t.a.e. (terorismo at estado): pagsusuri sa kaso ng marahas na demolisyon sa komunidad ng sitio san...

87
1 | Siapo Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at Sining Kagawaran ng Agham Panlipunan T.A.E. (Terorismo at Estado): Pagsusuri sa kaso ng marahas na demolisyon sa komunidad ng Sitio San Roque noong Enero 27, 2014 bilang terorismo ng estado Gian Zechariah Siapo 2010-46137 Political Science 198 Propesor Fatima Alvarez Castillo Tagapayo

Upload: gian-zechariah-siapo

Post on 15-Nov-2015

88 views

Category:

Documents


29 download

DESCRIPTION

Dahil sa gahum o hegemony ng mga makapangyarihang estado tulad ng US, naibaling ang tuon ng terminong terorismo sa mga marahas na gawain ng mga grupong laban sa estado. Sa pag-aaral na ito’y ginamit ang konsepto ng terorismo na ‘alternatibo’ mula sa maka-gahum na gamit nito. Ito’y para ilapat ang konsepto sa kongkretong pangyayaring sinuri – ang sapilitang pagpapaalis at demolisyon sa mga komunidad ng maralitang tagalungsod.Siniyasat sa pag-aaral kung paano unang ginamit ang terorismo bilang konsepto; at kung paano ito ginamit upang maging kapaki-pakinabang sa interes ng iilan. Tinukoy ang mga dimensyon ng terorismo bilang manipestasyon ng karahasan.Sa pamamagitan ng pananaliksik, inalam ang karahasang naganap sa pamamagitan ng mga ahensiya’t pwersa ng estado kaugnay ng pagpapaalis at demolisyon. At mula rito, aalamin ang tunay na karakter at mukha ng terorismo ng estado.

TRANSCRIPT

  • 1 | S i a p o

    Unibersidad ng Pilipinas Maynila

    Kolehiyo ng Agham at Sining

    Kagawaran ng Agham Panlipunan

    T.A.E. (Terorismo at Estado):

    Pagsusuri sa kaso ng marahas na demolisyon sa komunidad ng

    Sitio San Roque noong Enero 27, 2014

    bilang terorismo ng

    estado

    Gian Zechariah Siapo

    2010-46137

    Political Science 198

    Propesor Fatima Alvarez Castillo

    Tagapayo

  • 2 | S i a p o

    The police threw tear gas at the mass of illegal settlers and members of militants

    groups. This was answered with soda bottles, rocks, "pillboxes", and feces.

    - Mula sa artikulong 29 hurt, 9 arrested in

    clashes at Quezon City demolition ni R.

    Dinglasan; inilathala online noong Enero

    27, 2014

  • 3 | S i a p o

    TALAAN NG MGA NILALAMAN

    UNANG KABANATA PANIMULA AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL .................... 4

    Kabuluhan ng pag-aaral ............................................................................................... 4

    Mga katanungan sa pananaliksik ................................................................................. 4

    Pagsusuri ng mga Kaugnay na Literatura .................................................................... 5

    Balangkas ng pag-aanalisa ........................................................................................ 14

    IKALAWANG KABANATA METODOLOHIYA AT MGA ETIKAL NA

    KONSIDERASYON ....................................................................................................... 23

    Metodolohiya .............................................................................................................. 23

    Mga etikal na konsiderasyon...................................................................................... 29

    IKATLONG KABANATA - MGA NATUKLASAN ............................................................ 30

    Mga pangkalahatang katangian ng Sitio San Roque ................................................. 30

    Karanasan ng komunidad sa pagpapaalis at demolisyon .......................................... 34

    Ang estado at mga nakinabang sa demolisyon.......................................................... 41

    Kalagayan ng mga maralita matapos ang demolisyon ............................................... 44

    Pagtalakay ng konseptong terorismo sa kaso ng demolisyon ................................... 47

    IKAAPAT NA KABANATA - DISKUSYON ..................................................................... 50

    Ang katangian ng demolisyon noong Enero 27, 2014 ................................................ 50

    Ang karahasan noong Enero 27, 2014 bilang terorismo ............................................ 55

    IKALIMANG KABANATA - KONKLUSYON AT REKOMENDASYON ........................... 61

    Konklusyon ................................................................................................................ 61

    Mga Rekomendasyon ................................................................................................ 62

    Talasanggunian ............................................................................................................. 63

    MGA APENDIKS ........................................................................................................... 68

    APENDIKS ARA 7279 UDHA OF 1992 (Articles I, III, V, VI, at VII) ...................... 68

  • 4 | S i a p o

    APENDIKS B QUEZON CITY ORDINANCE 2247 S 2013 .................................. 82

    UNANG KABANATA PANIMULA AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

    Kabuluhan ng pag-aaral

    Dahil sa gahum o hegemony ng mga makapangyarihang estado tulad ng US, naibaling

    ang tuon ng terminong terorismo sa mga marahas na gawain ng mga grupong laban sa

    estado. Sa pag-aaral na itoy ginamit ang konsepto ng terorismo na alternatibo mula sa

    maka-gahum na gamit nito. Itoy para ilapat ang konsepto sa kongkretong pangyayaring

    sinuri ang sapilitang pagpapaalis at demolisyon sa mga komunidad ng maralitang

    tagalungsod.

    Siniyasat sa pag-aaral kung paano unang ginamit ang terorismo bilang konsepto; at

    kung paano ito ginamit upang maging kapaki-pakinabang sa interes ng iilan. Tinukoy

    ang mga dimensyon ng terorismo bilang manipestasyon ng karahasan.

    Sa pamamagitan ng pananaliksik, inalam ang karahasang naganap sa pamamagitan ng

    mga ahensiyat pwersa ng estado kaugnay ng pagpapaalis at demolisyon. At mula rito,

    aalamin ang tunay na karakter at mukha ng terorismo ng estado.

    Mga katanungan sa pananaliksik

    Pangkalahatang katanungan:

    Paano ang sapilitang pagpaalis o demolisyon sa mga komunidad ng maralitang

    tagalungsod ay nagpapatunay ng terorismo ng estado?

    Mga tiyak na katanungan:

    1. Ano ang terorismo?

    a. Ano ang kasaysayan ng konseptong ito?

    i. Paano nabuo at unang ginamit ang konseptong ito?

    b. Sa kasalukuyan, paano ito ginagamit?

    i. Sino ang mga gumagamit ng konseptong ito?

    c. Paano nakikita ang papel ng kapangyarihan sa ibat-ibang gamit ng

    konspetong ito?

  • 5 | S i a p o

    i. Ano ang pakay ng mga gumagamit ng konsepto?

    ii. Ano ang mga magkasalungat na interes ang makikita sa ibat-ibang

    gamit ng konseptong ito?

    iii. Ano ang mga pagkakaiba ng gamit sa konsepto at ano ang dahilan

    ng pagkakaiba?

    2. Ano ang mga katangian ng sapilitang pagpaalis o demolisyon sa mga komunidad

    ng maralitang taga-lungsod?

    a. Sino ang mga partidong kasangkot dito?

    i. Anong kanilang mga interes?

    b. Ano ang mga dahilan sa sapilitang pagpaalis o demolisyon?

    3. Bakit nagiging marahas ang sapilitang pagpaalis o demolisyon sa mga

    komunidad ng maralitang taga-lungsod?

    a. Sino ang mga partidong kasangkot dito?

    b. Sino ang mga biktima?

    4. Ano ang ginagawa ng mga maralitang komunidad tuwing may nakaambang

    pagpapaalis o demolisyon?

    a. Bakit nila ito ginagawa?

    b. Ano ang kanilang naranasan?

    5. Kung ilapat ang ibat-ibang gamit ng konseptong terorismo, sino ang terorista sa

    pangyayaring ito?

    a. Bakit sila?

    b. Ano ang mga implikasyon nito sa popular na pag-unawa at gamit ng

    konsepto?

    6. Paano ipinapakita sa pangyayaring ito ang terorismo ng estado?

    Pagsusuri ng mga Kaugnay na Literatura

    Ang maralitang tagalungsod at ang mga polisiyat programa hinggil sa

    paninirahan

    It shall be the policy of the State to undertake, in cooperation with the private sector, a comprehensive and continuing Urban Development and Housing Program, hereinafter referred to as the Program.

  • 6 | S i a p o

    - Urban Development and Housing Act of 1992 (UDHA), Declaration of State Policy

    Sa ika-dalawampung taon ng Republic Act 7279 o UDHA noong Marso 2012, limang

    edisyon ng programang May Punto Ka Diyan ng DZUP 1602 ang nagtalakayhinggil sa

    pakinabang ng batas at iba pang kaugnay na programapara sa hanay ng maralitang

    tagalungsod.Sa kabanatang ito, apat mula sa limang edisyon ng May Punto Ka Diyan

    ang susuriin Marso 20 hanggang 23 ng taong 2012.

    Ang maralitang tagalungsod at batas sa paninirahan

    Ang mga balintuna ng kasalukuyang batas sa paninirahan

    Sa edisyon noong Marso 20, nagbigay ang Presidential Commission for the Urban Poor

    Chairperson Hernani Panganiban ng pagtatasa sa UDHA. Ayon kay Panganiban,

    aminado siyang may mga pagkukulang pa sa UDHA lalo na sa pagsunod dito. Ngunit

    binanggit niya buti na yung may batayan (Uyanguren, Claudio, & Fabonan, Ang

    Batas sa Paninirahan, 2012).

    Dagdag ni Panganiban marami pang kakulangan (ang UDHA), (halimbawa) sa

    demolition (at) eviction marami pa ring violators (Uyanguren, Claudio, & Fabonan,

    Ang Batas sa Paninirahan, 2012).Sa nahuling pahayag, tinutukoy ni Panganiban ang

    mga pamantayan sa ilalim ng UDHA Section 28 inilaan upang i-discourage ang

    pagpapaalis at demolisyon (Uyanguren, Claudio, & Fabonan, Ang Batas sa

    Paninirahan, 2012).

    Mula sa mga pahayag ni Panganiban, makikitang maraming kabalintunaan sa UDHA.

    Isa na dito ang pagbibigay ng mga pamantayan at kundisyon para sa pagpapatupad ng

    pagpapaalis at demolition bagamat itoy discouraged (Republic Act 7279, 1992).

    Patunay ang dinanas ng maralitang komunidad sa Sitio San Roque, North Triangle,

    Lungsod ng Quezon noong ika-23 ng Setyembre 2010.

    Kaluluklok pa lamang ni Benigno Simeon Noynoy Aquino III bilang Pangulo nang

    bumungad sa mga residente ang pinagsamangpwersa ng kapulisan at demolition team.

    Ang gigibain ay ang mga kabahayan sa gawing Epifao delos Santos Avenue (EDSA)

  • 7 | S i a p o

    ng komunidad (Uyanguren, Claudio, & Fabonan, Ang Batas sa Paninirahan, 2012).

    Labing apat ang naiulat na sugatan sa insidente; pito ang iniulat na mula sa mga

    residente (Suarez & Abella, 2010).

    Ang mga malalaking negosyo bilang kasangkot sa pagpapaalis at demolisyon

    Ang nabanggit na demolisyon ay para bigyang daan ang pinaplanong Quezon City

    Central Business District (QC CBD). Sasakop ang proyekto sa higit 250 ektarya ng

    lupain kasama ang 30 ektaryang Sitio San Roque na tayang may 10,000 pamilyang

    naninirahan (Quezon City Government; Suarez & Abella, 2010). Ang proyekto ay nasa

    balangkas para sa mga Public-Private Partnerships (PPP) ng rehimeng Aquino

    (Uyanguren, Claudio, & Fabonan, Ang Batas sa Paninirahan, 2012).

    Ayon sa Section 28.2 ng UDHA, maaring isagawa ang demolisyon kapag

    magpapatupad ng mga proyektong imprastraktura ang gobyerno na meron nang pondo

    (Republic Act 7279, 1992). At ayon naman sa isang artikulong isinulat nina Larissa

    Suarez at Jerrie Abella, may puhunang P22 bilyon ang Ayala Land Inc. (ALI) para QC

    CBD (Suarez & Abella, 2010). Sa pakikipagtulungan ng National Housing Authority

    kasama ang mamumuhunang ALI, naging legal ang discouraged na demolisyon noong

    Setyembre 2010 (Uyanguren, Claudio, & Fabonan, Ang Batas sa Paninirahan, 2012).

