tularan book 2

37
Tularan Mo Ako 1 Tularan Mo Ako Tungo sa Paglagong Espiritual Ikalawang Aklat Pambungad 3 Ika-11 Aralin: Paano Ako Mamumuhay Nang Matagumpay (Pakikitungo sa Laman) 5 Ika-12 Aralin: Paano Ako Mamumuhay Nang Matagumpay (Paglaban sa Sulsol ng Sanglibutan) 10 Ika-13 Aralin: Paano Ako Mamumuhay Nang Matagumpay (Pananagumpay sa Paraan ng Diablo) 14 Ika-14 Aralin: Ano ang Iglesya? Bakit Ako Dapat Umanib Dito? 20 Ika-15 Aralin: Ano ang mga Katungkulan Ko Bilang Kaanib ng Iglesya? 26 Ika-16 Aralin: Ano ang Bautismo at Comunion Karagdagan 32

Upload: leijulia

Post on 26-Dec-2015

131 views

Category:

Documents


7 download

DESCRIPTION

tularan - bible

TRANSCRIPT

Tularan Mo Ako 1

Tularan Mo Ako Tungo sa Paglagong Espiritual

Ikalawang Aklat

Pambungad 3 Ika-11 Aralin: Paano Ako Mamumuhay Nang Matagumpay (Pakikitungo sa Laman) 5 Ika-12 Aralin: Paano Ako Mamumuhay Nang Matagumpay (Paglaban sa Sulsol ng Sanglibutan) 10 Ika-13 Aralin: Paano Ako Mamumuhay Nang Matagumpay (Pananagumpay sa Paraan ng Diablo) 14 Ika-14 Aralin: Ano ang Iglesya? Bakit Ako Dapat Umanib Dito? 20 Ika-15 Aralin: Ano ang mga Katungkulan Ko Bilang Kaanib ng Iglesya? 26 Ika-16 Aralin: Ano ang Bautismo at Comunion Karagdagan 32

Tularan Mo Ako 2

Tularan Mo Ako 3

Pambungad Nang araw na umakyat sa langit ang Panginoong Cristo Jesus, isinugo Niya ang mga alagad at inutusang gawing “alagad” ang lahat ng mga bansa (Mateo 28:19). Ito ang hakbang na Kanyang ginamit upang sanayin ang Kanyang mga alagad; ang Kanyang pamamaraan upang magligtas ng mga kaluluwa; at ang susi sa paglago ng sinaunang iglesya.

Makalipas ang 2000 taon, ang pangangailangan na humayo at gawing alagad ang mga bansa ay higit na maigting sa ngayon. Ano ang paggawa ng alagad o disciple-making? Isinalarawan ni apostol Pablo ang kanyang pamamaraan sa paggawa ng alagad sa pagsasabing: “Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Cristo” (I Corinto 11:1, TPV). Sa payak na salita, ito ay nangangahulugan ng pangunguna sa paghakbang upang sundan ng iba – tungo sa kaganapang tulad ng kay Cristo. Ang mga itinuturo ng Biblia, kung matapat na ipinamumuhay at ipinamamahagi ng isang Cristiano, ay nagsisilbing makapangyarihang kasangkapan ng Dios upang baguhin ang pamumuhay ng mga tao tungo sa lubos na paglagong Espiritual. Layunin ng material na ito na gabayan ang mga mananampalataya sa isang progresibong pag-aaral ng mga pangunahing katuruan ng Biblia. Bagama’t maaari itong gamitin bilang pangsariling gabay, una nitong mithiin na

Tularan Mo Ako 4

magamit sa disciple-making o sa pagitan ng isang ganap na mananampalataya at ng kanyang tinuturuan. Inaasahan kong ang sinumang gagamit ng material na ito upang turuan ang iba ay nagdaan na rin sa isang discipleship program at patuloy na namumuhay ayon sa Kasulatan. Ang inyong masugid na pagtuturo at maka-Dios na halimbawa ay makatutulong upang buhayin and salita ng Dios sa buhay ng mga tao at sila mismo ay mamuhay tulad ng kay Cristo – sa kaluwalhatian ng Dios.

Nicky Joya

Copyright (c) 1995 NICKY JOYA ELI Asia, Manila

Philippines

Isinalin gamit ang Tagalog Bible at Tagalog Popular Version (TPV).

