mga teoryang pampanitikan

38
HISTORIKAL PORMALISTIKO SIKOLOHIKAL SOSYOLOHIKAL SIMIOTIKA MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

Upload: joana-grace-isip

Post on 08-Feb-2017

4.063 views

Category:

Education


35 download

TRANSCRIPT

HISTORIKALPORMALISTIKOSIKOLOHIKAL

SOSYOLOHIKALSIMIOTIKA

MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog.

HISTORIKAL

- May mahalagang ginagampanan ang institusyon sa pagbibigay- daan sa uri ng panitikang susulatin ng may- akda.

- Ang wika at ang panitikan ay hindi maaaring paghiwalayin.

- Ang akdang susuriin ay dapat na maging epekto ng kasaysayan na maipaliliwanag sa pamamagitan ng pagbabalik- alaala sa panahong kinasasangkutan ng pag- aaral.

Panuntunan sa Paggamit ng Teoryang Historikal:

“ Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog” ni Julian Cruz Balmaceda

“ Ang Pagkakaunlad ng Nobelang Tagalog” ni Inigo Ed. Regalado

“ Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” ni Dr. Jose Rizal

“Hulyo 4, 1954” ni Dionisio S. Salazar

Mga Halimbawa:

“ Dekada ’70 ”  ni Lualhati Bautista

“ Etsa- Puwera’’ ni Jun Cruz Reyes “ Pilipino: Isang Depinisyon ’’ ni Ponciano B.

P. Pineda

“ EDSA ng Kasaysayan ’’ ni Rodel M. Jaboli

“ Ugat ’’ ni Genoveva Edroza Matute

- Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda.

SIKOLOHIKAL

- Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

- Makikita ang takbo ng isip ng may- katha

- Antas ng buhay, paninindigan, pananiniwala, pinahahalagahan,

at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may- akda.

Halimbawang Akda:

“Amerikanisasyon ng Isang Pilipino” ni Ponciano Pineda

“Maling Edukasyon sa Kolehiyo” ni Jorge Bocobo

“Sa Pula, Sa Puti” ni Francisco Soc Rodrigo “Ang Ama” ni Mauro R. Avena

“Taguan” ni Rolando Bernales “Aswang” ni Isabel Sabullen “Bahay na Pawid” “Moses, Moses” ni Rogelio Sikat“ Labi sa Bulawan” ni Magdalena Jalandoni

-Pinagtutuunan ng pansin sa ang mga istruktura o pagkabuo kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag (sukat, tugma, kaisahan ng mga bahagi, teknik ng pagkakabuo ng akda.

PORMALISTKO

- Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.

- Ang pagtuklas at pagpapaliwanag ng anyo na akda ang tanging layunin ng pagsusuring pormalistiko.

- Walang pagtatangkang busisiin sa teoryang ito ang buhay ng may-akda.

- Hindi rin binibigyang-puwang ang kasaysayan at lalong hindi pagtutuunan ng pansin ang implikasyon sosyolohikal, politikal, sikolohikal at ekonomikal. 

- Kailangang masuri sa akda ang tema o paksa ng akda, ang sensibilidad at pag- uugnayan ng mga salita, istruktura ng wika, metapora, imahen, at iba pang elemento ng akda.

1. Nilalaman2. Kaanyuan o kayarian3. Paraan ng Pagkakasulat ng

akda

Tunguhin sa Teoryang Pormalistiko

Halibawang Akda:

“Mga Pusong Sugatan” ni Guillermo Holandez “Manika” ni Cirio Panganiban “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo “Ako’y si Bukid” ni Lope K. Santos Ako.docx “Si Tatang, Si Freddie, Si Tandang Senyong, at Iba

pang tauhan ng Aking Kwento” ni Ricardo Lee Sa’n Ang Lakad Mo Ngayon, Ma? ni Liwayway Arceo

- Sa pananaw Sosyolohikal, hindi ang akda o teksto ang pinagtutuunan ng pansin kundi ang konteksto nito at ang impluwensya na nagbibigay hugis dito

SOYOLOHIKAL

- Binibigyang diin ang pagtatalakay sa kapiligirang panlipunan na nagpapalalim at nagpapatingkad sa paksa. Ito ay ekstinsyon ng historikal na pananaw. Nagbibigay diin din sa usapin tungkol sa kahalagahan at pananagutang panlipunan.

- Sa pag-aanalisa ng isang akdang pampanitkan, ang mga kritiko ay gumagamit ng mga kategorya mula sa sosyolohiya tulad ng uri ng kinabibilangan, sekswalidad, istrukturang panlipunan, sosyalisasyon, at iba pa. 