    Pagkukulang ng pagkilala sa mga karapatan ng maralita

    Sa usapin ng pagkilala sa karapatan para sa nakasasapat at disenteng pamamahay,

    balintuna pa rin ang dinanas ng mga residenteng pinaalis tungo sa mga relocation sites

    sa mga probinsiya ng Rizal at Bulacan (Uyanguren, Claudio, & Fabonan, Ang Batas sa

    Paninirahan, 2012). Ayon kay Jake Fabonan, isang mag-aaral ng College of Social

    Work and Community Development sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman, walang mga

    pasilidad para sabatayang serbisyo tulad ng mga paaralan o health center ang mga

    relokasyon. Binabayaran din ang mga pabahay sa mga sites na ito tulad ng Towerville

    Housing Project sa lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan. Nagkakahalaga ng mula

    P100,000 hanggang P150,000 ang isang yunit sa nasabing pabahay (Uyanguren,

    Claudio, & Fabonan, Ang Batas sa Paninirahan, 2012).

  • 8 | S i a p o

    Ang maralitang tagalungsod at demolisyon

    Karanasan ng maralita sa mga demolisyon ng komunidad

    Sa edisyon ng May Punto Ka Diyan noong Marso 21, 2012, tinalakay ang karahasang

    dinanas ng mga residente sa mga pagpapaalis at demolisyon. Isa sa tinalakay ay ang

    nangyari sa isang maralitang komunidad sa Lungsod ng San Juan. Ayon sa isang

    residente at miyembro ng lokal na organisasyong laban sa paggiba ng kabahayan,

    matagal nang inaangkin ng pamahalaang lungsod ang lupang kinatatayuan ng kanilang

    komunidad (Uyanguren, Claudio, Salem, & Pearanda, 2012). Ang batayan ay ang

    Presidential Decree 1716 paggawad ng dating Pangulong Ferdinand Marcos sa

    pamahalaang lungsod ng lupain ng komunidad (Uyanguren, Claudio, Salem, &

    Pearanda, 2012).

    Ngunit ang mga sumunod na rehimen nina Corazon Aquino at Gloria Macapagal Arroyo

    ay iginawad sa mga maralitang residente ang nasabing lupain. Nagawa ito sa

    pamamagitan ng Executive Order 164 ni Aquino at Executive Order 54 ni Arroyo

    (Uyanguren, Claudio, Salem, & Pearanda, 2012). Sa pag-usad ng talakayan, tiningnan

    ang anggulong pamumulitika bilang hindi kasundo ng lokal na dinastiyang pulitikal ng

    mga Ejercito-Estrada ang mga binanggit na rehimen (Uyanguren, Claudio, Salem, &

    Pearanda, 2012).

    Malinaw na dapat iginawad ang lupain sa mamamayan. Dagdag pa dito ang

    rekomendasyong on-site development ni namayapang Kalihim ng Department of

    Interior and Local Government (DILG) na si Jesse Robredo para sa komunidad na iyon

    (Uyanguren, Claudio, Salem, & Pearanda, 2012). Ang kahulugan ng on-site

    development ay ang proseso ng pagpapaunlad at rehabilitasyon ng mga maralitang

    komunidad na may tanaw na mapaliit ang bilang ng mga naninirahang mapapaalis

    (Republic Act 7279, 1992).

    Sa kabila nitoy natuloy ang serye ng mga demolisyon sa komunidad mula noong

    Hunyo ng 2010. At sa naunang edisyon ng programang Sali na, Bayan! sa DZUP noong

    Marso 2, 2012, isinalaysay ng dalawang miyembro ng parehong organisasyon ang

    dinanas ng mga residente. Ang mga sumusunod ay mga pahayag hinggil sa karanasan

  • 9 | S i a p o

    sa tatlong demolisyon sa pagitan ng mga taong 2010 at 2012 (Villanueva, Oliveros,

    Bacolod, & Pariscal, 2012).

    Higit tatlong daan nang pamilya ang pinaalis mula 2010 hanggang sa pinakamarahas

    na demolisyon noong Enero 11, 2012. Sa nahuling insidente, kahit walang

    maipresentang Court Order at Certificate of Compliance1 ang mga tagapagpatupad ay

    itinuloy ang demolisyon. Itoy matapos i-disperse ng tinatayang 400 na pulis kasama ng

    200-kataong demolition team ang barikada ng mga residente tutol sa demolisyon.

    Gumamit din ang mga nagpatupad ng bulldozer sa paggiba ng kabahayang kalakhan

    ay gawa sa light materials2 (Villanueva, Oliveros, Bacolod, & Pariscal, 2012).

    Ang pamahalaang lungsod ng San Juan namay nagparatang na magulo at kinasuhan

    ng illegal assembly ang mga organisador sa komunidad kasama ang isa sa mga

    kapanayam (Villanueva, Oliveros, Bacolod, & Pariscal, 2012). Ang hakbang umano ay

    upang sirain ang pagkakaisa ng mga residente sa pagtutol sa demolisyon.

    Ang kakulangan ng batayang serbisyo sa relokasyon

    Hinaing naman ng mga residenteng ni-relocate sa Southville 8B, Brgy. San Isidro,

    Rodriguez, Probinsya ng Rizal ang kawalan ng serbisyo sa tubig at kuryente. Idagdag

    pa ang kalayuan ng lugar mula sa lungsod kung saan naroon ang kanilang kabuhayan.

    Higit siyam na buwan ang inabot bago magkaroon ng serbisyo ng kuryente at tubig ang

    isang bahagi ng relokasyon. Ngunit sa puntong iyon ay hindi pa rin nasusuri ang tubig

    kung ligtas itong inumin ng tao (Villanueva, Oliveros, Bacolod, & Pariscal, 2012).

    Ang marahas na demolisyon sa Silverio Compound

    Isa pang tatalakayin sa kabanatang ito ay ang karanasan ng mga residente sa Silverio

    Compound, Lungsod ng Paraaque. Sa edisyon ng Sali na, Bayan! noong Abril 24,

    2012 isang araw pagkatapos ng demolisyong ikinamatay ng isa at ikinasugat ng higit

    1 Ayon sa UDHA, ang Court Order at Certificate of Compliance ay mga rekisito para masagawa ang isang

    demolisyon (Republic Act 7279, 1992). 2 Ipinagbabawal sa ilalim ng UDHA Section 28 (6) ang paggamit ng malalaking makinarya tulad ng

    bulldozer pwera sa mga permanente at kongkretong istruktura (Republic Act 7279, 1992).

  • 10 | S i a p o

    30, inere ang mga salaysay at pahayag ng kondenasyon hinggil sa insidente

    (Villanueva, Marahas na demolisyon sa Silverio Compound sa Paraaque, 2012).

    Ayon ni Roy Velez ng Bagong Alyansang Makabayan NCR (BAYAN-NCR), ang

    usapin sa Silverio Compound ay ang paglabag ng pamahalaang lokal sa pamumuno ng

    dating Mayor Jun Bernabe sa napagkasunduang expropriation o pamamahagi ng 9.7

    ektaryang Silverio Compound3. Tinatayang 2,500 na pamilyang maralitang nakatira dito

    ang mababahagian. Banggit din ni Velez na ang pagbawi sa expropriation ay dulot ng

    pagbili diumano ng SM Development Corporation sa lupa mula sa pamahalaang

    lungsod (Villanueva, Marahas na demolisyon sa Silverio Compound sa Paraaque,

    2012).

    Ayon pa rin kay Velez, nakatanggap ang mga residente ng writ of demolition sampung

    araw lang bago pumatak ang itinakdang petsa ng demolisyon. Inihanda nila ang

    kanilang barikadang bayan tutol sa demolisyon noong ika-23 ng Abril 2012 (Villanueva,

    Marahas na demolisyon sa Silverio Compound sa Paraaque, 2012).

    Tinangka ng mga organisador at lider sa komunidad na makipag-negosasyon sa mga

    namamahala ng isasagawang demolisyon. Ngunit hindi pa tapos ang negosasyon nang

    diumanoy nagpaputok ng warning shot ang hanay ng kapulisan. Sinagot ito ng mga

    residente ng bato, bote, at pillbox; teargas at bala mula sa mga riple ng kapulisan

    naman ang ganti. Nang tuluyang ma-disperse ang barikaday pinasok ng mga pulis ang

    komunidad, sinuyod ang kabahayan at arbitraryong inaresto ang sinumang

    mapaghinalaang kasangkot sa barikada (Villanueva, Marahas na demolisyon sa Silverio

    Compound sa Paraaque, 2012).

    Ang maralitang tagalungsod at urban development ayon sa pamahalaan

    Pagpapaalis sa maralita mula sa mga lungsod bilang urban development

    Sa edisyon ng May Punto Ka Diyan noong Marso 22, 2012, ipinahayag ni dating

    Anakpawis Partylist Representative Joel Maglunsod na panahon na upang ibasura ang

    3 Ang expropriation ay pinagkasunduan noong 2003 sa pamumuno ng dating alkalde ng Paraaque na si

    Joey Marquez (Villanueva, Marahas na demolisyon sa Silverio Compound sa Paraaque, 2012).

  • 11 | S i a p o

    UDHA (Uyanguren E. , Claudio, Lacorda, Salem, & Teodoro, 2012). Nanindigan si

    Maglunsod at ang kanyang grupo na walang idinulot ang nasabing batas kundi gawing

    legal ang mga demolisyon sa mga komunidad ng maralitang tagalungsod (Uyanguren

    E. , Claudio, Lacorda, Salem, & Teodoro, 2012).

    Sa pagpapatuloy ng talakayan, dagdag ni Luis Teodoro, propesor sa Unibersidad ng

    Pilipinas Diliman, na panahon pa man ng rehimeng Marcos, naroon na ang lohikang

    paalisin ang mga maralitang tagalungsod para sa kaunlaran (Uyanguren E. , Claudio,

    Lacorda, Salem, & Teodoro, 2012). Imbis na maging katuwang ng pamahalaan at

    pribadong sektor sa pagbubuo ng mga polisiya at programang pang-kaunlaran,

    sapilitang pinapaalis ang mga maralita mula sa kanilang mga komunidad (Uyanguren E.

    , Claudio, Lacorda, Salem, & Teodoro, 2012).

    Tinalakay ang kaso ng Pangarap Village, Lungsod ng Caloocan isang komunidad ng

    higit 30,000 na pamilya ngunit binabantaan na paalisin at gibain ang kabahayan

    (Uyanguren E. , Claudio, Lacorda, Salem, & Teodoro, 2012). Ayon sa salaysay ng

    residenteng si Benjie Lacorda, idineklara ng dating Pangulong Marcos ang tinatayang

    7,000 ektaryang lupain bilang pabahay para sa mga sundalo at napaalis na maralita sa

    paligid ng Malacaang (Uyanguren E. , Claudio, Lacorda, Salem, & Teodoro, 2012). Ito

    ay sa pamamagitan ng Presidential Decree 293 habang kinansela naman ang titulo

    sa nabanggit na lupain ng Carmel Farms Incorporated (ngayoy Carmel Development)

    (Demolition Watch, 2011).

    Ngunit noong 1988, dineklara ng Korte Suprema na hindi ayon sa Konstitusyon at

    walang bisa ang PD 293 (Demolition Watch, 2011). Sa kasalukuyan, inaangkin ang lupa

    ng Carmel Development ng pamilya Araneta upang diumanoy paunlarin. Itoy habang

    binabalewala ang karapatan ng mga residenteng noon pay binahagian ng lupa

    (Uyanguren E. , Claudio, Lacorda, Salem, & Teodoro, 2012).

    Isa pang kasong tinalakay ay sa Welfareville, Lungsod ng Mandaluyong. Nais paalisin

    ang kulang-kulang sa 20,000 pamilya para bigyang daan ang Welfareville

    Development Project. Ang proyekto diumanoy pinamumunuan nina Department of

    Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman, Department of Finance

  • 12 | S i a p o

    Secretary Cesar Purisima at Mandaluyong Mayor Benhur Abalos. Ang nasabing

    proyekto ay may aid mula sa World Bank (Salamat, 2011).

    Pagpapaalis bilang pagpapalala sa karalitaan

    At ang edisyon ng programa noong Marso 23, 2012, ipinahayag ni Glacy Macabale ng

    Kalipunan ng Damayang Mahihirap National Capital Region (KADAMAY-NCR) na

    ayon sa tala ng nahuli, higit 200,000 na mga kabahayang maralita ang giniba sa

    dalawampung taong naisabatas ang UDHA. Higit pa sa nasabing bilang ang mga

    pamilyang napalayas (Uyanguren & Claudio, UDHA Part 2, 2012).

    Ayon pa kay Macabale, patuloy lang na babalik ang mga maralitang pinaalis sa lungsod

    dahil sa kawalan ng kabuhayan sa mga relokasyon (Uyanguren & Claudio, UDHA Part

    2, 2012). Pinagbasehan ni Macabale ang karanasan ng mga napaalis mula sa Lungsod

    Paraaque na coastal patungo sa bulubundukin ng Antipolo, Probinsya ng Rizal. Dahil

    sa kawalan ng kinasanayang kabuhayang pangingisda sa relokasyon, napilitang

    bumalik ang mga residente sa Paraaque (Uyanguren & Claudio, UDHA Part 2, 2012).