Tularan Mo Ako 5

Ika-11 Aralin: Paano Ako Mamumuhay Nang Matagumpay

(Pakikitungo sa Laman) “Datapuwat salamat sa Dios, na nagbibigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Cristo Jesus.” Corinto15:57 Sa ating pakikiisa kay Cristo Jesus, tinanggap natin ang malaking kayamanang espiritual upang tayo’y mamuhay sa ating bagong kalikasan. Nais ng Dios na gamitin natin ang mga pagpapalang ito upang mamuhay nang kalugod-lugod sa Kanya. Subalit dapat nating paghandaan ang puwersa ng kaaway na susubukang pumigil sa pamumuhay natin nang matagumpay. Kinilala ng Biblia ang mga kaaway na ito: ang laman, ang sanglibutan at si Satanas. Sa araling ito, matututunan natin kung paano labanan ang laman. Ang Pagtira ng Kasalanan sa Ating Laman Ang laman ay masasabing siyang ating pagiging tao. Ito ay tumutukoy sa lahat ng bagay ukol sa tao – ang ating binabalak at ninanasa.

Tularan Mo Ako 6

Ipinahayag ni apostol Pablo sa Roma 7 na kahit mismo sa mga Cristiano, ang kasalanan ay namamahay pa rin sa ating mga laman. Kahit na lubos na pinanghina, ang namamahay na kasalanan ay patuloy pa ring nanunubok na gapiin tayo. v. 17 – kasalanang nakatira sa akin v. 18 – sa aking laman ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti v. 20 – kasalanang nakatira sa akin v. 23 – kasalanang kumikilos sa mga bahagi (ng aking katawan) v. 24 – katawan ng kamatayan (aking laman) isang bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan Sa mga talatang 22 at 23, nakita natin na ang ating bagong kalikasan ay may pagnanasa sa mabuti at makatuwiran, subalit kinakalaban ito ng pagtira ng kasalanan. Kapang nangyari ito, may pagpupunyaging nagaganap sa ating kalooban. Isalarawan ang matapat na pag-amin ni Pablo sa Roma 7:15-25.

Tularan Mo Ako 7

Nakikita mo ba ang iyong sarili sa katulad na pakikipagtuos? Anong bagay ang nagpapaluwag sa loob mo mula sa pahayag ni Pablo?

Ang pangloob na pakikipagtuos na ito ito ay habambuhay at magwawakas lamang sa pagdating ni Cristo Jesus na magdadamit sa atin ng bagong katawan. Ayon sa 1 Corinto 15:51-57, ano ang mangyayari sa ating katawang lupa sa pagdating ng Panginoon?

Habang tayo ay nasa laman pa rin sa ngayon, ano ang dapat nating pigilan na gagawin ng laman?

Ayon sa Galacia 5:19-21, ano ang nabubuo kung pinapayagan nating ang laman na manulsol sa ating buhay?

Tularan Mo Ako 8

Paano Talunin ang Laman 1. Kilalanin ang iyong kataasang espiritual Nagtataglay ka ng isang bago at mas makapangyarihang kalikasan (2 Corinto 5:17; Ezekiel 36:26,27).

Makatitiyak ka ng proteksyon ng Dios (1 Cor. 10:13).

Nasa iyo ang makapangyarihan sa lahat na Espiritu Santo na nananahan sa iyong katawan (Roma 8:9; 1 Corinto 6:19).

2. Kayo ay mangapuspos ng Espirtu Santo (Efeso. 5:18; Galacia 5:16-18). Tingnan ang ika-6 aralin tungkol sa Paggamit ng Kapangyarihan ng Espiritu Santo. 3. Sanayin ang iyong katawan para sa kabanalan (1 Corinto 9:25-27; Filipos 3:12-14; Hebreo 5:14). Ang sariling kabanalan ay samahan sa pagitan ng Dios at ng mananampalataya. Tiyak na tutuparin ng Dios ang Kanyang bahagi, at tayo man ay dapat gumanap sa ating bahagi.

Tularan Mo Ako 9

Sanayin ang iyong katawan sa pag-iwas sa kasalanan (2 Timoteo 2:22).

Sanayin ang iyong katawan upang labanan ang tukso (Santiago 1:12-15).

Sanayin ang iyong katawan upang sumunod sa Dios (1 Timoteo 4:6-8).

