tula

38
Mga tinipong tula At Reaksyon Ipinasa ni: Joanne Tracy V. de Leon Ban111

Upload: joanne-tracy-de-leon

Post on 01-Nov-2014

419 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

Term paper

TRANSCRIPT

Page 1: Tula

Mga tinipong tula

At

Reaksyon

Ipinasa ni:

Joanne Tracy V. de Leon

Ban111

Ipinasa kay:

Prof. Arnel Laurel Cay

Page 2: Tula

Pag-Asa sa Gitna ng Kawalan

Gil Gregorio

Ang lambing ng panahon ay salitang dala ng langit

Taimtim na dalangin ng mga pusong nagpakasakit;

Ang mga tagong suyuan ay parang walang katapusan

Halik ng damdamin mo’y bigkis ng pag-irog kailanman.

Iulat mo, Mahal, sa ulap upang makadama ng hapis

Na kapagdaka’y uulan, yan ay iyak na paimpit;

Sa tindi ng sakit ng dibdib sa pag-ibig na nakalaan

Sa huling yugto ng hininga mo’y buhay na nagdaraan.

Iambag mo sa bundok ang balot-pighating nadarama

Na sa angking kataasan nito’y maiparating mo kay Ama:

Oh Anak mong yao’y pagsamo’y pakinggan na,

Liripin mo ang damdamin sa parang ng isang aba!

Sabihin mo rin sa hangin at iparating sa karimlan

Na ang sakit ng damdaming atas, bigyan nya ng daan;

Ibulong mo pa rin ang laman ng nakapiit mong puso

Bago pa man dumating ang wakas nito sa pagkakatuto.

Alin baga ang nais mong malaman sa sarili?

Yun bang sakit ng talim o lambat ng kapighatian?

Mahal, ang pamimili ay nasa saiyo lamang kailanman

Purihin mo man ang lahat sa mundo at kalangitan

At iangat ang pansariling mithiin doon sa magpakailanman,

Subalit, ang sanlibo mong kabutiha’y isang mali ang tapat nyan;

Isulong mo man sa labanan ang lahat mong angking lakas

Gaya pa rin ng nakaraa’y katapat nati’y maliit na butas.

Huwag mong sayangin ang yugto ng iyong panahon

Malapit na ang takipsilim na matagal ding nagyaon;

Page 3: Tula

Ibuhos mo ngayon ang talinong ipinagmana ng mundo

Higit pa riyan sa tingin mo ang ini-ambag mong talino.

Reaksyon:

Ang tungkol sa tulang ito ay kahit ano pang mangyari sa buhay natin,

kahit anong hirap ang pagdaanan natin sa araw-araw ay kailangan natin

maging matatag. Kailangan nating lumaba sa mga pagsubok n gating buhay.

Dapat ipakita pa natin sa iba na kaya natin, kaya natin labanan ang ating

mga hinaharap sa buhay. At dapat pa din tayo mag pasalamat.

Malayong Pag-ibig

Gil Gregorio

Minsan sa isang mapagbadyang larangan 

Sa isang lilim ng panaginip at kahungkagan; 

Dito matatagpuan ang lalim ng pag-iibigan, 

Tunay nga bang may milagrosong kapangitan? 

Hindi malirip ng aking hunghang na isipan 

Kung baga mali o tama ang kahihinatnan; 

Dito ko napagtanto ang tunay na kamalian 

Subalit pinilit ko pa ring ginawang katwiran. 

Ang malayong pag-ibig ay minsan lang sumibol 

Sa ilalim ng pihikan kong damdamin ay kumakahol! 

Parang asong gala sa lansangan ng paghihimutok 

Na ang lakad ay pahina’t bahag ang buntot. 

Tingnan mo sa malayong silanganan at masdan 

Page 4: Tula

Ang umaalimpuyong hagibis ng karagatan; 

Doon mo ubusin ang nag-aalimpuyong damdamin 

Na kung masukat ang mundo, yun din ang sa atin. 

Malayo man ang lugar sa bawat isa’y paghinga 

Nararamdaman ang pag-ibig nating nadarama; 

Hayun ang bituin at ang buwan ay humahalina 

Huwag na nating sayangin ang oras tuwina. 