    Mga palliative na tugon ng pamahalaan sa karalitaan

    Ang kawalan ng kabuhayan bilang pangunahing sanhi ng karalitaan sa lungsod ay

    sunod na tinalakay sa programa. Itoy upang masuri kung angkop nga ba ang mga

    programa ng pamahalaan upang tugunan ito (Uyanguren & Claudio, UDHA Part 2,

    2012). Bukod sa mga programang nasa ilalim ng UDHA, nariyan din ang Conditional

    Cash Transfer (CCT) at Balik Probinsya Program na isinusulong ng kasaulukuyang

    rehimen (Uyanguren & Claudio, UDHA Part 2, 2012).

    Ang CCT ay mula pa sa pamunuan ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ito

    ang tugon ng pamahalaan sa karalitaan di lang sa mga lungsod kundi sa buong bayan.

    Ang iskema ng programang itoy bigyan ang mga kwalipikadong maralita ng tulong

    pinansyal para matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ang programa ay

    suportado ng mga institusyon sa pinansya tulad ng World Bank (Uyanguren & Claudio,

    UDHA Part 2, 2012).

  • 13 | S i a p o

    Ayon naman kay Rosario Bella Guzman, Executive Director ng IBON Foundation, ang

    CCT ay palliative lang binabawasan ang kahirapang dinaranas habang hindi naman

    ito inuugat at binibigyang-solusyon (Uyanguren & Claudio, UDHA Part 2, 2012). Bukod

    sa isyung iyon, isinusulong din nito ang kultura ng mendicancy o panghihingi ng limos

    sa mga maralita na hindi makatutulong sa kanilang pag-unlad (Uyanguren & Claudio,

    UDHA Part 2, 2012).

    Sa Balik Probinsya Program naman, bibigyan ang maralita ng pamasahe pabalik sa

    kani-kanilang probinsya sa kasunduang hindi na babalik pa sa lungsod. Ipinahayag din

    ni Guzman na itoy walang maiaambag sa pagpapaunlad ng maralita at kanilang

    kabuhayan (Uyanguren & Claudio, UDHA Part 2, 2012). Hindi maiaakila na dahil sa

    kawalan ng disenteng kabuhayan sa kanayunan kaya dumadagsa ang maralita sa mga

    lungsod. Ang pagpapabalik sa kanila tungo sa mga probinsya habang hindi tinutugunan

    ng pamahalaan ang problemang binanggit ay wala ding patutunguhan, kundi ang

    pagbabalik ng maralita sa mga lungsod (Uyanguren & Claudio, UDHA Part 2, 2012).

    Timeline ng mga pangyayaring tinalakay sa seksyong ito:

    1992 Ipinasa ang Urban Develepment and Housing Act (RA 7279)

    2001 Unang nagsampa ng petisyon (sa Bureau of Lands Management) ang mga residente ng Pangarap Village sa Lungsod ng Caloocan laban sa pang-aangkin ng lupa ng Carmel Development Inc.

    2008 Inilunsad ang Conditional Cash Transfer o Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development

    (DSWD) (Chaudhury, Friedman, & Onishi, 2013).

    2010 Naluklok si Noynoy Aquino bilang Pangulo. Inilinya ng pamahalaan ang mga proyektong Private Public Partnerships (PPP). Mga halimbawa nito ay ang Quezon City Central Business District (QC CBD) at Welfareville Development Project sa Lungsod ng Mandaluyong

    Hunyo 2010 Naganap ang unang demolisiyon (sa ilalim ng panunungkulan ni Aquino) ng binanggit na komunidad sa Lungsod ng San Juan

    Setyembre 2010 Giniba ang 130 na kabahayan sa Sitio San Roque, Lungsod ng Quezon para bigyang-daan ang PPP na QC CBD

    2012 Umabot na sa 200,000 na kabahayang maralita ang giniba sa Kamaynilaan

    Enero 2012 Naganap ang pinakamarahas na demolisyon sa komunidad na nasa Lungsod ng San Juan. Higit na sa 300 na pamilya ang pinaalis sa komunidad.

  • 14 | S i a p o

    Abril 2012 Naganap ang demolisyon ng Silverio Compound, Lungsod ng Paraaque. Tayang 2,500 na pamilya ang apektado. Ikinasawi ng isa ang karahasan sa proseso.

    Balangkas ng pag-aanalisa

    Terorismo at ang popular nitong depinisyon

    Ang terorismo ay manipestasyon ng karahasan; ngunit kailan ba masasabi na terorismo

    ang isang insidenteng karahasan? Sa pagbabalik-tanaw, unang ginamit ang terminong

    terorismo ng mga kritiko ng French Revolution kasama ang Ingles na si Edmund Burke

    (Kushner, 2003). Inilarawan bilang rehimen ng terorismo (Fr. regime de la terreur)

    ang rebolusyonaryong rehimeng Jacobin matapos nitong ipabitay ang higit 40,000 na

    tinaguriang kaaway ng mamamayan (enemies of the people). Malinaw na ang orihinal

    na gamit ng termino ay ang bansagan ang karahasang dulot ng estado o partikular na

    rehimen (Kushner, 2003). Pero sa parehong pagkakataon, ginamit din ito ng mga

    koserbatibong intelihensiya tulad ni Burke upang paboran ang nooy status quo na

    sistemang pyudal sa ilalim ng monarkiya.

    Sa ngayon, ang popular na notion sa terorismo ay bilang politically-motivated na

    karahasang dulot ng mga non-state agents. Ang ganitong paggamit ay sunod pa rin sa

    tradisyon ng mga kritiko ng radikal na pagbabagong panlipunan. Ayon nga sa

    pakahulugang gamit ng US Department of State mula nang ilunsad nito ang Global War

    on Terror ang terorismo ay politically-motivated na karahasang idinudulot pangunahin

    ng mga grupong sub-national laban sa mga non-combatant targets upang

    makaimpluwensya (Jackson, 2008). Ayon naman sa entry ng terorismo sa

    Encyclopedia of Terrorism ni H. W. Kushner (2003), ang terorismo ay karahasan laban

    sa mga sibilyang target sa intensyong manakot at gumawa ng panlipunan at

    pampulitikang pagbabago.

    Sa tradisyon din nakapaloob ang mga balangkas na ginamit nina Claude Berrebi

    (2007) at James Piazza (2006) hinggil sa relasyon ng terorismo sa kahirapan at

    mababang antas ng economic development. Ang balangkas ng pag-aaral ni Piazza

    (2006) ay nakatuon sa relative deprivation ni Ted Gurr at political opportunity theory ni

  • 15 | S i a p o

    Charles Tilly. Ayon kay Gurr, ang relative deprivation ang link sa pagitan ng economic

    disparity (di pagkakapantay-pantay sa larangan ng ekonomiya) at ng propensity o

    tendensiya na magdulot ng karahasang politically-motivated (Piazza, 2006). Sa teorya

    naman ni Tilly, mas bulnerable sa terorismo ang mga estadong naglalaan ng mas

    maraming daan upang makapagpahayag ng dissent o disgusto ang mamamayan

    (Piazza, 2006).

    Kritisismo sa popular na depinisyon

    Bukod sa tradisyong panig sa status quo o ang gahum (hegemony) ng mga

    Kanluraning estado, ang mga naunang teorya partikular ng kay Gurr ay tinumbok ang

    kahirapan bilang ugat ng politically-motivated na karahasan tulad ng terorismo. Sa

    ganitong konteksto, ang karahasang maituturing bilang terorismo ay idudulot lang ng

    mga ahenteng mula sa mga mahihirap at developing na bansa.

    Ayon nga kay Richard Jackson sa kanyang An Argument for Terrorism (2008),

    kadalasan ang binabansagan bilang mga terorista ay ang mga grupo o rehimeng laban

    sa interes ng mga Kanluraning estado partikular ang US. Itoy habang ang mga grupo at

    rehimeng may signipikanteng bilang ng mga human rights violations ngunit panig

    partikular sa US ay hindi binabansagang terorista. Halimbawa diyan ang mga

    sumusunod: ang armadong Contras sa Nicaragua, mga diktaturyang militar sa South

    America tulad ng kina Pinochet sa Chile at Videla sa Argentina, mga diktaturya sa

    Asya-Pasipiko tulad ng kina Chiang Kaishek sa China, Marcos sa Pilipinas at Ngo Dinh

    Diem sa Viet Nam, at iba pang rehimeng militar mula sa Africa (Sison, 2002).

    Dagdag ni Jackson (2008), hindi intellectually sustainable ang argumentong hindi

    maaring ituring na terorismo ang karahasang dulot ng mga estado; bilang ang terminoy

    una namang ginamit upang ilarawan ang karahasang gawa ng estado. At kung

    ipagpapalagay na ang mga estadoy maari maging terorista din, lilitaw na malaki ang

    bilang ng mga biktima mula sa mga karahasang dulot ng mga estado tulad ng

    genocide, democide (ayon kay R. Rummel 4 pagpatay ng estado sa kanyang

    mamamayan) sapilitang kagutuman at iba pa mula noong ika-20 na siglo. Higit itong

    4 Ang konseptoy binanggit sa Political Economics of State Terror ni Kisangani at Nafziger (2006).

  • 16 | S i a p o

    mas malaki sa bilang ng mga biktima samga insidente ng karahasang naitala ngunit

    dulot naman ng mga sub-national na grupo (Jackson, 2008).

    Ang estado bilang terorista

    Ang balangkas na magpapalagay na ang estado ay ang terorista ay ginamit nina

    Emizet Kisangani at E. Wayne Nafziger (2006) sa The Political Economy of State

    Terror. Ginamit sa pag-aaral ang konseptong democide upang ilarawan ang terorismo

    ng estado sa bawat bansang sinuri. Tiningnan sa pag-aaral kung ano ang relasyon ng

    mga democide sa bilang ng mga rent-seeking na gawaing sinukat naman sa dami ng

    eksport sa yamang-mineral (Kisangani & Nafziger, 2006).

    Napatunayan sa pag-aaral na sa 39 na bansang sinuri, directly proportional ang bilang

    ng mga insidente ngterorismo ng estado at bilang ng mga rent-seeking na gawaing

    pang-ekonomiya mula 1995 hanggang 2002 (Kisangani & Nafziger, 2006). Isa pang

    mahalagang punto na isinaad sa pag-aaral ay may mga estadong mahihina (weak

    states) ang mga bansang sinuri (Kisangani & Nafziger, 2006). Ayon kina K. Holsti at W.

    Zartman, ang kahinaangito ay ang pagbaba ng paggawa ng estado sa mga batayang

    gampanin tulad ng pagkakaroon ng lehitimong kapangyarihan at awtoridad, paggawa

    ng batas, pagpapanatili sa kaayusan, at pagbibigay ng mga batayang serbisyong

    panlipunan5. Ang kahinaang itoy maaring samantalahin ng mga indibidwal na rent-

    seeking upang gamitin ang makinarya ng estado sa pagkamal ng yaman (Kisangani

    & Nafziger, 2006).

    Ang gagamiting depinisyon ng terorismo

    Sa puntong ito tutukuyin ang ginamit na depinisyon ng terorismo sa pag-aaral. Hindi

    angkop na gamitin ang konsepto ng democide para ilarawan ang terorismo dahil sa

    katangian ng kasong sisiyasatin (na walang indibidwal na pinaslang). Dahil naman sa

    lantarang pagpanig sa status quo, hindi ginamit ang popular na nosyon sa terorismo

    partikular ang galing sa US Department of State.

    5 Binanggit sa Political Economy of State Terror (Kisangani & Nafziger, 2006).

  • 17 | S i a p o

    Upang umusad, dapat munang maglinaw sa konsepto ng karahasan dahil ang

    terorismo ay isang manipestasyon nito. Isasaalang-alang dito ang depinisyon at

    tipolohiya ng karahasan ni Johan Galtung (1969) upang matukoy ang mga pagkakataon

    kung saan nagkaroon o may nagdulot ng karahasan. Ayon kay Galtung (1969), ang

    karahasan ay ang nagdudulot ng pagkakaiba sa pagitan ng aktuwal at potensyal na

    realisasyon. Itoy habang ang pagkakaiba ay maaring maiwasan kung walang

    monopolyo ang iilan sa pagkukunan ng yaman at iba pang rekurso. Dagdag ni Galtung

    (1969), ang karahasan ay may mga dimensyon. Sa pag-aaral, gagamitin ang

    sumusunod na dimensyon: (1) maaring pisikal o sikolohikal, (2) maaring merong

    bagay/indibidwal na sinasaktan o wala, (3) maaring personal (merong aktor para idulot

    ang karahasan) o istruktural (walang aktor at hindi direkta ngunit itoy balakid sa

    pagkamit ng aktuwal na realisasyon sa potensyal nito), (4) maaring sadya (intended) o

    hindi, at (5) maari ding hayag (manifest) o tago (latent).