Paghahanda Para sa Susunod na Aralin

1. Sagutan ang ika-12 aralin. 2. Isaulo ang Filipos 3:13,14.

Tularan Mo Ako 10

Ika-12 Aralin: Paano Ako Mamumuhay Nang Matagumpay

(Paglaban sa Sulsol ng Sanglibutan) Ang sanglibutan ay isa pang kaaway na dapat labanan ng Cristiano upang siya ay mamuhay nang matagumpay. Binabalaan ng Biblia ang mga Cristiano: “Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan…Sapagkat ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga pata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan” (1 Juan 2:15,16). Sa araling ito, pag-aaralan natin ang kuwento ni Daniel at kung paano niya napagtagumpayan ang paglaban sa sanglibutan. Tiyak na makikita natin ang ating mga sarili sa parehong bigat ng sanglibutan, at mula rito’y magtatamo tayo ng mga pamamaraan na magagamit sa ating panahon. Ang Pamamaraan ng Daigdig Sa salitang daigdig, ang Kasulatan ay hindi tumutukoy sa nakikitang daigdig. Sa halip, ito ay tumutukoy sa “pamamaraan ng daigdig at sa mga katangian na pinanghahawakan nito.” Ayon sa 1 Juan 2:16, anong tatlong bagay ang mataas na pinahahalagahan ng sanglibutan? 1. 2.

Tularan Mo Ako 11

3. Ayon sa mga sumusunod na talata, sino na namumuno sa sanglibutan at paano siya tinukoy ng mga ito? Juan 12:31 2 Corinto 4:4 Efeso 2:2 Ayon sa Santiago 4:4, nagiging ano tayo kung ating kakaibiganin ang sanglibutan? Bakit ganoon?

Mag-ala Daniel Basahin ang Daniel 1:1-21. Bilang mananampalataya na nakatira sa isang paganong lipunan, si Daniel at ang kanyang tatlong kaibigan ay pinilit na pinasusunod sa paganong buhay at paraan na salungat sa ipinag-uutos ng Dios. Isulat ang ilan sa mga paghihirap na kanilang dinaanan.

Ano sa palagay mo ang nangyari kung sila ay nagpahinuhod sa mga pahirap na ito?

Tularan Mo Ako 12

Gumawa ng isang listahan ng mga hindi maka-Dios na bagay na pilit na ipinasusunod sa mga tao ng sanglibutan? Paano pinipilit ng sanglibutan na sumunod ang mga tao sa pamantayan nito?

Ano ang mga dulot ng pagsunod sa sulsol ng sanglibutan?

Mula sa iyong sariling karanasan, magbanggit ng isang pakikipagtuos sa sulsol ng sanglibutan. Paano ka tumugon dito? Ano ang naging dulot?

Napagtagumpayan ni Daniel ang sulsol ng sanglibutan sa pamamagitan ng… 1. Pag-alam ng kalooban ng Dios. Si Daniel ay matibay na nakatayo sa pundasyon ng Salita ng Dios. Siya ay lubos na naniniwala sa katotohanan ng Biblia. 2. Taos-pusong pagsunod sa mga utos ng Dios. Si Daniel ay hindi nagdalawang isip sa pagsunod.

Tularan Mo Ako 13

3. Pagtayo ng may buong pagpapasya. Ayon sa Biblia, ipinasya ni Daniel na hindi siya susunod sa sulsol ng sanglibutan. 4. Pagtanggap sa anomang dulot ng kanyang pagsunod sa Dios. Batid ni Daniel kung ano ang maaaring mangyari sa kanya dahil sa kanyang pasya. Gayonman, ang higit niyang pinahalagahan ay kung ano ang nais ng Dios. Paghahanda Para sa Susunod na Aralin

1. Anong mga sulsol ng daigdig ang iyong nararanasan sa sanglibutan sa ngayon?

2. Anong mga pamamaraan ang iyong gagawin upang mapagtagumpayan ang mga ito?

3. Sagutan ang ika-13 aralin. 4. Isaulo ang 1 Juan 2:16.

Tularan Mo Ako 14

Ika-13 Aralin: Paano Ako Mamumuhay Nang Matagumpay

(Pananagumpay sa Paraan ng Diablo) “Isuot ninyo ang baluting kaloob ng Dios, upang mapaglabanan ninyo ang mga lalang ng Diablo (Efeso 6:11; TPV). Sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan” (Efeso 6:12; Tagalog Bible). Tinatawag tayo ng Biblia upang mamuhay nang matalino, at may kamalayan sa mga pamamaraan ng kaaway nang hindi tayo masumpungang walang laban sa pag-atake nito. May nakapagbigkas ng ganito: “Kung kilala mo ang iyong kaaway, nanalo ka na ng kalahati sa laban.” Marami ang bumabagsak sa patibong ng diablo dahil tinantanggi nila na mayroong diablo at sila’y walang alam sa mga paraan nito. Sa araling ito, pagsisikapan nating magtaglay ng kaalaman sa Biblia tungkol kay Satanas at ang kanyang gawain. Ang Pagbagsak ni Satanas