Malayo ka man, malapit din ang iyong kapurihan 

Na sa paglubog ng araw, dun din ang hapunan 

Na kapagdaka’y tumumbas sa likas na trono 

Ang hangong kagandaha’y di pa natin maituturo. 

Likas nga bang ganito na sa tuwina’y parang loro? 

Iikot-ikot sa hantungan ng sanga’y may maisusubo; 

Aayon sa ihip ng paghinga’y naging butil ng tuwa 

Ganyan din ba katunay malayong pag-ibig ng aba?

Reaksyon:

Kahit malayo satin ang ating iniibig, hindi pa din magbabago basta an

gating nararamdaman para sakanila. Ang tunay na pag-ibig ay minsan lang

sumibol, kaya dapat ingatan at alagaan natin ang ating mga mahal sa

buhay. Kahit gaano pa kalayo ay dapat iparamdam pa din sa kanila ang

nararamdaman mo.

Page 5: Tula

Panaginip sa Madilim na Maliwanag

Gil Gregorio

Alam ko, mali...subalit bakit ang pagkakataon 

ay akay ang isang kahihinatnan na makupad? 

Alam ko, mali...ngunit bakit may pag-asa 

at akay ang katiwalian na kailanman ay hungkag? 

Alam ko, mali...bakit hinayaan ng pagkakataon 

na mailathala sa pangkalawakang kadahilanan? 

Alam ko, mali...bakit dinala sa oras ng pangangailangan 

na ang kapit ay tulad ng mapanlinlang na tuko? 

Alam ko, talagang mali....subalit anong magagawa ko? 

Pilit ko man suyurin sa isip kung alin, di ko malirip. 

Ah, panaginip sa madilim kung minsan ay sala-hula 

na kung sa isip ay tama maliwanag na maling halina.

Reaksyon:

May mga pagkakataon na kahit alam nating mali, kahit alam nating di

dapat ay ginagawa pa din natin. Hindi natin maiwasang gawin kahit na hindi

tama, sa kadahilanan na doon tayo sumasaya. Kahit alam nating mali ay

ginagawa pa din nating tama ang lahat. Pinipilit natin maging maayos ang

mga ginagawa natin para sa ating kagustuhan.

Page 6: Tula

Aklat ng Buhay

Minsan sa isang patak ng ulan 

sa dilim ng mapagkunwaring panahon; 

Pinuyos ng masalimuot ng kalakaran 

na ang buhos ay akda ng kaisipan. 

Di mo lubos maisip kung ano ang turing 

sa mga naka-ambang plastik na angkin; 

Di mo rin maitatago ang sidhi ng panaginip 

na kapagdaka'y aayon sa agos 

nang gusto mong makamtan at maangkin. 

Ang aklat ng buhay ay puno ng kapalaran 

na di natin hawak at mahirap masuyuan; 

Kahit ika'y nasa munting mundo mo, 

ang pahina ng kasalukuyan ay nasa saiyo.

 

Isulat mo man ang nakaraan at ipaabot 

sa panahong parating, 

ikaw at ikaw pa rin ang may-akda 

nang buhay mong angkin.

Reaksyon:

Sabi sa tulang to ay tayo ang gumagawa ng kapalaran ng ating buhay.

Tayo ang may akda sa ating pang araw-araw. Hindi natin maiiwasang may

makasalamuha tayong mga nagpapanggap lang satin o mga tinatawag

nating plastic. Hindi natin maiiwasang may mga ganyang tao sa ating

paligid. Pero kahit ganun pa man ay dapat pa din tayo mabuhay sa ating

araw-araw, hindi natin kailangan mag pa-apekto kung ano ang nasa paligid

natin.

Page 7: Tula

Ganid

Katulad mo’y lobo ng kaparangan 

Kahalobilo’y makamandag na ahas, 

Uwak at buwayang patiwarik ang dibdib. 

Katulad mo’y buwitre ng disyerto 

Nakaabang sa mga bulok na tira 

At ang paborito’y uod ng laman. 

Katulad mo'y mabangis na ligaw na hayop, 

Hayok sa lamang-loob na animo’y bulagsak; 

Hatid ay sakit ng puso't dilim ng paningin. 

Mas masahol ka pa sa ligaw na tigre 

at makamandag na mga kobra; 

Walang habas an pandadaraya sa mga aba! 