    Gamit ang tipolohiya ni Galtung at mga tinalakay, ang terorismo ay nasa mga partikular

    na dimensyon ng may sinasaktan (targets), personal, sadya, at hayag. At ayon

    naman sa artikulong War on Terror as Reign of Terror ni Bobby Tuazon (2005),

    magiging partikular sa mga hindi armadong indibidwal o grupo na kumikilos para sa

    pampulitika at pang-ekonomiyang pagbabago ang target ng terorismo. Ngunit limitado

    sa low intensity conflict ang terorismo sa ganitong balangkas (Tuazon, 2005).

    Ayon naman kay Noam Chomsky (2001), napatunayan sa karahasang dulot ng mga

    pwersang Contras sa Nicaragua na ang mga target ng terorismo ay mga sibilyang

    hindi na kailangang sangkot o kasapi ng mga radikal o progresibong organisasyon. Ang

    mga Contras na hayagang sinuportahan ng gobyernong US ay pumatay ng ilang libong

    buhay at nanira ng mga mahahalagang pasilidad pang-ekonomiya ng Nicaragua

    (Chomsky, 2001).

    Ngunit anong kaiba sa terorismo mula sa ibang manipestasyon ng karahasan? Sa pa-

    aaral nina Kisangani at Nafziger (2006), ang terorismo ay may pampulitika at pang-

    ekonomiyang pakay. Mas nagiging laganap ang terorismo sa paghina ng estadong

    gumampan at pagiging kasangkapan nito sa mga rent-seeking na mga indibidwal

    (Kisangani & Nafziger, 2006). Ang estadoy isang istrukturang likas na marahas at

  • 18 | S i a p o

    kasangkapan ng naghaharing-uri sa bawat yugto ng pag-unlad (Lenin, State and

    Revolution, 1918). Samakatuwid, ang karahasang likas sa estado ay istruktural;

    hinahadlangan nito ang pag-usad patungo sa mga bagong moda ng produksyon (Lenin,

    State and Revolution, 1918).

    Ang makina ng estado ay maaring gamitin ng mga rent-seeking na indibidwal para

    marahas na mapalawig ang monopolyo sa pang-ekonomiyat pulitikal na rekurso

    (Kisangani & Nafziger, 2006). Tinukoy ni Lenin bilang bumubuo sa makina ng estado

    ang mga burukratikong ahensiya at ang hukbong sahuran nito (Lenin, State and

    Revolution, 1918).

    Sa proseso, ang karahasang istruktural (na likas nang idinudulot ng estado) ay susugan

    ng karahasang personal sapagkat itoy ginagawa ng mga ahensiya ng estado sa

    direktiba ng mga rent-seeking na indibidwal. Dapat ding bigyang-diin na ang ahensiya

    bilang isang organisasyon ang pangunahing aktor na nagdudulot ng karahasan. At ang

    ganitong karahasan ang matatawag bilang terorismo (Kisangani & Nafziger, 2006).

    Ang kritikal na batayan ng estado bilang terorista

    Ginamit sa pag-aaral ang palagay na ang estado ay maaring maging terorista.

    Sinusuportahan ang palagay ng Marxistang pananaw hinggil sa estado: (1) isang

    marahas na istrukturang bunga ng hindi pagkakasundo ng mga uri, at kailangan upang

    hindi gumuho ang lipunan sa walang humpay na pakikipagtunggali ng mga uri sa isat

    isa; (2) ang kapangyarihan nito ay nakuha sa pamamagitan ng marahas na tunggalian

    at pananaig ng isang uri upang angkinin ang mga gamit sa produksyon (means of

    production); (3) ang estadoy merong monopolyo sa lehitimong paggamit ng karahasan

    sa nasasakupan nito, sa pamamagitan ng mga organo nito tulad ng pamahalaan at

    sandatahang lakas; at (4) sa pamamagitan ng karahasan ay napapanatili nito ang

    pananaig ng naghaharing uri sa isang yugto ng lipunan o moda ng produksyon (mode

    of production)6 (Lenin, 1918).

    6 Ang konseptong mode of production ay inilinaw ni Jose Maria Sison sa akdang On the mode of

    production (1998)

  • 19 | S i a p o

    Upang ipaliwanag ang moda ng produksyon ito ang pamamaraan ng lipunan upang

    tugunan ang pangangailangan nito (na may mga gampanin sa proseso ng produksyon

    batay sa kanilang uring pinagmulan) gamit ang likas-yamang kaya nitong anihin sa loob

    ng isang panahon (Sison J. M., On the mode of production, 1998).

    Ang estado at ang mga naghaharing uri sa lipunang Pilipino

    Sa kasalukuyan, ang lipunang Pilipinoy nanatiling malapyudal ang moda ng

    produksyon. Ang malapyudalismo ay pagkatali ng produksyon sa (1) pag-eksport ng

    mga hilaw na materyales at lakas-paggawa tungo sa mga mas mauunlad na

    imperyalistang bayan tulad ng US, (2) pag-import o pagtambak ng sobra-sobrang

    puhunan at gawang produkto mula sa mga nasabing bayan, at (3) atrasadong

    ekonomiya na kinakalakal ng mura ang likas-yaman at lakas-paggawa (Sison J. M.,

    Krisis at Rebolusyong Pilipino, 1986).

    Ang imperyalismo o monopolyo kapitalismo namay ang sinasabing huling yugto ng

    kapitalistang moda ng produksyon na may sumusunod na katangian: (1) konsentrasyon

    ng produksyon at kapital sa iilang mga mauunlad na estado kagaya ng US, (2) paglitaw

    ng mga institusyong kokontrol sa pandaigdigang pinansyapara sa ganansya ng mga

    nasabing estado, (3) ang pag-eksport ng sobrang kapital tungo sa mga atrasadong

    bayan at dating kolonya tulad ng Pilipinas, (4) pagkakahati ng mundo sa mga pangkat

    pangkalakalang kontrolado ng mga imperyalistang estado, at (5) teritoryal na

    pagkakahati ng mundo sa mga imperyalista at kani-kanilang mga malakolonya (Lenin,

    Imperialism: The Highest Stage of Capitalism, 1916).

    Ang Pilipinas ay maituturing bilang malakolonya sapagkat nakikinabang sa atrasadong

    ekonomiya nito ay ang imperyalismong US (Sison J. M., Krisis at Rebolusyong Pilipino,

    1986). Upang manatili ang imperyalistang kontrol, kailangan ang estadong sumusunod

    sa dikta ng US. Ang papet na estadoy pamumunuan ng mga lokal na naghaharing uri

    ang mga malalaking burgesya kumprador at panginoong maylupa.

    Ang mga kumprador ay mga negosyanteng may sapat na kapital upang makapag-

    eksport ng mga hilaw na materyales mula Pilipinas, makapag-import ng sobrang

  • 20 | S i a p o

    gawang produkto, at mangengganyo ng dagdag pang mamumuhunan mula sa mga

    imperyalistang estado (Sison J. M., Krisis at Rebolusyong Pilipino, 1986).

    Sa paglalagak ng puhunan, kailangan ng lupa o espasyong malapit din sa pagkukunan

    ng murang lakas-paggawa. Sa ganitong proseso, madalas na damay ang mga

    maralitang komunidad sa lungsod man o nayon. Aagawan ng espasyo ang komunidad

    gamit ang mga makinarya ng estado tulad ng batas o armadong pwersa. Ang

    komunidad o mga karatig nito ang siya ring pagkukunan ng mga manggagawang

    sahuran sa mababang halaga (Sison, Krisis at Rebolusyong Pilipino, 1986).

    Ang mga panginoong maylupa naman ang mga nagmamay-ari ng mga lupaing higit sa

    50 ektarya na kadalasay ginagawang mga asyenda; kung saan nagmumula ang mga

    kailangang hilaw na materyales pang-eksport. Sila ay hindi lumalahok sa produksyong

    pagsasaka sa inangking lupa (Sison, Krisis at Rebolusyong Pilipino, 1986).

    Ang monopolyo sa lupa ng iilang panginoon at pamilya mula pa noong panahon ng

    kolonyalismong Espaol ay nagdudulot ng kahirapan sa malawak na hanay ng

    magsasaka sa kanayunan. Kaya napipilitan ang mga dalitang magsasaka na lumuwas

    patungong lungsod upang maghanapbuhay (Guerrero, 1970).

    Ang mga aping uri at sektor, at ang maralitang tagalungsod

    Ang kalakhan ng mamamayan sa lipunang Pilipino ay naghihirap at

    pinagsasamantalahan ng imperyalismo at mga naghaharing uri (1) ang uring

    magsasakang bumubuo ng higit 75% ng populasyon, (2) ang uring manggagawa na

    bumubuo ng 15% ng populasyon, at (3) ang mga nakabababang saray ng burgesya na

    nasa 9% ng populasyon (Sison, Krisis at Rebolusyong Pilipino, 1986). Bukod sa mga uri

    ay meron ding mga espesyal na sektor sa parehong sistemang panlipunan tulad ng

    mga kabataan, kababaihan, mga pambansang minorya, mga mala-manggagawa,

    maralitang tagalungsod at iba pa (Sison, Krisis at Rebolusyong Pilipino, 1986).

    Noong una, ang maralitang tagalungsod ay hindi kabilang sa mga espesyal na sektor.

    Ayon kay Roland Simbulan sa pananaliksik na pinamagatang Ang Maralitang

    Tagalungsod sa Kalakhang Maynila (2000) ang maralitang tagalungsod sa Pilipinas

  • 21 | S i a p o

    ay kalipunan ng mga naghihirap na batayang sektor at uri sa lipunang Pilipino at

    napadpad sa kalunsuran. Merong mga nakababang antas ng mga propesyonal at

    sektor tulad ng mga kabataan at kababaihan na kasama sa maralitang tagalungsod.

    Pero kalakhan sa lupon na ito ay mula sa uring manggagawa at mga mala-

    manggagawa (Simbulan, 2000).

    Ngunit nilinaw ni Gloria Ka Bea Arellano (2014), pambansang pangulo ng Kalipunan

    ng Damayang Mahihirap (KADAMAY), na ang maralitang tagalungsod ay itinuturing na

    ngayon bilang espesyal na sektor. Ipinaliwanag ni Ka Bea na datiy tinatanaw na ang

    usapin ng maralitang tagalungsod ay sunod sa usapin ng mga manggagawa at mala-

    manggagawa (2014). Ngunit sa karanasan, may mga usaping partikular sa maralitang

    tagalungsod at kanilang mga komunidad (Arellano, 2014). At sa mga maralitang

    komunidad ng lungsod, hindi lamang mga manggagawa at mala-manggagawa ang

    naninirahan (Simbulan, 2000).

    Sinasabi din mula sa Philippine Society and Revolution na ang mga manggagawa at

    mala-manggagawa ang unang mga maralita sa mga lungsod ng Pilipinas (Guerrero,

    1970). Kung magbabalik-tanaw, malawakang kinamkam ang lupa sa kanayunan ng

    mga mananakop na Espanyol at mga Pilipinong kampi rito. Ang mga magsasakang

    inagawan ng lupay sapilitang pinagtanim sa mga asyenda7 o kayay iniluwas tungo sa

    mga kabisera para magtrabaho ng walang bayad sa ilalim ng patakarang polo y servicio

    (Guerrero, 1970).

    Ang mga nagtrabaho sa ilalim ng polo ang naging unang saray ng mga manggagawang

    Pilipino. Ang lakas-paggawa nilang inuupa sa maliit o sukdulang walang halaga ang

    yumari sa mga daungan at daang-bakal. Kasunod nito ang pagyabong ng komersyo sa

    mga kabisera (Guerrero, 1970). Umunlad ang mga kabisera upang maging ganap na

    mga lungsod. Bunsod nito, mas maraming Pilipino pa ang dumagsa dito upang

    maghanap ng kabuhayang ipinagkakait sa kanayunan (Guerrero, 1970).

    Sapilitang pagpapaalis at demolisyon bilang terorismo ng estado

    7 Ang asyenda ay lupaing pinagtatamnan ng mga hilaw na materyales para i-kalakal sa labas ng bansa

    (Guerrero, 1970).

  • 22 | S i a p o

    Batay sa mga naunang pahayag, nabuo ang depinisyon ng terorismo bilang

    karahasang nasa mga dimensiyong personal, sadya, at hayag. Sa dimensiyong

    personal, ang mga aktor ay kadalasang organisado bilang ahensiya o pwersa.

