na siya namang nauuwi sa depresyon. Habang ang mga sumusuporta sa pagpapalaglag ay nagsasabing ipinaglalaban naman daw nila ang kalayaan ng mga kababaihan na pumili, subalit ang katotohanan ay pakiramdam nga ng maraming mga kababaihan na mga nagdadalang tao ng hindi inaasahan ay wala silang kalayaan at wala ng iba pang magagawa. Nakararamdam sila ng pagkatakot at tila ba napabayaan na lamang sila, at niniwalang ang pagpapalaglag na lamang ang tangi nilang magagawa. Dahil sa ang pagpapalaglag ay ligal at sinusuportahan ng kanilang mga kultura, marami sa mga kababaihan ang naniniwalang tama lamang na gawin nila ito. Sa kabila niyan, marami parin naman ang nakapagtatantong ang pagpapalaglag ay hindi lamang pumapatay sa mga inosenteng buhay ng mga sanggol kundi mayroon ding negatibong mga epekto sa buhay ng mga kababaihan. Ang mga sayantipikong mga pag-aaral sa Australia, Denmark, China, Finland, India, New Zealand, Sweden, Turkey, at iba pang mga bansa ay nagpapakita na ang pagpapalaglag ay talagang mapaminsala sa mga kababaihan. Maging ang mga ginagamit ng mga gamot para dito ay nakapagdudulot ng mga komplikasyon na mangangailangan ng sensitibong paglulunas at minsan pa’t maaring mauwi sa kamatayan. Ang operasyon sa pagpapalaglag ay maaring humantong sa nakamamatay na kondisyon kagaya ng labis na pagdurugo at impeksyon. Maaari din nitong mahadlangan ang pagbubuntis pa sa hinaharap, pagkamatay ng sanggol sa sinapupunan at napakaagang paglabas ng sanggol at di sinasadyang pagkalaglag ng bata. Ayon din sa pag-aaral posibleng maging dahilan ito ng pagkakaroon ng kanser sa dibdib. Bukod pa diyan, marami sa mga kababaihan ang napahihirapan ng labis na problema sa kaisipan, at ng matinding pasakit sa kanilang espiritu matapos nilang magpalalaglag. Marami sa mga kababaihan ang naturuan na ang kanilang supling diumano ay kung anong laman lamang. Ang ilan sa mga sumusuporta sa pagpapalaglag ay hindi sumasang-ayon sa mga katotohanang itinuturo sa mga paaralan patungkol sa totoong katayuan ng isang sanggol sa sinapupunan o ng mga kababaihang nahaharap sa ganitong mahihirap na pagpapasya. Mga pinagkunan: afterabortion.org, mdviews.wordpress.com, baby2see.com/development/ week12.html, attheunchoice.com/unsafe.htm#beforeafter Oktubre 1. Ang mga ina na piliin nilang buhayin ang sanggol sa kanilang sinapupunan kaysa sa ito’y ipalaglag. Ipanalangin natin na sa tuwing ang pagbubuntis man ay hindi sinasadya o hindi ginusto ang ina’y piliin na lamang na ang sanggol ay ipaampon sa kung sino man na hindi magkaanak at makapag- bibigay sa sanggol ng pagmamahal, proteksyon, at aruga na kanyang kakailanganin. Oktubre 2. Na nawa’y ang buhay na regalo sa atin ay mapahalagahan na likha’t galing mismo sa Diyos na ating Manlilikha. “Pinagmasdan ko ang langit na gawa ng iyong kamay, pati ang buwan at mga bituin na iyong inilagay. Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan? Nilikha mo siyang mababa sa iyo nang kaunti, pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati” (Mga Awit 8:3-5). Oktubre 3. Ang mga magulang at komyunidad, simbahan at mga nasa katungkulan sa paaralan na maituro nila ang kahalagahan ng paghihintay upang malaman ng mga kabataan na ang hindi agarang pakikipagtalik ay mas makabubuti para sa kanilang buhay at magsisilbing paraan para sila’y maging malusog at masaya sa kanilang pagtanda. Oktubre 4. Ang mga opisyal sa India na mas