- Maisasangkot niya ang buong lipunan – politika, etika, kultura, ekonomiya, pilosopiya, at iba pa upang lubos na maunawaan ang akda, dahil ang mga ito rin naman ang nagbibigay hugis sa kabuuan ng akda.

Halimbawang Akda:

“Aloha” ni Deogracias Rosario “Ang Igorota sa Bagiuo” ni Fausto Galauran “Walang Sugat” ni Severino Reyes “Anak ng Dagat” ni Patricio Mariano “Kasalan sa Nayon” ni Eleuterio Fojas“ Impeng Negro” ni Rogelio Sikat “Landas sa Bahaghari” ni Benjamin Pascual

“Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez

“Republikang Basahan” ni Teodoro A. Agoncillo

“Bangkang Papel” ni Genoveva Edroza Matute

“Ang Kalupi” ni Benjamin P. Pascual “Luha ng Buwaya” ni Amado V. Hernandez “Tata Selo” ni Rogelio Sikat “Parusa” ni Genoveva Edroza Matute“Sa mga Kuko ng Liwanag” ni Edgardo M.

Reyes“Ang Aktibista” ni Dionisio Salazar

- Paggamit ng iba’t ibang tanda o sagisag

- Nakapokus sa paglilinaw ng ating pag-iisip tungkol sa kahulugan/katuturan ng ating mga senyas (signs).

SIMIOTIKA

Charles Sanders Peirce

- Nakasentro ang realistikong semiotika ni Peirce sa pagpapalalim at pagpapalawak ng ating kabatiran, ng agham sa kaalaman sa realidad. 

Batayang Prinsipyo ng Teorya ng Senyas ni Peirce:

Obheto--senyas  - Yaong okasyon o dahilan ng

signipikasyon.

Representamen--interpretant.- Ang interpretant ang siyang nag-uugnay

sa obheto (referent, sa ibang diskurso) at sign/senyas.

-   Iniuugnay ng interpretant ang marka o representamen sa bagay na tinutukoy, ang obheto. Sa gayon nagkakaroon ng kahulugan ang senyas para sa isang nagpapakahulugan (hindi laging tao ito).

- Ang obheto ng semiotika ang nagtitiyak o nagtatakda sa senyas/salita/marka, kaya hindi arbitraryo ang lahat ng pagpapakahulugan o signipikasyon. 

Tatlong Uri ng Interpretant: 

1. Kagyat o immediate interpretant- Hindi pa lubos na nakamamalay at

nakakikilala kung ano ang ibig isiwalat na senyas.

2. Dinamikong interpretant - Tinutukoy nito ang lahat ng

pormalistiko't moralistikong pagbasa. -Nasa ilalim ng kategoryang ito ang

kritisismo. 

3. Pinal o pinakahuling interpretant-Ayon kay Floyd Merrell, "the final

interpretant is that which is accessible only in the theoretical long run and hence outside the reach of the finite interpreter or interpreters" (2000, 128).

Antas ng Dinamikong Interpretant:

 Intentional interpretant- Isang senyas na ginawa ng nangungusap

upang magkaroon ng komunikasyon.

Effectual interpretant - kung saan nagkabisa o tumalab ang senyas ng

inilahad ng nangungusap.

(Liszka 1996, 90). 

Sa Semiotikang Perspektiba ni Peirce…

- Ang sining o literatura ay sinusuri bilang argumento o habi ng mga signos na nakalakip sa tunay na kontekstong historikal, di bukod sa praktika at mga bisa nito sa publiko.

- Binubuo ito ng mga titik, marka o palatandaan ng posibilidad ng mga kalidad.

- Damdamin ng hayag na kamalayan ang naghahari, hibo o instinkto ang umuugit sa danas, ipinagdidiwang ang posibilidad na masasalat sa umiiral.

- Makapangyarihan ang sakop ng persepsiyon, rhematikong aspeto ng salita, pati ang indeksikal na proposisyon; kapwa nagsasanib iyon sa simbolo, sa argumento ng likhang-sining.

Halimbawang Akda:

•  "Three O'Clock in the Morning" ni Cirio Panganiban

Three O.docx

• “Kristal na Tubig” ni Antonio Rosales kristal na tubig.docx

Filipinas (2003)

Dekada ‘70 (2002)

Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon (1976)

Baler (2008)

Inihanda ni:

Joana Grace A. Isip(BSED 4D – Filipino)

Panunuring PampanitikanPAN 211