    Ang pakay naman ng terorismo ay pampulitika at pang-ekonomiya pabor sa interes at

    gawain ng mga rent-seeking na indibidiwal. Ang mga target naman nito ay maaring

    mga indibidwal, grupo o institusyon at hindi kailangang may mga progresibo o radikal

    na oryentasyon ang mga ito.

    At dahil sa reaksyunaryo (kasangkapan ng mga rent-seeking na naghaharing-uri) at

    marahas na katangian nito, ang estado ay kadalasang gumagawa ng terorismo. Sa

    pamamagitan ng mga makinang tulad ng armadong hukbo, pamahalaan at batas,

    isinasagawa ang karahasan laban sa mga aping uri. Itoy para naman sa pagpapalawig

    ng monopolyo sa rekurso ng dominanteng uri.

    Sang-ayon sa mga naunang isinaad, maituturing ang sapilitang pagpapaalis at

    demolisyon laban sa mga maralitang komunidad bilang terorismo partikular ng estado.

    Ang mga maralitang tagalungsod bilang api sa malakolonyal at malapyudal na lipunang

    Pilipino ang target ng terorismo. Gamit ang mga makina tulad ng armadong pwersa ng

    estado, pinapaalis ang mga maralita sa kanilang tinitirahan. Bunga ng karahasang ito

    ang ibayong paghihirap ng maralita, at mga proyektong para sa ganansya ng mga

    malalaking burgesya kumprador at panginoong maylupa.

    Sususog pa dito ang natagpuan nina Kisangani at Nafziger (2006) na relasyon ng

    paglaganap ng terorismo at paghina ng estado. Binanggit ang kahinaan na ayon kina

    K. Holsti at W. Zartman bilang pagbaba ng paggawa ng estado sa mga batayang

    gampanin tulad ng pagkakaroon ng lehitimong kapangyarihan at awtoridad, paggawa

    ng batas, pagpapanatili sa kaayusan, at pagbibigay ng mga batayang serbisyong

    panlipunan (Kisangani & Nafziger, 2006).

    Ang mga maralita ay biktima ng ganitong kahinaan ng estado; bilang ang mga

    karapatan sa batayang serbisyo lalo ang disenteng pabahay ay hindi nila nararanasan.

    Samakatuwid, lalo silang nagiging bulnerable sa teroristang atake ng mga pwersang

  • 23 | S i a p o

    tulad ng sa estado. At ang parehong kahinaan ay sinasamantala naman ng iilang

    kumprador upang maglagak ng dagdag na puhunan at magkamal pa ng yaman.

    IKALAWANG KABANATA METODOLOHIYA AT MGA ETIKAL NA

    KONSIDERASYON

    Metodolohiya

    Case study bilang disenyo ng pananaliksik

    Ginamit sa pananaliksik ang disenyong case study. Sa isang case study, ang

    konklusyon ay inaasahan mula sa pangangalap ng datos upang suriin ang

    kongkretong pangyayariayon sa kontekstong nais ilarawan (Jison, 2013). Ang

    pangyayaring sinuri ay ang marahas na demolisyong naganap noong Enero 27, 2014

    sa gawing Agham Road ng Sitio San Roque.

    Ang Sitio San Roque sa Lungsod ng Quezon bilang lokasyon ng pananaliksik

    Tinatayang 10,000 pamilyang maralita ang naninirahan sa 30-ektaryang Sitio San

    Roque. Naganap ang pananaliksik partikular sa gawing Agham Road ng komunidad.

    Ang lokasyon ay napili sa mga sumusunod na batayan:

    1) Ang pagiging recent ng naranasan ng komunidad na pagpapaalis at demolisyon

    Wala pang tatlong buwan mula noong Enero 27, 2014 nang maganap ang

    pananaliksik. Inasahang malinaw pa sa gunita ng mga katugon ang

    mganaganap, kaya makakapangalap ng sapat na datos nang mailarawan ang

    pangangyari.

    2) Ang madaling pag-angkop sa lugar ayon kay John Raymond Jison, dapat

    ding isaalang-alang ang aspetong ito sa pagpili ng lokasyon (Jison, 2013). Ang

    mananaliksik ay hindi nahirapang umangkop dahil may karanasan na sa pag-

    integrate sa maralitang komunidad. Bukod pa doon, ang mga lokal na balangay

    ng mga organisasyong ANAKBAYAN at KADAMAY ay tumulong lalo na sa

    pagtukoy ng mga katugon sa pag-aaral.

    Critical social research bilang dulog sa pananaliksik

  • 24 | S i a p o

    Layunin ng pananaliksik na suriin ang kongkretong pangyayari (pagpapaalis at

    demolisyon sa komunidad ng maralita) sa kontekstong nais itong ilarawan, salungat sa

    kumbensyunal na paglalarawan. Nais ilarawan sa pananaliksik ang isang kalagayang

    nakaugat sa makasaysayang tunggalian ng mga uri. Upang masakatuparan ang

    ganitong layunin, ginamit ang dulog na critical social research (Muncie, 2006).

    Mga kaparaanang ginamit upang mangalap ng datos

    Upang makalap ang datos na kailangan sa pag-aanalisa, ginamit ang mga sumusunod

    na pamamaraan:

    1) Pagkuha ng mga salaysay hiningi mula sa mga lider ng mga organisasyong

    maralita sa komunidad. Silay mga residente ng komunidad at humimok sa mga

    kapwa residente na tutulan ang demolisyong naganap noong Enero 27, 2014.

    Itoy upang magkaroon ng kamalayan hinggil sa katangian at karanasan ng Sitio

    San Roque bilang maralitang komunidad.

    2) In-depth interviews para sa mga mamamayang tinukoy bilang dinanas o kayay

    magpapatunay sa karahasang naganap sa demolisyon noong Enero 27, 2014.

    Akma ang mga in-depth interviews sa layuning mailarawan ng mas malalim ang

    karahasan sa perspektiba ng mga naging saksi o biktima (Boyce & Neale, 2006).

    3) Focused group discussion ginamit ang paraang ito kalahok ang iba pang

    miyembro ng mga maralitang organisasyon sa komunidad. Itoy upang makuha

    ang pananaw hinggil sa kontekstong nais mahalaw mula sa nangyaring

    demolisyon.

    Talahanayan ng mga kaparaanang ginamit sa pananaliksik:

    Kaparaanan Petsa ng pagkuha

    ng datos

    Lugar Bilang ng mga

    tumugon

    Pagkuha ng mga

    salaysay

    Abril 6, 2014 Sitio San Roque,

    Quezon City

    2

    In-depth interviews Abril 6, 2014 Sitio San Roque,

    Quezon City

    5

  • 25 | S i a p o

    Focused group

    discussion

    Abril 6, 2014 Sitio San Roque,

    Quezon City

    3

    Sampling

    Ginamit ang iskemang purposive sampling upang matukoy ang mga kalahok sa mga

    ginamit na kaparaanan ng pananaliksik.

    Pagpili sa mga kinunan ng salaysay

    Pinili ang mga kinunan ng salaysay bilang sila ay mga kinikilalang namumuno ng mga

    organisasyong masang may lokal na balangay sa Sitio San Roque:

    1) Kasamang L siya ay 18 taon nang residente sa komunidad. Siya ay nasa

    pamunuan ng lokal na organisasyong layuniy isulong ang mga batayang karapatan sa

    paninirahan at kabuhayan ng mga maralitang mamamayan ng Sitio San Roque.

    2) Ka Inday siya ay 31 taon nang residente ng Sitio San Roque, nasa pamunuan ng

    pambansang tanggapan ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) at Alyansa

    Kontra Demolisyon (AKD). Si Ka Inday ay isa sa mga unang nanirahan sa lugar - na

    nooy kangkungan8 pa lamang bago dumami ang kanyang mga kapitbahay.

    Pagpili ng mga katugon sa in-depth interview

    Ang mga piniling kapanayam ay pawang mga residente ng Sitio San Roque bago pa

    man sumapit ang Enero 27, 2014. Sila ay dumanas o nakapagpatunay sa karahasang

    naganap at kaugnay sa demolisyong tumampok sa nabanggit na petsa.

    Para sa profile ng mga katugon, ang pagkakasunod ng mga pangalan ay ayon sa oras

    nang silay makapanayam.. Apat sa mga panayam ay ni-record gamit ang cellular

    phone; at isa ang tumanggi.

    Nanay N

    8 Ayon ito sa paglalarawan ni Ka Inday. Masasabing swampy ang inisyal na katangian ng lupa ng Sitio

    San Roque.

  • 26 | S i a p o

    Si Nanay N ay 49 taong gulang at wala pang isang taong naninirahan sa komunidad

    noong makapanayam. Tubong Leyte at nakapagtapos ng antas elementarya si Nanay

    N.

    Umaasa ang mag-anak ni Nanay N sa pagtitinda ng basahan at pagpasada ng pedicab

    ng kanyang panganay na 17 taong gulang. Tinatayang P300 ang kinikita ng buong

    pamilya kada araw. At noong Enero 27, 2014, kasama ang kanilang tinitirahan sa mga

    giniba.

    Nanay M

    Si Nanay M, 50 taong gulang at residente ng Sitio San Roque mula pa noong 1986.

    Nakapagtapos ng antas elementarya si Nanay M. Ang ikinabubuhay ng kanyang mag-

    anak ay maliitang pagtitinda; at pagpasada ng pedicab ng kabiyak. Hindi bababa sa

    P300 ang kita kada araw ng pamilya.

    Kasama ang bahay nina Nanay M sa mga giniba upang bigyang daan ang diumanoy

    11.3 widening ng Agham Road.

    Jhun

    Si Jhun9, 28 taong gulang at magwawalong-taon nang residente sa komunidad. Si Jhun

    ay nakatuntong kolehiyo hanggang ikatlong taon. Kumikita siya bilang manggagawa sa

    construction o kayay sa pagpepedicab; at dito umaasa ang kanyang mag-anak na may

    anim na miyembro. Taya ni Jhun na P300 hanggang P350 ang kanyang kinikita kada

    araw.

    Kasama ang kanilang bahay sa giniba para sa diumanoy 11.3 meter widening na

    gagawin sa Agham Road.

    Nanay B

    Si Nanay B ay 53 taong gulang, tubong Sorsogon at 26 taon nang naninirahan sa

    komunidad. Nakapagtapos si Nanay B ng high school. Ang pangunahing kabuhayan

    9 Ito ang ginamit na pangalan ng respondent upang mapangalagaan ang kanyang seguridad.

  • 27 | S i a p o

    nina Nanay B ay ang pagtitinda ng merienda10; tinataya niyang P400 ang kanyang

    kinikita kapag malakas ang benta.

    Giniba din ang bahay ng mag-anak ni Nanay B noong Enero 27, 2014.

    Tatay D

    Si Tatay D, 47 taong gulang at 17 taon nang residente ng komunidad. Nakapagtapos

    siya ng kolehiyo. Ayon kay Tatay D, siyay manggagawa sa isang construction firm sa

    Lungsod Quezon.

    Bagamat hindi apektado ng mga nakaraang demolisyon ang kanyang bahay, si Tatay D

    ay lumahok sa mga barikadang bayan noong Setyembre 23, 2010 at Enero 27, 2014.

    Pagpili ng mga kalahok sa focused group discussion

    Sa kaparaanang ito, maikling tinalakay ang konsepto ng terorismo ayon sa balangkas

    ng pananaliksik ang orihinal na gamit ng termino, ang popular na depinisyon nito, at

    ang nabuong depinisyon na gagamitin sa pananaliksik. Pwera sa mananaliksik, ang

    mga kalahok ay pinili sa katangiang sila ay may kamulatan bilang mga organisador sa

    mga komunidad ng maralitang tagalungsod.

    Kasama ng mananaliksik sa talakayan ang tatlong organisador mula sa Pambansang

    Tanggapan ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY-National) sina Ka Bea,

    Migs, at si Yumi.

    Pagsuri ng primaryang datos

    Ang mga tugon ay itinala gamit ang sound recorder feature ng isang cellular phone. Ang

    paggamit ng nahuling instrumento ay kung nais lamang ng katugon.

    Ang datos na nakalap ay ginawan ng transcription. Sumunod ay nilapatan ng iskemang

    coding upang makuha ang impormasyong ayon sa temang nais palitawin sa diskusyon.