kumilos pa sila upang mapigilan ang gawain ng mga magulang na pagpatay sa mga sanggol na babae sa kagustuhang lalaki ang kanilang maging anak o dahil sa ayaw nilang magkaroon ng pinansyal na obligasyon sa kanilang pamilya na dulot di umano ng pagkakaroon ng anak na babae. Ayon sa Asian Center for Human Rights, milyun-milyong mga kababaihan sa India ang nagging biktima ng kung tawagin ay sex-selective abortions at female infanticide. stopfemaleinfanti- cide.org/files/Bihar.pdf Oktubre 5. Ang karunungan para sa mga staff ng TWR Women of Hope sa kanilang pagbibigay ng epektibong pagpapayo sa mga tagapakinig ng Women of Hope na naniniwalang ang pagpapalaglag na lamang ang kanilang magagawa. Oktubre 6. Ang mga ina ng mahigit 13 milyong sanggol na di umano’y maaaring ipalalaglag sa China ngayong taon. Okubre 7. Ang mga opisyal sa Amerika na kumilos pa para protektahan ang mga kababaihan mula sa mga klinikang gumagawa ng aborsyon na may mga paglabag sa pangkalusagan at pangkaligtasan at iba pang hindi ligtas na mga pamamaraan. Maraming mga kababaihan ang namatay dahil sa mga nagsasagawa ng aborsyon na nagkakamali sa pagbibigay ng anesthesia; pagtusok maging sa mismong bahay-bata; at hindi nila lubusang natatangal ang lahat ng laman mula sa sanggol na kanilang tinanggal; o kaya’y dahil Nawa’y ipanalangin natin: sa marumi nilang mga kagamitan, na nagdudulot ng mga impeksyon. Mga pagbara sa daluyan ng dugo na hindi nila nalunasan o kaya’y grabeng pagdurugo na nagdulot din ng pagkamatay ng mga kababaihan pagkatapos nilang magpalaglag. Oktubre 8. Ang mga grupong kung tawagin ay Pro-life na nawa’y magkaroon ng kalayaang makapagpahayag sa publiko at magsagawa ng mga educational forums at makapagpakalat ng mga impormasyon tungkol sa pagka- hubog ng sanggol sa sinapupunan, sa panganib na dulot ng pagpapalaglag, at mga lugar kung saan maaring makatanggap ang mga ina ng libreng sonograms, pagpapayo, o iba pa nilang maaaring gawin maliban sa pagpapalaglag. “Ipagtanggol mo ang mga di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan (Kawikaan 31:8).” Oktubre 9. Ang mga sanggol sa sinapupunan na ang kanilang mga ina’y pinaplanong magpalaglag. “Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim. Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam (Mga Awit 139:15-16).” Oktubre 10. Na nawa’y marami pang pagaaral ang maisagawa para sa pagtukoy na ang mga ina na nagpapalaglag ay may mas mataas na tyansa para sa pagkakaroon ng breast cancer, gaya ng lumabas sa ulat noong 2017 sa Journal of American Physicians and Surgeons (jpands.org/vol12no3/carroll.pdf). Oktubre 11. Ang mga kababaihang nabuntis bunga ng panggagahasa at nangangailangan ng pisikal at emosyonal na kagalingan na masumpungan nawa nila ito sa pag-ibig at habag ni Kristo sa pamamagitan ng pagaaruga at suporta ng kanyang mga tagasunod. “Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo (Roma 15:13).” Oktubre 12. Ang mga mga dalagang nahihikayat na magpalaglag. Ipanalangin natin ang mga babaeng mananampalataya na maipakita nila ang pagmamahal ng Diyos sa mga batang babaeng nasa hayskul at unebersidad at ang turuan silang igalang ang kanilang mga sarili at makagawa ng plano para sa malusog na buhay sa halip na hayaan nilang gamitin lamang sila ng mga lalaki. WOMEN OF HOPE PRAYER CALENDAR OKTUBRE 2017 Panalangin para sa mga kababaihang napasakitan matapos nilang MAGPALAGLAG NG SANGGOL