Tularan Mo Ako 15

Basahin ang Ezekiel 28:12-15. Ano ang mga katotohanan na maaaring mong banggitin tungkol sa persona ni Satanas bago siya bumagsak sa lupa?

Basahin ang Ezekiel 28:15-17; Isaias 14:12-15. Ano ang posibleng sanhi ng pagbagsak ni Satanas?

Ano ang nangyari kay Satanas matapos siyang bumagsak?

Ayon sa 1 Timoteo 3:6, bakit di na natin dapat ilagay ang isang bagong mananampalataya bilang lider?

Tularan Mo Ako 16

Ayon sa Pahayag 20:10, ano ang sukdulang kahahantungan ni Satanas?

Ang Persona ni Satanas Paano tinitingnan ng mga tao si Satanas? Magbanggit ng ilang maling ideya tungkol sa persona ni Satanas.

Basahin ang Efeso 6:11, 12. Ano ang mga katotohanang matututunan natin ukol kay Satanas? Paano ito nagkakaiba sa mga karaniwang ideya tungkol kay Satanas?

Palatandaan: Satanas - kaaway pamamaraan - (Griego methodias) pinag-aralang balakin. pamunuan, kapangyarihan, namamahala, mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan – tumutukoy sa mabisang at organisadong sistema ng kasamaan

Tularan Mo Ako 17

Ang Layunin ni Satanas Ayon sa 2 Corinto 4:4, ano ang sukdulang layunin ni Satanas?

Basahin ang mga sumusunod na talata at sagutin kung paano sinusubukan ni Satanas na maisakatuparan ang kanyang balak. Juan 8:44 Pahayag 12:9 2 Corinto 11:14 Marcos 4:3, 4, 14, 15 Paano Labanan si Satanas Basahin ang Efeso 6:10. Ano ang ibig sabihin ng mga katagang “magpakalakas kayo sa Panginoon”?

Ayon sa Santiago 4:7, ano ang dalawang paraan kung paano madadaig ang diablo?

Tularan Mo Ako 18

Basahin ang Efeso 6:14-17. Kilalanin ang mga baluti na ibinibigay ng Dios sa isang Cristiano at isulat ang kahalagahan ng bawat isa. 1.

2.

3.

4.

5.

6.

Ayon sa Efeso 6:18, ano pa ang isang kasangkapan na iginagawad ng Dios sa bawat Cristiano upang madaig ang diablo?

Tularan Mo Ako 19

Magbanggit ng isang paraan ng panalangin, ayon sa talatang ito.

Paghahanda Para sa Susunod na Aralin

1. Sagutan ang ika- 14 na aralin. 2. Isaulo ang Efeso 6:12.

Tularan Mo Ako 20

Ika-14 Aralin: Ano ang Iglesya? Bakit Ako Dapat Umanib Dito?

Sa ating pagtanggap kay Cristo Jesus bilang ating sariling Panginoon at Tagapagligtas, pumapasok tayo sa pakikipag-ugnayan hindi lamang sa Dios, kundi pati sa ating kapwa mananampalataya. Isinasaad ng Bilia na bilang mga Cristiano, tayo ay magkakapatid sa pamilya ng Dios (Juan 1:12; Hebreo 2:11). Tayo rin ay pawang mga mamamayan ng banal na bayan ng Dios (Filipos 3:20; 1 Pedro 2:9, 10) at mga bahagi ng Katawan ni Cristo (Roma 12:4, 5; 1 Corinto 12:12). Tayo ay inuutusan sa Kasulatan na makipag-isa sa mga kapwa mananampalataya kay Cristo at isagawa ang ating pakikipag-ugnayan sa kanila (Efeso 4:3,4; Filipos 1:27). Tinatawag ng Biblia ang nagkakaisang samahan ng mga Cristiano bilang Iglesya. Ang Paliwanag ng Biblia Ukol sa Iglesya Ang katagang “iglesya” ay nangangahulugan ng “mga tinawag” – mga taong tinawag mula sa kasalanan upang magkaisa bilang isang bayan at ihayag ang kadakilaan ng Dios (1 Pedro 2:9,10). Ang katagang ito ay pangunahing tumutukoy sa mga tao, at hindi sa anumang gusali o organisasyon.