    Kinumpol ang datos mula sa mga transcription. Mula sa mga kumpol o lumps ng datos

    ay lumitaw ang sumusunod na mga codes at subcodes:

    10

    merienda snacks; nagtitinda ng mga produktong tulad ng camote at banana cue si Nanay B

  • 28 | S i a p o

    1) Tayang populasyon ng komunidad a. Pana-panahong pagdami at pagbawas ng bilang

    2) Katangian ng mga residente a. Karaniwang kabuhayan ng mga residente

    i. Kinabubuhay ng mga tumugon 3) Kasaysayan ng komunidad

    a. Inisyal na katangian ng lupain b. Unang paggamit sa lupain ng komunidad

    4) Karaniwang katangian ng kabahayan a. Laki at materyales ng bahay b. Ang pagmamay-ari ng bahay

    5) Naunang karanasan sa demolisyon ng komunidad a. Karahasan noong Setyembre 23, 2010 b. Ang ginampanan ng mga pwersa at ahensiya ng estado sa demolisyong

    ito c. Bilang ng mga apektado sa demolisyong ito d. Ang binibigyang daan ng demolisyon

    6) Ang karanasan sa demolisyon noong Enero 27, 2014 a. Karahasang naganap sa proseso ng demolisyon

    i. Mga paglabag sa batas at karapatang-pantao sa nangyaring demolisyon

    ii. Karahasang dinanas ng mga katugon b. Ang mga ahensiya at pwersa ng estadong sangkot sa demolisyon

    i. Ang ginampanan ng mga pwersa at ahensiya ng estado sa demolisyong ito

    c. Ang kalagayan ng mga apektado i. Bilang ng mga apektado ii. Kalagayan ng mga tumugong apektado

    d. Ang dahilan ng demolisyon i. Ang tunay na binibigyang daan sa demolisyon ii. Ang mga nakinabang sa demolisyon

    7) Ang kalagayan sa relokasyon a. Hinaing ng mga residente hinggil sa relokasyon

    8) Kaalaman hinggil sa barikadang bayan laban sa demolisyon a. Ang layunin ng pagbubuo ng barikadang bayan

    i. Pag-unawa sa layunin ng barikadang bayan ng mga tumugon b. Ugnayan ng barikadang bayan at karahasan

    i. Pag-unawa sa karahasang idinulot ng barikadang bayan ng mga tumugon

    9) Pampulitikang paninindigan ng mga tumugon a. Mga organisasyong kinalahukan ng mga tumugon

    i. Pag-unawa sa paninindigan ng organisasyong kinalahukan b. Pagtanaw sa sapilitang pagpapaalis at demolisyon ng mga komunidad

    maralita i. Kaalaman hinggil sa binibigyang-daan ng mga naranasang

    demolisyon ng komunidad

  • 29 | S i a p o

    ii. Pagtanaw sa pananagutan ng estado sa mga demolisyon at pagpapalis

    iii. Pagtanaw sa pananagutan ng mga nakinabang sa mga demolisyon at pagpapaalis

    c. Antas ng paglahok ng mga tumugon sa barikadang bayan i. Personal na layunin sa paglahok ng mga tumugon

    d. Pananaw sa karapatan bilang maralita i. Pagtanaw sa kasalukuyang batas para sa paninirahan

    10) Pag-unawa sa konseptong terorismo ng mga tumugon a. Inisyal na pag-unawa ng mga tumugon sa terorismo b. Pananaw ng mga tumugon sa popular na nosyon sa terorismo c. Palagay ng mga tumugon sa Marxistang pananaw sa estado at kalikasan

    nito d. Palagay ng mga kalahok sa tinukoy sa balangkas ng pag-aanalisa bilang

    mga katangian ng karahasang maituturing na terorismo

    Ang mga codes at subcodes ay inihanay naman sa sumusunod na mga kategorya:

    1) Pangkalahatang katangian ng maralitang komunidad 2) Ang karanasan ng komunidad sa mga pagpapaalis at demolisyon 3) Ang mga pwersat ahensiya ng estadong sangkot sa pagpapaalis at demolisyon 4) Ang mga nakinabang sa demolisyon 5) Kalagayan ng mga residenteng apektado ng demolisyon 6) Mga organisasyon sa komunidad at layunin ng mga ito 7) Ang barikadang bayan at layunin nito 8) Pananaw ng mga tumugon hinggil sa karapatan at batas sa paninirahan 9) Pananaw hinggil sa terorismo ng mga maralitang tumugon

    Bukod sa mga binanggit, may code din para sa datos hinggil sa pagkakakilanlan ng

    mga tumugon. Ito ay bilang pagsiguro sa kaligtasan ng mga tumugon; at dahilan nitoy

    ang sitwasyon ng komunidad na tatalakayin sa susunod na bahagi.

    Mga etikal na konsiderasyon

    Kahit sa panahon ng pagkakasulat nito, hinaharap pa din ng komunidad sa Sitio San

    Roque ang banta ng pagpapaalis at demolisyon. Binakuran narin ang mga bahaging

    giniba at may mga armadong security guards na nagbabantay rito. Ang mga guwardiya

    ay nagsasagawa din ng ronda bawat gabi kahit sa mga bahaging tinitirahan pa. Sa

    ganitong sitwasyon, masasabing high risk ang kalikasan ng pananaliksik na ito (Jison,

    2013).

    Dahil sa kalikasang ito ng pananaliksik, siniguro ng mananaliksik ang paghingi ng

    pahintulot sa pamamagitan ng free prior informed consent form (FPIC) at

  • 30 | S i a p o

    pagpapaliwanag sa mga karapatan ng mga katugon. Ipinaliliwanag na maaring itago

    ang pagkakakilanlan, umiwas sa dokumentasyon sa pamamagitan ng kahit anong

    electronic recording device at tumangging sagutin ang anumang tanong bago isagawa

    ang bawat kaparaanan.

    Kinikilala din ang bulnerabilidad ng mga katugon lalo na ang mga dumanas ng

    karahasan noong Enero 27, 2014. Kaya ipinaliliwanag bago ang mga panayam o

    talakayan na maari itong ipatigil kahit nakapirma na sa FPIC form.

    Partikular sa focused group discussion, hiningi ng mananaliksik ang pahintulot mula sa

    mga kalahok upang itala ang talakayan sa pamamagitan ng electronic recording device.

    Dagdag pa dito ang paghingi ng pahintulot sa pagbanggit at paglathala ng

    pagkakilanlan ng mga kalahok bago magsimula ang talakayan.

    Sa paglathala ng pananaliksik, itinago ang pagkakakilanlan ng mga katugon maliban sa

    ilang hayag na mga lider ng mga organisasyong antas pambansa. Hindi inilathala ang

    mga datos na maaring tumukoy sa kanilang pagkakakilanlan. Ito ay ginawa upang

    protektahan lalo ang mga residenteng naninirahan pa din sa komunidad.

    Para naman sa seguridad ng mananaliksik, minabuting humingi muna ng pahintulot sa

    isang contact person upang magakaroon ng oryentasyon sa sitwasyon ng lugar. Ang

    nasabing contact person ay miyembro din ng isa sa mga organisasyong maralita sa

    Sitio San Roque.

    IKATLONG KABANATA - MGA NATUKLASAN

    Mga pangkalahatang katangian ng Sitio San Roque

    Talahanayan para sa seksyong ito:

    Kasalukuyang lawak ng komunidad 30 ektarya

    Tayang populasyon 10,000 na pamilya (2010); 6,000 na pamilya (2014; ayon kay Kasamang L)

    Karaniwang kabuhayan ng mga residente

    Pagiging manggagawa (karaniwan ay sa konstruksiyon), maliitang pagtitinda, pagmamaneho, pagpasada ng pedicab, at iba pang mala-manggagawang empleyo (bilang security guard o parte ng service

  • 31 | S i a p o

    crew sa mga kalapit na estabilisimento) Iba pang katangian ng mga residente Karamihan ng mga residente ay

    nangungupahan upang mapalapit sa lugar ng trabaho. Ayon pa kay Ka Inday, marami sa mga nangungupahan ay maralitang pinaalis sa lungsod tungo relocation sites sa mga probinsiya.

    Maiksing kasaysayan Dating kangkungan11 ang lugar; tinambakan ng pamahalaan upang maging panandaliang relokasyon sa mga maralita

    Karaniwang katangian ng kabahayan Maliliit at gawa sa light materials (ayon kay Ka Inday, sa lona at tagpi-tagping plywood)

    Bilang ng mga natuloy/tangkang demolisyon mula 2010

    Dalawa mula sa anim na tangka ang natuloy; ang unay noong 2010, sa gawing EDSA ng komunidad

    Bilang ng mga apektado sa mga demolisyon

    130 kabahayan noong 2010; higit 300 na pamilya naman noong 2014

    Dahilan ng mga demolisyon Mula 2010, para bigyang-daan ang proyektong Quezon City Business District (QC CBD)

    Relokasyon ng mga apektadong residente

    Ang mga apektado sa demolisyon noong Enero 2014 ay napunta sa may Montalban, Rizal. Binanggit ni Ka Inday na may relokasyon din sa may Brgy. Muzon, Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan

    Karaniwang daing sa mga relokasyon Malayo sa kabuhayan, at walang serbisyo para sa edukasyon at kalusugan. Partikular naman sa relokasyon sa Montalban ay mga sira-sirang yunit ng pabahay, at kawalan ng serbisyo ng tubig at kuryente

    Mga grupong namumuno sa paglaban sa pagpapaalis at demolisyon

    Mga lokal na organisasyong nasa ilalim ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY), Alyansa Kontra Demolisyon (AKD), at September 23 Movement.

    Mga hakbanging ginagawa laban sa demolisyon

    Pagbubuo ng mga barikadang bayan laban sa demolisyon. Alinsabay nito ang pagsusulong ng pambansang moratorium at iba pang legal na hakbangin laban sa mga naka-ambang demolisyon sa mga komunidad maralita.

    Ayon kay Kasamang L, kalakhan ng lupa ng komunidad ay dating kangkungan na

    kalaunay tinambakan ito ng dagdag na lupa. Ginawa ito ng pamahalaan upang

    11

    Swampy ang katangian ng lupa

  • 32 | S i a p o

    mapakinabangan ang lugar bilang panandaliang relokasyon para sa mga maralitang

    pinaalis mula sa kanilang mga komunidad.

    Noon pa man, ang pagpapaalis sa maralitay upang magbigay-daan sa samut-saring

    proyektong imprastraktura ng pamahalaan at maging ng mga pribadong korporasyon.

    Samakatuwid, ang Sitio San Roque ay tunguhan ng mga maralitang dumanas nang

    sapilitang pagpapaalis.

    Sa taya ni Kasamang L, umabot sa 10,000 pamilya ang naninirahan sa komunidad

    bago ang 2010. Ngunit dahil sa serye ng pagpapaalis at demolisyon mula 2010,

    bumaba ito sa 6,000 pamilya noong 2014. Kalakhan ng mga residente ay mga

    manggagawa at mala-manggagawa. Ang ilang binanggit ni Kasamang L bilang

    partikular na kinabubuhay ng mga residente ay maliitang pagtitinda, pagmamaneho,

    pagpasada ng pedicab, pagiging service crew o kayay security guard sa mga malapit

    na establisimentong komersiyal.

    Ayon naman kay Ka Inday na 31 taon nang residente, ang lawak na tumatagos mula

    Agham Road hanggang EDSA at ang kahabaang mula North Avenue hanggang

    Quezon Avenue ay dating kinatitirikan ng mga komunidad ng maralita. Bilang isa sa

    mga unang nanirahan sa lugar, nakita ni Ka Inday kung paano dumami ang kanyang

    mga kapitbahay. Inabot pa ni Ka Inday ang kangkungan na kalaunay magiging

    temporary na relokasyon ng mga maralita.

    Tantiya ni Ka Inday, 6,000 naman ang pamilyang dumagdag sa komunidad sa proseso

    ng pagtatayo at pagpapalawak ng SM North EDSA. At ang kinatatayuan ng kalapit na

    TriNoMa Mall ng Ayala Land Inc. (ALI) ay dati ding komunidad ng maralita. Kalakhan ng

    mga pinaalis na residente ng itayo ang mall ay lumipat din sa Sitio San Roque.

    Binanggit din ni Ka Inday na kulang-kulang pa sa libo ang pumunta sa mga binigay na

    relokasyon partikular sa kaso ng pagtatayo ng SM North EDSA. Dahil nasa lungsod ang

    kanilang kabuhayan, pinili ng karamihan ang mangupahan sa mga maliliit na kuwartong

    yari sa tagpi-tagping lona at plywood ng Sitio San Roque.

    Mga organisasyon sa komunidad at layunin ng mga ito

  • 33 | S i a p o

    Mga organisasyong kinalahukan ng mga katugon

    Walo mula sa sampung katugon ang kalahok sa mga organisasyong maralita na may

    lokal na balangay sa Sitio San Roque. Ang waloy kasapi na sa kani-kanilang mga

    organisasyon bago pa sumapit ang Enero 27, 2014. Ang mga organisasyong kanilang

    binanggit ay ang mga sumusunod:

    1) Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY)

    2) Alyansa Kontra Demolisyon (AKD)

    3) ANAKPAWIS Partylist

    4) September 23 Movement

    5) Samahan ng Nagkakaisang Naninirahan sa North Triangle KADAMAY

    6) Samahan ng Nagkakaisa sa North Triangle (SNNT)

    7) Samahan ng mga Dukhang Nagkakaisang Adhikain sa Kabuhayan Inc.