Upload: duongdan

Post on 30-Jan-2018

232 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: S Nawa’y ipanalangin natin: WOMEN OF HOPE · PDF filenatin na sa tuwing ang pagbubuntis man ay hindi sinasadya o ... pangkalusagan at pangkaligtasan at iba pang hindi ligtas na mga

Ang Women of Hope ay naisasahimpapawid sa mahigit 65 na mga wika. Ang buwanang mga panalangin ng Project Hannah ay naibabahagi sa 85 na mga wika.

S

Sa halos 56 milyon na kaso ng pagpapalaglag sa buong mundo kada taon, halos hindi mabilang ang mga kababaihang nakararanas ng pagdurusa, labis na hinagpis sa nagawa na siya namang nauuwi sa depresyon. Habang ang mga sumusuporta sa pagpapalaglag ay nagsasabing ipinaglalaban naman daw nila ang kalayaan ng mga kababaihan na pumili, subalit ang katotohanan ay pakiramdam nga ng maraming mga kababaihan na mga nagdadalang tao ng hindi inaasahan ay wala silang kalayaan at wala ng iba pang magagawa. Nakararamdam sila ng pagkatakot at tila ba napabayaan na lamang sila, at niniwalang ang pagpapalaglag na lamang ang tangi nilang magagawa.

Dahil sa ang pagpapalaglag ay ligal at sinusuportahan ng

kanilang mga kultura, marami sa mga kababaihan ang

naniniwalang tama lamang na gawin nila ito. Sa kabila niyan,

marami parin naman ang nakapagtatantong ang

pagpapalaglag ay hindi lamang pumapatay sa mga inosenteng

buhay ng mga sanggol kundi mayroon ding negatibong mga

epekto sa buhay ng mga kababaihan.

Ang mga sayantipikong mga pag-aaral sa Australia, Denmark,

China, Finland, India, New Zealand, Sweden, Turkey, at iba

pang mga bansa ay nagpapakita na ang pagpapalaglag ay

talagang mapaminsala sa mga kababaihan. Maging ang mga

ginagamit ng mga gamot para dito ay nakapagdudulot ng mga

komplikasyon na mangangailangan ng sensitibong paglulunas at

minsan pa’t maaring mauwi sa kamatayan. Ang operasyon sa

pagpapalaglag ay maaring humantong sa nakamamatay na

kondisyon kagaya ng labis na pagdurugo at impeksyon. Maaari

din nitong mahadlangan ang pagbubuntis pa sa hinaharap,

pagkamatay ng sanggol sa sinapupunan at napakaagang paglabas

ng sanggol at di sinasadyang pagkalaglag ng bata. Ayon din sa

pag-aaral posibleng maging dahilan ito ng pagkakaroon ng

kanser sa dibdib. Bukod pa diyan, marami sa mga kababaihan

ang napahihirapan ng labis na problema sa kaisipan, at ng

matinding pasakit sa kanilang espiritu matapos nilang

magpalalaglag.

Marami sa mga kababaihan ang naturuan na ang kanilang

supling diumano ay kung anong laman lamang. Ang ilan sa mga

sumusuporta sa pagpapalaglag ay hindi sumasang-ayon sa mga

katotohanang itinuturo sa mga paaralan patungkol sa totoong

katayuan ng isang sanggol sa sinapupunan o ng mga

kababaihang nahaharap sa ganitong mahihirap na pagpapasya.

Mga pinagkunan: afterabortion.org, mdviews.wordpress.com, baby2see.com/development/week12.html, attheunchoice.com/unsafe.htm#beforeafter

Oktubre 1. Ang mga ina na piliin nilang buhayin ang sanggol sa kanilang sinapupunan kaysa sa ito’y ipalaglag. Ipanalangin natin na sa tuwing ang pagbubuntis man ay hindi sinasadya o hindi ginusto ang ina’y piliin na lamang na ang sanggol ay ipaampon sa kung sino man na hindi magkaanak at makapag-bibigay sa sanggol ng pagmamahal, proteksyon, at aruga na kanyang kakailanganin.

Oktubre 2. Na nawa’y ang buhay na regalo sa atin ay mapahalagahan na likha’t galing mismo sa Diyos na ating Manlilikha. “Pinagmasdan ko ang langit na gawa ng iyong kamay, pati ang buwan at mga bituin na iyong inilagay. Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan? Nilikha mo siyang mababa sa iyo nang kaunti, pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati” (Mga Awit 8:3-5).

Oktubre 3. Ang mga magulang at komyunidad, simbahan at mga nasa katungkulan sa paaralan na maituro nila ang kahalagahan ng paghihintay upang malaman ng mga kabataan na ang hindi agarang pakikipagtalik ay mas makabubuti para sa kanilang buhay at magsisilbing paraan para sila’y maging malusog at masaya sa kanilang pagtanda.