Sa katulad mo'y para sa kumukulong putik 

upang doon ka balatan at tadtarin; 

Impit ng iyak mo'y di diringgin 

upang malaman mong katulad ka ng hangin: 

Na kung saan ang hininga ng panahon 

doon rin hihimlay at matitimtim. 

Katulad mo'y alamid sa gubat 

na kung magkubli'y dilim ang sukat; 

Katulad mo'y putik ng kumunoy 

na kung sinuman ang nahulog 

libingan sa lupang himlay ay tuloy-tuloy. 

Di mo alintana kung sino ang kausap 

animo'y iyo na ang buong mundo't 

Page 8: Tula

di mo alam kung saan ka nanggaling; 

walang pagbabago at kinabukasan.

 

Ganid ka nga kung tawagin at alipustain 

ng mga katulad mong itim ang budhi 

at bulok ang kailaliman ng binhi! 

Ang Katulad mo'y walang karapatan 

para sa pangkalahatang kabutihan!

Reaksyon:

Ang tulang to ay tungkol sa tao na inihahambing sa mga hayop. Ang

buhay daw ay isang malaking gubat. Tulad ng ahas na makamandag, na

kung hindi ka maingat ay baka may gawing di maganda sayo. Sa buwitre ng

disyerto na nag-aabang ng kanyang makakain. Tulad ng mabangis na hayop

na hindi na iniisip kung ano ang gagawin nila. Dapat maging handa tayo sa

mga pwedeng mangyari sa ating buhay.

Bayan kong sawi

Francisco Baltazar

Sa loob at labas ng bayan kong sawi

Kaliluha’y siyan nangyayaring hari,

Kagalinga’t bait ay nalulugami

Naamis sa hukay ng dusa’t pighati

Ang magandang asal ay ipinupukol

Sa laot ng dagat ng kutya’t linggatong;

Page 9: Tula

Baling magagaling ay ibinabaon

At inililibing nang walang kabaong.

Nguni ay ang lilo’t masasamang loob

Sa trono ng puri ay iniluluklok,

At sa bawa’t sukob na may asal-hayop,

Mabangong insenso ang isinusuob.

Ang lahat ng ito maawaing langit,

Iyong tinutunghay ano’t natitiis?

Wala ka ng buong katwiran at bait

Pinayapayagan pang ilubog ng lupit.

Datapwat sino ang tatarok kaya

Sa mahal mong lihim, diyos na dakila?

Walang nangyayari sa balat ng lupa,

Di may kagalingang iyong ninanasa.

Reaksyon:

Bayan kong sawi, iba’t iba ang ating nakakasalamuha sa araw-araw.

Meron mga ganid sa kasamaan pero pilit itong pinatatakpan. Mga taong

Page 10: Tula

gusto ng kapangyarihan sa pamahalaan. Meron ding mababait, pero

inaabuso ang kanilang kabaitan.

KundimanJose P. Rizal

Tunay ngayong umid yaring dila't puso

Sinta'y umiilag, tuwa'y lumalayo,

Bayan palibhasa'y lupig at sumuko

Sa kapabayaan ng nagturong puno.

Datapuwa't muling sisikat ang araw,

Pilit maliligtas ang inaping bayan,

Magbabalik mandin at muling iiral

Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan.

Ibubuhos namin ang dugo't babaha

Matubos nga lamang ang sa amang lupa

Habang di ninilang panahong tadhana,

Sinta'y tatahimik, iidlip ang nasa.

Reaksyon:

Nagbalik tuloy sa alaala ang iba pang awit na katulad nito.

Natatandaan pa kaya ng marami ang kumakaway ka pa irog nang kita'y

iwan, upang magtungo sa ibang bayan, isang panyong puting-puti ang iyong

tangan, basang-basa ng luha mong di mapigilan.

Page 11: Tula

Dalit

Marcelo H. del Pilar

Kung sa langit nabubuhay

ang sa lupa'y namamatay

ano't kinatatakutan

ang oras ng kamatayan

Ginto't pilak sa pukpukan

sa platero'y umiinam

ang puring lalong makinang

sa pukpok ay pumupusyaw.