Tularan Mo Ako 21

Ang Iglesya ay kapwa pangkalahatan (universal) at lokal. Ang Iglesyang Universal – Ang pinag-isang Katawan ng lahat ng mga mananampalataya sa langit at sa lupa. Anoman ang kanilang pinanggalingan o kinaaaniban, ang lahat ng mga mananampalataya ay nabibilang sa iglesyang ito. Ang Iglesyang Lokal – Isang nakikitang samahan ng mga taong nagpapahayag ng kanilang pananampalataya kay Cristo Jesus at binibigkis ng iisang katuruan at karanasan at sama-samang namamahagi ng Evangelio ni Cristo Jesus. Ang lahat ng mga mananampalataya ay inuutusang maging bahagi ng iglesyang ito. Ayon sa mga sumusunod na talata, ano ang kahalagahan ng lokal na iglesya at ano ang mga ginagawa dito na mahalaga sa paglagong espiritual ng mga mananampalataya? Roma 12:4-8

Hebreo 10:24, 25

Efeso 4:11-13

Tularan Mo Ako 22

Sinaunang Kalakaran sa Bagong Tipan Basahin ang Gawa 2:40-47. Sa pagkarinig at pagtanggap sa mensahe ng Evangelio, anong apat na bagay ang ipinasyang gawin ng mga mananampalataya? 1.

2.

3.

4.

Paano mo ilalarawan ang samahan ng mga Cristiano sa sinaunang iglesya? Bakit mo nasabi?

Ayon sa iyong binasa, ano ang dapat makita sa kasalukuyang iglesya ni Cristo Jesus?

Tularan Mo Ako 23

Ang Katuruan ng Iglesya Binigyan ng Dios ang iglesya ng mga taong may iba’t ibang kagalingan upang sanayin ang mga Cristiano sa Salita ng Dios (Efeso 4:11, 12). Bilang mga Cristiano, dapat nating ilaan ang ating mga sarili upang matutunan ang mga ito. Subalit dapat din nating tiyakin na ang itinuturo ng mga pinuno ng iglesya ay ang Salita ng Dios. Binabalaan tayo ng Biblia na iwasan ang mga gurong mas tumatangkilik sa kanilang sariling kaalaman kaysa Kasulatan (2 Timoteo 2:16-18). Maghanap ng mga talata sa Biblia na tumutukoy sa mga sumusunod na paksa. Ayon sa mga talata, alamin kung ano ang mga katuruang dapat panghawakan ng isang iglesya. Ang Biblia

Dios

Cristo Jesus

Tularan Mo Ako 24

Kaligtasan

Ang Layunin ng Iglesya Ang iglesya ay hindi nananatili para lamang sa sarili nito. Ito ay di dapat maging abala sa pangsarili nito, bagkus ay para sa mga nasa kasalanan pa. Samantalang ang pakikipagkapatiran o fellowship, pagsamba at pagtuturo ay pawang mahahalagang salik ng buhay iglesya, ang mga ito ay para sa mas mabuting mithiin. Pinayagan tayo ng Dios na manatili sa lupa para sa isang dakilang layunin, at ito ay ang “gawing alagad ang mga bansa” (Mateo 28:19). Tayo ay nagpapalakas at nagsasanay sa loob ng iglesya upang maging mabisang saksi para kay Cristo Jesus sa labas. Ayon sa Mateo 28:19, 20, ano ang itinagubilin ni Cristo na gawin ng iglesya?

Ano ang pangakong ibinigay ng Panginoon sa hulihan ng Kanyang utos? Paano nito pinasisigla ang ating pagsunod?

Tularan Mo Ako 25

Ayon sa Gawa 1:8, ano ang iginawad ng Dios sa bawat mananampalataya upang maging mabisang saksi?

Ano dapat ang ating makita sa isang iglesya kaugnay nito?