Oktubre 4. Ang mga opisyal sa India na mas kumilos pa sila upang mapigilan ang gawain ng mga magulang na pagpatay sa mga sanggol na babae sa kagustuhang lalaki ang kanilang maging anak o dahil sa ayaw nilang magkaroon ng pinansyal na obligasyon sa kanilang pamilya na dulot di umano ng pagkakaroon ng anak na babae. Ayon sa Asian Center for Human Rights, milyun-milyong mga kababaihan sa India ang nagging biktima ng kung tawagin ay sex-selective abortions at female infanticide. stopfemaleinfanti-cide.org/files/Bihar.pdf Oktubre 5. Ang karunungan para sa mga staff ng TWR Women of Hope sa kanilang pagbibigay ng epektibong pagpapayo sa mga tagapakinig ng Women of Hope na naniniwalang ang pagpapalaglag na lamang ang kanilang magagawa.

Oktubre 6. Ang mga ina ng mahigit 13 milyong sanggol na di umano’y maaaring ipalalaglag sa China ngayong taon.

Okubre 7. Ang mga opisyal sa Amerika na kumilos pa para protektahan ang mga kababaihan mula sa mga klinikang gumagawa ng aborsyon na may mga paglabag sa pangkalusagan at pangkaligtasan at iba pang hindi ligtas na mga pamamaraan. Maraming mga kababaihan ang namatay dahil sa mga nagsasagawa ng aborsyon na nagkakamali sa pagbibigay ng anesthesia; pagtusok maging sa mismong bahay-bata; at hindi nila lubusang natatangal ang lahat ng laman mula sa sanggol na kanilang tinanggal; o kaya’y dahil

Nawa’y ipanalangin natin: sa marumi nilang mga kagamitan, na nagdudulot ng mga impeksyon. Mga pagbara sa daluyan ng dugo na hindi nila nalunasan o kaya’y grabeng pagdurugo na nagdulot din ng pagkamatay ng mga kababaihan pagkatapos nilang magpalaglag.

Oktubre 8. Ang mga grupong kung tawagin ay Pro-life na nawa’y magkaroon ng kalayaang makapagpahayag sa publiko at magsagawa ng mga educational forums at makapagpakalat ng mga impormasyon tungkol sa pagka-hubog ng sanggol sa sinapupunan, sa panganib na dulot ng pagpapalaglag, at mga lugar kung saan maaring makatanggap ang mga ina ng libreng sonograms, pagpapayo, o iba pa nilang maaaring gawin maliban sa pagpapalaglag. “Ipagtanggol mo ang mga di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan (Kawikaan 31:8).”

Oktubre 9. Ang mga sanggol sa sinapupunan na ang kanilang mga ina’y pinaplanong magpalaglag. “Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim. Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam (Mga Awit 139:15-16).”

Oktubre 10. Na nawa’y marami pang pagaaral ang maisagawa para sa pagtukoy na ang mga ina na nagpapalaglag ay may mas mataas na tyansa para sa pagkakaroon ng breast cancer, gaya ng lumabas sa ulat noong 2017 sa Journal of American Physicians and Surgeons (jpands.org/vol12no3/carroll.pdf).

Oktubre 11. Ang mga kababaihang nabuntis bunga ng panggagahasa at nangangailangan ng pisikal at emosyonal na kagalingan na masumpungan nawa nila ito sa pag-ibig at habag ni Kristo sa pamamagitan ng pagaaruga at suporta ng kanyang mga tagasunod. “Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo (Roma 15:13).”

Oktubre 12. Ang mga mga dalagang nahihikayat na magpalaglag. Ipanalangin natin ang mga babaeng mananampalataya na maipakita nila ang pagmamahal ng Diyos sa mga batang babaeng nasa hayskul at unebersidad at ang turuan silang igalang ang kanilang mga sarili at makagawa ng plano para sa malusog na buhay sa halip na hayaan nilang gamitin lamang sila ng mga lalaki.