    Ayon sa mga miyembro nito, ang KADAMAY at AKD ay mga organisasyong antas-

    pambansa. Banggit ni Ka Bea, ang KADAMAY ay ang pambansang sentro ng

    kampanya para sa karapatan ng maralitang tagalungsod sa disenteng paninirahan at

    kabuhayan. Ang AKD naman ay pambansang alyansa na tutol sa pagpapaalis at

    demolisyong nagaganap sa mga maralitang komunidad.

    Ang ANAKPAWIS Partylist naman ay organisasyong representante ng mga maralita sa

    Kongreso ng Republika. Layunin nitong magsulong ng mga panukalang kagyat na

    makatutugon sa hinaing ng mga maralita tulad ng pambansang moratorium o

    pagpapatigil sa mga nakaambang demolisyon, at pag-udyok sa mga ahensiya ng

    gobyernong bigyan ng kompensasyon ang mga apektado.

    Ang September 23 Movement namay isang lokal na alyansa. May layon itong isulong

    ang mga batayang karapatan sa paninirahan at kabuhayan ng mga maralitang

    mamamayan ng Sitio San Roque. Ang ngalan nitoy bilang paggunita sa pagtutol ng

    mamamayan sa marahas na demolisyong naganap noong Setyembre 23, 2010.

    Ang Samahan ng Nagkakaisang Naninirahan sa North Triangle KADAMAY namay

    ang nagsisilbing balangay ng KADAMAY sa lugar. Ang organisasyoy naninindigan para

  • 34 | S i a p o

    sa paninirahan at kabuhayan ng mga maralita sa mga komunidad ng North Triangle.

    Ang nahuli ay ang area na pinapaligiran ng Quezon Ave., North Ave., at EDSA; saklaw

    nito ang Sitio San Roque kasama ang iba pang komunidad.

    Ang SNNT naman ay organisasyong pang-masa; nakabase din ito sa mga komunidad

    ng North Triangle. Ayon sa miyembro nitong tumugon, ang layunin ng samahang ito ay

    bumuo ng pagkakaisa sa mga komunidad na saklaw ng North Triangle sa Lungsod ng

    Quezon.

    Ayon naman sa miyembro nitong tumugon, ang Samahan ng mga Dukhang

    Nagkakaisang Adhikain sa Kabuhayan Inc. namay isinusulong nito ang mas partikular

    na on site development12 para sa mga komunidad ng maralita.

    Karanasan ng komunidad sa pagpapaalis at demolisyon

    Pananaw ng mga tumugon sa pagpapaalis at demolisyon

    Ang lahat ng mga tumugon ay tinatanaw na mali ang pagpapaalis at demolisyon sa

    mga maralitang komunidad. Para sa mga tumugong kasapi ng mga organisasyong

    maralita, tinatanaw hindi magiging makatuwiran ang pagpapaalis sa maralita sa

    kanilang mga komunidad sa lungsod. Lalupat ang patutunguhan ng mga maralita ay

    mga relocation sites na walang probisyon para sa batayang serbisyong panlipunan13 at

    kabuhayan.

    Tinatanaw din ng mga tumugong may organisasyon ang pagpapaalis at demolisyon

    bilang likas na marahas. Pangunahing dahilan umano nito ay ang pagpapadala ng

    estado sa malaking armadong pwersa upang ipatupad ang paggiba ng kabahayan.

    Idagdag pa ang pagkukulang ng mga ahensiya ng estado na konsultahin ang mga

    apektadong residente. Hinggil dito, binanggit ni Tatay D:

    12

    Tinukoy ito ng miyembrong tumugon bilang programa para sa kabuhayan at socialized housing sa mismong mga komunidad ng maralita. 13

    Kung ang pamantayan ng UDHA ang gagamitin ayon sa Section 21 nito, ang masasabi bilang mga batayang serbisyo ay ang sumusunod (a) maiinom na tubig, (b) koneksyon at sistema ng distribusyon ng kuryente sa pamayanan, (c) sewerage facilities and an efficient and adequate solid waste disposal system , at (d) access sa mga pangunahing daanan at pasilidad para sa transportasyon. Ang isang resettlement o socialized housing project ay dapat meron ng lahat ng ito ayon pa rin sa Section 21. Ayon naman sa salaysay nina Ka Lourdes at Ka Inday, dapat kasama ang usapin ng mga pasilidad para sa edukasyon at pangkalusugan kung batayang serbisyong panlipunan ang tinutukoy.

  • 35 | S i a p o

    Sa kasaysayan natin dito sa pakikibaka talagang wala pang mapayapang pagdedemolish, puro karahasan yan. Kasi ang gobyerno kasi kapag may gagawin na development sa isang komunidad wala talagang pakikipag-usap yan.

    Sa pananaw naman ng mga tumugong hindi kasapi, mali ang demolisyon dahil sa

    pamamaraan ng pagpapatupad nito. Bukod sa karahasan, tinukoy na mga kamalian ng

    dalawang katugong walang kinalahukang organisasyon ang kakulangan ng

    pagpapaalam, konsultasyon, at programa para sa mga apektado. Banggit nga ni Nanay

    M:

    Ewan ko ba, biglaan lang kasi sila (ang NHA at lokal na pamahalaan) bahala sila. Basta ang hinahangad ko na lang sa kanila (ay) ilagay nilakami sa tama. Ihatid kami sa relocation (at) bigyan kami ng tamang financial (assistance).

    Ang demolisyon noong Setyembre 23, 2010

    Ayon kay Kasamang L, ang una sa serye ng mga demolisyon ay ang naganap noong

    ika-23 ng Setyembre 2010. Ang demolisyon ay naganap sa gawing EDSA ng Sitio San

    Roque. Hayag ang layunin na pagbibigay-daan sa proyektong Quezon City Central

    Business District (QC CBD). Ang proyekto ay mula sa inisyatiba ng lokal na

    pamahalaan sa pamumuno ng dating Mayor Feliciano Sonny Belmonte, Jr. Kinilala din

    ito bilang joint venture ng National Housing Authority (NHA) at ALI.

    Itinuturing nina Ka Inday, Kasamang L, Tatay D at Nanay B na ang nangyari noong

    Setyembre 23, 2010 ay isang marahas na demolisyon. Ayon kay Ka Inday, dito unang

    naranasan ng mga residente ang karahasan mula sa kapulisan. Pinagsamang pwersa

    ng tayang 300 na mga pulis, dalawang Special Weapons and Tactics (SWAT) teams at

    600 kataong demolition team ang pinapunta ng lokal na pamahalaan at NHA upang

    isagawa ang demolisyon14. Idagdag pa ang mga kagamitang tulad ng water cannon

    (may 3 firetrucks na kahanay ang mga tagapagpatupad) para sa pagbuwag ng mga

    residenteng nagbarikada laban sa demolisyon15.

    Dumanas lalo ang mga kalahok sa barikadang tutol sa demolisyon ng pamamalo ng

    batuta at panunutok ng baril mula sa kapulisan. Ayon nga sa ulat ng GMA News TV16,

    14

    Ang mga nasabing bilang noong Setyembre 23, 2010 ay mula sa artikulo nina Suarez at Abella (2010). 15

    Ibid. 16

    Ibid.

  • 36 | S i a p o

    hindi bababa sa labing apat ang sugatan, pito ay mga residente. Umabot naman sa 130

    na kabahayan ang giniba noong araw na iyon.

    Matapos ang demolisyon, saka naman nagkaroon ng mga armadong security guards.

    Sila ang mga bantay sa mga bahaging giniba, at naninigurong walang makakapasok o

    makapagtatayo ng bahay dito. Ayon kay Kasamang L, ang mga security guards ay mga

    lokal din o kaya galing sa mga relokasyon. Ang nag-alok diumano sa kanila ng

    nasabing trabaho ay mga ahente ng Ayala Corporation.

    Banggit ni Ka Inday, mula Setyembre 2010 hanggang 2014, anim na ang

    pagtatangkang gibain ang anumang bahagi ng komunidad kasama ang nangyari

    noong Enero 27, 2014.

    Ang demolisyon sa gawing Agham Road

    Ang demolisyon noong Enero 27, 2014 ay upang bigyang-daan diumano ang 11.3

    meter widening ng lokal na pamahalaan sa buong kahabaan ng Agham Road. Ngunit

    para kina Kasamang L at Ka Inday, ito ay ang pagpapatuloy sa serye ng mga

    demolisyon para magbigay-daan sa QC CBD.

    Unang tangka upang gibain ang kabahayan sa gawing iyon

    Ayon kay Ka Inday, hindi iyon ang unang tangka na gibain ang kabahayan sa gawing

    Agham Road. Ang una ay noong Hulyo 1, 2013. Nagbarikada ang mga residente upang

    tutulan na ipinarating sa pamamagitan ng isang memorandum17. Muli, tinapatan ang

    barikada ng mga riot police at tumuloy sa karahasan. Sa pahayag ng kapulisan

    matapos ang insidente, sinabing wala namang order para sa isang demolisyon noong

    araw na iyon. Pumunta ang mga pulis upang i-disperse ang barikadang nakakaapekto

    sa daloy ng trapiko.18

    Binanggit ni Ka Inday na karamihan sa mga nasaktan ay mga tatay at kabataan sa

    komunidad na lumahok sa barikadang bayan. Tatlo ang naiulat na sugatan mula sa

    17

    Ayon na rin sa pahayag na nakalap mula sa isang pang-balitang artikulo sa website ng GMA Network (2013) 18

    Ibid.

  • 37 | S i a p o

    hanay ng kapulisan, buhat diumano sa mga improvised na paputok at batong nagmula

    sa hanay ng mga residente.19

    Karahasan sa demolisyon noong Enero 27, 2014

    Noong Enero 27, 2014, muling may nagbarikada upang tutulan ang demolisyon. Ayon

    kay Kasamang L, ang pagsasagawa ng demolisyon noong araw na iyon ay ilegal at

    labag kahit sa UDHA. Hindi nagkaroon ng konsultasyon sa mga residente ang NHA o

    lokal na pamahalaan hinggil sa pagpapaalis, demolisyon at relokasyon. Ngunit may

    Certificate of Compliance mula sa lokal na pamahalaan na naipakita ang demolition

    team. Bukod pa doon, wala ding opisyal mula sa lokal na pamahalaan o NHA ang

    naroon upang makita ang proseso.20

    Dagdag pa ni Kasamang L, tinambakanang komunidad ng tinatayang 700 na pulis at

    100 kataong demolition team. Habang ang gigibain ay kabahayan ng higit 300

    pamilyang naninirahan sa tabi ng Agham Road. Meron ding presensya ng mga SWAT

    teams na armado ng matataas na kalibre ng baril at tear gas canisters. Tinangka pa ng

    mga lider ng mga organisasyonsa lugar na makipag-negosasyon upang ipagpaliban

    ang demolisyon ngunit hindi naging bukas para dito angkapulisan at demolition team.

    Nagpang-abot kaagad ang mga residenteng nakabarikada at mga pulis. Kagyat na

    sinagot ng tear gas at ilang putok ng baril ang batot bote mula sa barikada. Dahil dito

    na-disperse ang barikada at sinimulan kaagad ang paggiba sa kabahayan. Nagtuloy-

    tuloy naman ang mga pulis sa loob ng komunidad upang arestuhin ang mga namato at

    kalahok sa barikada.

    Tinangka makipag-usap nina Kasamang L at iba pang lider ng mga organisasyon

    upang itigil ang arbitraryong pang-aaresto. Pero putok ng baril na nakatutok sa kanal

    ang sagot ng nakamaskarang kausap nina Kasamang L. Isang kasama nina

    Kasamang L ay naihian ang sarili matapos ang pagpapaputok. Naganap ang insidente

    sa pagitan ng ika-9 at 10 ng umaga noong araw na iyon.

    19

    Ibid. 20

    Nakasaad sa Section 28 (3) ng UDHA na sa pagsasagawa ng pagpapaalis o demolisyon kailangang may presensya ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng kahit sinong opisyal o representante

  • 38 | S i a p o

    Taya ni Ka Inday ay 80 katao ang nasaktan dahil kumalat ang tear gas sa buong

    komunidad. Ang mga tumugong sumama sa barikada ay pare-parehong nasaktan sa

    paglanghap ng tear gas. Ngunit ang bilang ay hindi limitado sa mga nagbarikada

    lamang patunay na diyan ang dinanas nina Nanay N at M. Hinggil dito, banggit ni

    Nanay B na kasama sa barikada:

    Sa karanasan ko, hindi porket nandoon ka sa barikada, hindi... Lahat, lahat nakakaranas (ng karahasan); lahat ng apektado dito, lahat nakaranas yan (at) hindi lang yung nakabarikada.