Paghahanda Para sa Susunod na Aralin 1. Ako ba ay kaanib ng isang lokal na iglesya? Bakit o bakit hindi? Anong mga bagay ang dapat na Makita ko sa isang iglesya bago ako umanib dito? Tandaan: Dapat nating maunawaan na walang sakdal na lokal na iglesya. Maaari tayong makakita ng mga kakulangan kahit sa mabubuting iglesya. Sa halip na kasakdalan, ang dapat nating hanapin sa isang iglesya ay ang paglalaan nito sa sarili upang tupdin ang nilalaman ng Biblia. 2. Sagutan ang ika-15 aralin. 3. Isaulo ang Hebre0 10:24, 25.

Tularan Mo Ako 26

Ika-15 Aralin: Ano ang mga Katungkulan Ko Bilang Kaanib ng Iglesya?

Ang Iglesya, sa pagkakatakda ng Diyos, ay isang samahan na labis na kakaiba. Dahil ito ay pinalakas ng buhay at Espiritu ni Cristo, ang mga taong kabilang sa iglesya sampu ng paraan ng kanilang pamumuhay ay dapat magpatotoo sa kung ano ang kayang gawin ng kapangyarihan ng Dios. Sa nakalipas na aralin, nakita natin ang patotoong ito sa buhay ng sinaunang iglesya sa Bagong Tipan (Gawa 2:42-47). Wala silang magagarbong gusali, pormal na organisasyon at anumang mabusising programa, palabas o gimik. Isang bagay lamang: ang Espiritu ng Dios ay kumilos at nagpalakas sa kanila habang sila’y naging masunurin sa Panginoon sa pamamagitan ng pagkalinga sa isa’t isa. Ganito din ang dapat gawin ng makabagong iglesya! Sa ating aralin, matututunan natin ang ating mga katungkulan bilang mga kaanib ng lokal na iglesya. Ang Gawain ng Pagpapatibay 1. Pag-udyok sa Iba na Sundin ang Kalooban ng Dios Ang lahat ng mga Cristiano ay binigyan ng katungkulang ipahayag ang katotohanan sa pag-ibig upang tayo ay magsilaki (Efeso 4:15, 16).

Tularan Mo Ako 27

Ayon sa Hebreo 10:24, 25, ano ang tungkulin natin sa mga mananampalataya?

Ano ang ibig sabihin ng katagang udyok? Paano natin ito maisasabuhay?

2. Magdamayan sa Oras ng Pighati Ang pighati ay isang katotohanan ng buhay – lalo na sa mga Cristiano. Ang tungkulin ng Katawan ni Cristo ay makiramay o magpalubag loob ng mga nagdaramdam. Ayon sa 1 Corinto 12:26, ano ang dapat maging totoo sa iglesya? Paano natin ito dapat makita sa araw-araw na buhay?

1 Tesalonica 4:18; 5:11

Tularan Mo Ako 28

1 Pedro 3:8

3. Magbigay Upang Maabot Ang Mga Pangangailangan Sa katunayan, ang katagang fellowship ay nangangahulugan ng pagbibigay. Ito ay hinango mula sa katagang Griego na koinonia, na ang ibig sabihin, kapag isinalin, ay magkaroon ng pare-pareho. 1 Juan 3:16-18

Gawa 4:32-37

Ang Gawain ng Pagpapagaling Tungkulin natin na pagalingin ang mga bahagi ng katawan na nanghihina at may kapansanan. Ang may akda ng Hebreo ay nagsabing: “Kaya’t palakasin ninyo ang inyong lupaypay na katawan at tipunin ang nalalabi pang lakas. Lumakad kayo sa daang matuwid upang hindi tuluyang

Tularan Mo Ako 29

mapilay, kundi gumaling ang paang nalinsad” (Hebreo 12:12, 13; TPV). Mayroon tayong dalawang tungkulin kaugnay ng gawaing ito. 4. Mangaral Upang Manggising sa Katotohanan ng Suliranin Ito ang unang hakbang tungo sa kagalingan – ang pagpapakita sa isa na siya ay may suliranin. Ang taong ito ay hindi hahanap ng lunas hangga’t hindi niya natutuklasan na may kasalanang sumasagabal sa kanyang paglakad sa Dios. Sa Mateo 18:15-17, si Cristo Jesus ay nagbigay ng ilang mga patnubay ukol sa pakikitungo sa nagkakasalang mananampalataya.

