teoryang pinagmulan ng wika

Upload: francis-miguel-perito

Post on 13-Oct-2015

470 views

Category:

Documents


7 download

TRANSCRIPT

  • 5/22/2018 Teoryang Pinagmulan Ng Wika

    1/3

    Bow-wow

    Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga

    primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa

    kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil ito ang

    dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag ng tuko dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing insekto. Pansinin ang mga

    batang natututo pa lamang magsalita. Hindi bat nagsisimula sila sa panggagaya ng mga tunog, kung kayat ang tawag

    nila sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw. Ngunit kung totoo ito, bakit iba-iba ang tawag sa aso halimbawa sa ibat ibang

    bansa gayong ang tunog na nalilikha ng aso sa Amerika man o sa Tsina ay pareho lamang?

    Ayon sa palagay at hakang ito, ginagaya ng tao ang mga tunog na likha o galing sa kalikasan. Ang halimbawa'y tunog o

    tahol ng aso ay "bow-wow". Ang tilaok ng manok at "tiktilaok". Ang tunog ng tuko ay mismong "tuko" kaya't ito na rin

    ang tinawag ng tao rito.

    Ding-dong

    Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na

    nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kundi maging

    sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sabawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalaunay nagpabagu-bago at nilapatan ng

    ibat ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog

    Pooh-pooh

    Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga

    masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa. Pansinin nga naman ang

    isang Pilipinong napapabulalas sa sakit. Hindi bat siya y napapa-Aray! Samantalang ang mga Amerikano ay napapa-

    ouch! Anong naibubulalas natin kung tayoy nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng takot?

    Sinasabi na ang tao ay lumilikha ng tunog at kahulugan nito bunga ng matitinding damdaming kaniyang nararanasan

    bilang tao. Halimbawa nito ay ang silakbo ng damdamin, takot, galak at pagkalungkot. Kaya nga ba't kapag nabibigla angisang tao ay agad nasasabi niyang "ay". Kapag humahanga ay nasasambit ang "wow".

    Ta-ta

    Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon

    ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalaunay nagsalita. Tinatawag itongta-tana

    sa wikang Pranses ay nangangahulugangpaalamogoodbyesapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay

    kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang

    salitangta-ta.

    Yo-he-ho

    Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng

    kanyang pwersang pisikal. Hindi nga bat tayoy nakalilikha rin ng tunog kapag tayoy nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa,

    anong tunog ang nililikha natin kapag tayoy nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayoy sumusuntok o

    nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?

    Sinasabing ang mga sinaunang tao ay pinaniniwalaang nagsimulang magsalita sanhi ng matinding puwersa. Hindi ba't

    kapag nagbubuhat tayo ng mabibigat na bagay ay may kataga tayong nasasabi gaya ng "ahhh". Gayundin ang isang inang

    magluluwal ng kaniyang sanggol. Kahit sa karate ay may tunog na nasasambit gaya ng "yahhh".

  • 5/22/2018 Teoryang Pinagmulan Ng Wika

    2/3

    Ta-ra-ra-boom-de-ay

    Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma,

    pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto.

    Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw atincantationo mga bulong. Ayon sa teoryang ito, ang wika

    raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalaunay nagpapabagu-bago atnilapatan ng ibat ibang kahulugan.

    Sa katutubong tradisyon, hindi maitatangging naging bahagi ng mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sa iba't ibang anyo ng

    ritwal na ginawa ng mga ninuno, lagi itong nilalangkapan ng wika ayon sa kahingian ng kagawian nila. May ritwal sa

    pagbibinyag, pagpapakasal, paglilibing, at mga katulad at sa bawat ritwal na ito ay may kasamang tunog o ang tinatawag

    na incantation o chant.

    1.Interaksyunal- nagpapanatili ng relasyong sosyal.

    halimbawa:

    pasalita: pangangamusta

    pasulat: liham pang-kaibigan

    2. Instrumental- tumutugon sa mga pangangailangan.

    halimbawa:

    pasalita: pag-uutos

    pasulat: liham pang-aplay

    3. Regulatori- kumukontrol/gumagabay sa kilos o asal ng iba.

    halimbawa:

    pasalita: pagbibigay ng direksyon

    pasulat: panuto

    4. Personal- nagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.

    halimbawa:

    pasalita: pormal o di-pormal na talakayanpasulat: liham sa patnugot

    5. Imahinatibo- nagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.

    halimbawa:

    pasalita: malikhaing pagsasabuhay/pamamaraan

    pasulat: mga akdang pampanitikan

    6. Heuristiko- naghahanap ng mga impormasyon o datos.

    halimbawa:

    pasalita: pagtatanong

    pasulat: survey

    7. Informatib- nagbibigay ng mga impormasyon.

    halimbawa:

    pasalita: pag-uulat

    pasulat: balita sa pahayagan

  • 5/22/2018 Teoryang Pinagmulan Ng Wika

    3/3