WOMEN OF HOPE

PRAYER CALENDAR

OKTUBRE 2017

Panalangin para sa mga kababaihang napasakitan matapos nilang MAGPALAGLAG NG SANGGOL

Page 2: S Nawa’y ipanalangin natin: WOMEN OF HOPE · PDF filenatin na sa tuwing ang pagbubuntis man ay hindi sinasadya o ... pangkalusagan at pangkaligtasan at iba pang hindi ligtas na mga

Oktibre 19. Na ang Espiritu ng Diyos ang kumilos ng may kapangyarihan upang protektahan ang humugit kumulang 56 milyong hindi pa naipapanganak na sanggol sa buong mundo na maaaring maipalalaglag ngayong taon.

Oktubre 20. Ang pamahalaan na magbigay ng pagsasanay para sa mga doctor at midwives upang maiwasan ang sakit na kung tawagin ay fistulas at magkaroon nawa ng maayos na klinikang pangkalusugan sa buong bansa upang makarating man lang ng mga babae ang kanilang klinika bago pa man isilang ang kanilang sanggol. Sa Ethiopia, 94 na porsiyento ng mga babae ang nanganganak na wala man lang katulong na doktor, marami sa kanila may maliit na pangangatawan kung kaya mas nagiging mahirap ang panganganak (hindawi.com/journals/isrn/2014/917058/).

Oktubre 21. Na matutunan ng mga batang babae na sila ay may halaga at nararapat silang igalang at irespeto at maghangad rin ng magandang kinabukasan.

Oktubre 22. Ang mga babae at kabataang nagtatangkang magpakamatay matapos silang magpalaglag; kailangan nila ng mga kaibigan na magpapakita sa kanila ng pag-ibig at pag-aalaga ng Diyos. Maraming kababaihan at kabataan ang napipilitang magpalaglag, at ngayon ay dumaranas sila ng emosyonal na pagdurusa na madalas ay hindi na nila nakakayanan.

Oktubre 23. Ang mga inang nasa panganib na dulot ng mga sakit na may kaugnayan sa panganganak katulad ng fistulas, na nagiging sanhi ng kawalan nila ng control sa pag-ihi o pagdumi at ng labis na sakit. Marami sa kanila ang iniwan ng kanilang asawa o kaya naman ay nakakulong sa bahay dahil hindi nila kayang ipagamot ang sakit na ito.

Oktubre 24. Ang mga namumuno na mapagtanto nila na ang pagpapalaglag ay nakaaapeto sa kanilang mga komonidad at bansa kung ang milyong mga supling ay pinapatay dahil ang kanilang kultura ay nagtuturo na mas may halaga diumano ang mga lalaki sa kanilang pamilya. Tinatayang 17 milyon na mga kababaihan ang pinaniniwalaang nawawala sa Asia at Eastern Europe – resulta yan ng kulturang mas ninais ang pagkakaroon ng anak na lalaki at ng kanilang pagsasagawa ng kung tawagin ay gender-biased sex selection (un-fpa.org/gender-biased-sex-selection#).

Oktubre 25. Nawa ay hipuin ng Diyos ang puso ng mga ina sa buong mundo ng kanyang habag at maawaing pag-ibig upang kanilang matutunan pahalagahan, proteksiyunan, turuan, at

pangalagaan ang kanilang mga anak, anuman ang kanilang mga kalagayan.

Oktubre 26. Ang kaligtasan ng mga kababaihang nagdadalang tao mula sa pang-aabuso sa kanila mismong tahanan, na maraming beses ay nagiging sanhi ng kamatayan. Ipanalangin nating ang mga pamilya, kaibigan, at mga kapit-bahay ay magsalita kung meron mang pang-aabuso at protektahan ang mga nangangailangan ng tulong.

Oktubre 27. Ang mga magulang ay hikayatin ang kanilang mga anak na babae na mag-aral, matuto ng mga kasanayang magbibigay sa kanila ng trabaho, at gumawa ng mga tamang desisyon na hindi magiging hadlang upang maabot nila ang kanilang mga hangarin at upang mabigyan nila ng magandang buhay ang kanilang mga magiging mga anak.

Oktubre 28. Ang mas maayos na pangangalagang kalusugan para sa mga kababaihan sa buong mundo na nasa panganib ng kamatayan sa kanilang pagbubuntis, panganganganak, at sa mga araw pagkatapos nito. Ipanalangin natin na ang mga kababaihan ay matuto pang pangalagaan ang kanilang sarili at ang kanilang ipinagbubuntis at ang mga opisyal ay ipaglaban ang korupsyon na nagiging hadlang sa mas maayos na pangangalagang pangkalusugan.