5. Ipanumbalik sa Pagpapakita ng Daan Tungo sa Kagalingan Ang pagpapanumbalik ay ang ikalawang hakbang tungo sa kagalingan. Ito ay kinasasangkutan ng pagtulong sa tao upang madaig niya ang kasalanan matapos niyang kilalanin ang suliraning ito.

Tularan Mo Ako 30

Galacia 6:1

Ang Gawain ng Pagsupil 6. Ipagtanggol Laban sa Karumihang Moral at Theological Minsan, ang corruption o karumihan ay nagmumula sa labas (mga udyok na panglabas) tulad ng media o mga taong nasa labas ng iglesya. Sa ilang pagkakataon, ang corruption ay nagmumula sa loob (bagay sa loob ng iglesya) tulad ng isang kaanib na nagpapakita ng maling ehemplo. Anuman ang suliranin, tayo ay may tungkuling ipagtanggol ang kawan mula sa karumihang moral o theological. Ang pagpayag na magakaroon ito ng inpluwensiya sa iglesya ay magdudulot ng malaking pinsala. Hebreo 12:15, 16

Tularan Mo Ako 31

Basahin ang Pahayag 2:12-17. Ano ang malubhang kasanalanan na ginawa ng iglesya sa Pergamo? Ano ang mga hakbang na itinakda upang mabaligtad ito?

Huwag Kalilimutan. 7. Ang mga tungkuling ito ay isasakatuparan kalakip ng masigasig na pananalangin. Efeso 6:18

Higit sa anupaman, ang pamilya ng iglesya ay nangangailangan ng paglalaan ng bawat kaanib sa panalangin para sa mga gawain nito. Ito ay makatitiyak ng paglago ng iglesya at tagumpay ng iba’t ibang gawain nito. Paghahanda Para sa Susunod na Aralin

1. Sagutan ang ika-16 na aralin. 2. Isaulo ang Galacia 6:1.

Tularan Mo Ako 32

Ika-16 Aralin: Ano ang Bautismo at Comunion

Inutusan ng Panginoong Cristo Jesus ang Kanyang Iglesya na tupdin ang dalawang ordinansa o utos: ang Bautismo sa Tubig at Comunion o ang Hapunan ng Panginoon. Ang mga ito ay hindi lamang mga ritual, kundi mga gawain na may kahalagahang espiritual. Maraming mga tanong tungkol sa dalawang ordinansang ito. Isasaalang-alang natin ang mga ito sa araling ito gamit ang liwanag ng Kasulatan.

Ang Ordinansa ng Bautismo

1. Ang bautismo ba ay isang sacramento? Ang sacramento ay nangangahulugan, sa simula, na “isang panglabas at nakikitang tanda ng isang pangloob na biyayang espirtual”. Sa pakahulugang ito, ang sagot natin sa tanong ay “oo”. Subalit may mga grupo ng relihiyon na nagpapakahulugan dito ng iba. Ayon sa kanila, ang sacramento ay “paraan ng biyaya". Sa ibang salita, ang bautismo ay hindi lamang sumasalamin sa pangloob na biyaya ng kaligtasan, kundi siya mismong nakapagliligtas – ang paraan ng nakapagliligtas na biyaya. Sinasabi nila na ito ay isang mahalagang bahagi ng kaligtasan.

Tularan Mo Ako 33

Sa pakahulugang ito, ang sagot natin sa tanong ay “hindi”. Ito ay hindi sacramento. Ayon sa 1 Pedro 3:21, nakapagliligtas ba ang bautismo sa tubig? Bakit o bakit hindi?

Ayon sa Roma 3:28, paano inaaring ganap ang isang tao sa Dios?

Ang bautismo sa tubiG ay hindi nakapaglilinis ng kasalanan ng tao. Sa katunayan, itinuturo ng Biblia na ang tao ay dapat munang maligtas bago siya mabautismuhan (Gawa 8:36, 37). 2. Kung gayon, mahalaga ba ang bautismo sa tubig? Lubos na mahalaga! Inutusan ni Cristo Jesus ang lahat Niyang nagpapahayag na tagasunod na gawin ito. Ito ay isang mahalagang bahagi ng pagiging isang alagad ni Cristo. Ayon sa Mateo 28:18-20, ano ang tatlong bagay na kinakailangan sa paggawa ng alagad? a. b. k.

