somewhere somehow

4
Somewhere, Somehow Paunang Salita Ang nobelang ito ay pawang katotohan lamang at hindi produkto ng imahinasyon ng manunulat. Ang mga pangalang ng mga nabanggit na karakter sa kwento ay marahil iba sa totoong buhay, ngunit nagtataglay ng kanilang mga personalidad. Atin po sanang subaybayan ang pag lalakbay ng isang binata sa paghahanap ng kanyang tunay na pag-ibig.

Upload: ann-bee

Post on 12-Jan-2016

231 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

Just like the song says

TRANSCRIPT

Page 1: Somewhere Somehow

Somewhere, Somehow

Paunang Salita

Ang nobelang ito ay pawang katotohan lamang at hindi produkto ng imahinasyon ng manunulat.

Ang mga pangalang ng mga nabanggit na karakter sa kwento ay marahil iba sa totoong buhay, ngunit nagtataglay ng kanilang mga personalidad.

Atin po sanang subaybayan ang pag lalakbay ng isang binata sa paghahanap ng kanyang tunay na

pag-ibig.

Page 2: Somewhere Somehow

UNANG KABANATA: WALANG FOREVER

Lihim akong nagtiim bagang ng mabasa ko sa facebook ang isang napakalungkot na balita. Malalim akong nag-isip sa aking pag-iisa:

Totoo ba talaga to?

Sana panaginip lang ang lahat

At binabangungot lang ako,

Ngunit hindi, malinaw pa sa sikat ng araw

Ang katotohanang

Kahit na konti, hindi nya ako minahal.

Kahit na katiting pagmamahal ay wala,

Napakasakit pala

Magmahal ng totoo tapos mabibigo lang

Ayoko na.

Mahigit anim na taon kong lihim na minahal si Carla. Noong una palang na nakilala ko siya ay inibig ko na siya. Alam kong hindi ako nag karoon ng lakas ng loob para ipagtapat sa kanya ang pag-ibig ko, ngunit

sobrang manhid ata siya, at hindi niya naramdaman yun. Hindi ko napansing ilang oras na pala akong tulala.

Na post ko tuloy sa facebook yung nararamdaman ko.

Feeling broken

Feeling shit

Feeling walang forever

Bahala na sa bahay kung asarin man nila ako.

Tanging facebook lang ang nakakaalam ng totoong nararamdaman ko.

Ok, so ngayon ikakasal kana. Congrats nalang. Sana masaya ka na.

Natapos na rin sa wakas ang shift ko, makakauwi na ako at makakapag pahinga na din.

Page 3: Somewhere Somehow

Saktong pag dating ko sa bahay, nag seset-up pala sila ng videoke.

Narinig ko ang pagtawag sa akin ng pinsan kong si Anne

Kuya Ton! Para sayo tong kanta na to.

Ikakasal ka na, iiwan na akong nag-iisa, dati ang pag-ibig mo ay akin lamang

Ang tanging nasabi ko lamang ay

Sakto talaga ah.

Nagpatuloy nalang ako sa pag susurf sa espn, yun lang naman ang libangan ko.

Facebook, Espn, Music at ano ba pa? pagkain.

Patuloy pang kumanta si Anne, para lang asarin ako.

Pero ok lang, ganito talaga dito sa bahay.

Hindi ko nalang sila papatulan.

Siguro, di talaga kami ni Carla

Kasi sa loob ng anim na taon,

Pinilit ko namang ipakita sa kanya yun

Alam naman nya yun

Pero talagang wala lang siyang pakialam,

Ok, so bigo na naman tayo.

Eh, ano ngayon?

Wala naman talagang forever,

Darating din siya.

Kung sino man siya,

Sino nga kaya?

Mensahe para sa mga magbabasa: Sana po ay nagustuhan ninyo ang unang kabanata at patuloy pang subaybayan ang kwento ng pag-ibig ni Tony. Isa isa niyo pong makikilala ang mga karakter na magpapa

ibig at magpapasakit sa ating bida.

Page 4: Somewhere Somehow

IKALAWANG KABANATA: SIYA NA KAYA?

Disyembre, taong 2014, lulan ako sa kotse ng aking tiyuhin, at ang pinsan kong si Ronald, kasama ang kanyang kbiyak para sunduin ang pinsan kong si Anne