Reaksyon:

Tula lamang kaya kagila, para sa isang ikalawang doon, nagkaroon

kami ng isang sulyap ng nakaraan at gaano kahalaga sa kanila ang aming

kalayaan ay, na namin ngayon balewalain o mang-ahas. kung kami ay sa

kanilang mga sapatos na pang-maaari kaming aktwal ipagsapalaran aming

mga buhay para sa isang mas mahusay na buhay para sa aming mga anak.

Page 12: Tula

Bahagi ng sa mga kababayan

Emilio Jacinto

Sa dulo ng tatlong dantaon ng pagkaalipin..., walang natamo ang ating bayan kundi

maghimutok at manghingi ng kaunting lingap at kaunting habag; ngunit sinagot nila

ang ating mga hibik sa pamamagitan ng pagpapatapon at pagpipiit. Sa loob ng

sunod-sunod na pitong taon, ang La Solidaridad ay nagkusang ibigay ang sarili at

ubusin ang mga lakas nito upang makamit, hindi ang lahat ng nararapat nilang

ipagkaloob, kundi yaong mga bagay lamang na dapat sumaatin sang-ayon sa

katwiran. At ano ang naging bunga ng ating mga pagpapakasakit at ng ating

matapat na pananalig? Pandaraya, pag-upasala, kamatayan at kapaitan.

Ngayon, pagkatapos mapagal sa pagtataas ang ating kamay sa pagsusumamo,

natagpuan na natin sa wakas ang ating sarili; unti-unti ang mga tinig natin ay

pinanawan ng himig ng hinagpis dahil sa walang-humpay na pagmamakaawa;

ngayon... itinataas natin ang ating ulo na malaong naugali sa pagyuko, at

sinasapian tayo ng lakas dahil sa matibay na pag-asa na dulot sa atin ng katwiran

at kadakilaan ng ating layon... Masasabi natin sa kanila nang buong karahasan na

ang pagtawag na "Inang Espanya" ay wala kundi isang munting pagpaparangal

lamang, na hindi ito dapat iwangki sa kapirasong damit o basahan na

kinatatanikalaan nito, na nahihilahod sa lupa; na walang gayong ina at walang

gayong anak; na may isang lahi lamang na nagnanakaw, isang bayan na tumataba

sa hindi nito pag-aari, at may isang bayan na napapagal nang manatili hindi lamang

sa kapabayaan kundi sa kadayukdukan; na wala tayong dapat pagtiwalaan kundi

ang ating sariling kapangyarihan at sa pagtatanggol ng ating sarili.

Reaksyon:

Nagpagpatuloy programa programa programa programa! ng Kongreso

ng Malolos at maraming nagawa na maganda. Pinagpatuloy muna ang

sistemang piskalya ng mga Kastila, pati rin sa sistema ng pagsingil ng buwis,

hindi kasama ang sabong at iba pang katuwaan. Binabaan ang buwis sa

Page 13: Tula

digmaan at ang boluntaryong donasyon ay hiningi. Inayos rin ang sistema ng

adwana. Binuksan ang pambansang pautang. Siya ay si Emilio Aguinaldo.

SA ANAK NG BAYAN

Emilio Jacinto

Unang paksa sa mahabang sanaysay na Liwanag at Dilim

Sa iyo, O Anak ng Bayan, anak ng dalita, na nagbabatang pumapasan ng madlang

kabigatan sa balat ng lupa, sa iyo ko inihahandog itong munting kaya ng kapos

kong isip.

Iyo ngang marapatin sapagkat iniaalay ng isang pusong nabubuhay at nabubuhol sa

iyo sa pamamagitan ng lalong tapat na pakikipag-kapwa.

Inakala ko na kahit bahagya ay iyong pakikinabangan; at ako ma’y di bihasa sa

magandang pagtatalatag ng mga piling pangungusap ay aking pinangahasang

isulat.

Mapalad ako kung makabahid ng tulong sa lalong ikagiginhawa ng aking mga

kababayan na siya kong laging matinding nais.

At bakit di ko sabihin? Ang alaala ko’y baka wikain na ang namuhunan ng buhay at

dalita ay malabuan at maalimpungatan sa nagdaang mahabang pagkakahimbing,

at ang laman ng bungang matitira sa iyo ay wala kundi mapait na balat.

Reaksyon:

Ang mga bagay na kaya mong gawin para sa ikauunlad ng bayan ay hindi magagawa ng bayan para sa iyo. Halimbawa na lang ng ating Pangulo kaya nga tayo may Pangulo, kahit na mag-isa sya pilit ginagawa ang lahat para mapaunlad ang ating bansa.