Tularan Mo Ako 34

Tingnan kung ang mga bagay na ito ay nahahayag din sa gawain ni Pedro (Gawa 2:40-42).

3. Ano ang kahalagahan ng bautismo sa tubig? Una, ito ay kumakatawan sa ating bautismo o pagkakakilanlan sa kamatayan, libing at pagkabuhay na maguli ni Cristo Jesus. Ang hindi nakikitang gawain ng Dios sa ating buhay ay itinatanghal sa bautismo sa tubig.

Rom. 6:3-6

Pangalawa, sa bautismo sa tubig natin naitatanghal ang ating pagkakakilanlan kay Cristo Jesus. Hindi tayo dapat mahiya na ihayag na si Cristo Jesus ang ating Panginoon!

Pangatlo, isinasagisag nito ang bautismo sa Espiritu, na nagdala sa atin tungo sa Katawan ni Cristo - universal na iglesya (1 Corinto 12:13). Binibigyan din tayo nito ng karapatan na maging kaanib ng lokal na iglesya.

4. Paano isasagawa ang bautismo sa tubig sa isang mananampalataya?

Ang katagang bautismo ay hango sa katagang Griego na baptidzo, na ang kahulugan ay “ilubog”. May mga grupo ng relihiyon na nagpipilit sa ibang anyo ng bautismo tulad ng buhos, wisik o pahid. Subalit ang wikang Griego ay may

Tularan Mo Ako 35

ibang kataga para sa mga ito, at hindi sila katulad ng bautismo. Comunion o Hapunan ng Panginoon 1. Ang Hapunan ng Panginoon ba ay isang sacramento? Para sa ibang grupo ng relihiyon, ang comunion ay isang sacramento (paraan ng kaligtasan). Halimbawa, itinuturing ng mga Romano Katoliko na ang Comunion (Banal na Hapunan) ay hindi lamang sumasagisag sa kamatayan ni Cristo Jesus kundi muling itinatanghal ang Kanyang paghihirap sa Calvario. Madalas ding tawaging walang dugong sakripisyo (misa), ang tinapay ay sinasabing nagiging katawan ni Jesus samantalang ang alak ay nagiging dugo ni Jesus. Ang “himalang” ito ay tinatawag na transubstantiation. Basahin ang Hebreo 9:24-26; 10:10-12, 18. Ayon sa mga talatang ito, ano ang masasabi mo tungkol sa pagkahandog ng katawan ni Cristo Jesus? Dapat ba itong ulitin? Bakit o bakit hindi?

Tularan Mo Ako 36

Nang sinabi ni Jesus (1 Corinto 11:24), “Ito ay Aking Katawan”, ang ibig sabihin ba Niya ay naging Katawan Niya ang tinapay? Bakit o bakit hindi? Iugnay ito sa Kanyang pangungusap na, "Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin."

2. Ano ang kahalagahan ng Hapunan ng Panginoon? Ang Hapunan ng Panginoon ay sumasagisag sa paghahandog ng Panginoong Cristo Jesus. Ang tinapay ay nagsisilbing nakikitang representasyon ng Kanyang Katawan, na nagdanas ng hirap para sa ating kaligtasan (Isaias 53:4,5). Sa kabilang banda, ang saro ay sumasagisag sa Kanyang dugo na tumulo para sa ating katubusan (1 Pedro 1:18, 19). Pagbabalik Tanaw: Isang pagkakataon para sa mga mananampalataya na alalahanin ang paghahandog ng Panginoong Cristo Jesus; na sa pamamagitan lamang ng Kanyang nagawa tayo naligtas, at hindi sa pamamagitan ng ating sariling pagpupunyagi. 1 Corinto 11:24, 25

Tularan Mo Ako 37

Pagsiyasat sa Sarili: Ito rin ay pagkakataon upang siyasatin natin ang ating espiritual na buhay at muli tayong maglaan ng ating mga sarili bilang mga tagasunod ng Panginoong Cristo Jesus. 1 Corinto 11:28

Pagtingin sa Hinaharap: Sa ating pagsali, tayo ay masigasig na umaasa sa Ikalawang Pagdating ng ating Panginoong Cristo Jesus. 1 Corinto 11:26

Paghahanda sa Susunod na Aralin

1. Maghanda para sa evangelismo at ikalawang pagsasanay. Ang mga manual ay ibibigay ng inyong mga group leaders.

2. Isaulo ang Gawa 2:42.