    Binanggit ni Kasamang L na may namatay dahil sa karamdamang idinulot ng tear gas.

    Ngunit hindi ito hinayag ng pamilya bunsod ng takot na balikan ng mga nagpatupad ng

    demolisyon.

    Sa ulat mula sa GMA Network21, 9 ang naaresto sa insidente. Ayon naman kina Ka

    Inday at Kasamang L, higit pa rito ang aktuwal na bilang. Bukod pa doon, may insidente

    pa ng panghihimasok sa isang bahay ng mga hindi naka-unipormeng ahente para

    arestuhin ang isang kalahok sa barikadang bayan si Jhun.

    Bandang alas-dos naman ng hapon noong Enero 27, 2014 ay nagkaroon ng general

    cleaning ang lokal na pamahalaan at kapulisan sa mga bahaging giniba. Ayon kay

    Kasamang L, kinumpiska ng mga nasabing ahente ang mga kagamitan at iba pang

    21

    Mula sa artikulong 29 hurt, 9 arrested in clashes at Quezon City Demolition ni Rouchelle Dinglasan (2014)

    Kahon blg. 1 Ang arbitraryong pag-aresto kay Jhun

    Matapos magpakawala ng tear gas at tuluyang na-disperse ang barikada, agad pumasok si Jhun sa loob ng komunidad. Sa loob ng komunidad ay may mga ahenteng armado ngunit naka-sibilyan. Nang namataan, si Jhun ay arbitraryong inaresto ng mga ito sa akusasyong kasama siya sa mga namukol ng bato sa kapulisan. Tinangka pang pigilan ng asawat kamag-anak ni Jhun ang pag-aresto, ngunit sinaktan lamang din kahit ang asawa niya. Gamit ang posas, kinaladkad siya palabas ng komunidad ng mga ahente.

    Bagamat nakalaya nay matinding takot ang iniwan ng pangyayari kay Jhun at sa kanyang mag-anak. Sa panahon ng panayam, hindi pumayag si Jhun na ihayag ang kanyang pangalan para sa seguridad ng kanyang pamilya. At may mga katanungang minabuti ni Jhun na hindi sagutin.

  • 39 | S i a p o

    materyales na maari pang mapakinabangan ng mga residente. Ang paggiba ng

    kabahayan sa kahabaan ng Agham Road ay umabot ng limang araw mula ika-27,

    Lunes hanggang ika-31 ng Enero 2014, Biyernes.

    Hinggil sa mga barikadang bayan at layunin nito

    Ayon kay Ka Inday, ang mga barikadang bayan ay layuning pigilan ang nakaambang

    demolisyon, paggiba sa kabuhayan at paninirahan ng mga residente. Kahilingan din ng

    mga maralitang lumalahok dito ang abot-kayang pabahay on-site at hindi sa malalayong

    relokasyon. Katulad ni Ka Inday, ang ganitong pakay ng barikadang bayan ay

    nauunawaan din ng iba pang mga tumugon.

    Kadalasan, isang linggo pa bago ang nakatakdang petsa ng paggiba, naghahanda na

    ang komunidad sa pagbabarikada. Sa bawat kantong kailangang bantayan upang hindi

    makapasok ang demolition team at mga pulis, dapat merong barikada.

    Dagdag ni Kasamang L, lahat ng mga residenteng tutol sa demolisyon at relokasyon sa

    mga lugar na malayo sa kabuhayan ay hinihimok at inoorganisa tungo sa barikadang

    bayan. Ang mga grupong mga nasa ilalim ng KADAMAY, Sept. 23 Movement, at AKD

    ang nangunguna sa gawaing ganito.

    Paglahok sa barikadang bayan ng mga tumugon

    Maliban kina Nanay N at M, ang mga tumugon sa panayam at hiningan ng salaysay ay

    tiyak na lumahok sa barikadang bayan noong Enero 27, 2014. At bagamat hindi

    tuwirang apektado, pinili nina Kasamang L, Tatay D, at Ka Inday na lumahok. Hinggil

    dito, binanggit ni Nanay B na ang paglahok sa barikada ay porma din ng pakikipag-

    kaisa sa hanay ng mga maralitang residente.

    Ang barikadang bayan at karahasang idinudulot nito

    Hinggil naman sa karahasang idinudulot ng barikadang bayan, naniniwala sina Jhun,

    Nanay N, at Tatay D na hindi tuwirang nais ng barikada ang karahasan sa mga

    komprontasyon.

  • 40 | S i a p o

    Ayon kay Kasamang L at Tatay D, palaging nagtatangka ang mga organisasyong

    kalahok sa barikada na makipag-negosasyon para sa pagpapaliban ng demolisyon.

    Idagdag pa na nagsasagawa ng mga legal na hakbangin ang mga grupo tulad ng

    ANAKPAWIS Partylist para isulong ang isang moratorium o pagpapatigil ng mga

    demolisyon sa buong bansa noong 201222.

    Ngunit sa karanasan noong Setyembre 23, 2010 at Enero 27, 2014, hindi nagtagumpay

    ang pakikipag-negosasyon at agad na nais gibain ng demolition team ang kabahayan.

    Para kina Jhun at Nanay N, ito ang kagipitan kung saan napipilitang mamumukol ang

    mga residente ng mga bato, bote o kung minsay mga paputok laban sa hanay ng

    kapulisan at demolition team.

    Pinangatuwiranan naman nina Ka Inday at Nanay B na hindi matutumbasan ng mga

    bato at bote ang mga armas at tear gas canisters na ginamit ng kapulisan laban sa mga

    residente, nasa barikada man o wala. Wika pa ni Nanay B:

    Ano nga bang laban ng mga maralita sa kanila? Sila (mga kapulisan) may mga baril... (ang mga maralita) ginagamitan nila ng tear gas, (water cannon)... kami ano bang laban namin? Bato? Mga bote, ganun lang? Ano bang kalaban-laban namin?23

    Talahanayan upang sumahin ang mga nangyaring demolisyon

    Setyembre 23, 2010 Enero 27, 2014

    Binibigyang-daan na proyekto

    Ang Public-Private Partnership ng NHA at ALI na Quezon City Central Business District (QC CBD)

    11.3 meter road widening ng Agham; kinalaunan ay inihayag din na para sa QC CBD24

    Bilang ng pinadalang mga tagapatupad ng demolisyon

    300 na kapulisan, 2 SWAT teams, kasama ng 600 kataong demolition team

    700 na kapulisan, kasama ang 100 kataong demolition team

    May unang tangka upang gibain ang kabahayan?

    Walang binanggit Meron, noong Hulyo 1, 2013

    22

    Mula sa pahayag ng dating ANAKPAWIS Partylist Representative Joel Maglunsod, inere sa edisyon ng programa sa DZUP 1602 na May Punto Ka Diyan noong Marso 22, 2012 23

    Parehong karanasan sa Setyembre 23, 2010 at Enero 27, 2014 ang pinagbatayan ni Nanay Bacion ng pahayag. Noong Setyembre 2010, nasa hanay ng kapulisan ang tatlong firetrucks at ginamit ang water cannon nito laban sa mga nakabarikadang residente (Suarez & Abella, 2010). At noong Enero 27, teargas naman ang ginamit upang ma-disperse ang barikadang bayan sa Agham Road. 24

    Batay na rin sa artikulong After demolition, Agham slum folk off to Bulacan ni Julie Aurelio (2014)

  • 41 | S i a p o

    Karahasang idinulot ng mga residenteng nagbarikada

    Pamumukol ng bato, bote at paputok

    Pamumukol ng bato, bote, paputok at dumi25

    Karahasang idinulot ng mga armadong pwersa ng

    estado

    Pamamalo ng batuta, paggamit ng water cannon at panunutok ng baril sa mga nakabarikada

    Pamamalo ng batuta, paggamit ng water cannon, pagpapaputok ng baril at paggamit ng tear gas sa mga residente; arbitraryong pag-aresto sa mga hininalang sangkot sa barikadang bayan

    Bilang ng mga nasaktan 14, at pito ay mula sa mga residente

    Ayon sa media, 29 ang nasaktan at 9 ang inaresto26. Ngunit taya ng mga residente, aabot sa 80 ang nasaktan. Diumanoy meron ding isang namatay

    Bilang ng mga giniba 130 kabahayan Kabahayan ng higit sa 300 na pamilya

    Ang estado at mga nakinabang sa demolisyon

    Ang batas sa paninirahan at pagpapahintulot nito sa demolisyon

    Nagkakaisa ang mga pahayag nina Ka Inday at Kasamang L hinggil sa Urban

    Development and Housing Act of 1992 itoy ginagamit ng pamahalaan kasama ng

    mga korporasyong nakikinabang sa mga demolisyon. Sa kanilang karanasan sa Sitio

    San Roque, ipinahayag nila kung paano hindi nasusunod ang mga probisyon sa batas

    lalo na hinggil sa (1) konsultasyon at pagpapaalam sa mga maapektuhan,(2) patakaran

    ng pagsasagawa ng pagpapaalis at demolisyon, at (3) pamantayan para sa relokasyon.

    25

    Mula sa artikulong 29 hurt, 9 arrested at Quezon City demolition ni Rouchelle Dinglasan (2014) 26

    Ibid.

  • 42 | S i a p o

    Sa ilalim ng Section 30 ng UDHA, pinagbabawalan ang mga maralita na muling

    magtayo ng kahit anong istruktura sa mga lupaing pinaggibaan. Inoobliga ang

    pamahalaang lokal upang ipatupad ang nabanggit na seksyon. Bunsod nito, isinabatas

    ng Sangguniang Lungsod ng Quezon ang City Ordinance 2247 na nagpapahintulot

    kahit sa mga opisyal ng barangay at miyembro ng Task Force COPRISS27 na kagyat

    paalisin ang mga maituturing na squatter at gibain ang mga istrukturang itinayo nila.

    Ang ganitong mga summary eviction/demolition ay hindi na kailangan ng order mula

    sa korte at lokal na pamahalaan at kahit pagpapaalam sa mga maapektuhan28.

    27

    Ayon sa opisyal na website ng Quezon City Government, ang Task Force for Control, Prevention and Removal of Illegal Structures and Squatting (COPRISS) ay nakatokang ipatupad ang mga order ng pagpapaalis at demolisyon mula sa pamahalaang lungsod. Ang Task Force ay nasa direktang pamamahala ng Opisina ng Mayor ng Lungsod Quezon. 28

    Alinsunod sa Section 1 ng City Ordinance no. 2247 series of 2013

    Kahon blg. 2 Mga nilabag na probisyon ng UDHA noong Enero 27, 2014

    Nakasaad sa Section 28 (2) ng UDHA Adequate consultations on the matter of resettlement with the duly designated representatives of the families to be resettled and the affected communities in the areas where they are to be relocated. Ngunit nagkakaisa ang mga tumugon na wala namang naganap na konsultasyon para sa mga mamamayang maapektuhan partikular ng demolisyon noong Enero 27, 2014.

    Sinasabi naman sa Section 28 (1) ng UDHA Notice upon the effected persons or entities at least thirty (30) days prior to the date of eviction or demolition. Ngunit banggit naman ni Kasamang L, ang huling notice na natanggap nila ay para sa isang demolisyong hindi natuloy noong Setyembre ng 2013. Noong Enero ay wala silang natanggap na panibagong notice; tanging Certificate of Compliance lamang ang naipakita sa mga residente sa mismong araw ng demolisyon.

    Dagdag pang paglabag ang paglahok ng mga walang pagkakilanlan o kayay di unipormadong ahente mula sa hanay ng mga pulis sa demolisyon (balikan ang Kahon blg. 1 para sa isang insidente). Ito ay hindi tugma sa isinasaad ng Section 28 (4) Proper identification of all persons taking part in the demolition, at (7) Proper uniforms for members of the Philippine National Police who shall occupy the first line of law enforcement and observe proper disturbance control procedures.

    Higit sa lahat, ang kakulangan sa kumpensasyon at kagyat na relokasyon para sa mga apektado ay labag sa UDHA. Sa ilalim ng Section 28 (8), isinasaad na sa loob ng 45 na araw, dapat may maibigay ng relokasyon ang NHA at lokal na pamahalaan sa mga apektado. Mangyari man na hindi ito maari, kailangang magbigay naman ng kompensasyon sa halaga ng arawang minimum wage para sa 60 na araw.

  • 43 | S i a p o

    Higit sa lahat, ginagawa ng UD