Page 14: Tula

AKO'Y UMAASA

Emilio Jacinto

Tayo’y huwag mainaman sa balat pagkat di kinakain

at karaniwang magkalaman ng masaklap.

Ang mga libingang marmol ay maputi’t makintab

sa labas; sa loob uod at kabulukan.

Reaksyon:

Dapat ay maging kuntento tayo kung ano meron tayo. Huwag tayo

maging mapaghanap na wala sa atin.

Sa Aking Mga Kabata

Dr. Jose Rizal

Kapagka ang baya'y sadyang umiibig 

Sa kanyang salitang kaloob ng langit, 

Sanglang kalayaan nasa ring masapit 

Katulad ng ibong nasa himpapawid. 

Pagka't ang salita'y isang kahatulan 

Sa bayan, sa nayo't mga kaharian, 

At ang isang tao'y katulad, kabagay 

Ng alin mang likha noong kalayaan. 

Ang Hindi magmahal sa kanyang salita 

Mahigit sa hayop at malansang isda, 

Kaya ang marapat pagyamaning kusa 

Na tulad sa inang tunay na nagpala. 

Page 15: Tula

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin 

Sa Ingles, Kastila at salitang anghel, 

Sapagka't ang Poong maalam tumingin 

Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin. 

Ang salita nati'y huwad din sa iba 

Na may alfabeto at sariling letra, 

Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa 

Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Reaksyon:

Ang Sa Aking Mga Kabata ay isang tula na nakasulat sa wikang Tagalog tungkol sa pag-ibig ng isang tao sa kanyang katutubong wika. Madalas na pinapalagay na ginawa ito ni Jose Rizal, ang Pambansang Bayani ng Pilipinas at sinasabing naisulat niya noong 1869 sa gulang na walong taon at unang tulang ginawa ni Rizal. Bagaman, may ilang mga dalubhasa sa kasaysayan na nagsasabing walang patotoo na si Rizal ang may-akda ng tula at panlilinlang ito.[3] Pinaghihinalaan ang mga makatang sina Gabriel Beato Francisco o Herminigildo Cruz ang tunay na may-akda.

HULING PAALAM

Dr. Jose Rizal

Page 16: Tula

Pinipintuho kong Bayan ay paalam,

Lupang iniirog ng sikat ng araw,

mutyang mahalaga sa dagat Silangan,

kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.

Masayang sa iyo'y aking idudulot

ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;

maging maringal man at labis ang alindog

sa kagalingan mo ay akin ding handog.

Sa pakikidigma at pamimiyapis

ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,

walang agam-agam, maluwag sa dibdib,

matamis sa puso at di ikahahapis.

Saan man mautas ay di kailangan,

cipres o laurel, lirio ma'y patungan

pakikipaghamok, at ang bibitayan,

yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.

Ako'y mamamatay, ngayong namamalas

na sa Silanganan ay namamanaag

yaong maligayang araw na sisikat

sa likod ng luksang nagtabing na ulap.

Ang kulay na pula kung kinakailangan

na maitina sa iyong liwayway,

dugo ko'y isaboy at siyang ikikinang

ng kislap ng iyong maningning na ilaw.

Ang aking adhika sapul magkaisip

noong kasalukuyang bata pang maliit,

ay ang tanghaling ka at minsang masilip

sa dagat Silangan hiyas na marikit.

Page 17: Tula

Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,

taas na ang noo't walang kapootan,

walang bakas kunot ng kapighatian

gabahid man dungis niyong kahihiyan.

Sa kabuhayan ko ang laging gunita

maningas na aking ninanasa-nasa

ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa

paghingang papanaw ngayong biglang-bigla.

Ikaw'y guminhawa laking kagandahang

akoy malugmok, at ikaw ay matanghal,

hininga'y malagot, mabuhay ka lamang

bangkay ko'y maisilong sa iyong Kalangitan.

Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas

sa malagong damo mahinhing bulaklak,

sa mga labi mo'y mangyayaring ilapat,

sa kaluluwa ko halik ay igawad.

At sa aking noo nawa'y iparamdam,

sa lamig ng lupa ng aking libingan,

ang init ng iyong paghingang dalisay

at simoy ng iyong paggiliw na tunay.