Oktubre 29. Ang karunungan at kalakasan para sa mga manggagawa ng TWR Women of Hope na hindi lamang nagsasalin ng mga programa ng Women of Hope at mga Prayer Calendars kundi nagsasagawa din ng mga seminar na pangkalusugan,nagtuturo ng mga kaalamang pangkabuhayan, nagpapamigay ng mga radyo, nangunguna sa mga panalangin at pag-aaral ng Banal na Kasulatan, mga nananalangin para sa mga tagapakinig, at mga tumutugon sa mga liham.

Oktubre 30. Ang pagkakaroon pa ng mas maayos na pangangalagang pangkalusugan upang mabawasan ang daang libong mga namamatay ng dahil sa panganganak kada taon mula sa mga kasong may kaugnayan sa panganganak na maari naman sanang mapigilan (data.unicef.org/topic/maternal -health/maternal -mortality/#).

Oktubre 31. Ang TWR Women of Hope sa paghahanda sa ika-20 na pagdiriwang ng anibersaryo, at pagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng kanyang mga ginagawa sa buhay ng mga kababaihan.

WOMEN OF HOPE P.O. BOX 332 BAGUIO CITY (074) 424 1262 www.twrphilippines.com

OKTUBRE 2017 PANALANGIN PARA SA MGA KABABAIHANG NAPASAKITAN MATAPOS NILANG MAGPALAGLAG NG SANGGOL

Oktubre 13. Sila na matatapang at lantarang ipinagtatanggol sa publiko ang karapatan ng mga hindi pa naisisilang na mga bata sa buong mundo. Ipanalangin natin ang nailunsad na “40 days for life campaign (40daysforlife.com) na maisasagawa sa Setyembre 27-November 5 sa mahigit 700 na mga siyudad sa 44 na mga bansa. Ipanalangin natin na daan-daan pang mga sanggol ang mailigtas at ang mga ina ay mabigya ng suporta at pag-asa para sa mga susunod pang mga araw.

Oktubre 14. Ang Diyos na kayang baguhin ang puso at manguna sa mundo, upang baguhin ang agos at palakasin ang mga lider upang kumilos para sa mga hindi naisisilang na sanggol at sa mga babaeng nakatatanggap ng maling impormasyon tungkol sa kalagayan ng kanilang anak at ang panganib na dulot ng kung tawagin ay medical at surgical na pagpapalaglag.

Oktubre 15. Ipanalangin nating ang mga ama ay mahalin at pangalagaan ang ina ng kanilang anak at magbigay ng tahanan, pagkain, damit at iba pang pangangailangan ng kanilang pamilya. Ipanalangin natin ang mga amang tumanggi, nagsisisi sa pagsangayon sa pagpapalaglag ang kanilang mga anak ay nawa’y makatagpo ng kagalingan kay Kristo.

Oktubre 16. Ang ating Ama sa langit ay turuan tayong “humanap ng katarungan, hikayatin ang mga sawi, ipaglaban ang kalagayan ng mga walang ama, at bigyang halaga ang kalagayan ng mga balo” (Isaias 1:17).

Oktubre 17. Ang mga babaeng ipinalaglag ang kanilang sanggol at binubulabog ng konsensya, galit at kahihiyan. Ipanalangin nating makatagpo sila ng pagpapatawad at kagalingan sa Panginoon. Ipanalangin natin silang mga nagbibigay babala sa iba tungkol sa mga maaring maging pang-habang buhay na resulta ng kanilang mga pagpapasya, na siyang ginawa ngayon ng Silent No More Awareness Campaign (silentnomoreawareness.org/).

Oktubre 18. Ang mga milyong mga kababaihan na pinipilit ng kanilang pamilya, kasintahan, ng pamahalaan, at ng mga nagbubugaw sa kanila na ipalaglag ang kanilang sanggol. Ipanalangin natin ang mga ina sa China na sapilitang dinadala sa ospital ng mga opisyal sa pagpaplano ng pamilya upang turukan ng gamot na kikitil sa buhay ng sanggol.

Email: [email protected]

Facebook: TWR Phils

(Mula sa kaliwa) Eva, Ahzy, Flor, Yvette

Website: www.twrphilippines.com