Bayaang ang buwan sa aki'y ititig

ang liwanag niyang lamlam at tahimik,

liwayway bayaang sa aki'y ihatid

magalaw na sinag at hanging hagibis.

Kung sakasakaling bumabang humantong

sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon,

doon ay bayaan humuning hinahon

Page 18: Tula

at dalitin niya payapang panahon.

Bayaan ang ningas ng sikat ng araw

ula'y pasingawin noong kainitan,

magbalik sa langit ng buong dalisay

kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.

Bayaang sino man sa katotong giliw

tangisang maagang sa buhay pagkitil;

kung tungkol sa akin ay may manalangin

idalangin, Bayan, yaring pagkahimbing.

Idalanging lahat yaong nangamatay,

Nangag-tiis hirap na walang kapantay;

mga ina naming walang kapalaran

na inihihibik ay kapighatian.

Ang mga balo't pinapangulila,

ang mga bilanggong nagsisipagdusa;

dalanginin namang kanilang makita

ang kalayaan mong ikagiginhawa.

At kung ang madilim na gabing mapanglaw

ay lumaganap na doon sa libinga't

tanging mga patay ang nangaglalamay,

huwag bagabagin ang katahimikan.

Ang kanyang hiwaga’y huwag gambalain;

kaipala'y marinig doon ang taginting,

tunog ng gitara't salterio'y magsaliw,

ako, Bayan yao't kita'y aawitan.

Kung ang libingan ko'y limot na ng lahat

Page 19: Tula

at wala ng kurus at batong mabakas,

bayaang linangin ng taong masipag,

lupa'y asarolin at kahuya’y ikalat.

Ang mga buto ko ay bago matunaw,

mauwi sa wala at kusang maparam,

alabok na iyong latag ay bayaang

siya ang babalang doo'y makipisan.

Kung magkagayon ma'y, alintanahin

na ako sa limot iyong ihabilin,

pagka't himpapawid at ang panganorin,

mga lansangan mo'y aking lilibutin.

Matining na tunog ako sa dinig mo,

ilaw, mga kulay, masamyong pabango,

ang ugong at awit, paghibik ko sa iyo,

pag-asang dalisay ng pananalig ko.

Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,

Katagalugan kong pinakaliliyag,

dinggin mo ang aking pagpapahimakas;

diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.

Ako'y patutungo sa walang busabos,

walang umiinis at berdugong hayop;

pananalig doo'y di nakasasalot,

si Bathala lamang doo’y haring lubos.

Paalam, magulang at mga kapatid

kapilas ng aking kaluluwa't dibdib

mga kaibigan, bata pang maliit,

sa aking tahanan di na masisilip.

Page 20: Tula

Pag-papasalamat at napahinga rin,

paalam estranherang kasuyo ko't aliw,

paalam sa inyo, mga ginigiliw;

mamatay ay siyang pagkakagupiling!

Reaksyon:

Ang masasabi ko sa tulang iniwan ni rizal ay unang una malalim ang

mga salita na hindi kayang intindihin ng isang normal na tao o filipino,pero

dahil binasa ko ito ng mabuti at inalam ang mga detalye, naintindihan ko na

ang tulang iyon ay para sa bansa, na inaalay nya ang buhay na dito at mahal

na mahal nya ang kanyang bayang sinilangan, sobra proud ako na

nagkaroon tayo ng isang bayani na katulad ni rizal, wala ng hihigit pa sa

kanyang mga ginawa para sa ating bayan, oo hindi sya nkidigma at gumamit

ng dahas pero ng dahil sa sulat nya namulat nya ang mga tao kung anung

ang nangyayari sa kanilang bansa.

Page 21: Tula

Ang Awit ni Maria Clara

Dr. Jose Rizal

Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling bayan,

Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,

May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang.

Pagsinta'y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man.

Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina

Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa,

Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na,

Matang manininging ay nangakangiti't pupos ng ligaya.

Mamatay ay langit kung dahil sa ating lupang tinubuan,

Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,

Ang mahinhing simoy ns galing sa bukid ay lubhang mapanglaw

Sa wala nang ina, wala nang tahana't walang nagmamahal.

Reaksyon:

Kanta de Maria Clara o Song ng Maria Clara ay isang tula na isinulat ni

Jose Rizal sa 1887. Isang taludtod sa Noli Me Tangere na ay nakatakda sa

musika ni Juan Hernandez. Maria Clara ay isang character sa Jose Rizal

nobelang "Noli Me Tangere." Niya ay ang pag-ibig interes ng pangunahing

kalaban ng nobelang, Juan Crisostomo Ibarra. Mamaya, sa pagdinig ng

kanyang kamatayan, siya nagpunta sa upang maging isang madre. Tula ay

matatagpuan sa Kabanata 23 at isinalin sa iba't ibang wika.

Karakter ang, Maria Clara kumanta ito habang pagkakaroon ng picnic

malapit sa lawa sa kanyang mga kaibigan, kapag ang kanilang mga

Page 22: Tula

kahilingan. Ito ay isang melodramatik kanta dahil ito ay isang matalinghaga

kahulugan ng pagkamakabayan. Din ito ipinakita sa Rizal ay walang humpay

mga commitment ng at sentiments sa kanyang bansa. Tula ang inilarawan

kung paano matamis ang mga oras na ginugol sa isang magandang bansa

pati na rin ang namamatay para sa bansa.

Sa kasalukuyan, ang isang band na may pangalang Camerawalls ginawa ng

Clementine (dating mula sa Orange at mga limon), Batas Santiago at Joseph

Rudica. Ito ay sa ilalim ng kanilang Gabay album Pocket sa Iba pang mga

World.

Kimkim

J. R. RAMOS GO

Pinipilit kong maging masaya

Kahit batid ang lungkot sa mata

Sa bi ma’y bakas ang ngiti

Sa loob-loob ko’y humihikbi

Reaksyon:

Pinipilit maging Masaya hingil sa kanyang mga pinagdadaanan. Hindi

niya pinapahalata sa iba kung ano ang kanyang kinikimkim. Pinipilit niya

maging Masaya at matatag sa lahat ng bagay.

Page 23: Tula

ANG MGA MATA MO

-

Nang ikaw ay bago sumipot sa lupa'y

Ipinanghiram ka ng mata sa tala,

Dalawang bituing sa hinhi'y sagana

Ang naging mata mong mayaman sa awa.

Sa mga mata mo'y aking nasisilip

Ang bughaw na pilas ng nunung ̃ong lang ̃it,

Mababaw na dagat ang nasa sa gilid

Na ang naglalayag ay pusong malinis.

Di ayos matalim, ni hugis matapang,

Ni hindi maliit, ni di kalakihan,

Ang  mga mata mo'y maamo't mapungay.

Kahinhina't amo ang nanganganinag,

Kalinisa't puri ang namamanaag,

Umaga ang laging handog mo sa palad.

Reaksyon:

Binigyan tayo ng dalawang mata, mata para makita ang mga

magagandang tanawin sa ating bansa. Mga magagandang karanasan na

dumadaan sa atin. Kaya dapat tayong mag pasalamat ay dahil may mata

tayo para makita ang lahat ng mga ito.

Page 24: Tula

Ang Kanyang Mga Mata

Clodualdo del Mundo

Dalawang bituing 

kumikislap-kislap 

sa gitna 

ng dilim. . . 

Tambal ng aliw 

na sasayaw-sayaw 

sa tuwing ako’y 

naninimdim. . . 

Bukang-liwayway 

ng isang pagsintang 

walang maliw! 

Takipsilim 

ng isang pusong 

di magtataksil!

Reaksyon:

Binigyan tayo ng dalawang mata, mata para makita ang mga

magagandang tanawin sa ating bansa. Mga magagandang karanasan na

dumadaan sa atin. Kaya dapat tayong mag pasalamat ay dahil may mata

tayo para makita ang lahat ng mga ito.

Kulang ang Kahapon at Bukas

Page 25: Tula

Annalyn Madali

Magmula pa sa aking kahapon

Isang kahapong wari ay tulad ngayon

Ikaw na nga sinta ang noon ay kaylayo

Ang ninais kong makasuyo

Hindi man noon tanaw ng iyong puso

Ang dati kong pagsuyo,

Umasa na dumating ang isang tulad ng ngayon

Sa piling mo aking sinta ay naging tunay ang isang kahapon

Ngunit kulang ang ating kahapon, Kulang pa rin ang bukas

Maipadama lamang sa iyo aking sinta

Ang  saya at ligaya na aking nadama

Sa bawat kahapon, ngayon at bukas

Sa piling mo aking sinta.

Reaksyon:

Kulang ang mga napagdaanan natin kahapon, kulang ito para

pangaralan tayo sa ating mga ginagawa. Kulang para malaman natin ang

kaibahan ng kahapon sa bukas. Kulang para iparamdam sa ating mga mahal

na mahal natin sila. Kulang ang kahapon sa mga ito para sa lahat.

KAY AMA

Emelita Perez Baes

Page 26: Tula

Nagising nga akong tila nangangarap na isang anino

sa maputing tabing ng aming kahapong nilikha ng tao; 

sa pagkakawalay sa isang magulang ay waring natuto 

nahawi ang ulap na nagbigay silim sa kanyang talino.

Siya’y naparuol walang abug-abog sa rugtong ng tali, 

ang kinahinatnan ay signos ng ulap ng panunubali; 

kanyang kaluluwang nakitalamitam sa dilim na tangi 

ay nakipanaghoy sa luha ng anghel habang nagmumuni.

Kay lungkot isipin ang gayong kasaklap na pagkakalayo 

na kung gunitain pati hininga ko ay halos mapugto; 

at pati ang langit ng bagong umaga’y waring nagdurugo 

at ang dapithapon kung pagmamasdan ko ay naghihingalo.

Haplos ng pag-ibig ang naiwan niya sa supling ng puso, 

kanyang inulila’y may bakat ng luhang sa pisngi dumapo; 

kay Ina ang buhay ay ibayong saklap sa pagkasiphayo 

at may nakalaang tiising pasanin sa kanya’y titimo.

Ngayon kung babalik sa pinag-iwanang lubid na putol, 

dadamhi’y pangako sa luksang pangarap na tinatalunton; 

tataas ang mukha’t lalong kikisig pa sa taglay na suot 

at damdaming ama’y hahanga ngang lubos sa sariling hinlog!

Reaksyon:

Sa ating ama na handang gawin ang lahat para lang sa kanyang

pamilya. Handang pasukin ang lahat maitaguyod lang ang kanyang mahal na

Page 27: Tula

pamilya. Dapat nating ipagmalaki ang ating mga ama dahil sa kanilang

kadakilaan.

PAG-IBIG NG INA

Pascula de Leon

 

Ang puso ni ina'y kaban ng paglingap,

May dalawang tibok na karapat-dapat,

Ang isa'y kay ama, kay amang mapalad

At ang isa nama'y sa amin nalagak.

Noong nabubuhay ang ina kong irog

Ang kanyang pagkasi'y samyo ng kampupot,

Ang lakas ng puso'y parang nag-uutos

Na ako, kaylan ma'y huwag matatakot...

Pagibig ni ina ang siyang yumari

Ng magandang bahay na kahilihili,

At nawag sa palad na katangitangi.

Timtimang umirog! Hanggang sa libinga'y

Dala ang pagkasing malinis, dalisay,

Dala ang damdaming kabanalbanalan.

Reaksyon:

Page 28: Tula

Sa ating ina, sila ang ating unang guro na nag turo satin paano

gumapang, lumakad, kumain at mag salita. Laging nandyan ang ating mga

ina para sa ating pangangailangan. Mahalin natin sila ng lubos tulad ng

pagmamahal nila sating mga anak.

ANG KAIBIGANG TUNAY

Al Q. Perez

Kaibigang tunay ay laging matapat,

ang tulong ay laan sa lahat ng oras.

Siya ay mabait at saka marangal

sa lahat ng saglit ay maaasahan.

Sa pangangailangan, siya'y laging handa

nang ang kaibiga'y hindi mapahiya.

Siya'y nakalaan kahit na magtiis

upang mapagbigyan, katotong matalik.

Kaibigang lubos, kaibigang tapat

ay kayamanan din ang nakakatulad.

Reaksyon:

Ang kaibigan ay lagi ding nandyan para sa atin. Sila ay para na din

nating mga kapatid. Dapat ay tapat sa bawat isa. Ang tunay na kaibigan ay

handang tumulong kung kinakailangan. Handan gawin ang lahat para sa

kanilang mga kaibigan.